Chapter26
[ Alexa ]
Hindi ko alam kung kailan mapapagod ang mga kabayong nagtatakbuhan sa dibdib ko matapos nyang angkinin ang mga labi ko kahapon at sabihin na:
"No one's gonna be your first Date.. Cause tomorrow.. You are all mine ALEXA STEFAN KIM GRACE!"
Sinong hindi magiging sabog diba?come to think of it, ang isang taong matagal mo nang pinapangarap at inaasam ay bigla nalang iyon sasabihin?
Tungunu lang! pero dinaig ko pa ata ang nakahithit ng tone-toneladang marijuana sa pagkasabog ng utak ko ngayon!
Ito na yung araw na yun!
yung araw na pinapangarap ng mga babaeng nagkakagusto kay Lee sa University..
yung pangarap na ako ang nakakuha!
ito na yun!
yung araw na kinatatakutan ko and at the same time ay excited ako.
Hindi ko talaga alam kung anung pwede kong maramdaman..
Pero masaya ako!
masayang-masaya!
Walang mapaglagyan!
Sabi nya alas 8:00 ang meet up namin.
pero sa totoo nyan, bago palang mag-7 nakabihis nako..
Hindi naman ako masyadong excited nuh?
lakad dito- lakad don ang ginawa ko.
Pektos! kinakabahan na talaga ako!
ang kinakatakot ko lang ay baka bago dumating ang sundo ko ay pudpod na ang heels ko kakalakad dito!
Letsugas talaga!
Hindi naman ako dapat kabahan diba?
Date lang naman to!
Date with Lee Alcantara!
Putres! kaya nga ako kinakabahan ay dahil sa lintek na pangalan na yan eh!
Sa lakad-ikot kong ginagawa ay hindi ko namalayan na dumating na pala ang sundo ko.
Isang itim na Cadillac 2015 XTS Sedan ang nakaparada sa tapat ng bahay.
pinapasundo daw ako ni Lee.
akala ko pa naman ay sya ang susundo sakin. Pero ok lang din naman kasi alam konh makikita ko din naman sya.
Ilang minuto lang ang naging takbo ng byahe at nakarating na agad kami sa Alcantara Blu Hotel.. Ngayon ko lang napagtanto na kanila nga pala to.
Agad naman akong diniretso ng Guide na sumalubong sakin sa isang Reserved Garden na nasa bandang likod ng hotel. Walang ibang nandun kundi ang mga ilang waiter at waitress na nag-aabang sa pagdating ko.
Table for two ang peg with matching Candle lights pa! may ilang rose petals din na nagkalat sa marmol na floor ng garden.. Cliche' sya pero ang romantic para sakin! Samantalang ang mga Maliliit na LED lights na nagkalat sa paligid ang nagsilbing liwanag ng buong paligid.
Sosyal!
Hindi pa nagsisimula ang date pero kinikilig nako!
Agad hinanap ng mata ko si Lee pero bago pa man ako makapagtanong ay ininform na agad ako ng isang babae na on the way na si Lee.
Sheteeee! mas lalo tuloy akong kinabahan!
Pero.. ok lang naman ang maghintay, tutal hindi pa naman stable ang tibok ng puso ko ngayon. Dapat pakalmahin ko muna to bago sya dumating.. :)
after 15mins.
Wala pa din sya.. Traffic siguro.. aware naman ako na ganitong oras ay talagang traffic nga.. mas magandang maghintay na lang ako.
after 30mins.
Wla pa din sya.. Ano na kayang nangyari dun? Masyado lang sigurong masikip ang daan kaya hindi makalusot.
after 45mins.
Wala pa kahit na anino ni Lee. Medyo kinakaban nako. Hindi kaya may nangyaring hindi maganda sa kanya? Ay- hindi! Hindi dapat ako nag-iisip ng ganun! Safe syang makakarating dito at alam ko yon..
after 1hour.
Medyo masama na ang lagay ng panahon pero wala pa din sya.. Wala man lang text- ay! muntik ko nang makalimutan.. wala pala syang no. sakin at ganun din sya sakin :(
malamig na ang hangin pero hindi ko ininda yun. Malakas ang paniniwala ko na darating sya. Alam ko. Kasi sabi nya 'sya ang magiging first date ko' at inaasahan ko iyon.
maya-maya pa ay nagsimula na nga ang maliliit na patak ng ulan.
Agad naman akong nilapitan ng isang waiter at pinakiusapan na pwede muna akong pumasok sa loob habang nag-hihintay si Lee tutal parang uulan naman daw.
I Refused.
Kailangan kong hintayin si Lee dito!
Sabi nya Dito ako maghintay.. Kaya dito ko sya hihintayin.
Matapos kong tanggihan ay nagkanya-kanya na nga silang pasok sa loob ng hotel.
tungunu! nang-iwan talaga!
Walang pilitan na naganap!
Nung lahat ay nagsimapasok na..Naiwan naman akong mag-isa na naka-upo sa gitna ng garden.
kanina pa Naupos ang kandila. Hindi ko na din alam kung ilang litro na ng tubig ang nainom ko kakahintay pero wala pa din sya.
Lee, Asan ka na ba?
dadating ka diba?
ikaw ang magiging first date ko diba?
diba?
pero, bakit wala ka pa?
traffic pa din ba?
Gusto nang tumulo ng mga luha ko ng mga oras na yon pero pinipigilan ko.
Hindi ako iiyak.
Hindi dapat.
ilang sandali pa nga ay nagsimula ng pumatak ang ulan at Hindi ko na din napigilan ang mga luha ko.
Bwisit!! Sayang ang make-up ko kung iiyak lang ako dito!
Parang tanga lang akong nakaupo dito sa table habang umiiyak. basang-basa na ang buong paligid, yung pinggan at mga baso na nasa harapan ko napuno na ng tubig ulan.
basang sisiw na talaga ako!
Sh*t! bakit kasi nandito pa ako?
bakit pa kasi ako aasa na darating sya?
ano pa ba ang aasahan ko sa isang Lee Alcantara?
Napayakap ako sa sarili ko dahil ramdam ko na ang tindi ng lamig ng ulan. Langya, wag sana akong magkasipon nito.. Baka maya hindi ako makapasok kinabukasan..
Ilang sandali pa nga ay nagdesisyon na akong tumayo..
Sayang ang oras kung magmumukmok lang ako dito!
Ano to? Crying in the rain lang ang peg?
Kailangan kong magpakatatag... Hindi pwede ang ganito!
Hello? Para san pa ang make-up at magandang dress kung iiyak lang ako!
After ng gabi nato, pangako! hindi na ako iiyak dahil sa Lee Alcantara na yan!
I gather my strength at nagsimulang maglakad papalabas ng garden na yun. pero bago pa ako tuluyang makalabas ng Garden na yun ay muli kong sinulyapan ang Lamesa na isang oras at kalahati kong kaharap..
