Chapter25

[ Alexa ]

Invisible.
Yan ako.
Ganyan ko dini-describe ang buhay pag-aaral ko sa SFU..
boring diba?
Bakit?
Kasi yun ang pinili ko.
Simple.

Simple lang naman ako.. Hindi ako nag-iinarte kahit may kakayahan akong mag-inarte. Kahit galing ako sa pamilyang kabilang sa alta-sosyedad ay hindi ko ginustong mamuhay ng marangya katulad ng karamihan sa mga estudyante dito. isa lang akong simpleng babae na ang buhay ay bahay, Eskwelahan at libro. Nabago lang ang lahat ng iyon nung makilala ko ang isang tao na hindi ko aakalaing magiging parte ng buhay ko... at kakainisan ko.
Naalala ko pa nun kung gaano ako ka-excited pumasok sa St. Ferg's University dahil sa isang tao.

Si Lee Alcantara.

Hindi ako member ng kahit anong Club na binuo ng mga taong umiidolo sa kanya. Isa lang akong hamak na simpleng babae na humahanga sa isang katulad nyang hindi maabot ng katulad ko.
Hindi naman sa masyado akong sumisenti.. Yun kasi ang katotohanan. Ano ba namang laban ko sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya? Kaya naman nagkakasya na lang ako sa pasilip-silip sa kanya mula sa malayo..

Si Lee Alcantara ay kabilang sa kilalang pamilya pagdating din sa negosyo. Kilala din ang pamilya nila na kabilang sa pinaka-kilalang Gang na matagal nang naghahari sa Gang World. Ang Mugen-Dai..

Nagsimula ang pagbabagong iyon isang hapon papauwi ako.

Makulimlim nung mga oras na iyon na para bang nagbabadya ang isang malakas na ulan. Halos lahat ng estudyante ay nakauwi na..
Medyo maaga pa nun para sakin kaya naman nagpasya akong maglakad hanggang papalabas ng University. Exercise ng konti dahil nakakatamad mag-jogging sa umaga.

Malayo-layo nadin ang nalakad ko mula sa University ng makarinig ako nang mga hiyawan ng mga lalaki kasabay ng tila may nabalibag na kung ano, Nakarinig din ako ng tila may nabasag.
Agad kong hinanap kung san nanggaling ang mga ingay na yun.

Sa paghahanap ko ay may nakasalubong pa akong ilang grupo ng mga lalaking sa tingin ko ay taga-ibang University.

Ang gugulo ng mukha! nakaka-stress! Nagtatawanan lang sila na lumabas sa isang eskina. Parang mga mukhang Adik.

Napahinto ako sa paglalakad sa isang Eskinita kung saan nanggaling yung grupo ng mga lalaking nakasalubong ko kanina ng tila ba may namataan akong kakaiba.

Napasinghap ako sa gulat nang sa paglapit ko ay makita ko ang isang lalaking duguan ang damit na nakatihaya lang sa daan katabi ang ilang basag na bote. Ito siguro yung narinig ko kanina.
Wala naman sa sarili kong agad na sumaklolo at agad nilapitan ang lalaking nakahiga.

"kuya.. Ok ka lang?" Sabi kong napaupo sa tabi nya habang niyuyugyog ang balikat nya. Actually, may takot ako sa dugo pero titiisin ko muna ngayon.

Muli kong niyugyog ang balikat nya..
hindi pa naman siguro sya patay diba?

"kuya.. naririnig mo ba ako." Muli kong tanong ng hindi sya sumagot.
Hindi ko gaanong makita ang mukha nya dahil sa nakatabon ang buhok nito sa mukha nya.

Jusko! Ano ba kasing nangyari sa kanya?

Nakita ko ang nagkalat nyang gamit sa kalsada kaya kaya agad ko munang kinuha yon para din naman malaman ko kung sino tong hinayupak na to na nakahilata lang sa daan. Sa pagdampot sa mga gamit nya ay nakita ko ang wallet nya, katabi nun ang ID nya. Laking gulat ko nang sa pagtingin ko sa ID nya ay ang pangalan ng diko inaasahan na tao ang mababasa ko..

