CHAPTER 27🌹

[JANICA]

Pagkababa namin sa ferris wheel pumunta kami sa restaurant na malapit dito sa carnival.

"Ready for some action!"masiglang sigaw niya.

"Yes!"sagot ko.

Inilapag ng waitress ang madaming pagkain sa harap namin.Tuwang-tuwa kaming dalawa.Bago kami kumain pinag-dikit muna namin ang aming mga kutsara.

"Fighting!"sabay naming sigaw sabay tumawa.

-
Pagkatapos naming kumain.Inabot sa akin ni Rafael ang isang kulay pink na paper bag(favorite color).

"A-ano ito?"tanong ko.Binuksan ko ang paper bag.

"O.M.G baby!Thank you!Thank you!I love you!"masayang pagsasalamat ko.

Isa itong scrap book na may picture naming dalawa.Tuwang-tuwa ako kase alam kong hindi naman siya artistic pagdating sa mga ganitong bagay.

"Nagustuhan mo?"takang tanong niya.Nagkibit balikat ako at nagpout siya.

"Syempre Oo!Ikaw may gawa e..ang ganda kaya"nakangiting sagot ko.

"Weh!Hindi nga oy!Janica wag mo naman akong pagtripan"tumatawang sabi nito.

"Ay!Kakulit sisipain kita diyan ay!Makita mo!"banta ko sa kanya habang tumatawa.Umupo ito sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit sinuklian ko ito ng masmahigpit.

"Ako din meron din akong gift sayo!"ika ko.Kinapa ko ang gilid ko pero parang nakalimutan ko ata sa kotse.

"Uhm...Rafael kukuhanin ko lang ang gift ko sayo sa kotse ha...Naiwan ko kase"paliwanag ko.Tumayo ako at naglakad patungo sa lugar kung saan napark ang kotse.

Nangmakalayo na ako may iisang babae akong nakabangga maganda,matangkad at maayos ang porma niya.Pero mukhang maldita.

"Aray!Hindi ka ba nagiisip gaga ka!"sigaw na sabi ng babaeng nakabangaan ko.

"Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo e!"iritang tugon ko sa kanya.NagFlip Hair ako saka lumakad.

"Wag mo akong kakausapin ng ganyan babae!"ika nito at hinablot ang buhok ko.

"Alam mo ba nagmamagandang loob na mga ako sayo hindi na nga kita pinapatulan tapos hahablotin mo ng ganyan ang napaka ganda kong buhok!"iritang sabi ko at hinablot ko din ang buhok niya.

"Aray ko tama na!"sigaw niya.
Binitawan ko ang buhok niya.

"Dapat kase hindi mo na hinablot ang buhok ko edi sana hindi na ako gumanti sayo"nakangising sabi ko.Tinulak ko siya at iniwang nakasubsob sa lupa.

[RAFAEL]

Nakangiti ako habang hinihintay ang pagbalik ni Janica.

"Rafael!!!"nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin.

"Queeny?"gulat na sabi ko.

Queeny is my past girlfriend keme for short Ex.

"I miss you babe!"sigaw nito at niyakap ako.

"Bago mo ako yakapin sana tanungin mo rin ako kung namiss kita"sarkastikong wika ko.

Hindi ito bumitaw sa pagkayakap sa akin.

"Lumayo ka nga!"iritang sabi ko at tinulak ko siya papalyo

"I still love you!"ika niya.Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako.

[JANICA]

"Haysh!"napabuntong hininga ako ng makita ko ang box na may laman na regalo ko para kay Rafael.

"Sana magustahan niya ito"masayang sabi ko.Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng restaurant.Nalaglag ang panga ko sa nakita ko.

Nakita ko ang mga labi nilang nakalapat sa isa't-isa.Nabagsak ko ang box na bitbit ko at nabasag ang laman nitong picture frame.

"Rafael?"maluha-luhang sabi ko.Itinulak niya ang babae atsaka tumingin sa akin.

"Janica mali ang akala mo"pagpapaliwanag niya.

"No!Nakipagbalikan na sa akin si Rafael and you,you should run away from here!"sigaw ng babaeng nakabangga ko kanina.Who is she sino siya?

"Janica!Hindi totoo yun"pagsasalungat ni Rafael.Ginulo ko ang buhok ko.

"It's over!"sigaw ko.Ang mga paa ko ay kusang lumakad papalayo sa kanila.Pinilit kong hindi isipin ang nakita ko.

Bawat hakbang ko papalayo ay pabigat na pabigat gusto ko siyang balikan at yakapin pero hindi ko magawa masyadong masakit ang dib-dib ko.

"Janica!Hintayin mo ako!"sigaw ni rafael.Hindi ko siya pinansin at diretso pa rin ako sa paglalakad habang humahagulgol.

Maslalong bumuhos ang luha ko ng yakapin niya ako para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Ano ba!Bitawan mo ako!"sigaw ko habang tinatanggal ang kamay niya.

"Hindi kita bibitawan!"ika niya.

"Sa tingin mo ba magkakaayos tayo sa payakap-yakap mo?At sa tingin mo ba magkakaayos tayo sa ganito-ganito lang!?"iritang tanong ko.Binitawan niya ako.

"Hayaan mo muna ako"bulong ko ng hindi tumitingin sa kanya.Pumara ako ng taxi at sumakay.

[RAFAEL]

Tuluyan ko na nga siyang bitawan mula sa pagkayakap.Tinalikuran niya ako agad siyang lumakad at pumara ng taxi.Gusto ko siyang pigilan pero sa papaanong paraan naman.

May humawak sa balikat ko.Tinignan ko ito.

"Ano?!Queeny masaya ka na ba!Na may nasira ka!?"humahagulgol na sabi ko ng nakayukom ang mga kamao.

"You're so weak Rafa!Bakit mo naman kailangang iyakan iyong babae na iyon?Nandito naman ako at marami pang babae diyan na masmaganda kesa sa kanya."nakangising sabi niya.Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal.

"Wala kang karapatang ihalintulad sayo si Janica hindi mo siya kagaya na iiwan ako at hindi rin siya gaya ng mga babaeng mababa gaya mo!"gigil na sabi ko habang dinuduro siya.

Humalakhak ito na parang hindi man lang nasaktan sa mga sinasabe ko.

"O.M.G!Saan mo naman natutunan yang cheap mong pananalita siguro kay Janica no....Haysh!Kawawa ka talaga Rafa tatanga-tanga ka kase sabi ng nandito lang nga ako malay mo maging mas masaya ka kapag ako ang makatuluyan mo"tumatawang sabi niya.Pinunasan ko ang mga luha ko at nginisian siya.

"Mas masaya nga"mahinahong sabi ko habang inilalapit ko ang mukha ko sa kanya."Mas masaya nga kung mawawala ka na"cold na sabi ko at hinampas ang bibig niyang nakanguso.Naglakad ako papunta sa kotse ko at pinaandar ito.

Dumaan ako sa bahay nila Janica.Gusto kong tumawag kaso natatakot ako natatakot ako na baka maslalo pang tumindi ang pagaaway namin kung gagawin ko iyon siguro nga masmabuti pa kung magpahinga muna kaming dalawa.

Mamimiss ko ang pagsigaw niya sa akin.

Mamimiss ko ang mga halik niya sa akin.

Mamimiss ko ang pagmamahal at pagaaruga na ipinadama niya sa akin.

Mamimiss ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Mamimiss ko si Janica Heartuez

•TO BE CONTINUED •

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top