Chapter28

[ Summer ]

Parang timang lang na pangiti-ngiti itong tatlo kong kasama habang kumakain kami sa isang fastfood chain dito di kalayuan sa SFU.. Si Pillows, Dash at si Lee. Niyaya nila akong kumain since sila daw ang manlilibre! aba! sino ba naman ako para tanggihan ang Grasya? libre na kaya yan! Ewan ko nga anong klaseng mga insekto ang napasok sa mga bungo nitong tatlo at nagyaya kumain?!
Ok na sana eh, kaso.. Simula nung dumating kami dito ay nagkanya-kanya naman silang ngisi?!
Putres lang!
Alam mo yung moment na titingin sila sa kawalan tapos bigla na lang ngingiti?
Anak ng PitongTalangka lang!
Paano ba naman kase? bigla kong naalala na lahat pala sila lumalablayp na!
aba! parang nung nakaraan ko lang nabalitaan na mag-ON na sina Pillows at si Berks Dianne, tapos sunod ko namang nabalitaan mag-ON na din sina Lee at yung bruhilda kong Bestfriend na si Alexa, Tapos hind pa nga ako nakaka-get over sa mga lablayp nila, aba! kumerengkeng na din pala tong si Dash at yung Childhood friend nyang si Lie!

"Boss, Ikaw? sino naman sayo?" naputol ang pag-iisip ko ng bigla akong tanungin ni Lee.

Salamat naman at naalala nila na kasama pa nila ako?!

"Wag mo kong tatanungin ng ganyan! naalibad-baran ako!" pagtataray ko.

"Sus! Si Boss naman.. Ayaw pa kasing aminin na inlababo kana din!" Bulas naman ni Dash na sinundot yung tagiliran ko.

Peste ka Dash, isa pa lilipad ka!

"Wag nyo akong isali sa pagka-bangag nyo dyan!" Sabi kong sabay inom ng juice.

Mga walang hiya tong mga to! idamay ba naman ako?!

"Oo, nga naman Pillow, kaylan mo naman balak magkaron ng lovelife?" singit naman ni Clint puno ng fries ang bibig.

Isa pa tong si Pillows, Gusto atang ma-flying kick!

"Kung ang pagka-bangag na katulad nyo ngayon ang epekto ng lovelife, mas magandang WAG NA LANG!" sabi ko na sabay-sabay naman silang nagtawanan.

Mga Siraulo!

"Ang sa amin lang naman kasi Boss.. mas masarap kasi sa pakiramdam yung may nagmamahal sayo.." Sabas ni Lee na kunway niyakap pa ang sarili. Isa pang Sira-ulo!

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Isa pa Boss.. Mas madali kang tatanda kung wala kang katuwang sa buhay mo.." Dash.

huh? Katuwang? ano yon? nakakain ba yun?

Pero Sa totoo nyan kasi, ayaw ko talagang isipin pa ang mga ganung klaseng usapin. Minsan kasi hindi ko mahagilap ang isasagot ko, lalo na ngayon at hindi ko pa kumpirmado kung ano nga ba talagang nararamdaman ko para sa tukmol na Cody na yun!
Sa ngayon, gusto ko munang makasigurado. Ayaw kong gumawa ng isang hakbang na hindi pinag-isipang maigi lalo nat puso at damdamin ang nakasalalay dito.
Ayokong masaktan at higit sa lahat, ayokong makasakit.

"Alam mo Boss, Mas maganda kasing Inspired ka palagi lalo nat namumuno ka sa MD.." patutsada pa ni Lee. Tango naman ang dalawa pang ugok!

"Hindi ako nagmamadali!" sagot ko.

"Were not talking about "PAGMAMADALI" thing... samin lang kasi Boss, masarap sa pakiramdam na nagmamahal ka and at the same time ay may nagmamahal sayo." mahabang lintanya ni Dash na bago lang nagka-lablayp.

Oo, na! sila na may magandang lablayp!

"Pag-iisipan ko pa.." tipid kong sagot.

"Pag-iisipan? Baka maya nyan Boss, kung kaylan naka-decide kana tsaka naman huli na ang lahat?" makahulugan naman akong tinignan ni Lee. Napatingin din sakin yung dalawa pa.

Pakiramdam ko talaga may Conspiracy na nagaganap dito! Baket parang ako ang Sentro ng usapan?

