Chapter27
[ Summer ]
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung DATE namin ni Cody.. Hanggang ngayon ay hindi parin maialis sa isip ko ang mga ngiti nya nung mga oras na iyon.. mga ngiti nyang parang unti-unti akong nilulusaw.. Mababaliw na ata ako sa taong iyon!
Late sya ng 10 minutes!
akalain mong may gana pang magpakita sakin??
pero syempre, hindi naman ako galit. Sa totoo nga nyan, pinagdasal ko pa na talagang ma-late sya!
Pano ba naman kasi? Hindi ako mapakali..
Parang akong nasa internet cafe' na nagpapa-extend oras para lang ma-late sya!
kayo kayang nasa posisyon ko? :))
so, yun na nga.. late sya ng sampung minuto at pagdating na pagdating nya ay grabeng 'Sorry' ang natanggap ko galing sa kanya.
Medyo nag-alala pa ako dahil nakita kong may konting pasa sa pisngi nya... pero ang sampung minutong pag-hihintay sa kanya ay bawing-bawi naman sa mga oras na nagkasama kami..
First time kong makipag-date kaya naman wala akong ideya kung ano ang gagawin.. pero hindi naman ako unprepared noh! Alam nyo bang late na din ako natulog before that day kakabasa sa libro na nabili ko, HOW TO DATE ang title?!
tumawa kayo kung gusto nyong tumawa!
eh, sa bobo ako pagdating sa ganitong bagay eh!
Flashback
"Sorry talaga Summy aah.." Cody
naka-ilang beses na ba syang nakapanghingi ng sorry?
"Hindi ok.." sagot ko. kita ko naman agad ang pag-aalala sa mga mata nya.
He pouted first bago yumuko.
OK, sya na ang Cute!
"Pero. ok lang!" pagbawi ko sabay ngiti. Nag-angat naman sya ng tingin. "Ang importante, nandito kana, diba?" sabay abot ko ng ulo nya at bahagyang ginulo yung buhok nya.
Agad naman napawi ang pag-aalala sa mukha nya pagkarinig nun sakin.
Mas Gwapo sya pag nakangiti :)
Wala kaming imikan habang kumakain kami. Ang Awkward nga eh!
Alam mo yung ang dami kong nabasa na mga guidelines at sa lahat ng nabasa ko tapos ang tamang pagkain lang ang kaya kong gawin?!
Gusto ko sanang mag-umpisa magsalita pero nahihiya naman ako..
pero diba dapat lalaki ang unang mag-oopen up pag ganitong date?
nakakaloka kasi!
Alam mo yung tipo na magpapalitan lang kayo ng ngiti pag magtatama yung paningin nyo? tapos harap ulit sa pagkain?!
para lang kaming mga timang!
but, I Changed my mind.. ano naman kung babae ang unang gagawa ng way para magkaron ng conversation sa isang date diba? not bad!
I took a Deep breath first..
"Ah, Cody-" tawag ko sa kanya..
Syet! kinabahan ako bigla.
nag-angat naman sya ng tingin.
Napalunok naman ako ng laway nung nagtama na ang mga paningin namin, para tuloy biglang nanuyo ang lalamunan ko.. syet talaga!
Ganda kasi ng mata ng hinayupak na to! pero parang mas nawala ako sa ulirat ng hindi ko na maalala kung ano ang sasabihin ko sa kanya!
Tungunu! Heto ba ang epekto ng mga tingin nya?kung ganito man, dapat pala hindi ako maglalalapit sa kanya pag exams!
nakakawala ng kinabukasan ang mga titig nya!
"Yes, Summy?" malambing pa nitong tanong.
kinilabutan naman ako sa lamig ng boses nya.
pero-
Putres! Hindi ko talaga maalala ang sasabihin ko!
Malamig ang hangin pero bakit parang namamasa ang kili-kili ko sa nerbyos!
Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan..
Shocks! sinungaling ang weather forecast kanina! sabe magiging maganda ang panahon!
Eh, ano to? Lokohan?
Nasa labas kami ng isang Garden at hindi ko alam kung saan lupalop to!
Basta sumakay ako sa sundo, yon na yon!
Tatakbo na sana ako at yayain ko sana syang sumilong ng pigilan nya ako sa braso.
"Ano kaba? Mababasa tayo!" sigaw ko.
He just smiled. "Eh, ano ngayon kung mabasa tayo?"
"Baliw ka na ba Cody? Kung Magpapakabasa lang pala tayo edi sana nag-underwater date nalang tayo!" tatakbo na sana ako pero mas hinigpitan pa nya ang pagkaka-kapit sa braso ko. Then tumayo sya mula sa pagkaka-upo.
and, ohhh.. Syet! ngayon ko lang napansin na naka-White Vneck lang pala sya kaya na hapit na hapit sa katawan nya ang basang tela nito.. Malaya ko ding nakikita ang oh-so-yummy abs nya..
napakagat naman ako sa labi ko ng wala sa oras..
