Chapter43


[ Cody ]


"Summer is missing..."

Pagkarinig ko nun ay parang bigla akong nawala sa katinuan, hindi ko din namalayan na nabitiwan ko na pala ang laptop na hawak-hawak ko maging ang mga importanteng papeles ay nabitiwan ko din.

"Hindi oras ngayon para pagtripan nyo ko." Gusto kong sabihin nila na ginu-goodtime lang nila akong tatlo. Pero kahit na natanong ko na iyon ay nagsimula na akong kabahan.

"How i wish we're just joking.. but hell yes, She's missing!" Singhal ni Clint sakin na halata sa mukha ang takot.

Hindi na ako nakapag-pigil at nilapitan ko na sila. Buti na lang at wala na ang konseho, pero alam kong narinig nila ang pagkawala ni Summer. Malaking issue ito lalo na at si Summer ang subject, pero pakialam ko ba sa issue nila?

"Sinubukan nyo na bang tawagan ang cellphone niya?" baling kong muli sa kanila.

Hindi sila sumagot sa halip ay may inilabas si Lee sa bulsa nito at laking gulat ko ng makita ito. Cellphone iyon ni Summer at hindi ako pwedeng magkamali.

"Kanina pa namin siya tinatawagan hanggang sa napadaan kami sa bakanteng lote ng lumang building, at ito na lang ang nakita namin." si Lee.

Maingay at madaldal si Summer pero hindi naman sya tanga para malaglagan ng cellphone?! Hindi ako pwedeng mag-panic at lalong hindi ako pwedeng kakitaan ng panghihina ng mga taong nasa harapan ko, pero kahit anung gawin ko, mamatay ako sa pag-aalala sa kay Summer. Mamatay ako pag wala sya..

"Naglibot-libot pa kami para hanapin sya pero maging mga taga-inferi ay hindi alam kung nasan siya." Si Dash

"Actually, kanina pa syang tanghali hindi makita. Nag-aalala nadin sina Dianne at Alexa, pinuntahan na nila ang mga lugar na pwedeng makita si Boss pero, wala din." Si Lee

"Alam na ba to ni Uncle Virlourd?" Kahit pa nalaman ko na Taga-Inferi si Uncle ay hindi naman maiaalis na malapit kami sa isa't-isa kaya naman nag-aalala din ako kung anong mararamdaman niya tungkol dito.

"Oo, kami ang nagtimbre kay Czar at sya na ang tumawag kaya naman kanina pa sila hindi mapakali.. Nagpatawag nadin sila ng mga pwedeng maghanap at mag-imbestiga.. pero hindi pa ito alam ng media. Ayaw muna nilang may makisali na iba maliban sa kanila." Si Dash

"Alam na pala nila, eh bakit ngayon nyo lang sinabi? bakit ngayon lang kayo nagpunta dito??" Gusto kong manggigil dahil kanina pa ako nakaupo sa pesteng conference room na to' tapos wala akong kamalay-malay na nawawala na pala yung taong mahal ko?!

"Kanina pa kami nasa labas pero hindi naman kami pinapapasok ng nagbabantay at wala daw pwedeng pumasok, importante daw yung meeting nyo kaya naman naghintay nalang kami dito." Si Clint.

Nanginginig ang mga kalamnan ko, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin, san ako magsisimula at kung anong unang gagawin ko para kay Summer. Tila biglang nakaramdam ng panghihina ang mga tuhod ko lalo na at si Summer ang pinag-uusapan.. Naiinis ako! Inis na inis ako sa sarili ko! Peste, naiinis na talaga ako! Asan na naman kaya yung babaeng iyon?

"Tatayo na lang ba tayo dito? Wala ba tayong gagawin para kay Pillow? Hindi ba natin sya hahanapin?" Tila Naiiyak na usal ni Clint na ginising ang iritable kong diwa. sa mga sinabi niya. Tama sya, hindi pwedeng wala kaming gawin, hindi pwedeng maghintay lang kami ng balita. Hindi pwedeng Hindi kami makialam dahil unang-una, si Summer ang pinag-uusapan!

Matapos kong mabigyan ng instruction ang tatlo ay nagpasya na kaming lumabas ng kwartong iyon, ngunit bago pa man kami tuluyang makaalis ay nilingon ko muna ang guard na nagbabantay.

"Hoy ikaw!" tawag pansin ko sa guard na biglang namutla pagkakita sakin.

