Chapter30
[ Summer ]
"Ano ba Summer? hindi ka pa ba tapos dyan?" sigaw ni Dianne sa labas ng kwarto. Actually, kanina pa sya katok ng katok pero hindi ko pinagbubuksan.
Busy kasi ako sa pag-iimpake. Ngayon kasi yung napag-usapan naming ISLA NA TUMATALON, gets?
Purgang purga na ang tenga ko sa sigaw ni Dianne dahil kanina pa sya nasa labas kasama si Alexa, at kanina pa din nila sinisira yung pinto ng kwarto ko.. kung tatanungin nyo kung bakit sila nandito, syempre! nasa trip yung mga Boypren nila kaya hindi naman nagpa-awat ang dalawa at sumama na din, balita ko nga at kasama din yung Girlfriend ni Dash na si Lie.
"Bababa na!" muli kong sigaw na ipinasok ang last item na dadalhin ko sa bag ko.
Mga babaeng yon! eh, kung tinulungan pa nila ako, edi sana kanina pa kami nakaalis?!
Sabagay pano naman nila ako matutulungan, diko nga binubuksan ang pinto diba?
utak din Summer pag may time!
Matapos kong i-check ang laman ng bag ko ay dali-dali na akong bumaba, at hayon! ang dalawang bruha, parang Donya na nakasandal lang pala sa sofa!
"tagal mo Besfie!" reklamo ni Alexa na chinicheck pa yung kuko nya na bagong nail polish, kailan pa sya natutong maglagay ng Crayons sa kuko nya? Sa postura nya ngayon parang hindi sya sigaw ng sigaw kanina ahh..
"Ano ba kasing mga dinala mo at grabeng tagal ang inabot mo dun sa taas?" tanong naman ni Dianne na As usual ay pang model parin kung manamit at maka-upo..
"Ito!" sabay lahad ko sa likuran ko.
Sabay naman silang Napatayo sa nakita nila.
"Ano yan???" iritableng tanong ni Alexa.
"Baka maleta yan.. hindi din ako sure!" Pamimilosopo ko.
"Berks, bakit yan ang dinala mo? plano mo bang tumira dun?" Dianne
"ha? ano bang masama sa mga dala ko? eh, tatlong maleta lang naman yan!"
pagrereklamo ko.
"tamo! tatlong maleta! ano ba laman nyan? baka maya nagdala kapa ng gas stove, walis tingting, timba or baka may tabo at balde pa na nandyan?!"
"Hala, paano nyo nalaman??" pangangamot ko ng ulo.
kita kong natampal nila ang mga noo nila. Ano bang masama sa mga dala ko? turo kaya sakin nung teacher namin dati yun, na dapat palaging maging handa! ina-apply ko lang yung natutunan ko nung nasa gradeschool pa ako.
Buti nga may naalala pa akong lesson nun eh!
"Berks, hindi mo naman kailangan magdala ng mga ganyan.. Resort yung pupuntahan natin at hindi gubat kaya iwan mo na yang mga yan!" sabay sabit naman ng kamay nya sa braso ko.
"Pero-"
magrereklamo pa sana ako kaso ng pati si Alexa ay hinila na din ako papalabas ng bahay.
****
"Mga babae nga naman, ang babagal!" bungad samin ni Lee pagkarating na pagkarating pa lang namin.
nakakalungkot talaga.. alam mo yung tipong pinaghirapan kong iimpake yun tapos diko lang pala madadala?
Nakasumangot naman akong napayuko. Hindi ko kasi nadala yung mga inihanda kong gamit.
"Oh, anong nangyari dyan?" rinig kong tanong ni Dash
"Hay, naku Dash.. nagmamaktol kasi pinaiwan namin sa kanya yung dalawang maleta na dadalhin nya sana." mahabang paliwanang ni Dianne.
"Maleta?" sabay-sabay nilang tanong.
yung totoo? Ngayon lang sila nakarinig ng salitang MALETA at kailangan pa talagang banggitin ng sabay-sabay??
ilang saglit pa nga ay inakbayan naman ako ni Pillow.
Sige pillow, i-comfort moko'
"Wag kana malungkot pillow, hindi ka naman magtatayo ng karinderya diba?"
Grabe, nakakatuwa yung sinabi nya! Sige, pagpatuloy mo pa para pagbuhol-buhulin ko kayo nung girlfriend mo!