Mga walanghiya talaga! sa susunod, hindi na ako sasama sa tatlong to! ako nagiging Center ng usapan eh! Palibahasa PUMAPAG-IBIG na!

Magiging huli ang lahat? Honestly, Hindi magiging huli ang lahat kung totoo talaga si Cody sa mga sinabi nya sakin. May factor pa kasi sa katauhan ko na nagdadalawang isip pa kung dapat ko bang paniwalaan ang mga pinagsasabi nya sakin.
Pero, kahit itanggi ko pa ng ilang beses, hindi ko mapagkakailang masaya ako pag kasama ko si Cody. Alam mo yung pakiramdam na kahit puro pang-aasar lang ang natatanggap ko sa kanya ay hindi na nabubuo ang araw ko pang hindi ko naririnig ang pang-aalaska nya?!

Ewan ko nga eh! Baka naba-bangag na din ako katulad nila or baka mas nauna pa!

At dahil nga sa hindi ako kumakagat sa mga hirit nila ay naibaling na ang topic about sa MugenDai since ito din yung second priority ko kung bakit ako sumama sa kanila. Syempre, yung KAIN ang una!

Sa totoo nyan kasi ay gusto ko din silang makausap tungkol sa mga naisip kong pwedeng baguhin sa patakaran ng MD. Kung tutuusin kasi ay kasama ang tatlong to sa Student Council, ganun din sina Grey at Cody. Lima na walang-hiya at basag ulo ay hindi mo aakalaing magiging myembro pala ng isangOrganisasyon sa University, akala ko puro basag-ulo lang ang nalalaman ng limang yon. kabilang din sila sa mga ibat-ibang Clubs ng School kaya naman alam kong may boses sila University. Mga mukha lang walanghiya at mga palikero pero pagdating pala sa pag-aaral ay may ibubuga din pala ang mga to.

Dinis-cuss ko lahat ang mga plano ko sa Mugen-Dai.. ilang beses ko nang napag-isipan ang tungkol dito. Isang taon lang ang kontrata ko sa Gang. Kaya naman hindi ko dapat biguin si Kuya sa responsibilidad na ipinataw nya sa balikat ko. Gusto kong may makitang pagbabago sa Mugen-Dai. Gusto kong burahin lahat ng nakagawian nilang pag-uugali ng isang Gang. Pag-uugali na malayo sa away at mga basag-ulong gawain, Bisyo at kung ano-ano pa.. Ayokong magkaron ng bahid ng dumi ang pangalan ng angkan namin sa larangan ng pamumuno ng Gang dahil lang sa nabigo akong pamunuan ito.. tutal ay sapat na ang panahon ng pag-a-adjust ko. Gusto kong baguhin sila sa sarili kong pamamaraan. Hindi man ako pabor na pamunuan ang Gang nung una dahil naisip kong isang mabigat iyon na pasanin. Pero sa ilang pagkakataon na nakasalamuha ko ang Grupo ay masasabi kong, Isa lamang silang ordinaryong mga tao na ang buhay ay umiikot sa Dating Pilosopiya ng Gang.

Lahat ng mga gusto kong baguhin at idagdag sa mga rules ng Gang ay para lang din naman sa ikakabuti ng lahat.
Ayokong tuluyang masira ang pangalan ng Mugen-Dai dahil lang sa mga walang disiplina na mga member.  Pasalamat din naman ako at sumang-ayon naman sila sa gusto kong pagbabago.

"So, Boss.. kailan mo plano simulan to lahat?" baling sakin ni Dash na nooy busy sa pag-no-notedown ng mga sinasabi ko.

"Bukas na Bukas din.." Mabilis kong sagot.

Ayoko nang patagalin pa to. Mas magandang hanggat maaga ang may mangyaring pagbabago sa pamumuno ko.

Kinabukasan.

"Sa palagay nyo, papayag kaya silang lahat sa gusto kong mangyari?" nate-tense kong tanong sa Lima. Kumpleto sila ngayon, Sina Dash, Lee, Grey, Clint at si Cody.

"Boss, kahit naman ayaw nila ay wala silang magagawa. Ikaw ang Leader diba?" Dash.

Oo nga naman.. ako ang leader at para din naman sa kanila tong ginagawa ko.

