Chapter41

                        CHAPTER41


[ Summer ]

"Manliligaw pala ni Boss yon?"
"Akalain mong may nanliligaw sa kanya?"
"Hindi ba sya natatakot at baka masampiga sya?"
"Hindi kaya tinakot lang yun ni Boss para ligawan sya?"

Kanina pa ako naririndi sa mga bulong-bulungan ng mga estudyanteng nasa likod ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng isang bakanteng building. Kanina pa ko nagtitimpi at ayaw ko namang may masampulan ng morning flying kick ko. Pasalamat sila at kaya ko pang magpigil, pero konti na lang at may mapepektusan na..

"Im sure, nasindak lang yun kay Boss kaya nanligaw.."
"Gago! ang sabihin mo, manliligaw pa lang, under de saya na!"
"Kawawa naman sya pag nagkataon, tsk!"
"Sabi mo pa!"

Mga Bwiseeeet!!!
Hindi na talaga nakapagpigil at pumihit nako para harapin ang mga chismosong linta.  Ke aga-aga buhay ng may buhay ang pinapakialaman!

Para naman silang nastatwa sa pagkakatayo dahil sa matalim kong pagkakatitig sa kanila.

"Geronimo.." tawag pansin ko sa matabil na lalaki.

"Po?" painosenteng sagot nito.

"Nakikita mo ba yang malaking ground na yan?" sabay turo ko sa kaliwa kung san naka-locate ang malaking quadrangle.

"Yes boss, kitang-kita!" tuwang-tuwa nitong sagot.

Napangisi naman ako. Kitang-kita pala aahh..

"Pulutin mo lahat ng nagkalat na basura ngayon din.." utos ko.

"Ha?" Hindi nito makapaniwalang muling tinignan ako.

"Binge?" pamemewang ko.

"Boss naman-"

"Wag mong hintayin na mas lalong uminit pa ang ulo ko sayo!"

Ilang sandali syang natahimik na para bang hinihintay niya na bawiin ko ang utos kong iyon.  Natahimik na din ang lahat. Takot atang masampulan.

"Oh, ano Geronimo? magtititigan na lang ba tayo dito?" Muli kong tanong sa kanya na nagkayuko na lang at tila naghahanap ng pwedeng mahingan ng tulong.

"Im sorry, Boss." mahina nitong usal di kalaunan.

"Its Good to ask for apology.. But, not all the time na 'sorry' lang ay OK na.. You have to remember na Hindi lahat ng bagay ay madadala ng Salitang yon.. Minsan useless ang sorry lalo na kung masyadong malalim ang sugat na natamo mo Physically and emotionally sa isang tao."

Tahimik lang silang nakikinig.

Wala na akong narinig na reklamo kay Geronimo at dahan-dahan na lang itong pumihit papunta sa quadrangle at nagsimulang mamulot ng mga basurang nagkalat.

"Boss, Masyadong malaki ang quardangle para linisan.." sabad naman nung tabatchoy na estudyante.

May gusto talagang mag-kawang gawa. Naalala kong isa din ito sa matabil Ang bibig.

"Alam ko,Kaya nga sumunod kana para matulungan sya.." lingon ko sa kanya.

"Po?" turo nito sa sarili.

"Natanong na yan ni Geronimo sakin. So kung wala ka nang ibang maisip, pwede kana sumunod sa kanya.."

"Pero Boss-"

"Nasabi na din niya yan!"
Wala na din nagawa yung matabang estudyante at payuko nalang syang naglakad nalang papuntang quadrangle.
Maganda yan para mabawasan naman ang tone-toneladang cholesterol sa katawan mo!

Maya-maya pa..

"Kawawa naman sila.."
Singit nung tatlo pa.

Aba't may humirit pa?! Parang mawawalan na ata nang trabaho Si manong janitor nito.

"Kawawa talaga sila, kaya ano pa hinihintay nyong tatlo? tulungan nyo na!" Baling ko naman sa tatlo.

