CHAPTER 5
Chapter 5:Layout
WHAT the hell, dude?! Ano raw? Ako ang gagawa ng project niya? Seriously?! Ano niya ba ako? Katulong? Ay oo nga pala! May atraso raw ako sa kanya? Kailan naman iyon?
Okay...sige na gagawin ko na ang project niya. Tsk. Tumayo ako at pumunta sa kitchen. Aba, kukuha ako ng pagkain, 'no?
Mahirap kayang gumawa ng layout.
"Hoy, dude!'' tawag ko kay manong dahil sa gulat niya ay nasamid pa siya, 'sakto kasi na umiinum pa siya ng tubig. Niyahaha! Kawawa naman!
Lumapit ako sa kanya at umuubo pa siya. "Oy, manong naman! Bakit ba? Hindi mo nalunok ang tubig?" Haha, hinampas ko siya sa likod niya pero mukhang mas lalo pa yata siyang nasamid dahil sa ginawa ko.
"What the hell, PB?!" mura niya.
"Ano raw mano--este dude!" sabi ko naman.
"What are you doing here? Bakit hindi mo pa ginagawa ang project ko?!" pasigaw na sabi niya sa akin.
Maaasar nga ulit si manong ho. "What? 'Di ba 'ano' iyon sa Tagalog? Are? Yu? Her? 'Di ba babae 'yon? At teka lang, dude. Bakit ba ako ang uutusan mong mag-ayos ng sirang liy-awt mo at ako ba ang may-ari no'n? Sa 'yo 'yong frazect na 'yon at--" ay bastos. (Layout, project)
"Project! Bakit ba kung P ginagawa mong F? At kung P naman ay ginagawa mong F? At ang J naman ay ginagawa mong Z at ang Z ginagawa mo ring J. Ang gulo mo bata!" sigaw niya sa akin at pinanlisikan pa ako ng mga mata niya. Mukha siyang galit sa akin, ha?
"Ikaw ang magulo pareng Allian, anong P at F? Ang J at Z, huh? I rown andirstan yuu , dude!" pabirong sabi ko sa kanya at kinunutan ko pa siya ng kilay. (Don't, understand, you)
"Ayiee...nag-English ka? Wala ka naman sa tono, PB!" nakataas na kilay na sabi niya.
"Ho? Nag-Tagalog ho ako? Wala sa tono? Hindi ho ako kumakanta. Aba'y baliw na nga kayo at bingi pa siguro! Kawawa ka naman!" tawa ko pa.
"Gagawin mo ang project ko o hindi ka na makakaalis pa rito?!" mariing banta niya at natakot ako room, ah.
Ayokong mabulok rito, 'no? "Oho manong, pero hindi na 'yon maaayos sira na 'yon, 'no! Ibalik mo na lang sa gumawa no'n!" reklamo ko.
"Eh, 'di gumawa ka ng bago! Kung hindi ka pa gagawa ay mauubusan ka ng oras!" Oo patay, ang oras pala!
"Ayue, oho!" ismid na wika ko, padabog na bumalik ako sa may sala ni manong ho.
Nakakaasar lang! Tiningnan ko ang layout ni manong ho, kaya naman pala nasira kasi...
"Ahahah! Pangit! Kaya pala nasira kasi pangit, ang pangit-pngit nito! Siguro ang gumawa nito ay pangit din!" saad ko at tawa lang ako nang tawa. Saka nagpaparinig lang naman ako kay manong.
"PB!" Oh, 'di ba?
"AHAHA! Kaya pala ito nasira, dahil ang pangit-pangit nito! Kasing pangit ba nito ang gumawa, dude? Kasing pangit mo rin, manong!" pang-aasar ko at tawa pa rin ako ng tawa.
PHILLIF ALLIAN VELLAREMA's POV
Kung hindi pa ito titigil ay itatapon ko talaga ito papunta sa Mars. Nakaka-asar na siya. 'Yong totoo baliw ba ito? Kaya ko lang naman siyang inutusan na ayusin ang nasira niyang layout ko ay gusto ko lang siyang pahirapan. Tsk. Lintik lang ang walang ganti.
Alam ko naman na hindi na 'yan maaayos pa, eh. Bahala na rin at hindi na lang ako sisipot kay daddy.
Tumingin ulit ako sa baliw na ito. Marami na siyang pangalan, ha!
Probinsyanang hilaw.
Probinsyanang bata.
Probinsyang baliw.
"Hoy!" sigaw ko sa kanya at napamaywang pa ako.
"Ahahaha! Ang sakit na sa tiyan, dude," natatawang saad niya, o sino ba ang nag-utos sa kanya na tumawa? Ako ba?
Lumapit siya sa akin na nakahawak pa sa tiyan niya at hinawakan pa ako sa kaliwang balikat ko. What the...
"Dude, haha.. kaya naman pala nasira, eh. Kasi ang pangit niya? Kasing pangit mo, ptt..."
AH! Ibang klase rin ang babaeng ito, ah? Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at a-amoy n-naa-amoy ko ang mabangong h-hininga niya? Ahh! Nakakabaliw!
"Titigil ka o titigil ka?" mariing sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Aye aye, boshing! Sige na umalis ka na rito, gagawin ko na ang frozect (project) mo. Sige na sige na bawal ang pangit dito!" pang-iinsulto pa niya at sabay pa na tinutulak-tulak ako para nakalabas na ako.
What the hell?!
