Chapter42


[ Summer ]


Ilang araw na ang nakakalipas ng makapag-usap kami ni Papa at sabihin sakin ang isang bagay ng hindi ko halos mapaniwalaan. Ilang araw kong pinag-isipan ang bagay na yon. Noong Time na nalaman ko iyon ay Naisip kong Ilang taon pala akong nabuhay sa isang bagay na akala ko ay tama. Buong buhay ko ay galit ang bumuhay sakin. Ang Galit ng naging dahilan para kamuhian ko ang mga taong wala palang kasalanan. Alam kong hindi natatapos sa lahat ang bagay na ito. Alam kong hindi matatapos ang lahat ng ganun-ganun lang..

"Summer.. May ipapasa ka na ba kay Mrs. De vega?" Pagputol ni Alexa sa abala kong pag-iisip. Medyo nagulat pa ako sa tanong niya, Ilang saglit naging loading ang isipan ko sa sinabi nya then natampal ko nalang ang noo ko ng maalala ko na meron pala kaming research paper na ipapasa sa prof namin ngayong hapon. Hindi ko na iyon naalala dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa bagay na yon.

"Wala pa? Naku patay ka niyan kay Prof pag-"

"Alexa, next time na lang tayo mag-usap, aalis muna ko ha?" hindi ko na sya pinatapos sa anumang sasabihin niya ng may natanggap akong text. Agad kong niligpit ang gamit ko at agad nang umalis.



[ Alexa ]

Minsan hindi ko na talaga maintindihan tong si Summer.. Tulala, minsan tahimik lang, Minsan mainit ang ulo na kala mong pusang di mapa-anak, Tapos ngayon tahimik na para bang wala sa sarili then ngayon lang, Lutang tapos nagmamadaling umalis. Adik?

Ilang minuto naman ng pag-alis niya ay dumating naman si Cody, sa ekspresyon pa lang ng mukha nito ay parang alam ko na pakay niya.

"Nakita mo si Summer?" tanong niya. Sabi na eh!

"Nandito sya 10mins. ago.. bakit? May kailangan ka ba sa kanya?" pangalumbaba kong harap sa kanya. Kita ko namang napakamot sya ng wala sa oras.

"Ha? ah! Wala naman- I mean, meron lang sana akong kailangan i-discuss sa kanya.."

"Ah.. umalis kasi siya, nagmamadali nga eeh.. habulin mo nalang kaya, baka maabutan mo pa?!"

"Ha? ah, eh.. wag nalang.. saka nalang!"

yun lang at nagmadali na din syang umalis.

Ano ba nangyayari sa mga taong yon? bigla-bigla nalang umaalis? mga SABOG!



[ Summer ]


Nagmamadali akong umalis sa Tambayan namin ni Alexa kanina dahil may natanggap akong text mula kay Czar. Parang nakakuha na kasi siya ng mga impormasyon na pinapatrabaho ko. Ilang araw ko din hinintay ang resultang iyon.

Agad akong dumiretso sa Opisina ni Papa pagkarating ko pa lang sa Mansyon. Wala si Papa ngayon, nasa hong-kong sya for Business trip kaya naman ay dito nalang ako dumiretso since masyadong kumplikado ang pag-uusapan namin ni Czar ngayon. Pero hindi pa man ako nakakapasok ng Mansyon ay natanaw ko na ang isang pigura na agad nakapag-painit ng dugo ko.

"What are you doing here?" Agad kong tanong sa kanya na kakatayo lang para salubungin ako. Magre-react pa sana yung kasama niya pero agad akong nakarinig ng pagkasa ng baril sa paligid ko. Isang maling hakbang, may kalalagyan sila.

"I came here not to commit suicide Ms. Summer.. May gusto lang akong pag-usapan natin.. " saka siya may kinuha sa bulsa ng suit nya saka iniabot sakin iyon, Pero mabilis pa sa alas-kwatro na kinuha iyon ni Czar.

"Nasa loob ng Envelope na yan ang mga litrato ng Mag-asawang Akiyama nung inambush sila ng INFERI gang.. Ng Gang na pinamumunuan mo.."

Pagkarinig ko nun ay parang biglang nagkaron ulit ng pader na harang sa pagitan namin ng Mugen-Dai.. Remembering those days na nalaman ko na pinatay ang mga kumupkop sakin ay grabeng pagkamuhi sa INFERI ang naramdaman ko. Galit na dinala ko hanggang sa lumaki ako.

Hindi na ako nagsayang ng panahon para buksan pa iyon. Bukod sa matagal na nangyari iyon ay hindi ko pa rin laya ng tignan sila na duguan kahit sa litrato man lang.