"DATE sucks!" yun lang ang nagpatuloy na ako sa pag-alis.
Back to reality..
Bukas na nga pala yung date ni Summer..
Sana lang ay hindi yun matulad sakin, kung hindi. babalatan ko talaga si Cody ng buhay!
Wala sa sarili naman akong napatingin sa Kisame.
Bigla kong naalala si Lee..
Itong kama na to, itong mismong hinihigaan ko..
ito ang eksaktong kama na hinigaan ni Lee nung panahon na nandito pa sya... yung eksakto din na higaan kung saan ako halos mamatay kakaiyak matapos ang DATE na yun.
Haaayy.. nakalimutan ko na sana iyon, kaso dahil sa paghahanda sa date ni Summer, naungkat ulit ang ala-alang iyon.
kinabukasan.
"Oh, Ang ganda mo na!" bulas ko kay Summer..
Nandito kami ngayon sa bahay. dito ko sya pinapunta since mas komportable akong ayusan sya dito. Tutal nandito lahat ng gamit ko at ayoko namang magbitbit nito lahat. Nandito din si Dianne para tumulong at himalang hindi nya kasama si Mu nya ngayon..
"Ang ganda mo na talaga Berks!" malanding usal naman ni Dianne na napayakap ng wala sa oras kay Summer.
"Hindi ba nakakahiya tong suot ko? parang ang laswa!" muling tanong na Summer na muli na namang umikot sa harap ng lifesized mirror na nasa kwarto ko.
Konti na lang talaga at masasabunutan ko na tong si Summer.. Malaswa ba yung halos mag-duster na lang sya sa haba na gusto nyang isuot?
Halata namang kinakabahan si Summer na napaupo sa Gilid ng kama.
"Kinakabahan talaga ako.." muli nyang usal.
"Ano kaba naman! Date lang yan! then hindi naman kayo gagawa ng kung ano-ano diba? kaya dapat wag kang kabahan!" may bahid naman ng panenermon sabi ni Dianne.
Nakakaloka talaga tong dalawang to. kung hindi ko lang talaga mahal tong mga jumega kong to ay kanina ko pa sila sinipa papalabas ng bahay!
Bago pa ako makapag-react ay narinig na namin ang busina ng sundo ni Summer.. Tumawag kasi ako kay Cody na dito nalang sunduin si Summer. Nagtaka pa kung bakit daw dito pa, sinigawan ko nga sa telepono! dami pang tanong eh!
"Besfie... dont think too much.. Just enjoy the night..." paalala ko sa kanya bago pa kami makalabas ng kwarto.
as usual, ngiti lang ang tinugon nya sakin. Halata talagang kinakabahan sya.. Ganito kasi sya pag sobra ang kabang nararamdaman.. nauubusan ng sasabihin.
"Then, wag nyo munang gagawin yung "Ano" ha?" nakakaloko namang paalala ni Dianne.
"Gaga! ito naman kung ano-ano sinasabi!" hampas ko sa balikat ni Dianne. Nakakaloka talaga tong babaeng to kahit kailan!
"Basta, pag may hindi magandang nangyari.. Text agad ha? reresbak kami- ARAY!" binatukan naman ako ni Dianne.
"Tama na Alexa, hihirit ka pa eh!, osha Berks, gora na!" tulak ni Dianne sa likod nito.
"Salamat talaga sa inyong dalawa ha?" maluha-luha nitong sabi.
"Nakuuu! wag kang iiyak Besfie, hirap pa naman lagyan ng maskara yang pilik mata mo!" dali-dali naman akong naglabas ng tissue at bahagya ko pang pinunasan ng gilid ng mga mata nya na medyo nabasa ng luha nya.
hinatid namin si Summer hanggang sa labas ng bahay, Baka kasi madapa pa at masubsob ang mukha, mahirap na.. First date tapos may bangas dahil sa katangahan.
Matapos nga namin syang maihatid ay umalis na naga sila.
Ilang Minuto pa lang na nakakaalis si Summer ay nagpaalam naman si Dianne na aalis nadin dahil biglang nagtext si Mu nya at niyaya syang makipag date..
Peste talagang date na yan!
Pagkapasok ko sa kwarto ay iniligpit ko muna ang mga nagkalat na mga pampaganda. Matapo kong malinis lahat iyon ay malaya naman akong napaupo sa Sofa.. Maya-maya pa ay tumunog ang Cellphone ko.
Si Summer talaga... ang aga-aga pa nagtetext na!
[ Cody ]
Shutanginern talaga!
kinikilig ako sa Date namin ngayon..
Kung Excited? naku! mas over pa sa definition na yan!
Sa totoo nyan kasi ay kanina pa ako dito sa kwarto ko, nakatayo lang sa harap ng closet ko.
Takte! hirap talagang maging gwapo!, pati susuotin ko kaylangan pa piliin!
sa ilang minuto kong nakatayo ay sa wakas nakakita na din ako ng pwede kong suotin... Agad naman akong nagbihis dahil pinasundo ko na si Summer sa bahay ni Alexa..
Isa pang babaeng yon! grabe kong makasigaw sa telepono!
parang tinanong ko lang naman kung bakit don pa manggagaling si Summer, bigla ba naman akong sigawan?!
lagot talaga sya sakin pag nabingi ako at hindi ko marinig ang ' I LOVE YOU' ni Summer mamaya.. bahala na basta kinikilig na talaga ako!
Body spray here and there.. dapat mabango.. Unang date namin to ngayon ni Summer so dapat Perfect!
Muli ko naman Chineck ang sarili ko sa salamin..
Hair? Check!
Shoes? Check!
Smile? Check!
Matapos kong maihanda ang sarili ko ay excited na akong nagpunta sa parking lot with pasipol-sipol pa.. Excited eh!
Nasa kalagitnaan naman ako ng pagda-drive ng makatanggap ako ng tawag mula kay Dash..
"Pare, Asan ka? kailangan ko ng tulong.." hingal ang boses ni Dash pagkasagot ko palang ng telepono. Bigla akong kinabahan.
"Ha? Teka- bakit?" taka kong sagot.
"Si Lee kasi- TEKA- araaaaay!" sigaw nito sa kabilang linya.
"Hoy! ano yan? Teka- ano ba nangyari?" naiinis kong tanong
"Si Lee kasi- Pinag-initan! WAIT- " paputol putol na sagot ni Dash.. Pesteng signal! "F*ck you A**hole!" muling sigaw ni Dash sa kabilang linya.
"Sh*t ka Dash, sinong A**hole na tinatwag mo? Teka- San ba kayo? pupunta ako dyan!" nanggagalaiti na muli kong tanong.