"Kung may mangyaring masama kay Summer... ito na ang magiging huling araw mo sa trabaho!" yun lang at nagpatuloy na kami sa pag-alis.

Dahil sa kaylangan pa namin planuhin ang anong dapat naming susunod na hakbang ay nagpasya muna kaming magsama-sama..

"San huling nakita si Summer?" baling ko kay Clint na katabi ko sa sasakyan, nasa likod sina Dash at Lee na klaro na din ang pag-aalala.

"Sa may bakanteng building.. Ayon sa isa sa taga INFERI, bago daw si Boss nagpunta dun, may katawag daw siya sa Cellphone.. after nun, dina nila nakita." Si Lee

Napaisip ako bigla. May katawag?

"Lee, Can you check Summer's Call history? Tignan mo kung sino yung Last entry.." utos ko. Dali-dali naman kinuha ni Lee ang Cellphone ni Summer sa bulsa niya at agad Chineck ang phone Call History.

"Ang last entry... Unknown number eh!" Lee

"Unknown? Teka- pakitignan din kung sino yung last nyang tinawagan."

muli kong utos saka ulit nag-check si Lee sa Cellphone ni Summer.

Mula sa rear view mirror ay nakita kong nagpalitan muna ng tingin yung dalawa. Peste! nandyan na naman yung mga tinginan nila!

"May plano ba kayong sabihin sakin or magtititigan na lang kayo dyan?" inis kong tanong sa kanila.

"Kasi yung last entry... Ano eh.." Dash

"Ano???" irita kong tanong.

"Yung last entry ng tawag niya.... IKAW." Lee

"Ha???" Agad kong ipinark ang sasakyan saka ko hinablot kay Lee ang Cellphone.

Base sa nakita ko ay ako nga ang last Call niya. Chineck ko din ang date at ngayong araw yon. Agad ko din tinignan ang time call para makasigurado. Inis ang agad bumalot sa buo kong pagkatao nang mapagtanto kong iyon ay ang oras nang nasa conference pa ako kasama ang mga konseho, ayon din sa History ng Calls niya ay 2 minutes ang pagitan ng Calls nang unknown number bago sya tumawag sakin. Ibig sabihin ay gusto niya akong makausap nung mga time na iyon pero Wala ako.

Agad kong nahampas ang manibela sa inis sa isiping iyon.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Si Clint na parang iiyak na. Batukan ko kaya to? nakakahawa eh!

"Hindi natin alam kung san tayo magsisimula! parang wala tayong kwenta nito!" Si Dash.

Gusto ko man mag-disagree sa sinabi ni Dash pero, ang totoo niyan ay tama siya, ayaw ni Uncle na may ibang ma-involve maliban sa pamilya nila.. alam kong karapatan nila na gawing pribado ang lahat, pero paano naman kami? paano ang mga taong gustong malaman ang kalagayan niya? paano ang mga taong nagmamahal at nag-aalala sa kanya? Oo, INFERI sila at Mugen-Dai kami, pero sa labas ng Gang ay hindi iba samin si Summer.. hindi siya iba sa Mugen-Dai..

"Makikialam tayo..." i declaired.

Kita ko ang pagkunot ng noo nang tatlo.

"Hindi ba sabi ni Mr. Virlourd, ayaw niya ng may ibang may makikialam?" Dash

"Sinabi niya din na dapat between His Family and Investigators lang daw dapat ito dahil Ayaw niyang may madamay..." Lee

"Kahit pa sabihin niyang huwag tayong makialam, Papayag na lang ba tayo na wala talagang gawin?" Clint.

Maprinsipyo si Uncle Virlourd, pag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya. As Summer's father ay naiitindihan ko iyon, gusto niyang maging pribado ang lahat para dito dahil unang-una, ayaw niyang may madamay na ibang tao sa problema na dapat pamilya niya lang ang haharap. It's their family's issue. Pero, Maprinsipyo din kami. Ayaw namin ng walang ginagawa habang ang malapit sa amin ay nasa panganib. Kung ayaw ni Uncle Virlourd na may makialam bukod sa pamilya niya ay wala na kaming magagawa. Pero...

"Were going to conduct our own investigation if he really doesnt want anybody aside from his family to get involved." Sabi ko. Pakiramdam ko ay ito ang tama na dapat namin gawin. Pag Si Summer na ang pinag-uusapan, ayaw ko na maghihintay at uupo na lang lalo na at ganito ang sitwasyon.

