Chapter8
[ CODY's POV ]
Haha!
Di parin ako maka-get over sa itsura ni Witch Kanina habang itinataas ko yung BRA nyang pang-kinder..
Alam kong sobra talaga siyang napahiya dun! Halata naman sa pula ng mukha niya kanina eehh, masama na kung masama pero yun talaga ang instensyon ko, ang ipahiya siya sa lahat!!
It feels good, lalo na kapag nakakaganti ka talaga!
Malas niya at ako ang nakakuha nun!
Cant Believe na ganun lang kaliit yung Boobs nia!
nakakatawa talaga!
Umpisa pa lang yun ng paghihiganti ko at sisiguraduhin kong mas mapapahiya siya kapag pumanig na naman sakin ang pagkakataon.
After i-announce na walang klase sa hapon ay dali-dali akong nagpunta sa Gym para magpapawis, tutal maaga pa naman..
Naka-ilang Shoot ako ng bola ng may narinig akong mga yapak papalapit sakin. Kahit kasi may ginagawa ako ay nararamdaman ko parin ang nasa paligid ko.
Lumingon ako at agad kong namukhaan ang kung sino yon.
****
"You've Changed alot, Cody" Sabi niyang iniabot sakin ang towel na nasa bench. Nagpasya kaming maupo muna dahil matagal ko din naman siyang hindi nakita.
"I guess.. So, How are you?" Nahalata ko agad ang stress at pagkalungkot sa mukha nya.. I know He's not ok. Since nangyari ang insidente at ilang beses na pagkabigo sa hinahanap nya.
"Alam mo na ang magiging sagot ko sa tanong mo na yan sakin, Cody. Ikaw talagang bata ka.. " sabi niyang sabay tap sa balikat ko.
Ngumiti lang ako.
Ilang taon na din kaming hindi nagkita simula ng naglagi na siya sa US.. dun niya kasi mas ginugol ang buhay niya simula nung namatay si Camille at ang asawa nito na si Aunti Yvette na namatay naman sa sakit sa puso.
Yes, Im talking with Camille's Father. Known as one of the multi-billionaires around the world. Nag-mamay-ari ng isa sa mga nangungunang Business Empire dito sa Pilipinas, The BRAZERO Empire na kinaiinggitan ng lahat ng business companies dito sa Pilipinas.. He's the only VIRLOURD BRAZERO.
Oo, mayaman siya pero down to earth pa din. Dun ako Hanga sa kanya. Malapit kami at itinuturing ko siyang pangalawa ko ng magulang.
"Wala pa ba kayong balita sa kanya?" Tanong ko na inalok siya ng tubig. Walang arte niya iyong tinanggap at tinungga.
Astig diba?
"Wala pa. Unti-unti na nga akong nawawalan ng pag-asa." Nanlulumo niyang sinabi at bakas din sa mga mata niya ang pangungulila. Kahit wala na si Auntie Yvette ay ipinagpatuloy pa din nito ang paghahanap sa nawawalang anak.
"Uncle, Trust God. Just dont give up. Pasasaan pa at Magkikita din ulit kayo." Alam kong iyon lang ang pwedeng kong sabihin sa kanya kahit alam kong mabigat ang pinag-dadaanan niya.
"uuwi ka mamaya?" Baling niya sakin na bahagyang ngumiti.
Kung hindi niyo naitatanong bukod sa bahay ay dun din ako sa BRAZERO mansion minsan nanunuluyan kung gusto ko ng sariwang hangin.. puro halaman kasi dun at puro puno, super relax ang pakiramdam ko twing nandun ako... Hiling din niya iyon sakin para daw may bumibisita din sa Mansion.. Hindi ko kilala kung sino ang tatay ko kaya siguro mas napalapit ako sa kanya.. Wala din akong pakialam kung sino man siya. Kaya mas may malasakit pa ako kay Uncle Sa kahit sinong tao pa dito sa mundo.
"Syempre naman Uncle! namiss kaya kita!" -ako
"That's my Son! Comm'on, magpapaluto agad tayo." Yaya nya sakin na agad akong inakbayan. Kung may maituturing man akong greatest man on Earth? Si Virlourd Brazero yun!
Agad kaming lumabas ng Gym at naglakad papuntang parking lot.
[ SUMMER's POV ]
*Yawn*
Haaayy, Hapon na pala!
Gulat ko pagdilat ko dahil sobrang tagal pala ng pagkakatulog ko. Naalala kong may manyak pa lang nakaunan sakin kanina pero ngayon ewan ko kung nasaang lupalop na yun ngayon.
Kitams? matapos akong gawing unan, iniwan na lang ako bigla dito? E, kung ma-rape ako?
Author: Gaga! sinong maglalakas loob manggahasa sayo e, mukha ka pang maton sa kanila?
Sabi ko nga po!
Panira moment si Otor, :)) Balik tayo sa kwento..
Yun na nga! Nagising na lang ako ng maramdman kong tila may dumapo na langaw sa labi ko.. Malamig kasi sa pakiramdam.
Nasampal ko pa sarili ko, at Yun! langaw nga! Sakit tuloy, lintek!
Agad kong Hinanap ang bag ko at napansin ang note na nakasulat sa isang page ng notebook ko.
"Loudmouth Girl,
Thanks for the fluffy pillow! hehe.. see you around!
-Clintbaby"
Ano daw? Loudmouth? Fluffy pillow? nambubwisit ba siya?
Kung alam lang niya kung gaano kabigat ang ulo niya at heto ang hita ko, sumasakit!
may pa-clintbaby pa syang nalalaman! batukan ko ngala-ngala niya eh, makikita niya!