Wag kang magpapatukso Summy... Nasa Guidelines ang salitang "CONCENTRATE" alalahanin mo!
Nawalan ako bigla ng sasabihin ng bigla syang lumapit sa kin at hapitin ako sa bewang dahilan para mas lumapit ang distansya ko sa kanya.
He even touch the back of my ear na nakapag-dagdag ng sobrang kaba sa akin.
Ramdam ko ang init na hatid ng mga palad nya.
Tinitigan ko sya ng maigi at maging ang pagtulo ng ulan sa dulo ng itim nyang buhok ay hindi rin nakaligtas sakin.
Parang nagpo-photo shoot lang ang itsura nya habang nasa ulan...
Ngayon ko lang din napansin na may hikaw pala sya sa kaliwang tenga nya na nakapag-padagdag ng appeal nya. ayoko sa mga lalaking may hikaw pero iba ang dating ng kay Cody.
Syet! Syet! syet! ang Sexy nya tignan!
pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga kung magpapatuloy pa to!
"Nilalamig kaba?" diretso nyang tinitigan ang mga mata kong hindi ko magawang makakurap dahil ayokong may ma-miss na sandali sa mga mata nya.
"M-medyo.." nanginginig kong sagot. Nanginginig hindi dahil sa lamig.. kundi dahil sa kaba na dulot nya.
Hindi na ako nakagalaw ng tuluyan nya na akong niyakap..
"Please... hayaan mo muna akong yakapin ka.. Kahit sandali lang..." nandun ang lambing sa boses nya,
Hinayaan ko syang magsalita. Mas gusto ko kasing pakinggan muna sya.. Ayoko din naman kasing matanggal ang pagkakayakap nya sakin.
Ayoko at ewan ko kung bakit.
Nanatili kami sa ganong posisyon.. habang malakas ang ulan.. habang malakas ang pagtibok ng mga puso namin..
Pakiramdam ko ay mas ramdam ko si Cody ngayon..
Mas naiintindihan ko sya ngayon..
Mas gusto ko syang intindihin simula ngayon..
I love his way making me feel special kahit alam kong hindi ako karapat-dapat sa pagpapahalagang ginagawa nya para sakin... Sino ba naman ako para bigyan ng pansin? Isa lang naman akong hamak na simpleng Estudyante ng St. Ferg's University na nagkataong kapatid ng isang naturingang Leader ng Gang ng kinatatakutan at unfortunately ay nagkaron ng isang taon na kontrata para maging leader ng Gang?
Sino ba naman ako diba?
Sino ba naman ako para sa isang Cody Sebastian na Kilala ng lahat. Matalino. Gwapo. Talendted at kung ano-ano pa!
He's Cody of Everything... Im Summer of nothing.
Kaya naman hindi ko lubos maisip kung ano bang klaseng ka-swertehan ang nadikit sa katauhan ko at nagkaron ako ng pagkakataon na makasama ang isang tulad nya..
Pero sa tingin ko.. Hindi na importante iyon ngayon..
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagakayakap nya sakin..
Then.. i smiled and Hugged him back..
*****
"Ano ba Cody, tumalikod ka na!" Utos ko sa kanya.
Nasa kotse nya kami ngayon at kasagsagan parin ng malakas na ulan.
kung hindi lang isa't kalahating baliw tong kasama ko ay hindi sana kami mababasa!
"Nakatalikod naman ako ah!" pagrereklamo nya.
"Nakatalikod ka nga pero yung rear view mirror mo nakaharap naman saken!" sigaw ko ulit.
Nakakainis! kung alam ko lang na magpapakabasa kami ngayon edi sana nagdala ako ng pamalit man lang!
Yan tuloy, yung long-sleeve pa nyang bago yung isusuot ko! nakakahiya talaga!
"Ano kaba naman? alangan man lang tanggalin ko yang salamen dyan?" pagtuturo nito sa bandang ulonan nya.
"Kung pwede tanggalin, tanggalin mo!" utos ko. Hina-high blood na talaga ako sa lalaking to!
"Whaaaat? tatanggalin ko?" lingon nya sakin. Nasa likod kasi ako nakapwesto dahil dito ko sana balak magpalit.
"Di naman kita sisilipan ahh?" parang gusto kong kabahan sa pagkakasabi nyang iyon. may sumilay kasi na mapaglarong ngiti sa labi nya.
"Hoy, Cody! kung ano ang iniisip mo, mas magandang wag mo nang ituloy kung gusto mo pang masikatan ng araw kinabukasan!" pagbabanta ko.
Bigla naman akong nakaramdam ng sobrang nerbyos ng kagatin nya ang ibabang labi sabay hagod ng mata sa kabuuan ko.
Pesteng lalaki to! parang ako pa ata ang hindi na masisikatan ng araw sa aming dalawa!
