Chapter29


[ Gayle ]

Halos dalawang buwan na pala ang nakakalipas simula noong ibigay ko kay Summer ang pangangalaga sa Mugen-Dai.. Wala man ako palagi sa tabi nya ay sinisiguro ko naman na palagi akong nakaantabay sa kanya.
Noong umalis ako sa Old Watt Mansion ay sinabi kong pupunta ako ng ibang bansa para asikasuhin ang malaking problema ng isa sa mga business na naiwan ng mga magulang namin doon, pero ang totoo ay nasa Pilipinas lamang ako. Sinabi ko pang malaki ang problema na kumpya namin din pero sa totoo lang din ay mild lang na problema kaya naman ilang araw lang ako nag-stay  
Nagbabantay kay Summer..
Alam ko kung gaano ka peligroso para sa kanya ang buhay ng pagiging Leader ng MD.. kaya nga hindi ko maaatim na basta na lamang sya iwan dito.

Kasalukuyan akong naninirahan sa isa sa mga bahay bakasyunan ng pamilya namin. Hindi alam ni Summer ang lugar na ito kaya naman ay dito ko napiling tumira muna.
Bawat ginagawa ni Summer ay alam ko.. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga ginagawa nya, ang sa akin lang ay maprotrektahan sya sa kanyang pamumuno. Alam kong malaking responsibilidad ito sa kana. Pero nakita ko sa kanya ang isang katangian na wala ako bilang pinuno ng Mugen-Dai.. katangian na kulang sakin na dapat magpupuno sa pagiging pinuno.

Kasalukuyan ngayong binibigyan ako ng report ng isa sa mga hired buddy guards ko tungkol sa pagbabantay nya kay Summer. Ayon sa report nya ay nagkaron daw ng pagtatalo sa pagitan ng Dean na si Mr. Trazona at ni Summer dahil sa mga bagong batas na ipinatupad nito sa MD..

Hindi ko sukat akalain na gagalawin ni Summer pati ang mga Rules ng MD.. Sa totoo nyan kasi, ilang taon ko nang pinamumunuan ang MD pero ni hindi ko man lang nagalaw ang mga Rules nito. Hindi sa hindi ko kaya. Gusto ko kasing ma-preserve kung ano man ang nakasanayan ng Gang.. Pero, sa pagkakataong ay napatunayan kong wala akong dapat ikabahala dahil alam kong alam ng kapatid ko ang ginagawa nya.

Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina ko, nagbukas ito at iniluwa ang isa sa mga bantay sa labas ng resthouse. Nag-bow muna ito sa harapan ko bago muling nagsalita.

"Boss, Gayle.. Telephone call."

"Please Transfer it to my line.." utos ko sabay dampot ng telephone na nasa lamesa ko lang..

"How's the Big Boss of Akiyama empire and Currently leads the Biggest Gang in the History?" panimula ng kabilang linya.
Hindi na ako magtatanong kung sino ang nasa telepono dahil kilalang kilala ko ang boses nya..

"Still aiming for justice.." matigas kong sagot. Im talking with the Mugen-Dai's Tough Rival in Gang World,  INFERI's Gang Leader.

"Alam mong wala akong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo." mahinahon nyang sagot.

"Wala? Hindi na ako bata para paniwalaan pa yan.."

"Gayle-"

"Dont you even dare to speak my name with your filthy mouth!" sigaw ko.

"Maraming pinagsamahan ang Bawat kampo natin sa kasaysayan ng Gang.. Bakit mo itatapon na lang iyon ng basta-basta?" may himig ng pagtatampo sa boses nya.

Curse him!

"Pinagsamahan na kayo mismo ang sumira!" panggigigil ko.

"Alam mong hindi magagawa ng kampo ko ang pinagsasabi mo.. iginagalang namin ang Mugen-Dai tulad ng paggalang ng kampo mo sa amin.. Iho, matagal na iyon.."

"You're right.. Matagal na nga. Pero yung sakit na iniwan ng trahedyang iyon ay masyado pang sariwa para sakin."

"Anak-"

"Wag mokong matawag-tawag na anak dahil hindi kita Ama!"