"Para san pa at gusto mo ipakita yon sakin?" lingon ko sa hawak-hawak ni Czar.

tumikhim muna sya bago nagsalita.

"Gusto ko lang ipaalala sayo Ms. Summer kung anong pinag-daanan ng Pamilya ng Akiyama matapos niyong Patayin ang Pinuno nila, oh i mean.. silang mag-asawa pala.. At higit sa ating dalawa. ikaw ang mas nakakaalam nun.." malademonyo nitong tingin saka ito ngumisi. "I want to remind you na kahit kailan ay hindi na muling magiging isa ang Mugen-Dai at INferi.. at dahil iyon sa gulo na kayo ang unang gumawa."

Habang pinakikinggan ko sya ay hindi ko mapigilang hindi magtiim-bagang. Kahit ilang beses kong itanggi sa panahin ngayon ang mga sinabi niya ay mismong Ang nakaraan ang magpapatunay at sasampal sakin sa lahat ng katotohanan.

"Alam mo naman siguro kung bakit napilitan ang mga Taga-INFERI na gawin iyon sa Mga Akiyama.."

Sa pagkakaalam ng lahat ay tungkol ito sa negosyo at hatian ng pera sa isang negosyo na ang dalawang Gang mismo ang nag-invest. Maraming nanghinayang sa pagsasamang nabuo ng dalawang malakin grupo. Pero ika nga nila, Walang permanente sa mundo.

Lahat nasisira. Lahat nawawala. Lahat nabubura.. ang masaklap pa, nakakalimutan.

Saglit akong napasulyap kay Czar na alam kong kanina pa nanggigil dahil sa ekspresyon ng mukha nito. Higit kay Papa alam niyang ayaw kong nababanggit ang bagay na iyon, ayokong naririnig ang tungkol sa nakaraan dahil parang sinasakal ako nito.

I composed myself. Tama na siguro ang narinig ko ngayong araw. Hindi pwedeng maging mahina ako sa lalo na sa harapan ng taong ito.

"Ano ba talaga ang ipinunta mo dito?" Walang preno kong tanong sa kanya. Kanina pa kasi sya dada na dada. Umiinit ulo ko!

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nagpunta ako dito to offer you a business.. My company wants to invest billions to buy phoenix company.. Just so you know.. malaking company ang phoenix and naisip kong baka gusto mong mag-invest-"

"Im sorry Sir, pero- Hindi po business ad ang course ko and wala sa field ko ang mag-handle ng negosyo.. Sa iba nyo na lang i-offer yan!" Agad kong tanggi.

kita kong nagkunot noo ang kaharap ko.

"Ha? So, paano pag nawala ang Papa mo? sinong sasalo ng mga negosyo na ipinundar niya?"

Nagpantig ang tenga ko sa mga sinabi niya.

"Alam mo sir, Una sa lahat. May mga tao kaming mas higit na katiwa-tiwala para mag-handle ng negosyo.. Na alam naming hindi kami tatraydurin, Na magiging tapat samin at hindi kami kakainggitan." Kita ko ang galit na agad nagbakas sa mukha niya pagkasabi ko nun.

Pipihit na sana ako para talikuran siya dahil sa inis ng may bigla akong naalala na nakalimutan kong sabihin.

"...second, Hindi pa mamamatay si Papa.. BAKA MAUNA KA PA! -So if you'll excuse me." Yon lang at tinalikuran ko na sila. Sinenyasan ko naman si Czar para sumunod sakin.

"Inferi's not forever! There's no Forever!" habol nitong sabi nung medyo nakalayo na ako. Makulit talaga sya..

Napahinto naman ako sa paglakakad pero hindi ako nag-aksaya ng panahon para lingunin pa sya.

"May FOREVER, tanda! Wag' kang BITTER!" yon lang at nagmartsa na ako papalayo. Narinig ko naman ang mga kagikgikan ng mga body guards na nasa paligid namin pagkarinig nun.

See? pati sila naniniwala sa forever! Langyang tanda na yon?! tanda-tanda na Kung maka-BITTER, Wagas!




"So, anong nakuha mo?" Agad kong tanong kay Czar pagkaupo ko pa lang sa swivel chair.

Hindi naman sya sumagot sa halip ay iniabot nya sakin ang isang folder na may nakaipit na mga papel at isang litrato na nagpapatunay na totoo nga ang hinala namin. Excited pa sa Pasko na binuksan ko ang envelope at agad binasa ang mga nakasulat sa papel.

Hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman pagka-basa ko palang sa unang part ng binabasa ko, kung pagkabigla ba, pagkalungkot or pagkagalit dahil masyado akong nagtiwala?

"Anong sunod mong plano boss?" Czar.

