Chapter36
[ Summer ]
Matapos ang muling pagkikita namin ni Cody sa klase ay halos hindi na maipinta ang mukha nya sa buong araw hanggang sa uwian.. Sina Lee naman ay hindi na ako nilubayan kahit saan ako magpunta, baka daw kasi umalis na naman ako at hindi na naman ako magpakita sa kanila ng ilang taon. Nakakatuwa lang, sa dalawang taon na hindi kami nagkita ay hindi parin talaga nqgbabago.
"Berkssssss!"
nagulat ako nang may biglang yumakap sakin mula sa likod habang naglalakad sa pasilyo ng building, ako na lang kasi mag-isa ngayon, umuwi na yubg tatlo Sa tawag pa lang ng boses na yun ay hindi ko na kailangan manghula kung sino iyon.
Agad ko syang hinarap, at yun ang bruha.. umiiyak.
Ganun ba talaga nila ako kamiss?
"I missed you! I missed you so much!" patuloy nya sa pag-iyak.
"You cry as if i am being resurrected from the dead.. that's enough." sabi kong pinunasan ang luha nya pagharap ko sa kanya. buong pagtataka naman nya akong tinitigan matapos kong sabihin iyon.
"What's wrong?" tanong ko sa kanyang nag simula na ding magtaka sa titig na pinupukol nya sakin. Imbes na sagutin ako ay kumalas ito sa pagkakayakap sakin at dahan-dahang naglakad paikot sakin, tila ba ine-examine ang kabuuan ko.
"you..." sabing itinuro ako na ikinagulat ko naman.
"me? what me?" nairita kong tanong. Gaaad! ano bang nangyayari sa kanya at bigla-bigla lang syang nagiging ganyan?
"Why soooo... why sooo Gorgeous? kyaaah!" sabay tili nito at muli akong niyakap.
Baliw talaga ang isang to. She's Dianne as ever at hindi man lang nagbago, akala ko naman kung ano.
"I know..." i said snapping my fingers.
"teka nga- kailan kapa nakabalik? Kung hindi sinabi ni Alexa na bumalil kana, hindi ko pa malalaman?! teka- How about sina Lee? -alam na ba nila? Si Cody-"
Hindi na nya naipagpatuloy ang sasabihin ng makita nyang nag-iba ang expression ng mukha ko pagkabanggit nya sa pangalang yon at aware naman sila kung bakit.
"Im sorry.." pagpapaumanhin nya.
Expected ko na ang scene na ganito. Kaya nga alam ko na ang dapat kong gawin.
"It's alright, Dianne.. anyway, i have to go.."
"What? aalis ka na? hindi kaba sasama samin? let's celebrate this reunion, i know matutuwa sila kapag-"
"Thanks, but No thanks Dianne.."
kita ko namang gumuhit ang lungkot sa mga mata nya.
"Bakit? nag-aalala ka ba kay Cody? Don't worry, hindi na lang natin sya iimbitahin kung ayaw mo.."
"I just can't Dianne.. i have an appointment today.. maybe some other time.." malamig kong sagot.
I did missed her ofcourse, pero hindi na katulad ng dati ang lahat.
aalis na sana ako ng marinig ko ang naliliit nyang hikbi.
"Namiss *sob* Namiss lang naman kita eehh.."
Aaarrg.. Dianne! yan ang kahinaan ko sayo eh, ung hikbi mo na yan!
No choice at muli kong lumapit sa kanya at sabay hawak sa magkabila nyang braso.
"Okay, Let's make a deal, then. Babawi ako next time na yayain mo ko."
Agad naman nagliwanag ang ang mukha nya pagka rinig nun.
"But for now.. I really, really have to go.."
wala na syang isinagot bagkus ay nagsunod sunod na lang ang pagtango nya..
Haaay, Dianne..