"Wala namang malisya sakin kung..." sabi nyang medyo lumapit sa pwesto ko. "...Kung gusto mong gawin yon. " He said with a teasing smile.
Unti-unti naman ang ginawa nyang pag-gapang papalapit sakin hanggang sa muling magkatapat na naman ang mga mukha namin. Mas lalo ko namang isiniksik ang sarili ko sa gilid ng sasakyan.
"Ano Summer? Gusto mo bang gawin iyon?" muli nyang tanong na nagtaas baba sa mata ko at sa labi ko.
Ayokong sumagot!
pesteng lalaking to!
Hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na yon!
Hindeeeeee!
Mas lumapit pa sya sa mukha ko dahilan para mapapikit ako..
Jusko! Kailangan ko na po bang mag-orasyon sa oras nato?
masyado nang napuputakte nitong tao na to ang pag-iisip ko!
Ilang sandali akong naghintay kung may gagawin sya..
Peste! kung may plano syang gawin, GAWIN NA NYA!
-ay! ano ba yan? Ano bang pinagsasabi ko?
maya-maya pa..
"Bwahahahaha!!" buhakhak nya ng tawa na nakabalik na pala sa pwesto nya..
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" pagtataray ko sa kanya habang yakap-yakap ang sarili ko. Bwisit na lalaking to!
"Kasi-HAHA!" tawa pa din sya ng tawa na konti na lang ay magpagulong-gulong sya sa loob ng sasakyan. "Haha- yung facial expression mo kasi- HAHA! Nakakatawa!" muli nyang pagbuhakhak. "Kung nakita mo lang yung Mukha mo.. HAHA- PRICELESS!" sabay pahid nya sa mata nya na maluha-luha nakakatawa.
Sige, tawa lang walangya ka! makakabawi din ako sayo!
"FYI lang Summ.. hindi ko naman gagawin sayo yon!" medyo sumeryoso na yung mukha nya.
Wow, pwede na ba akong maniwala? :) Bigyan ng Chance.
"Bakit naman, aber?" takte, pakiramdam ko parang gusto kong bawiin yung tanong ko na iyon ah!
He faced me.
Okay, serious na nga sya.
"Kasi...
..WALA DIN NAMAN AKONG MAHIHITA SAYO! DIBDIB NGA DIBA PAHIRAPAN PA?"
okey.. change mode!
sleeping beauty to INCREDIBLE HULK!
"Walangya kaaaaaa!" sabay dampot at bato ko sa kung ano man ang mahawakan ko.
"Huy, Summy- ARAY! joke lang naman yung-OUCH! yung sinabi ko! tsaka-ARAY! hoy, Summy sumosobra kana aahh!" pagrereklamo nyang patuloy padin sa pag-iwas ko sa mga binabato ko.
Takte! wala bang matigas at mabigat na pwedeng madampot dito at puro unan lang ang nandito at Stuffed toys-?
Agad naman akong natigilan sa huli kong naisip.
"Hoy, lalaki!" tawag ko. "Bakit ang daming stuffed toys ng sasakyan mo?" sumilay naman ang mapaglarong ngiti.
"Siguro.. nagbe-baby sitter ka noh?" ngisi ko.
Pansin ko na nag-iwas sya ng tingin.
Then ako naman ang lumapit ng bahagya sa pwesto nya.
Mwahaha! its payback time Cody! ako naman ang mang-aasar sayo!
"...Or should i say, BAKLA KA noh?" sabay sundot ko sa pisngi nya.
Mwehehehe... sabi na eh! may tinatago talagang berdeng dugo tong lalaking to!
Hindi ko naman halos mahagilap ang hininga ko ng bigla nyang tanggalin ang basa nyang Shirt at humarap sakin.
He's so damn Sexy!
Pero ang sumunod na nangyari ang hindi ko inasahan ng bigla nyang salubungin ang mukha ko at magdikit ang tungki ng mga ilong namin.
Agad naman akong nanlamig sa ginawa nyang iyon.
"Bakla? Sinong bakla ang sinasabi mo?" heto na naman yung mga mata nyang nang-aakit!
"Gusto mong bang mapatunayan kung bakla ako?" then his lips move closer as it reached the tip of my nose na sinasadya atang bangga-banggain ng labi nya ang ilong ko. "...Or gusto mong ako na mismo ang gagawa nun para sayo?"
Oh, tukso! layuan mo ako!
But his Damn Abs are killing me!
"J-joke L-lang...." nanghihina kong sagot.
Bakit ba ang hilig nyang mag-DA MOVES?
After that, I saw the contentment on his smile. Then he just patted my head at bumalik sya sa pwesto nya.
Curse you Cody for making me this Crazy!
pero hindi parin maalis sa paningin ko sa topless nyang katawan!
nakakagigil kase!
Kahit papaano naman ay nakahinga ako ng maluwag sa pagbalik nya sa pwesto nya.
saved by the bell!