"Alam mong itinuring kitang anak kahit nung nabubuhay pa ang Papa mo.. masakit din para sa akin ang nangyari noon. But, Kailangan nating mag-move on.."

"As if alam mo ang pinagdadaanan ng pamilya namin!"

"..Alam ko... At alam mo din yan.."

"you don't know anything so please stop pretending as if you care!"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.   Malapit ang pamilya nya sa pamilya namin kaya naman kahit galing sila ni Papa sa magkaibang Gang ay itinuring nila ng isat-isa bilang tunay na magkapamilya. Totoo, na malapit din ako sa kanya noon, Wala pa si Summer nun sa Buhay namin. Sa tindi na pagkakaibigan nila ay nagawa nilang mapag-isa ang Dalawang pinaka-malaking Gang sa kasaysayan. Pero masasabi kong kahit gaano pala katibay ang isang samahan ay sadyang darating din pala ang panahon na magkakaron ito ng lamat.
Matapos mawala ang parents namin ay ilang beses nya akong ginustong kausapin pero hindi ko iyon pinag-bibigyan. Kampo nya ang dahilan at may kagagawan ng pagkawala ng magulang ko at hindi ko iyon mapapatawad.
Nagkaron ng trahedya sa pamilya namin at ang Inferi Gang ang may kagagawan. Inambush nila ang sinasakyan nila mama at papa at ang dahilan ay ang Negosyo na matagal ng magkasosyo ang Mugen-Dai at ang Inferi Gang..

Ang dalawang Gang na nooy iisa lamang ang pilosopiya at paniniwala ay hindi mo aakalaing parang mga Leon na at tigre ngayon na konting problema lang ay magpapatayan na.
Ilang taon na ang nakalipas na ang tanging nakakabangga lamang ng MD ay ang Inferi..
Ang Sobrang galit na natamo namin galing sa Inferi ang naging puhunan namin para mas maging matatag ang Mugen-Dai..
Galit na naipasa sa henerasyon ngayon.
Sabagay, matatag na ang Mugen-Dai noon pa man kahit wala pa ang Inferi Gang kaya naman hindi nakapagtataka kung naging mas matatag at maunlad pa ngayon ang MD kumpara sa Inferi..

"Hindi ako tumawag para makipag-talo sayo Gayle.. I called to discuss a very important matter.." mas naging mahinahon na ang boses nya kumpara kanina.

"Sa palagay ko ay wala namang dapat pag-usapan pa ang mga kampo natin.." ibaba ko na sana ang telepono ng muli syang magsalita.

"...It's All about your Sister." bulas nya.

Bigla-bigla lang ay para akong lumalagablab na apoy na bigla na lang nabuhusan ng napakalamig na tubig.
Nag-igting ang mga panga ko sa mga naisip ko.

"Dont you even lay a hand on her or else uubusin ko kayong lahat!" Halos mawarak ang telepono sa higpit ng pagkakahawak ko.

"...then, meet me."

Wala akong plano makipagkita sa kanya or kahit makita man lang ang anino nya dahil mas lalong lumalala ang galit na nararamdaman ko para sa matandang iyon! Kukulo lang ang dugo ko kung makikita ko ang pagmumukha nya.
Pero, T*ngna! Kapatid ko na ang pinag-uusapan dito!

"Where?"

Matapos nyang ibigay ang location kung saan kami magkikita ay dali-dali kong ipinahanda ang sasakyan. Bago din ako umalis ay nagpadagdag pa ako ng tao na magmamanman kay Summer. Kailangan ko munang siguraduhin na ligtas ang kapatid ko.
Traydor ang INFERI Gang, kaya hindi dapat ako maging kalmado pag sila ang kaharap..

*******

"This is not true!" nanginginig kong sabi habang  hawak-hawak ang isang pirasong papel na kanina ko pa pinagmamasdan.
Sa isang liblib na resthouse nya ako ngayo at dito nya napiling magkita kami. Alam ko din ang resthouse na to dahil minsan na akong dinala dito si Papa kaya naman hindi na ako nahirapan pang hanapin ang lungga nya.

"hindi nagsisinungaling ang resulta, Gayle." sabi nitong nagdekwatro.