"Po?" harap nila saking tatlo.

"Favorite nyo talaga yung tanong niyan anoh? -sumunod na kayo dun.." pangngunguso ko sa field.

"Pero Boss-"

"Isang reklamo pa may kalalagyan kayo.."

Ilang sandaling titigan ang nangyari sa pagitan nilang tatlo at ilang minuto pa  ay humakbang na din sila papunta sa  field.

Hindi pa man nakakalayo yung tatlo ay nakarining nako ng mga bulung-bulungan, at iyon ang ayaw ko sa lahat! yung nagbubulungan kasi wala akong maintindihan kasi MAHINA!

At dahil sa inis ko, KONPERM! Wala nang trabaho Si Manong Janitor.

"Kayong lahat!" pagtawag ko sa atensyon nila, lahat naman natahimik at napatingin sa direksyon ko.

"PO??" they asked in chorus.
naknangpitongtalangka! nagkakaubusan na talaga ng salita!

"...Sa Quadrangle!" sigaw ko sabay walk-out.

Talagang hinahamon nilang lahat ang pasensya ko! -pwes, congratulations kasi matitikman na nila.




"Akala ko, kinalimutan mo na ang tungkol sa mga rules mo?!"
salubong sakin nung kumag na nakasandal sa pader.

"Paano ko makalalimutan yon Mr. Sebastian kung ilang gabi akong hindi nakatulog para lang mapag-isipan kung paano mapapatino ang Mugen-Dai?!"

"You really are something Summy.." Sabi nyang medyo natawa. Baliw lang?

"Alam na ba ni Uncle Virlourd ang paglipat ng mga estudyante dito sa SFU?" Pag-iba niya sa usapan na sumabay din sakin sa paglalakad. Ilang minuto pa ay napahinto kami sa isang bench kung saan napagpasyahan naming maupo. Ilang metro lang ang layo sa field kaya naman abot tanaw ko pa din ang mga estudyanteng nakapag-pulot ng basura ng wala sa oras.

Umiling ako bilang sagot sa tanong nya.
"Kahit pa malaman ni Papa, sarili ko tong desisyon. Kung hindi ako gagawa ng hakbang na mapatino yang mga yan, matutulad sila sa nakaraan.. at yon ang ayaw kong mangyari.." seryoso kong sagot sa kanya.
Kung  nakaya ko nga na mabago ang MD, hindi malabong madisiplina ko din ang INFERI.

"Sa palagay mo ba, magagawa natin to?" baling sakin nung kumag. Seryoso ang mukha nya na nakatingin sakin.

Sa totoo nyan maging ako ay hindi ko din alam. Hindi ko alam kung magiging maganda nga ba ang magiging resulta nitong naisip niya. Honestly, nung una ay natakot ako dahil para naming pagsasamahin sa isang hawla ang tigre at leon na anytime ay pwedeng magsakmalan. Pero, gusto namin ng pagbabago sa Gang. Gusto namin ibalik ang Dating imahe ng Gang na nirerespeto hindi lang dahil sa kaya nilang manakit, kundi dahil sa dignidad at Prinsipyo na nakakabit sa pangalan lalo na sa mga Gang na pinamumunuan namin.

"There's no harm in trying Cody.. Hindi na sila mga bata para bantayan.. hindi na sila mga uhuging bata para turuan ng tama at mali. konting disiplina lang at tiyak kong makukuha natin ang gusto nating mangyari sa bawat grupo natin.." mahaba kong paliwanag.

Ilang sandali syang natahimik at muli din nagsalita.

"Kaya nga nagta-try parin ako kahit alam kong wala nang pag-asa.." Usal nito saka ako binigyang ng makahulugan na tingin. "...baka sakaling maka-tsamba at maitama ang mga pagkakamali." dagdag nito.

HANUDAW?
Wala naman sa sarili akong napalunok ng isang litrong laway sa mga sinabi niya. Ano pinagsasabi nya?

