CHAPTER 11
Chapter 11: Pretending his girlfriend
WALA kaming pasok today, birthday ko kasi. Joke lang, may meeting daw iyong mga professor at nasa loob ako ng room ko. Boring.
Naman, oh! Kumusta na kaya si dude? Buhay pa kaya iyon? Natakasan kasi kagabi, eh. Haha.
Humiga muna ako sa queen size bed ko. Hmm, heaven talaga kaso napaka-boring dito. Wala akong ibang magawa.
Hinablot ko iyong phone ko na ibinigay sa akin ni dude. Siya na lang ang aabalahin ko. Pinindot ko ang call button at saka ko itinapat sa aking tainga. Sinagot naman niya kaya kinilig pati ang worms ko!
“Hello? O-order po ako ng dalawang box ng pizza,” bungad ko sa kanya.
“What the hell...” Kitam? Highblood na agad.
PHILLIF’s POV
“WHAT? Hell no! Mommy naman, eh. Sinasabi ko na sa inyo na ayaw ko sa babaeng ’yan!"” sigaw ko mula sa kabilang linya. Mommy ko ang kausap ko at gusto niyang ipakilala ako sa future wife ko kuno. “No way, Mommy. I really hate that bitch and I have a girlfriend already. Mahal ko ang girlfriend ko,” palusot ko kay mommy. Wala naman talaga akong girlfriend, ano?
“Then dalhin mo siya sa welcome party ko, ipakilala mo siya sa akin at kung makakapasa ba siya sa standard ko then I let both of you sa relationship niyo but kung hindi, sorry my son you better marry her. Bye see you tonight!”
Ano raw? Mommy naman, eh! Kainis! Sino naman ang babaeng dadalhin ko sa kanya at tonight pa? Ngayong gabi ang welcome party niya? What the hell! Ang bilis!
Damn this life! Bakit ba umuwi pa ang nanay ko rito? Parehas talaga sila ni Dad palagi akong binibigyan ng sakit sa ulo.
My phone rang agai, padabog na sinagot ko iyon nang hindi man lang tinitingnan ang caller ID.
“Hello? O-Order po ako ng dalawang box ng pizza.” It’s PB!
“What the hell...” sagot ko sa kabilang linya. Isa pa itong sakit sa ulo.
“Uy! Highblood agad? Pakihinaan po ang boses, dude at baka makunan ka. Tanggap ko na ang baby mo.” Hayan na naman siya.
"Baliw! Hindi nabubuntis ang mga lalaki, Pb,” naiinis na wika ko.
“Okay, hindi na kung hindi.” Sobrang kulit talaga ng babaeng iyon. Saan kaya pinaglihi. Psh.
Bigla naman akong may naisip. Great, puwede ko siyang dalhin kay Mommy siya lang naman ang kilala kong babae na maaaring ipakilala. Tamang-tama talaga ang pagtawag niya.
“Ano’ng ginagawa mo ngayon, Yjen?” I asked her at hindi ko siya susungitan ngayon.
“Wow, bifolal lang, dude? May ginagawa ako ngayon. Nakahiga ako sa bed ko at may hawak akong phone. Nakatingin din ako sa kisame ng kuwarto ko at nagsasalita rin ako,” she reasoned out.
May ginagawa ba iyon? Grabe na talaga siya. Napahilot na lamang ako sa tungki ng ilong ko at sumandal sa headrest ng swivel chair ko.
“Seryoso ako, Yjen. May sarili ka rin palang kuwarto?” nagtatakang tanong ko.
“Prinsesa nga ako, ’di ba? Seryoso naman talaga ako. Bakit ano’ng problema mo?” Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakataas ang isang kilay niya. Alam ko na ’yon, ano.
“I need you now. Magkita tayo ngayon,” diretsong sagot ko.
“Ano kamo?” Tsk, slow.
“Magkita tayo ngayon at kailangan kita!” sigaw ko para mas maintindihan na niya.
“Luh! Kailangan mo ako? Dapat sana hindi na lang kita tinawagan at para naman hindi mo na ako kakailanganin pa. Dude, naman hindi lang sa ’yo umiikot ang mundo ko! May sarili rin naman akong mundo, duh!” Nanakit yata ang batok ko. Ano naman ang pinagsasabi niya?
“May pinaghuhugutan ka ba?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Oo, eh! Hinuhugot ko iyong itak ko para mapatay na kitang buwesit ka!” naiinis na wika niya. Na halos ikatawa ko. Parang lumalaki na rin ang butas ng ilong niya.
“Then magkita tayo at nang mapatay mo na rin ako!” Sinakyan ko na lang ang kalokohan niya.
