CHAPTER 21🌹

                     [JANICA]
"J-janica bakit anong problema?"nagaalalang tanong ni Rafael.

"E...Kase ano basta doon na tayo magusap sa loob"hinila ko siya papasok.

"Uhm...Tita mauna na po kayong kumain"ani ko.

"Bakit?"tanong nito.

"May paguusapan po muna kami ni Rafa"sagot ko at binigyan sila ng pekeng ngiti.Hinila ko sa kwarto ko si Rafael.

"Ehem!Rara!"biro niya.Tinignan ko siya ng seryoso.

"Seryoso ako!"mahinang sigaw ko(Wala kayong pake!)

"Jaja ano ba kase iyon? pinakakaba mo naman ako e"iritang sambit niya habang ginugulo ang kanyang buhok.

"Hindi ko nga kase kayang sabihin sayo e"gulong-gulong sagot ko.

"Ano nga kase?"tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"Ayoko baka kase magalit ka"mahinahong sagot ko.Napabuntong hininga naman siya.

"Bakit?Makikipag hiwalay ka na ba sa akin?!Sana kanina mo pa sinabe para naman nakapag handa ako para sa minutesary natin alam mo bang wala pa tayong oras"tumingin ito sa wrist watch niya"Oh!E!Ano naman kung isang oras na palang tayo!Janica please naman wag!Wag mo akong iwan!Gagawin ko ang lahat para sayo kaya sana please!Dito ka lang jaja"nagwala ito na parang bata.

"Huh?!Napaka OA mo talaga nakakairita!Ikaw nga muna yung uminahon at makinig sa sasabihin ko ha...Kainis'to!"iritang utos ko sa kanya.Pumunta siya sa couch sa kawarto ko at umupo sa sulok nito na animo'y  inaaping bata.

"Gusto ko lang naman kaseng sabihin sayo yung pinapasabi ni Mama."napatigil ako ng maalala ang sinabe ni Mama kanina.

~÷~FLASH BACK~÷~

Sinagot ko ang tawag ni Mama.

“Ma???Merry Christmas!"maligayang bati ko kay mama.

"Merry Christmas din anak kong dalaga na!Hahaha nak sabi sa akin ni Tita Hyunsoo mo at ni Tito Dexter mo ay kayo na daw ng panganay nilang anak totoo ba iyon!Ayyyiiieee!First Boyfriend!Sabihin mo sa kanya wag ka niyang sasaktan ha..."pang-aasar ni Mama sa akin.

"Opo ma kami na nga po?"may pagaalinlangan kong sagot.

"Congrats anak!Taken ka na sa wakas!Ang galeng-galeng yyiiihhhiiieee!Hahahaha---"pangiinis sa akin ni Papa.

"S-salamat P-po Ma at Pa"binaba ko ang linya ng telepono.

~÷~END OF FLASHBACK~÷~

"Jaja ano ba kase yun kinakabahan ako e!"alalang sambit niya.

"Wag mo daw ako sasaktan"nakayukong ika ko.

"Ppffttt!Ayun ba?!Humarap ka nga sa akin"utos niya sa akin at itinaas ang mukha ko."Maniwala ka sa akin hindi kita sasaktan at hindi ako papayag na masaktan ka mahal kase kita"ika niya at aktong hahalikan ako pero agad kong hinampas ang nguso niya.

"Ppssshhh!Hindi ka naman seryoso e!"iritang sabi ko.

"Aray!Anong hindi oo kaya!"sigaw niya.

"Galit ka!?Galit ka!?Sige magbreak na tayo nagagalit ka pala e!"inis na sigaw ko.

"Oy...Hindi naman kaya ako sumisigaw ito naman parang napalakas lang ang boses ko e..."nakapout sabi niya inawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.Tumingin ako sa kanya at nginitian niya lamang ako

"Jaja tandaan mo'to maga-away lang tayo pero hindi tayo maghihiwalay seryoso"ika niya binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti."Shocks!Wag mo aking ngitian kinikilig tuloy ako"dugtong pa niya habang namumula ang pisngi at ang taenga niya.

"Halika nga dito!"hinila ko siya at hinalikan siya sa pisngi.Tinignan niya ako na parang gulat na gulat siya.Hinawakan ko ang kamay."Mamaya ka na magulat kumain muna tayo nagugutom na ako e!"nakangiting sabi ko saka hinila siya.