Matapos ang deal ko na iyon kay Dianne ay naglakad na ako deretso papuntang parking lot kung san naghihintay si Czar. Sya kasi ang pinili ko para samahan ako dito at pasalamat naman ako na always Green to go ang isang iyon. Minsan kasi, inaatake ng pagka-tamad kaya madalas kong nakakarate.
Malapit na sana ako sa parking lot ng biglaan kong maramdaman ang pares ng mga matang tinitignan ako di kalayuan. Hindi pa man ako nakapag-aangat ng tingin ay alam na alam ko na ang presence nya. Minsan ko na din syang nakasama ng solo kaya naman alam ko.
Mula sa gilid nang mata ko ay napatunayan kong hindi nga ako nagkakamali. He's standing against the wall habang nakapamulsa.
"You're back.." he said coldly.
"You asked me as if you already knew my return bago pa dumating ang araw nato.. Grey."
i faced him and gave him my coldest smile in return.
nagsimula syang humakbang papalapit sakin. He's like before.. cold yet unconvincingly myterious.
"What's on you're mind, Summer? Anong nangyari sayo?" tanong nyang pinasahan ako ng tingin.
"There's nothing on my mind for today.. i just want to enjoy my return.. that's it!"
"Since when did you learned lying?"
"Why are you asking me if you'd already know what my answers would be?" bawi kong tanong.
"I know you, Summer." muli syang humakbang papalapit.
"What you know is the old me, And she's dead a couple of years ago."
Nagpatuloy sya sa paglapit pero hindi ako umatras. Hindi na ako ang Summer na nagpapatinag tulad noon. Kahit sino pa ang kaharap ko.
"Bakit ba ang hilig mo magkunwari sa sarili mong nararamdaman?" he finally gave in his strong appearance na ipinakita nya kanina lang.
"Im not pretending.." i answered.
"You are!" mas lumapit pa sya sa kinatatayuan ko. Masyadong malapit para maramdaman ko ang hininga nya sa mukha ko.
"Im not.." pagmamatigas ko.
"Stop pretending as if you dont get hurt anymore.." he almost whispered those words. I saw the pity on her eyes and i hate it!
"I did, before.. but, that's enough Grey.. Tama na ang mga araw na yun.. Im being reborn.. iiwasan ko ang mga bagay na naging dahilan kung bakit ako nasaktan noon, dahil kung mangyayari pa yon, i dont know if i could survive again.." sabi kong nakatitig lang sa mga mata nya.
"Im sorry..." after he utter those words ay gulat akong napatitig sa mga luhang naglandas sa pisngi nya.
Why the hell is he crying?
"That tears.. what is it for?" buong pagtataka kong tanong.
"I just cant believe that you're here.. i just- i just missed you.." matapos nun ay mahigpit nya akong niyakap.
ako ay napatulala lang sa ginawa nya.
"Im sorry kung wala man lang akong nagawa to save you.." patuloy nya sa pag-iyak.
"No one can save me.. Grey... Except me." sagot kong hinagod ang likod nya para mapatahan sya. I knew it, malambot talaga ang isang to'
ilang sandali pa ay kumalas sya mula sa pagkakayakap at mabilis na nagpahid ng luha nya.
"Sorry kung umiyak pa ako sa harapan mo.."
medyo napangiti lang ako. He's not the usual Grey kasi na kilala ko noon. Hindi ko naimagine na may ganito pala syang soft side.
"It's alright.. matagal din tayong hindi nagkita.. kaya hindi mo man aminin, alam kong namiss mo din ako.." may himig ng panunukso sa sinabi kong iyon sa kanya.
"Sobra pa sa pagkamiss, Summer.." naging seryoso na naman ang mata nya na tumitig sakin. "...kung alam mo lang."
Matapos nyang sabihin iyon ay muli syang lumapit sakin at ginagap ang mukha ko sa mga kamay nya.
"Half of me died nung nawala ka.." he said
....The next thing i knew, he's kissing me..
Nagsimula na namang dumagundong ang dibdib ko sa pagtibok ng puso ko. tila ang pagbayo na lang nito ang tanging tunog na naririnig ko.