Sandali akong natahimik. Sa totoo niyan ay hindi ko alam ang pwede kong gawin. Marami pa akong gustong malaman pero ang mga papel na nasa akin ngayon ay nagpapatunay na hindi pala sya kabilag sa ipinaglalaban namin. Hindi sya kasama sa Pilosopiya namin, sa pinaninindigan namin.

Pero kung ito man ang gusto niya...

"Let see how he play..."


Kinabukasan ay sinadya kong sa hapon na Pumasok sa university. Balita ko kasi kahapon ay may nag-away na isang member ng INFERI at Mugen-Dai.. Kagabi pa lang ay ipinatawag ko na ang isa kong member para malaman kung ano ang puno't dulo. Nasa Gym kami ngayon. Kaming lang dalawa ng member kong basagulero. Kaming dalawa lang habang naka-lock ang buong Gym.. Ang ibang member naman ay nag-aabang lang sa labas kung anong klaseng tunog ng parusa ang gagawin ko sa isang to.


"Now, Speak." walang emosyon kong

sabi. Para namang bata na biglang napaluhod nalang ito sa harapan ko.

"Im sorry Boss.." sabi nitong napayuko lang.

"Im not telling you to apologized.. i told you to tell me anong nangyari kahapon at napaaway ka?" pagtataray ko. Minsan kasi kaylangan pa ng dahas para magtanda tong mga to!

"Nasa library po ako kahapon ng biglang natabig ako nung taga Mugen-Dai.. uminit yung ulo ko kaya sinuntok ko po agad.. Im sorry Boss." Halos mangiyak-ngiyak nitong pagkukwento.

"Eh, ngayon? hindi ba umiinit ang ulo mo dahil nakaluhod ka ngayon sa harapan ko?" Tanong ko sa kanya na saglit akong sinulyapan saka muling nagbaba ng tingin.

hindi sya sumagot sa halip ay umiling-iling lang.

"Ilang taon kana?" tanong ko sa kanya.

"16 po, going 17.."

"Malamang, alangan man lang dumiretso ka ng 18?!" muli itong nagyuko.

"Alam mo ba ibig sabihin ng Self Control?" Muli kong tanong. Tumango naman sya "Pagiging masipag yon!" bulas ko na naging dahilan para makita ko ang pangungunot niya ng noo. "May sasabihin ka?" muli kong pagtataray.

"Boss, diba ang self control, yon ay ang pagpipigil sa sarili?" Naiilang pa nyang sabi.

"Alam mo naman pala, bakit dimo ginawa?"

muli itong nagyuko.

"Dapat mong tandaan na hindi sa lahat ng oras ay may magdidisiplina sa inyo.. malalaki na kayo.. alam nyo na ang tama at mali, mga dapat gawin at hindi.. kailangan pa bang humantong tayo sa pagbabartolina bago nyo maisip kung anong kapalit ng kalokohan na ginagawa nyo? Worst part, kayo ang mapapahamak..."

Hindi na ito umimik.

Alam kong hindi lang kaming dalawa ang nakakarinig sa pag-uusap namin ngayon, alam kong maraming nakakabit na tenga sa paligid ng Gym na nakikinig, kaya naman gusto kong kunin ang pagkakataong ito para sabihin ang dapat nilang malaman at marinig mula sa akin.

"Mugen-Dai and INFERI.. both are really close to my heart.. to be honest with you all, naging Pinuno din ako ng MUGEN-DAI for less than a year dahil iyon sa isang pribadong kasunduan at hindi ko ikinakaila iyon, From there, i met new family na nirespeto ako at ang pamumuno ko. Give and take ang naging relasyon ko sa MD.. they got disciplined and became worth to everybody's respect, and I became stronger because of them.. I learned to fight for what is mine, for what is right without minding what other people will say about me and to my leadership.. They tought me alot of things. MUGEN-DAI, they became my world. I love them, i learned to love everything about it na dati rati ay sagad sa buto kong kinamumuhian. I tried to embrace the Gang World and I see it now as a Huge Family. I learned that not all Gangs aren't just brawling and fight. It is Composed of Unity and Prosperity."

"Then, there you are INFERI.. like MUGEN-DAI, Masaya ako lalo na pag kasama ko kayo.. Siguro iniisip nyo that I am making a comparison between INFERI and MD dahil sa mas kilala sila, dahil sa mas sikat sila. Well, that would be a big NO for an answer.. I want you also to learn to control yourself, Gusto kong madisiplina kayo.. Gusto kong punan lahat ng kulang sa inyo... pero hindi iyon magiging posible kung hindi nyo rin tutulungan ang sarili nyo.. Respeto, kung meron kayo non, kahit mawala na kayo sa Gang at tumatanda na kayo, rerespetuhin parin kayo ng tao at hahangaan kayo san man kayo magpunta.. INFERI,ito ang tatandaan nyo.. nagawa ko ngang magsakripisyo sa Gang namg iba, Sa INFERI pa kaya na kung tutuusin ay AKIN mismo?"

