Chapter31
[ Cody ]
Pagdating na pagdating namin dito sa resort ay agad na akong dumiretso dito sa kwarto ko para magpahinga. Nag-toothbrush din ako dahil pakiramdam ko ay napanis ang laway ko sa hindi pagsasalita sa byahe..
Sa ngayon, Wag na muna natin pag-usapan si Summer.. naiinis pa kasi ako.
Matapos akong makapagpalit ay malaya kong inihilata ang likod ko sa higaan..
matagal-tagal na din pala na hindi ako nakakabisita dito.. ilang buwan na ba nung huli akong bumisita? Pero pasalamat din ako sa mga taong nandito dahil kahit wala ako ay alam nila kung paano pangangalagaan ang negosyo. kahit naman malayo ako ay nagagawa ko pa din imonitor sila dito. buti na lang pala at kahit wala ako dito sa Cebu ay maganda pa din ang takbo ng negosyo..
nagpalipas muna ako ng ilang oras. Gusto ko lang talaga muna magpahinga.. Ayoko pa din kasi muna makita si Summer at yung Grey na yun! nakakaramdam padin ako ng Inis everytime maalala ko yung pagtatabi nila sa sasakyan..
langya kasi! ang pinaka-badtrip lang sa lahat ay nakita ko pang naka-unan yung si Witch kay Grey.
saktong alas-8 na nung bumaba ako ng lounge para mag-dinner ng biglang salubungin ako nina Dianne at Alexa..
"Cody.. Nakita mo ba si Summer?" agad nitong tanong sakin.
"hindi.." at wala akong pakialam, tanungin nyo kay Grey baka alam nya!
"Hindi pa kasi sya umuuwi eehh.." Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Alexa.
"Baka kasama lang ni Grey yun-" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko di kalayuan si Grey na mag-isang kumakain.
Bigla tuloy akong kinabahan.
"Teka- chineck nyo na ba sa mga bars and sa tabing dagat?"
"Oo, eh.. wala sya kahit saan. Nagpaalam kasi sya na mag-iikot-ikot lang tapos hanggang ngayon hindi pa bumabalik." mangiyak-ngiyak naman na sabi ni Alexa.
"Tinawagan nyo ba yung Cellphone nya?" muli kong tanong.
"Oo, pero out-of-reach eehh.." Dianne.
putres! san na naman kay nagpunta ang babaeng yon?? hindi ba nya alam na masyadong delikado dito lalo na pag gabi?? mababatukan ko talaga iyon pag nakita ko!
Maya-maya pa ay sabay-sabay naman na dumating si Clint, Lee at Dash na kapwa hingal na hingal.
"Ano, nakita nyo na?" tanong ni Dianne.
"Wala pa BU eh, inikot na namin ang mga karatig baryo pero, wala pa din!" si Clint.
Sh*t, hindi pwede to!
delikado ang lugar na to lalo na at gabi.. buti sana kung kabisado nya tong lugar, eh hindi naman!
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon, ang galit ba or pag-aalala?
haizt! lagot ka talaga sakin Witch pag balik mo!
"teka- may nasabi ba sya sa inyo kung san sya pupunta?" baling ko kay Alexa.
"Wala, Aside sa malungkot yung mukha nya kanina, feeling ko para mawala yung nararamdaman nya, naisipan na lang nyang mamasyal.."
Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng guilt sa mga narinig ko.
So, ibig sabihin, kasalanan ko kung bakit wala sya ngayon..
t*nga! bakit ko pa kasi pinairal yung selos ko?!
minsan naiinis na talaga ako sa sarili ko!
Malungkot si Summer kasi hindi ko sya pinansin kanina.
Malungkot sya kaya para mawala yung lungkot na yun at namasyal sya.
Nagsimula nang mag-panic ang kalooban ko..
"Anong nangyayari dito?" sulpot naman ni Grey.
"Si Pillow kasi, hindi pa umuuwi.. hindi namin ma-contact yung Cellphone nya. wala din syang text or tawag man lang.." Si Clint.
bumakas sa mukha nk Grey ang pag-aalala, pero kung nag-aalala sya... Mas triple ang nararamdaman ko!
"Ano nang gagawin natin?" nagsimula nang umiyak si Alexa, agad naman syang niyakap ni Dianne.
hindi na talaga ako mapakali lalo nat alam kong nasa labas pa din sya. Gustong tumayo ng mga balahibo ko sa naisip ko na baka napag-tripan si Summer.
T*nga! hindi talaga ako matatakot pumasok ng kulungan kung may mananakit kay Witch, sisiguraduhin kong pati sa impyerno ay susundan ko sya!
"Dash, Clint.. gusto kong magpunta kayo sa Police station, baka matulungan nila tayo.. Lee at Grey- ikutin nyo ulit ang buong lugar, magtanong-tanong na din kayo.."
Matapos kong magbigay ang instruction ay agad kong tinungo ang sasakyan ko at pinaharurot ito.
