Chapter38
[ Summer ]
Hindi ako nag-expect na Limang oras pala ang magiging byahe namin! nakanang! kung alam ko lang edi sana nagdala ako ng unan sa pwet dahil parang naluto na ata ang pwetan ko sa limang oras na byahe!
Limang oras ang naging byahe pero nabawi din naman sa view na nasaksihan namin.. Nasa isang resort kami at wag nyo na tanungin kung san to kasi wala akong ideya..
Wala din akong gana magtanong at wala na akong pake kung sang parte ng mundo to as long as mae-enjoy ako!
Sa view pa lang ng paligid ay alam kong magiging maganda nga ang 4 days na pagbabakasyon namin dito at good news yun kasi sa byahe pa lang ay grabeng stress na natamo ko dahil sa lalaking walang ginawa kundi bwisitin ako.
Since apat lang kaming babae ay kumuha kami ng dalawang kwarto, magkasama sa kwarto sina Lie, Alexa and Ate. Kami naman ang magkasama ni Dianne. Dalawang kwarto din ang kinuha namin para sa mga lalaki. Magkasama sa kwarto sina Lee, Dash at Grey. Samantalang nasa iisang kwarto naman sina Clint at Cody.
Gabi na at kailangan namin magpahinga since walang gustong maghapunan dahil naghahanda daw sila para sa swimming bukas.
Para namang lolobo sila agad-agad pag kumain sila ngayon?!
-mga timang lang!
Pero akong hindi sanay na walang hapunan ay nagpasya na lang magpunta sa lounge kung san naghihintay ang buffet ng hindi nagpapaalam.
Baket? kailangan ko pa bang magpaalam bago kumain?
Pagkarating ko pa lang dun ay agad nakong dumiretso sa mga nakihilerang mga pagkain at walang pakundangan akong dumampot na lang ng dumambot sa mga pagkain na nakatakam sa mata ko.
Kita ko naman ang mga waiter na nakatingin lang sakin, particularly sa plato ko. Puno na kasi yun pero kuha parin ako ng kuha..
PAKE ba nila? eh, gutom ako eh! -tsaka, ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng masiba?
Hindi ko na sila inintindi at kumuha na lang ng kumuha. As in every tray kasi kinukuhanan ko, eh masarap sila tignan lahat eh!
Nasa panghuling tray na sana ako ng may kamay na biglang pumigil sa pagkuha ko.
Ng lumingon ako ay ang bwisit sa paningin ang nakita ko.
nakanang tipaklong, Pati ba naman dito?
" Hindi magandang kumakain ka ng Kinilaw lalo na pag gabi.." sabi nyang hindi ako tinitignan na inumpisahang kuhanin sa plato ko yung kinilaw na kakukuha ko palang at unti-unti nyang binabalik yun kung san ko kinuha.
Matapos nyang maibalik lahat ay saka naman niya ako tinignan.
"...kasi baka hindi ka matunawan." pagpapatuloy nya.
Napataas naman ang kilay ko.
"Lalong hindi magandang kumakain ka ng sobra-sobra kasi gabi na.. you can take muffins and juice kung gusto mo."
Mas lalong tumaas yung kilay ko, Dietary doctor lang?
"Higit sa lahat, hindi magandang umaalis ka nalang sa kwarto ng hindi nagpapaalam.. gusto mo bang mabaliw na naman kami- I mean SILA kakahanap sayo tulad noon?"
Mas lalong pa tumaas ang kilay ko sa mga huling sinabi niya.
tumikhim muna ako bago nagsalita.
"kung kainin ko man lahat nung mga kinuha ko, wala ka na dun!" saka ko binawi yung sandok sa kamay niya.
"At kung may pakialam kapa sakin nun, alam mong Ayoko ng muffins at ayokong mag-juice.." sabi kong tinalikuran ko sya, magpapatuloy na sana ako ng may bigla akong maalala.
"Isa pa, Nawala man ako nun, pero may dinala naman ako pabalik."
Saka nagmartsa na ako papalabas ng hindi sya nililingon. Istorbo!
