CHAPTER 7

Chapter 7:MEET AGAIN IN THE MALL

YZABELLE JEN CLINFORD's POV

WOHOO! Ang saya talaga nito!
Ang galing lang ng kotseng ito.

Nag-drive ako papunta sa university namin at maya-maya pa ay nakarating na rin ako.
Nasaan na kaya ang mga bodyguards ni daddy? Hahaha.

Wala na sila rito, sure ako.

"Late ka na, Yjen ah... Bakit ngayon ka lang pumasok?" sabi sa akin ni manong security pagkababa ko mula sa sasakyan ko.

"Ah, eh! Na late lang ako, dude," palusot na sabi ko. Aalis na sana ako ng may maalala ako.

"Dude, may tao bang pumunta rito? Mga naka-black silang lahat?" tanong ko.

"Ah, oo nandito kasi kanina ang president ng bansa." President? Si daddy kaya?

Patay. Nalaman ni daddy kaagad? Lagot na ako pagkauwi ko nito. T

"Sige dude, salamat," sabi ko at dumiretso sa president's office.

Pinihit ko ang doorknob at walang katok-katok na pumasok ako sa loob.

"What the, hindi ka ba marunong kuma-- Yza?!" gulat na sambit ni Tita Ylleza, yes my tita. Bunsong kapatid ni mommy.

Nasa 28 years old pa lamang siya at single. Siya ang president ng school namin.

Si Tita Ylleza lang ang nakakaalam sa real identity ko kaya sa kanya ko na rin pinakiusapan na YJEN lang dapat ang pangalan ko sa school. Real name ko naman pero YJEN lang talaga ang gusto ko.

Close kami niyan na akala mo kapatid ko lang. Marami 'yang manliligaw pero wala ni isang napupusuan. Maganda kasi, nasa lahi. Share lang.

"Yza, nandito kanina ang daddy mo at hinahanap ka. Tumakas ka na naman bang bata ka?" tanong sa akin ni tita at tinaasan pa ako ng kilay. Nakaupo lang siya sa swivel chair niya at mukha talagang busy siya.

"Ah eh, hindi po tita, ah. Ayaw ko lang naman kasi na dumaan sa entrance kasi baka mabubuking ako. Ikaw ba naman na bantayan ng 15 bodyguards ni daddy? Hindi ka ba maiinis?" sabi ko.

"Whatever, Yza," balewalang sabi ni tita.

"Nag-usap kayo ni daddy, tita?" I asked her at lumapit pa ako sa kinaroroonan niya.

"Yes, and don't worry nagawan ko na ng paraan ang pagtakas mo. Sinabi kong nasa klase ka ng mga high school, dahil temporary adviser ka roon."

Ano raw?

"Wah! Talaga tita? Wow, the best ka talaga!" sabi ko at yumakap pa ako sa kanya. Dahil sa labis-labis na tuwa.

"Kung hindi lang kita mahal, aba'y hindi kita tutulungan," wika niya na akala mo ay napipilitan lang siya.

"Kung hindi mo ako tinulungan, kapalit na mag-aasawa ka na tita," pabirong sabi ko naman. Concern ako sa kanya at baka maging matandang dalaga na talaga siya. Sayang lahi namin kung nagkataon.

"Hindi ko pa 'yan naiisip, Yza. Wala pa sa dictionary ko ang magpatali sa isang lalaki," sabi niya.

"Ows, tatandang dalaga ka? Sayang naman ang beauty mo, tita," pang-aasar ko pa sa kanya at tinawanan ko pa ang sinabi ko.

"Whatever, Yza. Ay! Oo nga pala. May kapalit ang pagtulong ko sa 'yo!" Naku alam ko na 'yan.

"Eh, tita naman?" sabi ko.

"Exempted ka tomorrow at sasama ka sa akin sa birthday party ng kaibigan ko. Gusto kong ipakilala kita bilang pamangkin ko," tuwang-tuwang sabi niya and wah!

"No way, tita!" sigaw ko.

"Yes way, my dear! Nagpaalam na ako kay Kuya Jen. At pumayag naman siya. Wala kasi akong kasama roon, eh." Sinasabi ko na nga ba, eh!

"Sige na nga, kainis lang. Birthday party? Don't tell me tita  mag-go-gown?! The hell dude!" sigaw ko.

"Hindi! Sa Rosey bar lang tayo." Bar?

"Tita, minor pa lang ako, hindi ako puwede." Pero parang gusto ko ngang pumunta.

"Ows, ngayon alam mo na, na minor ka pa? Eh, bakit nagmamaneho ka ng kotse at saan mo 'yon nakuha, huh?" Hala! bakit alam niya?!

"Hayun, oh!" aniya sabay turo niya sa vomputer niya na may naka-connect sa CCTV footage ng school, sa labas pala.

"Ah eh! Kay manong ho. Binigyan niya kasi ako ng kotse kapalit ng project na ginawa ko sa kanya, tita," sabi ko.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako roon?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni tita. Ang taray lang.

"Eh, bahala ka tita, kung ayaw mong maniwala sa akin at saka exempted ako bukas. Bakit anong oras ba tayo pupunta roon?" tanong ko.