"Isa pa, ikaw nadin nagsabi na para din naman sa kapakanan namin yan.." Si Lee

Sana lang ay pareparehas lang sila ng iniisip para hindi na ako mahirapan.

"Kung meron man sa kanila ang hindi sumang-ayon.. sa DAHAS natin dadaanin!" sabad naman ni Clint na nasuntok ang palad nya.

Loko talaga tong isang to! kaya ko nga ginawa yung mga rules para madisiplina yung iba tapos sisimulan naman nya! Hindi ko talaga alam kung paano nakapasok tong isang to sa Student Council!
 
"Wala na silang magagawa once na naipatupad mo na. You're the Boss at ikaw ang masusunod." Grey.

Kahit na nandito yung lima ay hindi parin naman maiwasan na kabahan ako. Ito pa lang ang ikalawang beses na mahaharap ko ang buong Mugen-Dai dahil ang una ay yung ipakilala ako ni Kuya Gayle.

Sinilip ko muna ang paligid dahil nasa likod kami ngayon ng maliit ng stage ng meeting area ng MD. Pasalamat naman ako dahil kasing dami ng nandito ngayon ang dumating din noon ng ipatawag sila ni Kuya Gayle.
Muli akong huminga ng malalim para mawala ang kaba. Hindi naman sinasadyang mahagip ng mga mata ko si Cody na kanina pa nakatingin sakin. Sa titigan namin ay tila alam na namin ang gustong sabihin ng bawat isa. Kita ko sa mga mata ni Cody na nagsasabing "OKAY LANG YAN! RELAX LANG." Kanina pa sya nakatingin sakin at alam ko yon. Nararamdaman kong nag-aalala sya sakin at sa kung ano man ang magiging resulta ng pagharap ko sa buong MDU ngayon. Medyo napanatag  ang loob ko dahil alam kong nandito sya. Kahit hindi sya magsalita, ramdam ko ang pag-Comfort nya sakin.

Nang dumating na ang takdang oras ay sabay-sabay kaming lumabas at yung lima naman ay dumiretso dun sa likurang bahagi.

Anak ng tinapa! akala ko sasamahan nila ako dito sa harapan!

Ako naman ay naiwan na sa harap mag-isa.

Sa harap ng napakaraming tao na member lahat ng Mugen-Dai.. parang gustong manginig ng tuhod ko sa kaba, pero alam kong hindi dapat mangibabaw ang takot. Buti na lang binigyan ako ng tip ng lima kung paano dapat pakitunguhan or anong paraan sila patatahimikin. Hindi naman ako dapat talaga matakot dahil para naman to sa ikabubuti ng nasasakupan ko.

Dapat mas maging matapang ako dahil ako ang leader nila!

Tumayo ako ng maayos at hinayaang kong igala ang mata ko sa palagid. Lahat sila nakatingin sakin. Nag-hihintay sa kung anu man ang sasabihin ko.

Fine!

I took at deep breath first bago nagsimula.

"Siguro naman, kilala nyo na ako at hindi ko na kailangan ipakilala pa ang sarili ko sa inyong lahat." Panimula ko. Wala naman akong nakitang expression sa mga mukha nila. Sana lang ay ganyan lang sila hanggang sa matapos ako.

"Ipinatawag ko kayong lahat dahil meron akong gustong baguhin sa sistema ng Mugen-Dai.." As expected, nakarinig na ako ng mga bulung-bulungan. Napatingin naman ako sa gawi nila Cody at nandun ang tiwala sa mga tingin nila.

"Lahat ng pagbabago na magaganap ay naaayon sa dapat na baguhin sa sistema ng pamamalakad ng Gang. Lahat ng pagbabago na magaganap ay kakambal ng disiplina at kontrol. Pag natapos kong basahin ang lahat ng pagbabago ay hindi ko na ito uulitin pa kaya ibayong pakikinig ang kinakailangan ko mula sa inyo.. isa pa!

...no one has the right to alter MY rules, but ME!"

I started with authority at sisiguraduhin kong mananatili iyon hanggang sa pamumuno ko. Once na matapos na ito ay kailangan kong baguhin ang lahat ng nakasanayan ko bilang isang simpleng babae at estudyante. Nung tinanggap ko ang tungkuling iyon mula kay Kuya Gayle ay tanggap ko na ring dapat my baguhin sa sarili ko.