Hindi ko nalang sila pinansin at napatuloy nalang ako sa pagdadrama. dumiretso na agad ako sa pwesto ko sa sasakyan, kinuha ang ipod ko at nakinig na lang ng music..
mga walangyang yon! lagot lang talaga sila sakin pag nangailangan sila ng tabo!
pipikit na sana ako ng bigla kong maramdaman na may humablot ng isang side ng earphones ko.
"pwede maki-share?" sabay pakita sakin nung side na kinuha nya sa tenga ko.
"ha? ah- Oo, sige." pabulol kong sagot. Ito ang pangalawang pagkakataon na nagkausap kami ng ganito, kung natatandaan nyo ay ang una naming pagkikita ay yung pinahiram nya ako ng T-shirt at dun ko din napagnasaan ang abs nyang yummy.. remember nyo pa yun? yung nakakagigil na moment na yun? hmm?
tumabi sya sakin at malaya nyang isinandal ang ulo sa upuan at isinaksak ang isang bahagi ng earphone sa tenga nya saka pumikit.
Malaya ko na namang natignan ang maamo nyang mukha..
hahaaayyy... vitamins nga naman ng mata!
"Favorite song mo ba to?" bigla nyang tanong habang nakapikit pa din.
"Baka- kasi nasa playlist ko.." Okay, hindi din nakaligtas si Grey sa pamimilosopo ko. Hindi naman sya sumagot sa halip ay ngumiti lang ito.
Maganda ang First impression ko kay Grey, hindi lang dahil dun sa isang pagkakataon na tinulungan nya ako. Mabait din kasi sya kahit sa kapwa member at saksi ako dun kaya naman alam kong Swerte ang babaeng mamahalin nitong taong ito, at walang duda dun.
"Alam mo bang hindi maganda ang tumitig?" bulas nito habang nakapikit pa din sya.
agad naman ako nagbawi ng tingin. Langya! paano nya nalaman na pinagnanasaan ko sya? -pero syempre, joke lang..
"Kung ako sayo.. itulog mo na lang yang inis mo.." sabi nya na inayos ang earphone sa tenga nya. "mahaba pa ang byahe natin.. kaya kung ako sayo.. save your energy.." paalala nya.
sabagay, wala din naman mangyayari kung magta-tantrums ako dito..
tulad ng sinabi nya umayos nalang ako ng pagkakaupo at isinandal ko din ang ulo ko sa headboard habang ini-enjoy ang music.
now playing:
INVISIBLE by HUNTER HAYERS
Crowded hallways are the loneliest places
For outcasts and rebels
Or anyone who just dares to be different
And you've been trying for so long
To find out where your place is
But in their narrow minds
There's no room for anyone who dares to do something different
Oh, but listen for a minute
Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Those words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
Someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
Oh, invisible
Hindi ko alam kung natapos ko ba ang kanta bago ako tuluyang nakatulog.
[ Cody ]
Aminin ko man or hindi pero natatawa talaga ko sa expression ni Witch kanina.. Ayon pa sa kwento ni Dianne ay talong malalaking maleta pa daw ang dala!
Nakakatawa man pero syempre, nakaramdam din ako ng disapointment dahil malungkot sya. Alam ko pa naman ang ugali nun, basta pinaghirapan nya ay talagang didibdibin nya ng husto. Pero sana, mawala na yung pagtatampo nya once na makarating na kami sa destinasyon namin. Ang Cebu.
Ayon nga sa napag-usapan ay dun sila sa resort namin tutuloy.. Buti nalang pala at nakapag-pa reserve ako ng maaga dahil sa panahon ngayon lalo na at ganitong buwan ay maraming turista ang dumadayo sa resort.
matapos kong maibaba sa kotse lahat ng gamit ko ay dinala ko na iyon sa bus kung saan ako naka-asign sumakay..
hindi ko alam kung anong una kong mararamdman ng matanaw ko sa likurang bahagi ng bus ang natutulog na si Summer at ang mas nakagigimbal pa ay bahagya pa syang nakasandal sa balikat ng walangyang si Grey. Kapwa tulog ang dalawa at Lintek kasi share pa sila ng Earphone!
t*ngna! anong ibig sabihin nito?
at anong ginagawa ng walang hiyang Grey na yun sa tabi ni Witch?
sino nagbigay sa kanya ng karapatan tabihan ang pagmamay-ari ko? -wait? pagmamay-ari ko? ano ba pinagsasabi ko? -ah basta, naiinis ako!