Napag-pasyahan naming apat maghiwa-hiwalay na, Magkakasama ang tatlo para magtanong-tanong sa Mga lugar na last pinuntahan ni Summer. Ako naman ay Nagpunta sa isang telecommunication company para ipa-trace out kung saan ang location ng last entry ng tumawag kay Summer. Baka sakaling duon kami may makuhang impormasyon.

Hindi pwedeng wala kaming gawin.. Hindi pwedeng wala akong gawin lalo na at hindi ko alam kung sang lupalop ko hahanapin si Summer. Habang nagda-drive ay hindi ko mapigilan na hindi sisihin ang sarili ko dahil nung mga oras na kinakailangan niya ako ay wala ako. Nawala na si Summer sa akin ng dalawang taon at hindi na ako makakapayag na maulit pang muli iyon. Baka hindi ko na kayanin. Baka mas pipiliin ko na lang na mawala kesa sa maulit ang hindi siya makasama.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng mag-ring ang Cellphone ko.

"Hello, this is Cody-"

"Too Formal Mr. Sebastian.." A Male voice answered.

I quickly took a glimpse on the screen at nalaman kong unknown number iyon.

"Kung wala kang importanteng sasabihin, wala akong time sayo-"

"...Kahit sabihin kong nasa akin ang hinahanap mo?" he said on the other line. Pagkarinig ko nun ay tila agad nag-init ang buo kong sistema, Agad ko itinabi ang sasakyan dahil baka sa inis ko ay mabangga ko iyon.

"WHO THE HELL ARE YOU?? ASAN SI SUMMER??" Hindi ko mapigilang naisigaw iyon. Narinig ko ang mapang-asar niyang tawa mula sa kabilang linya.

"Ohh.. Relax Mr. Sebastian... im making sure that your precious one is being taken cared of." Saka ito muling tumawa.

"WHERE ARE YOU?? HUWAG MONG IDAMAY SI SUMMER! AKO ANG HARAPIN MO!" muli kong sigaw. Wala akong pakialam kung nagmumukha na akong tanga kakasigaw dito.

"Tsk! Tsk! Such a heroic act Mr. Sebastian... Talaga nga pa lang importante sayo ang tinutukoy ko? Pero, Masyadong mabilis kung magpapakita ako agad sayo... There's no fun! Sa ngayon mag-patintero muna tayo... Game ka na ba?" sabi nito, tila na-imagine ko ang mala-demonyo nitong ngiti.

"I made ready to play death... but its a gayish act na mandamay ka ng inosente lalo na kung babae!" Nanggigigil kong sagot.

"Haha! Sweet words... Tsk! Pero, malas mo Mr. Sebastian dahil ako lang ang may karapatang gumawa ng rules sa larong ito." He said.

I Gritted my teeth hearing those things from him. Huwag niyang lang sasaktan si Summer, Dahil kung sasaktan nya ang babaeng mahalaga sakin, hindi ako magdadalawang isip na pumasok sa Kulungan para lang mabura sya sa mundong to!

"Sabihin mo sakin kung anong gusto mo, Huwag na huwag mo ang gagalawin si Summer. If i See even a scratch, i swear... uubusin ko pati ang lahi mo!"

"Too bad Mr. Sebastian... Masyado kasing natuwa ang mga tao ko sa kanya kaya napaglaruan ng konti.. but dont worry, buhay pa naman sya... HAHAHA!"

napahigpit ang kapit ko sa manibela. "HAYOP KA! GAWIN MO ANG GUSTO MONG GAWIN SAKIN, HUWAG SI SUMMER!" Hindi ko na mapapalagpas ito. Pero kung magpapatuloy pa ang pakikipag-sagutan ko sa kanya ay baka may mangyaring masama kay Summer at saktan ito dahil sa inis sakin, at iyon ang pinakaiiwasan ko sa lahat.

"Anong ba talaga ang pakay mo? Just please... nakikiusap ako, huwag nyong sasaktan si Summer..." pagmamakaawa ko. Kung kinakailangan na lumuhod ako sa harapan nila ay gagawin ko, Huwag lang nilang saktan si Summer.

"Ohh... bakit bigla kang lumambot ngayon? Tsk! parang nakakahiya naman aminin na ang Leader ng isang pinakamalaki, pinakamatatag at mas kinikilala na Gang group ay lumalambot dahil lang sa isang babae?"

