CHAPTER 18🌹

[JANICA]

Next day........
Naginat ako halos mapatili ako ng makita si Rafa na natutulog sa tabi ko.

"Good morning!"bati niya.

"Bakit nandito ka?"tanong ko.

"E!Kase natakot ako doon sa pinanood nating movie kagabi hindi nga ako makatulog ay"pagpapakiwanag niya habang nagkakamot ng magulo niyang buhok.

"Bakit sa tabi ko pa?"iritang tanong ko.

"Syempre kaysa naman sa baba edi gusto mong hilahin ako ng multo sa ilalim ng kama mo at kainin ako doon!Anong gagawin mo kapag tinanong ka ng mga parents ko kung nasaan ako.Anong isasagot mo???"halo-halong emosyong sambit niya.

"Isasagot ko?Napaka OA naman po kase niyang anak niyo."sagot ko sa kanya.

"Mag-ayos ka na aalis tayo!"pagmamadali niya sa akin.

"T-teka?Saan tayo pupunta?"takang tanong ko.

"Sa langit"biro niya.Tumawa naman ako ng may kaakwardan.

Pagpasok ko sa Cr narinig ko din ang paglabas niya.
-
Pagkatapos kong maligo at magbihis dali-dali akong bumaba sa kusina dahil nakaamoy ako ng masarap.

"Ano?Y-yaan!"napatili ako at napatakip sa aking mga mata.

O.M.G!!!S-si R-rafa n-naka topless!!!Omaygad!Omaygad!Pigilan ko ang sarili ko baka ika heart attack ko ito.

"Uy!Laway mo"sambit niya.

"W-what!Oy!Wag kang mag assume na dahil diyan sa abs mo kaya ako naglalaway a!"tanggi ko.

"Wag assuming talaga ba!?May sinabe ba akong dahil sa abs ko!Assuming'to manyak pa"pangiinis niya.

"TSE!"
-
Nang makarating na kami ni Rafa sa mall na malapit sa amin pumunta kami sa super market para mamili ng lulutuin daw niya este namin sa noche buena.

Habang namimili siya ng gagamitin sa lulutuin namin at ako ito tumitingin ng tinapay may kumuha sa hawak ko.

"Uhm...Ate sayo po ba ito?"tanong ng dalagang babae ang ganda niya ang cute grabe!

"H-hindi kukuhanin mo ba?"marahang tanong ko.

"Talaga po?!Ay super thank you po ate!Kung alam mo lang na sobra kong namiss at hinanap itong tinapay na ito"masayang pagpapasalamat niya.

"Hehe wala lang yun"nakangiting sabi ko.

"Ang ganda mo po!Artista ka po ba?"manghang tanong niya.

"Uhm...A-ako?"gulat na tanong ko.

"Oo ate ano pong pangalan mo???"tanong niya.

"Janica halika nga dito!"tawag sa akin ni Rafa.

"I-im so sorry una na ako ha...Tinatawag na kase ako ng kaibigan ko.Merry Christmas!"pagpapaalam ko sa kanya saka lumapit sa bugok na tawag ng tawag.

"Oh!Bakit?!"tanong ko.

"Dito ka lang kung saan-saan ka naman nagpupunta kapag ikaw nawala nako wala akong ipapalit sayo binata pa ako"natatawang biro ni Rafa habang namimili ng pangsahog.

"Tsk!Ano ako bata!?"sigaw ko sa kanya.

"Hey!Rafael!"napalingon naman kaming dalawa ni Rafael sa babaemg tumawag sa kanya.

"Diana?"gulat na sabi ni Rafael.

Ipapakilala ko lang sa inyo si Diana Villaruel ang famous na Queen bee ng School namin na may gusto kay Rafael.

"Nagulat ka ata?hahahahaha sinong kasama mo?"nagawa pang tumawa ni diana.

"Si Janica lang naman at wala kang pakealam"cold na sagot ni Rafael.Hinila niya ako at inakbayan.

"Yuck this ugly girl alam mo sa lahat lahat ng magiging kasama mo dapat ako lang!"nakasimangot na bulyaw ni diana at nagwalkout.

"Ay nagwalkout ang suplada"natatawang sabi ko.

"Never Mind tara na nga!"hinila niya ako sa papunta sa cashier.

"Hi!Janica"bati sa akin ni Tristan.

"H-hello???"takang bati ko sa kanya.Bakit siya nandito?

"Tsk!Wag ka ngang makipag-usap sa kung sino-sino!"sermon ni Rafael.Sino-sino???

"Hoy!Hindi ako kung sino-sino!"bulyaw ni Tristan.

"Affected ka naman!"sigaw niya.

"Ppppeeeeeeeeeeeppppp!!!Time Out!Pwede ba kayong manahimik nasa public po tayo wala tayo sa private!"bawal ko sa dalawa kaya nanahimik sila.

Pagkatapos naming bayaran ang pinamili namin naglakad na kami patungo sa parking lot.