Nanginginig ang mga kamao ko sa halong inis at selos, Oo, p*tcha nagseselos ako na kung pwede lang ay sarap magbasag ng mukha ngayon! kung nakakamatay lang din ang tingin ay baka binangungot na si Grey sa pagtulog nya dahil sa sama ng tingin na pinapaulan ko.
Pakiramdam ko ay inulan ako ng milyong-milyong karayom sa puso ko sa nakikita ko.
Bakit nga kasi sila magkatabe??
nakakainis talaga!
hindi ba inisip ng babaeng yon
kung ano mararamdaman ko kung makikita ko silang ganito??
haizt!
ako dapat ang nasa tabi ni Witch ay hindi ang bakulaw na yan!
aaarrgg!
nag-isip ako kung anong pwede kong gawin para mapaalis ang lalaking yan sa tabi ni Summer, hindi naman pwede na gigisingin ko lang yung dalawa tapos itatapon so Grey sa labas ng sasakyan. Dahil nag-aarrange ako ng mga gamit ko ay sinadya ko nalang ibalibag ang bag ko na nag create ng ingay at konting vibration ng sasakyan.
Muli kong silang sinulyapan, Langya! hindi man lang nagising!
sinadya ko namang tumalon-talon sa loob pero, putres mas lalo pang napasandal si Summer sa Balikat ni Grey!
P*tcha!
Halos pigain ko na ang utak ko kakaisip paano sila magigising..Pero nagkaron ako ng mas magandang ideya kung paano sila ko gagawin iyon.
[ Summer ]
Maganda na sana ang tulog ko ng makarinig ako ng sobrang lakas na tugtog.. Sino kayang walangyang nagpatugtog ng ganyan kalakas?? parang mababasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ah?! pagdilat ko ay ganun na lang ang gulat ko ng mapagtanto kong naka-unan pala ako sa balikat ni Grey na mahimbing padin na natutulog.
Sh*t! bakit ako naka-unan sa kanya??
baka ano isipin ng makakakita samin..
maingat kong inalis ang ulo ko sa pagkakaunan sa kanya. Mahimbing talaga ang tulog nya dahil kahit malakas ang tugtog ay hindi pa din sya nagigising.
tulog mantika!
Matapos ang maingat kong pagtayo ay ganun na lamang ang gulat ko ng nakita ko si Cody na nakatayo sa bandang unahan ng bus at bagsak ang mga balikat itong nakatingin samin.
Im Dommed!
kita ko ang lungkot sa ekspresyon sa mga mata nya. hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng Guilt sa sarili ko.
Gusto kong magpaliwanag- pero bakit naman ako magpapaliwanag? natulog lang naman ako?!
pero kahit na!
baka maya kung ano isipin nya..
"Cody, ano-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang itong tumalikod at lumabas ng bus ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin. wala naman akong nagawa kundi sundan lang sya ng tingin.
parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hinayaan kong makatulog ako knowing na katabi ko pa si Grey.
pero- kailangan kong magpaliwanag sa kanya- pero teka nga! bakit naman ako magpapaliwanag? wala naman akong ginagawang masama ah!
ang tanging kasalanan ko lang naman ay nakatulog ako at napaunan ako kay Grey- nak ng p*tcha, yun ang point eh! so kailangan kong magpaliwanag sa kanya!
Susundan ko na sana sya sa labas ng magsabay-sabay naman ang pagpasok ng Gang at naanod naman ako pabalik sa pwesto ko.
Sh*t, kailangan kong makalabas dito! sa tingin ko talaga kailangan kong magpaliwag, na mali ang iniisip nya, na aksidente lang na napasandal ako kay Grey..
putres! sana lang ang magawa kong sabihn lahat yun!
hinintay ko muna na makapwesto ang lahat bago ako bumaba.
Pero nasa labasan na sana ako ng bus ng makasalubong ko naman si Cody papasok na ulit. Aktong tatawagin ko na sana sya pero parang nanlamig ang buong katauhan ko ng nilagpasan nya lang ako at nagtungo lang sa upuan nya.
Okay, masakit. Galit nga talaga sya.
parang napako naman ako sa pagkakatayo.. ito kasi ang unang pagkakataon na hindi nya man lang ako pinansin.
"Boss, hindi ka pa ba uupo? aalis na tayo.." tawag sakin ng isang member.
Muli kong sinulyapan si Cody na nasa labas lang nakapako ang tingin.
Dahil sa oras na nga para umalis ay naghanap na ako ng mauupuan, Pero sigurong malas lang talaga ako ngayong araw dahil yung pwesto ko kanina ay occupied na!
putres! san ako uupo??
Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng sasakyan at leche talaga kasi wala akong makita! Pero para naman akong nanalo sa lotto ng makakita ako ng bakanteng upuan.. para naman akong batang tuwang-tuwa na agad nilapitan ang pwestong yon.
Pero sadya nga yatang nang-aasar ang tadhana sakin dahil nung paglapit ko ay saka ko lang napagtanto na sa tabi pala yun ni Cody..
matagal ko munang pinagpalit-palitan ng tingin yung upuan at si Cody na nakatingin pa din sa labas.
Uupo ba ako? or pwedeng sa compartment nalang ako pupwesto?
"Ah- ano, paupo haaa.." nanlalamig kong tanong.
Sh*t, kung sasabihin nyang hindi, may magagawa ba ko'?
dahil sa hindi man lang sya sumagot ay umupo na lang ako.
Alam mo yung moment na maingat ako sa pag-upo para hindi ko sya masagian? then nung pag-upo ko pa ay bahagya pa akong nakatagilid dahil natatakot akong magkadikit yung mga siko namin?!
Hirap ng Sitwasyon ko teh!
Nagsimula na ang mahabang byahe pero ganun pa din ang posisyon ko. Sa totoo nyan ay ngawit na ngawit na nga yung kabilang bahagi ng pwet ko dahil hindi balance ang pagkaka-upo ko..
Kanina pa din ako pinagpapawisan ng malapot dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon.
Kung hindi ka kasi naging boba, edi hindi sana nagalit sayo ung tao!
putres! sarap talaga pagalitan ang sarili ko!
Muli kong sinulyapan si Cody..
Langya! hindi ba sumasakit ng leeg nya dahil kanina pa sya nakatngin sa labas?
Ilang sandali pa nga ay nakarinig ako ng pagtawag mula sa likod. Paglingon ko ay si Grey ang tumatawag. Ngayon ko lang napansin na nasa likod ko lang pala sya nakapwesto, katabi naman nya si Kerr.
"Okay ka lang?"
mahina nitong tanong.
Bwiset, sasabihin ko ba ang totoo? sasabihin ko ba na hindi ako komportable? sasabihin ko bang kanina pa masakit ang pwet ko sa pagkakaupo ng patagilid?
"ha? ah-eh, Oo.." sh*t ang sarap ipagsigawan na HINDI ako okay!
"para kasing nahihirapan ka sa pwesto mo.." ramdam ko ang pag-aalala sa boses nya.
langya! ganun ba ka-obvious?
"Kung gusto mo, dito ka nalang sa tabi ko.. Switch kayo ni Kerr." sabi nyang tinapik si Kerr at agad naman itong tumayo at ready na makipag-palit ng pwesto sakin.
kung makikipag-palit ako baka ano isipin ng mga tao.. baka isipin nila na may problema kami ni Cody- kahit totoo naman!
"Lika na, palit kayo ni Kerr.." muli nitong yaya sakin.
langya! ang sarap liparin ng pwesto nya!
Pero kukunin ko na sana yung bag ko na nasa paanan ko lang nang maramdaman ko ang madilim na enerhiya na nakapukol sakin.
Nang mag-angat ako ng tingin ay parang biglang nagkaron ng maitim na ulap na may dalang kulog at kidlat ng makita kong Nakatingin sakin si Cody..
Hindi sakin, kundi sa kamay kong hawak-hawak ang bag..
Walang emosyon itong nakatitig lang sa kamay ko.
pakiramdam ko ay tila biglang nanigas ang buong katawan ko sa titig na pinupukol nya.
napalunok ako ng laway ng wala sa oras..
Okay, Summer.. wag ka nang gagawa pa ng bagay na mas lalong ikagagalit nya..
Para naman akong isang suspect na caught-red-handed.. as an
alibi, ay kunwaring pinagpag ko nalang ang bag ko at muli ko itong binalik sa paanan ko ng hindi sya nililingon.
"Ano Boss? lilipat kaba?" muling tanong sakin ni Kerr.
"Ha? ay- hindi. Okay lang ako dito." sagot ko na mapaklang ngumiti.
"Sure ka?" tanong pa ni Grey.
"Oo naman.. okay na okay.." sagot kong pilit na ngumiti.
bumalik naman sa pagkakaupo si Kerr at kita ko pa din ang pag-aalala sa mukha ni Grey..