"Ano sa palagay mo Summer? may chance pa kaya?" muli nyang tanong sakin.

Aba, malay ko? bakit ako tinatanong mo? close tayo?

"E-ewan k-ko." Parang timang lang na sagot ko sa kanya.

"Bakit Summer? Wala na bang Pag-asa?"

Naknang Orange na starfish!
Sang planeta ba niya kinukuha yang mga tanong na yan? Pakitext nga ng masampiga ng bente!

"Huh???" taas kilay ko nalang na tanong. Hindi ko kasi mapin-pont kung anong gusto nyang sabihin. Ayaw ko naman mag-assume na ang tinutukoy niya ay yung tyngkol samin  -ay peste! bakit ko ba naiisip na tungkol to samin?

"What's with that face?" tanong niya na nakahalata ata sa pagkalito ko sa pinagsasabi nya maya-maya pa ay umiling-iling lang na natawa. Pektusan ko kaya tong gwapong to ng matauhan?!

"Alam mo nakakainis ka!" sigaw ko sa kanya sabay tayo, pero agad naman itong napigilan ng kamay niyang mabilis na nakahawak sa kamay ko.

"Ano na naman ba nagawa ko?" patawa-tawa nyang sabi.

"Ininis moko, animal ka!" pagpupumiglas ko.

"ito naman galit agad, kaya ka gumaganda lalo eee.. -upo kana ulit." sabi niyang nagpa-cute sabay hila sakin pabalik sa upuan, ako naman TANGA umupo ulet!

"Saral mong gilitan ng leeg alam mo ba yon?" pagmamaktol ko.

"Huh? wala akong ginagawa aahh.." usal niya na kunway walang alam.

"Meron LUL! sa susunod wag kang magsasalita ng mga double meaning!" muli kong sigaw.

Sya naman ang nagtaas ng kilay.
"Huh? anong double meaning?" maya-maya pa ay ngumisi sya ng nakakaloko.
"Isa lang ang meaning nun... Unless na lang kung yung bagay na yun ang gusto mong bigyan ng chance.." panunukso niyang tinusok-tusok yung tagiliran ko.

"Tigilan moko, bwiset ka!" sabi ko sabay hampas sa kamay niya. Binawi naman niya ang kamay niya sabay tawa ng malakas.

"Hahaha- tulad ka pa rin ng dati Witch, asar-talo ka pa din!" muli niyang pagtawa. Ako naman napatitig sa kanya.

"Oh? ano na naman yang tingin na yan?" Muli nyang tanong.

Napailing lang ako.
"Wala." sagot ko sabay tayo.

"Oh, san ka pupunta?" Agad nyang tanong nung aktong paalis nako.

"Sa lugar na malayo sa tukmol na katulad mo!" pagtataray ko.

"Ha? wag ka na muna umalis, ngayon nga lang tayo ulit nagkausap ng matino. Nilayasan mo ako 2years ago tapos lalayasan mo na naman ulit ako ngayon?" may himig ng pagtatampo sa boses nya pagkasabi nun.

Natigilan naman ako sa huli nyang sinabi, Pero mas nadako ang tingin ko sa nguso nyang pwede nang sabitan ng kaldero sa pag-pout niya. He's really cute doing those pouty thing.

"Im a Busy person Cody.. May iba pa akong appointment na pupuntahan, So  I'll leave you alone."
yun lang at pumihit nako patalikod at nagpalakad papalayo sa kanya.

Dont start Cody.. Please..
Iniwan kita nuon dahil alam ko na hindi mo kayang i-priority ang katulad ko. Hindi ko na gustong mas mapalapit pa sayo dahil pag nagkataon na mangyari yun ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at lumayo na naman ako para pag-aralan kung paano ulit kita iwasan. Mahirap ang 2years na paglayo.. Dahil napalayo ako sa mga taong mahalaga sakin. Mahirap ang ganun at diko alam kung kaya ko pa ba na maulit ulit iyon.
So, much better na umiwas nalang..