"Hindi totoo ang nakalagay dito.. alam kong isa lang ito sa mga paraan mo para mapagsak kami!"

"Hindi ko kailangan lokohin ang sarili ko para lang gumawa ng isang kwento Gayle.. Nakakapagod ang ganun at wala na akong oras para maglaro.. Hindi na ako bata para dyan. At kung gusto man kitang pabagsakin, dapat kanina kapa patay dahil nasa teritoryo kita.." Hindi parin nagbabago ang pagiging kalmado sa boses nya nya.

Tiim bagang ko syang tinignan.. hindi pwede ang lahat ng nabasa ko! Alam kong kasinungalingan lang ang lahat dahil imposibleng totoo ang lahat ng nakalagay dito sa papel!

"Madali lang ang gumawa ng mga papeles katulad ng ganyan!"

He cant Convince me lalo na't alam kong isa din syang maimpluwensyang tao. Kaya nyang bayaran ang kahit sinuman para mapasunod ito sa kanya.. Gamit ang yaman nya ay madali lang para sa kanya ang magmanipula ng mga papeles katulad nito..

"This is all lie.. nagsasayang ka lang ng oras para ipakita pa sakin to.." dagdag ko.

Wala paring ekspresyon sa mga mata nya at ayoko ng ganun.

"Bakit hindi mismo ikaw tumuklas ng sagot sa pagdududa mo..DNA test lang ang tanging makakasagot sa lahat."

"Hindi, Ayoko!" tumayo na ako. Ayoko na nang ganitong flow ng usapan. Tutal ay paraan nya lang naman to para magulo ang pag-iisip ko.

Tumayo na din sya at nagtama ang mga paningin namin.

"Bakit? Dahil natatakot kang malaman na totoo lahat ng nakalagay sa papel na yan?" paghahamon nya.

"Hindi ako natatakot. Sadyang hindi lang ako nagpapauto. My Father is a Very good man, Ang tanging naging pagkakamali lang nya ay yung pinagkatiwalaan ka nya at sisiguraduhin kong Hindi ko gagawin ang pagkakamaling iyon.." yun lang at tatalikod na sana ako ng muli syang magsalita.

"Dont be Unfair to her.. It's her right to know where she really belongs.."

Damn it! hindi ko na sya kayang pakinggan. Hindi ko na sya nilingon at nagpatuloy na lang sa paglabas sa kwartong iyon.

Ilang minuto na ang nakakalipas simula nung umalis kami sa resthouse nung matandang iyon at kasalukuyan naming binabaybay ang daan papauwi sa Resthouse na tinutuluyan ko.
Kanina ko pa tinititigan ang papel na hawak-hawak ko. Alam ko sa sarili ko na isa lamang itong patibong para kumagat ako sa gusto nyang mangyari.. Pero.. Bakit parang may nagtutulak sakin para alamin din ang totoo? Mahal ko ang kapatid ko at ayokong mapahamak sya.. Pero kung sakali mang totoo ito- No! Isa lamang tong malaking kasinungalingan!

"Aruji, Gayle... okay lang po ba kayo?" Tanong sakin ni Mr.Noda na sinilip ako mula sa rear view mirror nya. Sya ang nagvolunteer para ipag-drive ako papunta sa lugar ng matandang iyon.

"Hindi.." Sagot ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan at maya-maya pa nga ay muli akong sinilip ni Mr. Noda.

"Ano po bang gumagambala sa inyo?" batid ko ang pag-aalala sa boses nya.

Muli kong sinulyapan ang papel.

"Si Summer..." sambit ko.

Nakatingin lang sya sakin na hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"May problema po ba kay Ms. Summer?" muli nyang pagtatanong.

Sh*t! hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito kay Mr. Noda.. Nagdadalawang isip pa kasi ako kung dapat ko bang sabihin ang ganitong mga bagay sa kanya.. Hindi naman dapat diba dahil isa lamang tong malaking kalokohan ng matandang iyon? Pero, kung wala akong pagsasabihan nito baka sumabog na ang utak ko sa sobrang pag-iisip.

"Ilang araw po ba bago makuha ang resulta kung magpapa-DNA test?" tanong ko sa kanya.