"Nasa- F*ck!.. Nasa Park kami ngayon.. DAMN IT!" muli nitong sigaw at tuluyan na ngang naputol ang tawag.
Sh*t! sa dinami dami ng park dito sang lupalop ko naman sila pupuntahan? Peste!
Buti na lang pala naalala kong may locator pala ako sa kanila. Sinadya ko yon dahil kung sakaling mangyari man na katulad ng ganito ay mapupuntahan ko agad sila.
tinignan ko muna ang oras.. F*ck! 30 minutes na lang para sa Date namin ni Summer.. Kailangan kong magmadali!
Matapos kong ma-locate ang kinaroroonan nila ay mas binilisan ko pa ang pagmamaneho.
Hindi pa man ako ganong nakakapark ay kitang kita ko na ang apat na lalaki na pinagtutulungan sina Dash at Si Lee na nakatihaya na lang habang sinisipa-sipa ito ng dalawa pang lalaki.
T*ngina! hindi pwede to!
Agad naman akong umibis ng sasakyan para takbuhin ang kinaroroonan nila.
Walang ano-anoy agad ko namang sinunggaban ang dalawang lalaki na pinagtutulungan si Lee na halos lantang gulay na lang ng sandali kong marating ang kinaroroonan nila.. taob ang dalawa! Si Dash naman ay tila nagkaron ng super powers ni Darna- este ni Superman at nagawang maitulak ang dalawang lalaki nung makita ako.
"Sino ba tong mga Mongoloid nato Dash?" malakas kong sigaw kay Dash na busy sa pakikipag-suntukan. Putok na ang labi ni Dash pero alam kong wala na yun sa kanya dahil sanay na kami sa mga ganitong away..
Hindi ko naman napansin na may paparating pala na kamao sa gilid ko at Nasuntok naman ako sa kaliwang pisngi, suntok na mula sa isa sa mga sinunggaban ko at Pakshit dahil natamaan nya ang gwapo kong mukha!
Mukha na matagal kong iningatan para sa Date namin ni Summer!
Malademonyo ko naman syang hinarap at sinugod at binigay ang pinakamalakas kong suntok!
Animals! Sira na ang mukha ko sa Date namin ni Summer!
Magbabayad kaaaaaaaa! sinunod-sunod ko ang suntok at ilang segundo pa lang ay natumba na ang isa..
"kayo!" nanlilisik kong tinignan ang tatlo. "May mga ataol na ba kayo?" nanginginig naman silang umiling-iling. "Kung wala pa, lalayas kayo or gagawan kayo ng Mugen-Dai tig-iisa?" sigaw ko.
Matapos ko sabihin iyon ay sabay-sabay naman silang nagsitakbuhan ng hindi lumilingon.
Agad naman akong sumaklolo kay Lee na nooy wala nang malay.
"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko kay Dash na nooy nagpunas ng labi nyang may dugo.
"Pinag-initan lang yan dito.. Mag-isa lang yan kanina.. buti dumating ako. Palagay ko taga-kabilang Gang yong mga yon kanina.." Dash.
Pinasan ko si Lee sa likod ko para maisakay sana sya ng sasakyan ng bigla kong matanaw ang isang tao na ikinagulat namin pareho ni Dash.
"Alexa..." tawag ko.
"Anong nangyari sa kanya?" agad naman itong tumakbo sa kinaroroonan namin. Buong pag-aalala nitong hinawakan ang mukha ni Lee na nooy duguan at puro pasa. Binaba ko din si Lee sa likod para makita nya.
Buong pagtataka ko naman nilingon si Dash kung ano ang nangyayari na nooy nag kibit-balikat lang.
"Napag-initan.." tipid na sagot ni Dash.
"Bakit nyo pinabayaan?" her voice broked at ikinagulat namin iyon pero hindi ako nagpadala.
"Hindi namin pinabayaan yan! kung pinabayaan namin si Lee, hindi sana ako masusuntok ng panget na bakulaw na yun kanina!" sigaw ko rin.
Hindi nya pinansin yung sinabi ko.. Hindi sya naawa sa mukha ko! :(
"Cody, Help me out.. isakay mo sa kotse ko si Lee. Dash pakikuha yung mga gamit ni Lee.." sabay tayo nito. kami naman ay parang puppet na agad sumunod.
Parehas talaga sila ng kaibigan nya, mga bossy!
nagtataka man ay isinakay ko na si Lee sa kotse nya at dinampot naman ni Dash ang mga gamit ni Lee.
"San mo dadalhin si Lee?" hindi na napigilang tanong ni Dash kay Alexa na nooy busy sa pag-aayos kay Lee sa pagkakahiga sa likod ng kotse.
Nakita kong sandaling natigilan si Alexa saka ito muling sumagot.
"Sa lugar kung saan maaalagaan ko sya.." makahulugan nitong sagot.
matapos maayos ni Alexa si Lee ay ako naman ang hinarap ni Alexa.
"Hoy, ikaw Cody! ano pang ginagawa mo dito?" Baling sakin ni Alexa.
"Ako?" turo ko sa sarili ko. "Edi tinulungan sila!" proud kong sabi.
Lumapit naman ito sakin at pinamewangan ako.
"Baka nakakalimutan mong may Summer na nag-hihintay sayo?" sabi nito.
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko na hinihintay na nga pala ako ni Summer Dating place namin.
Patay!
"Wag mong biguin si Summer.. " Pahabol pa ni Alexa
Hindi nako nagpaalam sa kanila at diretso na akong tumakbo papunta sa sasakyan ko at pinaharurot ito.
Sh*t! late na ako!
Hindi ko pwedeng biguin si Summer... Darating ako Summy.
[ Lee ]
Casanova.
yeah, that's me!
sinong hindi kilala ang name na Lee Alcantara?
Syempre, siguradong ikaw lang na nagbabasa kasi hindi naman kita naka-date..
I hate girls. I admit.
Bakit?
dahil kasi sa kanila.. naging ganito ako.
Gusto nyo ng mapait na kwento?
I'll give you one.
Maliit pa lang ako ay naipagkasundo na ako sa babaeng hindi ko pa nakikilala. Ganyan naman sa Mundo ng mayayaman at mga negosyante diba?
Nakilala ko ang babaeng makakasama ko daw sa habang buhay nung 8 years old pa lang ako.
Aminin ko man or hindi pero T*nga! na love at first sight ako sa kanya.. Hindi lang kasi sya maganda nun, mabait din sya.
Masasabi kong sabay kaming lumaki.. yung tipong alam na namin ang kahinaan ng bawat isa. Mga bagay na ayaw at gusto.
Minahal ko sya.. Inalaagaan.. pinagkatiwalaan sa lahat ng bagay.. Kulang na nga lang pati sarili ko ipagkatiwala ko sa kanya.
pero, kahit ibigay mo pa pala ang lahat, kahit na alagaan mo at mahalin ay dadating din pala ang time na tatalikuran ka nila dahil may taong dadating sa buhay nila na mas makakapag-pasaya sa kanila.
