CHAPTER 9

Chapter 9: Allian's pregnant

NAKITA kong unti-unti siyang natutunaw—este napaluhod at kasabay no’n ay nawalan siya nang ulirat. Pagkatapos niya lang makita ang nangyari sa kusina.

Wait? What happened to him?
Kahit masakit ang mga braso ko ay dali-dali akong lumapit sa kanya. Bakit siya hinimatay?! God! Patay na na ba siya?!

Lumabas ako mula sa condo niya. Nilagyan ko pa nang tsinelas niya ang pintuan upang hindi ito agad magsara. Para pagbalik ko ay makapapasok pa rin kami sa loob.

Humingi ako nang saklolo sa mga bodyguards ko at naisugod naman namin sa hospital si Manong Ho.

Nasa Clinford’s Hospital na kami at this moment and kanina pang tulog si manong ho. Sinabi na ng doctor na nagulat lang daw ang pasyente at maya-maya lang daw ay magigising naman na ito. Halos atakihin ako sa puso nang hinimatay siya kanina ng wala man lang dahilan.

Ako ang sumabak sa digmaan kanina at nasugatan pa ako pero siya ito ang dinala sa hospital. Tsk-tsk. Kakaiba talaga ang lalaking ito, ang OA niya, ha.

Pinitik ko ang noo niya at dahilan para magising siya. Wow, kung kanina ko pa sana ginawa iyon ay malamang gising na ito kanina pa. Amazing naman.

“Where...am I ?” mahinang saad niya. Maasar nga siya.

“Nasa langit ka na ho,” mahinang sagot ko sa katanungan niya kung nasaan na siya.

“Nasa—ano?” naguguluhang tanong niya.

“Patay na ho kayo pero bakit bingi pa rin kayo?” nang-aasar kong tanong sa kanya dahilan na napatitig na rin siya sa face ko.

“Yjen!” sigaw niya at mabilis na hinila ang kumot. nagtago kasi ako sa kumot niya.

“Yehey! Nakikilala mo pa ako?! Wah! Akala ko pa naman ay nagkaroon ka na ng anemsia!” bungad ko sa kanya at tiningnan pa ako nito nang masama. Napalunok naman ako dahil doon.

“Ano’ng anemsia?! Amnesia, stupid!” pagtatama niya. Nagkibit-balikat ako.

“Ah, eh... sarry.” Natatawa talaga ako sa hitsura niya.

“PB talaga kahit na kailan. Ang sakit mo sa ulo. Nasaan ba tayo, ha?” tanong niya at tiningnan ang kabuuan ng puting kuwarto.

Hindi pa ba halata sa kanya ang puting kisame at kabuan nito? Outing kurtina rin ang nasa paligid namin at maingay sa paligid.

“Nasa puting kuwarto ka ho. Halata naman, dude. Puti lahat, oh!” sigaw ko at itinuro ko pa curtain at mas naging masama pa ang timpla ng mukha niya. Tila handa na siyang manapak sa akin.

“Kailan ka ba magtitino, ha? Bakit ba palagi ka na lang ganyan?” naiinis na tanong niya at napahilot pa siya sa sentido niya. Na-stress na siya agad-agad. Wala pa akong ginagawa ay ganyan na siya.

“Ewan ko, since bilt ay ganito na talaga ako. Ewan ko lang sa ’yo kung bakit nagkakaregla ka rin araw-araw. Ang sungit-sungit mo kasi,” nang-aasar na saad ko pa at napakakrus ako ng mga braso ko.

“'Ewan ko rin sa ’yo. Bakit ba nandito tayo?  Nasa hospital tayo?”

“Alam mo naman pala kung nasaan ka bakit kailangan mo pang magtanong? Aba, ibang klase ka rin,” sabi ko at ako naman ang gumaya sa kanya para mapamasahe sa sentido ko.

“Shut up, PB!” sigaw niya kasabay na binato niya ako ng unan. Hindi ko agad nasalo iyon kaya muntik na akong malaglag mula sa kinauupuan ko.

“Tsk. Alam mo ba, dude? Nakatatawa ka. Ako ang sumabak sa digmaan kanina pero ikaw pa yata ang sinugod sa hospital. Astig lang, ano?” sarkastikong saad ko at gumuhit ang isang linya sa kanyang noo. Bakas sa mukha niya ay kalituhan at kahulugan sa mga sinabi ko.