Nakapagpalit na din ako ng damit. I use his Pajama at yung long-sleeve na binigay nya sakin kanina. Nagtataka lang ako kung bakit meron syang Jammies sa kotse nya.. Dito kaya sya natutulog minsan?
"...sya nga pala, yung mga stuffed toys kanina." He started.
Oo, nga pala.. saglit kong nakalimutan yung bagay na yon.
"...Para sayo lahat yan." nahihiya nyang sab sabay tingin sa labas.
Wut? para sakin lahat?
"huh? para sakin? pero bakit? Bakit ang dami?" Hindi ko napigilang tanong sabay tingin isa-isa sa mga Cute stuffed toys.
"...Gusto ko kasing maging komportable ka pag nasa kotse kita." Cody.
Napatanga naman ako sa sinabi nya.
"Magiging komportable naman ako kahit wala yang mga yan ehh.." sabi kong kinuha yung isa mga Cute na Teddy bear at niyakap ko iyon at humarap sa kanya.
"No- I mean.. Pinaghahandaan ko lang yung araw na magkasama na tayo palagi.." nahihiya nyang sagot.
Lihim naman akong napangiti sa sinabi nyang iyon.
[ Cody ]
Hindi ko na napigilan ang sarili ko nung niyakap ko sya.. Ang Drama, Oo at aminado ako dun..
Hindi ko lang talga lubos maisip kung papaano naging ganito katindi ang nararamdaman ko para sa kanya..
Dati rati, wala akong gustong hinangad kundi makaganti sa pagkakasapak nya sakin nung una kaming nagkita..
Oo, pangit talaga sya nun at hindi ko pagtatakpan ang bagay na yun!
pero ang nag-iisang tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot ay "kung bakit ganito na katindi ang nararamdaman ko para sa kanya?"
Hindi naman ako ganito talaga dati!
Ni ayoko ngang nagdididikit sa mga babae..
May allergy ako sa kanila..
Pero, nawala ang lahat ng iyon ng dumating sya sa buhay ko.. Well, hindi nga completely.. pero yung thought na nandun yung presence nya? It's Everything!
I Hugged her tight na para bang wala na akong planong pakawalan pa sya..
Kung pupwede nga lang na makasama ko sya 24/7 ay gagawin ko..
Gusto ko ang pakiramdam na nandyan lang sya..
Gusto kong ako lang ang poprotekta sa kanya!
Ayokong may ibang nagpapasaya sa kanya maliban sakin!
Gusto ko akin lang sya!
Sh*t ang sarap gawin lahat ng iyon pero may isang bagay lang talaga na humaharang para gawin ko ang lahat ng iyon..
She's the Mugen-Dai's Leader..
Ayokong masira ang reputasyon nya bilang pinuno namin.. Pero natatakot din ako na baka hanggang dito na lang kami.. natatakot ako na baka hindi ako magkaron ng pagkakataon na magawa ang mga bagay na gusto kong magawa para sa kanya..
I want her!
Wala akong pakialam kung Cheap sya manamit!
I dont even care kung palaging buhaghag ang buhok nya!
Wala din akong pakialam kung hindi sya marunong magpaganda!
Hindi naman importante iyon eh!
as long as She is She!
walang magbabago at hindi na iyon magbabago..
Isang linggo na ang nakalipas simula nung DATE namin iyon.. at hanggang ngayon ay sariwa pa para sa akin ang lahat ng nangyari..
Ang saya ko nung mga oras na iyon kasi kasama ko sya..
Ngiti pa lang nya, solve na!
That night was Memorable for me...
because we shared the same rain while holding each other..
Wala na akong ibang naisip pa nun kundi yakapin lang sya..
Yakap na hindi ko in-expect na tutugunan nya..
parang timang nga lang eh!
Now it's official.. im going to court her no matter What! kahit kalabanin ko man ang buong Gang, I DONT CARE!
I want her so badly kaya buo ang desisyon ko..
It was late at night ng makatanggap ako ng tawag mula sa di inaasahang tao..
*******
"What do you want?" Inis kong tanong sa kay Grey..
Sya ang tumawag kanina at gusto daw akong makausap. Hindi na sana ako pupunta pero pakiramdam ko ay importante ang sasabihin nya. Nagkita kami sa isang bar na madalas tinatambayan ng Grupo.
"Anong pinaplano mo kay Summer?" Walang paligoy-ligoy nitong taong sakin
Fvck! anong gusto nyang palabasin?
"Wala akong pinaplano Grey.. Seryoso ako kay Summer at wala ka nang pakialam kung ano man ang gagawin ko." nagpipigil sa galit kong sagot.
"Alam mong hindi ikaw ang taong nagseseryoso Cody..." Grey
"At Alam mo din bang hindi ikaw ang taong may karapatang magsasabi nyan?" bawi ko.
