CHAPTER 16🌹

[JANICA]

Pagbaba ko sa sala naka sitting pretty na nakaupo doon sa Couch namin si Rafael.Kakapal!

"Tapos ka na?!"gulat na tanong niya habang ngumunguya.

"Ano naman yang kinakain mo?!"sigaw ko.

"Yung chocolate chips mo sa ref?"sagot niya at nagkibit balikat.

"The heck!Ayan na nga lang ang makakain ko next week tapos uubusin mo lang!"sigaw ko sa kanya.

"Chill!Bibilhan kita!"nakangiting sambit niya.

"Chill!Ikulong kaya kita sa pridyeder?"inis na sabi ko habang hinahampas ang braso niya.

"Wag!Malaki ang babayaran niyo sa kuryente!"tumatawang sagot niya sa akin.

"E!Kung kuryentehin kita diyan ano!?"iritang sambit ko.Tinignan ko ang wrist watch ko.

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang shoulder bag ko.

"Tara!"yaya ko sa kanya ng hindi siya nililingon.Sumakay ako sa kotse ko at hindi sa kotse niya.

"Oy!Teka lang!"sigaw niya.

"Bilisan mo!"pinaandar ko ang kotse ko ng mabilis.It's 3:30 pm.Hindi pa naman marunong maghintay ang bruha na iyon.Sa totoo lang hindi dapat ako pupunta e!Kaso nac-curious lang ako sa sasabihin niya.

Tumingin ako sa side mirror ng kotse ko.Nakita ko na nakasunod sa akin ang kotse ni Rafa.

Pagdating ko sa Cafe.Agad akong bumaba sa kotse ko at agad na hinanap si Kylene.Nakaupo siya sa may dulo ng Cafe lumakad ako doon ng hingal na hingal.

"Oh?!Teka bakit hagardo versoza ka?!"nakangising tanong niya.

"Traffic e!"pagsisinungaling ko habang naghahabol ng hininga.

"Sus!Traffic saan banda bessy hindi ko makita!"ika niya habang nakatingin sa malayo.

"Ulol!Ano ba kase yung sasabihin mo alam mo naman inaatake na naman ako ng kuryosidad ko!"iritang sambit ko.

"Uhm...Ano kase eh...Uhm...Paano ko ba ito sisimulan..."nakahawak ito sa baba niya at nakatingin sa kisame.

"Wag mo ng simulan!Tapusin mo na!"gigil na sambit ko.

"A!Order ka muna ng Frappe natin"nakangiting suhestiyon niya.

"Punyemas!Bahala ka nga!"tumayo ako ng bigla niya akong hilahin papaupo ulit.

"Joke lang ito naman!"natatawang sambit niya.

"Hhmmm..."sagot ko sa kanya.

"Ganto kasi yun!"huminto siya at ngumisi sa akin.Kinalabog ko ang lamesa nagtinginan naman ang mga barista at ang mga ibang customers"Eto na!Maninira pa ng gamit e!Ganito kase yun kahapon si Fafa Rafa pinaghigante ka kay Samantha o mas kilala sa tawag namin nila Glare at Dria na Samanthal."pagsasalaysay niya.Hindi ko mapigilang ngumiti at halos ramdam ko na naman ang paginit ng mukha ko at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Oh?!Bat may pangiti-ngiti ka pa diyan at pablush on ng pisngi!Anong meron!?"seryosong tanong niya.

"Uhm...Wala!"pagtanggi ko.

"So ayun na nga binuhos ni Rafa lahat ng gamit ni Samanthal sa kanya habang nakabagsak ito sa damuhan.Noong una nakukuha pang ngumiti ni Samanthal pero matapos nung sinabe ni Rafa nagbago ang expression niya---"hindi ko siya pinatapos dahil may itatanong ako.

"Ano naman ang sinabe ni Rafa kay Samantha or Samanthal?"seryosong tanong ko.Napahawak ulit siya sa baba niya habang iniikot-ikot ang mata.

"Uhm....ayun lang!Nakalimutan ko hehe"natatawang sagot niya sumabay naman ako sa pagkakatawa niya at binatukan siya.

"Aray!"maarteng sabi niya"Teka ako naman ang magtatanong..."nakangiting sabi niya.

"Ano naman?"tanong ko.

"Stellar!"napatingin kami ni Kylene sa tumawag sa akin.Haysh!Eto na naman siya.

