CHAPTER 17🌹

[LONELY WEEKEND]
[

JANICA]

"Señorita!Aalis na po kami!"paalam nila yaya at ng iba pa.

"Mag-ingat po kayo ha...Merry Christmas!"nakangiting pagpapaalam ko sa kanila.Pinipilit kong ngumiti kahit na ramdam ko na ang lamig ng pasko ko.

"Ikaw din Janica!I-lock mo palagi ang pintuan ha...Pati ang gate baka mamaya pasukin ka diyan"pagpapaalala sa akin ni Yaya.Tumango nalang akong bilang sagot.

"Bye Señorita!"paalam nila saka lumabas ng gate.

Ng makita kong nakaalis na sila nilock ko ang gate pati ang pinto.Kumuha ako ng kutsilyo at inilagay sa bulsa ko.Alam niyo na kung sakali di ba?

Pumunta ako sa ref naririnig ko kaseng kumukulo ang tiyan ko.Kinuha ko ang cookies na binili sa akin ni Rafa kapalit daw ng kinain niyang chocolate chips.Napabuntong hininga ako at humiga sa sofa.

Nasaan kaya siya ngayon bakit hindi siya nagpaparamdam noong mga nakaraan.

Ppssshhh!Janica!Wag mo ngang hanapin ang bakulaw na iyon.Gugulugin kalang non.

Umiling-iling ako at binuksan ang TV.

"Isang dalagita ang pinatay at ginahasa sa sarili nilang bahay"sabi sa balita.Agad kong kinuha ang remote at inilipat sa ibang channel.

Nakakaloka bes!

Buong araw akong nanonood ng TV.Wala naman akong balak na mag-mall dahil wala akong kasama.Sila Glare,Dria,At Kylene nag-out of country kasama ang mga parents nila while eto ako naiwan sa pilipinas ng mag-sa.

Wala naman din si Rafa hindi naman na siya nagpaparamdam sa akin.Wala akong pake!Kainis!

[RAFAEL]

"Rafa nakikita mo na ba ang kapatid mo?"tanong sa akin ni Mama.Tumingin ako sa malayo sabay umiling.Nasa Airport kami ngayon dahil hinihintay namin ang biglaang paguwi ng kapatid kong mabait.

"Hindi ba siya yun!"turo ni Papa sa malayo.

"Papa!Iba naman yung tinuturo mo e!"suway ko kay Papa.

"Pa!Magsalamin ka kaya!"tumatawang suhestiyon ni Mama.

"Wag na!Di baleng hindi ko makita ang iba ang mahalaga..."umakbay si Papa kay Mama"Ikaw lang ang nakikita ko"nakangiting sambit ni Papa.

"Ang Cheesy niyo!"sambit ng isang babae atsaka yumakap sa akin.

"Venice!"niyakap ko siya at ginulo ang buhok nito."Anong pasalubong mo sa akin?"nakangiting tanong ko.

"Actually merong mga facemask at mga moisturizer"nakangising sambit nito.

"Chocolate?"nakapout na tanong ko.

"Syempre meron kuya!Ikaw pa ba makakalimutan ko e!Kinain mo nga dati ang chocolate ko na itinago ko pa sa ilalim ng unan ko para hindi mo makita!"tumatawang sabi niya.

"Anak!I miss you!"sambit nila mama at papa.Niyakap nila si Venice.

"I miss you too ma at pa!"masayang sabi ni Venice.

"Yakap!?"nakapout na yumakap ako sa kanila.Namiss ko'to at mas lalong na miss ko siya.

[JANICA]
Sobrang lungkot pala pag nagiisa ka lang sa bahay.Wala kang makausap.Wala kang makatawanan.Wala kang kasabay kumain.Wala kang kaaway.Wala kang haysh.....

Umakyat ako sa kwarto ko.Nagulat naman ako sa pagbukas ng gate.Gusto kong sumilip sa bintana kaso natatakot ako dahil baka aswang yun.Kinuha ko ang kaldero sa kusina.Hindi ko binuksan ang ilaw para hindi niya makikita ang pag-atake ko sa kanya.Nasalikod ako ng biglang bumukas ang pinto.

