CHAPTER 3
Chapter 3-Interrogation
YZABELLE JEN CLINFORD's POV
Kung sinuswerte ka nga naman, oh! Makikita ko pa ulit si MANONG HO! aba, I need to be an actress na naman.
"GOTCHA!" sabi niya at may ngiting demonyo sa mga labi.
"Ano ho 'yon manong? Gatyu?! Ano ho ba 'yon ?" enosenteng tanong ko, kunwari.
Hindi niya ako sinagot bagkus kinaladkad niya ako at pinapasok sa kotse--ohh nice. Ganda ah!
"Hoy! Manong ho, saan mo ba ako dadalhin?" I asked him.
"Huwag kang maingay r'yan, PB!" sigaw niya naman sa akin na tila naubusan ng pasensiya. Pero ano raw? PB? Anong PB? Ano naman 'yon?
"Ano ho ang PB ? Pulubing bata? Pulubing bata ang tingin mo sa akin, ganon ho ba 'yon, manong?" pang-aasar ko sa kanya, sige lang Yza. Asarin mo pa siya.
"Probinsyanang hilaw!
Probinsyanang bata! Just shut the fucking mouth of yours!" Palamurang tao talaga siya, 'no?
"Hoy! Manong naman. Kikidnapin mo ba ako? Oy! Parang awa mo na, may pamilyang naghihintay sa akin at saka may sakit ho ang nanay ko, bibilhan ko sana ng gamot! Manong naman ho! Parang awa ninyo na, huhuhu." Hayan acting na Yza.
"Akala mo maloloko mo na naman ako? huh!" sabi pa niya nang nakangisi.
"At puwede ba, PB! 'Wag mo akong tawaging MANONG!" sigaw niya ulit.
"Bakit ho ba? Manong ka naman talaga!" sabi ko pa.
"Grr! Fuck you!" Ew, ew!
"Masama 'yon!" sabi ko at pinanlakihan siya ng mga mata.
Kanina pa siya nagmamaneho at ang higpit nang pagkakahawak niya sa manibela ng sasakyan niya, ay teka...
"Saan mo ba kasi ako dadalhin, manong?" I asked.
"Sa presinto." What?
"Ho?! Ano ho ang ginawa kong masama sa inyo? Bakit dadalhin ninyo ako sa presinto ? mano--" okay.
"Sabi ng huwag mo akong tawaging manong!" sigaw niya ulit sa akin at halos mapugto ang kanyang hininga sa lakas ng boses niya.
"Okay, lolo!" sabi ko na lamang.
"Lolo?! What the fuck?!" Mura lang nang mura ang lalaking ito!
"Oo, bingi!"
"AAHH! Ano ba?!" naiinis na saad ko. Napasigaw talaga ako nang bigla niyang itinigil ang car.
"TATAHIMIK KA O TATAHIIN KO 'YANG BIBIG MO?!" mapagbantang saad niya.
"PAKAKAWALAN MO AKO O PAKAKAWALAN?!" balik na tanong ko sa kanya at wala siyang pipiliin na iba.
"CRAZY GIRL!" sigaw niya ulit.
"Creeje inlab ho, Hindi creeje Gil. Aba, bobo!" Alam kong galit na 'yan, eh. Sino ba naman ang hindi?
"Tumigil ka riyan! Now tell me. WHO ARE YOU?" he asked.
"Hu? R? U? Alam ko 'yung who , sino at R? Letrang R, eksampol, (example) Rinbo,(Rainbow) at U? Ah ikaw. Sino si R, ikaw? Eh 'di ikaw? Ikaw 'yon ? Bakit ho, may amnesia ho ba kayo? Hindi mo naaalala kung sino ka? Ako alam ko po! Ikaw si MANONG HO," pang-aasar ko pa sa kanya.
"IKUKULONG KITA KUNG MAGSASALITA KA PA!"
banta niya.
"OHO! Titigil na at titigil na," sabi ko.
"Ano ang pangalan mo?" he asked again.
"DALAWA!" sigaw ko.
"Ano?! Anong dalawa ?!"
"Sabi mo, anong pangalan ko. kaya dalawa ang pangalan ko." Hehe, ang sarap niyang asarin.
"IYONG TOTOO!" Tss...may dalaw, mahilig sumigaw.
"Azy," maikling sagot ko. Yza yan, binaliktad ko lang.
"Full name," matigas na bigkas niya.
"Ano ho?" kunwaring tanong ko.
"Buong pangalan mo!" May dalaw talaga.
"Mahaba ho ang pangalan ko. Sige sasabihin ko. Ang pangalan ko ho ay si ELLEBAZY NEJ DROFNILC." Aba, kapag sinabi ko ang real name ko. Patay ako nito kay dad.
"Ellebazy Nej D-Drofnile ? Anong klaseng pangalan 'yon ?" Hayst.
"Pagkain ho, siguro manok, 'no?" pilosopong sagot ko, asar!
"Whatever, ilang taon ka na?" Tsk.
Iterested? Ano ito interrogation ?
"17." Ako.
"17?! Seryoso ka ba?!" Siya.
"Hindi ho! Tss."
"That's crazy!"
Eh, 'di huwag maniwala. May pumipilit ba? Tss...
"Nag-aaral ka pa?"
"Oo" ako.
"Anong grade ka na?" Anong grade raw?
"Wala ka na roon, 'no?" sabi ko.
"Sige pupunta na tayo sa presinto," sabi niya at nag-drive na ulit.
