CHAPTER 26🌹

[SAMANTHA]

"QUEENY!!!WELCOME BACK SISSY!"Bati ko kay Queeny my Bestfriend.

"Yes!Im finally back!"nakasmirk na sabi niya.

"Kamusta ang states?"tanong ko.

"Kuhanin mo nga ang maleta ko ang bigat e!"utos nito sa driver ko.

"By the way maayos lang naman sa states kaysa dito sa pinas.Hindi naman kase talaga ako dapat uuwi dito kung hindi dahil sa kanya."tugon niya.

"Mahal mo pa ba siya sissy?"tanong ko.

"Of course yes!Madami akong lalakeng sinubukang mahalin sa states but iba pa din siya."nakangiting sagot niya.

"Hayst!Minahal ko din siya e..."nakapout na sabi ko.

"Hahahaha sissy your so flirty hah!"natatawang sabi niya.

"Pfftt!Kaya nga lang kita pinauwi dito para sirain sila noh...Para mapunta siya sa akin!"iritang sabi ko.

"O.My.God sissy your so mean
and nasty little evil hahahaha"she laughs like a demon.

"I'm so desperate for his love!"sigaw ko.

"I think so..."tumatawang sabi niya.Inirapan ko siya at tumingin sa bintana.

[JANICA]

Sayang lang at wala sila mama edi sana may bobola sa akin na napaka ganda ko.Si papa na magtatampo at ngunguso.

Maaga ako gumising para hindi niya ako maabutang nagb-beuty rest.Sinuot ko ang black plain dress ko.Inayos ko ang buhok ko at itinintras ito.Naglagay ako ng unting blush on at liptint para hindi ako magmukhang bangkay charroottt!

Paglabas ko ng kwarto agad ko itong kinandado.Nakita ko sa labas ang kotse ni Rafael pinagtataka ko bakit hindi siya tumawag.Nilock ko ang gate wala kase sila yaya sinama nila mama kainis nga e...Ako pa talaga ang walang kasama sa bahay abay ang galing.

Lumapit ako sa kotse aktong bubuksan ko na sana ang pintuan nito ng biglang may sumigaw mula sa loob ng bahay.

Napaisip ako kung ano bang na iwan ko pero wala naman akong naiwan pero kung meron man ay alam kong hindi iyon sisigaw noh...Haysh!Baka nagh-hallucinate lang ako kumain naman ako.

Nilingon ko muli ang bahay.Nagulat ako ng makita ko si Rafael na nasa bintana ng bahay.Natawa ako bigla at dali-daling binuksan ang gate pati na rin ang pinto ng bahay.Nakakaloka talaga itong lalakeng ito.

"Ano ka bang lalake ka bakit nasa loob ka pala bakit hindi mo agad sinasabi sa akin?"tumatawang tanong ko.Sira ulo talaga itong lalakeng ito..

"Haish!Pumasok kase ako kase nga nauuhaw ako e...hindi ko naman kase napansing nakalabas ka na pala"paliwanag niya.Hindi na ako nakapag-salita dahil sa kakatawa ko.

"O!Sya!Halika na nga baka gabihin na tayo!"iritang sabi nito.Pinalupot ko ang kamay ko sa braso niya at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Happy monthsary baby!Pangako hindi kita sisigawan ngayon"bati ko sa kanya na palambing.

"Happy monthsary din baby!"malambing na bati niya.

Pinagbuksan ako ni Rafael ng pinto gaya ng lagi niyang ginagawa sa akin.Kinikilig ako!!!!

"Uhm...Baby?"tawag niya sa akin.Tinignan ko siya at nginitian.

"Bakit baby?"tanong ko.

"Pwede ba kitang piringan?"tanong nito.Natawa naman ako.

"Ano ba kase ang gagawin o saan ba tayo talaga pupunta?"tanong ko.

"Ppfftt!Baby naman surprise yun maghintay ka lang sasabihin ko sayo"seryosong sagot niya sa akin habang nagmamaneho.

"Osige na nga"sagot ko.Inihinto niya sa isang tabi ang kotse at piniringan na ako.

