CHAPTER 8
Chapter 8: Fritong manok VS. Yjen
“NOTHING PB!” sabi niya.
“Remembel dis, dude. Minsan kasi pakinggan mo muna ang isang tao, hayaan mo muna siyang magpaliwanag, blah blah bleeh bleeh may pinaghuhugutan ka, ’no?” pang-aasar ko sa kanya.
“Crazy PB! Wala, ah!” sigaw niya at sinamaan pa niya ako nang tingin.
“Meron kaya! Ayaw mo lang aminin sa akin!” sigaw ko na sinabayan ko pa nang pagtawa.
“Siraulo!” sigaw niya rin pabalik sa akin.
“Si Pareng Allian! Ayie, bakit mo sinabing siraulo ka? Ikaw ah—tatahimik na.” Itinaas niya kasi ang bote ng alak niya. Balak niya bang ipukpok iyon sa akin?
“Sana makita ko pa si Kuya Eujinn,” wika ko at napatingin sa pinto kung saan lumabas si Kuya Eujinn.
“At bakit naman?” may bahid na pagkainis na tanong niya.
“Para anakan niya—ouch!” sigaw ko, bigla na lang kasi mambabatok, eh.
”Hoy! Bata ka pa PB, ah!” sita niya at napahimas lang ako sa ulo kong binatukan niya.
“Matanda na ako! Matanda na ako, manong ho! Masakit iyon, ah. Bakla ka ba para mananakit ng babae?” nakasimangot kong tanong.
“Ano kamo?” Ay bingi naman.
“Nivil mayn.”
“Nevermind! Bakit kanina straight kang mag English, tapos ngayon ay nagiging boba ka na naman?” naiinis niyang tanong.
“Kasi kanina, nakita ko si Kuya Eujinn. Ang guwapo, eh. Kaya ngayon matandang binata at may regla na ang kaharap ko. Kaya naging boba na naman po ako.”
“Swear to, God. Mapapatay kita ng wala sa oras,” naiiling na sabi niya.
“Oops, sarry, sarry. Manong—este mahal, hindi kita ipagpapalit kahit sino pa sng guwapo riyan. Ikaw lang ang mamahalin ko kahit may mas pogi pa kaysa sa iyo. Nagseselos ka lang kasi, eh. I lab yuu Mahal,” sabi ko at niyakap ko pa siya nang mahigpit. Binabalot lang ako ng matapang niyang perfume at talaga naman nakakikilig ang bango niya.
“What the fvck,” bulong niya, sapat na para marinig ko iyon. Palagi na lang siyang naaasar sa akin.
YZELLE’s POV
Na-amuse ako sa dalawang iyon, hmm... Parang may something talaga sila. Parang nakakita lang ako ng sweet couple.
Phillif Allian Valerama, magagalit ka kaya kapag malaman mo kung sino iyang kasama mo ngayon? I’m really sure that. Kasi hindi basta-bastang estudyante lang iyan. Anak iyan ng presidente ng bansa.
O baka mahulog pa ang loob nila sa isa’t isa? Parang na-p-ipicture out ko na nga kayong dalawa pagkatapos ng mga kalokohan ninyo. Sana lang ay huwag masasaktan ang pamangkin ko at makatitikim ka talaga sa akin. Scratch that parang green. I mean mababasag talaga ang ulo niya kapag sinaktan niya ang pamangkin ko.
Napatingin ako sa phone ko ng biglang nag-ring at binasa ko ang nasa caller ID. Tumatawag ang daddy ni Yza.
“Yes, kuya?” sagot ko sa tawag.
“How’s my daughter?” sagot din ni kuya mula sa kabilang linya.
“She’s fine kuya, nag-e-enjoy siya sa kasama niya, and I think magiging muchacha yata ang pamangkin ko in no time,” pagbabalita ko.
“That’s good, at nang madisiplina siya. Baka kung nasa poder siya ng anak ni kumpare ko ay baka titino ang pasaway na pamangkin mong iya,” usal ni kuya at base sa mga sinabi niya ay mukhang excited siya sa magiging resulta me as well.
“I’m sure of that, Kuya. Don’t worry po magbabago rin si Yza,” I uttered.
“Good, okay I’ll hang up the phone. Dadagdagan ko ang secret bodyguard ni Yza. Hayaan na lang natin ang 15 bodyguards niya para hindi niya mahalata,” aniya niya.
“Sige, kuya bye.” In-off ko na ang phone ko at napatingin ako ulit sa dalawa. Hmm, very sweet.