Nagsukatan kami ng tingin pero sya ang unang bumawi.
"Leave Summer Alone Cody.."
What the hell?
Tarantado pala tong taong to eh!
sarap ng sapakin!
Matapos nya akong abalahin, yan lang pala ang sasabihin nya?
"Leave us alone Grey.." I warned, then i stood up at lalabas na sana ako ng muli syang magsalita.
"Sa tingin mo ba matutuwa si Camille sa ginagawa mo?"
Hinarap ko ulit sya pero sa mas pinili kong maging mahinahon ngayon.
"Camille is gone... wag ka munang ibalik ang nakaraan Grey."
"What if... Camille is still Alive? Will it change you and your feelings towards Summer?" binigyan nya akong ng makahulugang tingin.
Damn it! Ano bang pinagsasabi nya? Ganito na ba sya ka-desperado na layuan ko si Summer at maging ang matagal ng nawala ay babanggitin pa nya?
"Enough is Enough Grey... Grow up." Yun ang huli kong sinabi sa kanya bago ako tuluyang lumabas sa private room na iyon.
Himala nga at walang rambol na naganap between sakin at sa kanya.. Madalas kasi pag kami nagkakaharap ay hindi pwedeng mangyari na walang pasa at putok sa labi bago kami maghiwalay..
Pasalamat sya at kaya ko nang magpigil.. Yun kasi ang palaging paalala sakin ni Summer..
Medyo nag-panic lang ang kalooban ko ng Muli nyang banggitin si Camille.. For god's sake! Wala na si Camille pero pilit nyang ibinabalik ang mga taong matagal ng wala.
Oo, masakit sakin ang nangyari kay Camille, pero hindi naman pwede na dun lang palagi iikot ang mundo ko diba?
Mahirap sakin ang pagkawala ni Camille nung umpisa ... pero yung paniniwala na malalampasan ko iyon ay hawak ko na ngayon.
Masaya na ako.
Tama na ang sakit at mga iyak na naibuhos ko nung mga time na yun.. Tama na yon.
Sa ngayon ay kailangan kong harapin ang bukas with Summer...
Then I headed home.
[ Dash ]
"Waaaaaaaahhh!"
halos mapatid ang litid ko sa leeg sa sigaw kong iyon dahil sa gulat paggising ko isang umaga.
Sinong hindi matitimang kung sa pag-gising mo ay nakaharap sayo ang taong hanggang ngayon ay hindi nagsasawang palundagin ang puso ko sa nerbyos?!
"Kamusta?" malapad ang ngiti nitong bati sakin.
She's Beautiful as ever..
"Lie!" tawag ko sa kanya sabay bangon. Agad naman akong napatakip sa katawan ko ng maalala kong naka-brief lang pala ako natulog.
nakakaloko naman nya akong nginitian.
"Sus! para namang hindi ko pa nakita yan!" panunukso nya sabay labas ng kwarto ko.
Punyeta! Naalala ko pala na may duplicate pala sya ng susi sa Condo ko kaya naman anytime ay makakapasok sya...
Kung tatanungin nyo kung sino sya?
Well, She's my Childhood friend..
Meron bang namamagitan samin? sagot ko... WALA!
We're just pure Bestfriend!
That's it!
Trip lang talaga nyang magpunta dito sa Condo ko pag bored sya dun sa shop nya...
Owner sya ng isang Car Shop..
Hindi ko nga maintindihan sa babaeng to! sa dinami-dami ng pwedeng maging hobby ang pagigng mekaniko pa ang na-tripan gawin!
Bipolar din si Lie, kaya nga siguro nagtagal yung friendship namin ay dahil sa parehas kaming ugali.
Halos lahat ng bagay napagkakasunduan namin..
Masyadong syang maasikaso at ilang beses ko nang napatunayan iyon. kaya nga hindi ko lubos maisip kung bakit hindi pa nagkakaron ng Boyfriend ulit eh! Hindi naman sya tomboy! Kung katawan lang din, aba! mala-Solenn Heusaff! Kung ganda ang pag-uusapan? walang binatbat lahat ng magagandang babaeng nakaka-flirt ko!
Ewan ko.. Picky lang siguro pagdating sa mga lalaki tong Besfriend ko! Ni hindi ko nga alam kung anong type nya sa isang lalaki. Hindi kasi sya nagse-share.. ayoko din namang tinatanong ang mga gaanong bagay kasi masyado nang personal iyon! Hindi naman kasi porket Besfriend kami ay kailangan ko nang malaman lahat-lahat!
She Needs Privacy.. at iginagalang ko iyon.
She's Overprotected pagdating sakin at ganun din ako sa kanya...
May naging Ex- nga sya eh! Aba, kapal nga ng mukha na lokohin si Lie, binanatan ko nga!
After nun palagi na sya sa Condo ko.. nagpapagaling ng puso.. pero kapalit nun, sya taga luto! haha!
