CHAPTER 10
Chapter 10: Inoshente siya
YSABELLE’S POV
NANG sumigaw na nga siya ay hindi na ako nakaimik pa. Doon na ako dapat tatahimik dahil halatang galit na galit na siya. Sakay na kami ng taxi at nakaupo kami pareho sa backseat. Alam kong nakasunod na agad sa amin ang mga bantay ko. Alangan naman na wala sila rito?
“Saan po tayo, Sir?” tanong ng taxi driver sa kanya at nilingon ko naman siya.
“Sa DF’S restaurant,” masungit na sagot ni dude.
“Saan tayo pupu—” Okay ang bastos niya.
“Talk or dead?” malamig na tanong niya sa akin.
“Talk, alangan naman dead? Eh, ’di patay na ako no’n. Common sense naman, dude,” sabi ko.
“You’re such a crazy. Tatahimik ka ba o mamamatay ka riyan?” he warned me. Bakit naman niya kaya sasabihin na mamatay ako here?
“Okay natakot ako roon. Tatahimik na lang basta dahan-dahan ka lang. Baka masaktan si baby, sabi ko at hinaplos ko ang matigas niyang abs. Tinabig niya iyon ng isa niyang kamay tapos pinitik pa niya ang noo ko.
mabilis pinitik ako sa noo.
“Aray, ha! Ang sakit naman!” reklamo ko at sinapo ko ang nasaktan kong noo.
“Manong, pakihinto po riyan sa drugstore, may bibilhin lang po ako,” aniya sa driver tapos binalingan naman niya ako. “Hoy, bata. Huwag kang lalabas dito, ha?” Sinundot pa ng lalaking ito ang pisngi ko na ikinanguso ko.
Bumaba naman siya mula sa taxi at patakbong pumunta siya sa druhstore. Ano kaya ang gagawin niya roon? I mean ang bibilhin niya?
“Ang bilis mo naman yata, dude,” sabi ko nang makabalik na agad siya. “Ano ba ang binili mo? Teka lang, huwag mong sabihin na nagdodroga ka kasi nasa drugstore ka?!” I was just joking again.
“Tumahimik ka riyan, PB! Ang ingay mo,” aniya at hinila ang braso ko. Gagamutin niya yata ang paso ko.
“Aw! Dahan-dahan naman, masakit! Aray! Huwag mong diinan!” reklamo ko. Mahapdi ang ointment.
“Mabilis lang ito, PB! Huwag kang magreklamo riyan at mas didiinan ko pa talaga ito kung sisigaw ka pa!”
Iniiwas ko ang mga kamay ko kaya nagsiksikan pa kami sa gilid ko kaya nagmumukhang nakadagan na siya sa akin.
“Aray! Aray! Masakit na! Tama na! Tama na hindi ko na kaya! Kung ganito naman kasakit, aba hindi na ako sasabak sa digmaan! Aray naman huwag mong diinan!” Naiiyak na ako promise.
“Puro ka reklamo, eh wala ka namang ginagawa!”
Napatili naman ako nang biglang huminto ang taxi at kung hindi lang ako mabilis na nahawakan ni manong ho sa baywang ko ay baka pareho kaming hahalik sa likod ng upuan sa unahan.
“Aw!” Napasubsub din ako sa dibdib ni dude.
“What’s your problem, manong?!” pasigaw na tanong niya sa taxi driver.
“Please lang po, Sir. Kung may gagawin po kayong milagro, eh, ’di sana sa hotel o motel na lang po tayo pumunta imbis na sa restaurant. Diyos ko po, ayokong makulong.” Ano raw?
“W-What?!” gulat na tanong niya.
“Condom ang binili niyo sa drugstores, ’di ba Sir? Naku po, bumaba na kayo at hindi po iyan masuwerte sa pamamasada. Inosente po ako, Sir, Ma’am,” wika pa niya at nakatakpan ang dalawang kamay niya ang tanga niya. Ay naman...
“Fvck it!” malutong na mura niya. Padabog na lumabas si dude at hinila pa niya ako.