“What just happened?” he asked at dahan-dahan na siyang bumangon. Sumandal sa headrest ng hospital bed niya.

“Ay hindi mo na maalala agad? Natamaan ka ng bala ni mantika kanina dahil magkasabwat sila ni fritong manok kaya dinamay ang inosenteng buntis,” sabi ko at hayan na naman ang nakatatakot niyang aura.

“I-Inosenteng buntis?” nauutal niyang tanong. Napatango ako at lumapit ako sa kanya para hawakan siya sa kaliwang kamay niya. Nagpumiglas siya pero hinigpitan ko lamang ito.

“Oo, inosenteng buntis. Allian’s pregnant. Wah! Kaya ka pala hinimatay kanina kasi buntis ka. Sabihin mo sa akin kung sino ang nanay ng nasa sinapupunan mo?” Trip ko ulit siyang asarin.

“What the fvck, Yjen?! Tigilan mo na nga ako!” asik niya at marahas na binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

“Sabihin mo sa akin kung sino ang nanay ng anak mo?! Bakit ka nagpabuntis sa iba, ha?! Ha?! Hindi mo na ba ako mahal? Ang landi-landi mo ay nagpabuntis ka pa sa iba!” naiyak-iyak na saad ko at sabay hampas sa kanya.

“Damn it! Damn it! Masakit! Baliw ka na!” sigaw niya.

“Bakit ka nagpabuntis sa ibang babae! Ipalaglag mo ’yan! Hindi ko tanggap ang batang nasa sinapupunan mo!” sigaw ko. Nanlaki ang mga mata niya nang sumampa na ako sa bed.

“Nakauubos ka na talaga ng pasensiya!” sigaw niya at nagulat ako nang bigla niya akong hinila and... and... Wah! He’s on top of me. Nakatukod ang tuhod niya sa kama at hawak naman niya ang dalawang kamay ko and...and... nasa gilid iyon ng ulo ko, nakapihid! Literal na bumilis ang heartbeat ko.

“Ah eh, dude. Ano ba ang trip mo?” awkward kong tanong sa kanya at nagprotesta ako pero ayaw niya akong pakawalan. Nakaiilang kaya ang position namin ngayon.

Damn! Ang puso ko, parang lalabas na mula sa aking dibdib!

“Ikaw ba ay ano’ng trip mo ?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Dude, walang gayahan ng tanong at saka bitawan mo na nga ako.” Pilit kong tinatanggal ang kamay ko pero ang higpit talaga.

“Seriously PB? Ako buntis? That’s bullshit! Ikaw kaya ang buntisin ko, gusto mo?” tanong niya at nag-smirked pa. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at parang lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa mukha ko dahilan na nag-init ito.

“Ah! High way! Ayoko high way!” sigaw ko. He frowned.

“High way? O baka naman no way iyon? Tss, stupid!”

“Parehas lang iyon, may way, ano! Eh! Bitawan mo na nga ako!” I screamed.

“No way... Dapat gumawa tayo ng baby. Bubuntisin kita.” I got goosebumps.

*Inosente ako! Inosente ako! Wala akong kasalanan, promise swel tu God,” sabi ko. Gusto ko na talagang makawala mula sa kanya.

Hindi nawala ang pagtaas ng kilay niya. Parang mapupugto ang hininga ko. Akala ko ay hindi na matatapos iyon pero May biglang tumikhim ng peke.

“Uhm.. pasensya na sa abala but this is hospital not hotel, Ma’am, Sir. Ipaalala ko lang po sa inyo at kanina pa kayo maingay. Naaabala ninyo ang ibang pasyenteng mamamahinga,” sabi ng boses babae at kasabay na binitawan na ako ni manong ho.

Thanks, God. Safe na ang heart ko mula sa heart attack. Bata pa ako para lisanin ko ang world na ito.

“Sino naman ang nagsabi sa ’yo na hotel ito, Miss?” masungit na tanong ko sa isang nars, ang kaninang nagsalita.

“Let’s go PB. We’re going home,” pag-aaya ni manong ho sabay hila sa aking pulso. Bumitaw rin siya nang bumaba na ako sa bed.