Padabog kong inilapag ang tray sa buhanginan pagkarating ko sa tabing dagat. Dito ko nalang to kakainin since hindi ko na gusto yung atmosphere dun sa loob.
Lakas naman ng loob nya na pakialaman ako at pati ang kakainin ko?
galit na galit ko naman akong sinimulang isalpak ang pagkain sa bibig ko.
"Hanong Hakala nya sha sharili nyah? magalhing sha laat ng bahghay, khahinish!" sabi kong patuloy na nagsasalpak ng pagkain sa bibig.
"Hwala ngah shang nahgahwa nohn, ngayon pah? Nihmahl lang!" kinuha ko yung isang piece ng pie at sinalpak yun sa bibig ko.
"Hakala moh kung shinong mahgahleng? Phuroh shakit lahng naman sha pusho hyung bihnighay shaken!"
Bigla naman akong natigilan sa huli kong sinabi.
Ilang sandali pa nga ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Paksh*t.. heto na naman ako!
Kaya ayokong nakikita ang lalaking iyon eh, pakiramdam ko ay bumabalik lahat ng masasakit na ala-ala na nangyari noon.
Para akong batang nagpunas ng luha na may pahikbi-hikbi pa. Buset lang!
kakain lang naman ako diba? bakit kailangan pang magpakita sya? hindi ko naman kailangan ng Appetizer!
Muli kong tinignan yung tray ng pagkain ko at yung kinilaw na lang yung natitira dun.
"Hindi magandang kumakain ka ng kinilaw lalo na pag gabi.."
Bigla kong naalala yung sinabi nya kanina.
May reminder pang nalalaman!
Kung kainin ko man to, wala syang pake! bakit? tyan ba niya ang masisira? akin naman diba?
Kinuha ko yung tinidor at sinimulang tumusok ng kinilaw. Ngunit bago ko pa man iyon isubo ay pinagmasdan ko muna yon..
"Hindi magandang kumakain ng kinilaw lalo na pag gabi.."
sh*t! naitapon ko ang tinidor ng wala sa oras!
kakain na lang ako, magpapakontrol pa ko?
Muli kong kinuha yung tinidor at muling tumusok ng maliit na parte. Sinubukan kong ilapit iyon sa bibig ko pero muli ko na namang naalala yung sinabi niya.
okay, hindi na ako makakakain ng matino!
Thanks to you Cody the swanget!
At dahil sa hindi na ako makakain ng maayos dahil sa lintik nyang paalala ay inis nalang akong tumayo at binitbit ang tray pabalik sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko pa syang nakaupo, pero ang pinagtakhan ko lang ay ang mabuhangin nyang paa.
Lumabas sya? hindi ko naman syang nakitang lumabas ah..
Napansin ko din na medyo hinihingal pa sya, napasadahan naman ng mata ko ang kinakain nya, Chicken Curry yung nasa pinggan nya. Dont tell me nakakapagod kumain ng Curry?
Dahel!
Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata nya sakin pero hindi na ako nagsayang ng oras para tignan pa sya. Pagod ako at hindi ako nakakain ng maayos dahil sa kanya kaya wag na syang umasa ng titingin pa ako sa kanya!
******
"Waaaaahhh! Summer!!"
Napabalikwas ako bigla ng bangon ng marinig ko si Dianne habang nakatanaw sa labas. Partikular na paggising actually, yung magulo pa yung buhok at medyo nangangamoy pa na panis na laway. Kaya kung nakakakita kayo ng Commercial na ang ganda at ang ayos-ayos ng buhok pagkagising ay mag-isip na kayo kung effective ba ang produkto nila!
"Are you calling me?" irita kong kamot sa ulo ko.
humarap naman sya ng may halong pagkabigla.
"Ayy, Did i wake you up?" inosente nyang tanong sakin.
Anak ng tipaklong! Sinong hindi magigising sa sigaw nya na akala mo nakalunok na megaphone?!
"Ay hindi! Kinalabit ako ng butiki kaya ako nagising.. Nakakaloka!" papilosopo kong baling sa kanya. Napanguso naman sya sa sagot ko.
