Chapter37

[ Summer ]





"Pasensya kana kung bigla-bigla ang pang-iinvite ko sayo haa.. i just really need a partner.." mahinahon kong baling sa kanya habang nagda-drive.


"its ok.. wala din naman akong gagawin eh..then, masaya din akong samahan ka." nakangiti nyang sabi.


Buti na lang pala at nandun lang sya sa Condo nya at walang ginagawa. Medyo nahiya pa ako nung pagbuksan nya ako ng pinto. Gulat naman ang nabakas sa mukha nya pagkakita sakin. Pero hindi ko na pinairal ang pagigng mahiyain since wala naman talaga ako nun.


"By the way, diba sabi mo na kanina pa dapat ang alis nyo? hindi kaya late na tayo?" Nag-aalala nyang tanong.


"they'll be fine.. dont bother yourself too much about it."


"Are you sure? baka kasi magalit sila sayo.." muli nyang tanong. Makulit din ang lahi nya.


"that wont happen.. believe me." Aba! sila na nga nagpumilit tapos na late lang ng halos dalawang oras magagalit na sila? Sila na lang mag-outing kung ganon din lang!


"Okay.." para naman syang bata na napahulukipkip nalang sa sasakyan. Saglit ko syang sinulyapan. Minsan nakakatuwa din sya lalo na kapag ganito. Gwapo naman talaga siya at sobrang amo ng mukha. Kaya naman hindi nakapagtataka na bukod kay Cody ay isa din sya sa mga habulin ng babae noon sa University at maging magpasa-hanggang ngayon.


Ilang minuto lang naman ang naging byahe naming dalawa at nakarating nadin kami sa meeting place namin kung saan naghihintay ang Bus na sasakyan namin. Hindi naman kami masyadong marami pero mas ginusto nilang Bus na lang ang kunin since ayaw din naming magsiksikan. Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang mukha ng lahat ng may halong pagkainip at pagkainis.


The hell i care! Ngayon ko lang sila pinaghintay ng ganito katagal kaya wala silang karapatang mag-inarte!

Pero sa lahat ng naghihintay sakin ay ang mukha ni Cody ang kinasabikan kong makita.. wag kayong kiligin! gusto kong masaksihan ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya kung makikita nya kung sino ang kasama ko.








[ Dianne ]



Woooh! grabe tong si Berks ah!

hindi pa man kami nakakapag-beach ay grabeng sunog na natamo ko sa balat kakabilad dito sa araw kakahintay sa kanya!

nakakaloka! pero ayos lang naman samin ni Alexa, kasi much better nang ilang oras paghihintay kesa sa dalawang taon!

then kahit ma-late sya ng lima pang oras ay okey lang sakin kasi itong bonding namin ay para lang din naman sa kanya at sa pagbabalik nya..


Parehas na kaming inip na inip at hindi namin alintana ang init dahil alam naming lahat na ang kapalit naman nun ay muli namin syang makakasama.

kung hindi nyo naitatanong ay kanina ko pa din to pinagmamasdan si Pinsan.. kanina pa kasi hindi mapakali. Parang pusang hindi mapa-ire dahil kanina pa ikot ng ikot. If i know, excited din yon na makasama namin ulit si Summer. Lahat naman kami ganun ang nararamdaman. Buti nga at pumayag itong si Pinsan sa ganitong outing, alam ko kasi, masyadong KJ na sya sa mga katulad ng mga pagtitipong ganito simula nung last na bakasyon namin dun sa Cebu, yung alam nyo na kung ano yung nangyari..


Halos dalawang oras kaming naghintay sa kanya at sa wakas sa tagal ng paghihintay namin ay natanaw na namin ang sinasakyan nya di kalayuan. Agad kong nakilala ang sasakyan nya dahil minsan ko na yong nakita sa parking lot na ginamit nya. Tinted na Black Cube ang sasakyan nya kaya naman madali ko itong narecognize. Kita ko namang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Cody knowing na si Summer ang dumating.

hmm.. alam na this!


