CHAPTER 14🌹

[RAFAEL]

Pumunta ako office kung saan makikita ko ang kuha sa cctv nagtataka kase ako kung bakit namumula ang pisngi ni Janica at may pasa siya sa bandang hita.

Pinanood ko ang mga kuha sa cctv kung saan nandoon si Janica.Ok lang naman siya noong winalk outan niya ako.Pero pagdating niya sa room niya unang tingin maayos naman siyang tignan ng may tatlong babaeng ang pumasok.

"S-samantha?"hindi makapaniwalang sambit ko sa ere.

Napanood ko kung anong kawalang hiyaan ang ginawa nila Samantha kay Janica.Muling uminit ang ulo ko.

Kaya hindi ko siya pinatulan dahil ang tingin niya sa sarili niya ay perpekto.Isa pa siya ang nagpadanas sa akin ng una kong heart ache.

Dali-dali akong pumunta sa room kung nasaan si SAMANTHA.Sinisiguro ko na magsisisi siya sa lahat ng ginawa niya kay Janica.

Pagdating ko sa room niya ay agad kong binuksan na padobog ang pinto.Wala akong pake kung mawala ako sa pwesto ko bilang president sa mga pinag gagawa ko.

"Oh?!Mr.Real bakit po kayo napasugod dito?"gulat na tanong ni Mr.Castro teacher sa Math.

"Asan si Samantha!"sigaw ko habang hinahanap siya.

"Yes?Bab----"hindi ko pinatapos ang sasabihin niya.

"Stop calling me baby!"sigaw ko rito.Hinila ko siya papalabas.

"Let go!It hurts!"pagiinarte niya.

"Masakit ba?!Kung ganon kulang pa yan!"sigaw ko at tinulak ko.

Maraming estudyante ang nanonood sa amin.

"Ano bang ginawa ko?!"sigaw niya.

"Bakit ako ang tinatanong mo?"sagot ko.Lumapit sa akin si Hans habang bitbit ang bag.

"Wait!Anong gagawin niyo diyan sa bag ko"sigaw ni Samantha.

Inutos ko kay Hans na kuhanin ang bag ni Samantha.

"Alam mo?Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung sinasaktan ang babaeng mahal ko"mahinahong sambit ko at ibunuhos sa kanya ang laman ng bag niya.

"Pre!Kulang pa yan!"sulsol ni Lorence.Tama nga naman siya kulang pa ito.

"Ppssshhh...Pre tama na!Kawawa naman siya oh..."sambit ng anghel este ni Luke.

"Kawawa?Bakit kay Janica hindi siya naawa!"gigil na sambit ko habang nakatingin sa babaeng kanina nagagawang ngumiti ngunit ngayon halos hindi na siya makangiti.

"Talaga bang seryoso ka sa kanya ha!?"tanong niya.

"Thank you for the wonderful question gagawin ko ba ito sayo ngayon!"tumalikod ako at naglakad pero nilingon ko muna siya at binigyan siya ng fake smile"Subukan mo pang hawakan siya higit pa diyan ang matatanggap mo sa akin"naglakad kami nila Luke,Hans,at Lorence.Ngayon nalang ulit kami nagkakasama-sama dahil lagi nga kaming  busy sa mga kanya-kanyang klase.

"Bro!Ngayon ka lang talaga nagkaganyan!"natatawang sambit ni Lorence.Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Talagang ngayon lang!"singit ni Hans habang pinaglalaruan niya ang ballpen niya.

"Psshh!Wag nga kayong ganyan!Dapat suportahan natin si Rafa tandaan niyo!"nakangiting sambit ng anghel este Luke nga eh!."Tandaan niyo!Ngayon lang yan!"tumawa naman ito sinundan naman siya ng mga ungas.

"Sige tumawa lang kayo baka gusto niyo kuhanin ko ang baseball bat ko at ipukpok sa mga ulo niyo!"iritang sambit ko.

