Chapter32
[ Summer ]
Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari.. Hindi ko alam, pero nasasaktan ako.. tsaka, anong tinawag nya kay Cass? -Camille?
Samut-saring mga tanong ang namutakte sa isip ko pero wala akong mahagilap ng sagot sa mga iyon..
Parang slow motion ang lahat sa panonood ko sa kanilang dalawa.
Para akong nanonood ng fairytale, yung prinsepe na nakita ang kanyang prinsesa..
at ako? ano ako? ano ang role ko sa fairytale nila?
Try to imagine.. yung taong niyakap ka ng mahigpit ay tatalikuran ka lang ng ganun na lang without saying anything...
Putres, mapapamura ka!
T*ngna talaga!
Ang saya ko sa nakikita ko!
Sana lang ay may mag magpaliwanag diba? Pero wala eh!
Agad naglandas ang mga luha ko sa pisngi ko. Kita ko parin ang pagka-shock sa mga mukha nilang lahat na nakatingin kay Cass- Lahat sila tila hindi makapaniwala sa nakikita nila.
At ako, hindi rin makapaniwala sa nasasaksihan ko..
Pakiramdam ko ay isa lamang akong Audience sa isang drama at sila ang bida..
Isa lamang Audience..
Walang nakakakita.
Walang nakakarinig.
Walang nakakapansin.
Habang tumatagal na pinapanood ko sila ay lalong pasakit ng pasakit. Kaya hanggat hindi nila napapansin na nandito pa ako ay Agad na akong tumalikod..
Dala-dala ang pagkabigla at sakit sa hindi malamang dahilan.
Gusto kong lumayo..
Gusto kong Umalis..
Gusto kong mapag-isa..
Ang pinakamasakit lang na part ay yung hindi man lang nya naalala na May Tangang Summer pa na naghihintay na ipaliwanag nya ang lahat.. Hindi yung Mangyayakap na lang sya bigla..
Pero- Hindi sa siguro kailangan pang ipaliwanag ang lahat..
Gaga ako pero hindi ako Bobo para hindi maintindihan ang lahat..
Guess, This would explain everything...
Si Cassandra ay si Camille...
Ang unang minahal ni Cody..
Ang iniyakan ni Cody..
Ang dahilan ng pagkakalungkot ng ilang taon ni Cody..
Nagpatuloy na ako sa paghakbang papalayo...
ENOUGH OF YOUR STUPIDNESS, SUMMER..
2 years later...
[ Clint ]
"Oh, ano na naman yang mukhang yan?" baling ko kay BU-Dianne na nakasimangot na naman.. Nasa MDU kami ngayon.. may mangilan-ngilan din na members ang nandito na nakikinig lang samin. Mababakas din sa mukha nila ang lungkot everytime mababanggit si Summer.
"Miss ko na kasi si Berks..." sabi nyang nangalumbaba.
Oo, nga pala.. Eksaktong 2years na pala simula nung hindi na namin sya nakita, as in wala na.. Walang text.. walang tawag... Walang Communication at all.. Ni wala nga kaming ideya kung nasan sya..
Ang pag-alis nya ay yung araw din na nagimbal ang lahat ng makita namin si Camille. Actually, kahit nga ako. Lahat kami.
Sinong hindi magugulat diba? kung biglang na lang lilitaw sa harapan mo ang taong akala mong matagal nang patay?? -Pero ang nakakalungkot sa lahat ay, wala nang naaalala si Camille. Pero hindi na muna iyon importante, ang mahalaga.. Buhay sya..
Masaya na sana kaming lahat sa pagbabalik ni Camille, Pero sya naman pagkawala ni Summer..
Aminin ko man o hindi, Miss ko na din talaga si Pillow.
Miss ko na yung kakulitan nya.. Yung kaingayan nya.. Yung pagka-bubbly nya..
Matapos nang muling pagkikita nila ni Cody ay agad na tinawag ito ni Cody sa Papa ni Camille.. Although wala talagang naalala si Camille ay napagbigyan naman nya kaming isama sya sa Manila, pero dapat kasama ang mga taong kumupkop sa kanya..
Hanggang ngayon ay under medication pa din si Camille sa Mansyon ng mga Brazero kasama ang kumupkop sa kanya. Meron na ding konting improvement sa memory nya at natutuwa kami sa pagbabagong iyon..