Matutulog pa sana ako ng mapansin kong naka-two piece ang bruha na pinatungan lang ng see-through na damit na hanggang tuhod. Ano na yan? ke-aga aga naka-swimsuit attire? Hindi kaya sya sikmurain nyan sa suot nya?
Muli kong hinila yung kumot na nasa paanan ko at Babalik pa sana ako sa pagtulog ng muling magsalita si Dianne.
"Matutulog ka ulit? Duh, Berks! We brought you here to enjoy hindi para humilata lang dyan!" Lumapit sya sa kinaroroonan ko at umupo sa gilid ng higaan ko.
"C'mon, Up na! Maganda ang Summer ngayon kasi sikat na sikat ang araw, kaya lika na!" yaya nyang hinila-hila ang braso ko.
"Maganda talaga ako kahit wala pang araw so please quit saying na maganda ang Summer kasi may araw!" baling ko sa kanya.
"Oo na maganda na kung maganda basta bumangon kana dyan!"
"Ayoko! matutulog pa ko!" pagmamatigas ko.
"Matutulog ka ulit or bubuhusan kita ng isang baldeng tubig?" pananakot nya.
"You cant do that.." Paghahamon ko.
"Ofcourse I Can!" sabay biglang may kinuha sya sa gilid ng higaan at dun inilabas ang balde.
nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko nun!
Sh*t parang tototohanin nga nya ang pagbuhos sakin ah?!
Nang hindi na ako nagsalita ay Tumayo na sya sa pagkakaupo. lalabas na sana sya ng pinto ng muli akong balingan.
"Ahm, Berks.. dont forget to wear something sexy!" sabay pitik sa lace ng bra nya saka sya nagpatuloy sa paglabas.
Naiwan naman akong tigalgal.
Hanudaw? magsusuot ako ng ganun?
dapak! Magkaka-pneumonia ata ako pag nagsuot ako ng ganun ah?!
Matapos akong makapag-hilamos at mag-ayos ng sarili ay nagpasya na akong sumunod sa kanila. Panigurado nasa tabing dagat na yung mga yun!
Paglabas ko pa lang ng pinto ay halos lumuwa na ang mata ko sa mga nakita ko. Puro mga naka-swimming trunks na mga lalaki at mga naka-two piece naman ang suot ng mga babae na nagkalat! Grabe parang mga pakwan sa laki ang mga dibdib ng mga babae dito!
luwang-luwa!
Nagsimula akong magtungo sa tabing dagat at ilang beses akong napapa-nga-nga sa mga suot ng mga nakakasalubong ko at tulad ng pagkakatitig ko sa kanila ay grabeng tingin din ang pinupukol nila sakin, partikular sa suot ko.
Anong mali sa suot-suot ko?
pinasadahan ko muna ng tingin ang damit ko.. Ayos naman ah?!
problema ng mga yon?
Hindi ko na lang ininda ang mga tingin nila dahil mas kailangan kong hanapin sina Dianne.
Ilang lakaran pa nga ay nakita ko na sila di kalayuan. Lakad takbo ang ginawa ko at nung nakarating ako sa kinarorooan nila ay agad kong tinawag ang kanilang atensyon.
Pero imbes na tuwa ang mabakas sa mukha nila pagkakita sakin ay ang
nagpipigil na tawa ang agad bumakas sa mga mukha ng mga loko.
"Berks, what... are you... wearing?" turo ni Dianne sakin na halata namang dismayado.
Napataas naman ang kilay ko.
"Malamang damit!" muli kong pamimilosopo.
"I mean, we are in the beach.. and ano yan?" muli na namang turo sa damit ko.
Teka, ano bang masama sa suot ko? Naka-pajama lang naman ako at naka-oversized T-shirt, anong masama sa damit ko?
"Baka, plano nyang matulog dito sa buhanginan kaya yan ang sinuot nya?!" Pagpaparinig naman nung tukmol na si Cody. Narinig ko naman nag mahinang hagikgikan nila Alexa.
At talagang nagpatiuna pa sya sa pang-aasar?
"Besfie.. hindi ka naman matutulog dito diba?" si Alexa naman at muli silang nagtawanan except ni Grey na nakatingin lang sakin.