"Wala akong pakialam kung anong gusto mong isipin.. Wala akong pakialam kung ano ang magiging tingin mo sakin... All what matters to me now is just Her.. Just Her." pagdidiin ko. Narinig ko na muli itong tumawa.

"Just please.. , kahit ano ibibigay ko.. Wag lang si Summer.." I added. Wala na akong pakialam kung anong mawawala sakin.

"ANYTHING?? haha! let me think... Hmmm.. How about.... YOUR LIFE?"

"Take it!" I quickly answered. Wala akong pakialam kahit buhay ko man maging kapalit basta masiguro ko lang ang kaligtasan ng babaeng mahal ko.

"Too weak." he answered. "Know what? I see your point Mr. Sebastian. Pero ayokong madala sa kadramahan mo..."

"Im not making any drama.. i just want you to know kung ano ang kaya kong ipagpalaban ng patayan..."

"Whatever!" Saka nito pinatay ang tawag.

Inis kong naibalibag ang Cellphone sa kabilang side ng sasakyan. P*tcha! kung may mangyari talagang masama kay Summer, hindi na ako kikilala ng tao kahit maging sino pa sya!

Sa ngayon, Kailangan kong makita Si Summer sa lalong madaling panahon dahil baka kung magtagal pa si Summer sa poder nila ay baka mas masaktan pa sya.

Ilang sandali naman ang nakalipas ng makatanggap ako ng text galing sa iisang no. na tumawag sakin.


"Lemmor Plantation... 11pm. Come alone or else..."

Lemmor plantation? Sa pagkakaalam ko ay iyon ang building na ipinatayo ng Mugen-Dai at Inferi, iyon din yung building kung saan nagsimula ang away ng dalawang malaking grupo ng Gang. Kung saan nagsimula ang lahat. Kailangan kong pumunta lang doon ng mag-isa. Or else... Sasaktan nila si Summer.




[ Third person ]

At last, ito na yung araw na matagal ko nang pinapangarap.. Yung mahabang panahon na pagtitiis at pagsasakripisyo namin ni Papa ay sa wakas ay masusuklian na din. Sa wakas, babagsak na ang Mugen-Dai kasabay nun ang pag-guho din ng Inferi.. At ang matitira? Ang Jigoku Clan.. Ang Clan na ilang siglo nilang tinapaktapakan at minaliit. Ang Gang kung saan ako nagmula. Ang Gang kung saan ko isinakripisyo ang lahat.

Hindi ko inaasahan na magiging ganito pala kadali ang pagbagsak nila..

Napaka-hina tulad ng pagkaka-kilala sa kanila. Sabagay, ang magaganap ngayon ay nagpapatunay lang na talagang mahina sila. At ang nagdala ng kanilang kahinaan? Ang nag-iisang babae lang na nandito ngayon.

Hindi ko naman dapat talaga sya idadamay dahil hindi na sya iba sakin. Pero, kung sya ang magiging susi ng tagumpay na matagal ko ng gustong mangyari ay kailangan ko syang isakripisyo.. Kahit gaano pa sya kaimportante.. Kahit pa naging parte na sya sakin, Alang-alang sa Gang.. Alang-alang sa pangalan ng angkan namin... makakakaya kong kalimutan kung gaano sya kahalaga sakin. While staring at her from a distance ay hindi ko halos matanggap na sya ang magiging pain ko sa mga taong minaliit kami.

Nakaupo lang sya ng tahimik sa gitna ng madilim na silid na ito habang nakapiring ang mga mata. Tulog sya kanina pero kahit nung paggising nya ay tahimik pa din sya. Wala akong narinig na maski sigaw or pagmamakaawa para pakawalan namin sya. She's just silently sitting there.. I dont know and i have no Idea whats on her mind.

"Cant really believe that she's really here!"

Agad kong nilingon ang bago pa lang kakapasok na isang sopistikadang babae, kasama ang kanyang mga kaibigan na kapwa kaparehas nya din. Matagal na din sya sa university at hindi ko sukat akalain na magiging parte sya ng malaki kong plano.

"Now, you're actually seeing her... Happy?" Sarkastiko kong tanong.

"No.." Lumapit ito kay Summer at hinila ang buhok nito. Kita ko ang pag-igting ni Summer. "I want her to suffer.. Gusto kong magma-kaawa sya." saka nya malakas na binitiwan ang buhok nito. Kita ko naman ang mga ngisi ng mga kasama nya.