Simula nung nawala si Summer ay naging tahimik na din ang Mugen-Dai... kahit Ang Big boss ng Mugen-Dai na si Gayle ay ayaw rin magsalita tungkol sa bagay na yun. tikom ang bibig ng Konseho.
Sa ngayon, Si Cody ang nangangalaga sa Gang.. Siya ang pinagkatiwalaan ni Boss Gayle ng lahat.
Graduating nadin kaming lima at nakatulog din ang ginawang pagbabago sa amin ni Summer.
Ilang araw pa lang nuon hindi nagpapakita si Summer ay sangkaterba na ang mga tanong ng mga member samin. Bakit daw wala pa sya.. Baka daw may sakit yung Boss nila at dadalaw daw sila kahit hanggang gate lang ng OldWatt Mansion.
Grabe ang pag-aalala nila.
Minsan napapangiti na lang ako dahil grabeng change din ang ginawa ni Pillow sa mga tao ng Mugen-Dai..
Sa totoo nga nyan ay magpasa-hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa din ang mga Rules na ginawa ni Summer.
Ang buong Mugen-Dai ang nag-iingat sa mga Rules na yon..
Dala-dala nila hanggang ngayon.
To tell you honestly, ay dahil sa Rules na mga yun ay naging SUMA CUM LAUDE ang isang member na graduate na ngayon na dati-rati ay wala man lang sa Mugen-Dai ang nagkakaron ng pagkakataon na maka-graduate with honors.
Dating Basag ulo ang taong iyon, pero dahil sa simpleng rules na yun ay nagkaron ng takbo ang buhay nya..
Summer, changed alot of Mugen-Dai's people.
Lahat kami nabago..
Muling nagkaron ng Dignidad ang Pangalan ng Mugen-Dai sa University sa pagbabagong ginawa nya..
Gusto sana naming ipangalandakan sa mundo kung sino ang taong responsable sa pagbabagong ito.. pero- sino ang ihaharap namin?
Wala sya..
Wala ang taong nagtyaga para baguhin kami..
It's really hard to believe specially kung mapagmamasdan mo ang Ilan sa mga members ng Gang ay patuloy parin sa paglilinis ng University everytime nalalabag nila ang batas..
Ang dating mga reklamador na mga members ay sya pang nagpapatinuna ngayon sa paglilinis..
Yung daily cleaners? buhay pa din hanggang ngayon..
Yung reporting? patuloy pa rin.
2years na din na matino tignan ang mga Estudyante ng MD dahil sa Complete uniform nila, karamihan din sa mga members ay nag excel academically.. at para masunod nila lahat ng yun ay nagpagawa sila ng Banner na mismong idinikit sa wall ng MDU kung saan nakalagay ang lahat ng Rules, katabi nun ay ang naka-hanger na unifom ni Pillow.. to remind the members na yon ang susuotin nila pag hindi sila nagsusuot ng complete uniform.
"Hindi man lang sya nagpaalam... 2years na ang nakakalipas.. 2years!" muli na namang iyak ni Dianne.
Gusto ko syang i-comfort pero hindo ko naman magawa dahil kahit sarili ko ay hindi ko din ma-convince na babalik pa rin sya para sa Gang..
Alam kong masyado syang nasaktan nun.. pero kahit naiintindihan ko si Summer ay hindi parin yun sapat para malaman, gano kasakit ang narardaman nya.
"Hindi kaya, kinalimutan na nya tayo?" muling tanong ni Dianne.
"Hindi mangyayari yun.. Hindi ganun si Pillow.." paninigurado ko.
"Kahit man lang sabihin nya satin kung nasan sya, ok na! pero wala eh- Sana nung araw na yun ay hindi ako nagpadala sa gulat ng makita ko si Camille.. Dapat nilapitan ko si Summer nun para i-comfort! wala akong kwentang kaibigan!" mahabang litanya ni Dianne.
"Bu, choice ni Summer yun.." sagot ko.
"Oo, choice nga nya! pero dapat isipin nya naag-aalala kaming mga kaibigan nya- tayo!" ramdam ko ang hinanakit ni Dianne, pero mas ramdam ko ang pag-aalala sa kaibigan.
"haizt!, Bu naman.. kung maka-iyak ka naman parang hindi na babalik si Summer.." pagbibiro ko.
"yun nga eh! hindi natin alam kung babalik pa sya!"
"Babalik sya..."