After maipark ni Berks ang sasakyan nya ay mala-pelikula itong umibis ng sasakyan with matching hangin effect pa! Gumanda na talaga sya at sobrang laki ng ipinagbago nya! Naka maong na shorts sya at naka-hanging blouse din kaya sobrang sexy nya!

teka nga- kailan pa sya natutong maglabas ng pusod??


Agad naman akong napatingin kay Cody at sa lahat ng boys namin dito na hindi mapigilang mapahanga sa nakita namin.

langya ka Berks! nakakatibo ka!


"Hi guys.. sorry kung natagalan ako.." paumanhin nyang nag-ayos ng buhok.



*kwirk*kwirk*kwirk*


Ng hindi kami umimik..


"Guys.. helloooo!" saka na lang kami nabalik sa ulirat ng iwasiwas nya ang kamay nya sa bawat mukha namin.


"Uy, berks! ikaw na pala yan.. akala ko naman Dyosa!" pagpuputol ko. mabuti din naman at nabalik na din sa reality itong mga kasama kong parang mga timang.

ngumiti lang sya.


"Sis, bakit ka naman natagalan?" Si Camille.


"Nagkaron kasi ng problema sa isasama ko.." sagot naman nyang nag-flip ng

hair.


"So, wala kang kasama?" Salo naman ni Alexa na parang big deal na walang kasama si Berks. Nagkatinginan naman yung mga nasa likod namin.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko namang natigilan si Cody sa kakakalikot ng iPod nya.


"Meron.. pero hindi yung dapat na isasama ko dito. Nagkaron kasi ng konting aberya.. kaya iba nalang isinama ko.. i hope guys OK lang sa inyo.."


"Naku, Sis. kahit sino pa yan.. Ok na Ok lang.. ang importante nandito ka.. Diba guys?" lingon naman samin ni Camille.

Sumang-ayon naman kaming lahat..


"So, sino ba ang isinama mo Boss?" excited na tanong ni Lee.

Hindi na sumagot si Berks at tila may isinenyas sya mula sa sasakyan at ilang sandali pa nga ay dahan-dahang nagbukas ang pinto at...







"GREY??.."

sabay-sabay naming sambit.



"Sya na yung isinama ko since sya lang ata ang hindi naimbitahan sa outing natin.. unfair naman diba kung hindi natin sya isasama?" taas kilay na baling nya samin. Sabagay, tama din naman si Summer. Si Grey lang pala ang hindi nabigyan ng invitation para ngayon. Pero hindi ko din naman masisisi sina Lee dahil sa grupo nila, Si Grey lang kasi ang may sariling mundo dahil minsan hindi ito sumasama sa grupo nila. Hindi din namin sya masisisi since meron silang sigalot ni Cody.


Hindi ko alam kung Awkward nga ba na matatawag ang mga sumunod na nangyari dahil bigla na lang hinila ni Cody si Camille sa kamay at nagdire-diretso ito pasakay ng Bus ng hindi man lang kami nililingon. Wala namang nagawa su Camille kundi sumunod na lang..



"Awk...ward..." sabad naman ni Dash na nasiko ni Lie ng wala sa oras.


"OK lang ba talaga na sumama ako?" nag-aalalang tanong ni Grey.

Sa totoo nyan. Hindi talaga OK kung sa side na Cody dahil aware kaming lahat kung ano ang problema sa pagitan nila nilang dalawa. But Grey is still our friend at hindi pwedeng i-consider lang namin ang nararamdaman ni Cody.


"He's just acting childish.. just ignore him. All you gotta do is to enjoy our trip.." masaya kong sagot sa kanya since ayokong madagdagan ang tensyon ngayon.


"So, May we start the Summer??" bulas naman ni Alexa.

Ilang sandali pa nga ay nagkanya-kanya nang holding hands ang magkaka-partner at syempre! kami din ng bebelabs ko na si Clint at sabay-sabay na kaming sumakay sa Bus.