Araw yun ng Birthday nya..
Gusto kong regalo ko ang una nyang buksan.
Kaya naman excited akong pinuntahan ang kwarto nya dahil balak ko sana syang sorpresahin..
pero nung pagbukas ko ng pinto ay ako pala ang masosorpresa...
I saw her kissing someone..
akala ko nga nung nakita nya ako ay magpapaliwanag sya at manghihingi ng sorry..
pero, hindi..
Ipinakita pa nya sakin kung paano pa nya hinahalikan ang lalaki.
That time ay gusto kong sugurin at bugbugin hanggang sa mamatay yung kahalikan nya.. pero hindi ko ginawa.
matapos nung kissing session nila ay nilapitan pa nya ako.. Tumutulo na ang luha ko nun..
Maski kasi ako ay hindi ko pa matanggap yung nakita ko.
parang hindi totoo.
Parang hindi sya.
Alam mo yung factor na halos sambahin mo sya simula pagkabata pero ito lang yung makikita mo?!
"Ano yon?" naluluha kong tanong.
"Tulad ng nakita mo.." she said wiping her lips.
"Akala ko ba mahal mo ko?" nanginginig kong tanong sa kanya.
Lumapit sya sakin. Parang hindi ko na sya kilala the way nya akong tignan.
"Mahal? Huh! nahihibang kana ba Lee?" She Smirked.
"Pero Ericka.."
"Naniwala ka talaga na mahal kita? C'mmon Lee, akala ko pa naman matalino kang tao at mahahalata mo na Kunwari lang ang lahat!"
"Kunwari lang? Matapos ang ilang years na yun Ricka, Kunwari lang lahat sayo?"
"Oo, Ang hirap kayang magkunwari na gusto kita! Nahirapan din naman ako.. Ang hirap magkunwaring mahal kita! Ang hirap mong pakisamahan.. Ni hindi nga kita kayang ipakilala sa mga friends ko dahil ako mismo, nahihiya pag kasama ka!" pagdidiin nya.
Sobrang sakit ang naramdaman ko haban sinasabi nya yon.. para akong mamatay sa sakit.
Wala na akong balak pakinggan pa kung ano pa man ang sasabihin nya kaya naman hindi pa sya natatapos sa pagsasalita ay umalis na ako..
After that night at parang hindi ko na mahagilap ang sarili ko.
Inom dun, inom dito, barkada dun at barkada dito! Lumipas ang linggo at buwan na ganun ang routine ko.
Nag-alala nun ang parents ko kung napano daw ako, pero hindi ko sinabi ang dahilan, natatakot pa kasi ako that time.
Buti na lang.. nandyan nun ang mga Kaibigan ko.. Ang Mugen-Dai.
Nahanap ko ulit ang sarili ko matapos ang ilang buwan na pagwawala at basag ulo..
Then, napagdesisyunan ko nalang isang araw na, Nasa akin pa din pala ang alas.. lalaki ako at walang mawawala sakin.
kung kaya nilang manakit.. mas kaya ko!
Ilang mga babae na din ang nakama ko.. Hindi ko na din alam kung ilang babae na din ang nakahalikan ko. Ang alam ko lang, sapat na ang isang gabi para sa isang babae. Tutal laruan ko lang naman sila!
Hindi ko na binalak magmahal ulit.
Natatakot na akong maulit ang nangyaring iyon between sakin at kay Ericka.
Natatakot na ako na magmukha ulit na tanga.
Tama na sakin kung sino at kung ano ako ngayon.
The Casanova.. The heartbreaker..
But then,
Isang araw ay nagkaron na lang ako ng SuperWoman na nagligtas sakin. Ang dahilan? Dahil din sa babae, Type kasi ako ng Girl na Unfortunately ay Girlfriend pala nang isa sa mga bumugbog sakin..
Saklap noh? Saklap maging gwapo..
So, yun na nga.. nagising nalang ako na nakahiga sa isang kwarto na obviously ay babae ang may ari.. Halata kasi, sa interior pa lang ng buong kwarto.
From there, inalaagaan nya ako. Inasikaso. Pinakain. Binihisan at hindi tinuring na ibang tao.
Ang SuperWoman ko? Well, Her name is Alexa..
Hindi ko sya kilala. Pero nalaman ko na lang na same University pala kami ng pinapasukan ay yung time na nakita ko syang nakasuot ng pang St. Ferg's University na Uniform.
I hate Girls at totoo yun..
Pero, unti-unting binago ni Alexa ang Pananaw ko sa isang babae Simula nung Sinabi nya sakin na 'magpagaling lang daw ako ay sapat na daw iyon na kabayaran' sa ginawa nyang pagtulong sakin.
That time sobrang naguluhan talaga ako.
Sa gwapo kong to? yun lang ang hihilingin nya na kapalit? Hindi ba nya hihilingin kahit na one-night-stand man lang?
Pero na-realized ko na hindi pala lahat ng babae ay hihilingin na maikama ako para maging kabayaran sa ginawa nilang kabutihan para sakin.
My life became a mess after Ericka.
Sya ang dahilan ng lahat ng ito.
Pero dumating sa buhay ko si Alexa..
Hindi sya ganong kagandahan.
She's so simple at masasalamin iyon sa pananalita nya at sa mga ngiti nya.
She's Extraordinary para sakin.
Mas humanga ako sa kanya ng husto lalo na sa mga time na imbis magpahinga nalang sya galing ng Skwelahan ay mas pinipili nyang samahan ako sa kwarto at kwentuhan, nung una medyo naiirita pa ako sa kadaldalan nya. Pero tumagal ay excited na akong hinihintay ang bawat pag-uwi nya tuwing hapon dahil alam kong may panibago na naman syang kwento para sakin. Maging ang pagkain at susuotin ko ay sya na din ang nag-aasikaso.
Ang lahat ng galit na nasa puso ko para sa mga babae ay unti-unting pinapalitan ni Alexa ng bagong paniniwala.
Paniniwala na ok lang naman pala ang magtiwala ulit.
Ang magmahal ulit.
That's how i came into realization that i want to know her more.
Nalilito nga ako eh, After kasi nung umuwi ako sa bahay ay hindi na sya mawala sa isip ko. Hinahanap-hanap ko yung mga ngiti nya.. Yung mga kwento nya. Minsan nga nag-shower ako na walang dalang towel, nasanay ata ako na si Alexa mismo ang naghahanda nun sa loob ng banyo. That time, napangiti na lang ako. Naisip ko na malaking parte na pala nang buhay ko ang bahagi na para kay Alexa.