Pero hindi talaga ako pwede lumipat.. Mas lalong magagalit yung halimaw dito sa tabi ko.
Para naman hindi ko gaanong maramdaman ang tensyon ay muli kong kinuha ang ipod ko.
Playing:
SORRY by Boyzone
"im sorry,"
It's all that you can say?
Years gone by and still
Words don't come easily
Like "sorry" (like "sorry"...like "sorry"...)
"Forgive me,"
is all that you can say?
Years gone by and still
Words don't come easily
Like "forgive me" ("forgive me"..."forgive me"...)
"Forgive me..."
[Chorus:]
But you can say, baby
Baby can I hold you tonight?
Baby, if I told you the right words
oooh, at the right time
You'll be mine
habang pinapakinggan ko ang kantang to' ay hindi ko mapigilang hindi sulyapan si Cody na ngayon ko lang napansin na naka earphones din.. bigla tuloy akong napaisip anong kanta ang pinapakinggan nya..
panigurado, mga rock or ballad song ang mga gusto nyang pakinggan..
medyo na-curious lang ako ng konti kung anong type ng mga kanta ang gusto nya..
[ Cody ]
Playing:
MAD by Ne-yo
She's starin' at me,
I'm sittin', wonderin' what she's thinkin'.
Nobody's talkin',
'Cause talkin' just turned into screamin'.
And now is I'm yellin' over her,
She's yellin' over me.
All that that means
Is neither of us is listening,
(And what's even worse)
That we don't even remember why were fighting.
So both of us are mad for
Nothin'
(Fighting for).
Nothin'
(Crying for).
Nothin'
(Whoa).
But we won't let it go for
Nothin'
(No not for)
Nothin'.
This should be nothin' to a love like what we got.
Oh, baby
I know sometimes
It's gonna rain
But baby, can we make up now
'Cause I can't sleep through the pain
(Cant sleep through the pain)
[Chorus]
Girl, I don't wanna go to bed
(Mad at you),
And I don't want you to go to bed
(Mad at me).
No, I don't wanna go to bed
(Mad at you),
And I don't want you to go to bed
(Mad at me)
Oh, no, no, no
[ Summer ]
Sa sobrang haba ng byahe ay halos ma-drain ang lakas ko.. matapos kasi kaming maihatid ng bus sa Airport deretso papuntang Cebu ay nakaramdam ako ng hilo.. Expected ko na to' dahil hindi naman ako sanay sa mahabang byahe.. pero nung oras na lumanding ang eroplano ay nakaramdam ako ng sobrang excitement, hindi dahil sa magsisimula na ang totoong bakasyon, kundi dahil masyado kong namiss ang Cebu.. Dito kasi ako tumira ng ilang taon bago ako napunta poder ni Kuya Gayle.
Medyo ilang oras din ang binyahe namin papunta sa Resort nila Cody. Ang pagod at antok na natamo namin ay agad naman nasuklian ng magandang tanawin pagkarating namin sa resort..
"Welcome back Sir Cody.." bati agad nung isang lalaki kay Cody pagkakita nito..
"please help them find their respective rooms.. dederetso na lang ako sa kwarto ko.." walang emosyon nitong utos saka nagdire-diretsong umakyat sa isang magarang hagdan na napapaligiran ng mamahaling mga mwebles.
Galit pa din talaga sya...
As expected ay magkasama kami ni Alexa sa isang kwarto.. sina Dianne at Lie naman nag magkasama sa katabi nitong kwarto.
"Besfie, magkagalit ba kayo ni Cody?" hindi ko inaasahang tanong sakin ni Alexa habang nag-aayos ng mga gamit niya.
"Ha? hindi ah!" sagot ko.
"ah, ganun ba? pansin ko kasi na hindi kayo nag-uusap kanina.." tumango-tango lang ito.
"ano kasi- mas gusto kong magpahiga kesa makipag-kwentuhan sa kanya.." pag-iiwas ko ng tingin.
letse! ganun na ba talaga ka obvious na may tensyon sa pagitan namin ni Cody?
After kong maimpake ang mga gamit ko ay nagpaalam naman ako kay Alexa na mag-ikot-ikot since gusto kong i-explore ang lugar, since nagpasya din yung tatlong magjo-jowa na mag-iikot-ikot din kaya naman nagpasya akong umalis nalang ng mag-isa.
Ang totoo ay kahit ilang taon din na napatira ako dito sa Cebu ay hindi naman talaga lahat ang lugar dito ay alam ko.