[ Summer ]



Huh! sabi na nga ba at mawawala sa mood si Cody once na makita nya si Grey.. Pero hindi ko naman dinala si Grey dito para lang kay Cody.. dinala ko sya since naisip ko na hindi naman masamang bigyan ang sarili ko nang konting space para makilala ang tulad niya.. matagal na kaming magkaibigan ni Grey pero bukod sa pangalan niya at member sya ng Mugen-Dai ay wala nakong ibang alam na detalye tungkol sa kanya.. kaya naman wala akong nakikitang mali kung kikilalanin ko pa sya nga maigi.

Medyo nakaramdam lang ako ng konting inis nung hinila ng lalaking yun si Ate ng ganun lang.. bastusan daw??


YUN LANG BA ANG RASON OR DAHIL SA HOLDING HANDS PA SILA?

shatap konsensya! hindi yun!


Buti na lang at nandito si Grey, bahagya niyang hinawakan yung kamay ko sign to calm me down.. ramdam nya ang bwisit feeling ko towards that man, kumalma naman ako knowing that Grey is here for me pero bakit ganon? Nainis ko si Cody.. diba dapat maramdam ko yung fulfillment? pero bakit parang ako pa ata ang nabwisit?

aaarrrggg!!


Sabay-sabay kaming pumasok sa mini Bus na inarkila nila para sa Summer trip namin.. Sana lang maging Okay ang kalalabasan ng Trip na to kung hindi, isusumpa ko ang buong Summer!

Bad trip ako sa lalaking iyon kaya dapat mag-enjoy ako!



At kung mamalasin ka nga naman, naka-asign pa talaga kaming maupo ni Grey sa upuan bago ang pwesto kung saan naka-upo sina Ate Camille.

Masyado ata akong inaasar ng tadhana ngayon dahil nasa likod pa namin sila! Tinignan ko naman ang kabilang side at abot-abot ang inis ko knowing na okupado na yun, Yung kabilang side kasi ay dun nakalagay lahat ng mga bagahe namin...

MALAS!!

makikipag-palit sana ako kina Alexa na nakaupo sa ika-apat na upuan mula samin kaso ayaw nung bruha! ayaw niya daw sa unahan.

Lintek talaga!


"Okey lang yan.." Muling pinisil ni Grey ang kamay ko sabay ngiti nito. Oo nga pala, nakalimutan kong hawak-hawak nya pa din ang kamay ko.

Sweet kami diba? at alam na this!

Malademonyo naman akong ngumisi sa likod ng isip ko..

siya lang ba ang marunong mambwisit?


"Honey.. Ok lang ba sayo na dito tayo umupo?" baling ko kay Grey na sinadya kong ipatong ang magkaholding hands naming mga kamay sa mismong sandalan ng upuan para makita nilang lahat.

Kita ko namang natigilan ang lahat sa inasta ko at nakapukol na lang ang mata nila sa kamay namin ni Grey..


Mula naman sa gilid ng mata ko ay nasaksihan ko ang pagpukol na masamang titig niya sa magka-daop naming mga kamay ni Grey.


Good Job Summer!

1 points for Summer.. 0 point for Cody the loser!

(evil laugh)



"Ok lang... As long as Komportable ka." mahinahon namang sagot ni Grey na hindi ata nahalata na grabeng titig na ang pinupukol ng mga tao sa min..

As if I care!






"Ehemmmmm!"


Naputol ang sweet moment namin ni Grey nung marinig namin iyon mula kay Cody sabay hawak-hawak ang lalamunan nya, maya-maya pa nga ay nagsimula na syang umubo-ubo.


Tinignan ko lang sya.

Tumingin lang ako..

Lampake!

Duh! Anong gusto nyong gawin ko? pukpukin ko yung batok nya at hampasin ko leeg nya para mawala kati ng istorbo nyang lalamunan?

Wala akong pake!

Wala talaga!


Pero kabaliktaran naman ng pagka-kever ko ang naging action ni ate Camille.. Dali-dali itong kumuha ng tubig at pinainom iyon kay Cody habang hinihimas-himas naman nito ang likod nung lalaking iyon. Nasa mukha ni ate ang sobrang pag-aalala.


Si Ate naman, kumati lang lalamunan nung isa, naging OA na!

Kung ako yan, hinampas ko na sa kanya yung botelya para matuluyan yung lalamunan nya!

kainis!