Alam ng daddy ni Yza ang nangyayari sa kanya ngayon. Well, presidente nga siya maraming connections at matalino pa. Ano kaya ang gagawin ni Yza na may 20 bodyguards siya? 15 bodyguards na kasa-kasama niya at 5 secrets bodyguards. Mag-e-enjoy pa siya lalo. Manonood na lang ako sa magiging resulta ng pagbabago ng pamangkin ko.
YZABELLE’S POV
KINABUKASAN
Nasa school ako ngayon at wala na akong klase pa. Nang bigla namang nag-text si manong ho sa akin. Nakaiinis, pumunta raw ako sa condo niya! Siraulo! Ayoko nga! Sperm talaga siya, oh!
“Miss Belle, okay lang po ba kayo?” tanong sa akin ng bodyguards ni daddy. Isa pa ang mga ito! Kabanas, sakit sa heart.
“Hindi ho, hanapin po ninyo si Beast. Ang prince charming ko, pakisabi mamamatay na si Belle kapag hindi siya pumunta rito. Ang prinsesa niya ay masisiraan na rin ng bait,” pambabara ko.
“N-Nagbibiro ka na naman po, Miss Belle eh.”
Nasa hallway pa lang kami ng school at wala ni isang students ang nakakikita sa akin. Kasi naman, oy. Ang dami nila at ang tatangkad pa ng mga bodyguards ni daddy. Napapalibutan nila akong lahat. Thankful lang ako kasi ang 2nd floor to 15 floor ay wala kang makikita sa baba. Bakit? Kasi may bubong sa hallway.
“Miss Belle, sabi po ng daddy ninyo ah samahan ka na raw namin kung saan mo gustong pumunta basta huwag lang po kayong tatakas,” usal niya.
Talaga? Puwede akong pumunta sa kung saan ko man gugustuhin?
“True ba iyan?” tanong ko.
“Totoo po iyon, Miss Belle,” singit ng isa na ikinalingon ko sa kanya. Ang popogi talaga nilang lahat.
“Bakit po, may problema ba, Miss Belle?” tanong sa akin ng matandang bodyguard ni daddy. Kilala ko siya, si Mang Rivo. Bodyguard ko na siya since birth pa at nagtaka siya nang bigla akong huminto.
“Ngayon ko lang napansin na ang guwapo pala ninyong lahat. Exept sa limang matanda na at kay Mang Rivo,” usal ko.
“Naku, hija ang sakit mo naman sa atay.” Napatingin ako kay Mang Rivo dahil sa sinabi niya.
“Biro lang po,” ani ko. “Tara po, may pupuntahan tayong lahat!” Bumalik nga kami sa parking space para sumakay ulit sa aming sasakyan. Totoo nga na hindi na nila ako pipigilan pa kung saan kami pupunta.
***
We reached the condominium of manong ho after ng ilang minutes. “All of you stay here, hindi ho ako tatakas, Mang Rivo. May gagahasahin—este puputulan ng itlog—este, I need to meet someone bago pa lang sumabog ang ulo niya sa inis sa akin dahil ang tagal-tagal kong dumating.”
To be honest, sa tuwing tinatawagan ako ni Pareng Allian ay palagi na lang akong nakararamdam ng excitement. Tila gusto ko siyang makita everyday. Kahit minsan ay stress na siya sa akin.
“Sigurado ka ba, hija?” tanong ni Mang Rivo sa akin na tinanguan ko naman.
“Oho at nandito naman ho ang number niyo. Textmate ho tayo, Mang Rivo. Kaya behave lang po kayo rito, ha? Huwag pasaway! Babalik ang Isa niyo!”
“Miss Belle! May aakyat po kasama niyo!” sigaw nito sa akin at hinayaan ko na lamang.
Hindi naman halata na bodyguard sila dahil naka-civilian outfit silang lahat. Sa utos na rin ng mabait kong tita.
Nagtungo agad ako sa floor ni Manong Ho at nang nasa labas na ako ng unit niya ay malakas kong sinipa ang pinto saka ko pinindot ng ilang beses ang doorbell.
Bakit ba ang tagal niyang buksan? Kahit pinaglalaruan ko na ang doorbell niya na may kasama pang pagsipa. Hindi naman masakit, keribels ko pa.
PHILLIF’s POV
Nasa kagitnaan ako ng trabaho ko at umiinom ako ng malamig na tubig ng biglang—awtomatiko nasamid ako ng tubig na iniinom ko. What the hell? Sino ang kumakalampag sa pintuan ko at pinaglalaruan pa niya ang doorbell ko?
Oh God! Baka masira ang pintuan ko!
“Pare! Pare, buksan mo! Pare! Pare ako ito, ang kaibigan mo! Pare!” Boses iyon ng batang iyon. Nakaiinis na talaga siya.