Napalingon kaming lahat ng marinig namin iyon. Si Cody.
sinundan lang namin sya ng tingin.
"Kung makapag-salita ka para kang walang pakialam ah?!" napatayo na si Dianne.
Hindi sumagot si Cody.
"Alam mo bang ikaw ang puno't dulo ng pagkawala nya?" lalapitan na sana ni Dianne si Cody pero agad ko naman syang napigilan.
Wala pa ring imik si Cody.
"Kinailangan ka ni Summer nun, Cody pero tinalikuran mo sya!"
"DAMN IT!"
umalingaw-ngaw ang sigaw na yun ni Cody sa buong MDU.. gulat naman ang lahat.
"Bakit? galit ka kase totoo?" sinubukang kumawala ni Dianne sa pagkakahawak ko pero mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya.
"Makasarili ka Cody.. Makasarili! hindi mo man lang inisip na masasaktan si Summer nun! Wala kang inisip kundi yung sarili mo at yung p*tang *nang damdamin mo!" hindi na napigilan ni Dianne na umiyak.
"Ngayon? wala si Summer.. 2years na syang hindi nagpaparamdam satin..2years Cody pero wala ka man lang ginawa para hanapin sya!"
"Shut the F*ck up, Dianne!" muling sigaw ni Cody. kita ko ang panggigil nya sa kamo nya. "Wala kang alam sa sinasabi mo kaya wag kang magsasalita ng mga bagay na hindi mo alam!" dagdag nya.
"Huh! Walang alam? baka nakakalimutan mong nandun ako nang talikuran mo si Summer? Nung nasaktan sya.. may ginawa ka ba? kung may ginawa ka, sa palagay mo sapat na yun?" muling sagot ni Dianne.
"Nahati ang Atensyon ko at hindi ko alam ang gagawin! -yun ang totoo, ngayon narinig mo na ang dahilan ko- masaya kana??"
Dianne smiled sarcastically..
"...Kasi hindi mo alam kung anong gusto mo. Yan ang mahirap sayo, dahil sa kalulangan mong yan, ay may nasaktang tao!" sabi nitong kumawala sa pagkaka-kapit ko at saka nag-walk-out papalabas.
Kuyom ang mga palad naman na naiwan si Cody.
Serves him right.. kahit kaibigan ko sya ay alam ko iyon. Pero kahit ganun pa man ay nasasaktan din ako para sa kanya. If i were in his shoes ay siguro hindi ko din alam ang gagawin ko. Knowing na ang sobra kong minahal sa nakaraan ay bumalik...
pero, yun na nga.. nahati lang ang atensyon nya.. nahati ang puso nya sa dalawa.
Ang nakaraan at ang kasalukuyan..
[ Dianne ]
P*tang *na!
P*tang *na talaga!
sarap hambalusin ni Cody ng Aparador, hagisan ng milyon-milyong kaldero at tapunan ng kumukulong mantika sa katangahan!
T*ngna! nanggigigil talaga ako!
isa pa yang si Bu eh, may nalalaman pang papigil-pigil!
Gusto atang masampulan!
Ilang taon nang wala si Summer, Pasensya na kayo pero, P*tcha talaga! nakakainis lang kasi!
Miss ko na si Berks, Miss na miss ko na yung kaibigan ko, gustong-gusto ko na sya makita!
putres! dalawang taon na wala kaming balita sa kanya at sobra pa sa sobra ang pag-alala namin ni Alexa sa kanya..
Wala man lang text saying na: "Hoy, T*ngna nyo, ok lang ako!"
kahit ganun lang sana, pero wala eh!
yung isang gabi nga lang nung hindi namin sya nakita halos mamatay-matay na kami ni Alexa sa pag-aalala, ngayon pa kayang 2 taon!
t*ngna pero, pamura ulit ng isa!
Simula nung araw na yun ay pinaulit-ulit naming sinisi ni Alexa ang sarili namin dahil pagiging kaibigan na nga lang ang role namin sa buhay ni Summer, hindi pa namin nagawa..
Sobrang pagsisisi namin.
Sa totoo nyan, hindi ko naman talaga binalak na pagsalitaan si Cody ng masasakit pero, sadyang naiinis lang talaga ako sa kanya, He's acting like he doesnt care for Summer.. Simula nun ay lage syang nagpupunta sa Mansyon nila Camille, araw-araw bumibisita.
