CHAPTER 19🌹
[JANICA]
"Uy!Uminom ka muna!"sigaw niya sa akin habang naghahalo ako ng ginawa niyang sauce sa spaghetti.
"Mamaya na"sagot ko.
Kung tinatanong niyo kung ano ang okasyon kaya nagluluto kami!Excuse me dusperas na ng pasko.
"Ako na diyan!May ipapagawa nalang akong iba sayo."agad niyang inagaw sa akin ang sandok.
"Ppsshhh!"ibinigay ko sa kanya ang sandok at pumwesto sa lamesa.
"Hindi kase bagay sayo ang naghahalo."tumatawang biro niya.Tinaasan ko nalang siya ng kilay.
"Nakakainis kung alam mo lang kung bakit ako umiiyak!Huwes lahat ng ito ay dahil sayo!Bakit ba kase ako pa ako pa nakatadhanang gumawa sa iyo nito kahit ayaw ko!Nakakagigil nakakabwisit!Hindi ko kayang makita kang ganyan."umiiyak na sambit ko.
"Jusko!Napaka drama mo!Naghihiwa ka lang ng sibuyas diyan!Kung maka emote ka diyan akala mo totoo pppffttt!Hahahahaha"tumatawang pang-aasar niya sa akin.
"Hahaha ikaw kaya ang hiwain ko diyan!"naiinis na sabi ko.
"Joke lang peace tayo!"nagpeace sign naman siya.Umirap nalang ako sa ere kainis.
"Eto namang bibi ko nagagalit"malambing na sabi niya.Tumayo ang malahibo ng maramdaman ang mga kamay niya sa balikat ko.Nanginig ako ng maalala na nakatopless nga pala siya.Nalailaglag ko ang kustilyong hawak ko.
"H--oy!"nauutal na saway ko sa kanya at itinabig ang kanyang kamay.
Susmaryosep!Puso ko kumapit ka lang wag kang bibitiw bigla.
"Gusto mo bang gilitan kita ng leeg tapos ilagay ko sa nilaga na iluluto ko!"pagbabanta ko sa kanya.Lumayo naman siya sa akin ng tumatawa.
Ano bang trip nitong lalakeng ito.
"Bibi tikman mo ito"nakangiting sambit niya habang sinubo sa akin ang mainit na sauce halos mailuwa ko na ito sa mukha niya dahil sa sobrang init.
"Bibi?Mainit ba?"nagaalalang tanong niya.Sinampal ko naman siya pero tawa siya ng tawa.
"G*go bakit hindi mo naman hinipan"iritang sabi ko sa kanya.
"Bakit kase hindi mo sinabe bibi?"tanong niya sa akin.
"Paano ko pa sasabihin sayo e!Isinubo na sa akin ang kutsara!"gigil na sagot ko.
"Haist!Okay!Okay!Ibaba mo na yang kutsilyo at wag mong itapat sa mukha ko"pangaasar niya.
Itinuloy ko ang paghihiwa ng sibuyas.
-
Gabi na kami natapos magluto at lahat ng niluto namin ay nasa lamesa na at nakahanda.Samantalang kaming dalawa ay nakahilata pa take note hindi pa kami naliligo so it means amoy pa kaming bawang at sibuyas.
"Kabanas!"bumalikwas ako sa couch ng sumigaw si Rafael.
"Huh?!"tinignan ko siya habang palakad-lakad tila hindi siya mapakali.
"Nakakainis!Kailangan ko palang umalis may emergency e!"nagmadali siya umakyat sa kwarto at nagpalit ng damit.
"Oy!Iiwan mo ako?"malungkot na tanong ko.
"I'm sorry hindi kita masasamahan mamaya"malungkot na sagot niya.
"Ay!Iyon?Wala yun hahaha kaya ko namang mag noche buena na mag-isa"sarkastikong sambit sa kanya with a fake smile in my lips.
"Ok!By the way merry christmas!"nakangiting pagpapaalam niya.Kumaway nalang ako at ngumiti ng pilit.
Paglabas namin sa gate kumaway muna siya bago sumakay sa kotse niya.Kumaway din ko.Nilock ko muna ang gate bago pumasok sa loob at isinarado ko ang pinto.
"Haysh!Ang saya ng magiging pasko ko!Wala akong kasama.I'm so happy whooo!"kasabay ng pagsigaw ko ang pagbagsak ng luha ko.This is my first time.First time kong magpasko ng magisa.Ang masaklap lang ay ni matawagan lang ko ay hindi nila magawa kaya nakakapagtampo.