“Inosente, palibhasa matandang binata,” pahabol na wika ko. Natatawa na lamang ako.
Tanaw na tanaw na lamang namin ang humarurot na taxi na iyon.
“Inosente raw siya. Lol,” natatawang saad ko.
“Tss... inosente raw, eh green minded naman siya. Iba ang tumatakbo sa isip niya,” naiinis na saad niya.
“Dictionary kasi dude, kaya ganoon! Inoshente po ako. Putik lang!” t
“Parehos kayong baliw.” Marahas na napatingin ako sa kanya. Tama ba naman na sabihin akong baliw rin?!
“Eh, ’di, sige baliw na ako. Baliw na ako! Dalhin mo na ako sa mentar hospital! Dali na!” sigaw ko sabay sabunot sa buhok niya.
“Aw! A-Aw! that hurts!” reklamo niya.
“Kung makasabi ka kasi na pareho kaming baliw! Duh! Eh, ikaw ano ka naman?”
“Shit! Masakit sa tanga ang boses mo. Tara na lang umuwi. Nakahihiya ka na!” sabi niya at naglakad na rin.
“Dude naman! Iiwan mo ako here?!” Patalon-talon na humabol ako sa kanya.
“Will you please don’t be shout, Yjen? Nasa tabi mo lang ako,” naiinis na usal niya.
“Sorry naman ho,” sabi ko sabay siko sa braso niya.
Pumara na siya ng panibagong taxi at binuksan niya ang pintuan sa backseat. Ako muna ang pinasakay niya bago siya.
Pagbalik namin sa condo niya ay dumiretso na kami sa kusina. Tapos naman na nagamot ang mga paso ko at heto ako nanonood lamang sa kanya habang abala siya sa pagluluto.
Nakaupo ako sa highchair tapos nakatukod ang magkabilang siko ko sa island counter. Nakaka-in love pala ang makita siyang ganito. Longsleeve na lamang ang suot niya at nakatupi ang sleeves nito hanggang siko niya. Tapos may suot din siyang blue apron.
Oh, sinabi ko bang nakaka-in love siya? Don’t mind that, dudes.
“Mano—dude, babae ka ba sa dating buhay mo?” out of nowhere na tanong ko. Automatic na napatingin siya sa akin. Hindi lang klaseng simpleng tingin. Death glared pa talaga kaya napa-zipper na lang ako sa lips ko. Takot ko lang diyan, parang demonyo lang. “Aray naman!” daing ko dahil binatukan niya ako. Sperm talaga.
“What are you talking about? Dating buhay ko? Na babae ako? That’s insane, PB!” sabi niya at naiiling
Abala pa rin siya sa mga luto niya na amoy pa lang ay masarap na.
“Magaling ka kasi magluto kaya siguro babae ka sa dating buhay mo,” pagbibigay linaw ko.
“Stupid. Magaling lang talaga akong magluto kasi tinuruan ako ng nanay ko. Hindi iyong umaasa ka na lang sa mga katulong niyo o kaya naman kumain na lang sa resto. Mas mabuti na ang magluto ng kakainin mo. Hindi porket magaling akong magluto, eh babae na ako sa past life ko. Tss, ikaw naman baliw sa dati mong buhay na hanggang ngayon pa rin.
“Parang sinabi ko lang na babae marami nang sinabi agad,” kakamot-kamot ulong ani ko.
“Ikaw? Bakit hindi ka marunong magluto? Akala ko ba ang mga kagaya ninyong mahihirap ay expert na sa pagluluto?” curious niyang tanong.
“Porket mahirap na ay magaling nang magluto agad? Hindi ba dapat hindi lang ako mahilig magluto?” kunot-noong saad ko naman.
“Porket hindi ka mahilig magluto ay hindi ka nag-aral sa pagluluto?” Grr, kainis siya.
“Naman, dude! Prinsesa ako sa bahay namin, nag-iisang anak na babae lang kasi ako kaya ini-spelled ako ng mga magulang ko.” Yeah, that’s true naman.