"Bakit ba kase may papiring-piring pa?"tanong ko.

"Eeiii...Basta surprise"tumatawang sabi niya.
Naramdaman ko ang muling pagandar ng kotse.

Wala akong makita grabe talaga!Pwede namang pumikit di'ba?

-
Nang matapos ang ilang oras huminto muli ang kotse.

"T-teka Rafael anong  nangyari?"tanong ko.Nagulat ako ng bigla kong naramdaman na may nagbukas ng pinto.

"We're here baby"ika nito habang inalalalayan ako sa pagbaba.

"Grabe parang ang layo ata nito?"takang tanong ko.Narinig ko ang paghalakhak niya.Sira ulo talaga ito.

"Hindi mo ba alam na nasa korea na tayo?"tumatawang tanong niya.Habang inaakay ako sa paglakad.

"Sira ulo!Bilis naman ata non.Ano yun nagteleport tayo?"sarkastikong sabi ko.Hindi na ito nakapagsalita dahil sa kakatawa.

"Wala ka talagang fashion sense no?"tumatawang tanong niya.

"Huh?"tanong ko.

Medyo malayo-layo ang nilalakad namin ang tanga din naman nito alam niya palang malayo pinababa pa ako sa kotse.

"Ang ganda sana ng dress mo kaso yung converse talaga yung sumira e...Hahahaha"pangaasar niya.

"Iwan mo na nga ako bwiset ka!"iritang sigaw ko.

"Ay!Paginiwan kita baka mahulog ka sa bangin"serysong sabi niya.Maniniwala ba ako o hindi?

"Joke lang ikaw naman hindi ka mabiro!"humawak ako sa kamay niya ng mahigpit.

"Ay!Shit!Janica mahuhulog ka na sa bangin!"ika niya.

"Oy!Rafael anong gagawin ko?!"natatarantang sigaw ko.

"Ito na!Kumapit ka lang sa akin"ika pa niya.

"Rafael bakit ba kase naisipan mo pang makipag date sa akin sa bangin ha?"tanong ko.

"Malapit na tayo!"sigaw niya.

Tinanggal niya ang piring sa mga mata ko.Sinapak ko siya ng makita ko kung saan niya ako dinala.

"What the hell!Mr.Real may pabangin-bangin ka pang nalalaman eh!Nasa Carnival pala tayo nakakainis ka bwisit!"gigil na sabi ko at tinalikuran siya gusto ko sanang layuan siya pero ngayon ko lang napansin na nakasakay pala kami sa ferris wheel.

"Hahaha sorry baby!Happy 3rd monthsary baby.Thank you sa pagmamahal mo at sa pagtanggap sa mga flaws ko pati na rin sa pagkukulang ko.Maraming salamat baby"niyakap niya ako at hinalikan ako sa noo.

"Happy 3rd monthsary din baby salamat sa pasensya na ibinigay mo sa akin kahit na sinisigawan kita o minsan ay nabubulyawan kita.Sorry sa mga kasalanang nagawa ko sayo pasensya na sa mga pagkukulang ko.Im so sorry baby i love you"bulong ko at niyakap niya.Narinig ko ang sniff niya.O.M.G umiiyak siya.Hinarap ko siya sa akin at pinunasan ko ang mga luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"Maraming salamat baby"niyakap niya muli ako sa pangalawang pagkakataon.Ginulo ko ang buhok niya.

"I love you baby"bulong ko sa taenga niya.

"I love you too baby"bulong niya.

Sa mga oras na ito parang wala akong ibang nakikita kundi siya lang at parang lahat ng mga letrang binabanggit niya ay musika sa aking taenga.
Isang kaaya-ayang musika.

Isang musikang ayoko ng hangganan.

Isang musikang walang kapantay.

Isang musikang gugustuhin kong pakinggan habang buhay.

Ayoko ng tapusin pa ang mga oras na ito.Gusto kong pahintuin ang oras para ganito kami palagi.

"I love you baby"malambing na sabi ko.

"I love you too baby ko"malambing na bulong niya sa taenga ko.

•TO BE CONTINUED•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top