Pamura ulit, Pero.. P*tcha kasi kahit isang araw lang sana ang ilaan nya para hanapin ni Summer, hindi man lang nya ginawa!
Masama na ang ugali ko pero naiinis ako kasi mas nabigyan pa ng Atensyon ang taong walang naaalala kesa sa taong palagi naming naalala!
tulad ni Alexa, palagi kaming naiiyak sa twing naalala namin si Summer.. Oo, OA na kung OA pero ganun namin ka-miss yung Kaibigan namin.
At kung pwede lang na manakit ako ng pinsan para lang matauhan sya ay kahit araw-araw ko pang gawin yon!
Damn it! Niiyak na naman ako..
Sinong- f*ck! -naiiyak talaga ako.
Sinong hindi magagalit na yung taong akala mong magpapatiuna sa paghahanap kay Summer ay umaarte ngayon na walang pakialam???
Ang sakit lang kase- alam kong ganun din ang nararamdaman ng karamihan pero ayaw lang nila ipakita.. pero tama na ang dalawang taon ng pananahimik!
hindi ko na kaya!
Kahit araw-arawin ko ang pagsalitaan si Cody ng masasakit na salita ay gagawin ko para lang matauhan sya!
-Wait!
last na to! pamura ulit..
P*tang *na talaga!!
[ Lee ]
Bago ako mag-start sa POV ko,
Salamat sa Spotlight Author..
Nasa MDU lang kami ngayon.. kakatapos lang nang mainit na sagutan nila Dianne at Cody.
Medyo kinabahan pa kami kasi akala ko magt-transform si Cody into Incredible hulk at si Dianne naman as Wonderwoman...
Anyway, My point din naman si Dianne sa mga sinabi nya.. 2years nang hindi nagpapakita si Boss, pero wala man lang kaming nagawa. Sa palagay ko, pare-parehas lang kami ang dapat sisihin..
pero tulad ng sinabi ni Clint kanina, Choice yun ni Boss.
Pero anu pa man ang mangyari, nag-aalala pa din kami. Dahil Sya ang pinuno ng Mugen-Dai. Nasa ilalim kami ng pamumuno nya. Hindi lang nya kami basta na Tao lang, kaibigan nya kami.
"Sa palagay mo, Lee.. kailan babalik si Boss?" tanong sakin ni Dash na katabi ko lang. Nagkatinginan naman kami ni Grey.
"Ilang beses mo na bang naitanong yan, Dash?"
tumingin sya sa kawalan na animo nagbibilang..
langya! dont tell me, binibilang nga nya?
"Hmm.. kung tama ang pagkakatanda ko, 969x na.." sagot nitong inilagay ang hintuturo nya sa baba nya.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Ikaw, Grey.. sa tingin mo, kailan ang balik ni Boss?" lingon ko naman kay Grey.
"Ilang beses mo din bang tinanong yan?" tanong nya sakin.
langya! dialogue ko yun ah!
Hindi naman ako sira-ulo tulad ni Dash na nagbibilang pa.. Pero, alam kong maraming beses ko na ding itinanong ang bagay na yun.
Alam kong hindi lang ako nag-iisa..
Alam kong yun din ang tanong ng karamihan..
Kung kailan babalik ang pinuno namin..
Hindi man halata pero, sobra talaga kaming nag-aalala.. Pero ang hindi ko lang maintindihan, ay kung bakit umaakto si Cody na parang wala lang.. minsan nga naaasar na ko sa kanya.. Pero, mas ginusto ko na intindihin sya. Alam kong hindi iyon naiintindihan ng karamihan.
Dahil dun, minsan nagkaron pa kami ng tampuhan ni Alexa.. Pero naayos din naman..
Sana lang ay gawin na ni Cody ang dapat nyang gawin.
Bagay na nagpapatunay na tulad namin ay nag-aalala din sya kay Boss.
[ Alexa ]
Ayokong magmura.
Ayokong magmawala.
Ayong gumawa ng bagay ng hindi ko naiintindihan.
Gusto kong sisihin si Cody sa lahat pero alam kong may dahilan din sya. pero anu man ang dahilan nya ay wala akong pakialam,
His reason wont do anything..
Malaking kawalan para sakin ang hindi makita ang Bestfriend ko sa loob ng dalawang taon.
mahirap para sakin.
Mas mahirap than anyone in the Gang. Mag mahirap sakin dahil bago pa sya naging leader ng Mugen-Dai, magkaibigan na kami.