Makahulugan nya lang akong tinignan. Sana ay hindi na sya magtanong kung bakit ko naitanong ang bagay na iyon dahil wala akong maisasagot. Hindi ko kayang sagutin ang mga iyon.

"Mga 6-8 weeks po.. pero kung nagmamadali kayo-"

"Use our money.. kailangan ko iyon sa lalong madaling panahon.." utos ko.  F*ck! hindi dapat ako nagpapa-apekto diba? Pero gusto ko talagang malaman.

Pero, anong mangyayari pagkatapos kong malaman ang lahat? Papano kung totoo nga ang naunang resulta?

"Kanino po ba natin iyon gagamitin?" muling tanong ni Mr.Noda na nagsimulang mag-dial sa kanyang telepono.

"...Kay Summer."  sagot ko.

********

Hating gabi na at hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko yung mga sinabi nung matandang iyon.

"Dont be Unfair to her.. It's her right to know where she really belongs.."

Ilang beses nang nagre-rewind yang mga salitang yan nung matandang iyon sakin. What if nga na totoo ang nakalagay sa papel na yun? Ano ang gagawin ko? Hindi ko na naman maatim na bitiwan si Summer. Isa pa, ang inaalala ko ang mararamdaman nya. Ayokong masaktan ang kapatid ko. Alam kong masasaktan sya pag nalaman nya ang katotohanan tungkol sa mga tunay nyang magulang. Gulong-gulo na ang isip ko. Never kong naisip na dadating ang araw na ito, na mamomroblema ako ng dahil sa totoong katauhan ni Summer, kung saan sya nagmula.
Hindi ko alam kung kaya ko nga bang tanggapin ang pinagmulan nya.. Pero- ano man ang mangyari ay kailangan ko pa rin malaman ang totoo kahit gaano pa man ito kabigat bilang isang Akiyama.
Muling iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng opisina. Bigla kong naalala si Papa. Ano kaya ang gagawin ni Papa sa ganitong sitwasyon?

Parehas ba kami ng magiging desisyon?

Kinabukasan..

"Tapos mo na ba ang pinapagawa ko sayo?" muli kong tanong kay Mr. Noda na nooy nagtitimpla ng kape para sa aming dalawa.

"Kahapon pa po.." sagot sabay abot ng kape sakin. "Nakakuha na yung inutusan ko kahapon ng sample galing kay Ms. Summer at naipadala ko na din po sa isang medical Facility sa London para mapabilis ang resulta."

"Mabuti naman kung ganon.." sagot kong pinaglaruan muna ang tasa sa kamay ko.

"Matanong ko lang po.. Ano pong gagawin nyo kung sakaling maging positibo ang resulta?"
Napahinto ako sa paglalaro sa tasa na hawak-hawak ko sa tanong na nyang iyon.

"Sa ngayon.. Hindi ko pa alam. Pero umaasa pa rin ako na papanig sa atin ang resulta." Sagot ko. Pero sa totoo nyan sobrang nahihirapan na ako isipin ang bagay na iyon kahapon pa.

"Hindi nyo man po aminin pero nakikita ko pong ayaw nyong malayo sa iyo sa Ms. Summer.." sabi nya at makahulugan akong tinignan.

Sa totoo nyan ay natatakot nga akong mawala ang kapatid ko sakin. Natatakot ako na hindi ko na sya maalagaan. Natatakot ako na baka isang araw ay makalimutan nyang meron syang kuya na nakasama nya simula pagkabata.
Ayokong mawala sa Summer dahil sya nalang ang Pamilya ko.

"Kapag nakuha na po natin ang resulta ay alam kong malalaman nyo na din po ang sagot sa inyong mga tanong.. alam ko din naman po na kung ano man ang magiging desisyon nyo ay para po sa ikabubuti ni Ms. Summer..."
Napangiti ako sa sinabing iyon ni Mr. Noda.. Tama sya hindi naman dapat ako mag-isip ng kung ano-ano.. at kung sakaling makuha ko ang resulta ay tsaka na lamang ako magdedesisyon kung anong ang magandang hakbang ang maari kong gawin.