Dahil sa hindi pa ako nakakakain ay dumaan muna ako sa isang kainan. Habang kumakain ay naengganyo naman akong sumakay sa isang pamasaherong bangka na kung tawagin nila ay pamboat papunta sa kabilang isla. Tutal naman ay alas-3 pa nang hapon, panigurado makakabalik ako bago maghapunan.
120 lang ang bayad sa Pamboat at isang oras lang mahigit ay nakarating na agad ako sa kabilang isla.
parang bata naman akong tuwang-tuwa pagkatapak ko pa lang sa isla. Maraming mga tindahan sa paligid na nagbebenta ng mga souvenirs Kaya naman bumili ako ng ilan para kina Alexa Para naman hindi nila masabing selfish ako dahil wala man lang sila natanggap galing sa paglalamyerda ko ng mag-isa.
Hindi ko alam kung ilan na ang nagastos ko, bumili kasi ako ng mga cute na bracelettes para sa mga bruha, may t-shirt din akong binili para sa sarili ko.
Tuwang-tuwa naman akong pinagmasdan ang mga pinamili ko habang naglalakad.
Pero laking gulat ko na lang ng may biglang tumulak sakin dahilan para matilapon ako sa kabilang kalsada kasabay sa pagtilapon ko naman ay ang isang babae, kasunod noon ang mabilis ng takbo ng isang sasakyan.. kita ko namang agad tumayo yung babae at nagtungo sa pwesto ko.
"Miss, okay ka lang?" tanong nyang naglahad ng kamay.
Maamo ang mukha nito na tila ba isang birhen.. mahaba ang buhok at katamtaman lang ang kulay ng balat nito. matangos din ang ilong nya at natural na mamula-mula ang lani nito.
GANDA TEH!!!
"ay, uu.. okay lang ako. salamat!" tinggap ko ang kamay nya at tumayo.
"Pasensya na at napalakas ang tulak ko sayo, kung hindi ko kasi gagawin yon baka nahagip ka na nang sasakyan ng lokong diver na yun!" paliwanag nya.
ahh.. so tinulak pala nya ako para hindi masagasaan..
"ay, naku! wala yun.. pasalamat pa nga ako dahil iniligtas mo ko'" sabi kong nangangamot sa ulo.
katangahan kase, Summer!
"sya nga pala, taga-rito ka?" tanong ko. Hindi ko man lang naisip na sya dapat ang nagtatanong nun sakin.
"Ewan.. Siguro." nahihiya nyang sagot.
"ha? bakit? turista kadin ba dito?" muli kong tanong.
"ah- hindi!" mabilis nyang sagot.
Naisip kong baka taga kabilang isla din sya..
"Ay, sya nga pala- Ako nga pala si Summer.." paglalahad ko ng kamay sa kanya.
mabilis naman nya itong tinanggap at ngumiti.
"Cassandra.." sagot nya.
parang mga bata naming pinaglaruan ang pagha-handshake namin. sa totoo nyan ang natutuwa ako sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya at hindi ko alam kung bakit.
Nagpasya kaming maglakad-lakad dahil nadin sa gusto kong mas makilala pa sya.
"Sya nga pala, ikaw? turista ka dito?" baling nya sakin.
"Oo, actually, hindi dito. Sa kabilang isla.. Sembreak kasi ngayon then napagpasyahan ng grupo namin na dito kami i-spend yung bakasyon namin." paliwanag ko na tinignan ang Cellphone ko. Ngayon ko lang napuna na wala palang signal dito.
"Grupo? may mga kasama ka?" nalilito nyang tanong.
"Oo, pero nasa kabilang isla sila. Sa ngayon ako lang ang nandito." muli kong baling sa kanya at isinauli ang cellphone sa mini bag ko.
"ahh.. so, nakapag-pareserve ka na ba ng hotel dito?"
"hotel? hindi na kailangan kasi uuwi din naman ako agad."
kita ko ang pangungunot ng noo nya.
"Ngayon ka uuwi?" muli nyang tanong na tila sinisigurado kung sigurado ba ako sa sagot ko.
"Oo, bakit may problema ba?" tanong ko.
"Sa totoo nyan kasi.. Bukas pa ang byahe pabalik sa kabilang isla.." sabi nyang nilingon ang dagat.
"Huh?" parang gusto tuloy manlambot ng tuhod ko sa narinig ko.
"Kaya nga dapat makapag-pareserve kana.." muli nyang sabi.