Sobra na akong nag-aalala, kung alam ko lang na magkakaganito, edi sana kinausap ko nalang sya kanina.. sana hindi nalang ako naging gago kanina..
nahampas ko ang manibela sa inis ko sa sarili ko.
Una muna akong naglibot sa palengke.. walang bakas ni Summer..
nag-try din ako sa Simbahan, nagbabakasakaling nagdadasal lang yun, pero wala..
that means lang na hindi talaga sya nagsisimba!
muli kong inikot kahit ang night market, pero wala sya..
pero hindi ako pwedeng huminto.. kung pupwedeng manawagan ako sa istasyon ng radyo, gagawin ko! kung pwede akong magpaskil ng mga panget nyang litrato sa buong lugar, gagawin ko, makita lang sya!
Never akong hihinto!!
Dahil sa wala sya sa anumang pwedeng puntahan ay nagpasya akong magpunta sa dalampasigan.. dun ay pinagmasdan ko muna ang dagat.
hindi naman siguro sya magpapakalunod dahil lang sa tampuhan namin diba?
isa pa, kahit baliw yun.. hindi magpapakamatay yun!
ay- ano bang pinag-iisip ko??
imposibleng mangyari yung mga ganun!
Pag bumalik talaga sya, hinding hindi ko na sya aawayin.
Matapos akong makapag-isip ay pumasok na ulit ako sa kotse at muling naghanap...
Kahit pa abutin ako ng umaga ay hindi ako hihinto maghanap sa kanya.
Hinding-hindi ako mapapagod. Nagawa ko nga noon yun kay Camille...
Kaya ko ulit gawin yon ngayon, or kung kinakailangan ay mas hihigitan ko pa.
[ Summer ]
Masarap ang naging tulog ko dahil nadin siguro sa lamig ng hangin at sa pagod ng byahe namin kahapon, dagdag pa masarap din ang hapunan kagabi.
Matapos ng masarap na almusal na iniluto mismo ni Mama Elsa ay naghanda na ako para umuwi.. Nagpasalamat ako sa kanila na hinayaan nila akong matulog sa bahay nila.
Dahil sa kinakabahan ako umuwi dahil alam kong grabeng sermon ang aabutin ko sa mga kasamahan ko ay nagpasya nalang din si Cassandra na ihatid ako sa Resort nila Cody..
magandang ideya din para malaman nila ang nangyari..
baka kasi isipin nila na naglalakwatsa na nga lang ako, tapos gagawa pa ako ng kwento.
Ilang minuto na lang at malapit na kami sa Resort nila Cody ng biglang magsalita si Cass..
"Summer.. okay ka lang ba?"
"Hindi.." totoo naman eh! ninenerbyos kasi ako.
tumawa lang sya. "Para kang bata.. wag ka nang mag-alala dyan.. alam kong maiintindihan ka nila, at kung talagang nag-aalala sila, mas matutuwa pa sila kung makikitak a nila." tapik pa nya sa balikat ko.
"Naku Cass, hindi mo alam kung paano manermon yung mga yun!"
"kaya nga ako sumama diba, para malaman ko? -ay sya nga pala, okay ba tong suot ko? baka kasi sobrang simple lang..." sabi nyang bahagyang inayos ang black vneck nyang tshirt..
pinasadahan ko naman sya ng tingin. "Bakit ang hilig mo sa black?"
"Hmm.. ewan, favorite color ko siguro to.." muli syang ngumiti. Kahit na kinakabahan ako kung anong dadatnan ko dun sa resort ay parang nilalabanan naman yun na mga ngiti ni Cass..
Nasa entrance na kami ng Resort nun at parang nagkaron bigla ng glue ang paa ko at hindi ko na maihakbang papasok..
"Kaya mo nga yan.." sabi nyang muling tinapik yung balikat ko.
Alam ko namang kaya ko eh, theres just something thats stopping me.. yun ay yung fyling kick ni Alexa at sermon ni Madam Dianne.
Fine! isang sermonan lang naman to!
matapos nun ay dumiretso na kami papasok ng Resort.
Hindi pa man ako nakakapasok ng husto sa Lounge ay agad na akong sinalubong nina Dianne at Alexa, nandun din sina Pillow, Grey, Dash at Lee na agad akong nilapitan.
"Walangya kang babae ka, pinag-alala mo kami ng husto!" sermon ni Dianne sakin saka ako mahigpit na niyakap.
"Alam mo bang magdamag akong umiyak, kakaisip sang planeta kana napunta?" niyakap din ako ni Alexa..
"Pillow, sa susunod.. magpapaalam kana ha?" si Clint naman na ginulo bahagya yung buhok ko.
Sira ulo din tong isa, may maglalayas bang nagpapaalam?
"Boss, kung maglalayas ka, isama mo kami para naman hindi kami mag-alala sayo.." Si Lee. tango naman si Dash.
Pero, all in all. Napangiti na lang ako. Hindi ko kasi to inaasahan, expected ko kasi na babatuhin ako nang kung ano-ano ni Alexa at raratratan naman ako ng sermon ni Dianne.