Umupo sa harap ng mesa tinitignan ko ang mga handa.Sa tingin ko ipapamigay ko nalang ang mga matitira sa mga batang nasa lansangan ok na yung magisa ako kumain ng hinanda ko este namin basta ang mahalaga ay makakapagbigay ako ng tulong sa mga nangangailangan.
-
Ilang minuto nalang pasko na!Magpapasko ako ng magisa grabe ang saya saya ko....Oo sobra masaya talaga ako huehuehue
ㅜㅡㅜ
Yung ibang tao nagbibilang na sa pagdating ng pasko habang ako heto nagbibilang ng mga huhugasan ko matapos naming magluto kanina tinambak pa sa akin.Pinupunasan ko nalang ang mga gamit na nahugasan ko bawat mga kutsara pinupunasan ko ay sumasabay sa countdown.
5.....
4....
3...
2..
1.
"Shheeetttt!"nalaglag ang natitirang kutsara na hindi ko pa napupunasan.May dalawang tinidor at may dalawa pang kutsara.Ang sabi-sabi may bisita daw na darating kapag may nalaglag na kutsara at tinidor.PPPSSSHHHH...ASA!!!
Halos mailaglag ko na ang mga plato na ibabalik ko sa lalagyan ng bigla kaseng may pumasok sa pinto.Unang iniluwal ng pinto ang isang gwapong lalake may edad na ito pero ang pogi.Sunod naman ay isang magandang babae mukha siyang koreana gaya ng lalake may edad na din ito magkahawak silang dalawa ng kamay(ang sweet~).Sunod naman ay yung babaeng nakita ko sa supermarket yung babaeng maganda at cute.Ang huli naman ay si Rafael na nakangiti.
"Merry Christmas!Janica!"bati nila sa akin na may kasamang matatamis na ngiti.Sinuklian ko din sila ng ngiti gaya ng ibinigay nila sa akin.
"Janica!This is my family sinama ko sila kase gusto ka daw nilang makasama at makilala"nakangiting sabi ni Rafa.
"Hi Janica ako pala ang mama ni Rafa or you can call me Tita Hyunsoo"nakangiting pagpapakilala sa akin ni Tita Hyunsoo at nakipagbeso-beso sa akin.
"Nice to meet you po Tita Hyunsoo"magalang na sabi ko.
"Hello nica!Nica nalang ang itatawag ko sayo ha...Im Rafael's Dad you can call me Tito Dexter or Papa if you want hahahaha"biro ni Tito Dexter at niyakap ako.
B-bakit ganito ang feeling ko feeling ko napaka komportable na ako sa kanila kahit na kakameet lang namin.
"Papa!"suway ni Rafael.Tumawa naman kaming lahat.
"Hehe nice to meet you po Tito Dexter"nakangiting sabi ko.
"Hello ate janica.Uhm...No gusto ko talagang itawag sayo ang ate ganda dahil ang ganda niyo po talaga.By the way ate ganda I'm Venice kuya Rafael's younger sister you can call me Veve ate ganda mas type ko yun hehehe!"nakangiting pagpapakilala niya at niyakap ako.
"Nice to meet you Veve"nakangiting sabi ko.
"Ako naman po si Janica Heartuez unica ija ng Heartuez family"pagpapakilala ko saka yumuko.
"Oh...So you are the only child of my friend"tumatangong sabi ni Tito Dexter.
"F-friend?"takang tanong ko.
"Yes!Manuel Heartuez right?Hahaha halata naman sa unang kita ko palang sayo halata na ang ngiti mo magkaparehong-magkapareho kase kayo ng daddy mong ngumiti."tumatawang sabi ni Tito Dexter.
"Friend po kayo ni Papa?"takang tanong ko.
"Yes!"masiglang sagot nito.
Tumingin ako kay Rafael at Venica na kanina pa nagbubulungan.
"By the way maupo po kayo at mag feel at home dito magbihihis lang po muna ako"nakangiting pagpapaalam ko.
"Yes!Maliligo na siya!"masiglang sigaw ni Rafa.Tinignan ko siya ng masama.
"E?Ikaw ba Rafa naligo ka na?"nakangising biro ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya umakyat nalang ako sa kwarto ko habang naririnig ang tawanan nila.
•TO BE CONTINUED•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top