Natahimik ang paligid na kanina lang ay nakakarinig pa ako ng nagsasalita at bulungan.

"We are one Big Family here. Dalawang Gang na naging Isa ang paniniwala, Pilosopiya at Misyon. Dalawang Gang na pinaghilaway ng isang pangyayaring tumatak na sa nakaraan,. Dalawang Gang na muling sinusubukan muling maging isa. Dalawang Gang na pilit pinag-aaway, na pilit pinaghihiwalay.. Pero hahayaan ba natin silang sirain tayo ngayon dahil lang sa nakaraan? Hahayaan ba natin silang diktahan tayo? Hahayaan ba nating diktahan ng nakaraan ang mga pagbabagong gusto nating mangyari sa kasulukyan?"

"Wala akong pakialam kung sinong una at kung sino ang sikat or kung sino ang mas makapangyarihan na Gang. Ang mahalaga sakin ay may respeto kayo sa isa't -isa, sa sarili nyo at sa Gang.. dahil kung meron tayo maski kakaunti nun, tayo sa sarili natin ang panalo." pagpapatuloy ko.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga yabag sa kinaroroonan namin. Nang lumingon naman ako kung san nanggagaling iyon ay halos maiyak ako sa nakita ko.

Magkasamang naglalakad papasok ng Gym ang MUGEN-DAI at INFERI na ilang linggo nang halos hindi magkalapit. Kung magkalapit man ay nag-aaway at nasusuntukan. Lahat sila ay parang mga maamong tupa ang itsura, may nakita pa akong mga member ng MD at INFERI na magka-akbay na. Ilang sandali pa ay awtomatikong nahati ang Daan dahil sa isang lalaking laging pinapainit ang ulo ko. Pero ngayon, ngiti ng kasiyahan ang nababakas sa mukha niya.

"Magaling ka pa lang mag-declaim, bakit ang baba ng score mo sa declamation?" sabi nitong nakangisi pero may bahid ng paglalambing sa mata niya.

Gwapo nga, pala-asar naman! inirapan ko nga!

"Get up man, tapos na ang speach ni Boss Summer.." baling naman nito sa nakaluhod parin ng member ko. Tatayo na sana ito ngunit muli akong magsalita.

"Who told you na tapos nako?"

kita kong bumalik agad ito sa pagkakaluhod.

"Let go the kid Summy..." mahinahong utos ni Komander Cody. Nang-utos talaga??

Kumawala muna ako ng malalim ng hinga bago nagsalita. "Tumayo ka dyan, meron ka pang dapat gawin kapalit ng pagiging basagulero mo." Saka ito MulingTumayo.

"Alam mong bawat pagkakamali ay laging may kapalit hindi ba?" tanong ko sa kanya. Tumango lang sya. "So, what are you waiting for? gawin mo na.."dagdag ko.

Bago ito umalis ay muli akong nilingon nito. "Sa field po ba or sa kabilang Gym?" tanong nito.

"Its all up to you.." Tipid kong sagot.

Hindi na ito muling nagsalita bagkus ay nag-bow ito sandali sa harapan ko at humarap kay Cody

"Sorry po ulit sa gulo.." pagpapaumanhin nito sa tukmol, yon lang at tinungo na nito ang broom-stand na nasa gilid lang ng gym.

hindi pa man nakakalayo ito matapos kumuha ng dustpan at walis ay tumalikod isa-isa kapwa member ng MUGEN-DAI at INFERI.

Sabay naman kaming nagkatinginan ni Cody nang mapagtanto naming tinungo nila ang Broom-stand at kumuha isa-isa ng mga panlinis na kagamitan.

"What do you think you are doing?" hiyaw ni Cody mula sa kinatatayuan namin. Sabay-sabay naman silang napalingon sa gawi namin habang hawak-hawak ang mga walis at pandakot na Astig na nakapatong sa mga balikat nila.

"Boss, Cody.. We are family.. We are one at dapat ang Pamilya, nagtutulungan. Hindi ba mga brad?" lingon naman nito sa likod niya na sabay sabay nagsitanguan. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila at sabay-sabay na nagsilabasan ng Gym.


"Thank you Summer..." Walang ano-anoy biglang pagsasalita ni Cody, ng lingunin ko sya ay nakita ko ang pagka-seryoso sa mga mata niya.

"Need not to thank me.. may kasalanan kapa sakin!" Pagtataray ko sa kanya.

kunot-noo naman nya akong tinignan.