"Okay ka na ba?" buong pag-aalalang tanong ni Ate dun sa lalaking istorbo.


"Ok-ehemmm! Okay na.. Okay nako, salamat!" kunway ubo-ubo pa nito.


sarap paliguan ng kumukulong tubig!

nakakabwisit! ang arte-arte! inubo lang umarte na nang ganun?



"1-1!" sigaw naman ni Lee sa likod. kita ko naman ang mga titig nilang naghahamon sakin.


so, the game is on?

huh!

muli kong sinulypan si Cody.

Sayo pa ngayon.. namnamin mo na!



Naging tahimik ang naging byahe namin sa simula.. Pero parang sadyang hindi matatahimik ang mundo nang lalaking nasa likuran ko kung hindi ako mabubwisit. Nagpatugtog lang naman sya ng love song nang pagkalakas-lakas na sa pagkaka-alam ko ay iyon ang theme song nila ni Ate Camille.




Song: "For You I Will"



When you're feeling lost in the night,

When you feel your world just ain't right

Call on me, I will be waiting

Count on me, I will be there


Anytime the times get too tough,

Anytime your best ain't enough


I'll be the one to make it better,

I'll be there to protect you,

See you through,


I'll be there and there is nothing

I won't do.


I will cross the ocean for you

I will go and bring you the moon

I will be your hero your strength

Anything you need


I will be the sun in your sky

I will light your way for all time

Promise you,

For you I will.



Yan ba ang theme song nila? sino pumili? sobrang nakakasuka!!

hindi ko ma-enjoy yung trip knowing na sobrang nakakarimarim ang tugtog nila! kinuha ko yung foundation ko at kunway nag-apply ng foundation sa mukha, pero in fact ay pinagmamasdan ko sila sa reflection ng mirror ko.


T*ngna! mapapamura ka sa ka-sweetan nila! Nakaunan lang naman si Ate Camille sa balikat ni Cody at yung ulo naman nung kurimaw ay nakapatong naman sa ulo ni Ate Camille habang hinahaplos haplos ni bakulaw ang ulo ni Ate Camille na mahimbing na natutulog.


Sarap nila paulanan ng tabo, kutsara, tinidor, kawale, balde, drum, mircrowave, reff, tv at kung ano-ano pa!

langyang bakulaw na yun! chinachansingan ate ko!


konsensya: WEEE?? YUN TALAGA REASON??

magtigil ka konsensya! sigaw ng utak ko..


langya! ke-aga aga kung lumandi ang lalaking iyon, lantaran!

bwisit!!!


kailangan kong makahanap ng paraan para maistorbo sila..

lingon sa kanan..

wala akong makitang ideya! Bwiset!

lingon sa kaliwa..

wala pa din! bwiseeeeeet talaga!

anong gagawin ko? kung magpapatuloy to, maii-skoran na nya ate ko at hindi pwede yun!


Wala sa sarili naman akong napasulyap kay Grey na busy kakatingin sa mga nadadaanan namin.. hindi ba sumasakit leeg nya? pansin ko kasi na kanina pa sya nakatanaw dun.


pero- p*tcha! wala naman akong makukuhang ideya sa pagtingin sa mukha niyang maamo at sobrang gwapo na nakakagigil nyang mga labi at-



Ting!


watta brayt aydeya ang biglang pumasok sa utak kong ubod ng taba sa kalokohan!


Wala akong mahagilap na paraan kaya naman Wala na talaga akong choice kundi gawin ang naisip ko and alam kong madi-distract sya sa paraang ito.



"Grey..." tawag pansin ko sa gwapong busy na kanina pa nakatanaw sa labas.

nakangiti naman syang lumingon sakin.

tragis! diko talaga pagsisisihan ang naisip kong ideya kung sa ganito ka-gwapo ko gagawin iyon!

hindi ko na hinintay na mag-react pa sya at agad kong hinapit ang leeg nya palapit sakin dahilan para magkadikit ang mga noo namin. Sinadya kong gumawa ng pagkaluskos para makuha ko ang atensyon nung nasa likod. At nung maramdaman kong nakatingin na yung bakulaw samin ay inunti-unti ko ang paglapit ng mukha ko kay Grey na alam kong gulat na gulat sa biglaan kong kilos.