Grey is Actually kissing me, what on earth is happening???
napatitig ako sa mata ni Grey and his eyes are closed. Biglang nag-pop up sa utak ko si Cody, the time nung hinalikan nya ako, nakapikit din sya nun. Sa isipin iyon ay tila bigla akong nawala sa katinuan, Tila ba natangay ako sa init ng halik na iyon at hindi ko namalayang tinutugunan ko na ang halik ni Grey.
At first ay naramdaman ko ang pagkagulat nya sa pagtugon ko, but when i moved my hands on his nape at begun massaging his hair with my left hand ay naging kalmado sya.
His kiss are gentle. I dont think na first time nyang humalik dahil ramdam ko iyon sa labi nya. Pero nandun ang tense sa halik nya. Sa tingin ko ay kinakabahan sya. I devilishly smile sa isiping iyon.
The first moment of kiss is just gentle that's why I intenstionally kissed him hard the next moment at ramdam ko na hindi nya iyon inaasahan.
Poor boy..
then a few more moment, i released him hanging.. Hindi parin maalis sa mata nya ang pagkagulat sa ginawa ko.
What's wrong with the kiss? masyado ko bang ginalingan?
Evil Summer..
Hindi ko na hinintay na maka-get over sya sa ginawa ko at mismong ako na unang nagsalita.
"is that how you welcome me? Too sweet Grey.. Too sweet." i said and tapped his shoulder saka ako nagdire-diretso papalayo.
Sa pagkakataong ganito, panalo pa din ang utak sa pagdedesisyon, hindi katulad noon na puro puso lang..
"Summer!" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagtawag nya pero hindi na ako lumingon.
"From now on, im gonna protect you.. no matter what!" he shouted.
i shook my head and just smiled..
"No need Grey... I can protect myself more than anyone can.." sagot kong hindi parin sya nililingon.
"then, i will still protect you.. pangako yan.."
Promises.. huh, Cursed that Word!
He's really one of them, matitigas ang ulo.. But, other than that.. He's still a kid though. Yun lang at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"I saw that..." salubong sakin ni Czar na pinagbuksan ako ng kotse pagkarating ko.
"Then you probably know now how to kiss??" i smirked saka pumasok sa kotse. Virgin pa kasi ang lips nitong si Czar, ayon sa kanya at diko alam kung gaano katotoo. Lampakers!
"where do you wanna go next?" muli nitong tanong na pinaandar na ang sasakyan.
sumulyap muna ako sa mga nadadaanan namin. Kung lugar lang, marami akong gustong puntahan.. Pero sa ngayon, mas marami akong gustong gawin at malaman..
"deretso lang tayo sa bahay... gusto kong magpahinga."
buti na lang at hindi na nagtanong si Czar tungkol dun sa kanita nya kanina dahil wala ako sa mood para sumagot sa mga tanong ngayon tungkol dun.
Pagkarating pa lang sa bahay ay agad akong dumiretso sa opisina ni Papa. Palagi akong dumidiretso dun everytime na dadating ako. I've always look after him simula nung dumating ako, ginagawa ko yon dahil lately napapansin kong stressed sya masyado sa trabaho at sa Gang at ayokong nakikitang ganun si Papa. Si ate kasi, Busy sa medication nya at naiintindihan kong hindi nya madalas nakakausap si Papa, the fact din na mas close sya sa mga kumupkop sa kanya.
Kakatok na sana ako at magtutuloy-tuloy sa pagpasok na makarinig ako ng pag-uusap mula sa loob. Nung una ay akala ko na si Lester ang kausap ni Papa, pero sa boses pa lang nito ay napag-alaman kong ibang tao ito. Buti na lang pala at medyo nakaawang ang pintuan kaya naman ay klarong klaro sakin ang pag-uusap nila.