Ang pag-aasikaso nya.. Ang kaingayan nya sa twing gigisingin nya ako para pakainin.. ang paghahanda nya ng susuotin ko.. lahat!
Hindi sya naging parte ng buhay ko dahil lang sa mga pag-aalagang ginagawa nya sakin. Its because of the reason na binuhay nya sa loob ko ang pag-asa na hindi pa huli ang lahat para magbago at para itama ang lahat.
I asked her on a Date.
P*tcha kasi, ang cute nya nung sinabi nya na wala pa syang first date at never pa syang nakipag-date!
P*tcha din kasi merong bahagi ng puso ko na ayaw kong merong iba na magiging first date nya!
Kaya naman niyaya ko sya sa isang date.. At sabihin ko man or hindi pero, lintek! kahit ang cool pa nang pagkakasabi ko na ako ang magiging first date nya at Sobrang kaba naman ang natamo ko!
Letsugas! si Lee Alcantara? kinabahang magyaya ng Date sa isang babae?! nakakagulat diba?
pero totoo yun..
kaya nga kanina pa ako paikot-ikot dito sa Condo ko at hindi na mapakali.30 minutes before 8:00 ay nagpasya na akong magtungo sa parking lot.
Pero bago pa man ako makarating sa kotse ko ay hinarangan ako ng mga Buddy Guards ng magaling kong ama.
"Sir Lee.. Gusto daw po kayong makausap ni Mr. Alcantara." Sabi nung isa.
Himala at gusto nya akong makita ngayon? Ano kayang nakain?
"Pwede bang huwag muna ngayon? May lakad kasi-"
"Importante po Sir Lee.."
"Gaano ba kaimportante yan Frank at hindi pwedeng ipagpabukas?"
Bago sumagot ang Tinawag kong frank ay tinignan muna nito ang Cellphone na kinuha nya sa bulsa nya bago muling sumulyap sakin.
"Sir Lee.. Importante po talaga.. Hindi naman po ipagpipilitan ni Mr. Alcantara ang pakikipagkita sa inyo ngayon kung hindi ito importante."
Sabagay, totoo naman. Ilang beses na akong pinatawag ng ama ko pero OK lang sa kanya na hindi ako makarating dahil alam naman nya na hindi iyon gaano kaimportante.
Pero parang gusto kong kabahan ngayon.. Parang kakaiba ang isang to.
Bago pa man ako sumakay sa Sasakyan nila ay pinakiusapan ko ang isa sa mga Buddy Guards na sunduin si Alexa at ihatid lugar kung saan kami magkikita. Matapos kong maibigay ang Address ni Alexa ay sumama na ako sa kanila.
Akala ko ay sa Mansion kami magkikita ni Papa, pero laking gulat ko ng huminto kami mismo sa tapat ng bahay ng pinaka-susuklaman kong babae sa tanang buhay ko.. Si Ericka.
"Anong ginagawa natin dito?" inis kong tanong kay Frank.
Hindi sya sumagot bagkus ay bumaba sya ng sasakyan at sumunod naman ako.
"Ano ba Frank??" niirita kong muling tanong.
"Sumunod na lang po kayo Sir Lee.."
Ayaw ko pa sanang sumunod sa kanya pero parang may nag-uutos sa akin na alamin bakit dito nya ako diniretso..
Halos manlamig ang buong katauhan ko ng mapagtanto kong diretso kami sa Kwarto ni Ericka.
Walanghiya! ano na naman kayang kabulastugan to?
Ano na naman kayang kahangalan ang napag-usapan ng parents ni Ericka at parents ko?
Hindi ba malinaw sa kanila na ayaw ko na sa taksil nilang anak?
Lintek! anong oras na at magkikita pa kami ni Alexa.. Ayokong pag-antayin sya dun!
Tuluyang napalibutan ako ng samut-saring katanungan ng sa pagpasok ko sa Kwarto ni Ericka ay nandun ang parents nya.. Ganun din maging ang parents ko..
At si Ericka.. Walang malay na nakahilata lang sa kama nya.
Sobrang putla nya at ang laki na din ng ipinayat nya.
"Anak.." Tawag sakin ni Dad na nagbigay daan para makita ko si Ericka.
Puno ng tanong ang magulo kong pag-iisip..
Pero nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ko sya.. Sa kabila kasi ng ginawa nyang pagtataksil sakin ay hindi parin maiwasang hindi makaramdam ng sakit na makita syang ganito ang sitwasyon.
pero-
Anong nangyari sa kanya?
Bakit sya nakaratay sa higaan nya?
"Glioblastoma multiforme.. Brain Tumor.. Stage 4... She's Dying. Tinaningan na sya ng Doctor." naluluhang sabi ni Tita Amanda. Ericka's Mother. "My poor baby.."
Parang binuhusan ako ng pagkalamig-lamig na tubig matapos kong marinig iyon..
"Pasensya na Lee kung naabala kapa namin.. Ayaw na sana ni Ericka na papuntahin kapa dito. Ni ayaw nga nyang malaman mo na ganito na ang kalagayan nya. Pero gusto naming malaman mo bago mahuli ang lahat.. Karapatan mong malaman Lee.." Si tito Edmund. Ericka's Father.
Unti-unti kong nilapitan si Ericka at hindi ko namalayang hawak ko na pala ang kamay nya.
"Kailan lang?" tanging tanong na lumabas sa bibig ko.
Gustuhin ko man marinig ang paliwanag nila pero parang hindi ko iyon kakayanin sa ngayon..
"Bago pa mag-16th Birthday si Ericka.." sagot ni Tita Amanda.
"Ilang taon din syang nakipaglaban sa sakit nya.. nahihirapan akong makita syang ganyan ang kalagayan.." dagdag ni tita Amanda.
"Matapos nyang malaman ang kalagayan nya ay sobra syang nalungkot nun Lee.. Alam nya kasing masasaktan ka. Ikaw ang una nyang naisip.." Tito Edmund.
"Pinakiusapan nya kami maging ang parents mo na wag nang ipaalam ito sayo..Iniisip nya ang mararamdaman mo Lee." dagdag ni Tito
Nakinig lang ako sa kanila.
Tila ba hinihimay ko ang mga nangyari sa nakaraan.
"Hiniling nya sa amin na hindi na ituloy ang kasal nyong dalawa dahil ayaw nyang mahirapan ka once na mawala sya.. Lee, anak. Mahal na mahal ka ni Ericka. Mahal na mahal ka nya. Ang pagmamahal nya sayo ay ang tanging bukambibig nya nung nasa states kami, habang pinapagamot sya." Tita Amanda.
Tama, naalala ko na after pala nung birthday nya ay lumipad sila papuntang US, pero hindi ko na inalam kung anong dahilan dahil mas nangibabaw ang poot nun para kay Ericka.