Marahas na binuksan ko ang pinto ng condo ko at nasama pa siya sa pintuan kaya hayon. Nakipaghalikan na siya sa floor. Hindi ko naman siya agad nasalo.
Stupid, I just rolled my eyes at pinagkrus ko pa ang magkabilang braso ko sa dibdib ko.
YZABELLE’s POV
“Ouch naman! Bakit hindi mo ako sinalo?!” reklamo ko na may kasama pang pagdaing. Bigla niya kasing binuksan tapos bumagsak pa ako sa sahig.
Humawak ako sa magkabilang binti niya at doon ako unti-unting tumayo.Nang tuluyan na akong makatayo ay tiningnan ko siya. Masama na agad ang tingin niya sa akin.
“Umayos ka nga!” sigaw niya.
“Ang sakit po. Bakit hindi mo ako sinalo?” nakangusong tanong ko.
“Ang kulit mo kasi. Pasaway!”
“Wala kang awa sa akin, dude.”
“Pumunta ka na lang sa kusina at magluto ka ng lunch ko. Hurry up!” sigaw niya sa akin. Ay teka lang, parang nabingi yata ako sa sinabi niya.
“Pakiulit, dude?” sabi ko at inilapit ko pa ang tainga ko sa kanya. Matangkad siya kaya nag-tiptoe pa ako.
“Cook something!” sigaw niya sa tainga ko dahilan para mapaatras ako.
“Ang tainga ko po!” Hinawakan ko ang tainga ko at tumulis pa ang labi ko.
“Huwag mo akong subukan, bata.”
“Pero kasi hindi ako marunong magluto, eh,” ani ko.
“Kababae mong tao? You don’t know how to to cook? Kahit manok lang magprito ka. Basic iyon. Tsk.” Nagawa pa niya akong itulak sa kitchen niya at malakas na isinara ang pintuan.
Binuksan ko na lamang ang ref niya. Nasaan kaya ang manok niya? Magpiprito talaga ako ng manok? Eh, sa hindi rin talaga ako marunong? Aaminin kong food lovers nga ako pero oy. Never pa akong nagluto. Paano naman ito? Magagalit pa naman siya kapag nakatunganga lang din ako here.
Nakita ko naman ang manok at kinuha ko iyon. Naka-plastic siya pero buo pa rin naman.
Ano pa kaya ang mga sangkap para lutuin ito?
Harina at cooking oil ba iyon? Narinig ko kasi noong inutusan ng katulong namin ang isa pang kasambahay namin.
Hinanda ko na nga ang lahat ng iyon after kong mahanap ang mga sangkap niya. Sa paglagay ko ng pan ay nilagyan ko iyon ng cooking oil. Ang harina ay ibinuhos ko sa manok. Parang binalot lang siya nito.
Ilalagay ko na sana sa pan ang malaking manok kaso parang may bala—I mean tumatalsik ang mantika?
Nagtatalon ako sa sobrang sakit ng pagtalsik nito sa akin. “Ahh! Hoy, wala akong kasalanan sa ’yo! Teka! Ang pritong manok ko!” Tumingin ako sa paligid ko kung may puwede akong magamit para hindi ako matalsikan ng mantika. Nakita ko naman ang takip ng kaldero at mabilis kong pinangharang iyon sa mukha ko.
“Kaldero pahiram lang ako ng sumbrero mo, may war kasi kami ni fritong manok, eh!” biro ko.
Hayaan mo naman akong magluto, please! Naiiyak ako dahil ang daming tumalsik sa braso ko. Nang idiin ko ang manok sa mantika ay roon na ako huminto.
PHILLIF’s POV
Pabalik pa lang sana ako sa opisina ko rito sa condo ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni PB sa kusina. Base pa lang sa pagsigaw niya ay mukhang nasaktan siya kaya parang binalot ako ng takot sa dibdib.
Dali-dali akong nagtungo roon para tingnan ang lagay niya.
“What happened?!” nag-aalala kong tanong sa kanya.
Napakurap-kurap pa ako sa nakita ko, para akong aatakihin ang gulo-gulo ng kusina at si PB.
“Dude, tulungan mo ako. Ang sakit ng braso ko. Sumabak kasi ako sa digmaan at si fritong manok ang aking kalaban pero hindi ko alam na magkasabwat pala sila ni mantika. Ang daya-daya nila! Nag-iisa lang ako at sila marami. Fritong manok vs. Yjen lang sana iyon, eh.” Wala sa sariling bumagsak ang tuhod ko sa sahig.
Baliw na talaga siya, oh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top