"Virlourd, mas makakabuti sa mga kompanya at Gang natin ang magsanib-pwersa.. alam mong kahit anong gawin ng mga Gang natin ay hindi natin kailanman mahihigitan ang Mugen-Dai.. masyado silang malakas.. masyadong makapangyarihan.. masyadong nirerespeto.. masyadong mayaman para malagpasan..." sabi nung lalaki na hindi katandaan.
Sa pagkaka-alala ko ay siya ang leader ng Gang na halos nanahimik ng ilang dekada sa di malamang dahilan. Si Gregor Hermogenez, JIGOKU's Gang Leader . ikatatlo sa pinamalaking grupo, sunod sa INFERI Gang. Nakakapagtaka lang kung bakit at ano ang ginagawa ng matandang yan dito.. sa pagkakaalam ko kasi ay hindi sila yung tipong nagpupunta sa teritoryo ng kalaban lalo na kung hindi importante. So ibig sabihin, importante ang pakay nya kay Papa..
"Hindi kaba nagsasawang sabihin sakin yan, Gregor? Ilang taon na ba ang nakakalipas nung una kang magpropose nyan? Sa pagkakatanda ko ay iyon yung mga panahon na buhay pa ang mag-asawang Akiyama. Hindi ka ba napapagod makipag-kompitensya?" Tanong ni papa na napaupo sa swivel chair niya.
"Alam mong hinding hindi ako magsasawa na gawin yan.. Lalo na Pangalan ng Gang ko ang nakasalalay.."
"Kung ganun naman pala, para san pa at nagpunta ka dito kung Gang mo lang din naman pala ang makikinabang? naglolokohan yata tayo dito, Gregor.."
"Isa lang yan sa mga maaring nating makuha kung aayon ka sa proposal ko.."
Nakita kong tumayo si Papa mula sa pagkakaupo.
"You know what Gregor.. kinalimutan ko na ang tungkol sa Kumpetensya dahil wala na akong dahilan para gawin pa yon, kahit anong gawin ng mga kampo natin, hindi natin malalagpasan ang MUGEN-DAI.." si Papa
"That's my point Virlourd! hindi natin sila malalagpasan kung lalaban tayo individually! if you wanna win the crown over them.. take my offer and let's beat them down... Forever."
hindi ko alam kung anong iniisip ni Papa dahil bigla na lang itong nanahimik. Dont tell me na sasanib kami sa mukhang lintang leader na yan?
Sa pagkakatitig ko naman sa mukha nung Gregor ay nasa mukha nito sa tagumpay na makita si Papa na nag-iisip ng mabuti. Mukhang papayag pa ata si Papa sa gustong mangyari ng matandang iyon!
Hindi pwede!
Sh*t this old hag! binibigyan nya ng problema si Papa. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi nya mapapayag ang Papa ko!
ilang sandali pa nga ay nakita ko ang isa naming kasambahay dito na may dala-dalang juice, papunta ata sya sa loob ng opisina ni Papa kaya naman dali-dali kong kinuha ang tray. Ayaw pa sana nya ibigay sakin kaya naman pinanlakihan ko nalang ng mata. Buset! sya na nga kinuhanan ng trabaho, umaarte pa!
Inayos ko muna ang sarili ko na para bang hindi galing sa pagiging chismosa sa pakikinig ng pag-uusap nila.
"Maganda na ba ako?" harap ko dun sa kasambahay na nag-inarte.
mabilis namang itong tumango. Try niya sabihing panget ako at bukas na bukas din wala na syang trabaho!
Matapos kong masigurado na hindi na akong mukhang chismosa ay agad kong kinuha ang tray at walang katok-katok na nag-entrance sa opisina ni Papa. Bastos ng kung Bastos!
Kita ko namang biglang nagliwanag ang mukha ni Papa pagkakita sakin.
"Hi, Papa.. I brought you juice, para kasing ang init na dito sa Opisina mo.." bati kong humalik sa pisngi ni Papa. Hindi ko pinansin yung matanda. Bahala sya.