Aba, kahit Bestfriend ko sya, wala nang libre noh! ang mahal kaya kung magpapa-order ka palagi! Hindi naman sya ang gumagastos, palaging ako!
Ako nalang daw kasi ako ang lalaki!
At dahil sa palagi syang nandito, hindi na din ako nagdadala ng mga Chikababes sa Condo..
Nagagalit kasi sya!
Jealous Bestfriend lang?
Sweet din kami sa isat-isa.. yung tipong kahit asin lalanggamin? :))
pero yung mga ganun ay wala nang malisya samin.. sanay na eh!
Magkatabi nga kami kahit sa pagtulog eh!
Hoy! hindi ako nangmamanyak aah! naglalagay nga ako ng hotdog na unan sa pagitan namin pero sya tong palaging tinatanggap at palaging gusto sa braso ko umunan!
pasaway kaya to! kaya naman every morning gumigising ako na masakit ang braso.
Simula nung nagkaron na sya ng shop ay minsan lang sya umuwi dito.. nakakamiss nga eh!
Palagi kaming magkasama dati , ngayon lang nakaraan hindi dahil sa mga priorities namin, at dahil dyan ay Kahit sina Cody ay nagtataka kung bakit hindi na lang daw si Lie ang ligawan ko.. Hindi naman ako makasagot. Ewan! hindi ko talaga alam! Hindi naman sa ayaw ko, may factor lang kasi na palaging pumipigil sakin...
and that's because, we are BESTFRIEND!
At ganun lang ang tingin nya sakin.
OK na kami sa ganito..
Siguro..
Nasa Kitchen kami ngayon ay kasalukuyan syang nagluluto, nakaupo lang ako habang pinapanood sya. Ito ang gusto ko pag nandito sya eh, buhay prinsepe ako! :))
"Dadating ka pala, hindi ka man lang nagpasabe!" Ako
She faced me raising her eyebrow..
"Wala din namang kaibahan kung sasabihan kita or hindi.. same scenario.. ako din naman ang magluluto pagdating ko!" may himig ng panenermon sa boses nya.
Oo nga naman!
"Atleast, nagsabi ka.. para naman makapag-papogi ako!" biro ko.
Lumapit sya sakin at kinurot ang pisngi ko.
"Palagi ka namang gwapo sa paningin ko kaya hindi na kailangan magpa-gwapo ka pa!" sagot nito.
OK.. Ako na ang kinilig.
Akala ko tuluyan na akong magbubuhay prinsepe, pero hindi pala! Utusan ba naman akong maglagay ng pinggan sa lamesa?
Wala eh! Utos ni Komander! Sunod nalang!
"Bakit nga pala bigla kang napasugod dito?" hindi ko mapigilang tanong habang kumakain kami. Sinabi nya sakin last week na baka hindi muna sya makakapunta dito sa condo ko dahil may importante syang gagawin, kaya naman nagulat akong nung paggising ko ay nasa kwarto ko na sya.
Makahulugan naman nya akong nginitian.
"What's with the smile? Para kang timang." irita kong tanong.
hindi sya nagsalita. Bagkus ay inilagay nya ang kanang kamay nya sa pisngi at kunway may pinahid sa parteng iyon.. Hindi na sana ako mag-rereact Pero laking gulat ko nang makita ko ang ring finger nya.. and Fvck kasi may nakita akong Diamond ring dun!
"What the-"
Hindi ko na naituloy kung ano pa man ang sasabihin ko ng mga ngiti na lang nya ang nagbigay linaw ng lahat...
"Yes, Besfie... Im Engaged!" masaya nyang balita sakin.
ENGAGED?
anak ng p*tcha!
ENGAGED daw kamo?
wala naman akong nabalitaan na may Boypren sya ah!
Letsugas! sinong lalaking iyon at masampolan ng flying kick??
Hindi ko alam pero ganun na lang ang biglaang pagbigat ng pakiramdam ko sa mga narinig ko. Para tuloy akong binagsagan ng langit at lupa.
"Wow.." Matabang kong sagot.
"Ano ba yan!" pagbawi nya ng ngiti. "Parang hindi ka naman masaya." she pouted.
"Masaya ako.." sabi kong pilit binibigyang buhay ang boses ko. Syet! Anong nangyayari sakin?
"Sino?" tipid kong tanong sa kanya. nawalan na ako ng gana kumain.
"He's a Customer from Italy.. A true love! He courted me and after 3months he proposed and I said Yes!" masaya nyang kwento.
Punyeta talaga!
Tatlong buwan????
Anak ng-
True love ba yon?
"Basta, ikaw ang Bestman aahh?" Lie.
"Ayoko!" maagap kong sagot.
kita ko naman ang pag-aalala sa reaction nya. Lumipat naman sya ng upuan at tumabi sakin.
