CHAPTER 12

Chapter 12: His Home

HINDI ko magawang kiligin dahil sa nararamdaman ko na gawin niyang girlfriend na grabe rin kung makahawak sa kamay ko. Wala talaga akong takas sa lalaking ito. Akala mo naman ay pagmamay-ari niya ako.

Ano na ba ang idadahilan ko sa parents ko? Malalaman din nila na tumakas ako kanina kaya hindi na nila ako papayagan pa.

“Aray naman, dude! Dahan-dahan lang hindi ako metal kung basta-basta mo na lang ipasok diyan sa bulok mong kotse at grabe ang sakit sa puwit,” reklamo ko nang bigla na lang niya akong isakay sa car niya.

“An’ng bulok ka riyan? Bago ito, PB! Bago ’to, ano? Limited edition ito from London! Hindi ito bulok!” hysterical na saad niya.

“Sinabi ko lang na bulok at hindi ako nagtatanong,” usal ko.

Dude, he glared at me and tinaasan ko lang siya ng kilay. He started the engine and wait...

“Ay, dude! Ang kotse ko!” Halos magpadyak na ako dahil iiwan lang namin sa parking space ng mall na ito?

“Iwan mo na lang!” sabi niya at akmang mag-drive na nga nang binatukan ko siya.

“That hurts!” Napasapo siya sa ulo niya.

“Oo na, aminado na akong mayaman ka. Makabibili ka ng gintong kotse. Nagtatae ka kasi ng pera magic lang at saka, oy. Ang kotse ko! Mahal na mahal ko iyon. Isasama ko na mas gugustuhin ko pang ikaw na lang ang maiwan doon sa palking lut.”

“Parking lot! Ikaw, Yjen ah. Paalala lang kung kaharap mo na ang mommy ko, please lang wear your proper manners and your behavior, and don’t you dare use your alien grammar at tiyak na sisipain ka ng nanay ko,” paalala niya. Napatango ako.

“Wow! Sisipain? Ano po ba siya? Elepante? Dinasor? Hayop pala ang nanay. Aray naman, ang brutal mo,” naka-pout na wika ko. Bigla-bigla kasing mambatok.

“God! Yjen, kailan ka ba magtitino?!” naiinis na tanong niya sa akin at halos magkadikit na nga ang mga kilay niya.

“Kung kailan ay lalabas na si baby. Baby lumabas ka na sa loob ng tiyan ni tatay, ah? Gustong-gusto na kitang makita. Ay, oo nga pala, dude. Saan pala lalabas si baby? May butas ka ba sa—ouch naman po!” daing ko ulit nang bigla na naman niya akong binato.

“Mommy, help me! May bumato sa akin ng cellphone!” naiiyak na saad niya.

“Damn it! Sorry na, hindi ko naman sinasadya. Please, don’t cry.” Akmang hahawakan niya ang noo ko pero mabilis na piniksi ko ang kamay niya.

PHILLIP’S POV

“Don’t cry, Yjen,” sabi niya. Feeling ko kasi ay lalabas ang puso ko kapag nakikita siyang umiiyak.

Ewan, feeling ko lang iyon. Isip bata talaga. Parang iyon lang talaga. “Sorry na sorry na, sorry na. Hindi ko naman talaga sinasadya,” sinadya ko naman talaga, eh kasi nainis ako sa kanya. Masyado siyang makulit at baliw.

“Hmm, ang sama-sama mo!”

“Sorry na nga. Hush now, isasama na natin ang pinakamamahal mong kotse,” pag-aalo ko dahil bumuhos ang mga luha niya. Sa kanya lang ako nagkakaganito.

Lumabas ako at binuksan ko ang shot gun door. Nakahawak siya sa noo nang maglakad kami papunta sa dati kong kotse, na ngayon ay kotse na niya. Mabilis na sumakay kami sa kotse niya.

“Where’s your key?” I asked her. “Yjen!” Binato niya sa akin ang susi at mabuti na lang ay nasalo ko.

“Hmp!” Sabay irap pa sa akin. May multong ngiti sa mga labi niya. Bakit yata ang cute niya?

I shook my head. Nevermind. Nag-drive na lamang ako patungo sa bahay ko. Yes, doon ko siya dadalhin. May sarili na akong bahay pero madalas ay sa condo lang ako dahil sa trabaho ko. Malapit din kasi roon ang company ko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin kami.

“Come on, pumasok na tayo,” pag-aaya ko at nakahawak pa rin siya sa noo niya. Bakit ba kasi phone pa ang naisipan ko? Masakit ba ang pagkakabato ko?

“Hoy, dude. Tinanan mo ba ako?” Nagsalubong ang kilay ko. Ano raw? Tinanan ko siya?

“T-Tinanan? As in tanan na nagtanan?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Hindi! Sabi ko tahanan! Tahanan iyon, bingi lang,” poker-faced na saad niya lamang. “Bakit akala mo ay ano?” nakataas ang kilay na tanong naman niya.