"Boss, ano yan? bagong attire sa beach?" si Lee naman na nagpipigil ng tawa.
Mautot ka sana!
"Pillow.. nasa beach tayo.. wala tayo sa bahay.. go change something that fits on summer.." Si Clint naman.
Muli kong tinignan ang mga suot nila, Si Dianne naka-two piece, ganun din sina lie, Alexa at Ate Camille. Yung mga lalaki naman, naka-trunks at yung iba naka summer shorts at ako naka pajama at t-shirt..
Anong mali saken?
bakit? may batas na ba na bawal mag Pajama sa Beach?
wala naman diba?
Patuloy pa din sila sa pagtawa at diko gusto yun! Ako lang naman ang pinagtatawanan nila at ayoko sa lahat yung pinagkakatuwaan ako.
Inis nalang akong tumalikod. Malayo nako pero rinig ko pa din yung mga tawa nila.
Kaasar!
Naasar ako sa kanilang lahat!
[ Alexa ]
Wahahahahaha!!
teka- sakit talaga ng tyan ko kakatawa.
Si Berks kasi eh! ipauso ba naman ang damit pantulog sa beach?
pero -pfffffft! nakakakatawa talaga!
at ayun ang bruha nag-walk out, panigurado inis na inis na yun!
Kasalanan to ni Cody eh! Kung hindi sana sya nag una-una mang-asar eh hindi naman kami tatawa ng husto!
-pero pfffffft! BWAHAHAHA!
nakakatawa talaga!
"Huy, baka maya nagalit na yun si Pillow sa tin'" nag-alalang sabi ni Clint.
Tahimik na kami ngayon at nakaupo na lang sa ilalim ng Puno, medyo tirik na kasi ang araw at medyo masakit na sa balat kaya naman nagpasya muna kaming sumilong.
"Duh! sinong hindi magagalit, pinagtawanan nyo yung tao!" Si Lee.
"Sino naman kasing hindi matatawa sa suot nya diba?" Si Dash naman.
"Kahit na, di parin tama na pinagtawanan natin sya.." Si lie naman.
"Kasalanan to ni Pinsan eh!" Si Dianne na nilingon si Cody.
"Alam ko, eh bakit sumunod din kayo?" Pagbabalik nito.
"Eh, sa nakakatawa talaga eh!" Si Clint.
"Hay, naku. wag na tayong magsisihan tutal pare-parehas naman tayong may kasalanan.. mabuti pa manghingi na lang tayo ng Sorry mamaya sa kanya.." Si Camille.
"Ayoko mag-Sorry.." mabilis na tanggi naman ni Cody. As expected!
"Basta magsosory tayong lahat, tapos!" Muling sabi ni Camille.
Ilang sandali pa ay na-busy na lang kami manood sa mga naglalaro ng beach volleyball di kalayuan.
Masyado kaming naaliw sa panonood kaya naman agad kaming nagtaka ng bigla silang tumigil sa paglalaro at maging ang mga nagdadaan sa harapan namin ay napatigil din sa paglalakad at lahat sila ay nakatingin lang sa bandang likuran namin.
Dahil sa pagtataka ay Napalingon kami sa likuran.
Halos tumulo ang laway namin at pare-parehas na lang kaming naka-nga nga sa nakita namin.
We saw a woman standing right infront of our eyes wearing a hot, tight two-piece white swimwear.. Parang model lang ito na nakatingin sa malayo habang malaya namang nasisinagan ng araw ang mala porselana nyang balat. Nakapag-padagdag din sa sexiness nya ang belly button piercing nya na ikinagulat hindi lang ako kundi naming lahat.
She's like a goddess wearing those hottie swimsuit na hapit na hapit sa katawan nya. Pansin ko din na maayos na ang buhok nya na kanina ay naka-ponytail lang.
Nga-nga talaga kami sa nakikita namin ngayon..
And oh, That woman is none other than Summer anyway..