“Spoiled! hindi spelled!” pagtatama niya.
“Sabi ko nga, Spoyld.”
“Whatever, ihanda mo na ang table at maghahain na ako,” sabi niya. Napatayo naman ako.
“Paano maghanda?” I asked him.
“Pati ba naman sa paghahain ay hindi ka man lang marunong?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“Prinsesa nga ako, ’di ba?” suplada kong sagot.
“Pss, kumuha ka ng dalawang pinggan, dalawang baso at kunin mo na rin yung pitcher sa ref may laman na iyo,” aniya habang busy siya sa paglalagay ng ulam sa isang pinggan.
“Okay ho. Nasaan ang kuwarto ng plato at ang baso, dude?” tanong ko at nagpalinga-linga pa ako.
“Kuwarto? Ano’ng akala mo tao lang na may sarili rin silang kuwarto?” Eh, ano ba ang tawag doon kung ganoon? Cabinet?
“Sa hindi ko alam, eh,” sabi ko.
“Hayon, oh!” Turo niya sa isang banda at sinundan ko naman iyon nang tingin.
“Nandoon pala.” Napalakpak pa ako.
Kumuha ako ng dalawang pinggan at inilagay ang mga ito sa table. “Opps!” Napatakip ako sa bibig ko dahil nabitawan ko ang pinggan. “Sensitive lang, ha?” sabi ko.
“Tsk-tsk. Ilalapag mo na nga lang kailangan pang lakasan? Ano’ng akala mo riyan plastic lang? Kumuha ka ulit at dahan-dahan lang, please! Mauubos ang plato ko sa ’yo, bata.”
“Sorry naman.” Kumuha ulit ako ulit dahan-dahan ko nang nilapag ito sa table. As in dahan-dahan lang talaga.
“Tsk-tsk.yung baso.” Sunod naman ay
kumuha ako ng baso at tulad ng plato kanina ay may pag-iingat ko itong inilapag. Mahirap na at baka makabasag ulit ako.
“Hindi naman maayos ang arrangement mo,” sabi niya at umawang lang ang mga labi ko sa gulat. Kasi ang expert niya sa mga ganito. “Babae ka, kaya dapat alam mo ang ganitong gawain.” Napatango ako.
“Hindi ko nakalilimutan na babae talaga ako, dude,” ani ko.
“Tsk. Umupo ka na and we can eat our lunch na rin,” sabi niya at umupo na rin kaming dalawa.
“Salinan mo ako ng tubig.” Kung makautos lang.
“May kamay ka ho,” ani ko at tumusok ng chicken curry na niluto niya.
“Then, don’t eat!” Sumimangot ako nang agawin niya ang kutsara ko. Wala na tuloy akong choice kundi magsalin ng tubig sa baso.
“God! That’s enough. Look, marami ng tubig sa table. Mag-ingat naman, dapat kung magsasalin ka ng tubig sa baso ay hawakan mo iyong siko mo at ’sakto lang dapat ang tubig. Huwag mong damihan.” Okay siya na ang maraming alam.
“Okay po.” Nagsalin naman ako sa ibang baso at tulad ng in-instruct niya ay ginawa ko rin iyon.
“Good, that’s it. You may sit down at kumain ka na rin.” Napaupo ulit ako at ibinalik na niya ang kutsara ko.
Nagsimula na rin kaming kumain. Promise ang sarap niyang magluto.
Yehey, ang galing niya!
After our lunch ay nagpresenta siya na ihahatid na ako sa amin. Of course tumanggi ako.
“Dude, huwag mo na akong ihatid mag-t-taxi na lang ako,” Ibsaid.
“No. Ihahatid kita, gabi na at delikado sa daan. Sabihin mo na ang address mo.” Aba, makulit.
“Huwag nang makulit, dude. Nandiyan na ang taxi.” Mabilis na pinara ko ang taxi at dali-daling sumakay.
“Yjen!”
“Bye dude, hanggang sa muli, muwah!” paalam ko at nag-flying kiss pa ako. I even giggled.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top