"Wels (where's) yuur (your) ruum?(room?)" Putik ano raw? Hindi ko siya naintindihan, ha!
"Oh sige na, alis na tsupi! Tsupi!" At tuluyan na nga akong nakaalis doon at pinagsarhan pa ako ng pintuan.
AKO ANG MAY-ARI NG CONDO NA ITO AH! AHH! TATANDA AKO NG WALA SA ORAS NITO! Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
YZABELLE JEN CLINFORD's POV
Hay sa wakas natapos din, after two hours nang pagsasagawa ko ng bago niyang mini-house. Nyahahaha, ang saya-saya talaga!
Tiningnan ko maigi ang layout na ginawa ko. Volor white at wala siyang floor. Simple lang siya pero unique. May apat na kuwarto, at isang guestroom pero malaki naman ang space niya. Parang maliit na pamilya lang ang titira rito. Wah! Gusto kong iuwi sa bahay ko. Bakit ba kasi ang ganda niya? Magaling ako gumawa ng layout, parang hangin lang sa akin. Remember future architect ako.
At hobby ko na ang gumawa ng layout. Marami na akong nagawa actually nasa room ko naka-display lahat.
Minsan binibenta ko kay kuya sungit at kuya Yzan. Ahaha.
Nasaan na kaya si manong ho? Nasa labas pala ng condo niya, pinaalis ko kasi! Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakaupo, nakasandal at natutulog ba siya?
Lumuhod ako para ma-level ko siya at lumapit ako. Ang ganda ng ilong niya, matangos ang nose niya at ang cute-cute, oh! Sabay na pinisil-pisil ko pa ang ilong niya.
Wahh! Ang haba rin ng pilik-mata niya parang babae lang. Hinawakan ko naman ang eyelashes niya. Ang ganda ng kilay, parang drawing lang. Pinaraanan ko naman ang kilay niya gamit at hintuturo ko. Ang kinis din ng mukha niya, walang pimples. Sabay na kinurot ko ang cheek niya at ang lambot din. Bumaba naman ang tingin ko sa, I gulped sa red lips niya at hugis puso. Nakaka-temp! Parang ang sarap halikan ang mapupulang labi niya at AHH PROMISE NAKAKABALIW SIYA! BAKIT BA ANG GUWAPO NI MANONG HO?! AYUE CRUSH KO NA SIYA!
Err, what did I say? Ah! Sige na nga crush ko na siya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Ang bango ng hininga niya at ...at...
"What are you doing?" Nagulat ako ng bigla siyang nagising.
"Ang ganda rin ng mga mata mo, kulay abo siya," hindi ko napigilan at nasabi ko 'yon sa kanya.
"What? Hoy, PB! Kanina mo pa ako pinagpapantasyahan, ah? Ang likot din ng kamay mo!" Oh...
"Oh ngayon, gising ka pala? Aw, aminin mo na gusto mo rin ang haplos ng mga kamay ko sa balat mo, 'no?" Ano raw? Bakit ko ba iyon nasabi pa? Parang ang awkward naman?
"Ah... gusto mo rin bang haplusin ko ang balat mo? Alam mo bata, marunong akong magpaligaya sa mga babae. Gusto mo bang gawin natin ---"bastos ...bastos.
Ang puso ko. "BASTOS!" sigaw ko at napatayo pa.
"What? May ginawa ba ako sa 'yo? haha..." sabi niya at napatawa pa talaga ng sobrang lakas.
"E-Ewan ko sa 'yo, t-tingnan mo na lang ang project mo," nauutal pang sambit ko. Kinabahan kasi ako bigla, eh.
"Oh! Improving ang English mo ah... great," nang-aasar na sabi biya. Tsk.
Tumayo siya at hinawakan ako sa kamay at saka siya pumasok ulit sa loob habang hila-hila ako.
"Oy! Kailangan pa bang manghawak?" natatarantang sabi ko.
"Para hindi ka na makatakas pa, bata! Sigurado kang nagawa mo ang project ko, PB?" he asked me. May pagdududa talaga.
"Oh, yup dude! Ako pa? Maganda kaya ako," pang-aasar ko sa kanya.
"Ano naman ang konek do'n?" sarkatiskong tanong niya sa akin at pinagtaasan pa ako ng kilay.
"Buhay ko at ang ganda ko ay konektado. Ulol!" Hahaha...
"Ewan ko sa 'yo! WHAT THE FUCK?! WHAT DID YOU DO? M-MY LAYOUT! SIRA NA NGA SINIRA MO PA LALO?!" sigaw niya, eh kasi naman tinapon ko ang sirang layout niya at nagkawasak-wasak na 'yon. Hindi naman kagandahan.
"Hindi masakit sa tainga ,dude. Hindi! Ang sarap kasi sa tainga, oh! Parang musika lang, tss," sarkatiskong wika ko.
"PB!" he warned me.
"Ah eh, tingnan mo na lang kasi, dude. At baka main-love ka pa," sabi ko.
Tiningan naman niya ang bagong project na ginawa ko at dudes napa-nganga pa siya.
"It's that truth? T-Totoo ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at nakaawang pa ang mga labi niya.
"Hindi, nananaginip ka lang, dude! HOY,PARENG ALLIAN GUMISING KA NA, TANGHALI NA!" sigaw ko sa kanya, ang OA kasi.
"SHIT! Masakit sa tainga! This is not a dream. Fvck!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top