"Ha? ano na naman bang nagawa ko? nagpasalamat lang naman ako ah?!" gulat na gulat nyang sagot.

"Baka nakakalimutan mong binwisit mo ko at di kapa nakakabawi?!" I said curling my arms.

"Hoy, wala akong ginagawa sayo aah?!" sabi niyang bahagyang dumistansya. Alam siguro nya na awtomatikong lumalabas ang pagiging Jet Lee at Jackie Chan ko pag-naasar.

"Oh? bakit ka lumayo dyan?" nagpipigil tawa kong tanong sa kanya. Muntanga lang kasi!

"Nag-reready lang sa nag-babadyang kapahamakan!" sabay tawa niya.

"Baliw, anong nagbabadyang kapahamakan?" Bigla ko nalang naalala yung naisip ko kanina kaya sumabay nalang ako sa pagtawa sa kanya.

Ilang sandali kaming tawa ng tawa at nang mapagod na kami ay nagpasya kaming sumalampak nalang sa flooring ng gym. Nakasandal ako sa likod niya at ganun din ang posisyon niya sa likuran ko.



"Namiss kita..."

Biglang nahinto ang pagtawa ko pagkarinig ko non sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya bago sya muling nagsalita.

"Ilang taon kong pinagsisihan ang pagkawala mo sakin.. Ilang beses akong nagigising nun sa hating gabi kasi akala ko naririnig ko ang boses mo na tinatawag ako. Hindi ko alam kung anong klaseng pagsisisi ang gagawin ko para lang bumalik ka. Alam kong mali ang nagawa ko sayo.. Alam kong nasaktan kita. Alam kong kahit kaylan ay hindi mo ako mapapatawad.."

hindi ako umimik at nakinig lang ako sa kanya.

"Nung nakita kita sa Party, nung ipakilala ka na kapatid ni Camille.. hindi ko alam kung lulutang ba ang puso ko sa saya or mamatay dahil alam kong mag-uumpisa na ang oras na kinatatakutan ko sa lahat, yun ay ang iparamdam mo sa akin kung gaano mo ako kinamuuhian.."

Nag-umpisa akong panlamigan ng kamay at parang hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mga susunod nyang sasabihin.

"I love you Summer.. Naduwag akong iparamdam at ipakita iyon sayo.. naduwag ako kasi Pinuno ka namin noon at alam ko ang sitwasyon mo. Mahirap at kumplikado. Kaya nga nagkasya na lang ako sa pang-aasar sayo dahil sa paraang iyon, nakukuha ko yung atensyon mo. I just want to apologize kahit alam kong huli na.. Im sorry Summer.."

Gusto kong sabihin sa kanya ang mga bagay na gusto kong malaman niya simula pa lang pero parang naduduwag ako. Gusto kong humingi ng tawad dahil ilang beses kong niloko at pinaniwala ang sarili kong wala na akong nararamdaman. Na pinilit kong kalimutan ang lahat tungkol sa kanya at palitan iyon ng galit. Pero ako lang pala ang nagiging tanga sa ginagawa ko dahil kahit ilang beses kong itanggi iyon sa sarili ko, katotohanan pa din ang nagpapatunay na Mahal ko nga si Cody Sebastian, noon at magpasa-hanggang ngayon.

"Cody..." i called his name.

"Hmmm...?" Cody.

"Mag-umpisa ulit tayo..." i said. Bahala na kung magmukha akong tanga sa paningin niya.

"Ha? what do you mean?" lingon nya sakin.

"Lets be friends again.." i added.

"Aayy.. friends lang pala!" Kunway patampo niyang sinabi sabay balik nya ng pagkakasandal sa likod ko. "kainis!" dagdag pa nyang nakanguso. Ang cute lang:)

Anong gusto nya? timang lang?

"Edi sige, wag na lang! di nalang tayo friends!" Muli kong pagtataray sa kanya. Kainis! sya nga ino-offeran sya pa tong nag-iinarte!

Napabalikwas naman sya ng tayo sa sinabi ko.

"Uy, eto naman parang nagbibiro lang! Friends na tayo.... Pero dapat may development yon ha?"

Kunot noo ko naman syang nilingon.

"Anong Development pinagsasabi mo?"

Hindi sya sumagot sa halip ay tinignan lang nya ako.

Matagal nya akong tinignan.

Binigyan ko lang sya ng 'WHAT?' look ko. Nagtitigan lang kami at kilay lang namin ang nangungusap. Panglalakihan ko sya ng mata at ganun din ang ginagawa niya.

Eh, sa hindi ko naman talaga gets!

malay ko ba??

Nang hindi ako nagsalita ay walang imik itong nagmartsa papalabas ng Gym.

Ilang saglit pa nga ay nanlulumo itong muling bumalik sa pagkakaupo.