"teka- bakit bukas pa?" paghi-hyterical ko.
"Ang last kasi na byahe pabalik sa kabilang isla ay kaninang alas-4.. then bukas ng umaga ang susunod." paliwanag nya.
Tama, may nakasalubong nga pala yung sinsakyan kong pamboat kanina! So, yun ang last na byahe pabalik?
P*tres!
Bakit bukas pa?
bukas pa pala ako makakauwi! pero hindi naman problema yun eh,
Ang pinaka-malaking problema nito, ubos na yung pera ko kakabili ng mga kung ano-ano kaya hindi na ko makakapag-pa reserve ng matutulugan!
bagsak naman ang mga balikat kong humarap kay Cassandra.
"Cass.. may problema eh.." parang bata akong nag-pout pagkasabi nun.
agad naman syang lumapit sakin.
"Oh, anong problema?"
parang gusto kong maiyak sa sitwasyon ko ngayon. Pakiramdam ko ay mararanasan ko nang matulog ngayon sa kalsada.
"Wala na kasi aking pera para magbayad ng matutulugan.." nanlulumo kong sagot.
kita ko namang may sumilay na mga ngiti sa labi nya.
Langya! nakakatuwa ba yung matulog sa kalsada at ngumingiti sya?!
"Wag kang mag-alala, dun ka muna samin matulog.."
para namang bata akong agad na yumapos sa kanya.
"Naku, Cass.. salamat! hindi ka lang talaga maganda, mabait kapa!"
natatawa naman nyang ginulo-gulo yung buhok ko, parang so Cody lang. Medyo nag-aalala din ako dahil hindi ako makakapagtext or makakatawag man lang para sabihin na hindi ako makakauwi, panigurado akong mag-aalala sila kung hindi ako uuwi ngayon. Pero wala naman akong magagawa kundi maghintay hanggang kinabukasan.
Bago kami nakarating sa bahay nila ay dalawang beses kaming sumakay ng tricylcle.
Mangha kong iginala ang mga mata ko pagkarating palang namin sa kanila. Para tuloy akong nasa native na Filipino house. Yari lamang ito sa kahoy at hindi ito gaanong kalakihan.
hindi paman kami nakakapasok ay may sumalubong naman sa amin na isang edaran na babae.
"uy, Sandra, niabot na diay ka?"
(uy, Sandra, dumating kana pala?)
"Oo, ma.. naa ko kauban." ngiti nito
(Oo, ma.. meron akong kasama.)
May alam ako ng konti sa bisaya pero hindi parin iyon sapat para maintindihan ko sila. Sa bahay kasi na tinitirahan ko dito sa Cebu ay tagalog ang ginagamit naming lenggwahe.
"hi po-" bati ko na siniko si Cass ng bahagya sa tagiliran nya. "Okay lang ba na magtalog ako?" mahina kong bulong kay Cass.
"Oo, naman! dati nahihirapan sila, pero ngayon nasanay na lang sakin." sagot nitong hinila ako papasok ng bahay. Puzzled man sa sagot nya ay sumunod na lang ako.
Pagkapasok naman namin ay agad kong napansin ang matandang lalaki na nakaupo lang habang naghihimay ng malunggay.
"Hello po-" muli kong bati.
"Ay, sya nga pala Summer.." tawag nyang nilapitan ang matandang lalaki na binati ko. "..Si papa Ensio, then yung kanina si Mama Elsa." pagpapakilala nito.
"bakit ka naman ginabi anak? nag-alala tuloy yung mama mo sayo.." tanong nung Papa nito kay Cass na nangamot lang sa ulo.
"Pasensya na Pa.." paumanhin nito.
Ewan ko pero para akong biglang nakaramdam ng inggit knowing na may parents sya nag nag-aalala. Yung tipong hahanapin ka kung hindi kapa umuuwi. Yung feeling na may nag-aalala sayo, tatanungin kung okay ka lang.. yung mga ganong bagay... Naiingit ako, inaanmin ko kasi kahit lumaki ako sa marangyang buhay ay saglit ko lang naranasan ang magkaron ng may nag-aalaga sakin at iyon yung buhay pa ang parents ko. Oo, sinubukan ni kuya Gayle na punan ang pagkukulang na yon pero, iba parin talaga kung sa mga magulang manggagaling iyon.
"sya nga pala iha, tatay nalang itawag mo sakin, oo nga pla, taga-rito ka iha?" napukaw ako sa pag-iisip sa tanong na iyon ni tatay Ensio.