Pero, Mukha nga atang napasarap din ang tulog ko dahil hindi ko na din namalayan ang pag-alis niya..
Agad kong tinignan ang oras At naku! malapit na mag-alas 6 at may usapan kami ni kuya na sabay kaming magdi-dinner ngayon.
Bigla akong nakaramdam ng Pagkahilo pagtayo ko pero tulad ng palaging ginagawa ng karamihan, medyo shi-nake ko lang ang ulo ko para naman medyo mawala. Feeling ko tuloy tumalsik sa kung saan ang utak ko sa lakas ng pagyugyog ko sa ulo ko.
Agad akong lumipad- Joke! Dali dali ko na lang inayos ang sarili ko at naglakad. Sa kamamadali ko ay Hindi ko napansin na may kasalubong pala ako at nagkabanggaan kami, At dahil maliit ako, ako na naman ang tumilapon!
Tumilapon ng Bongga!
"Panget na nga! ang tanga pa! sayo na ang korona!" Sigaw sakin nung nakabangga ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang babaeng ginawang napaka-makulay ang buhay ko (sarcastic inserted!). Si Cathlyn na naka-crossed arms pa at mga Disipulo nyang krung2x na naka-pamewang naman.
Here we go again.. Goodluck sa beauty mo Summer!
"You're really ugly! siguro wala nang salamin sa bahay niyo, Tumakbo na lahat dahil natatakot mabasag pag nagsasalamin ka?!" Si Bessy.
"Look at that Face? Is she really a human? Gosh! Pano kaya siya tinanggap dito sa University?" Si Clarisse naman.
"She's not a human! She's a Parasite na ang sarap tapakan!" Si Tiffa naman ang nagsalita.
Nagtawanan silang lahat, Except ako syempre! Ano ako, Sira ulo na matapos ganunin, tatawa?
"Sorry.." agad akong tumayo at pinagpag ang pwetan ko saka akmang aalis. Pero Pinigilan ako ni Cathlyn. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako pabalik sa pwesto ko. SA higpit ng pagkakawak niya ay Halos bumaon na ang mahahaba niyang kuko sa balat ko.
"Hindi ka din bastos noh? Kinakausap ka pa! B*tch!"
Ilang sandali pa ay may kung anong sinenyas siya sa mga disipulo nya at agad akong hinawakan mula sa likod. Si Bessy Nakahawak sa kaliwang kamay ko, si Tiffa naman sa kabila at si Clarisse naman ay naka-sabunot sa buhok ko.
Maya-maya pa..
*Paaaakkk!!*
Bigla na lang dumapo yung mga palad niya sa pisngi ko.
"Para yan sa panglalandi mo kay Cody!"
*Paaakkk!* ulit at sa kabilang pisngi ko naman..
"Para yan sa pagtabi niya sayo!"
at *Paaaakkk!* again.
"At yang sampal na yan.. Para sa Kapangitan mo, Malandi ka!"
Sabay silang nagtawanan Pero hindi pa rin nila ako binibitiwan..
Mas bumagal ata ang proseso ng utak ko ngayon dahil sa tindi ng pagkahilo ko.
Halos walang nagsi-sink in sa utak ko dahil mas sumakit pa lalo ang ulo ako, at kung hindi dahil kapit nila Bessy at Tiffa ay natumba na ako unang sampal pa lang.
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ako sumasagot or lumalaban man lang?
Bukod kasi sa talagang diko na makaya ang sakit ng ulo ko ay may iba pang dahilan.
Last time kasi ng sumagot ako sa kanila ay Sinampal nila ako at nagkaron ako ng pasa sa gilid ng labi ko, Nakita yon ni kuya pag-uwi ko at alam niyo ba sumunod na nangyari? Tinawagan lang naman niya ang nasasakupan niya at nagplano kung ano gagawin nila sa gumawa nun sakin. Kung hindi pa ako halos lumuhod sa kanya nun para hindi na ituloy ang pinaplano nya ay wla syang balak palagpasin yun. Kaya nga hanggat maari ay iniiwasan ko sila.
Kahit wala akong pakialam sa Gang na yun ay hindi ko din naman hahayaan na madumihan ang pangalan at reputasyon na iniingatan nila kuya dahil lang sa simpleng pasa.
Natigalgal sila ng may marinig silang paparating na sasakyan at bago pa man sila umalis ay nagawa pa akong maitulak ni Cathlyn kaya naman napasubsob ako sa daan at kung talagang minamalas nga naman at tumama ang noo ko sa bato.
Pesteng Bato! paharang-harang!
Narinig ko ang paghinto ng sasakyan at pagbaba kung sino man ang sakay nito. Agad itong lumuhod sa harapan ko at inilalayan ako pagtayo.
"Are you okay?" Halata ang pag-aalala sa boses niya.
Nag-angat ako ng tingin. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay nagawa ko pa siyang makilala.
Hindi ako pwedeng magkamali. Para tuloy akong nanaginip.
Totoo ba talaga na sya pa ang tumutulong sakin?
#Ang hirap maging kontrabida!
hahaha!! di ako sanay..
pero dahil nandito nato!
ba! let the kamalditahan begin!
sorry po kung may mga bad words minsan.. Kelangan lang po talaga..
Anyway, mga readers.. suggest naman dyan para sa magandang combination ng name nila Summer at Cody..
send nio sakin haa??..
anyway.. since nagkalkal ako sa Baul ni Pareng Google, naghanap nadin ako ng pwedeng maging Character nila.. Wala eh, Wala na akong maisip na iba...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top