"Anong ganap?" may bahid ng pang-aasar sa tanong ko. Gusto ko lang naman asarin.

"Hindi tayo makakauwi.." sagot nyang nakanguso.

"Anong hindi? Bakit umuulan ba? Pero ok lang, may kotse naman akong dala." Nakangisi kong sabi. Haha! Kala niya ah!

"Hindi ka pa din makakauwi.." Muli nitong sabi na ngayon nakangisi na din.

"Makakauwi nga ako kahit malakas pa ang ulan, hindi bahain ang lugar namin kaya makakauwi ako.." muli akong natawa.

Pero mas lumakas pa ang pagtawa niya. Teka- parang may something ah?

"Hoy, teka nga!" sabi kong tinakpan yung bibig nyang nakanganga kakatawa. "Bakit kaba tumatawa? Ginagaya mo ba ko?"

"HAhahaha! kasi ba naman, nasirahan tayo ng Gym- Hahahaha!" patuloy nito sa pagtawa na halos gumulong na.

Aaahh.. So, nasirahan pala kami ng Gym, kaya naman pala- HAAAAA???

Napabalikwas ako ng tayo at lumuhod sa harapan niya.

"Hoy, Anong nasirahan? bakit tayo nasirahan? Hindi kaba tumawag sa labas? ilabas mo mo yung phone mo, tumawag ka para makalabas tayo dito!" paghi-hysterical ko na niyuyugyog ang balikat nya.

"Hahaha! Tawa ka nalang para masaya!"

"Anong tatawa? isipin mo nga na nakulong tayo sa Gym! tapos tumatawa kapa?"

"Haha! kaya nga eh, Hindi din naman tayo makakalabas dito kahit maputol pa ang litid mo dyan kakasigaw."

Baliw talaga ang isang to! nakulong na nga kami dito pagkatapos natatawa pa sya?! magkaron ka nga naman ng kasama na isa at kalahating praning!

"Akin na ang Cellphone mo!" sabay lahad ko ng palad sa kanya.

"Naiwan sa kotse.." sagot niya.

"Ano??? walang silbi yang Phone mo, kainis!" Sabi kong sumalampak nalang sa Floor. Nahinto naman sya sa pagtawa at seryoso akong tinignan.

"Kung makapagsalita ka para namang may Phone ka?! bakit? may Phone kaba? meron kaba? ha? Meron?"

"Oo, meron akong phone!" sigaw ko sa kanya.

"Kung meron naman pala, edi yan ang gamitin mo!"

Natahimik naman ako.

"Oh? anong ganap? natahimik ka Dyan? gamitin mo na Cellphone mo para makalabas na tayo dito!"

"Nasa kotse din kasi yung cellphone ko."

Sabay nun ay  nakakaloko syang muling ngumiti.

"Yang Cellphone mo ang walang silbi!"

Arrrgg! nakakainis na talaga sya! kanina ang tino-tino kausap! tapos ngayon balil na naman sa pagiging kalog nya!

"So, wala na tayong magagawa kundi mag-stay dito.. madilim na sa labas at alam mo na wala nang nagpupunta dito lalo na at ganitong oras.." paalala niya.

Oo nga pala, alas-6 na nang gabi at ganitong oras wala na talagang nagbabalak ng magpunta dito. Natatakot kasi sila. Wala na talaga kaming magagawa kundi magpaabot nang umaga dito. Grabe, ang lamok-lamok pa naman dito! Daming kalahi ni Cathlyn at ng mga alipores niya.

"Kumain ka na ba?" baling niya sakin ng hindi na ako umiimik.

"Hindi pa.." pa-Wawa face kong harap sa kanya.

Maya-maya pa ay may binunot syang biscuit sa bulsa niya.

"Kainin mo yan.. Masama sayo nagugutuman diba?" sabi niya sabay nag-wink. Naalala pala niya nung last na nagutuman ako ay nadala agad ako sa clinic dahil nandilim ang paningin ko. Duh! kayo kayang gutumin, tignan natin kung hindi mandilim mga paningin nyo?!

Pero Tama na ang ka-sweetan, Cody.. last na yan! gugulong nako sa kilig.

Agad kong inabot yung usang pack ng biscuit. "Salamat.."

He just nodded at tumingin nalang malayo.

Habang kumakain ay hindi ko naman mapigilan ang mga mata kong hindi sya sulyapan.

Susmaryahosep santisima, kung ganito ka-gwapo ang palagi kong makakasama , kung mata-trap lang ay aaraw-arawin ko na!



Alas-10 na nang gabi at lumalamig na din ang paligid. Hindi Airlapse ang Gym pero umuulan sa labas kaya naman ramdam namin ang lamig hanggang dito sa loob.

