Chapter9


Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa tulong ng isang Kilalang Tao sa Business Industry.

Akala niyo aahh! Nagbabasa din naman ako ng Magazine paminsan-minsan kaya kahit papaano ay may alam din naman ako sa mga ganyang klaseng bagay!

Medyo may edad na din siya ng konti Pero hindi parin nawawala ang kakisigan nito. Gwapo siya sa Magazine at masasabi kong Iba parin talaga sa Personal.

"Okay lang po ako. Salamat!" Sagot ko.

"I know you're not okay.. look your Bleeding!" Natataranta nyang sinabi.

"Po?" Dahil sa pagkagulat ko sa sinabi niya na "Bleeding" daw ako ay agad kong sinilip ang pwetan ko para makita ko yung bleeding na sinasabi niya, Pero wala naman akong nakitang Japanese Flag sa Pwetan ko. Hinarap ko siya at ganun na lang ang pagpipigil nya sa tawa niya.

"Haha. you.. you are.. haha.. you are Funny Hija!" Yun na nga at hindi na niya napigilan ang tawa niya sa kagagahan ko. Medyo nahiya naman ako sa pinag-gagawa ko. Over din naman kasi ako.. Pag Sinabi bang 'Bleed' tagos agad?

Inabutan niya ako ng panyo at pinahid ko naman ang dugo na nandun. Jusmiyo! pati ata ang panyo, mamahalin?!

"Medyo malalim ang tama ng sugat mo iha.. Gusto mo bang Dalhin ka namin sa Ospital?" -Siya na nagpahid pa ng maluha-luha nyang mata kakatawa.

Teka-

Namin? May kasama siya?

"Ay, naku! Wag' na ho! maabala ko pa kayo!" -ako na medyo palingon lingon pa naghahanap kung sino ang tinutukoy niyang kasama.

Malay ko ba kung may ibang nilalang siyang kasama na di ko nakikita .. Kinilabutan ako bigla sa iniisip ko.

"I insist Iha.. Wag kang mag-alala. Lilinisan lang naman yang sugat mo at pagkatapos ay ihahatid ka nalang namin sa Bahay nyo." Pag-aalala niya,

Hindi ko alam kung dapat ba akong pumayag. Kahit Bilyonaryo pa siya at Famous.. Hindi naman pwede na basta na lang ako sumama diba?

"Pero Sir.. Kasi po-"


"Wag ka na ngang mag-inarte!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at mula sa magarang kotse ay lumabas si Sadako- Este ang taong nakatadhana para guluhin ang buhay ko!

Bakit siya andito?

"Cody?" Gulat kong tanong.

" *Rolled eyes* Problema?" -Cody

" ikaw!" Bawi ko.

"Oh, Magkakilala pala kayo?! Pagkakataon nga naman! " Manghang Sabi ni Mr. Famous na medyo natatawa. "Mabuti pa iha at Dalhin ka na namin sa Ospital." Muli nyang pag-alok.



*****



Tahimik lang ako sa sasakyan habang tapal-tapal ko pa din sa dumudugo kong noo ang panyo na binigay ni Uncle!

Feelingerang palaka diba? Siya nagsabi nun! Uncle na lang daw itawag ko sa kanya!

Sino ba naman hihinde? Duh, Bilyonaryo ang Uncle ko! Ansabeeh ng malandi kong Bangs? Diva Diba?

Wala na din akong nagawa sa offer ni Uncle na palinisan tong sugat ko. Nagmamagandang loob lang naman siya At di ko talaga inasahan na siya pa ang makakakita sa nangyari sakin. Nakakahiya man, pero nangyari na.

Si Mr. Brazero- este! UNCLE na ang nag-Volunteer mag-drive kahit ayaw ni Cody The Swanget.

Feeling naman niya na Gusto ko syang makatabi??

Pero dahil sa Order yun ni Uncle na samahan ako sa likod ay wala na siyang Nagawa.

At ang pwesto? Inaasahan niyo bang hahayaan kong magdikit ang mga balahibo namin sa katawan na konting sagi lang ay mag-iignite ka agad?

OBkors nat!

Nasa Kaliwang dulo lang naman ako, Sa likod ni Uncle. Habang si Cody naman ay nasa Opposite side at palihim akong tinatapunan ng I-WIL-KILL-YOU look nya.

KEVER ko!! (Devil laugh inserted!)