Pinaghahampas ko sa ulo ng kung sino man ang kaldero ng malakas.

"Magnanakaw!Rapist!Mamatay tao!"paulit-ulit kong sigaw habang hinahampas siya ng kaldero.

"T-teka lang!Ouch!Janica!Tumigil ka!"sigaw niya sa akin.

"Hoy!Ikaw ang lakas naman ng loob mong pasukin ako dito!At kilala mo pa talaga ako siguro ako talaga ang target mo no!"paulit-ulit kong hinahampas sa kanya ang kaldero.Nang mawalan na ata siya ng malay binuksan ko ang ilaw.

"R-rafael!"tili ko.May bukol ito sa noo.Mukha siyang----Mukha siyang unicorn hahahahaha.

Tinapik-tapik ko siya pero wala talaga siyang malay.Ginaladgad ko siya papunta sa sofa.Inihiga ko siya doon at hinila ko din ang malaking bag na dala niya.

"Teka nga!Aanhin niya ba itong ganitong kalaking bag?"takang tanong ko sa kawalan.

Kumuha ako ng ice bags sa pridyeder.Inilagay ko ito sa noo niya kung saan may bukol.

Ang cute!cute!Naman ng unicorn ko!Hehe!

"Ang cute!cute naman ni bibi ang sarap mong tirisin aaayyyy!!!"pinisil pisil ko ang mapupula niyang pisngi.

Habang nakapikit siya biglang isang ngisi ang lumitaw sa labi niya.

"Gising ka?!"gulat na tanong ko.Humawak ito sa noo niya na halatang sakit na sakit.

"Alam mo ba!Ang sakit sakit ng noo ko sayo!Tapos ginaladgad mo pa ako para tuloy akong bangkay!"sermon niya sa akin.

"E!Bakit ka nga ba kase nandito?at paano ka nakapasok?"tinaasan ko siya ng isang kilay.Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at dahan-dahan siyang umupo.

"Kase nga kwento sa akin ng yaya mo na ikaw lang daw mag-isa dito tapos inabot nila ang susi sa akin"mahinahong sagot niya.Inabot ko sa kanya ang ice bag at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Sus!Wag ka ngang ngumiti diyan hindi pa nga ako makamove-on sa sinabe mong ang cute cute ko!"nakangiting asar niya sa akin.

"Joke lang yun noh!"umiwas ako sa tingin niya.

"Edi joke lang"nakapout na sabi niya.

"So anong balak mo dito sa bahay ko?"tinignan ko ang oras.It's 1 o'clock am.

Humiga ulit siya sa sofa at nagcrossed legs.Kapal naman nito!

"Makikitira ako"seryosong sabi niya.

"What?!Teka may bahay naman kayo ha!Nandoon ang family mo!"bulyaw ko.

"Sshhh...Ang ingay mo wag ka kayang sumigaw.Wala sila mama sa bahay nagboracay sila nakakainis nga dahil pinagtabuyan na nila ako dito palibhasa nandiyan na yung kapatid ko."napapout naman siya.

"Wala akong pake!Bakit hindi mo kinuha ang susi ng bahay niyo?"takang tanong ko.Nagkibit balikat lang ito.

"Ppsshh..."mataray na sambit ko.

Pumunta ako sa kusina para kumain gutom na gutom na kase ako.Nagtitingin ako ng mga dilata sa cabinet.Naka ramdam ako ng kuryente.

"Sus!Labas tayo!"aya niya.

"Lalabas ng ala una ng madaling araw timang ka ba?"tanong ko.

Binuksan niya ang ref.Sinusuri niya ang laman.

"Gotcha!"

"Lintik ano ba yan!"sigaw ko halos mabato ka na kase sa kanya ang plato.

"Nakahanap ako ng carrots,cabbage,onion,garlic,butter,oyster sauce!Pwede na ito!"nakangiting sambit niya.

"Oh?!Anong gagawin mo?"tanong ko sa kanya.

"Watch and learn baby!"ika niya ng nakangisi.

Kung totoo nga na ang kilig ay nakakalaglag ng panty ay jusme baka naglakad pa ito papalayo.

Nagsuot siya ng apron grabe!Gusto kong lumundag dito at magwala.

•To Be Continued•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top