"Is that your youngest daughter, Virlourd?" pansin nya atang hindi ko sya pinansin kaya naman nagsalita na.
"Yes." tipid na sagot ni Papa.
"She's beautiful like her mother.. A Goddess. Manang mana ang ganda sa asawa mo.." usal nito.
kung sa iba lang, pumutok na siguro ang baga at balun-balunan sa sobrang flattering na sinabi niya pero..
Ibahin nya ako.
"At ano naman ang ginagawa ng isang Leader ng Gang sa teritoryo ng kalaban nya?" mataray kong harap sa kanya. hindi nya ako madadal sa mga salita nya. Alam akong maganda at matagal ko nang alam yon!
narinig ko ang mapakla nitong tawa.
"Young lady, hindi mo kailangan alamin dahil wala ka pang alam sa mga bagay na ganito.." kinuha nya ang isang baso ng juice sa inilapag ko sa lamesa at ininom yon. Masamid ka sana!
anong sabi nya? bata pa? really? ako bata pa sa Gang? nagpapatawa ba sya? kita ko naman na medyo napatawa ng bahagya si Papa pagkarinig nun.
"i may look like a kid to you Mr., but i know everything more than you know.." tumayo ako sa gilid ni Papa at nag-crossed arms.
"She's also tough.." baling nya kay Papa na para bang pinipilit ng maging cool. Hindi bagay sayo tanda!
"Im not only tough, Sir.. may talent din ako sa pagiging bastos.." muli kong usal. Kita ko namang napatingin sya sa gawi ko. ilang sandali muna kaming nagsukatan ng tingin bago binasag ni Papa ang tensyon.
"Maybe, We can talk about this next time.."
"there's no next time Papa.."
Gulat naman na napatingin sakin si Papa.
"Cause' next time.. Ako na marahil ang kausap nya.." matapos kong sabihin iyon ay kita kong may sumilay na ngiti sa mukha ni Papa..
Yeah, Papa.. what you're thinking is absolutely right... I have already decided.
I'LL DO IT.
Matapos makalayas yung matandang bisita ni Papa ay pinaiwan ako nito sa opisina nya para sa paliwanag sa sinabi ko kanina.
"About what you have said Earlier.. anong- anong ibig mong sabihin dun?" Papa talaga ang slow.
"Your proposal months ago... napag-isipan ko na pong maigi.. and i think there's nothing wrong kung gagawin ko.."
"are you sure?" muli nitong pagtatanong.
"A 100% Po.. but give me more time para ihanda ang sarili ko."
kita ko naman ang pagtango ni Papa.
"You really need time Hija.. hindi magandang nagpapadalos-dalos.." muli nitong paalala.
"i know Pa.."
A month ago ay may inoffer sa akin si Papa.. it was unexpected dahil wala ako sa posisyon para tanggapin iyon. Pero ang katotohanang nagawa ko nga sa iba, what more sa sarili kong dugo?!
Matapos ang pag-uusap namin ni Papa ay nagpaalam na akong didiretso na sa kwarto ko. Paakyat na sana ako sa second floor ng mahagip ng mata ko ang taong nakaupo sa Couch, kausap si Ate Camille. Ito ang unang pagkakataong makita ko sya dito sa bahay.. may nakapagsabi nga sakin na palagi nga daw sya dito buhat nung bumalik si Ate Camille.
How sweet of you Cody.. (sarcastic inserted)
Magpapatuloy na sana ako sa pag-akyat ng makita ako ni Ate Camille.
Shoot!
Agad itong lumapit sa kinaroroonan ko at hinila ako sa sala kung san nandun si Cody.
Awkwardess is in the air!
"hindi naman siguro masama kung magde-desert tayo ng sabay-sabay diba?" nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa.
"walang kaso sakin.." sagot naman ni Cody.
Tumingin sa gawi ko si ate pero hindi ako sumagot. May magagawa pa ba ako?
Hindi na nagpaalam si Ate at dumiretso sya sa kusina kung san kukunin nya ang cake daw na bi-nake nya kanina lang..