“Ay, ampúta. Gusto na yatang mamatay.”
“Yes at sasabay ka sa akin. Tayong dalawa ang mamamatay,” sarkatiskong sagot ko.
“Pss, ganoon? Huwag na lang, oy. Ayoko pang mamatay, ano? Marami pa akong pangarap sa buhay,”
maarteng wika niya.
“Meet me in the mall. hurry up,” mariin na sabi ko bago pa man mawala ang topic namin.
“Wala na bang ibang place na puwedeng nating puntahan? Ang koripot mo talaga. Sawa na ako sa mall, dude,” she said. Ano na naman kaya ang drama nito.
“15 minutes,” paalala ko at binabaan ko siya. Agad-agad naman ako lumabas mula sa office ko at pumunta sa parking lot.
YZABELLE’s POV
Hindi makapaniwalang napatitig na lamang ako sa screen ng cellphone ko.
Okay, abuso na siya, ah. Sana pala ay hindi ko na siya tinawagan pa at nang hindi na naman ako mauutusan niya. Saka isa pa ano bang akala niya sa akin? Madaling makatakas dito sa aming mansion? God! Ang sakit niya sa bangs!
Ano na naman kaya ang maiisipan kong escaping? Tiyak na huli na ako this time. Huwag naman sana. Pray for me, dudes.
Lumabas na ako sa kuwarto ko, naglakad ako sa corridor ng mansion namin. Sosyal.
Opps, I can’t do my escaping if my mother is here in the mansion. Lumapit ako kay mommy at kumapit sa braso niya, busy pa naman siya sa phone niya. Nasa living room siya at nakaupo sa couch.
“Hi, Mom!” masayang bati ko sa kanya at napalingon agad siya.
“Hello, my darling,” she uttered and smiled at me.
“Mommy, I thought nasa work ka po today,” malambing na tanong ko kay mommy at umupo ako sa tabi niya. Naglalambing na yumakap ako sa aking magandang ina.
“Later, Yza. Kapag ganito ka ay I know may kailangan ka na naman.” Kilalang-kilala na talaga ako ni mudra.
“Yes, Mommy. I want a new shoes po. Nagsawa na kasi ako sa sapatos kong palagi kong suot-suot sa school.” Sorry na agad sa pagsisinungaling, Mom.
“Kabibili ko pa lang iyon last month. Nagsawa ka na agad, darling?” hindi makapaniwalang tanong ni mudra.
“Yes, nagsasawa po talaga ako sa mga bagay-bagay na ’yan, Mommy. You know me po madaling magsawa,” sabi ko at hinaplos naman niya ang pisngi ko saka niya hinalikan ito.
“Okay, I’ll buy you a new shoes tomorrow.”
“Mommy, I want to use that tomorrow po,” nakangusong saad ko.
“Okay, you can go to the mall and call your bodyguards to be with you, Yza,” she said. Bodyguards na naman? Sawa na rin po ako sa mga bantay.
“Thank you, Mother. Muwah!” Sabay kiss ko sa cheek ni Mommy at kinuha ko ang wallet niya para kumuha ng credit card niya. Hinahayaan naman niya ako.
“You’re always welcome, darling.”
“Bye, Mommy!” I waved my mother bago ako patakbong lumapit sa main door namin.
Naabutan ko na naman iyong mga bodyguards ni Daddy na naging alerto agad nang makita ako. Nakatakas ako kay Mommy, this time ay sila na naman. Ayokong sumama sila.
“Miss Belle, aalis po ba kayo?” tanong ng isang guwapong bodyguards ni Dad.
“Oo, samahan ninyo ako, ah?” sagot ko lamang. Hinubad ko ang white sneakers ko. “Pakihawak ho,” sabi ko kasabay na ibinigay ko ang isang sapatos ko at sa isa naman. “Amuyin mo ho, mabango ’yan. Joke lang po. Paki bukas ho ang kotse ko.” Binuksan naman ng isa ang pintuan sa passenger’s seat at doon ako umupo. “Kunwari ay ako po si Cinderella. Isuot ninyo sa akin ang sapatos ko dali.” Isang katangahan talaga ang naisip ko ito. Puro ako utos. Mauti na lang ay tatlo lang sila ang nandito.
“Ah, sige po, Miss Belle.” Lumuhod siya sa bermuda grass.
“Wait a minute, tumalikod muna kayo para exciting.” Napakamot naman sila sa batok nila dahil wala namang connect ang sinabi ko sa gagawin nila. Nang-uuto lang talaga ako. Tumalikod naman sila. “Forward, dudes. Masyado kayong malapit sa akin, eh,” sabi ko at humakbang naman sila paunahan.