[ Summer ]

Exactly 2weeks na ngayon simula nang ipatupad ko ang bagong sistema ng Mugen-Dai.. Sa totoo nga nyan ay first week pa lang ay marami nang nakatanggap ng mga premyo nila.. Kaya nga tuwang-tuwa din si Manong Janitor dahil yung Comfort Rooms na lang ang palaging nililinisan nya dahil araw-araw ay may naglilinis sa University..

Marami akong naririnig na mga reklamo sa mga members ng Mugen-Dai kaya nga ipinatawag ko na naman sila ngayon.
Syempre, ang lima, present!

"Boss, Nakakapagod nang araw-araw na lang naglilinis.. pinagtatawanan na kami ng mga kabarkada namin sa ginagawa namin.." Reklamo nung isa na tila naghahanap pa ng kakampi pa sa kanya.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Hindi ka rin ba napapagod na laging sumusuway sa patakaran? Kung napapagod ka na araw-araw naglilinis, pwes! kailangan mo din matutunan na mapagod sa kalokohan mo.." Muli kong inikot ang paningin ko sa mga member ng Mugen-Dai bago muling nagsalita.

"Nung na-late ako ng isang beses.. Anong ginawa ko?" tanong ko sa kanila na inalala ang pagka-late ko last week dahil sa late nadin ako nakatulog dahil sa project namin.

"Naglinis ng Buong Gym.." sabay-sabay nilang sagot.

"Nung nakakuha ako ng mababang score sa isa kong exam, ano ginawa ko?" muli kong tanong.

"Naglinis ng Male Comfort room.." sabay ulit nilang sagot.

"See? Lahat ng ginagawa natin na di naayon sa sistema ng patakaran ay may kakambal na kaparusahan." Muli kong iginala ang paningin ko. "Hindi ako perpekto bilang pinuno nyo dahil kahit ako ay nakakalabag din sa batas natin.. Pero nagrereklamo ba ako? Hindi diba? kasi, kasalanan ko yon at dapat lang mapunan ko ang pagkakamaling iyon.."

"Kung nagrereklamo kayo dahil nahihirapan na kayong maglinis araw-araw sa University.. Pwes! Stop being Childish.." dagdag ko.

kita ko ang sabay-sabay nilang pagbaba ng tingin. Alam kong naiintindihan nila ang ibig kong sabihin. Naiintindihan ko sila ngayon dahil alam kong naninibago pa sila sa bagong sistema pero kailangan nilang masanay..

"Sya nga pala, Friday ngayon, kanino nakatoka ang reporting?" muli kong tanong nang maalala kong biyernes pala ngayon at reporting kada byernes.

"Boss, Reporting na naman? Kanina sa ForLang Report, pati ba naman ngayon report parin?" tanong nung isa.
Aba't nirereklamuhan ako ng isang tukmol ay!

"Mr. Ang reporting na ginawa mo kanina ay para mabago yang Grades mo, Ang reporting na gagawin natin ngayon ay para may mabago sa Gang at sa University natin!" pagtataray ko. Nakakaloka ang isang to!

Hindi pa man ako nakakaget-over sa pagtataray ko sa reklamador na member ay kita ko namang tumayo si Grey at nagpunta ito sa unahan, kasama ng mga ka-grupo nya. So, kanyang grupo pala ang magrereport ngayon?!

"Well, Good afternoon Mugen-Dai..." Panimula nito, kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag-irap ni Cody. Problema ng isang yon??

"Sa ngayon kasi napansin namin na most of the students  of SFU is attending their Class wearing incomplete Uniforms. If i remember correctly ay nasa patakaran ang pag-susuot ng proper uniform lalo na sa mga regular days... Gusto sana naming baguhin iyon. We want everyone to Wear their Complete Uniforms from Mondays to fridays.."

"Why do you think we need to implement this?" tanong ko.

"Wearing your Complete School Uniform is a proof that you are proud of your School and as well as obeying its Rules and Regulations.. My Group will expect positive response regarding this matter. That's all." Matapos nitong magpasalamat ay bumalik na nga sila sa kanya-kanyang mga pwesto..