Tama nga si Cass sa sinabi nya kanina. -ay muntik ko nang makalimutan, nasa labas pa pala si Cass.
"sya nga pala, may ipapakilala ako sa inyo.."
"Ha? ano yan boylet?" tanong ni Dianne, kita ko namang tinapik ni Clint sa balikat Dianne.
"Hindi, kaibigan ko.. nakilala ko kahapon.."
"So, lalaki nga?" Alexa.
"Gaga hindi, -wait lang, dadalhin ko sya dito." bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila at nagtungo sa labas para kunin si Cass... muntik ko na syang makalimutan dahil sa relief na hindi ako nakatanggap ng mahabang sermon.
Medyo nag-patintero pa kami ni Cass papasok dahil nahihiya daw sya sa suot nya..
pagpasok ko ay nandun pa din sila sa pwesto nila.. gusto kong makilala nila ang taong sumagip ng buhay ko kahapon at nag-alaga sakin..
"Guys..." tawag ko sa atensyon nila "I want you to meet.. Cassandra!" masaya kong pakilala.
Unti-unti namang lumabas si Cass sa likod ng pintuan at nahihiyang humarap sa kanila.
Imbes na ngiti ang makita ko ay nasaksihan ko kung paano naman biglaang napawi ang mga ngiti sa mga mukha nila ng makita si Cass, parang nakakita sila ng multo sa mga ekspresyon ng mga mukha nila, lalo na yung apat na lalaki, at si Dianne.
Puzzled naman ang nababasa ko sa mukha ni Alexa..
Anong nangyari sa kanila??
Hindi kaya masyado lang silang nagagandahan kay Cass, kaya naman na Starstruck sila?
Well, kahit ako nga nung una diba?
Magsasalita na sana ako ng mapansin kong biglang nag-shift yung mga tingin nila mula sakin papunta sa likuran ko.
Agad naman akong lumingon para makita kung sino iyon.
Nakatayo lang ito sa pinto at maluha-luha ang mga nitong nakatingin lang sakin.
Wala akong ibang nabasa sa mga mata nya kundi ang sobrang pag-aalala..
Hindi na ako nakapagsalita ng mabilis pa sa alas-kwatro itong naglakad papalapit sakin at bigla akong yakapin.
"San ka nagpunta? akala ko hindi na kita makikita..." mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nya sakin, hinayaan ko naman bumaon ang mukha ko sa dibdib nya.
Putres, kinililig ako! Pero diba, galit sya sakin?
"Cody..." mahina kong sambit sa pangalan nya.
"Mamamatay ako sa pag-aalala sayo, alam mo ba yon??" he said in a raspy voice.
Ang sarap pakinggan nun sa tenga.
Hinarap nya ako sa kanya at tila ba ine-examine ang mukha ko kung may nabago ba..
Di na kailangan eksaminin pa Cody, maganda pa din ako!
"Wag mo na uulitin iyon ha? kung ayaw mong ikutin ko ang buong Cebu para lang hanapin ka.."
So, hinanap nya pala ako? akala ko ay dahil galit sya sakin ay wala na syang pakialam.. So, ibig sabihin din pala ay wala syang tulog mula kagabi sa paghahanap lang sakin?
naka-feel ako ng guilt dahil dun.
-pero parang masyado na kaming PDA. Nakakahiya kina Dianne, lalo na kay Cass.
"Ay, sya nga pala may ipapa-" pagputol ko.
Pero, hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang biglaang pagluwag ng pagkaka-kapit nya sa balikat ko, sabay nang paglipat nya ng tingin sa likod ko. tila naging Shocking din ang ekspresyon ng mukha nya habang nakatitig sa gawing iyon.
Agad ko namang sinundan ang tingin nya at medyo nakaramdam ako ng uneasiness ng mapagtanto kong kay Cass sya nakatingin.
Muli ko namang pinagmasdan sina Clint at tulad ng mga ekspresyon ng mga mukha nila ng makita si Cass ay ganun pa din ang nakita ko, parehas ng ekspresyon ni Cody.
Ano bang mangyayari?
ano bang nangyayari sa kanila?
na-starstruck din ba si Cody sa kagandahan nitong si Cass?
Naghintay ako kung may magsasalita..
pero tila nanlamig ang buong katauhan ko ng Bigla akong bitiwan ni Cody at magtungo sa kung san nakatayo si Cass.
Unti-unti ang naging paglapit ni Cody kay Cass na nalilito naman akong tinignan.
Nang makarating na si Cody sa pwesto ny ay Buong pagtataka namang tinignan sya ni Cass. saksi ako sa pagpalit-palitan nila ng tingin..
Pinagmasdan ko lang sila maigi..
Hindi ko alam ang nangyayari, pero gusto kong malaman!
Nagpatuloy ako sa pagmasid sa kanila. Hanggang sa Yakapin na lang nya bigla si Cass..
"You're Alive.... Camille." usal nito.
Then in an instant... my heart broke into pieces..
itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top