Lumipat ako sa driver’s seat at may kalakasan kong isinara ang pintuan. Mabilis silang napalingon sa kotse.
“Miss Belle!” sigaw nila sa pangalan ko at mabilis na pinaandar ko na ang kotse ko. May susi naman na ako.
“Sorry, dudes. Hindi kayo puwedeng sumama sa akin! Bye!” paalam ko.
Pinaharurot ko na palayo ang kotse ko kahit nasa loob pa ako ng gate ng mansion namin. May securities kaya hindi ko na ipapakita pa ang itsura ko.
Isang subdivision kasi ang bahay na tinutuluyan namin pero may sarili nga kaming gate at malayo ito sa aming mansion. Dahil na rin sa posisyon ni Daddy sa politika kaya hindi na nakapagtataka iyon.
Lumapad ang ngisi ko nang binuksan ng mga security ang gate namin at nakalabas na nga ako. Ewan ko kung nasaan sa mga oras na ito si manong ho. Pero ayokong mainip siya in case na mas nauna pa siya sa meeting place namin.
I reached the mall after a few minutes. Whew, finally nandito na ako.
Kinuha ko ang extra shoes ko sa backseat. Itong kotse ko ay iyong kay dude. Pinalitan ko lang ang pangalan ng may-ari at pati na ang plate number niya kasi naman register ang car ng ugok na iyon. Mahirap na baka mabuking pa nang wala sa oras. Hindi na nga rin nagtanong pa ang parents ko kung saan ko nanakaw ito. Hehe.
Nagulat naman ako nang biglang may kumatok sa pintuan.
Tumingin naman ako sa labas ng bintana at ang lalaking nagpapasakit ng ulo ko ang kumatok sa salamin nito.
Binuksan ko ito nang hindi pa siya agad nakaaalis kaya natamaan siya.
“Ops, sorry, dude. Sorry po,” paghingi ko nang paumanhin sa kanya. Mabilis akong bumaba at hinawakan ko ang noo niya na nakahawak din siya roon.
“Fvck you, Yjen! Magkakabukol ako nan wala sa oras sa ’yo, eh!” reklamo niya at sinamaan pa ako nang tingin. Napakagat-labi ako.
“Sorry, sorry. Hindi ko naman sinasadya. Ikaw kasi, eh.” Kawawa naman pala siya. Mukhang nasaktan nga talaga siya.
“Damn it...”
“Sorry na nga po kasi.”
“Hindi ka kasi nag-iingat, eh,” naiinis niyang wika.
“Hindi ko naman kasi sinabing humarang ka,” I fired back.
“Tss, tara na sa loob,” sabi niya at sabay hila pa sa kuwelyo ng damit ko. Gusto pa niya akong sakalin.
“Dude naman. Huwag ka riyan humawak, oh,” reklamo ko kasi hindi ako makahinga.
“Huwag kang maingay, bata.” Ang cold niyang pogi.
“Kasi naman. Hindi ako makahinga!” asik ko sabay palo sa likuran niya. Mabilis siyang napatingin sa mukha ko at alam kong bakas sa boses ko ang paghihirap.
“Sorry,” maikling usal niya lamang at bumaba ang kamay niya sa pulso ko.
“Dude, lagyan mo muna ng ice compress ang noo mo,” suggestion ko.
“Huwag na. Psh.” Bakla lang? He even rolled his eyes. Wow.
“Kumusta na si baby?” mayamaya ay tanong ko at gamit ang malaya kong kamay ay hinawakan ko ang matigas niyang tiyan.
“What the hell are you doing, Yjen?” Napanguso ako nang mabilis niyang hawakan ang pulso ko.
“Eh, dude. Ano ba ’yon? Bakit ang tigas? Tiyan mo ba iyon?” birong tanong ko. Alam ko naman kasi kung ano ang nahawakan ko.
Naku naman tsansting ka talaga, Yza hindi ka na talaga nag-iisip. Hahaha.
“Stupid! Nakahhiya ka talagang bata ka. Tanggalin mo na nga ang kamay mo maraming tao rito,” bulong niya sa tainga ko.
“Sorry ho,” ani ko.
Malamig sa loob ng mall habang naglalakad na kaming dalawa. Maraming tao at halos ang makikita mo ay mga couples. May mga bata at matatanda naman.
“Hindi mo naman sinabi sa akin na nagsusuot ka na pala ng mga dress, dude,” nang-aasar ko sa kanya. Kasi pumasok kami sa isang boutique na puro gown and dress ng mga babae ang naka-display sa loob.