Wala naman talaga akong appointment, ginawa ko lang alibi yun para makalayo sa kanya. Kanina kasi nung hinawakan nya ang kamay ko, para gusto kong manlambot.  Kaya naman bago pa ako tuluyang maghina ay umalis na ako. Ayoko din yung pang-aasar niya, para kasi kaming bumabalik sa dati. Yung walang humpay na asaran at hampasan. Sa totoo nyan, namiss ko din naman yun, pero iba na talaga ngayon.

At dahil nga sa meron kuno akong appointment ay dumiretso na lang muna ako sa bahay Para naman masabi na wala talaga ako sa University. Pagkarating ko pa lang ay sinalubong na agad ako ni Lester. Gusto daw ako makausap ni Papa kaya naman agad na akong dumiretso sa Opisina niya.
Nadatnan ko naman si Papa na nakatingin sa kawalan, ni hindi nga nya napansin ang pagpasok ko.

"Pa?" pagtawag ko sa atensyon niya.

Para namang nagulat pa si Papa sa presensya ko sa opisina nya pagkakita sakin.

"Ikaw na pala yan.. Come here Iha, may importante akong sasabhin sayo.." Seryoso nyang iginiya ang upuan at dun naman ako naupo.
Sa inaasta ngayon ni Papa ay parang gusto kong kabahan. Hindi talaga ako sanay na ganito sya.

"Tungkol po saan?" tanong ko na nagsimulang pagpawisan ang mga palad ko.

Sandaling natigilan si Papa na para bang pinag-iisipan niya munang maigi kung sasabihin ba niya ito sa akin or hindi. Ilang minuto pa nga ay seryoso niya akong tinignan..

"...tungkol ito sa pagkamatay ng mga kumup-kop sayo."




[ Dianne ]



Ilang araw na ang nakalipas simula nung nilipat dito sa SFU ang mga taga KaiNan College. Wala namang impormasyon kung bakit at bigla nalang sila napalipat dito. Sa pagkakaalam ko kasi ay ikalawa yun sa mga mayayamang School. Kaya naman lubos ang pagtataka namin nila Alexa.
Ang hindi pa namin maintindihan ay parang bigla na lang nagkasundo ang dalawang aso't pusa dati. Sino pa nga ba? edi yung dalawang bangayan ng bangayan?!

Unang araw ng paglipat nila dito ay wala naman kaming naririnig na mga away. Sa totoo nga niyan, unang araw  pa lang nila ay napaglinis na sila ng field. Medyo natawa pa nga ako dahil akala ko na sa Mugen-Dai lang ang rules na yun, pati din pala sa INFERI..
Ikalawang araw naman ay medyo nagkainitan na, sa Canteen nangyari yun. Naupo kasi yung limang member ng INFERI sa pwesto ng MUGEN-DAI..  ayon! muntik na namang mag-away, buti na lang at dumating agad sina Lee para paghiwalayin sila.  Ikalawang pagkakataon naman ay yung sa library.. Nahuli kasing ng isang member ng INFERI ang isang member ng MD na natutulog sa sulok, kaya naman ginising ito ng taga INFERI, pero nagalit tong taga MD kaya naman muntik na naman magkaron ng away, at buti nalang din nandun si Grey that time para pumagitna.
Sa pagkakaalam ko ay matagal nang may alitan ang bawat grupo, kaya naman hindi ko lubos maisip kung ano ang pumasok sa kukote ng dalawang leader at naisipan nilang paglapitin ang kani-kanilang mga tao. Ilang dekada na ang nakalipas ng puro away ang naririnig namin sa bawat grupo. Nagpapatayan, awayan ng mga ari-arian.. Business.. sports at kung ano-ano pa! Hindi ko alam kung anong nasa isip nila, at sana kung ano man iyon, maisakatuparan nila ng walang natatapakan at nasasaktan.