Napayakap ako sa sarili ko ng wala sa oras ng magsimulang maramdaman ko ang todong ginaw.

Peste! kung alam ko lang na makukulong ako dito edi sana nagbaon ako ng banig, unan at kumot!

kaasar talaga!

Kahit anong gawing yakap ko sa sarili ko ay ramdam na ramdam ko parin ang lamig.

"achooooo!" bahing ko. Langya! sisipunin na naman ata ako! "achooo!" isang bahing pa!

Maya-maya pa ay may nangalabit sa likod ko at dahil sa dalawa lang kami dito, alam kong pesteng si Cody lang naman yon!

"Nilalamig ka?" tanong niya.

Loko to' obvious naman diba?

Hindi ko sya pinansin.

maya-maya pa ay nangalabit na naman siya.

"Summy... ayos ka lang?"

"Hindeeeeee!" sigaw ko na winakli yung kamay niya.

"Eh, bakit ka nagagalet? Tinatanong ka lang naman?!" pagngunguso na naman niya. Minsan pag ganito itsura niya, imbes na mainis ako, parang mas natatawa pa ako.

"Pero dinga? ok ka lang?" He added na medyo may lambing na sa himig nito. Ang kulit!

Ako naman pa-wawa effect sabay iling-iling lang ng ulo.

shocks! tumutulo na ata sipon ko!

"achoooo!" muli kong bahing.

"Aahh.. wawa naman bebe ko, lika ka nga dito yakap nalang kita." Hindi na ako nakakilos nung magpunta sya sa likuran ko at yakapin ako mula dun.

Anu daw? BebE? kelan pa ako naging BEBE? magkamamukha ba kami ng pato para tawagin niyang BEBE? pero dahil dalagang Pilipina ako, Kunway nanlaban ako para hindi halata!

Kunwari lang..

"Wag kana lumaban, if i know, gusto mo din.." Saad niya na may bahid ng pang-aasar.

Pisti! nabuko ako! Lingon na lang ako sa kanya sabay irap. "As if naman na ayaw mo din?"

"Syempre Gusto!" sabay ngisi. Kupal talaga!

"achoooo!" bahing ko ulit.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na Mas inilapit pa nya ang mukha nya sa leegan ko, ako naman give way.. Mga loko! minsan lang to! walang epal!

"Mainit na ba?" Parang inosente nyang tanong. Hangkyuuut!

Hindi na ako nagsalita, bagkus ay tumango-tango na lang ako.

feel na feel ko yung init ng pisngi niya sa leegan ko. feel ko yung init ng hatid ng hininga niya ang it brought alot of butterflies in my stomach, Ramdam ko ang tibok ng puso niya, ramdam na ramdam ko.

"Cody.." muli kong tawag sa kanya.

"Yes?" malambing niyang sagot. Medyo nakiliti pa ako dahil nung pagsagot niya at nadikit pa ang labi niya sa tenga ko.

"Thank you.." sabi ko. Sa totoo niyan ay nahihiya talaga ako magsalita especially sa posisyon namin ngayon. Sa ilang beses ko kasi siyang tinatarayan at pinagmamalditahan ay nagawa pa din niya na mapaamo akosa simpleng paraan.

Dahil sa nakadikit ang mukha niya sa leegan ko ay diko alam kung na-feel ko nga ba ang pag-ngiti niya matapos akong makapag-pasalamat.




****


"OH...MY...GEEE!!!!"

P*tcha! sino na yon? ke-aga aga ang ingay!

Naalimpungatan at Muntik nang mabasag ang eardrums ko sa tili na iyon pagkagising ko kinabukasan na bumalot sa buong paligid. Gusto sana dumilat ng mata ko pero parang ang sarap pa matulog kaya naman Dahil sa naistorbo ako sa pagtulog, inayos kong muli ang pagkakahiga ko at mas inilapit ko pa ang katawan ko sa mainit kong katabi na sobrang masarap pa kayakap dahil sa lamig na umaga. Naramdaman ko naman ang pag-ganti nito ng yakap sakin..

Haaaay... sarap talaga pag may kayakap-

Bigla akong natigilan at agad Napabalikwas ako ng bangon ng ma-realize ko kung ano ginagawa ko, saan kami at ano ang ginagawa namin, at higit sa lahat, sino ang kasama ko.

"Tsk! kaya pala hindi kita ma-contact kagabi.. tapos nag-alala pa ako, yun pala nandito ka lang.." lokong pagkakasabi ni Alexa kasama si Dianne na nakangisi sakin maging sina Dash at Lee ay ganun din na nakakaloko lang pinagsalit-salitan ako ng tingin at si Cody na parang bata matulog dahil nakabaluktot pa ito, nilalamig ata.