“Hindi ako ang magsusuot. Ano’bg akala mo sa akin bakla?” Bakla ka naman talaga dahil tinataasan mo pa ako ng kilay. Hala siya.
“Nagbibiro lang naman ako. Ito naman,” sabi ko at napakamot sa aking pisngi.
“Good morning, Ma’am, Sir!” magiliw na bati sa amin ng saleslady at yumuko pa siya.
“Give her a decent dress, please. Iyong simple lang din at bagay sa kanya,” he just said at nagawa pa niya akong itulak sa babae.
“Dede!” sigaw ko dahil dumiretso lang siya sa isang puting sofa. Umupo roon at kinuha ng magazine sa center table.
“Huwag kang maingay riyan. Pumili ka ng damit mo, Yjen,” mahinahon na saad niya at inabala na niya ang sarili niya.
Ano naman ang gagawin ko—
“Try this, Ma’am.” Binalingan ko ang babae. Kumunot ang noo ko sa hawak niyang tube dress na color yellow pa.
“Dude, hindi ako nagsusuot ng damit na kulay yellow. Yuck!” reklamo ko. Sa halip na ma-offend siya ay ngumiti lang siya at naglahad ng kamay para makita ko ang iba’t ibang style ng mga dress.
“Huwag na po kayong choosy, Ma’am. Marami naman po kaming mga dress dito. Napaghahalataan ka po na probinsyana kapag ganyan,” aniya at nanliit ang mga mata ko.
Probinsyana? I admit na mukha talaga akong probinsyana sa suot kong ito. Naka-sweater ako kahit mainit sa Pinas. Tapos manong na pantalon.
“What? Probinsyana? Excuse me, Miss. Hindi ako probinsyana at hindi ako mapili sadyang I hate color yellow,” mataray na wika ko sa kanya at tinaasan ko pa siya ng kilay. Ako na lang ang pumili ng damit at sinagi ko pa ang balikat niya. Napasinghap pa siya sa ginawa ko. “What’s your name?” I asked her nang makapili na ako ng damit.
“Bakit mo tinatanong?” Mataray ka, ate girl? Puwes mas mataray kaya ako!
“Wala lang. Baka mas cute ang name ko,” sagot ko. “By the way, I am Yzabelle Jen Clinford IV. Daddy ko ang presidente ng bansa,” pakilala ko at mabilis ko na siyang tinalikuran.
Tumakbo na rin ako. Bahala siya kung maniniwala ba siya or what. Ang suplada niya rin.
“Aray naman!” daing ko nang bigla akong nauntog sa matigas na pader.
“Bakit ka ba tumatakbo?” kunot-noong tanong niya.
“Akala ko ay pader, tao pala,” wala sa sariling sabi ko.
“Buti nga sa ’yo. Quit lang tayo. Ano may napili ka na ba?” he asked.
“Oo, aanhin ko ba ’to, dude?” I asked him, then itinaas ko ang light blue gown na one-shoulder lang siya.
“Kainin mo at bakasakaling mabusog ka.” Pilosopo amputa.
“Ganoon? Puwede pala siyang kainin,” ani ko. Kakagatin ko na sana nang bigla niyang hinablot ang dress.
“Hindi mo pa nga nasusuot ay sisirain mo na gamit ’yang ngipin mo? Tks, let’s go. Bayaran na muna natin ito at may napili na rin akong shoes mo.” May kataasan ang heels ko at light blue rin ang color.
Wow, color blind lang?
Maraming nakapila sa counter kaso itong si manong ho ay diretso talaga siya sa paglalakad niya and take note, mabilis na nabayaran niya ang bills namin. Wow amazing.
“Let’s go,” pag-aaya niya nang matapos niyang magbayad.
“Ano’ng mayroon, dude? Bakit mo ako binilhan ng shoes? Matagal pa ang birthday ko,” ani ko. Kasi nga bakit niya ako binibilhan ng mga ganito?
“Pupunta tayo sa welcome party ng Mommy ko,” he replied.
“Panty?”
“Party!”
“Bakit mo naman ako isasama roon? Invited ba ako?” naguguluhan kong tanong.
“Ikaw ang ka-date ko. Whether you like it or not, you will be my girlfriend tonight. Let’s pretend na boyfriend mo ako.”
“Ano kamo, dude? Hindi ko naintindihan. Mahina ako sa English.” Baka nagkamali rin ako sa narinig.
“Lulusot ka pa talaga. Eh, lahat ng English ko ay naiintindihan mo naman, and you can say no because hindi kita hahayaan na makatakas ngayon,” banta niya na hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.
Hehe, patay ako sa parents ko niyan, eh? Tonight talaga?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top