“Wala. Bakit may iisipin pa ba ako? Tsk.”

“Kanino ’tong bahay?” tanong niya mayamaya at pinasadahan niya nang tingin ang bahay ko.

“Sa akin. Welcome to my house,” sabi ko at binuksan ang gate, then pumasok na kami sa loob.

Eksakto lang naman ang laki nito pero milyon din ang nagastos ko. Naalala ko na naman ang ginawa niyang layout para sa project ko na ipi-presenta ko. Na impressed talaga ako roon. May talent din naman siya.

“Wow! Ong gondo-gondo-gondo nomon!” Napailing ako sa sinabi niya.
Pagdating naman namin sa sala ay umupo agad siya sa sofa at bakas sa mukha niya ang pagkamangha. “Naks, ang lambot-lambot ng sofa mo.” Lumundag-lundag pa talaga siya? Ngayon lang ba siya nakapasok sa bahay na kagaya nito?

Hahayaan ko na lamang siya dahil hindi na siya umiiyak pa. Hindi katulad nang kanina. Pumunta ako sa dining room para kumuha ng yelo, na concerned citizen lang naman ako.

Kumuha na rin ako ng ice cream for
peace offering. Nauntog din naman ako kanina pero iyong binato ko siya ng cellphone ay ibang usapan na iyon.

Bumalik ako sa living room at inilapag ang ice compress and ice cream. Si PB? Nandoon sa sofa at nakahiga na.

“Come here, Yjen. Lalagyan ko ng ice ang noo mo at baka magkakabukol ka pa,” sabi ko at parang bata naman niyang sinunod ang utos ko. Umupo siya sa tabi ko.

“Dude, ang ganda ng bahay mo,” sabi niya at halata talaga ang pagkamangha niya.

“Yes.” Kinuha ko ang ice compress at mabilis naman niyang tinanggal ang kamay niya sa noo niya.

“What the fvck!” mura ko nang makita ang noo niyang namamaga at namumula na. Damn it! Parang ayoko nang makita pa ang noo niya. Kinakain ako ng guilt.

Kompara sa noo kong nauntog kanina na hindi naman niya sinasadya ay alam kong mas masakit ang binato kong cellphone ko at sinadya ko pa iyon. Wala, nainis lang ako.

Ah, what did you do, self? “Dude, lagyan mo na bago pa ako magkaroon ng pasa,” aniya.

“Sorry, come closer.” Lumapit naman siya at muli kong tiningnan ang nasaktan niyang noo. Maingat kong idinampi ang ice compress. Seryoso kong ginamot iyon kaya mabilis din natapos. “Done.” Saka ko lang din ibinigay ang ice cream na kinuha ko sa ref ko.

“Ice cream? Wah! My paboret.” Hayan na naman siya sa alien grammar niya.

“Dude, lagyan mo rin ng ice compress ang noo mo.” See? She’s concerned too.

Tulad nang sabi niya ay ginawa ko nga. Napatitig pa ako sa kanya nang nagsimula na siyang kumain ng ice cream. Ang natural na mapula niyang mga labi ay mas namula lang din iyon. Napangiti na lang ako nang lihim nang nakikita siya na parang bata talagang kumain.

Kilala akong suplado pero heto, isang isip bata at baliw na nagawang pagtsagaan ang ugali ko.

“Get ready for tonight, Yjen. May papupuntahin ako rito na make up artist para ayusan ka,” sabi ko at pinanood siyang kumain. Hindi man lang nag-aya basta ba solve na ang tiyan niya sa ice cream. Tsk-tsk.

“Hindi ako sira, dude! Ayos ako, maayoz at saka, bakit sa make up artist mo ako ipaayos kung sakaling sira man ako? Hindi ba dapat sa car department?” What? Car department?

“Ewan ko sa ’yo,” ’yan lang ang nasbi ko.

“Bakit ako ang kinuha mong fretending girlfriend mo? Naubusan ka ng babae?” I took a deep breath.

“Ikaw lang kasi ang kilala kong babae na hindi kilala ni mommy at ikaw lang kasi naisip kong dalhin sa mommy ko! Copy mo now?” naiinis na tanong ko.

“Hindi, wala akong notebook at ballpen para isulat iyon at mas lalong hindi ako xerox machine para makakuha ng copy.”

Huwag nang magsalita pa Phillif Allian. Sigurado akong mambabara lang din ang baliw na PB na iyan.

“Sige na payag na ako pero. Akin na ang bahay mo, ba?”

“Hoy. Ano na naman ba iyan?!”

Una, kotse ko ang kinuha niya tapos ngayon naman ay bahay ko? May kasunod pa ba ’to?

“Joke lang naman! Huwag mong seryosohin, dude!” natatawang sigaw niya at napairap ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top