"Nako!Ang kj mo naman minsan na nga lang tayo nagkakasama!"tumatawang sambit ni Lorence.Binatukan ko naman siya bago naglakad.

"Mauna na ako marami pa akong aayusin sa office!"ika ko ng hindi sila nililingon.

~÷~
Halos lumundag ako ng pagbukas ko ng pinto.Bumungad sa akin si Madam Guada naka-upo ito sa swivel chair ni Ms.Choi habang ito naman ay nakatayo.Nakita ko din doon si Janica nakaupo sa isa pang swivel chair.Teka akin yun ah...

"Good Afternoon po Madam Guada and Ms.Choi"magalang na bati ko sa kanila saka dahan-dahang pumasok.

"Good Afternoon din Mr.President"bati sa akin ni Madam Guada ngumiti naman ako at yumuko"Kamusta ang pagrurule mo dito ijo?Balita ko maganda daw?"dugtong na mga tanong nito.

"Uhm...Yes maayos naman po"sagot ko habang sinusulyapan ng tingin kay Janica.Hindi man lang niya ako tinitignan.

"Ah!This is my only granddaughter Janica Stellar Heartuez"nakangting pagpapakilala ni Madam Guada kay----Wait kay Janica!?

"G-granddaughter niyo po?"nagtatakang tanong ko.

"Yes why?Hindi ba kami magkamukha ijo?"nakangiting tanong nito.

"Lola!"saway ni Janica.

Well...Maganda si Madam Guada hindi ko alam kung ilang taon na siya pero mukha pa siyang bata.Ang ayos at ang aura niya ay hindi bagay para tawaging lola siya ni Janica.Kamukhang-kamukha niya ito kaya hindi na ako nagduda.

"Magkamukha nga po kayo nalito lang po ako dahil hindi niyo naman po nakwento sa amin na may apo pala kayo"sagot ko.

Tumingin ito sa wristwatch niya at tilang nagmamadaling tumayo."Sorry kailangan na naming umalis!Let's go Stellar!"sambit ni Madam Guada at hinila si Janica.Wait sino si STELLAR???

[JANICA]
Pagsakay namin ni Lola sa limo at agad kaming nagtungo sa mansion niya.

"Mommy!Bakit mo naman ako inintroduce sa mga teachers doon at sa principal ng university!?"nagagalit na tanong ko kay Mommy

"Tsk!Bakit naman kinahihiya mo ba ako"malungkot na sambit ni Mommy.

"Hindi naman Mommy ayaw ko lang naman na malaman nila na apo mo ako e...Baka kase magbago ang tingin nila sa akin"ika ko sabay sumandal sa balikat ni Mommy.

Nangmakarating na kami sa Mansion.Pinagbuksan kami ng pinto ng drive niya agad namang sumunod sa amin ang dalawa niyang body guard.

"Manang betty!Ipagluto mo kami ng pagkain!"utos ni Mommy at pumalakpak.Agad namang sumunod ang mga katulong.

"Stellar i have some gifts for you!"nakangiting sambit ni Mommy.Hinila niya ako papunta sa couch.Muli siyang pumalakpak at lumapit ang isang katulong.

"Paki kuha lahat ng paper bags doon sa kwarto ko!Chop!Chop!"utos ni Mommy nagmamadaling nagkakad ang babae patungo sa kwarto.

"Ano naman yun mommy?"tanong ko.

"Basta"maikling sagot niya.

Dumating ang katulong niya at ibinaba sa harap ko ang napakaraming kahon at paper bags.

"Mi!Bakit ang rami naman niyan!Sa akin ba yan?"hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes of course!"sagot niya.

Isa-isa kong binuksan ang mga ito.May mga magagarang sapatos,dress,jeans,shirts,gadgets at marami pang iba.

"Thank you so much!Mommy!"niyakap ko si Mommy at hinalikan siya sa pisngi.

TO BE CONTINUED•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top