"You dont have to do that.. Tapos ka na sa kanya kanina." I said. Alam kong isa sya ang isa sa mga tumulong sa akin ay hindi ibig sabihin na pwede na nyang gawin ang mga bagay na gusto nyang gawin kay Summer. The control is just on me.

"Not yet. Nagpahinga lang ako..." Sabi niya sabay malakas na binigyan si Summer ng isang sampal. Kahit madilim ang kwarto ay agad naglandas ang pamumula sa parteng nasampal nito.

"Tama na..." Muli kong baling sa kanya. Pero tila wala itong narinig, Sa halip ay yumuko pa ito ng bahagya saka muli nitong sinabunutan si Summer.

"Hindi kaba sisigaw? Or Hindi kaba magmamakaawa sakin? Huh?" Tanong nito na bahagyang hinagod ng mga mahahaba nyang kuko ang namumulang pisngi ni Summer. Pero, wala pa din silang nakuhang sagot mula sa kanya.

"You know what i want? I want you to scream.. to cry for your life... gusto kong magmakaawa ka sa harapan ko habang sinasaktan kita.. Gusto kong makita kang umiiyak at gumagapang.." Saka muli nitong sinampal si Summer.

"Sumigaw ka! Magmakaawa ka! Kung pupwede ay lumuhod ka sa harapan ko!" saka nito muling inulan ng sampal si Summer na walang reaksyon kundi ang pagtanggap lang ng mga sampal na binibigay sa kanya.

Ang pag-agos ng dugo mula sa gilid ng labi ni Summer ay naging hudyat para tumayo ako at maitulak ang babaeng takam sa pagsampal sa kanya.

"What the hell are you doing??" pagalit nitong baling sa akin.

"Ako lang ang may karapatang manakit sa kanya..." Sagot kong pinahid ang dugo sa labi ni Summer nitong iniwas ang ulo nya.

"You are forgetting something young man.. Ako ang dahilan-"

"I know and Thank you.." pagputol ko sa sasabihin niya. Alam ko na ang sasabihin nya at ilang beses ko nang narinig iyon. Nakakarindi na.

"But i still want to play with that B*tch.." sabi nitong inginuso si Summer. Muli pa sana nitong lalapitan si Summer pero agad ko syang naharangan.

"Stop acting like a kid young lady. Kung gusto mong maglaro, Wag dito. I have business with her at kung wala na kayong gagawin.. you can leave." Sabi kong iginiya ang exit. Matagal nya muna akong tinitigan na para bang naghihintay sya na bawiin ko iyon. Then, nang mabigo sya na marinig iyon mula sakin, She took her last glimpse over Summer saka ito padabog na nagmartsa papalabas.

Bago ako umupo ay muli kong nilingon si Summer na para bang nakikiramdam lang. Tahimik lang sya sa likod ng pamumula ng pisngi nya at sugat galing sa kalmot nung babaeng iyon. Alam kong mahapdi at masakit ang mga iyon pero wala akong nakikitang bahid ng pag-inda sa reaksyon ng mukha nya.

"Hindi na kita tatanungin kung OK ka lang kasi obvious naman na Hindi.. Ganito na lang.. Gutom ka na?" Kanina pa syang tanghali dito at pakiramdam ko na wala pa syang kain.

Matagal akong nakatingin sa kanya, naghihintay ng sagot mula sa kanya. Iang sandali ang lumipas and As expected ay wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Ano pa ba ang asahan ko? Nagpasya na lang akong lapitan sya.

"Sa tingin mo, Unfair ang mundo diba?" I started. "Yung mga taong walang kasalanan sakin tulad mo ay syang nandito ngayon at pinapahirapan?! Hindi ka ba minsan nagtatanong kung bakit ganun ang nagiging takbo ng kwento? Hindi ka ba minsan nagtatanong na sa dinami-dami ng tao na pwedeng paglaruan, bakit ikaw pa ang napili?" Kinuha ko ang pinakamalapit na upuan at inilagay iyon sa harapan nya at dun ako naupo.

"Hindi ka ba magtatanong kung bakit ikaw? Kung bakit ka nandito? Kung anong kailangan namin sayo? Kung sino kami?" Kahit paggalaw ng kilay niya at labi nya ay walang reaksyon. Hindi ko alam hanggang kailan sya magiging tahimik.