Nasa Canteen lang kami lahat ngayon  nila lalabs ko except ni Grey at Cody na kapwa palaging may sariling mundo. Na-open kasi ang topic tungkol kay Berks. Pansin kasi namin na Ilang araw  itong wala sa sarili.. tuleley palagi na para bang ang bigat-bigat ng pinapasan. Nandito kami ngayon dahil nabahala na kami sa inaasta niya.

"Nagtanong ka na ba kay Summer kung anong problema niya?" malungkot na baling sakin ni Alexa.

Umiling lang ako. Natatakot akong tanungin siya at hindi ko alam kung bakit. May factor kasi na nagsasabing wala ako sa lugar para itanong ang bagay na yun.

"Hindi pa.. ikaw nalang kaya Lee?"   Tulak ko sa kanya.

"Ako? bakit ako? kayo ang babae dapat kayo ang magtanong! what if, dysmenorrhea problema ni Boss, palagay nyo makakatulong ako? -Araaay!"  Hindi ko na pinatapos yung loko sa pagsasalita at nakatikim na sakin ng batok.

"Masakit yun aah??" reklamo nyang hinihimas-himas ang parte na tinamaan ko.

"Alam ko! isa nalang lagot kana sa Gf mo!" pagngunguso ko kay Alexa na ilang araw na din problemado dahil kay Summer. Tulad namin, hindi din nya magawang makapagtanong.

"So, ano nang gagawin natin? hahayaan na lang ba natin syang ganun? di tayo tutulong?" Alexa.

"Hindi naman sa hindi tayo tutulong, ang sakin lang.. paano natin sya matutulungan kung hindi nga natin magawang makapagtanong sa kanya?" Singit naman ni Lee.

"So, sinong magtatanong?" Linga ko sa mga kaharap ko.  Lahat sila lumayo ng tingin.
Walang sumagot at walang gustong magtanong.
Natatakot ba sila kay Summer?

"Natatakot ba kayo magtanong?" tanong ko sa kanilang lahat.

"Hindi kami natatakot magtanong... Natatakot kami kay Boss." sundot naman ni Dash. Matapos nun ay sabay-sabay silang nagsitanguan.

Hahaizt!

"Si Summer lang ang tatanungin nyo..bakit ba natatakot kayo?" Muli kong tanong.

"Ok lang sana kung yung dating Summer pa.. kaso, She's not the same Summer na kasama natin.. Though, She's still our friend pero, nagkaron iyon ng gap dahil sa dalawang taon na pagkawala niya.. at sa dalawang taon na iyon, hindi natin alam lahat kung ano na ang mga nabago sa kanya." Mahabang litanya ni Dash.

Sabagay, may point din sila.

"Bakit ikaw, Dianne? hindi kaba natatakot?" baling sakin ni Alexa.

"Ako? matatakot kay Summer? huh! Si Summer? sus!  -OO..." Nakakahiya man ay dapat aminin.

"See? edi pare-parehas lang pala tayo!" Si Lee.

"So, anong plano?" Clint.

Ilang sandali kaming natahimik para makapag-isip ng basagin iyon ni Alexa.

"Magtatanong pa din tayo sa kanya!" bulas niya.

"Eh, wala ngang gustong magtanong diba?" kamot sa ulo ni Lee.

"That's the point, dahil walang gustong magtanong sa kanya.. ito ang gagamitin natin.." sabi nitong naglabas ng bote.

Napataas naman ang kilay naming lahat.

"Pupukpukin mo ng bote si Boss?             -Araaaay!!" reklamo ni Lee ng pukpukin sya ni Alexa sa ulo at bigyan ng pamatay na tingin.

"Sayo talaga to tatama pag dika tumahimik!" Alexa.

"Oo na!" Iritang sagot ni Lee na hawak-hawak na naman ang ulo niya.

"Itong bote ang gagamitin natin.." muling pagsisimula ni Alexa.

"Alam ko na!" nagliwanag bigla ang mukha ni Alexa ng marinig iyon kay Clint.