Pero sa bilis ng pangyayari ay Sino na naman mag-aakalang pinagda-drive kami ngayon ng isang Sikat na Multi-billionaire at nakasakay pa sa isa sa most expensive Car ng 2014? ang Roll-Royce Phantom?!

Ilang sandali ang lumipas at Feeling ko tuloy napaka-layo ng Ospital dito!

Diko na kasi Keri ang Atmosphere dahil nandito yang Cody na yan!

Diko na ma-take!

Napansin siguro ni Uncle na tahimik kami kaya naman in-ON niya ang sound system ng bongga nyang Kotse para naman di gaanong boring.



[ Playing HATE THAT I LOVE YOU by RIHANNA ]

That's how much I love you

That's how much I need you

And I can't stand you

Must everything you do make me wanna smile

Can I not like you for awhile? (No....)

[Ne-Yo:]

But you won't let me

You upset me girl

And then you kiss my lips

All of a sudden I forget (that I was upset)

Can't remember what you did

[Rihanna:]

But I hate it...

You know exactly what to do

So that I can't stay mad at you

For too long that's wrong

[Ne-Yo:]

But I hate it...

You know exactly how to touch

So that I don't want to fuss.. and fight no more

Said I despise that I adore you

[Rihanna:]

And I hate how much I love you boy (yeah...)

I can't stand how much I need you (I need you...)

And I hate how much I love you boy (oh whoa..)

But I just can't let you go

And I hate that I love you so (oh..)

[Ne-Yo:]

You completely know the power that you have

The only one makes me laugh

[Rihanna:]

Said it's not fair

How you take advantage of the fact

That I... love you beyond the reason why

And it just ain't right

[Ne-Yo:]

And I hate how much I love you girl

I can't stand how much I need you (yeah..)

And I hate how much I love you girl

But I just can't let you go

But I hate that I love you so

[Both:]

One of these days maybe your magic won't affect me

And your kiss won't make me weak

But no one in this world knows me the way you know me

So you'll probably always have a spell on me...

[Ne-Yo:]

Yeah... Oh...

[Rihanna:]

That's how much I love you (as much as I need you)

That's how much I need you (oh..)

That's how much I love you (oh..)

As much as I need you

And I hate that I love you so.. so...

May ilang mga pagkakataon na napapatingin ako kay Cody at hindi ko talagang mapag-kakailang Gwapo nga siya at Isa syang imahe ng perpektong mukha para sa isang lalaki. Matangos ang ilong, Sakto lang ang shape ng mukha. Moreno. Kung sa lalaki pa ay Swabe at Malinis ang mukha nito dagdagan mo pa ng mapula-pula nitong labi. Parang si Clint lang. Buti na lang at Tulog siya.

Tsk, Sayang! Gwapo sana.. Panget lang ng Ugali.

"Alam kong Gwapo ako.. Hindi mo na ko kailangan titigan ng ganyan!" Bigla niyang sabi. Napasinghap ako sa gulat at nagbawi ng tingin.

"Feeling mo naman!" Sagot kong ibinaling ang mata ko sa dinadaanan namin.

Palpak ka naman Summy, Palpak!

Halos isinik-sik ko na lang ang sarili ko sa gilid ng kotse at ibinaon ko ang mukha ko sa tinted window ng sasakyan sa pagkapahiya.

Nakakahiya talaga!

Naramdaman kong kumilos siya mula sa kinauupuan niya at Ganon na lang ang pagkabigla ko ng sa paglingon ko ay magkatapat na ang mga mukha namin.

"Bakit? Hindi ba?" Halos pabulong niyang sinabi.

Syempre, napatingin ako sa kanya. Hindi naman ako bulag!

Pero, My gosh! Heto na naman ang Mentholated niyang hininga!

Nakaka-addict ang Amoy niya na akala mo amoy baby!

Yung mga tingin niyang... Arrgg!! Nakakainis man sabihin pero yung tipong tingin nyang nakakatunaw!!

Parang biglang nag-init ang magkabila kong pisngi na sa palagay ko naman ay hindi dahil sa init dahil fully aironditioned naman ang sasakyan. Mas bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Mas mabilis pa na akala mong may ilang kabayo na nag-uunahan sa dibdib ko.

Tinitigan ko lang siya na kahit gusto kong alisin ang mata ko sa pagkakatitig sa kanya ay hindi ko magawa dahil parang may mga magnet ang mga mata nya na humihila din sa mga mata ko para hindi alisin sa pagkakatitig sa kanya.

Ano bang nangyayari sakin??.. Bwisit talaga! kasalanan niya to! kasalanan to ng panget na gwapong to!