"Pero.. Pero yung nakita ko nung Birthday nya.. Yung lalaki na nasa kwarto nya.. yung mga sinabi nya..." Tuluyan nang nabasag ang boses ko. "Anong ibig sabihin nun??.."
"Plano nya lahat yun.."Sagot naman ni Papa.
"Pa, Bakit hindi mo sinabi sakin? " Baling ko kay Papa at tuluyan na nga akong naiyak.
"Kasi mas ginusto nyang magalit ka sa kanya at mag-move on kesa sa maiwan ka nyang nasasaktan." Sagot ni Papa
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na nga ako ng husto. Ganun din ang parents nya.
Hindi ko na alam kung anong iisipin ngayon.. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.. Yung sarili ko ba or yung sitwasyon ngayon? pero isa lang ang nangingibabaw ngayon sa puso ko.. Minahal talaga ako ni Ericka.. Sa ngayon ay Gusto kong makabawi sa kanya.. Gusto ko syang alagaan tulad noon.
But then...
"Hanggang kailan na lang po ba?" Wala sa sarili kong tanong sa kanila.
-
-
-
-
"Anytime." sagot ni Tito.
Mariin akong napapikit.
*********
Naiwan akong mag-isa sa kwarto ni Ericka habang pinagmamasdan syang natutulog.
Bigla ko tuloy naalala nung mga bata pa kami. Ganito din ang ginagawa ko nun.. pinapanood syang matulog.
Hindi ko na naman mapigilan ang mapaluha.
Lahat ng galit na nasa puso ko para sa kanya at tila ba bula na agad nawala sa isang iglap lang matapos kong malaman ang lahat.
"Ericka.." mahina kong tawag sa pangalan nya habang hawak-hawak pa din ang maputla nyang kamay.. patuloy pa din sa pag-agos ang mga luha ko.
"Ang daya mo.. Ang daya-daya mo.. Akala ko ba magkasangga tayo sa lahat ng bagay? Akala ko ba walang iwanan?" Patuloy ako sa pag-iyak.
"Bumangon kana dyan.. Gaganti pa ako sa iyo.. " pilit kong hindi magkaron ng ingay ang pag-iyak ko pero may pagkakataon na hindi ko na mapigilan.
Ang sakit sakit kasi.. Sobrang saket..
Tila na mamatay ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang ayoko na. Parang wala na akong lakas para magsimula ulit matapos ang lahat ng nalaman ko.
Matapos kong kamuhian ang babaeng minahal ko noon at maging isang numero unong babaero sa tingin ng mga tao. Hindi ko na alam kung saang parte ako magsisimula ulit.
Pero ang pinamasakit sa lahat ay yung pagsasakripisyo ni Ericka para sakin. Yung pagsasakripisyo na hindi ko man lang nabigyan ng halaga.
Kaya pala nya iyon ginawa ay para layuan ko sya nung mga time na yun. Mas pinili nyang masaktan ako at kamuhian ko sya para naman makapag-hanap ako ng iba at makapag-move on sa nararamdaman ko sa kanya.
Pero hindi..
Hanggang sa mga sandaling ito ay galit pa din ako sa sarili ko. Galit ako sa dahilang wala man lang akong nagawa para sa kanya.
Pero matapos ang lahat ng ito.. Nalaman ko pa din ang lahat.. Ang pinakamasaklap sa lahat, Nalaman ko kung kailan huli na para sa aming dalawa.
Sana hindi pa..
isinubsob ko ang mukha ko sa kama ni Ericka.
Ayokong makita nya akong ganito pag nagising sya.
Ericka... Ang Sama mo!
Bakit mo hinarap mag-isa?
Hindi ba dapat tayong dalawa?
Nangako ka sakin nun diba?
Nangako ka na anu man ang mangyari, tayong dalawa ang magtutulungan?
Bakit ang daya mo?
Bakit ang Selfish mo?
Nahinto ako sa pag-iyak ng maramdaman ko ang malamyang haplos sa buhok ko. Nag-angat ako ng tingin. Matamlay man pero nagawa padin nyang ngumiti sakin.
"Tigas ng ulo nila... Sabi ko... wag... sabihin.. yan tuloy.. umiiyak yung mahal ko..." sabi nyang pilit inabot ang mukha ko saka pinahid ang luha na nandun.
Mas lalo tuloy lumakas ang pag-agos ng luha ko pag nakikita ko sya.
Hindi ako nagsalita at ginagap ko na lang ang kamay nya at inilagay iyon sa pisngi ko.
"Im sorry... " sabi ko. Nagpatuloy ako sa pag-iyak.
Sh*t hindi ko talaga mapigilan.
"Dont be sorry.. Ako dapat ang mag-sorry..." Ericka.
"No.. ako dapat ang humingi nga tawad.. kasi, wala ako sa tabi mo nung mga panahon na kailangan mo ko.."
Hindi sya nagsalita. Sa halip ay hinimas nya ang kabuuan ng mukha ko na tila ba kinakabisado nya ang bawat detalye non.
I held her hand and kissed it.
"Ericka.. lalaban kapa diba? Lalaban tayong dalawa diba?" pagsusumamo ko.
ngumiti lang sya..
"lalaban ka Ericka.. marami pa tayong gagawin.. babawi kapa sakin.." kahit mahirap ay nilagyan ko ng buhay ang pagsasalita ko kahit ang totoo ay sobra na akong nahihirapang magpigil ng emosyon.
Hindi sya sumagot..
"Ericka.. Kung kailan. *sobs* kung kailan naman magkasama na ulit tayo.. *sobs* tsaka naman nagkaganito... kaya lalaban tayo.. kasama mo na ako.."
"Hindi.. Hindi ko na.. kaya.." Sagot nya. Nakita kong may luha na naglakbay sa gilid ng mata nya.
"Ericka please.. lalaban tayo.."
"Pagod na ako.. pagod na pagod na ako Lee.. Tama na.."
pinunasan ko ang luha nya.
"Ayoko na.. Tama na yung sakit ng katotohanan na hindi kita makakasama Lee.. Tama na yun.. Ayos na ako.." Ericka.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya.
"Magmahal ka ulit Lee..." Ericka
I shook my head.
"Hindi.. ayoko! Ikaw lang ang gusto ko.. Ikaw lang Ericka.. Wala nang iba!"
"Tiniis ko ang ilang taon na hindi ka makita.. para maihanda ka kung sakaling mawala ako.. Please Lee, wag mong sayangin ang sakripisyo kong iyon..." Ramdam ko ang hirap nya sa pagsasalita.
bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya..
"Lee.. Hayaan mo.. na ako... Hirap na Hirap.. na ako..." sabi nyang nahihirapan nadin sa paghinga.
Tatawag sana ako ng Doctor pero pinigilan nya ako.
"Lee.." She called then she shook her head. "Tama na..."