"Alam mo bang pwede kitang tapusin ngayon? alam mo bang kayang-kaya kitang burahin sa mundo ng dimo nalalaman? Alam mo bang kayang-kaya kitang paglaruan ngayon kung gugustuhin ko?" Wala pa din syang reaksyon. Para akong nagsasalita sa harapan ng pader.

"Summer... Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Hindi ka ba nagsisisi dahil nandito ka ngayon? Hindi mo ba isusumpa ang buhay mo ngayon? Hindi mo ba sisisihin ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay ng mga kumupkop sayo noon? Hindi ba sumisigaw ang puso at kaluluwa mo sa paghihiganti? Hindi ba sila sabik na pahirapan ang mga taong kumitil sa buhay ng mga mahal mo sa buhay? Wala ba talaga, huh Summer?"

Dahil sa wala man lang syang sagot sa marami kong tanong ay nagpasya na akong tumayo.

Pero...

"Death.." She said as i saw her draw a sarcastic smile on her lips.

Napahinto ako sa pag-alis at muli syang binalikan.

"Bakit Summer? arent you afraid of death? everybody should be afraid.. you should be afraid.." i said pointing her na para bang nakikita nyang ginagawa ko iyon.

"Im just afraid of losing a friend.." She aswered.

After kong marinig iyon ay tila ba may tumarak na kung ano sa loob ko. Ewan ko at hindi ko alam kung bakit at ano ang ibig sabihin nun. Basta ang alam ko ay hindi ako pwedeng magpa-apekto.. Marami pa ako kailangan gawin kaya naman nagpasya na akong umalis.




[ Cody ]


10:30 pa lang ay nakarating na ako sa lugar na napag-usapan. Kanina pa ako naka-park dito at naghihintay sa kung ano man ang mangyayari. Dapat pag ganitong sitwasyon ay kabahan ako dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sakin dito. Kung dito na ba ako matatapos? Di ko rin alam. Isa lang ang nasa isip ko ngayon.. Gusto kong makita si Summer.. Gusto kong masigurado na Okay sya. Na ligtas sya. Na malayo sya sa kapahamakan.

Di bale nang ako. Mas kakayanin ko. Mas kaya kong tiisin.

Hindi nga nagtagal ay may natanggap na naman akong text mula sa iisang number na tumawag sakin.

"Get Inside.. A big surprise is waiting for you."

Sh*t! wala talaga akong tiwala kung sino man tong taong to', pero ano pa man ang nasa loob ay dapat lagi akong maging alerto.. Mas gusto kong makita si Summer... Dapat kong siguraduhin na Okay lang sya.

After kong maihanda ang sarili ko ay umibis na ako ng sasakyan. Gusto kong maging maingat kahit sa pagpasok ko sa lumang gusaling ito, Aside sa sira na talaga ito ay anytime ay pwedeng may mabagsak na kahoy or kisame.

Isang hakbang pa lang papasok ang nagagawa ko ng makaramdam ako ng malakas na hambalos sa ulo ko na naging dahilan upang mandilim ang buo kong paligid.

"Hoy. Gising!" Naalimpungatan ako ng marinig ko ang sigaw na iyon mula sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang likurang bahagi ng ulo ko. Bullsh*t! Nakakaasar! Kahit masakit ang ulo ko ay idinilat ko na lang ang mata ko. Hindi ko halos maaninagan ang paligid dahil madilim iyon maliban sa pwesto ko na may konting ilaw. Sh*t! Ang sakit talaga ng ulo ko. Kung pwede lang sana ako mag-stretch ay gagawin ko. Sinubukan kong ideretso ang kamay ko pero napagtanto kong nakatali pa pala iyon. Paksh*t! lagot na!

"Hoy! Pakawalan nyo ko! Kung talagang matapang kayo, lumaban kayo ng patas, Hoooy!" sigaw ko. Langya! masakit pala sa lalamunan ang sumigaw?!

"Hooooy-!"


"Ang ingay mo..."

Tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan ng marinig ko iyon mula sa likuran ko. Boses ng babae.. malamig ang boses nito na tila ba galing sa ilalim ng lupa.. Nagtaasan bigla ng lahat ng balahibo ko sa katawan sa naisip ko.. Wag' nyo sabihing-

"Hindi ako multo.. Tungaw!" muli pa nitong sabi. Pakiramdam ko ay nasa likuran ko lang sya dahil ramdam ko ang lapit ng boses nya sa tenga ko.