"7:00, gusto ko lang mag-prepare ka sa mansion ninyo, Yza. Basta bukas, ah?" Hays.

"Opo, tita," sagot ko at lumabas na sa office niya.

kainis...okay lang siguro 'yon and at least, hehe makakapaggala na naman si YZA!

♣♣♣

Kasabay kong umuwi si tita Ylleza, may sarili siyang bahay at minsan nakikitulog din siya sa mansion.

"Bibili pala tayo ng gift bukas, Yza." Yes gift daw.

"Sige, tita."

Pagkapasok namin sa loob ay nakaupo sa mahabang sofa sina Dad at Mom, nasa kabilang sofa naman ang dalawa kong kuya.

"Hello, everyone! Yza is homeee!" masayang sigaw ko.

"Halata nga na umuwi ka na, ang ingay mo." Boses 'yan ni kuya sungit.

"Sino ang kinakausap mo, kuya? ang cellphone mo ?" pabirong tanong ko. Eh, kasi naman n'ong nagsalita siya ay nasa cellphone siya nakatingin. Doon siya nakatutok, kaya baka ang cellphone niya ang kinakausap niya, 'di ba?

"Ewan ko sa 'yo!" naiinis na sagot niya sa akin. Pikon talaga 'yan sa akin. Haha.

"Tumakas ka kanina, 'no?" Boses naman 'yan ng paborito kong kapatid na si Kuya Yzan.

"Hu? Tita, tumakas ba ako?" tanong ko naman kay Tita, nagpapatulong. Chos.

"Hindi po siya nag-escaping, Yzan. Nag-escaped lang." Binulong lang ni tita ang escaped.

"Ano 'yon, Ylleza ?" tanong ni naman kuya, lagot ka Ylleza raw.

"Anong Ylleza, huh? Hoy! Tita mo ako, ah! Kaya dapat tawagin mo akong tita," pangangaral sa kanya   ni Tita Ylleza. Pasaway talaga ang kuya kong 'yan.

"Sorry naman, bakit pa ba kailangan pa kitang tawaging tita? Eh, mas matanda naman ako kaysa sa 'yo," he reasoned out. Though, tama naman si Kuya Yzan.

"Isang buwan lang! Pamangkin! At saka kapatid ako ng nanay mo! Kaya tita, dapat!" sigaw pa ni tita.

"Opo, tita! Pareho kayo ni Yza, maingay. Sa 'yo siguro nagmana ang batang 'yan" bulong na sabi ni kuya, eh sa narinig naman namin.
Bubulong-bulong pa.

Iniwan ko na lang sila roon at ako'y magpapahinga na sa kuwarto ko.

Heaven dude...

Nang makahiga na ako sa malambot kong kama ay siya namang pagtunog ng kung anong bagay kaya nagulat pa ako.

What was that? What is that sound?

Napabangon ako at kunot-noong hinanap ko ang pinanggalingan ng tunog na 'yon.

Cellphone ba 'yon? Wala naman akong cellphone, ah?

Maya-maya ay nawala rin naman ang tunog. Kaya muli akong humiga at pinikit ko ang mga mata ko.

Pero muling tumunog!

Wait saan nga galing 'yon?

Hinanap ko ulit ang sound na 'yon at naramdaman ko naman na may nag-vibrate sa bulsa ng uniform ko. Kinapa-kapa ko ito.

Oh! Phone ni dude!

Sino kaya ang tumatawag na ito?

"He--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang...

"Bakit ang tagal mong sumago?! Kanina pa ako tumatawag! PB ka talaga!" sigaw niya, sperm (peste) lang dude pati sa phone ang lakas pa rin ng boses niya, ano?

"Oh hello, gad (good) ebning (evening) sir. Mey (may)I help yuu?" pabirong tanong ko.

"What the hell?! Hoy, PB!" High blood talaga ito as ever.

"Sino ho sila?" inosenteng tanong ko sa kanya mula sa kabilang linya.

"This is Phillif Allian!"

"Oh, si manong ho, si lolo, si pareng allian pala. Kamusta ho kayo?"

"Pati ba naman sa phone ay baliw ka pa din?!" pagalit na tanong niya sa akin, may dalaw nga talaga siya. Ahaha.

"Pati ba naman sa phone ay may dalaw ka pa rin?!" pabalik na tanong ko naman sa kanya. Tamang pang-asar lang sa kanya.

"What the hell, PB?!" .

"Ayie! Kilig naman daw si ako manong. Ngayon ko lang ho napansin na may endelment (endearment) ka para sa akin. Ayie... ang tamis mo pala, hehe," pabirong wika ko.

"What the, baliw ka na talaga," naiinis na sabi niya.

"Oo! Baliw ako! Baliw na baliw sa 'yo."

"Adik!" sambit niya sa kabilang linya.

"Adik sa 'yo! Adik-- What the hell, dude?!" pagalit na sigaw ko kay kuya sungit. Bigla na lang kasi pumasok sa loob ng room ko at inagaw pa niya ang phone ni dude.

"Sinong kausap mo?" nakataas na kilay na tanong sa akin ni kuya Rey. Kahit na masungit 'yan ay mahal ko rin naman 'yan, ha. Concerns lang kasi siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top