Wala akong nagawa kundi yakapin na lang sya.. Naramdaman ko ang pagtugon nya sa yakap kong iyon..
"Sana mapatawad mo ko Lee... Sa mga ginawa ko.." ramdam ko ang pagpatak ng luha sa mga mata nya.
"Mas importante ka kesa sa galit na nararamdaman ko sayo..." bulong ko.
Niyakap ko sya na para bang wala ng bukas.. Ayoko syang mawala!
Pero sadya nga sigurong masyadong unfair ang buhay... after a few moments ay naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng braso nya sa tagiliran ko...
"Till we meet again... Ericka." Then my tears Dropped without releasing her.
Matapos ang pagkawala ni Ericka ay nakapagdesisyon akong hanapin muna ang sarili ko.
Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa.. Hindi pa ako handa para kay Alexa..
Gusto ko munang hanapin ang dahilan para magsimula ulit.
Matapos nun ay pinilit kong iwasan si Alexa..
Masakit sakin na iwasan na lang sya ng ganun pero anong magagawa ko? ayokong masaktan ko sya..
Ayokong madamay sya sa gulo ng buhay ko.
Ayokong makita syang nasasaktan dahil mas triple ang sakit para sakin.
Years have passed.. At unti-unti na ding humihilom ang mga sugat.. pero hindi ang kay Alexa.
Dati rati twing nakakasalubong ko sya ay mababakas sa mata nya ang sakit na ako ang may gawa. Pero nitong nakalipas ay ibang mata na ang nakikita ko sa kanya.. Mata na para bang wala nang nararamdaman.. Mata ng palaban..
Nakaramdam ako ng takot.
Takot para sa kanya at takot para sa nararamdaman ko..
Masakit man aminin pero naging tanga ako..
Naging mahina ako..
Pero, ang takot kong iyon ang nagpatunay kung sinong tao ang nagsalba sakin.. Iyon ay si Alexa..
That's why i want to tell her everything.. the reason kung bakit ako hindi nakarating nun.. dahilan sa ilang taong natiis ko sya..
Gusto kong sabihin iyon..
lahat!
[ Alexa ]
Akala ko ay Wala na akong pakialam.
Akala ko ay magiging manhid na ako para sa kanya.
Akala ko ay wala na syang halaga sa buhay ko..
Akala ko ay kaya ko na syang tiisin.
Damnit! Hindi ko pala kaya!
Okey na sana ang lahat ng bigla akong makatanggap ng message mula sa kanya.
"Panyang.. Can we talk? Meet me at the nearest park.."
Matapos kong mabasa yon ay parang binalutan ako ng sangkaterbang kaba at wala sa loob kong naihagis ang Cellphone ko sa katabing upuan.
Sh*t! paano nya nalaman no. ko?
Muli kong sinilip ang Cellphone.
Hindi ko alam kung kaya ko pa ulit hawakan ang Cellphone na yan!
But, OA ko naman kung magpapadala ako sa kaba ko. Muli kong kinuha iyon at muli itong binasa.
Sh*t! Sya nga ang sender!
naibato ko ulit yung Cellphone.
Walang ibang may alam ng palayaw kong iyon kundi sya lang..
Parang baliw ulit na kinuha ko yung phone.
Hindi ko alam kung ano na namang putakte ang pumasok sa isipan nya at matapos ang ilang taon ay bigla-bigla na lang magte-text..
Pero.. pupunta ba ako?
No! hinde!
Hindi ako pupunta!
Bakit naman ako pupunta?
matapos nya akong hindi siputin noon?
Huh! sinong niloloko nya?
Muli na naman akong nakatanggap ng text at mula na naman sa iisang number.. i opened it.
"Please..."it says.
Napahigpit ang hawak ko sa Cellphone.
Dapat magagalit ako diba?
Dapat hindi ko na to ini-entertain diba?
Hindi ko na dapat to binabasa diba?
Pero takte!
Bakit ang sakit-sakit parin?
yun lang ang laman ng message na yun pero bakit napi-picture out ko ang mukha nyang nagmamakaawa?
Ilang taon kong piniling manahimik kahit nagkakasalubong lang kami. Hindi ako nanghingi sa kanya ng explanation dahil wala naman akong karapatan!
Kaya nga P*tcha bakit ang sakit parin kahit binaon ko na yon sa limot?
Bakit ganito parin kasakit?
hinanda ko na ang sarili ko para dito diba?
Bakit parang nare-refresh pa din ang sakit nung gabing iyon?
Binitiwan ko ang Cellphone at bumaba ng bahay.
"Manong.. Get the car ready...." Utos ko.
Diko alam ang nararamdaman ko sa buong byahe, Gusto kong magmadali na ewan.. Gusto ko syang makita na ewan!
Gulo-gulo ng isip ko!
Sinabi ko sa driver na diretso sa pinakamalapit na park dito sa lugar namin.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko nga sya.. habang pasan ni Cody.
Hindi ko na hinintay na maipark ng driver ang sasakyan at dali-dali akong bumaba ng sasakyan.
Halos mawarak ang puso ko habang tinititigan ko ang maamo nyang mukha na puno ng dugo at mga pasa bahang pasan ni Cody.
Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano at inutusan ko si Cody na isakay si Lee sa sasakyan. Alam kong nagtataka sila pero wala na akong pakialam kung anu man ang iisipin nila. Ang mahalaga ngayon sa oras na ito ay si Lee.
Nasa sasakyan lang kami ngayon..
Nakahiga sya sa may binti ko at ako naman ay busyng-busy sa paghagod sa mukha nya..
God, paano ko na mahihindian ang isang tulad nya?
He's so innocent yet he broke my heart?
Bigla naman akong nanlamig ng sa pagtingin ko ay nakatingin na pala sya sakin. napaangat naman ang kamay ko na kanina pa humihimas sa pisngi niya dahil don.
Shocks! baka isipin nyang pinagnanasaan ko sya!
"You.. saved me again." He said coldly.
I nodded.
Gusto kong magsalita pero heto na naman ang mga peste kong lalamunan at hindi na naman alam ang sasabihin!
"Ilang years na ba simula nung huli tayong naging ganito?" malambing nyang tanong.
Nag-isip muna ako.. Sa totoo nyan ay hindi ko na matandaan. saglit lang ang panahon na iyon at tanging ang sakit lang ang natatandaan ko.
"Dont know." Sagot ko na tumingin sa malayo.
In fact, iniiwasan kong tignan ang mga mata nya. Yun kasi ang kahinaan ko.
Natahimik na man sya.
ilang sandali kaming ganoon.
parang pinapakiramdaman namin ang bawat isa.
"Umuulan.." He said breaking the silence.
Agad naman akong tumingin sa labas at Oo nga, umuulan nga.
everytime pag ganito ang panahon ay palagi akong nasasaktan. Ito kasi ang panahon na nagpakatanga ako. Palagi ko iyon naaalala.