Gusto kong kumilos at itulak siya papalayo pero parang ayaw gumana ng mga kamay at braso ko.

Ayaw nilang sundin ang gusto ko!! Bakeeet??..

Unti-unti na ang ginawa niyang paglapit.

Mas naamoy ko pa lalo ang bango ng hininga niya... Ramdam ko ang init ng buga ng hangin na iyon.

Ngumiti siya ng nakakabaliw habang pinagmamasdan ang labi ko sabay tingin naman sa mata ko... Yung ngiting Ise-seduce ka talaga! Yung ngiting may gustong sabihin.. Mga ngiting hindi mo talaga mahihindian..

Maryahosepsantisima! ano ba tong pinasok ko?

Nagpatuloy siya sa paglapit Hanggang sa magkadikit na nga ang mga dulo ng mga ilong namin.

Parang hininga na lang niya ang lahat ng nalalanghap ko!

"I Could.. Kiss you.." Halos Pabulong niyang sinabi sakin na medyo nadama ko ang maliit na bahagi ng labi niya na dumikit sa labi kong medyo nanginginig na sa kaba.

Tinitigan niya muna ako saglit sa mata na para bang naghihintay siya ng signal na sabihin kong Tumigil siya sa kung anu man ang pwede nyang gawin.

Pero parang bakit hindi ko masabi?

Bakit parang Walang gustong lumabas sa bibig ko na against ako sa ginagawa niya?

Bakit parang ayaw kong tigilan niya ang ginagawa niya?

Ilang sandali syang naghintay at ng wala siyang narinig mula sa akin ay naramdaman ko ang malambot na pagdampi ng mga labi nya sa labi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang yon at sabay nun ay naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa balikat ko.

Teka-

Pagtapik?


"Iha.. Nandito na tayo. Gising na." Patuloy pa din si Uncle sa pagtapik sa balikat ko.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko Si Uncle na nakangiti.

Soo.. Panaginip lang pala ang lahat?

Panaginip?

Bakit Panaginip lang?

Nak ng!

Ano ba tong pakiramdam ko na parang nanghihinayang ako?

Bakit parang may pakiramdam akong sana hindi na lang panaginip ang lahat?

Haiiiizzzt!!!.. Kainis! ano ba tong iniisip ko?

Kinusot ko muna ang mata ko at inayos ang sarili ko. Medyo mahapdi na ang sugat sa noo ko, Wala na din si Cody Sa loob ng sasakyan at paniguradong nauna na yun sa loob. Di man lang nag-hintay! Napaka-Ungentleman talaga!

Nang maayos ko na ang sarili ko ay nagpasya na akong lumabas... Mag-papaimportante pa ba ako?

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng biglang itong bumukas.

Wow! ano to? Automatic?

"Wag mong isiping Automatic yan! Baliw!"

Nag-angat ako ng tingin at dun ko nakita si Cody The Swanget. Siya pala ang nagbukas ng pinto!

Aba! Parang si Clint lang aah! nakakabasa din ba sya ng isip? (sarcastic inserted!)

"Praning!" dagdag pa nya.

Lumabas na lang ako ng kotse baka maya kasi ay ang magbago pa ang isipan nitong si Cody at isara ulit! Lulubus-lubusin ko na ang kabaitan nya.

"Thank you kahit napipilitan.. " -Ako na medyo nag pout.

" *Rolled eyes* Buti alam mo!" Sabay nun ay tumalikod na siya.

Kung hindi nga lang siya Gwapo- Este! kung hindi lang mataas ang pasensya ko matagal na akong may tama- Este! matagal ko siyang tinamaan!

Anu ba yan! pati isip ko kinakalaban na ako!!




#Alam nyo bang halos mapatili ako habang tinatype ko tong Chapter na to?

Nag-uumpisa na akong kiligin sa kanila!

Gusto niyo na ba ng totoong KISS?? as in yung K-I-S-S talaga?

Salamat pala kay @Disenhanted_Angel dahil sa patuloy na pagsuporta!

Siya kasi yung nakaisip ng COMBI name nila Cody at Summer.. TENCHU!!

#SummDy ang Combi name ng mga bidang palaka! :)) Credits to Miss @Disenhanted_Angel

At kay Miss CHIN @PlainVanillaGirl sa palagi ko kausap, She's one of my inspiration sa ganitong field!! A Very down to Earth Person!! idol mwah2x! chup2x! hehehe...

lablab ♥ ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top