"Ha? -ano kasi.. Yung ano.. Yung gate- tama! yung gate kagabi, nasirahan kami.. Oo yun nga!" Taranta kong paliwanag sa kanila sabay tadyak sa pwetan ni Cody para magising, Bwiset! Bakit sila pa kailangan makakita? Nalingon ko naman si Cody na nagmulat ng mata at medyo inaantok pa ata.. ilang sandali pa ay tamad na tamad itong umupo  habang parang bata na nagkukusot-kusot pa ng mata.

"Goodmorning Babe.." Bati nito sabay matamis na ngumiti sakin na hindi ata napansin ang mga taong tinatapunan kami ng mga mapaglarong tingin.

ako naman ang biglang nataranta lalo na sa itinawag niya sakin. kita ko naman ang mga lokong reaksyon sa mga mukha nila. Patay na talaga!

"Ha?" Muntanga ko namang sagot sa kanya dahil di ko alam kung anong pwede kong sabihin.

Ilang saglit pa nga ay sa wakas napansin na din ni Cody sina Alexa. Kabaliktaran ng Reaksyon ko kanina ay kalma lang itong ngumiti saka tumayo. Naglahad ito na kamay sakin, Wala naman sa sarili ko itong tinanggap at tumayo na din.

"Bakit nga pala kayo nandito?" bigla nitong baling kina Alexa na hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga mukha nito.

"Kung makatanong ka naman parang bawal kami pumunta dito!" pasungit na sagot ni Alexa.

"Wala akong sinasabing restricted kayo dito pero.... ALAM NIYO BA YUNG SALITANG 'TIMING'? labo niyo naman eh!"

Agad naglandas ang init sa mukha ko pagkarinig nun. Kita ko naman sa mga mukha nila Alexa ang mapanuksong mga ngiti.

Pesteng Cody na to! hindi na naman ako titigilan nila Alexa sa pang-aasar ngayon!




[ Cody ]


Kahit kailan ay wala talaga sa timing itong mga kaibigan ni Summer, Isa pa yang sina Lee, sarap pagbuho-buhulin!

Ang ganda na ng scene eh! tapos umekstera pa!

kainis talaga!

Matapos ang mahabang usapan at mga mapanuksong tinginan sa Gym kanina ay nagpasya na muna akong hindi pumasok ngayon since may naka-Schedule akong meeting sa konseho.. Hindi pa man dumarating ang araw na ito ay malakas na ang kutob kong tungkol ito sa INFERI na nasa teritoryo at masaya nang nakikihalubilo sa Mugen-Dai... Alam kong mahaba-haba ang magiging usapan ngayon dahil balita ko ayclosed-door meeting ang magaganap...

Hindi naman ako kinakabahan or natatakot. Wala akong karapatan maramdaman ang kahit konti nun dahil alam ko na tama ang ginagawa at desisyon ko.

Hindi ko alam at wala akong ideya kung anong oras na dahil sa haba at dami ng mga violent reactions na natanggap ko and I was really expecting it right from the start. I explained my side to them at hindi ko inaasahan na kalahati ng konseho ay ayon sa gusto kong mangyari. Pero, sabi nga nila hindi lahat ay aayon sa gusto mong mangyari dahil 41% ng konseho at tutol dito. Ang iba naman ay neutral lang. Sa huli, dahil sa Majority wins ay wala nadin silang nagawa since napagdesisyunan na ito ng mas nakakarami.

Kakatapos pa lang ng meeting ng mabulabog ang lahat dahil sa biglaang pagpasok nila Lee, Dash at Clint sa meeting room ng kapwa hingal at pawisan.

"What the Hell are you doing here? Hindi ba kayo marunong kumatok?" Inis kong baling sa kanila. Nandito pa kasi sa loob ang mga matatandang konseho at ayoko naman pag-isipan nila ang mga kaibigan ko ng mga walang manners.

Wala ata silang plano na sagutin ang tanong ko dahil nagsalit-salitan muna sila ng tingin at tila ba pinag-iisipan pa nila kung sasabihin ba nila or hindi.

"C'mmon Kids.. We dont have to entire day to-"

Hindi ko na naipapatuloy ang kung ano mang sasabihin ko ng bigla akong balutin ng takot, kaba at pagkabigla sa sunod na pagsasalita ni Clint.



"Summer is Missing...."





#Toldja! magiging active ulit ako! see? i kept my promise diba? so, jaraaaan! ito na po yung na-create ng busog kong tiyan at inaantok kong diwa. pagpasensyahan nyo na kung may mga maling grammar... Wala kasi dito yung taga-correct ko eh.. pero may mali man.. yaan nyo na! hehehehe....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top