"Sige, sa presinto tayo at ano na naman ang ikakaso mo sa akin?" tanong ko at tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Magnanakaw." What the!
"Sige, akala mo may maniniwala sa 'yo? At hindi pa ako legar edge 'no? 17 pa kaya ako." Tama ako.
"Legal age, hindi legar edge!" pagtatama niya sa akin.
"Parehas lang naman 'yon, eh!" sigaw ko at nakaramdam na ako ng ginaw.
"Hays, okay hindi na kita idedemanda pa pero sa isang kondisyon." Kondisyon? Ana! Segurista rin pala!
"Basta wala 'yang kinalaman sa pera dahil sinasabi ko na sa 'yo na wala akong pera. Mahirap lang ako at estudyante pa lang ako." Hehe.
"As if kailangan ko ng pera mo?"
"Ano ba ang malay ko, 'no?" Tinaasan ko siya ng kilay. Akala niya, ha?
"Tss!"
"Ano?! Sabihin mo ang kondisyon mo!" sabi ko.
"Atat lang ?" tanong niya sa akin.
"Oo, kita mong natatae na ako, oh! Pakibilisan at para makaalis na ako rito."
"Hindi ka makakaalis hangga't hindi ko nalalaman ang tunay mong pagkatao at ang pangalan mo," giit niya sa akin.
"Hoy lalaki! Sinabi ko na ang tunay kong pangalan, nasa sa 'yo na kung bobo ka!" sigaw ko.
Oo bobo siya kapag hindi pa niya malaman 'yon. Real names ko na 'yon, ah, binaliktad ko lang.
"Pangalan mo ba talaga 'yon? Parang hindi." Oo, pangalan ko nga talaga.
"Bahala ka, at saka wala naman akong natatandaang atrasong ginawa ko sa 'yo, ah ?" May atraso ba ako sa kanya? Parang wala naman, ah.
"Anong wala! Sinira mo nga ang layout ko at bukas ko na 'yon ipapasa, then magtatanong ka pa kung ano ang atraso mo sa akin malaki!" 'Sus, parang 'yon lang? 'Yon lang talaga? Pumunta ka sa mansion namin maraming layout d'on dude. Bigyan pa kita.
"Buhay mo na 'yon, sabihin mo na nga ang kondisyon mo!"
"Okay, be my slave in one month." Ano eaw? Slave? Maid? As in yaya? Muchacha? Alaga?
"Huh? E-esliv? Paano 'yon? Hindi ako damit. Isasabit mo na lang ako sa balikat mo?" asar ko sa kanya.
"DAMN! SLAVE! AS IN MAID!
KATULONG! IKAW NGA ANG BOBO SA ATIN!" sigaw niya sa akin.
"Nahiya naman ako sa 'yo, matalino..."
"Saan ka nakatira?" he asked once again.
"Sa bahay ko, saan pa ba? Sa kalsada? Kahit mahirap lang ako ay may bahay pa naman ako, 'no?" sabi ko at inirapan ko lang siya.
"Pilosopo! Akin na ang number mo. Bukas ka magsisimula."
"Anong bukas? Hoy manong pumayag ba akong maging katulong mo, huh? At saka anong number? Number ng CR namin?" sabi ko.
"What the! Ibigay mo ang cellphone number mo, dali na!" Hayst.
"Wala akong cellphone." Wala naman talaga akong cellphone, eh.
"Seryoso?! Anong klaseng tao ka ba?!" Kailangan sumigaw?
"Babae. Alangang lalaki?" pagpipilosopo ko sa kanya.
"Mababaliw ako sa 'yo!" sabi niya at napahilot na lang siya sa sentido niya.
"Dadalhin na ba kita sa mentar hospitar, dude?'' Bapatingin siya sa akin ng masama.
"MENTAL HOSPITAL! Ang lakas mo sa R," sabi niya.
"Wala akong super power. Bakit ikaw, mayroon ba" Hahaha..
"E-Ewan ko sa 'yo!" siya.
"Ano pala ang pangalan mo?" I asked.
"Bakit mo tinatanong?" supladong tanong niya sa akin. Aba! Attitude!
"Ayos ka rin, 'no? Eh ako nga para akong kriminal kung makatanong ka sa akin! Aba ang koripot mo sa pangalan mo, aber! Bakit nahihiya ka bang sabihin ang pangalan mo sa akin? Kasi pambabe ang pangalan mo? Hahahaha!" tawa ko.
"Ang daldal mo! PHILIF ALLIAN VILLAREMA!" Villarema? Familiar...
"Ano? Philip Aliyan?" tanong ko.
"PHILIF ALLIAN! ALLIAN!" Okay...
"Ptttt...pagkain ng manok 'yon, ah... Hhahaha!" tawa ko.
"Sige tumawa ka pa at dadagdagin ko ang--"
"Okay, at ako'y naiihi na ho. Lalabas na ako, ah!" Lalabas na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.
"Ano?" tanong ko.
"Paano ako makakasiguro na darating ka, huh?" Tss.
"Tss." Tatakas talaga ako!
Hello, gagawin niya akong katulong niya? Yikes!
"Promise! Susulpot ako! Mamatay ka man," sabi ko pa.
"What?"
"Sige ho, akin na ang number mo."
Dinukot niya ang wallet niya sa pocket niya at kinuha ko naman ang oras para makatakas!
"HEY CAME BACK HERE!"
Bwahahaha, sorry dude. Bye!
Tumakbo ako nang mabilis...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top