"Una! Walang kahit sinuman ang may karapatang manakit ng kahit sino.."

"Boss, paano kung inunahan kami? Hindi ba kami gaganti?" narinig kong tanong mula sa likod at tila ganun din ang tanong ng karamihan base sa mga reaction nila dahil mas lumakas ang bulung-bulungan. Medyo lumaki pa ata ang ulo nung nagsalitang lalaki nang sang-ayunan sya ng nakakarami.

"...bawal manakit Sa kahit ano pa mang dahilan!" As I Continued giving him a death glare.

Kita ko namang napayuko sya.

"Ikalawa... Wala nang pwedeng magka-cutting classes!"

"Boss, paano kung walang klase?"

"You are free to do anything you want kung ganyan ang sitwasyon." sagot ko.

"Ikatlo... Hindi pwedeng magdala ng mga babae or mga kabarkada nyong hindi taga-rito sa loob ng University"

"Boss, Paano naman kung gusto lang nila bumisita dito, hindi parin ba pwede?"

"Hindi tourist spot ang University Mr.!" Nagsimula ko nang angkinin ang buong entablado dahil nagagawa ko nang maglakad-lakad.

"pang-apat... Walang sinuman ang may karapatang bumagsak sa mga Academics nyo!"

"Boss, hindi naman namin ata kaya yan!" reklamo nung nasa gilid ko. Muli na namang umalingawngaw ang ingay sa buong MDU..

"Or Gusto nyong ipatupad ko na dapat puro 1 ang makikita ko sa mga report card nyo?" Bigla-bigla ay natahimik ang lahat sa pagrereklamo nang sabihin ko iyon.
Halos inisa-isa ko silang tignan at halos lahat ay nakayuko na lang na tila ba mga bata na bago lamang napagalitan.

"So, nagkakatindihan na pala tayo? may Gusto pang magreklamo?" inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng MDU at kita kong wala nang gustong magreklamo tungkol dun.

"Then, it's Settled!" i smiled with satisfaction.

"By the way, At the end of this Meeting ay my Quiz na naghihintay sa inyo.”
mas naging maingay ang buong kwarto dahil sa sinabi ko. totoo nga yung sinabi nung lima sakin na karamihan sa kanila ay takot sa exams.

“Sa mga papasa ay may naghihintay na premyo.” narinig ko naman ang pag-YES ng iba matapos kong sabihin iyon.. parang alam ko na kung sino ang papasa sa mga to’

"Anong premyo nang makakapasa?" excited naman na tanong nung isang naka-eyesglass.

"Ang premyo nya ay ang kaparusahan ng mga babagsak!" ngiti ko.

“Boss, Paano naman yung hindi nakapasa?” parang nagdadalawang tanong sakin nung isa.

"Good Question.." I said stepping down at the stage.

"lahat ng makakakuha ng 50-75% ay magwa-1week Community Service... kailangan nyang linisin ang isang area dito sa University na ako mismo ang magbibigay.."

"Paano naman yung 50% below?" tanong naman nung isang nasa harapan. Kita ko naman na tila nanahimik ang mga bulung-bulungan na kanina ko pa naririnig at naghihintay lang sa sagot sa tanong na iyon.

"Simple lang.... Kailangan nyang librehan ng isang Merienda ang buong Gang!" masaya kong sagot. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga nasa loob. Halatang maraming natuwa sa ideyang iyon, pero mas marami ang tila nabagsakan ng langit at lupa sa magiging kaparusahan ng mga makakakuha ng mababang marka..
Actually, yun ang pinaka-favorite ko sa lahat!

"Ikalima.." muli na namang nanahimik ang paligid. "Every Friday afternoon ay magkakaron tayo ng reporting, lahat kailangan nandito.. pag sinabi nating reporting ay may magkakagrupo.. sampung myembro kada grupo.. kada grupo ay kailangan may maisip kung anong kailangan nating i-improve, sa skwelahan man yan or sa Gang.."

"Paano kung walang ma-report, Boss?"

"Edi,  Community Service lang ulet!" mabilis pa sa alas-kwatro kong sagot. "but this time, malaking area na ang lilinisan sa loob ng ISANG BUWAN!"

Hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko nang magkanya-kanya na silang recruit nang mga members nila. Hindi lang pala sa Exam takot tong mga to' pati din  sa paglilinis. Halos lahat ng grupo ay napiling maging leader ang limang kanina pang nakatayo sa likod.

"And, take note!" agad naman silang napatingin sakin. "BAWAL gawing leader ang maski isa kina LEE, GREY, DASH, CLINT at CODY!  at bawal din silang magsama-sama sa iisang grupo"
kita ko naman ang panghihinayang sa mga mata nila, tila naman nabunutan ng tinik  ang lima.

"Pang-anim... Simula ngayon ay wala ng LATE at UnReasonable ABSENT, kailangan lahat ng Subjects ay nandun kayo.. Sinabihan ko na din ang mga profs nyo para dyan at Weekly sila magbibigay ng report ng mga behavior nyo sa klase.. ang mahuli na lalabag sa nasabing rules ay may naghihintay na tumataginting na PARUSA na ako mismo ang magbibigay!"

Natahimik na naman silang lahat. Basta pag 'parusa' ang pinag-uusapan ay alam kong tatahimik sila..

"Pang-pito.. May Daily Cleaners ang Mugen-Dai Underground.. dapat panatilihin nating malinis ang MDU.. lahat ng mga Vandalism na nakalagay dyan at dapat tanggalin. Group1 belongs to Clint.. Next is Grey.. then Dash.. sunod si Lee at pang huli ay ang grupo ni Cody.. lahat maglilinis, WALANG EXEMPTIONS!"

"Kung walang Exemptions, Boss ikaw? san kang Group belong?" singit naman nung isang chinito.
Oo nga naman, hindi magiging fair ang lahat kung hindi ako kasali.

"Sakin ang Sabado.." tipid kong sagot.

"Hindi pwede!"
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Cody mula sa likod. Napatingin naman ang lahat sa kanya.

"Cody, I told you.. walang exemptions!"

"I know.." humakbang sya papalapit. "Kung wala kang kasama sa Saturday... Sasama ako!"

"Ako din!" Si Clint naman na nagpunta nadin sa harapan.

"Aba! papaiwan ba naman ako?" ganun din si Lee.

"Kung san ang grupo, dun din ako!" si Dash naman.

"Ano pa nga bang magagawa ko? sama din ako!" Si Grey.

Napangiti lang ako sa limang ugok na nasa harapan ko. Ang ibang member naman ay pinagpapalit-palitan lang kami ng tingin.

maya-maya pa..

"Boss, Pwede bang sama din kame?" tanong naman nung nasa harapan ko. Kita ko namang nagsitanguan ang lahat.

Kahit papano ay nakaramdam ako ng konting saya, knowing na hindi pa nga kami gaanong nagsisimula ay may changes na akong nakikita.
Then muli akong humarap sa kanila.

"Ang pang-walo At ang pinaka-importante sa lahat... Gusto kong maging Open tayo sa isat-isa... iisa tayo sa Mugen-Dai.. Hindi man pare-parehas ang mga dugong nananalaytay sa mga ugat natin, pero ang prinsipyo at dignidad natin bilang isang Gang ay nagpapatunay na isa tayong pamilya. Umaasa ako ng magtutulungan tayo.." mahaba kong litanya.

Alam kong naiitindihan nila ang gusto kong iparating sa kanila. Mula dito sa harapan ay kita ko naman ang Contentment sa mga ekspresyon ng mga mukha nung lima.
Alam kong umpisa pa lang ito ng lahat.. alam kong may mga darating pang mga challenges sa grupo at malakas ang tiwala ko na makakaya namin iyon harapin.

"Siguro iniisip nyo na masyadong sisiw ang mga patakaran na naisip ko.. Kaya nga wala kayong rason para hindi iyon magawa dahil sobrang dali lang ng mga iyon. Lahat ng patakarang ito ay simula pa lang ng mga pagbabagong magaganap sa Mugen-Dai.. Alam kong hindi ito magiging madali para sa lahat.. Pero alam ko naman na kung magtutulungan tayo ay magagawa natin iyon. Isipin nyo kung ano man ang gusto nyong isipin..  Wala kayong choice kundi sumunod sa lahat ng iyon.. dahil alam nyo sa mga sarili nyo na para din naman ito sa inyo.. Ang Patakarang iyan ay walang sasantuhin.. MAGING AKO."