"What are you doing?" Mahinang bulong ni Grey, tama lang para ako lang ang makarinig.


"sshh.. dont talk.. follow my lead.." bulong ko.

mula naman sa gilid ng mata ko ay kita ko si Cody na parang wala lang sa kanya..


Sh*t

this is bad! he suppose to react right from the start.

pero bakit parang wala syang imik?

mas inilapit ko pa ang mukha ko.. pero mula sa peripheral vision ko ay kita kong hindi man lang sya natinag sa ginagawa ko.

Paksh*t ka Cody!

mag-react kana or mahahalikan ko na talaga ang no. 1 rival mo!

-teka, ano bang pinagsasabi ko? Buset!


Medyo binitin ko muna ang paglapit kay Grey dahil umaasa akong may gagawin si Cosy para hindi matuloy iyon.. Pero lumipas na lang ang ilang sandali ay wala pa din syang ginagawa.


c'mmon, do something!


pero pumuti na lang ang uwak at umitim na lang ang tagak, wala parin syang ginagawa..


aaarrrggg!! Mahahalikan ko na talaga tong si Grey!


P*tcha naman Cody, ma-distract kana!


After a few moments ay wala pa din syang reaction..


aaaarrgg!! bahala na si ewan! tutal hindi naman to ang unang pagkakataon na nanamantala ako kay Grey..

napapikit na lang ako habang unti-unting lumapalapit kay Grey. "Im sorry...." i mouthed.



"it's alright.." mahinang sagot ni Grey na nakatitig na lang sa mga mata ko.


Okey? Okey lang sa kanyang halayin ko sya ngayon? Payag sya?

langya talaga! ipipikit ko nalang to!


Pero ang sumunod na nangyari ang hindi ko inasahan..

naramdaman ko na lang ang paghapit ni Grey sa batok ko dahilan para tuluyang magkidikit ang mga labi namin.


I heard everyone gasp.. pero hindi ko na inintindi iyon.


Tulad nung una ay nabigla ako..

unintensionally, pero muli akong nadala sa halik nya... He's really a gentleman kahit sa sitwasyong ganito. I can say na Swerte talaga ang babaeng mamahalin ni Grey.. Gwapo na, mabait pa! san ka pa?



ilang sandali pa....





"STOP!!!!"


Nakarinig kami ng sigaw mula sa likod.. -i mean sa likod ko pala. Agad namang na-preno ang driver dahilan para muntik na kaming matuwad ni Grey sa unahan, buti na lang at mabilis akong nasalo nung isa. Si Ate naman ay nagising matapos mauntog ang noo nya sa may likuran ng inuupuan ni Grey.. Ganun din ang sitwasyon sa likod.


Langya! sinadya ba nyang iuntog si Ate para mas mapabilis ang paggaling nito?


"What the hell was that for, Cody?" galit na sigaw ni Dianne sa likod na nagulo ang buhok.


Putres! kung gusto nyang magpakamatay dapat sinabi nya, hindi yung nandadamay pa sya!

lintek! isa nalang bibigwasan ko na to!

matapos kong masigurado na wala akong bukol ay asar kong sinulyapan si Cody na nooy nakapukol sakin ang galit na galit nyang mga mata.. nakatayo lang ito at tila walang pakialam kung ano ang inaarte nya.


"Ser? is der samteng rong?" tanong ni manong driver na nilingon kami.

hindi sya sumagot at hindi pa rin nya inaalis ang masama nyang pagkakatitig sakin.

Feel nya mapapatay nya ko sa titig nyang iyan? Well, try harder dude!


"Cody.. is everything okay?" tanong naman ni ate na hindi alintana ang magulong buhok.


Ate, ayusin mo muna kaya sarili mo, muka kang timang!


"Okay lang..." malamig nyang sagot na nakatingin pa din sakin.

Pakiko?


Ilang sandali pa ay nagbawi na sya ng tingin at ibinaling ito sa unahan..

salamat naman, kala ko gusto niya din ng staring battle..