"Ay, hindi ho- bakasyon lang po dito na ilang araw.." sagot ko at ipinaliwanag ko pa ang iba.
"Magaling talaga pumili ng kaibigan ang anak ko.. Maganda din tulad nya!" natatawang bulas ni tatay Ensio
"Salamat po sa pagiging honest!" biro ko at nagtawanan lang kami.
"kamatikod ka Elsa nga Anggid-anggid silag panagway?"
(pansin mo ba elsa na parehas sila ng mukha?") baling ni tatay Ensio kay Mama Elsa.
hindi ko naintindihan ang sinabing iyon ni Tatay Ensio kaya naman napalingon ako kay Cass na nginitian lang ako.
Hapunan nun at kahit walang silang mga pangmateryal na mga gamit tulad ng t.v or radyo na nag-e-enrertain sa kanila ay masasabi ko ang mga tawa at halakhak naman nila ang pumupuno nun. Wala kaming ginawa sa buong hapunan kundi puro tawa lang ng tawa, ang sarap kasi magkwento ni Tatay Ensio, natatawa din ako sa malulutong na tawa ni Mama Elsa.
******
"Alam mo Cass, ang swerte mo sa mga parents mo.." Hindi ko mapigilang sabihin sa kanya. Nasa tabing dagat lang kami ngayon at nakatingin lang sa kawalan na hindi ko na marecognize kung dagat pa ba ang tinatanaw namin or langit na dahil sa iisa lang ang kulay nila sa dilim.
Malamig ang hangin ng dagat ngayon.. nakaka-relax ang tunog ng alon.
kita ko namang syang Napangiti sa sinabi ko.
"Maswerte din sila sayo kasi mabait ka-"
"Hindi sila ang totoo kong mga magulang.." bigla nitong sabi saka ito tumingin sakin.
nagsalubong naman ang mga paningin namin. Hindi ko na siguro kailangan pang magtanong dahil ang tingin ko na mismo ang nagtatanong nun.
muli syang humarap sa dagat.
"Hindi ko kilala ang sarili ko Summer..."
samut-saring tanong na ang umulan sa isip ko.
"Anong sinasabi mo?" ako
bumuntong hininga muna sya bago muling nagsalita.
"Ilang taon na ang nakakalipas ng makita ako ni Papa sa tabing dagat di kalayuan dito habang nangingisda sya.. Wala daw akong malay nun.. Akala nga daw nila na patay nako eh.. inalagaan nila ako, Halos ilang linggo akong walang malay nun.. Dating Nurse ni Nanay Elsa kaya sya lang ang nag-alaga sakin nung mga panahon na yun. Pagkagising ko.. Wala na akong maalala."
Napatakip ako sa bibig ko ng wala sa oras sa mga narinig ko. Nakakabigla yung mga nalaman ko tungkol sa kanya.
"Walang anak sina Mama at Papa.. hindi sila nabiyayaan ng anak sa haba ng pagsasama nila. Kaya naman napagdesisyunan kong manatili na lang sa poder nila kesa sa hanapin ang sarili ko. That time kasi parang hindi pa ako handa na malaman ang katauhan ko. Ewan, natatakot lang talaga ako.."
"So, hindi mo alam kung san ka galing?"
tumango lang sya.
naisip ko na kaya siguro kami nagkasundo ay dahil sa halos iisa lamang ang scenario ng buhay namin. Ako, hindi ko din kilala ang totoo kong mga magulang, pero mas pinili kong wag na lang iyon alamin pa. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko kapag makilala ko na sila. Makakaramdam ba ako ng tuwa dahil sa wakas ay may matatawag na akong totoong magulang or Mangingibabaw ang galit dahil ibinigay lang nila ako ng ganun-ganun na lang?
Hindi ko talaga alam..
"Teka, paano mo nalaman yung pangalan mo kung wala kang naalala?" naguguluhan kong tanong.
Hindi muna sya sumagot sa halip ay humarap sya sakin at ipinakita ang kwintas nyang may letter "C" na pendant.
"Naisip nila na ang pangalan ko ay nagsisimula sa letrang C kaya binigyan nila ako ng pangalan na nagisimula din sa ganung letra.." ngiti nya.
Sa ngiti nya ngayon ay ramdam ko ang lalim ng pinapasan nya. Pero alam kong tulad ko ay natatakot din syang malaman kung sino talaga sya..
Pero- Sino nga ba talaga sya??
itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top