Alam ko naman na hindi ito gagawin ni Summer ng wala syang hinahawakan na mabigat na dahilan.. palagi syang may dahilan.
After nung hindi na sya nagpakita ay hindi ko na halos binibitawan ang Cellphone ko dahil baka maya ay bigla syang kumontak sakin, ang totoo nyan ay magpasa hanggang ngayon ay ganun pa din ang ginagawa ko.
Pinipilit kong wag' mag-alala dahil alam kong babalik sya.
Pero sana, mas agahan nya dahil miss na miss ko na sya..
Gustuhin ko mang maging mahinahon..
Pero-
P*TANG *NA!
DIKO NA TALAGA MAPIGILAN NA HINDI MAGWALA!!
NAIINIS AKO SA LAHAT!
NAIINIS AKO SA SARILI KO!
ANG SARAP MAGBALIBAG NG TAO NGAYON NA ANG PANGALAN AY CODY SEBASTIAN!!
P*TANG *NA TALAGA!
ILABAS NYO SYA!
haizt..
ang hirap huminahon!
Sobrang hirap kung alam nyo lang!
Naiiyak na talaga ako..
Asan kana ba kasi Summer???
Nag-aalala na talaga ako sayo!
babaita ka!
humanda ka lang sakin pag bumalik kana!
itatali talaga kita sa bewang ko para hindi kana mawala!
Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang kumatok sa pinto ko..
agad ko naman inayos ang sarili ko pati ang mga nagkalat na unan dahil lahat yun pinaghahagis ko lahat sa inis ko kanina, sabagay ako din naman ang maglilinis nito mamaya, wala nang maid para magsunod lahat ng kalat ko. May sarili na kasi akong Condo ngayon.
So, walang choice kundi sumunod sa mga kalat na ako mismo ang gumawa.
Trying to be independent teh!
So, after kong maayos ang sarili ko ay agad kong binuksan ang pinto.
"Hello- Aaaaaaahh!"
Hindi na ako nakasigaw nang bigla nalang may tumakip sa bibig ko!
T*NGNA YUNG LIPSTICK KO!
Sinubukan kong sumipa pero may humatak ng kamay ko saka iyon tinali. Matapos nun ay may nagtabon ng itim na tela sa ulo ko at agad akong binitbit na parang baboy..
T*ngna, ang Sexy ko ganito nila ako bitbitin?
"Kuya- kuya saglit!" tawag ko. naramdaman ko namang huminto sa paglalakad yung nagbubuhat sakin.
"Ano yon??" pagalit nitong tanong.
"Kuya, Pwedeng BRIDAL-CARRY na lang? hindi naman kasi ako baboy eh!" request ko.
Aba! sila kaya bitbitin ng ganun, tingnan natin kung matutuwa sila?
dahan-dahan naman nila akong ibinaba at muli naramdaman kong may nagbuhat sakin.. REQUEST GRANTED kasi pang Bridal-carry ako binuhat.
Pero- T*nga! Sino ba sila at san nila ko dadalhin??
*****
"Ano ba, bitiwan nyo ko'!" patuloy ko sa pagwawala.. nak nang tipaklong, pagod na ko.. ni hindi ko nga alam 'sang impyerno nila ako dinala ng mga walangyang to'
Maingat naman nila akong ibinaba. tinanggal nila ang takip sa ulo ko at sa bibig ko, saka ako binigyan ng mauupuan.
Shocks! akala ko silya elektrika ang ibibigay..
"Kuya, may mas malambot paba na upuan kesa dito?" tanong ko sabay turo sa inuupan ko.
Putres kasi, ang sakit sa pwet ng upuan na binigay nila!
Tinapunan lang nila ako ng masamang tingin. okay, hindi na ako mag-iinarte!
inikot ko muna ang paningin ko sa paligid.
T*ngna! para akong nasa bartolina aahh.. tsaka- para naman akong nasa interrogation dahil may bumbilya pa sa ulunan ko na gumegewang-gewang habang nakapalibot naman sakin ang mga lalaking may naglalakihang katawan!
"Boss, anu na gagawin natin sa kanya?" narinig kong tanong nung lalaking nagbitbit sakin. Napatingala naman ako sa nagsalita -Shocks! Gwapo infairness!
Tsaka anong gagawin nila sakin?
nagstart nakong mag-hyterical..