Tahimik ang mga sumunod na sandali. tanging ang tick-tock lang ng malaking orasan ang naririning namin.
Wala akong pakialam kung mapanis ang laway ko dito!
"Kamusta kana?"
Kung ako lang ang tatanungin ay gusto nang matulog-
napatingin ako sa kanya at dun ko na-realize na nagtanong pla sya. Nakatitig sya sa mga mata ko.
bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa katauhan ko. Okey na sakin na hindi na nya ako kausapin dahil hindi rin naman ako nag-eexpect na mag-uusap kami. Pero kung hindi ko sya sasagutin, baka isipin nyang napaka-bitter ko at hanggang ngayon di pari ako nakaka-get over sa kanya..
lumunok muna ako ng isang litrong laway bago nagsalita.
"Ok-"
"Okey naman ako.." biglang sagot ni ate na biglang sumulpot sa likuran ko.
"Ahh.. mabuti naman kung ganon." sagot naman nya na biglang nag-shift ang pangingin nya kay ate.
Watda!
ano yon, sadya?
titingin saken tapos iba ang tinatanong?
WHO-TONGUE-INN-NA!
yan Summer.. napapala!
Assume pa!
por que nakatingin sayo, Feel mo ikaw tinanong?
T*ngna, sarap nang manapak!
isa lang, tutuluyan ko na yan!
sa pagkapahiya ay kumuha na lang ako ng tinidor at buong panggigil kong tinusok iyon sa cake. Hindi ko pwedeng iimagine na Si Cody to' dahil hindi sya sweet! Buong pag-aalala naman akong tignan ni ate. Pero bumawi lang ako ng pekeng ngiti.
Muli ay napatingin ang damuhong Si Cody sa gawi ko, nakita ko ang mapang-asar nitong ngiti.
SO, Ano palabas yon?
SINADYA NYA??
PAKYU!
MABULUNAN KA SANA!
Hindi ko pinahalata ang pagkapahiya dahil alam kong mas lalaki ang ulo nya, damuho sya!
"Sya nga pala, Summer.. kamusta na yung Lalaking madalas mong kinukwento sakin nung nasa ibang bansa kapa? kayo na ba?" baling nan sakin ni ate.
Bravo Ate! alam mo talaga ang word na AWKWARD!
"oh, that man? he's going to visit here next week.." sagot kong saglit na sinulyapan si Cody na nasaksihan kong nagtiim bagang.. WAIT FOR MY TURN CODY.. PAPALUHURIN KITA!
"really? that's Good.. tutal Summer ngayon why not mag-outing tayo? i mean- group outing.. sama mo sina Alexa and Dianne para masaya!" excited na suhestyon ni Ate.
"GROUP OUTING??" wala sa sarili naming sabay na natanong ni Cody kay Ate Camille.
nagkatinginan naman kami ni Cody pagkarinig nun saka agad nagbawi ng tingin.
"Hindi ako pwede ate.." agad kong tanggi.
"bakit hindi pwede? wala ka namang schedule nyan aahh.. then natanong ko na din kay Papa kung may lakad ka sa buong Summer, sabi nya wala daw naman daw.." reklamo ni ate.
teka- bakit pakiramdam kong planado to?
"Basta ate, hindi talaga pwede.."
hindi sumagot si ate, bagkus at nag-pout ito sa harapan ko.
Pesteng POUT yan! parehas lang sila ni Dianne, sino ba nagpauso nyan at nang masentensyahan?
"alright, alright.. I'll try.."
"Please?" then nag-beautiful eyes pa si ate sa harap ko.
Pati pala ang beautiful eyes, sino nagpauso? ILABAS NYO!
"Choose.. hindi ako sasama or ita-try ko?" harap ko sa kanya.
"hmp, the second one na lang.. basta try mo ah?!" si Ate. Ang kulit!