"Sa akin siya sasakay!"hila sa akin ni Tristan.

"Hindi!!!!Sa akin!"hila sa akin ni Rafael.

At sa mga oras na ito para akong teddy bear na pinaghihilahan ng dalawang bata.

"Sa akin siya sasama!"sambit ni Tristan at hinila ako.

"Hindi pwede sa akin siya sa sasama!"tugon ni Rafael at hinila ako.

"Tumigil nga kayo!!!"sigaw ko kaya napabitaw silang dalawa sa akin.Hinila ko si Tristan sa malayo.

"Sabi ko na nga ba sa akin ka sasama e!"sambit niya.

"Tan!Ano bang nangyayari sayo bakit nag bago ka na!Hindi ka naman ganyan dati!Hindi na ikaw ang Tristan na kilala ko!Tan asan ka na!"napaluha ako sa mga sinabe ko.

"Janic!Ako pa din naman ito!Ako pa din ang nagmamahal sayo!"nakangiting sabi niya.Pinunasan ko ang luha ko.

"Ano ba Tristan!Bakit ba ginugulo mo pa din ako!Masaya na ako!Nakalimutan na kita!At isa pa ikakasal ka na!Kaya pwede ba!"sigaw ko at huminahon"Hayaan mo na ako magpakasaya ka na."pilit na ngiting dugtong ko.Hindi ko din pinansin si Rafael.

"Teka lang!"tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad palayo.Sumakay ako sa taxi na pinara ko.

"Manong sa Fabiana Village po"sabi ko sa manong.

"Ok po"sagot ng driver.

Tumingin ako sa salamin at pamangulumbaba.Napapaisip ako sa dalawang iyon kubg hanggang ngayon ba ay nagaaway pa sila.Napapansin ko na iba na ang dinadaanan ng taxi na sinasakyan ko.

"Manong hindi po dito papunta sa village namin!Ibaba niyo po ako!!!"sigaw ko pilit kong binuksan ang pinto ngunit nakalock ito.Patuloy akong sumigaw at humingi na tulong kahit na alam kong walang makakarinig sa akin.

Huminto kami sa madilim na lugar.

"Ibigay mo sa akin ang bag mo!"sigaw sa akin ng driver at tinutukan ako nito ng kutsilyo.

"I-i-i-ito na po"nanginginig kong inabot ang bag ko at dali-dali niyang kinuha.

"Baba!"sigaw nito sa akin binuksan ang pinto.

Pagbaba ko napansin kong walang katao-tao dito sa lugar na ito kahit na poste lamang na may ilaw ay wala.Napaupo ako sa takot dahil kahit na cellphone ko ay nakalagay sa bag na binigay ko napaluhod ako at napaiyak ako sa takot.Mga isang oras na akong umiiyak dito ngunit isang tulong lang ay walang dumating.

Isang ilaw ng kotse mula sa malayo ang nakita ko.Kumaway naman at sumigaw ng tulong.Huminto ito sa harapan ko at bumaba ang isang lalake.Tumakbo ako at napayakap naman ako sa kanya sa takot.

"Rafa bakit ngayon kalang dumating!"sigaw ko sa kanya habang hinahampas siya.

"Sorry na tagal kitang hinanap nandito ka lang pala sorry na jan"paghingi ng umanhin sa akin ni Rafael at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Tara umuwi na tayo"ika niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Sumakay kaming dalawa at pinaandar niya ito.Inabutan niya ako ng tissue kumuha ako ng isa at pinunasan ko ang luha ko.

"Paano mo nga pala ako nahanap?"tanong ko sa kaniya.

"Ah!kase may GPS ang phone mo at phone ko"nakangiting sagot nito.

"Ha....Nasa akin ba?"tanong ko at kinapa ang bulsa ng pantalon ko nakapa ko ito at napangiti ako.

"Hays!!!Salamat"sigaw ko at napasandal.

Napangisi siya.

"Paano ka naman kase napunta doon alam mo bang pinagalala mo ako!"bulyaw niya sa akin.

"Hinoldap kase ako ng driver ng taxi na nasakyan ko at binaba ako doon akala ko nga pagsasamantalahan ako."sagot ko.

"Bakit mo naman kase ako iniwan kanina?"tanong nito.

"E!Kase gigil na gigil ako kay tristan kanina!Halos masapak ko na nga siya!Lalo na ikakasal na siya next month tapos nakukuha niya pang landiin ako!Peste!"iritang sigaw ko.Pinunasan ni Rafael ang luha na tumulo sa aking mga pingi.

"Tsk!g*go talaga iyong lalakeng iyong wala na siyang nagawang tama para sayo!"gigil na may halong pag-aalala na sambit niya.

"Hayaan mo na siya naka move on na ako"nakangiting sagot ko.Pilit na ngiti.

Ngumiti din si Rafael pero kagaya ng akin FAKE SMILE.

•TO BE CONTINUED•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top