"Can you wait manong?" baling nya sa driver.


"syur ser! no prablem!" maagap naman na sagot ng ingleserong driver.

"Where are you going?" tanong ni ate na bahagyang hinila ang laylayan ng shirt nung kurimaw.


wala naman kaming imik lahat.


" Just a minute.. Promise, il be back.." matapos nun ay sya na mismo ang nagtanggal ng kamay ni ate Camille sa laylayan ng damit nito. Takot lang ma-lose thread?


wala naman nagawa si Ate Camz kundi sundan lang sya ng tingin hanggang sa makalabas na nga si Bakulaw ng Bus.

Andrama nun?


Matapos makababa ni Cody ng bus ay pinaulanan naman nila ako ng sangkaterbang mga titig na para bang ako ang responsable kung bakit nagkaganon si Cody..

anyare?

nag-inarte lang si Cody ng ganun, kasalanan ko agad??



"What??" patay malisya kong tanong sa kanila.


"2-1! " wala sa sariling anounce naman ni Lie na nagbuklat ng Magazine.


Napatayo naman si Alexa sa kinauupuan nya at tumingin sa gawi namin ni Grey.

"You two!" pagtawag nya sa atensyon namin. "Meron ba kayong something na hindi namin alam?" taas kilay nyang tanong.


Kita ko naman sa mga mukha ng lahat na para bang yun din ang gusto nilang itanong sakin.

they really wanna know huh?

Sinulyapan ko muna si Grey na para bang natatakot sa kung ano man ang isasagot ko.


"Meron.." mabilis kong sagot.

Biglang may ibinulong pa sakin si Grey pero hindi ko na inintindi iyon.

bakas naman sa mga mukha nila ang pagka-shock nang marinig nila sakin iyon. I swear, their facial expressions are priceless!


"You mean...kayong dalawa.." nagpalipat-lipat naman ang hintuturo ni Dianne sa aming dalawa ni Grey.


I answered them with a nod. "Yep... We are 'OFFICIALLY' Dating!" masaya kong usal na sikretong siniko si Grey na kanina pa nangangalabit sa tagiliran ko. Putres! may kiliti pa naman ako dun!

then.. nakarinig na lang kami ng pagbagsak ng kung ano.. agad naming nilingon ang pinanggalingan ng ingay na yun at napagtanto naming ang kurimaw lang pala, nabagsak yung iPhone nya. Butas siguro ang palad kaya nahulog?!


"For real??" nasa mukha naman ni Dianne ang pagkasurpresa na hindi man lang nag-mind na baka marinig ng Pinsan nya ang isasagot ko.

pa-excited naman akong tumango-tango..


"Well, Dapat talaga tayong magsaya knowing na nagkakamabutihan na kayo-"






"Ehemm! Eheemm.."

bigla naman akong napalingon sa biglang umubo. Yung tipaklong na naman! makati na naman siguro yung lalamunan.. baklasin ko na kaya yung lalamunan nya para hindi na kumati??


"Kaya nga sinama ko din sya dito.." then pa-sweet ko namang nilingon si Grey na hindi ko alam kung napipilitan lang bang ngumiti. "...cause' i want to know him more.." sabay pa-cute ulit na ngiti.


"aaayyy... ang sweet naman!" kinikilig naman na usal ni Lie.

"nakakakilig naman kayo!" Usal naman ni Dianne.


Kahit alam kong hindi totoo pero parang nahahawa ako sa kilig nila.

"Oo nga at-"



"Can we go now manong? It's f*cking hot in here!"


hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit yung bakulaw..


Nimal! kainis na ang isang to!


Ilang sandali pa nga ay byahe na ulit kami.. Medyo boring kaya naman Request agad ako kay manong driver na magpatugtog.

sa intro pa lang ay naka-irap na agad ang mata ko.





Playing: After all



Well, here we are again

(..Sa isang trip!)

I guess it must be fate

(Parang!)

We've tried it on our own

But deep inside we've known

(Na hate na hate na natin ang isat-isa!)