"please wag nyo kong kakatayin! hindi ako masarap! hindi ako malaman! diet ako these past few weeks kaya wala kayong mahihita sakin!" pagmamakaawa ko.
"Who told you to tie her up?"
Pagalit na tanong nung nagsalita mula sa dilim. Malambing ang dating sakin ng boses nya pero nandun yung bigat sa pagsasalita nya. Pero- parang may kakaiba sa boses nyang iyon.
"Im sorry, Boss.. kung hindi kasi namin gagawin iyon baka kami mabanatan nito-!"
"Enough of your reasons, Lester!"
hindi na natapos ang sasabihin nung gwaping na nagbuhat sakin nung muli na namang nagalit yung Boss daw nila. Kita ko namang napayuko na lang yung Lester.
"Release her, Czar!" utos nito.
mabilis naman sa alas-kwatro akong kinalagan nung tinawag na Czar..
"Im sorry..." harap nito sakin habang tinatanggal ang tali sa kamay ko.
Puzzled ko naman tinignan yung nag-untie ng tali ko sa kamay.. Matangkad sya at kahit madilim ay kitang kita ko pa din ang moreno nitong balat. Hindi naman gaano kalakihan ang katawan nito. Kanina nang tignan ko sya ay kita ko ang pares na kulay Bronze na mga mata nya. Sa itsura nya ay para akong nakakita ng Mexican Gangster dahil bahagya itong kalbo, yung Lester naman ay may buhok na CornRose parang ipot lang sa ulo.
Matapos nya akong kalagan ay bumalik na ito sa gilid ko.
Muli akong humarap sa madilim na part ng mala-bartolinang kwarto na to kung san nagmula ang weird na boses kanina.
"Wala kayong mahihita saken! hindi ako mayaman- okay, wait.. slight lang! hindi nyo din ako pwede ibenta kasi may diperensya ako! May malaki akong bato sa kidney, may nicotine ang lungs ko! may namuong tae sa Liver ko! At may karayom ako sa heart ko!" mahaba kong paliwanag, Tae, ano bang pinagsasabi ko? kahit siguro ako ay hindi yon papaniwalaan..
Natigilan naman ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng tawa mula dun sa dilim.
T*ngna! anong nakakatawa sa sinabi ko? -wait, nakakatawa nga pala yon!
Pero t*ngna! hindi pa to ang katapusan ko.
Parang gusto ko na tuloy umiyak.
"Sabihin nyo sakin kung magkano kailangan nyo, ibibigay ko yon.." nagstart nang manginig ang boses ko. "ibibigay ko kahit ano, buhayin nyo lang ako.. Kailangan ko pang mabuhay dahil may hinihintay pa ako.. Kailangan ko pang makita ulit ang kaibigan ko!" nagsimula na akong umiyak.
"Are you scared?" muling tanong nung nasa dilim.
t*ngna kung takot lang, Oo.. Pero mas takot ako na hindi na makita si Summer..
tumango ako.
"Your Friend.. is she that important to you that you can give any amount just to see her again?" naghahamon na tanong nito sakin.
"Hindi mahihigitan ng Pera ang pagkakaibigan namin ni Summer.."
matapang kong sagot.
"Well, She must be so lucky then.."
Mas lalo tuloy akong naiyak. Mas lalong namiss ko Si Summer.
"Kung papatayin nyo ko' isa lang ang hihilingin ko sa inyo... Please.. pakisabi sa kanya na.. Miss na Miss ko na sya.. Miss na Miss ko na sya ng sobra.." Matapos nun ay nagbaba lang ako ng tingin dahil ayaw kong makita nila ang pag-iyak ko.
Ready na akong mawala..
Sana lang ay masabi nila iyon Kay Summer kung hindi.. Mumultuhin ko talaga sila!
Patuloy na sa pag-agos ang luha ko.. Hindi ko ma-imagine na sa ganitong paraan pala ako mamamatay. T*ngna, kung alam ko lang sana nakapagbihis ako ng maganda at nakapag blush on ako, para naman kung sakaling ma-picturan ang patay kong katawan ay maganda pa rin ako..
But, then.. napahinto ako sa pag-iyak ng maramdaman kong may yumapos sakin.
Mahigpit ang yakap na iyon. Naramdaman kong bahagya itong lumapit sa tenga ko..
"na-Miss din kita... BESFIE."
itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top