"...Patatagayin mo si Pillow, at pag nalasing na tsaka   -Ouch! masakit yun ah?!" muli na namang nahampas ni Alexa si Clint na nahawakan ang brasong natamaan.

"Ganito gagawin natin..."
Pag-uumpisa ni Alexa.




******

"Puntahan mo na kasi!" tulak namin kay Lee.  Nasa likod lang naman kami ng canteen at palihim na pinapanood si Summer. Tungkol naman dun sa bote, simple lang naman ang ginawa namin.. pinaikot lang namin yun at kung sino natapatan, sya yung magtatanong kay Summer. Malas kasi si Lee pa yung natapatan. Kaya heto kami ngayon, todo support sa kanya. Pinag-practice pa namin ng Dialogue niya para di magkamali. 

"San nyo ba kasi nakuha yang pesteng bote na yun at ako pa talaga  napili?" pagmamaktol niya.

"Gunggong! sisihin daw ba ang bote?" si Clint.

"Kung hindi saken natapat yan edi wala sana akong sisisihin?!" muli niyang reklamo.

"Alam mo Lee, kung nilapitan mo na si Boss kanina pa, edi tapos kana sana ngayon!" Si Dash.

"Tapos? ako naman ang tatapusin ni Boss, ganon? -kayo nalang kasi!" sabi nitong napa-upo sa floor at patuloy ba nagrereklamo.

"Ikaw ang natapatan ng bote kaya ikaw ang gumawa!" Si Lie naman na bahagyang sinisilip-silip pa si Summer na nooy busy sa libro na binabasa nito.

Matapos ang sangkaterbang reklamo ng natanggal namin kay Lee ay tumayo na din ito.

"Kayo na bahala sa pamilya ko kung may mangyaring hindi maganda- Araaay! nakakarami kana ah?!" muli na namang batok ni Dianne kay Lee.

"Damo mong drama! Lapitan mo na." utos nito.

Wala na ngang nagawa si Lee kundi unti-unting naglakad papunta sa pwesto ni Summer. May pakamot-kamot pa ito ng ulo habang nililingon pa kami sa pwesto na pinagtataguan namin. Kami naman ay senyas lang ang ginagawa sa kanya. Muntanga lang!

[ Lee ]

Kahit na kinakabahan sa kung ano man ang magiging reaksyon or sagot ni Boss, ay nagpatuloy pa din aq sa paglapit sa kanyan.. Kanina ko pa nga din nililingon yung mga pahamak kong mga kaibigan dahil baka maawa sila sakin at magbago ang isip nila at merong pumalit sakin dito para magtanong kay Boss.

Aaaarrgg!! kakaasar naman kasi yung boteng yun! may galit ata yung bote sakin dahil alam na alam niya na higit kina Dash at Clint ay mas takot ako kay Boss.

Unti-unti ang ginawa kong paglapit dahil takot talaga ako.
Peste!
duwag na kung duwag pero takot talaga ako!

Bago pa ako makarating sa kinaroroonan ni Boss ay sangkaterbang pawis na ang tinamo ko sa kili-kili, sa noo, sa likod at maging pati sa singit.

Nang sa wakas ay nasa mismong gilid na niya ako ay muli kong sinulyapan yung mga pasimuno nitong ideyang to. Hayun! senyas lang ng senyas na magtanong na daw ako.
Boyset! sila kaya nandito sa lugar ko, malalaman talaga nila ang hirap!

Tumikhim muna ko.
seeeeet! kinakabahan talaga ako!

"Eheeeeeemm..." hinabaan ko pa ang pag-ehem ko para mas makuha ko yung atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil paglingon niya sa gawi ko ay ang nagsalubong niyang kilay ang agad bumungad sakin. Patay kana Lee!

"Ano Boss.. yung ano.. yung- may itatanong lang sana ako." pag-uumpisa ko na napakamot sa ulo.

Kita ko namang napataas ang kilay niya..

Lagot kana talaga Lee.. Mas lalo pa atang namasa ang kili-kili ko dahil sa tingin na pimupukol niya sakin.