"Alam mo ba?Tapos na ang noche buena hindi pa tayo kumakain"natatawang sabi ko pero walang nagsalitang rafael siguro tulala ito.

Sa totoo lang hindi pa talaga kami nakakakain ng noche buena.

"Oh!Tita bakit hindi pa po kayo kumakain?"gulat na tanong ko sa kanila dahil lahat sila ay nakatingin sa amin ni Rafa.

"Hinintay namin kayo para sabay na sabay na tayo"sagot ni Tita Hyunsoo.

"Nag-abala pa po kayo Tita tara po kain na tayo"umupo ako sa tapat ni Venice.

"K-kuya bakit parang lutang ka ata diyan?"tanong ni Venice habang nakatingin kay Rafael.Tumingin naman ako kay Rafael na nakatulala sa isang tabi.

"Rara upo ka dito sa tabi ko"nakangiting sabi ko kay Rafael.Tumingin ito sa akin at umupo agad sa tabi ko.

"Anak anong nangyayari sayo?"tanong ni Tito Dexter.

"Pa!Ma!Venice!Inlove na ako kay Janica!"sigaw ni Rafael.Nanlaki ang mga mata ko.

"Shhh...Wag ka ngang maingay!Pasensya na Janica hindi ko alam sa anak ko kung bakit yan nagkakaganyan"natatawang sabi ni Tita Hyunsoo.Nakitawa naman ako sa kanila kahit si Rafa ay tawang-tawa na din sa sarili niya.Haysh!Sira talaga itong lalakeng ito.

"First time lang talagang naging ganyan si Kuya"natatawang sabi ni Venice.

"Haysh....Kumain na tayo"aya ni Tito Dexter.

-
Pagkatapos naming kumain sinabihan ko sila Tita at Tito na sa Master's Bedroom nalang sila matulog tutal dalawa naman yun e...

Nasa sala kami ni Rafa hindi daw kase siya naantok ganon din ako kaya sinamahan ko siya pra nga kaming tanga dito animo'y para may palabas sa kisame dahil doon kami nakatulala.

"Hindi ka pa ba naantok?"tanong niya sa akin.

"Hindi pa bakit?"balik na tanong ko sa kanya.

"Owss...Hindi nga tignan mo nga yang mata mo ang pupungay na"tumatawang sabi niya hinampas ko siya.Inilagay niya ang ulo sa dib dib niya.

"Matulog ka na"ika niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ikaw ba hindi pa?"tanong ko.Umiling-iling siya.

"Babantayan muna kita"seryosong sagot niya.

"Paano ba yan ayaw ko pang matulog e..."sabi ko.

"Tara!"ika niya at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Saan naman tayo pupunta?"tanong ko sa kanya.

"Pupunta tayo sa better place para makatulog"sagot niya.Inabot ko sa kanya ang kamay ko at agad niya itong kinuha.Hinila niya ako patungo sa kotse niya.

[RAFAEL]

Habang nagmamaneho ako ay hawak-hawak ko ang kamay ni Janica ayoko naman kaseng bitawan siya.Nakatingin siya sa bintana ng nakangiti.Sana lagi ko siyang makikitang nakangiti.Pagdating namin sa Beach.Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Jaja andito na tayo!"masiglang sabi ko.

"I miss this place"masayang sambit niya.Agad niyang hinubad ang sandals niya sabay tumakbo doon sa dalampasigan.Hinabol ko naman siya.Ang bilis niyang tumakbo.

"Naalala ko pa dito ako natutong tumawa kahit na nasasaktan"tumatawang sabi niya."At naalala ko pa noong unang bumilis ang tibok ang puso ko ng dahil sayo"sabi niya at tumingin sa akin.Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga magagandang mata.Shit!Nanghihina ako.

"T-talaga?"tanong ko.Niyakap niya ako.Grabe parang drugs ang yakap niya.

"Oo matagal ko ng nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko pero ang lahat ng yun ay ginagawa ko para ikagalit sayo kahit na wala kang ginagawa"bulong niya sa taenga ko hinawakan ko ang mukha niya ng biglang.....

•TO BE CONTINUED•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top