Ilang sandali kaming tulala, naputol lang yun nang makita namin si Grey na nasa likuran na ni Summer habang sinusuotan sya ng see through na damit para hindi gaanong ma-expose ang sexing katawan ni Berks. Pansin ko naman ang pagtiim-bagang ni Cody..
Pero promise, nakakanganga talaga! matagal na kaming magkaibigan ni Summer pero ngayon ko lang talaga nalaman na maganda pala talaga ang hubog ng katawan nya.. madalas nya kasing itinatago iyon sa oversized nyang t-shirt, jeans at sneakers niya kaya nga hindi ko sukat akalaing may itinatagong alindog pala itong babaita!
"That's a total Dobolyu-Ow-Dobolyu!" tili naman ni Alexa.
"Ang ganda talaga ni Berks diba?" siko ko kay Cody na nasa gilid ko lang at tulad ng reaksyon ng karamihan dito ay tuleley pa din. "Huy, Cody!" muli kong siko sa kanya pero Wa epek!
"She's... really... HOT!" both Lee, Dash and Clint exclaimed.
"2 years natin syang hindi nakasama kaya hindi na tayo dapat magtaka kung bakit malaki na ang nabago sa kanya.." Si Camille naman ang nagsalita.
Wala akong nakikitang rason para hindi mag-agree sa sinabi ni Camille. Sobrang laki na nga ng pagbabago nya, kaya naman kaming mga kaibigan niya na matagal niyang nakasama ay halos hindi makapaniwala sa sunod-sunod na pagbabagong nakikita namin. And we all have to admit that she's not the same Summer we used to know..
Pero anuman ang nabago sa kanya, hindi maiaalis ang katotohanan na She's still our adorable and innocent Summer..
Ilang sandali pa nga ay lumapit na si Summer sa kinaroroonan namin, suot-suot ang ibinigay ni Grey, and here we are, still windang pa din sa postura nya ngayon.
"Sorry, this is my first time wearing this kind of outfit. Am i wearing it correctly?." Tanong nyang bahagyang hinila ang lace ng bra nya at sinadya itong ipitik sa balat nya.
-Teka, ginawa ko kanina yun diba? hmm..fast learner!
"You didn't just wear it.. You nailed it!" muling tili ni Alexa.
"Glad to know... right baby?" baling naman nito kay Grey na tila lutang pa din.
Tango lang ang isinagot ni Grey..
Dahil sa talagang excited na kami na maligo sa dagat ay parang mga bata naman kaming nag-unahan makarating sa tubig.
Sensya, walang ganito sa City eh!
Para kaming mga batang naghahabulan at nagbabasaan. Nag-Beach volleyball din kami at maya-maya pa ay gawaan ng sand castle then another round ng takbuhan.
Sa tingin ko ay ito ang pinaka the best na Summer so far...
[ Summer ]
Ayoko naman talagang maglabas ng kaluluwa at alam nyong hate na hate ko iyon!
Kahit na dalawang taon akong napatira sa ibang bansa ay hindi ko naman na-adapt ang pagiging liberated nila dun!
Kahit naman papano ay may natitira pa naman akong kahihiyan lalo na sa pag-eexpose ng katawan, Nagawa ko lang naman iyon dahil nainis talaga ako na pinagtatawanan ako, lalo na yung si Cody na syang nagpatiuna sa pang-aasar. Alam ko naman na plano nya talagang bwisitin ako kaya naman napag-planuhan ko din na bwisitin din sya sa paraang alam kong hinding hindi nya malilimutan. Nagbaon naman talaga akong ng Swimming attire pero hindi ako ang pumili, ang mga walang hiyang sina Czar at Lester ang nagpili nun!
Habang busy sila sa paliligo sa dagat ay napag-pasyahan ko nalang na maupo dito sa mini bar ng resort tutal mainit at alam kong hindi ko kakayanin ang sobrang init. Feel ko kasi ay matutusta ang balat ko kung pipilitin ko pa.
Nag-order ako ng Juice dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko sa init.
Ok na sana ako sa paupo-upo lang ng may biglang sumingit na babae sa gilid ko at natapakan lang naman ang bagong manicure kong mga toe nails! Ang nakakainis pa, hindi man lang nag-sorry ang lintek!