We'd be back to set things straight

( Pero Wala nang kailangan balikan!)

I still remember when

Your kiss was so brand new

(Biglang naalala ang kiss ni Cody..P*tres!)

Every memory repeats

(Tulad ngayon..Nimal!)

Every step I take retreats

(Putres! nang-aasar talaga ang lyrics!)

Every journey always brings me back to you

(...OO, tinatamaan ako ng kanta kasi nasa likod ko lang sya!)

After all the stops and starts

We keep coming back to these two hearts

(Bitter ako!)

Two angels who've been rescued from the fall

(Sya lang ang angel kasi Devil nako!)

And after all that we've been through

It all comes down to me and you

I guess it's meant to be

Forever you and me

(Walang Pureber!)

After all...






"Manong pakipalitan naman yung kanta, nakakaantok!" hindi na ako nakatiis at isinagaw yun, nakakapika yung kanta eh!

Nilipat naman agad ni manong yung kanta.



Playing: Paalam na



Nais ko lang malaman mo

(..na inis na inis ako sayo!)

Laman ng aking puso

Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon

(Wala ng chance! Dina uso yun!)

Na sabihin ito sa 'yo

(..Pakyu! dahil sinaktan moko non!)

'Di ko ito ginusto

Na tayo'y magkalayo

Nguni't di magkasundo

Damdamin laging 'di magtagpo ohh..

Paalam na aking mahal

(Nga-nga!)

Kay hirap sabihin

(Nga-nga ulet!)

Paalam na aking mahal

(Paulit-ulit?)

Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa

Puso't isipa'y magkaiba

Maaring 'di lang laan sa isa't isa

(Agree!)



Ano bang nangyayari sa mga kanta ngayon? Parang lahat Connected ah!


"Manong pakilipat ulet!" muli kong utos.

Rinig ko namang nagreklamo yung mga nasa likod. Isa na dun si Alexa, favorite nya yung kanta eh! Bahala sya! Bitter ako! langpake!




Playing: "Where Do Broken Hearts Go"



I know it's been some time

But there's something on my mind

You see, I haven't been the same

Since that cold November day...

We said we needed space

But all we found was an empty place

And the only thing I learned

Is that I need you desperately...

So here I am

And can you please tell me... oh



[Chorus:]


Where do broken hearts go

Can they find their way home

Back to the open arms

Of a love that's waiting there

And if somebody loves you

Won't they always love you

I look in your eyes

And I know that you still care, for me..




Inis akong napatayo kahit umaandar pa ang bus matapos ang kanta dahil sa mga senti na pinapatugtog ni manong,

Ano ba talagang nangyayari sa mga kanta ngayon?

Ano yan? lahat ng kanta nagbo-boycot dahil bitter ako?

ito lang sasabihin ko, WALA AKONG PAKE!

Agad ko namang isinalpak ang player ko ng makarating ako sa unahan.


"Berks naman, wala nang natatapos na kanta ahh, lipat ka ng lipat eh ang gaganda ng kanta!" asar na baling ni Dianne.


Sinamaan ko lang sya ng tingin, at yun! dina ulit umangal.. Matapos nun ay pinindot ko na ang play button..




Playing: "Really Don't Care"



You wanna play, you wanna stay, you wanna have it all

You started messing with my head until I hit a wall

Maybe I should've known, maybe I should've known

That you would walk, you would walk out the door, hey!


Said we were done, then met someone and rubbed it in my face

Cut to the part, she broke your heart, and then she ran away

I guess you should've known, I guess you should've known

That I would talk, I would talk


But even if the stars and moon collide

I never want you back into my life

You can take your words and all your lies

Oh oh oh I really don't care


Even if the stars and moon collide

I never want you back into my life

You can take your words and all your lies

Oh oh oh I really don't care

Oh oh oh I really don't care..




Bago pa man ako makapag-react sa kanta ay nakita kong naghe-head bangging na yung mga nasa likod except syempre yung nasa likuran ng upuan ko. Parang masama na ang timpa ng mukha!



"Well, that's what you call music BEYBEEEH!" sigaw naman ni Dash na nasa likod na medyo sumasayaw pa.