“Dude, dahan-dahan baka masaktan si babyy!” sigaw ko at tumakbo para habulin siya.

PHILLIF’s POV

Bago kami umuwi ay nagtungo muna ako sa counter para bayaran ang bills ko. For God’s sake. Bakit ba ako hinimatay kanina? Well may baliw akong kasama, kaya baka muntik na nga rin akong ma-heart attact sa pinaggagawa niya.

“Dude! Huwag ka namang mabilis maglakad! Ang baby mo masasaktan!”  I rolled my eyes. Kahit na kailan talaga ay ayaw niya akong tigilan sa pang-aasar niya.

“Tumahimik ka riyan, Yjen. Kung ayaw mong dalhin kita sa mental hospital!” banta ko sa kanya at tumahimik naman siya. Mabilis na naitikom ang bibig sa takot sa akin. Kulang na lang ay pisilin ko nang mariin ang pisngi niya sa sobrang gigil na inis ko sa babaeng ito.

“Binibining nurse, sabihin mo nga sa akin kung nagiging moody ba ang mga buntis?” Awtomatikong napatingin ako sa direksyon niya. What the...

“Ah, opo, Ma’am. Nagiging masungit po minsan ang mga buntis. Isa oo iyon sa symptoms ng pregnancy. Buntis po ba kayo?” tanong naman ng nurse.

“Ah, hindi ako ang buntis kundi itong kasama ko.” Sabay turo pa sa akin. Awkward na tumingin sa akin ang nurse. Baka mamaya niyan ay pagkamalan na siyang baliw sa ginagawa niya. Hinila ko ang siko niya at inakbayan ko siya. Naramdaman ko na natigilan siya.

“Honey naman, bakit ba ang kulit mo? Tara na. Sorry, Miss. Buntis kasi ang asawa ko kaya hayan makulit siya,” sabi ko at hinila na paalis si PB! Dámn it, nakahihiya siyang kasama to be honest.

“T-Teka lang naman! Manong—dude. Ang bigat naman ng braso mo!” reklamo niya at tinanggal niya ang braso kong nasa balikat niya.

Napatitig naman ako sa mga braso niya at mabilis na hinawakan ko ito. Ang daming pulang pantal sa balat niya na parang napaso siya.

“Na paano ito?” tanong ko sa kanya.

“Ah, eh. Natamaan ako ng bala ni mantika kanina.” I pinched the bridge of my nose. Here we are again.

“Let’s go. Gamutin natin ’yan,” I said at tinulak ko siya sa likuran niya nang marahan para bumalik sa pinanggalingan namin kanina. Nang hindi siya kumilos ay hinablot ko ang kamay niya.

“Mga lalaki talaga ay hindi na maintindihan minsan. Lalabas, papasok, lalabas, papasok. Tapos ang sakit-sakit pa, oh. Hindi pa makontento didiinan pa talaga. Kita na nga na nasasaktan na ako.” Wait, parang ang sagwa ng mga pinagsasabi niya? Napahinto kami sa paglalakad at napatingin ako sa paligid. Nakatingin lahat ang mga tao rito sa hospital. Patients, doctors and nurse.

“Hay naku! Sir! Dahan-dahan naman kasi po at nang hindi na masaktan pa ang girlfriend mo!” sabi ng matandang pasyente na sinabayan pa nang mahinang hagikhik.

“Matuto naman sa mararahan na paglabas-masok, Kuya!”

Tarantado! Hinila ko na lamang pabalik si PB. Lumabas kami ng hospital, nakahihiya roon.

“Aray naman! Dahan-dahan sabi ng matandng iyon! Excited much?” reklamo niya.

“For God’s sake, Yjen. Nakahihiya ang sinabi mo kanina. Hindi ka ba aware roon?” Nang may bumaba na isang babae mula sa taxi ay kami naman ang sumunod ni PB.

“Ang alin ba? ’Yong papasok, lalabas papasok, lalabas at didiinan pa?” Bigla naman napaubo ang driver nang ’saktong nasa backseat na kami. Kahiya-hiya talaga siya.

“Shut the fvcking mouth of yours, Yjen!” Tumahimik naman siya at nagsenyas na parang isinara na niya ang zipper sa bibig niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top