Kinilabit ko muna yung intrimitidang babae na nakatapak sakin na mataray naman nya akong nilingon, sarap pihitin ang leeg ng matuluyan!
"What??" pagtataray nya.
"I just wanna ask Miss, magkano bili mo sa sandals mo?" maarte kong tanong. Parang namang nagliwanag bigla yung aura niya. Feel nya siguro na inggit ako. Nimal lang!
"Ito ba?" itinaas yung kabilang side ng paa nya.
Ay hindi miss, yung mukha mo, magkano ang hulma? bwisit!
"Ahhmm.. 1,500 pesos, mahal noh?" malandi nyang sagot.
1.5K? mahal na yun sa kanya?
"Aaahh..." patay malisya akong tumango-tango.
"Bakit? bibili ka? nainggit ka?" sunod-sunod nyang tanong.
paplastik naman akong ngumiti.
"Oo, bibili ako... -Bibili ko para maihampas ko sa mukha mo para malaman mo gaano kasakit ang pagtapak mo sa paa ko, Bwisit!" saka ako nag-walk out.
Pero sadyang palaban din pala ang babaeng yon ng pigilan nya ako sa braso ko at bigyan ng isang sampal ang makinis at maganda kong mukha!
Ang Walanghiya!
Pero, Yan ang gusto ko, palaban!
Unti-unti ang ginawa kong pagharap sa kanya para ma-feel nya yung thrill sa galit ko. Kita ko namang medyo napaatras sya nung humarap ako. Effective ang death glare na pinukol ko sa kanya at dapat lang matakot na sya dahil ginising nya ang maldita mode na ilang araw kong pinigilan.
"Bago mo sana pinadapo yung palad mo sa mukha ko, sinigurado mo muna dapat na malinis yan! Tan tuloy, nagkaron ka ng problema!" pandidilat ko ng mata. Napukol naman bigla ang atensyon ko sa labi nyang doble ang kapal!
isa pa, Naasar ako sa lipstick niya, hindi bagay, pang patay!
"What are you saying?" nakangiwi nyang tanong.
"Hindi karin pala mukhang Pato, Binge at Tanga ka din!" sigaw ko sa
pagmumukha nya.
"Me, Pato? bulag kaba? Mas maganda naman ako ng di hamak kesa sayo!" sigaw nyang pinamewangan ako.
Ngumisi naman ako.
"20-20 ang vision ko kaya imposibleng magkamali ako sa pagka-clasify kung anong hayop ka!" Sagot ko.
"Maganda ka nga masama naman ugali mo!" sigaw nya sakin ng medyo namumula na ang mata. iiyak na siguro.
"Atleast may maganda sakin. Sayo, walang pagpipilian!"
"Ang sama mo!" sigaw nya ulit. Gaaad, nakakairita!
"Alam ko.. At sa Galit ko, Pwede na kitang kaladkarin papalabas!"
Nakita kong lumingon-lingon sya sa paligid, naghahanap ata ng kakampi or nagtatapang-tapangan lang, marami na kasi kaming audience dito.
"So what kung galit ka? What do you want me to do about it?" muli nyang pagtataray pagharap sakin.
Aba! tumatapang!
Tignan nga natin kung hanggang san sya dadalhin ng tapang na yan!
Humakbang ako papalapit sa kanya at simulang umikot sa likod nya habang sinusundan naman nya ako ng tingin.. pero sadyang hindi lang talaga sya ganun ka-observant dahil hindi nya napansin ang pagdampot ko sa Isang basong Juice na inorder ko.
"Wala akong gustong gawin mo.. All i want you to do is to watch..." paglapit ko sa tenga nya.
"What? to watch what?" naiirita nyang tanong.
Ako naman ang ngumisi..
"...To watch me do this." Sabi ko sabay dahan-dahang ibinuhos ang malamig na juice sa ulo nya. Napasinghap sya sa ginawa kong iyon at ganun din ang reaksyon ng mga taong nanonood samin.
Matapos maubos ang laman nung baso ay humarap naman ako sa kanya. Nasa mukha nya pa rin ang pagkabigla at anytime ay parang iiyak na.