Yan ang kanta! Kanta ng Bitter! Hindi katulad ng kanina, ang sesenti! nakakasira ng araw!


Pagbalik ko sa pwesto ko ay hindi ko naman sinsadyang mahagip ng mata ko ang mga mata ni Cody.. Nakatingin lang ito sakin na para bang tinatanong ako if "I REALLY DONT CARE!"

Tinaasan ko lang sya ng kilay saka ako nagdire-diresto sa pag-upo..

you'll see the answer Cody.. Wag kang mainip!

Ilang sandali pa ang lumipas at nakaramdam naman ako ng panghahapdi sa mata ko, haizt! tagal ko kasi nakatulog kagabi.

Since pang-bitter na mga kanta ang naririnig ko ay madali akong antukin.

Pake nio ulet? yun ang music!

Buti na lang talaga at gentleman itong katabi ko, nahalata niya siguro na medyo inaantok ako kaya nanman inofer nya na umunan ako sa balikat niya. Tatanggi pa ba ko? gwapo nag-offer eh!


At dahil sa antok na antok na talaga ako ay hindi na ako nag-inarte at umunan na ako sa balikat niya, pero bago ako napaunan ay bahagya ko munang inamoy yon at bulset kasi ang bango! bigla ko tuloy naalala yung amoy ng t-shirt na pinahiram nya sakin, same parin ang amoy!

Dahil sa amoy na yun ay malaya kong isinandal ang ulo ko sa balikat nya.

Im sure, mahimbing ang magiging tulog ko, grabe ang- ARAAAAAAY!!


Naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman kong tila may sumipa sa likod ng inuupuan ko, Nimal at obvious naman kung sino!

galit naman akong lumingon sa likuran ko at yun ang tukmol! nakalagay lang naman ang dalawang paa niya sa likuran ng inuupuan ko. Naka-bend kasi nag bahagya ang inuupuan nila kaya naman malayang naipa-flat ni Cody ang mga paa niya sa likod ng inuupuan ko!


Pesteeeeeee!!



"Could you please remove your filthy feet on my chair?" mataray kong baling sa kanya.


kita ko namang napataas ang kilay niya? ano yan? lalaban sya ng pakikipag-tarayan? lumilihis na ng landas?


"Baket? nadudumihan kaba?" malamig nyang balik ng tanong sakin.


"hindi nga ako nadudumihan pero yung thought na nandyan sa likod ko yung mga paa mo, it's annoying!" muli kong pagtataray.


"So, what do you want me to do about it?" may pang-aasar sa tono nya.

bwisit!


"Binge ka ba? sabi ko tanggalin mo yang paa mo!" tumaas na yung timbre ng boses ko, nakakaasar eh!



Tila naman naalarma bigla yung mga kasama namin maging si Grey dahil napahawak ito sa braso ko. Sina Dianne naman ay tila inaabangan kung sino ang unang susuko -mga walangya! diba dapat pinipigilan nila kami? -pero kung pipigilan nila ko, hindi din naman ako magpapapigil.

umayos sya ng pagkaka-upo at hinarap ako.


"eh, pano kung ayaw ko? ano gagawin mo?" naghahamon nyang tanong.


Sinusukat nya talaga pasensya ko!

Umayos din ako ng pagkakaupo at hinarap sya.


"Then you are Declairing a war!"


I heard him smirked.


"A war? sanay ako dyan.." sagot niyang inilagay pa ang thumb niya sa gilid ng labi niya.


sh*t ! yan ang ayaw kong makita! lalong nag-iinit ang ulo ko!


"So, you want war? i'll give you war!" panliliit ng mata ko.


i heard him chuckled.


"Gretchen Baretto, ikaw ba yan?" tanong nya.


bigla lang ang nagsihagalpakan ng tawa ang yung mga nasa likod.


what? ano sabi niya? Gretchen Baretto?

what the-

Nasapo ko nalang ang noo ko ng maalala ko na yun pala ang famous quotation ni Greta!

Nanggigil man ay tinalikuran ko na lang sya at umayos sa pagkakaupo.



kakainis!













itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top