"Yeah.. it's raining." malamig kong sagot.
bumangon sya mula sa pagkakahiga sa hita ko at pinahinto ang sasakyan.
Matapos maitabi nung driver ang sasakyan ay walang ano-anoy lumabas sya at nagpasiulan.
"Hoy, Lee! gusto mo na ba talagang magkasakit?" sigaw ko mula sa loob ng kotse.
Hindi naman ako pinansin ng ugok at parang bata lang nakatayo sa gitna nang malakas na ulan bahang nakatingala.
"Lee, ano ba? bumalik ka nga dito!" muli kong sigaw.
Ano ba yan?! daig ko pa ang mama kung makasigaw dito! at ang lalaki namang yan ang tigas ng ulo! tsaka, balak ba nyang uminom ng tubig ulan at nakatingala pa talaga sya?!
Hindi na ako nakatiis at kinuha ko ang payong na nasa compartment ng kotse at lumabas.
"Ano ba? gusto mo na ba talagang mamatay?" sermon ko nung makalapit ako sa kanya. pinayungan ko na din sya kahit alam kong wala nang kwenta yon dahil basang-basa na sya. Hindi ko naman sinasadyang pasadahan ang buong katawan nya.
pero... OH, my...ABS!
manipis lang ang suot nyang white long sleeves at basa pa kaya naman dikit na dikit ito mismo sa katawan nya. klarong klaro ko tuloy ang mala-adonis nyang katawan!
pero- Waaaaahh! ERASE! ERASE!
wag kang magpapadala sa ABS Alexa!
"Bumalik kana sa kotse para magamot na yang mga sugat at pasa mo.." mahinahon kong pakiusap sa kanya. Shete! napapatingin talaga ako sa katawan nya!
Agad naman nya akong nilingon at tinitigan lang ako.
Sheet! ayan na naman yung mga mapang-akit nyang mga mata!
"Nabasa ka din noon diba?" walang emosyon nyang tanong.
Haaa? anu daw?
"Haa? anong nabasa-"
"Nabasa ka din noon.. Habang hinihintay mo ko." seryoso pa din syang nakatingin sakin. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero hindi ko kaya.
"Matagal na yun Lee, Tsaka kalimutan mo na yon.."
"I know how you hated me since then.. I can feel it."
Ayaw ko na sana yan marinig mula sa kanya pero may nag-uudyok sakin na pakinggan ko sya.
"Wag na natin pag-usapan yon Lee.." nanginginig na ang boses ko dahil pinipigilan kong umiyak. Ayokong umiyak.
"Matagal na sana natin iyon ginawa kung hindi lang ako naging gago Alexa.." Lee
Yeah, ang gago mo nga Lee.. Ang gago mo pero ako ata ang mas gago sa ting dalawa kasi kahit alam kong sinaktan mo ko, heto parin ako. Handang manatili sa tabi mo!
"Sabi nang wag na natin pag-usapan yan eh!" Wala na, hindi ko na napigilan ang luha ko.
"Alexa.." He moved closer to me. "Im sorry..." He almost whispered.
Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Naghahanap ako ng dahilan para hindi sya pakinggan.
Pero, wala akong mahagilap.
"Wala na sakin iyon.." Ok I lied.
Nabigla ako ng hapitin nya ang ulo ko at ipagdikit ang mga noo namin.
F*ck! i can smell his breathing... Parang gustong manghina ng katawan ko sa ginagawa nya.
"Alexa.. I want to say 'Sorry' for all the pain i've caused you.. sorry for all the tears you've shed because of me.." he said with his eyes closed.
please Lee, wag mo kong baliwin.. baka hindi na kita bitiwan!
"Please... please forgive me." ramdam ko ang pagmamakaawa sa boses nya.
How can i Resist this Guy for god's sake?!
Ayoko nang magsinungaling sa sarili ko na ok lang sakin na hindi ko sya makita!
Ayoko ng lokohin pa ang sarili ko na ayaw ko syang makasama!
kasi buong puso at kaluluwa ko ay isa lang ang hinahanap, sya lang at wala nang iba!
"Matagal na kitang napatawad Lee.." usal ko.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari nang bigla nya akong hapitin sa bewang,
"Still, i crave for this lips.." He said.
Then, He kissed me passionately.
malakas ang ulan pero sya naman ang paghina ng lakas ko dahilan para mabitawan ko ang payong na nagsisilbing protekta namin sa malakas at malamig na ulan.
He kissed me with all of his heart at ramdam ko iyon.
I Began Returning the kiss at naramdaman kong napahinto sya.
I know why.
"San mo natutunan yan?" he asked after he released my lips.
I Smirked. "from my past boyfriends.." i gave him my playful smile.
bumakas naman sa mukha nya ang lungkot, rather selos.
Ohh, poor boy.. Ang cute magselos!
then i touch his chin para matignan nya ako.
"Just kidding baby.." I smiled. "ikaw lang ang tanging lalaking nakahalik sakin at wala na akong papayagan na may hahalik pa dito.." I said touching my lips. "Wala nang iba.." then i kissed him again.
Para tuloy akong nauhaw sa halik nya. -joke! pero totoo! :))
naramdaman ko naman ang pagngiti nya..
maya-maya pa..
"Ms. Alexa.. tapos na po ba kayo? pwede na po ba tayong umuwe?" biglang singit naman nung driver namin.
Bwiset ka kuya, alam mo yon??
"Halika na baby.. uwi na tayo at gagamutin ko pa ang sugat mo.." sabi kong hinawakan ang kamay nya.
"Nandun ba parents mo- I mean, sina tita and DAD?" sumilay na naman ang mapaglarong ngiti sa mga labi nya.
Craaaap! He's teasing me again. Well, i dont care! I love him that much kaya makakaya kong kalimutan ang lahat sa nakaraan!
Bigla ko tuloy naalala na palagi pala syang hinahanap ng parents ko pero palagi kong alibi is SUPER busy sya..
"Yeah.." matapos nun ay para naman kaming bata na nag-unahan makasakay ng sasakyan.
Then we headed home.
There's no place like home Lee... at yun ay sa puso ko..
#Waaaaaaahh!
longest chapter so faaaaaaaar!
ansaya-saya! :))
sya nga po pala..
malapit na ang graduation..
Congrats ng bongga sa mga graduates!
keep smiling.. keep eating.. (Eating talaga? hahah) and stay pasitib olweys!
hihihi... salamat sa patuloy na sumusuporta sa STGL!
nadagdagan na naman yung mga lovers natin..
uhhmm.. sino na sa tingin nyo ang susunod??
Sorry po kung may mga grammatical errors.. hindi po kasi ako expert sa ganyan.. hehe :)) pero, salamat pa din sa pagbabasa..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top