"Wag kang mag-alala.. mas mahal pa sa Cheap Sandals mo ang Juice na ibinuhos ko sayo!" Saka ko nag-walk out.
Sayang, masarap sana yung juice.. tsk!
yun lang ang naisip ko bago ako nagdire-diresto lumabas.
"What was that?"
Medyo nagulat ako sa tanong na iyon pagkalabas ko ng Bar.
Hulaan nyo kung sino?
"Wala kang pakialam!" Sagot ko. Tatalikuran ko na sana sya pero pinigilan nya ako sa braso.
"Bitiwan mo ko!" I gave him my death glare Pero parang hindi man lang sya natinag.
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka tumitino!" sabi nya.
WOW lang! Sya na ang matino!
"Nahiya naman ako sa pagiging Perfect mo!" bwisit!
"Ano ba nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Lahat ba nang iyan ay dahil noon? -dahil sakin?" mahaba nyang tanong.
Sarkastiko naman akong napatawa.
"Do you think ganun ka kahalaga para mabago ako dahil sayo? Are you insane?" pagdiin ko.
"Alam kong yun ang dahilan Summer... Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo?"
"Hindi ko kailangan pahirapan pa ang sarili ko dahil tapos nako sa stage na yun! Ganito nako at nasa sa inyo kung tatanggapin nyo kung ano ako ngayon.. pero kung hindi, still i wont change myself to fit in..." sagot ko.
Kita ko naman ang pagtiim-bagang nya sa sinabi ko.
"Why Summer?" muli nyang tanong. Ang ikinagulat ko lang ay may nakita akong lungkot sa mata nya.
Saglit kong tinitigan ang mga mata nya.. Gusto kong makita kung meron bang mababago sa expression na pinapakita nun.. but unfortunately, nainis lang ako dahil wala akong nakitang bahid ng kadramahan or pagkukunwari.
"Hindi dapat ako ang tinatanong mo.. Dapat yung sarili mo.." Yun lang at kumawala ako sa pagkakahawak nya.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng biglang may tumawag na naman sakin.
"Hey B*tch!"
Yung babae kanina yung tumawag,
-walang kadala-dala?
Taas kilay na naman akong muling lumingon.
Pero hindi na ako nakapag-react ng makita ko ang kamay nyang nakataas na sa ere at akmang sasampalin ako. Dahil sa pagkagulat ay napapikit ako.
Pero, lumipas na ang ilang segundo ay wala pa din akong nararamdaman kaya naman nagpasya nakong dumilat.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdam pagkadilat ko.
I saw Cody.. Hawak-hawak nya ang braso nung babae na ilang inches na lang pala ay dadapo na ang palad nito sakin.
"Try to lay your hand on My Girl again... Hindi na ako kikilala ng babae!"
Agad kong nakita ang takot sa mata nung babae pagkarinig nun galing kay Cody at sya na mismo ang kumalas sa pagkakahawak ni Cody sa braso nya at halos nagtatakbo papalayo.
"Where are we again?" muli nitong baling sakin na para bang walang nangyari.
Nakatanga lang ako sa harap nya. Parang kanina lang na ang tigas-tigas ko sa harapan nya pero ngayon, parang bigla akong nanghina, hearing the Words: "My Girl"
Pakiramdam ko ay parang biglang nag-init ang magkabila kong pisngi.
Sh*t lang!
Anong nangyayari sakin?
"Summer?" He called snapping his finger. Parang nagising naman ako bigla sa reality. Letse!
"I- I gotta go..." Bigla kong pihit at hindi na sya nilingon.
Narinig ko pa syang ilang beses tinawag ang pangalan ko pero hindi na ako naglakas loon na lingunin pa sya.. Baka mahalata nya ang pamumula ng mukha ko..
itutuloy...
#hi po!
sorry po sa tagal ng paghihntay.. masyado pong busy.. atleast diba naka-UD? anyway, baka matagalan ulit sa pag-Ud kasi magiging busy ulit..
cholomot ng marami pala sa patuloy na pagbabasa. mwaaah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top