"Itatanong-"

"Im alright.. Im fine.. completely Ok. Need not to worry. Tell them that." Yun lang ang sinabi niya saka ibinalik ang atenyon sa librong binabasa niya.

Dapak? Alam niya?

Wala nakong nagawa matapos nun kundi bumalik sa pinagtataguan ng mga kurimaw na pasimuno.

"Oh, anong sabe?" halos sabay-sabay nilang tanong.

"Ok lang daw sya?"
"Malungkot pa din ba sya?"
"May maitutulong ba tayo?"
sabay-sabay nilang tanong.

"Im alright.. Im fine.. completely Ok. Need not to worry. Tell them that. -yung ang sabi niya." pag-uulit ko.

"So, natanong mo nga! -Congrats dude!" Dash.

"G*go! wala nga akong nasabi ee, magtatanong na sana ako kaso parang alam niya na nag-woworry tayo sa kanya. Kaya yun lang ang sinabi niya."
Matapos nun ay kanya-kanya  kaming natahimik. Alam kasi namin na wala talaga kaming magagawa kung ayaw sa amin ipaalam ni Boss ang problema.

Sa ngayon alam naming wala kaming magagawa para kay Boss.. pero Kahit ganun ay nag-aalala pa din kami. Napag-usapan na lang namin na magmononitor parin kami sa kanya. Mahirap kasi na bilang mga kaibigan niya ay wala kaming magawa para maibsan ang kung anu mang pinoproblema  nya.

[ Someone's POV ]

"Siguraduhin mo lang na hindi ka papalya.."

"Kelan ba ako Pumalya Pa?" Sagot nito sabay hithit ng sigarilyo.

"Masyado nang marami ang naisakripisyo natin.. At hindi ako papayag na mawawalan lahat ng yun ng saysay.."

"Marami din ang naisakripisyo ko Pa at alam mo yon.."

"Alam ko, kaya nga alam kong gagawin mo ang lahat para hindi mabaliwala lahat ng naipundar at pinaghirapan nating dalawa.."

"Konting panahon nalang Pa. Konting Konti na lang at sila naman ang titingala satin'..." sabay ngisi nito.

"Hindi na ako makapag-hintay anak na mangyari yon.. Hindi na ako makapaghintay na tapakan sila lahat! Nasasabik na akong makita silang nagmamakaawa at gumagapang sa mga harapan natin..."

"Konting hintay pa Pa.. Binibilang na ang mga araw nila.."

"Basta lagi mong bantayan ang mga kilos mo."

"Simula pa lang ay nakuha ko na ang loob nila..imposibleng makahalata pa sila, or kung malaman man nila, huli na siguro.."

"Mabuti naman kung ganun.."

"Mga bobo kasi sila lahat kaya hindi nila nahalata na napasok na pala sila ng magpapabagsak sa kanila!"

"Magaling anak! Magaling! Hahahaha- Maiba tayo anak, balita ko ay parang nagkakamabutihan na ang MUGEN-DAI at INFERI, anong plano mong gawin tungkol dun? baka dyan tayo mabuliyaso?!"

"Napaghandaan ko na yan Pa.. Wag kanang mag-alala.. ako ang tatrabaho sa lahat."

"Kung ganun ay sayo ko nalang iaasa ang lahat.. Basta huwag mong kaming  bibiguin.."

"Hindi kayo mabibigo Pa. Hindi ko iyon papayagan.."

"Salamat naman kung ganun.."

Matapos ang pag-uusap ang napagpasyahan na nyang umalis sa lugar na iyon..  Hindi sya madalas nagpupunta dito. Most of the time ay sa telepono lang sila nag-uusap.. Iniiwasan niya ang anu mang kumplikasyon lalo nat malapit na nyang makuha ang tagumpay sa mga pinaghirapan niya..
konting-konti nalang.. Konti na lang at makikita na niya ang pagluhod ng mga taong tinapak-tapakan sila sa mahabang panahon..






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top