"Akala ko na ako lang tinatamaan ng kabobohan minsan... Mas malala ka pala." dagdag pa nito.

Tila nawala lahat ng takot at pag-aalala sa kalooban ko ng mabosesan ko kung sino iyon.

"Summer.." I almost cried her name..

"Wag kang magdrama dyan... hindi bagay." pang-aasar nito.

"Hindi ako nagdadrama.. masama bang mag-alala sayo?" untag ko.

"Stupid!" sabi pa nya.

Nasa likuran ko lang pala sya. MAgkatalikod ang mga upuan namin. Tulad ko ay nakatali din sya. Pero may takip ang mga mata nya.

"Bakit ka pa pumunta?" tanong nya na para bang ayaw nya akong makita.

"tinatanong pa ba yan? Syempre, para iligtas ka! Utak nga minsan Summer!" kaasar talaga tong babaeng to! di minsan ma-reach ang kaeng-engan!

"Iligtas? Tapos nahuli ka din.. Galing mo!" sagot nya.

Asar! alam ko naman iyon, kailangan ba talaga isampal? Naisip ko lang ngayon na kahit pala nasa mahirap kami na sitwasyon ay hindi talaga maiwasang hindi kami magsagutan. Siguro dun talaga kami nagiging unique dalawa.

"Papaano ka nila nahuli?" baling ko sa kanya.

"Lumuhod sila sa harapan ko, nagmakaawa na kidnapin nila ako, then naawa ako kaya pumayag na ako-"

"Umayos ka nga ng sagot!" sigaw ko. Kainis talaga sya!

"Isipin mo nga, may nangingidnap ba na nagpapaalam? syempre, biglaan!" balik nya ng sigaw sakin.

Naisip ko, OO nga naman noh? haha! BOBO CODY!

"Eh, ikaw? paano ka nila nakuha?" balik nyang tanong sakin.

"Anong NAKUHA? hoy, Virgin ako noh?" maagap kong sagot.

"Tanga! paano ka nila nahuli?" salo nya.

"Yan! ayusin mo! -tinextmate nila ako. Then nagpalitan ng sweet messages, nakuha nila yung loob ko kaya pumayag na din akong magpa-kidnap!"

"Cody, umayos ka!"

"Alam ko! -pero Seryoso, tumawag sila sakin then sinabi nilang hawak ka nila kaya nagpunta agad ako dito."

"Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan!" pagalit nitong sabi. Aba!

"Magagawa ko pa bang mag-isip ng matino kung alam kong nasa panganib ka? Mag-isip ka din kasi!" sagot ko sa kanya! sya lang marunong magalet?

"Hindi mo ba naisip na ikaw ang leader ng Mugen-Dai? Hindi mo ba naisip kung gaano kalaki ang mawawala sa Gang kung mapapahamak ka? nag-iisip ka ba talaga? Mas mahalaga ka kesa sakin! Sana naisip mo yon!"

Hindi nya ba talaga naiintindihan ang lahat? Haizt!

"Hindi ka kasi nag-iingat! kung nag-iisip ka din, ALAM MONG MAS MAHALAGA KA SAKIN KESA KAHIT NA SINO MAN! at sana maramdaman at maisip mo din iyon, isa pa
alam mong importante ka din sa Gang na pinamumunuan mo at sa aming lahat! Kung mawawala ka, paano ang Gang? paano kami? -PAANO AKO?" nakakainis na talaga sya!

Matagal kaming naging tahimik hanggang sa basagin niya ang katahimikan na iyon..

"Kilala mo ba kung sino ang nasa likod ng lahat nang to'?"

"Fvck! kung alam ko, matagal ko na sana syang binura sa mundo!"

"Huwag ka ngang mayabang! tignan mo nga, sa kayabangan mo, asan ka ngayon?"

Okey below the belt yon!

"Eh, bakit ikaw? kilala mo ba?" paghahamon ko.

Natahimik sya. Sabi na eh! di niya rin kilala!

"Kilalang-kilala ko..." naramdaman ko ang lungkot nya sa pagkakasabi nun. Ewan ko ba, sa salita nyang iyon feel ko gusto kong kabahan ng todo.

"Sino?" Hindi ko alam kung gusto ko nga ba talaga malaman kung sino, parang nagkaron ako bigla ng takot marinig iyon.

Muli ay natahimik na naman sya...



"Si GREY...."



itutuloy....




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top