Matapos kong makatakas sa pangungulit ni ate ay umakyat na ako sa taas. Iniwan ko na sila sa baba dahil naalibadbaran ako sa atmosphere dun.. matapos akong makapag-shower ay nagbihis na ako saka ko inihilata ang likod ko sa higaan.
Papikit na sana ako nang may bigla aking maalala. Agad kong kinuha ang phone na nasa bedside table pang nag-dial ng numero dun..
"Hello, Czar.. i need you to do something for me."
"I'm all ears.." he answered.
*****
"Whaaaaaaaat??"
sigaw ko sa kabilang linya.
"Anong hindi makakarating? alam mong hindi pwede yan! kung pwedeng doblehin natin ang bayad sa kanya, gawin mo."
Kung naalala nyo ay tinanong ni Ate Camille yung tungkol dun sa lalaking naikwento ko sa kanya.. Actually, yun ang trabahong binigay ko kay Czar 1week ago. Gusto kong hanapin nya iyong lalaking iyon at dalhin dito sa Pinas para samahan ako sa Outing. Kung hundi lang hunk iyon at mabango ay hindi ko iyon pagtyatyagaan ipahanap dahil nakakarimarim ang mga Da-moves nun, imbes kasi na kiligin ka ay mabubwisit ka! Natuwa naman ako dahil the day before ang outing ay nadala na sya ni Czar dito, ang nakakabwisit lang bago pa ang outing ay inatake ng LBM ang g*go!
"Triniple ko na nga pero, hindi daw talaga nya kaya.. " Sagot ni Czar.
"Emergency? nakanang emergency yan! ano ba pinalamon mo dyan at nagkaganyan yan? -teka san kaba? bakit parang ang ingay dyan?"
"wala akong pinakain aahh.. sya tong turo ng turo ng kung ano-ano, tas binibilhan ko nalang.. -nasa hi-way ako ngayon.. flat ang gulong ng sasakyan.." sagot nitong medyo pasigaw. Peste, sakit sa tenga.
"What? flat pa talaga? -oh, sige sige. Gawan mo nalang yan ng paraan, ako na ang bahala dito! -and wait, huwag mong kalimutan na i-flush ang lalaking yan sa bowl, send back mo na yan sa pinanggalingan nya!"
matapos nun ay pinatay ko na ang tawag at tinitigan ang screen ng phone ko.
"Waaaaaaaaahhh!!!" sigaw ko sa kwarto.
ilang sandali pa nga ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ko.
"Ma'am! Ma'am! okey lang po ba kayo dyan? ano pong nangyayari?" sunod-sunod na tanong nung nasa labas.
Okay.. muntanga lang ako kakasigaw dito!
"I'm- I'm okay.. may ipis lang.. Oo tama! may ipis lang na lumipad.. okay lang ako." dali dali kong rason.
"Sure po ba kayo?" tanong nila mula sa labas.
may mga tao talagang makulit noh?
"Oo nga sabe!" sigaw ko.
ilang sandali pa nga ay naramdaman ko ang pag-alis nila. Walang gana naman akong napasalampak sa kama.
Crap! ano nang gagawin ko?
Kung wala akong maisasama dun ay paniguradong para akong pinag iwanan ng panahon dahil sa pagkakaalam ko ay isinama din nina Alexa at Dianne ang mga Boyfriend nila, ganun din si Dash na isinama ang Girlfriend. Hindi naman ako papayag na maging loner noh! paniguradong mas ipapamukha sakin ni Cody ang pagiging forever alone ko.
AT HINDI PWEDE YON!
kailangan kong mag-isip ng paraan, hindi pwedeng wala akong dala. Hindi pwede..
isip.. isip.. isip..
halos mapiga na ang utak ko kakaisip kung sinong pwedeng isama ng biglang mag nag pop up na imahe sa utak kong mataba sa ideya..
"Hmm.. why not?"
dali-dali kong kinuha ang phone ko at susi ng sasakyan at sobra pa sa excite kong pinaharurot ito..
Itutuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top