Napaisip naman ako habang pinagmamasdan ang mga suot nila. Hindi mapagkakailang mga gwapo nga ang mga unggoy na nandito ngayon, pero kung susukatin talagang maigi bilang estudyante ay mapagkakamalan silang mga sanggano sa kalye at ordinaryong tambay lang sa kanto.

"So.." I said calling their attention. "Since my point ang grupo ni Grey... Kailangan nga nating sundin ang patakaran ng skwelahan since nandito tayong lahat pumapasok. I want to see all of you in Complete Uniform." I announced.

"Boss, Paano naman yung mga walang uniform?"

"Nak ng tipaklong ka naman! Nandito ka nag-aaral tapos wala kang Uniform? Eh, kung masampiga kaya kita?"
kita ko naman ang pangangamot nito sa ulo.

"Boss, anong mangyayari kung  hindi naka-complete Uniform?" pahabol na tanong nung isang nasa likod.

Oo nga noh? Ano kayang pwedeng gawin na parusa?
Muli ko silang pinasadahan ng tingin..
then.. *Ting!* labas bumbilya sa ulo!

Muli ko silang hinarap na may malapad na ngiti.

"Lahat ng hindi magsusuot ng Complete Uniform ay papasok kinabukasan wearing Girls Uniform, at ako pa ang magpo-provide!" masaya kong announcement.

"Whaaaaaaat????" sabay-sabay nilang reklamo, nakakita pa ako ng mga member na tila nabagsakan ng langit at lupa sa narinig.

"Pero Boss-"

"So, Wala kayong choice kundi mag-uniform ngayon! Kung wala kayong Uniform na dala..." sabi kong kinuha ang bag ko at inilabas duon ang extra na skirt na dala-dala ko at ibinandera iyon sa harapan nila.. "It would be my honor na magsuot nito sa inyo.." usal ko.

Saksi ko ang pamimilog ng mga mata nila pagkakita kung gaano kaikli ang palda na ipapasuot ko sa kanila. matapos nun ay nag-unahan na silang makapunta sa kanya-kanyang mga locker na nasa MDU at nag-unahan magsuot ng Uniform. Ilan sa kanila ay gamunggo na ang mga pawis sa pagmamadaling makapagpalit ng Uniform.
Ilang sandali pa nga ay nagsibalikan na sila suot-suot ang mga uniform nila sa palagay ko ay never pa nilang nasuot dahil nangibabaw ang amoy ng bagong damit.

"Oh, Akala ko ba wala kayong Uniform?" Nakakaloko kong tawa na tanong sa kanila.
Kita ko ang pag-irap nila sa gawi ko habang nagpupunas pa din sila ng pawis sa mga noo nila.

Napasulyap naman ako sa gawing likod kung saan nandun yung lima tinapunan lang nila ako ng 'approve' sign..
it's a good sign na unti-unti na ngang nababago ang gang at masaya ako sa konting achievement ng grupo.. Masaya din ako para sa kanila dahil nagagawa nilang ang mga bagay na ngayon pa lang nila nararanasan.. pero alam ko naman na darating ang panahon na mas maiintindihan nila ang mga ginagawa ko at mga maliliit na bagay na pinapagawa nila ko sa kanila..

"Sya nga pala Boss, malapit na ang Sembreak natin.. San ka magbabakasyon?" tanong sakin ni Kerr.. Sya yung member na laging tanong ng tanong.. Actually, inalam ko na yung pangalan nya para sa susunod na magtanong ulit sya ay hindi na kung ano-anong pangalan ang itatawag ko sa kanya..

"Bakit sasama ka?" pilopopo kong tanong.
Bigla kong naalala na Malapit na nga pala ang Sembreak at ilang linggo na lang mula ngayon.. Most of the time ay nasa bahay lang kasi ako.

"Anong ginagawa nyo kapag Sembreak?" muli kong tanong sa kanila, para naman silang mga bata na sabay-sabay sumagot.

"Nag-g-Gym.."

"Kumakain lang ng kumakain.."

"Nagba-basketball!"

"natutulog.."

"Nagdo-Dota!"

"gumigimik!"

"Nagka-club!"

"Namba-babae!"

"Nagpapaka-lasing!"