"Ito naman oohh.. tampo agad.. sorry na at hindi ko sinabi sayo agad.. sorry na ohh.." pangungulit nya na niyayakap-yakap pa ako. Hindi naman yon ang dahilan kung bakit ako ganito eh..
"When i said NO. It's No!" pagmamatigas ko.
"Bakit naman hindi?" bakas na ang pag-aalala sa mukha nya.
"Basta, ayoko!" sagot ko sabay tayo sa kinauupuan ko at dumiretso ako sa kwarto sabay pabagsak kong isinara ang pinto.
Sh*t ka Lie!
bakit ganito nararamdaman ko?
Diba dapat maging masaya ako?
diba dapat nagtatatalon ako sa tuwa dahil my lovelife kana?
Pero, bakit Lie?
Bakit?
******
"T*angna mo Dash, SELOS yan!" sabay-sabay na bulas ng mga kurimaw kong mga kaibigan..
Naikwento ko kasi sa kanila ang naging encounter namin ni Lie kanina.. Tinawagan ko sila kasi ayoko namang magmukmok sa kwarto..
"Sabi ko kasi sayo, dapat niligawan mo na yang si Lie!" Lee
"Mag-Bestfriend nga kasi kami!" sagot ko.
"Bakit kasi ang hina mo pagdating sa kanya?" Clint
"Hindi ako mahina! ayoko lang talaga." sagot ko ulit.
"Nababakla ka na ba ngayon. huh?" Cody
"Shut up, Cody Hindi ako nababakla!" sigaw ko.
"At dahil sa mga rason mo na yan, mawawala sayo si Lie.." sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Grey na kararating lang. Bago naupo si Grey ay napansin kong matagal munang nagkatitigan sila ni Cody. Haizt, tong dalawang to oh!
"Sh*t, ano bang dapat kong gawin?" tanong ko na lumagok muna ng alak.
"Ligawan mo!" sagot agad ni Clint.
"Nu kaba? May Boyfriend na yung tao, ikakasal na nga diba?"
"Confess!" Lee
"Hindi na pwede!" nanlulumo kong sagot.
"Yan kasi ang hirap sayo, Dash.. hindi mo pa nga nagagawa, sumusuko kana..." Grey.
Masakit man marinig pero totoo naman...
T*ngna, bakit kasi ang hina ko?
sa kanya lang naman ako ganito!
"Hindi pa naman sila kasal... May magagawa kapa..." hirit naman ni Cody na inubos ang natitirang wine sa baso nya.
Napatingin naman kami bigla sa sinabi nya. Parang bigla tuloy akong natauhan.
Oo nga naman! Hindi pa sila kasal!
hanggat hindi pa napapalitan ang apelyido ni Lie ay may-pag-asa pa ako!
Tanga mo Dash!
Matapos nun ay dali-dali akong nagpaalam sa kanila at agad tinungo ang Condo unit ni Lie.
Bagsak naman ang mga balikat kong nag-drive pabalik ng Condo ko dahil wala din si Lie.. Nalaman ko na dalawang buwan na pala ang nakakaraan ng makaalis sya sa Condo unit nya..
Hindi kaya dun na sya nakikitira sa Boypren nyang porenjer?
Parang hindi ko naman maihakbang ang mga binti ko sa mismong unit ko sa mga naiisip ko.
Bakit hindi ko matanggap?
Medyo nakaramdam naman ako ng konting pagkahilo. Damn it! napadami ata ang inom ko.
inilabas ko ang susi at saktong bubuksan ko na sana ang pinto ng kusa itong bumukas at iluwa si Lie.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong napayakap sa kanya.. naramdaman kong tumugon sya sa yakap kong iyon..
"Lie.. Sorry... Im Sorry.." mahigpit ko syang niyakap.
Naramdaman ko ang paghagod ng kamay nya sa likod ko.
"It's ok.. Naiintindihan kita... alam ko namang nag-aalala ka dahil bestfriend mo ko.. pero, i promise you na aalagaan ko ang sarili ko.. Kaya dapat alagaan mo din ang sarili mo para sakin haaa?" malambing nyang sabi.
Sh*t gusto ayokong marinig yan Lie!
"Lie... Ako na lang." usal ko.
Agad nya akong hinarap at kita ko ang samut-saring mga tanong sa mata nya.
This is it! No turning back!
"Ano bang pinagsasabi mo?" nalilito nyang tanong sakin, medyo natawa pa sya ng konti.
"Sakin ka nalang..." muli kong sagot at seryoso ko syang tinitigan sa mga mata.
Nalilito syang tumalikod sakin at dumiretso sa ref at kumuha ng tubig saka ininom yon.
"Alam mo na ayoko ng ganyang biro Dash!" may panginginig sa boses nya.
Sinundan ko sya at niyakap sya mula sa likod.
"Sino ba nagsabi sayong nagbibiro ako?" ibinaon ko ang mukha ko sa leeg nya pero hinarap nya ako.