*****

Halos maipukpok ko ang ballpen na hawak sa ulo ko dahil sa hirap ng exam! Dahil nga sa rule ko ang "NO-EXEMPTIONS!" ay, syempre pati ako kasali sa kukuha ng exmination.
Parang gusto ko tuloy pagsisihan ang "No-Exemption" thing na yan!
Nasa harapang bahagi ako ngayon ng area ng MDU at kasalukuyang nag mimini-maynimo sa magiging sagot ko.
Gamunggo na ang mga pawis ko at kanina pa ako palingon-lingon sa likod kung saan nandun yung limang sitting pretty na lang,
Ang mga walangya naman! ni hindi ako pinag-aksayahang tignan para naman malaman nila anong klaseng pagsubok sa buhay ang nararasanasan ko ngayon?!

Peste kasing exam to! Sino ba gumawa nito at mai-sendback sa planetang neptune?

Ok lang naman sana yung mga naunang items eh! pero pagdating sa huli, ito na ang pinaka-mahirap.. saksakan ng hirap!

MATH!

Tama talaga yung nabasa ko sa isang social networking site tungkol sa Math na yan! Mental Abuse To Humans!

Pero kailangan kong makapasa dito! kung kinakailangan kong pigain at itaktak ang utak ko papalabas ng bao ng ulo ko para lang masagutan ko to' ay gagawin ko!
tama! MATH lang yan!

Sisiw!

Sisiw.. tapos lalaki.. tapos mangingitlog.. tapos yung ITLOG, iyon yung Score ko!

Haizt!! hindi talaga pwede to!

Sinubukan kong lumingon sa kanan..

nak ng P*tcha! yung katabi ko nakalingon din sa kanan nya!

Tingin naman ako sa kaliwa...

Punyeta! nakatingin din sa kaliwa nya!

Ah, Basta! wala namang sinabi na kailangan ng Solution diba?
Magsisimula na sana ako sa pagsagot ng mapansin kong kanina pa ako tinititigan nung nerdy member ng Mugen-Dai na nakaupo lang sa harapan ko.

"tingin-tingin ka dyan?" pagtataray ko.
Letse! mainit ang ulo ko ngayon dahil wala akong maisagot, baka masampiga ko tong isa!

"Tutulungan sana kita. Boss kaso diba yung rules-"

"Ay talaga? Thank  you!" Syempre change mood ako. "Ano yung sagot sa no. 1-20?"
at yun na nga, nasagutan ko lahat ng mga mahihirap na tanong!

Sisiw lang pala!

Sisiw lang!

Sisiw lang pala isulat ang sagot! (Evil laugh inserted!)

 
At dahil sa tulong ng isang member ay nakakuha naman ako ng 79% ng score.. medyo nakahinga ako ng maluwag dahil konti na lang at nasa-75% na! Pero ang halos ikanganga ko ng husto ang naging resulta ng test nung lima..
parehong nakakuha sina Dash at Lee ng 94%. While Clint got 95%. Grey got 97% at yung ungas na si Cody ay ang highest sa aming lahat! tumataginting lang naman na 99% ang nakuha nya!

Gaaaaad! 99% pero hindi man lang nagawang lingunin ako kanina!
Sarap sampigahin diba??

pero as expected ay madami nga ang bumagsak.. 56% ng kumuha ng exams ay mababa ang nakuha.. and tulad ng nakasaad sa Bagong batas, Sila ang sasagot ng meryenda ng Gang.. pero dahil sa marami ang bilang ng bumagsak ay napagdesisyunan na lang namin na ipunin ang pagkain at magkaron na lang ng Refrigirator dito mismo sa MDU para makapag-stock naman kahit papano. Ayokong maging isang Hide-out lang ito ng Gang.. Gusto kong maituring din nila ito na tahanan..
Ang 13% naman na nakakuha ng 50-75% ng score ay maglilinis ng isang area dito sa MDU.. maraming nagreklamo dahil ito ang unang beses na maglilinis sila dito sa University. Wala naman silang magagawa kundi sumunod dahil iyon ang batas.

Dahil sa walang gamit ang mga matatalino na nakapasa.. "Ehem!" ay napagdesisyunan kong magkaron ng isang tutorial sa mga hindi nakapasa since ito ang pinaka-main na problema namin, ang Academics. Pasalamat naman ako dahil majority ng mga nakapasa ay nag-agree sa gusto kong mangyari, maliban sa isa.. Well, sino pa ba? Edi yung Ungas na si Cody!