"Oh?Ayan na pala si Fafa Rafa!I need to go bessy may gagawin pa kasi kami nila Glare at Dria!Okiieee!See you soon!Soon!B-bye!"pagpaalam niya habang naglalakad at kumakaway.

"Jusme!Ang bilis ng patakbo mo sa kotse mo halos hindi na kita maabutan!"nakapout na sambit ng kumag.In-occupy niya ang vacant seat na nasa harapan ko.

"Psshh...Bagal mo kase!"sigaw ko sa kanya.Sumiryoso naman ang tingin niya sa akin.Oh!Puso ko magingat ka at baka ika'y mahulog.

"Ms.Heartuez hindi ka ba napapagod na sigawan ako?"seryosong tanong niya.

Para na naman akong napipi at natameme.

"Ms.Heartuez!"sigaw niya.Natauhan naman ako.

"E!Bakit ba kung gusto kong sumigaw!?Wala kang pake isisigaw ko lahat ng gusto kong isigaw!"iritang sigaw ko.Tinignan na naman ako ng customers at nagbulungan.

"Eiisshh!Hindi ka nga napapagod hahaha"ika niya at tumawa.

Grabe ang cute niya kapag tumatawa halos hindi ko na makita ang mga mata niya.

At kung ikaw ay nakatawa ako pa ba ay nakikita nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw~

"Janica!Hoy!Kanina ka pa nakatitig sa akin nakikinig ka ba?Susmaryosep halos matunaw na ako sa titig mo sa akin yung laway mo ah!Baka bumaha!"nagising ang diwa ko ng marinig ang sigaw niya.

Hindi ko napansin na nakapalumbaba na pala ako at nakatitig sa kanya.

"Hoy!Ikaw Chinito!Este Rafa wag kang mahangin!Ano ba kase ang sasabihin mo?"sambat ko sa kanya.Napakamot ito sa batok niya at nagsmirk sa akin.

"Nevermind!Kalimutan nalang natin!"nakasmirk pa din niyang sabi.

Pwede bang tanggalin niya yang smirk na yan sa labi niya.Ang sakit na kase ng dibdib ko halos lumabas na dito ang puso ko na kanina pa palundag-lundag.

"Please lang wag ka ng ngumisi please....Tama na..."napatakip ako sa bibig ko ng hindi ko mapigilang sabihin iyon.Tumingin ako sa malayo atsaka sumipol.

"Anong sabi mo?"seryosong tanong niya.

"Ganda non oh!Ganda ng bulaklak!"patay malisya kong sagot sa kanya kahit wala naman talagang bulaklak doon.Lumingon din siya doon.

"Wala namang bulaklak doon ha..."nakangiting sambit niya.Nako!Yang ngiti na yan.

"Yun na nga e!Sayang pinitas nung lalake!G*go nga e!Sayang talaga!"pagsisinungaling ko.Napakagaling ko talagang story maker pwede na akong maging wattpad author(keme).

"Ppffftt!"umirap ito saka tumawa.Lintik nahuli ata ako!
"Saan mo gusto kumain treat ko"aya niya sa akin tatanggi na sana ako ng biglang kumulo ang tiyan ko.

"Egi!Egi!"sagot ko.

Lumabas kami sa Cafe at nagtungo sa aming mga kanya-kanyang kotse.Nang iiistart ko ang kotse ko hindi ito gumana.Lumapit sa akin si Rafa.

"Wait anong problema?"alalang tanong niya.

"Nasiraan kase ako ng makina.Marunong ka bang mag-ayos?"tanong ko sa kanya at nagbeatiful eyes.

"Yun lang hindi"natatawang sambit niya.

"A-ano?Paano na yan?!"tarantang tanong ko.

"Hahatakin ko nalang"suhestiyon niya.Tumangon nalang ako kesa naman hahayaan ko ang kotse ko dito di ba?

•TO BE CONTINUED•

MS.CHIMIEYAH'S NOTE!!!
Ayan na!Nakakabawi na rin ako sa inyo ng unti lang naman.Mga Chimies kung naguguluhan kayo sa story na ito feel free to comment para naman masagot ko ang mga tanong niyo sa mga part na naguguluhan kayo at hindi niyo naiintindihan.

Last sentence na sasabihin ko sa inyo bago matapos itong CHAPTER 16🌹.NAKAKABITTER SA PANINGIN YUNG NASA COVER NG STORY KO!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top