"Galit ka lang kaya mo nasasabi yan! alam ko, naiintindihan kita! alam kong ayaw mo lang mawalan ng Bestfriend-"
"Mahal kita!" hindi ko na napigilang sabihin.
nanlaki ang mga mata nyang nakatitig lang sakin.
Agad kong ginagap ang mukha nya.
"Pero.. kung san ka naman masaya.. magiging masaya din naman ako Lie.." Sh*t Naiiyak na ako. "Magiging masaya ako para sayo... Dahil karapatan mong maging masaya.. Basta lagi mong tatandaan na anu man ang mangyari... Nandito lang ako... Yung Bestfriend mo.." matapos kong sabihin iyon ay hindi ko na napigilan at muli ko syang niyakap ng mahigpit.
Hindi ko alam kung may isasakit pa sa mga oras nato.. Hindi ko alam kung kaya ko nga bang pakawalan sya ng ganun lang..
Sunday...
Maaga akong nagising pero mas pinili kong humiga muna at ipikit na lang ang mga mata ko.
Itong araw nato..
Ito ang araw ng kasal nya...
Ito ang araw na kailangan kong tanggapin na hindi na sya magiging sakin...
Pinaliwanag ko kung bakit ayokong pumunta sa kasal nya at alam kong naiintindihan naman nya...
Naiimagine ko palang na naka-bridal gown sya at ikinakasal sa iba, parang gusto ko nang malagutan ng hininga.
Sh*t.. agad kong pinunasan ang gilid ng mata ko na may luha..
heto na naman ako... umiiyak na naman..
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung huli kaming nag-usap ni Lie.. at yun yung nag-confess ako sa kanya..
Ang bigat talaga sa puso.
Nakakawalang gana lumabas ngayon...
Haizt! kung naging matapang lang ako para sabihin sa kanya, hindi na sana kami aabot sa ganito.
Pero kahit naman magsisi ako ng ilang beses, hindi na mababago ang katotohanan na ikakasal na sya.
Magtatakip na sana ako ng unan sa mukha ko nang makatanggap akong text.
LIE:
Meet me at the shop..
kunot noo kong tinitigan ang phone ko.
Pwede na palang magtext habang kinakasal?
Tsss! ano na naman kayang iniisip ng babaeng yon?
Hindi pa kaya ako ok sa pagkaka-heartbroken ko sa kanya?!
Pero teka nga- Hindi ba dapat nasa reception na sya?
Anong ginagawa nya sa shop?
At dahil nga sa Bestfriend ako ay napilitan na lang akong bumangon at nag-ayos ng sarili saka ako nagmadaling nagpunta sa shop nya..
Muntik ko nang mabitiwan ang susi na hawak ko ng makita ko syang nakapang-mekaniko na attire with matching rubber shoes pa at sobrang dungis habang nakatuwad sa makina at may kung anong kinakalikot.
Langya! Yan na ba ang bagong Trend ngayon?
Yan na ba ang bagong attire sa ikakasal ngayon?
"Oh! Andyan ka na pala! lika, lapit ka dito." Bati nya sakin sabay punas sa pisngi nyang may grasa.
Skeptic naman akong agad lumapit sa kanya.
"Anong oras ang kasal? Bakit nandito kapa? Bakit yan ang suot mo? Dito ba ang reception?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Peste! mababaliw na siguro ako!
ngumiti lang sya.
Nakanang! wala ba syang balak sagutin kahit isa man lang sa mga tanong ko?
"Lie, ano bang oras ang kasal mo at nandito kapa din? Diba dapat nagpapaganda ka para ngayon? Bakit nandito kapa?" Nagtataka na talaga ako.
Pinunasan nya muna ang mga kamay nyang may bahid ng grasa saka muli akong hinarap.
Parang gusto kong kabahan aahh?
"Walang kasalang mangyayari..." bulas nya.
gulat naman akong napatingin sa kanya.
Ano daw?
"Ha? anong wala? Diba ngayon yon? Bakit hindi kapa naghahanda?" sunod-sunod ko ulit na tanong.
"Sa tanong mo na yan.. parang gusto mo talaga akong mapunta sa iba.." May himig na nang pagtatampo ang boses nya na lumapit sakin,
"Ofcourse not! I Mean... bakit kasi nandito kapa?" muli kong tanong,
Crap! gusto ko talagang malaman!
pinagmasdan lang nya ako at walang ano-anoy bigla nya akong niyakap na ikinabigla ko naman..
"Naisip ko kasi.." then inilapit nya ang muhha nya sa tenga ko. "...Mahal din pala kita."
Suddenly... My tears fell.
Not because of Agony... It's because of Overflowing Joy :))
#Masyado ko bang minadali ang story nina Dash at Lie?
sensya na po kung ganito naging flow ng story nila.. masyado po kasi akong na-busy sa susunod na chapter..
Anyway.. maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at sumusuporta.. :))
Godbless us all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top