Matapos kong ayusin ang mga activities na gagawin namin this week ay pinatawag naman ako sa SFU head Office. Hinayaan ko muna yung lima ang mag-supervise habang wala ako.

******

"Could you please explain to me what the hell is happening to My Students, Ms. Akiyama?"
Pagalit na tanong sakin nung Dean ng University, Si Mr. Trazona.. kilalang terror ng University at walang sinasanto.

I stand firm. Ito ang unang pagkakataon na napatawag ako sa office nya at ito din ang pinaka-unang pagkakataon na magkakausap kami.

"It's My way to Discipline them." tipid kong sagot.

"Discipline huh?" harap nya sakin na padabog na inilapag ang tasa ng kape nya na kanina pa nya hinahawakan. "Are you out of your mind Ms. Akiyama? Hindi mo ba talaga naiintindihan kung ano ang sitwasyon? Mugen-Dai here and even outside of this University is Respected!" Pagdidiin nya na dinuro pa ang table nya. "Sa tingin mo, paano sila tatratuhin ng maayos kung may makakakita sa kanila dyan habang naglilinis? Hindi ka ba nahihiya sa pamumuno mo? hindi kaba natatakot na magiging masama ang magiging feedback ng konseho sayo? Nag-iisip kaba talaga?"

Hindi na maganda ang tabas ng dila ng isang to!

"Matanong ko lang ho.. Paano ho ba kayo magdisiplina?"

Kita kong napaawang ang bibig nya sa tanong ko na iyon.

"Ang pagdidisiplina ay tulad lang yan ng pagtuturo sa isang paslit kung paano magbasa... We are teaching the most basic! Kung hindi nila magawang lagpasan ang pinaka-madali, paano pa nila gagawin iyon sa pinakamahirap na paraan?" I walked slowly towards him. "So, sabihin nyo sakin.. Paano nyo dinidisiplina ang Mugen-Dai?" paniningkit ko ng mata. "Kung tama ang sistema nyo sa pamamalakad sa mga taong yan.." sabay turo ko sa labas kung saan naglilinis ang iilan sa mga member ng Gang. "...Bakit uhaw parin sila sa Disiplina at Atensyon? Bakit mas pinipili pa nila ang basag-ulo kesa pumasok sa klase?"

Hindi siya nakaimik bagkus ay nagbaba lang sya ng tingin.

"Ayokong masanay sila sa ugali ng Gang na ang buhay ay away at bisyo.. Ayokong mangayaring iikot lang ang buhay nila sa Gang.. Gusto kong hanapin nila ang mga sarili nila, alamin kung ano ba talaga ang mga gusto nila!" Then i faced him. "Hindi habang buhay ay bata sila.. Hindi ka nila katulad, Mr. Trazona na ang buhay at mundo mo ay umiikot na lamang sa Apat na haligi ng Opisina mo.." Alam kong medyo below the belt ang mga sinabi ko pero hindi ko iyon pinag-sisihan dahil alam ko ang pinag-lalaban ko.

"Kung meron kayong alam na paraan para tumino ang mga estudyanteng yan.. Sabihin nyo sakin, Pero kung wala... then, WALA KAYONG KARAPATANG MANGHIMASOK SA DESISYON KO AT SA PAMUMUNO KO!" yun lang at pumihit na ako papalabas pero muling nagsalita si Mr.Trazona.

"You'll gonna regret it Ms. Akiyama.." sigaw nya at kita ko ang panginginig sa boses nya. Halatang nagpipigil ng galit.

"Kung ang pagsisisi ang kapalit sa pagbabagong gusto ko... Araw-araw akong magsisisi.."

"They're still my Students at ako ang masusunod!" muli nyang sigaw.

I smirked. Hindi talaga sya susuko.

"They're Mugen-Dai.. And They're MINE!" saka ako dire-diretsong lumabas ng opisina nya.

Wala akong pakialam kung ano man ang gawin nya.. Hindi ako papayag na pigilan nya ako sa pagbabagong gusto ko sa Mugen-Dai..
They are my people at walang kahit sinumang ang tao ang pwedeng makialam sakin at sa pamumuno ko!


itutuloy...




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top