"Nangongolekta ng Kandila sa sementeryo!"
Well, yung last si Kerr ang sumagot nun, Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya.

"Nangongolekta ka ng kandila sa sementeryo?" parang ako nalang ang nagtanong dahil pakiramdam ko iyon din ang gusto nilang itanong base sa mga mukha nila.

"Binge lang, Boss?" Kerr.

Eh, kung masampiga ko kaya to?

Oh, Well. Ayon sa mga narinig kong mga sagot nila ay parang ako na ata ang may pinaka-boring na paraan para i-spend ang Sembreak.. Nakakatamad kasing gumala kung saan-saan.. Naalala kong ilang pagkakataon na din na niyayaya ako ni Alexa nun para mag-out of town pero palagi akong umaayaw. Eh, sa nakakatamad nga talaga eh!

"Pillow, san mo plano magpunta ngayong Sembreak?" baling naman sakin ni Clint.

"As usual.." maikli kong sagot.
Kunot noo naman nila akong tinignan.

"Anong as Usual?" they asked in Chorus.

"As usual.. SA BAHAY!" sagot ko.

"Boring!"
"Lame!"
"Loser!"

Oh, Sige ako na ang may pinakaboring na Bakasyon, aminin ko na, dina kailangan sabihin pa nila!
Mga walang hiya!

"Why not Subukan natin mag-island hopping?" Singit naman ni Grey.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya, sabay naman ang pag-agree ang karamihan.

Island hopping? tumatalong na isla? meron ba nun?

"Much better kung subukan naman natin na i-spend ang Bakasyon with the Gang diba, para maiba naman?" he said convincingly.
Napatango na din ako.

Sa totoo nyan, hindi naman talaga ako mahilig sa ganyan.. pero naisip ko din na isa din ito sa pwedeng paraan para maging matibay ang samahan ng grupo.

"So, San ang plano?" biglang tanong ni Lee.

"Pwede sa Bora.." suggest ni Dash..

"Ayokong umitim!" rinig ko namang reklamo ni Clint. "Hirap kaya magpaputi!" pahabol nito.
Nakalimutan kong mas maarte pa nga pala sakin ang isang to'

"Sa Palawan!" suggest ni Lee

"Ayoko dun, iitim parin ako dun!" muli na namang reklamo ni Clint.

"Eh, kung wag ka nalang kaya sumama?" inis naman na baling ni Dash. Napa-pout naman si Clint na parang batang napagalitan.

"Eh, sa iitim nga ako!" pahabol pa nitong pagrereklamo..

"Simple, Mag-payong ka habang naliligo or lumaklak ka ng Gluta kesa naman sa reklamo ka ng reklamo dyan, tadyakan kita eh!" mahabang sermon naman ni Dash. Para tuloy gusto kong matawa sa pagtatalo nila. Para talaga silang mga bata..

"Why dont we try in CEBU?" si Grey. "Balita ko maraming pwedeng pasyalan dun aside sa mga resorts nila and as far as i know, meron tayong isang member dito na ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng isang resort dun.." mahabang paliwanag nito.

"Sinong member?" tanong ko.
Hindi na sila sumagot, bagkus ay sabay-sabay na lang nila nilingon ang nasa likod ko.

napatingin din naman ako sa gawing likod ko at laking gulat ko ng so Cody ang makita ko.

"meron kayong resort sa cebu?" mangha ko pang tanong sa kanya. hindi kasi ako makapaniwala.

"actually, hindi kanila.. KANYA!" bulas naman ni Lee. Kita ko naman ang pagtapon ni Cody ng masamang tingin kay Lee.

"Okay lang ba sayo na Dun tayo sa resort MO?" pag-e-emphasize ko.

binigyan lang nya ako ng malamig na tingin.

"kung ayaw mo-"

"Tell me kung anong sched para makapag-pa-reserve ako..." Walang emosyong nitong sagot.

"So, Settle na.. sa Cebu ang location natin!" masayang pag-aanounce ni Dash. Rinig ko naman ang mga hiyawan ng Buong Gang.

Well, my first time na gagala and take note.. kasama ang buong Gang.. Im sure magiging masaya ang Sembreak ko ngaun!

itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top