******

"Kamusta na ho sya Uncle?"

buong pag-aalala kong sinalubong si Uncle Dennis paglabas nya ng kwarto ko. Kanina pa ako lakad ng lakad sa pag-aalala. Inuwi ko kanina dito sa bahay yung lalaking nakita ko.

Si Lee Alcantara.

StarStruck pa din ako hanggang ngayon dahil, Duh! ang isa sa mga hunk ng SFU ay nasa bahay ko?! sinong hindi mawiwindang diba?

Pero hindi naman talaga ako natutuwa ng husto dahil lang sa andito si Lee ngayon, pag-aalala ang nararamdaman ko dahil sa nangyari sa kanya.

"He'll be fine Alexa.. Mga pasa lang naman ang natamo nya at konting galos." pagpapaliwanag ni Uncle.

"Paggising nya, pakainin mo agad ng makabawi ng lakas. ok?" pag-papaalala ni Uncle.

Tumango lang ako.

Matapos ang ilan pang bilin ni Uncle ay nagpaalam na ito umalis. Nagpasalamat din ako dahil mabilis ang response ni Uncle nung tinawagan ko sya.

Dahil sa hindi naman talaga ako Cook ay nagpatulong nalang ako sa mga kasambahay namin kung paano gumawa ng soup. Nahiwa pa ang daliri ko sa paghiwa ng mga ingredients.

Hindi lang tlaga ako mapakali. Excited na natutuwa na nauutot na EWan!
Hindi ko talaga lubos maisip na darating ang araw na to na paglulutuan ko siya.

Matapos ang paghahanda sa kakainin nya ay excited kong tinungo ang kwarto.

Muntik ko nang mabitawan ang tray na dala-dala ko nang sa pagpasok ko ay nakita ko syang nakaupo... Topless!

Ohhh...Craaaaap... Those Abs! Aaarrrrrg!

"G-gising kana p-pala.." Nabubulol kong sabi.

Enebeyen tey!

Hindi sya sumagot.

Well, nakakapipi pala pag nabugbog?

kahit kinakahaban ay lumapit ako kanya at inilagay ang pagkain na hinanda ko sa table na katabi lang ng higaan.

"Sabi ng Doctor, kailangan mo daw kumain para maging malakas-"

"Thank you." Lee

O_O

"Wag ka munang magpasalamat... Di ka pa galing." Ngiti ko na pinipigilan ang kilig.
Sinong hindi kikiligin na first time kaya na magkausap kami ni Lee?!

Umupo naman ako sa Sofa na katapat lang ng higaan.

"thank you for saving me..." He smiled at muntik ng malaglag ang panga ko.
kinuha nya ang pagkain at sinimulang kainin yun.
Para naman akong tanga na pinapanood lang sya kumain.

Tengene! kinikilig talaga ako putres!

"It's ok... Pero kung gusto mo talaga makabawi.. (BE MY BOYFRIEND!)" Pero syempre hindi ko sinabi yun!

Lumingon sya sakin. Akala nya ata pagbabayarin ko sya.

"..magpagaling kalang ok na sakin na kabayaran yun." ngumiti ulit ako.

sheteng! hindi na mawala ang ngiti sa labi ko!

"..Salamat talaga." He smiled back.

Gaaaaaaad! ibubulsa nalang kita Lee!

"Siya nga pala.." Baling nya ulit sakin.

"...Mabigat ba ako?" nahihiya nyang tanong.

Ang Cuuuuuute nya talaga kahit saang anggulo tignan! Grabe tong lalaking to!

"..Hehe, Hindi naman masyado." sagot ko.

Actually, nabuhat ko talaga sya ng wala sa oras dahil sa sobrang nerbyos na baka napano na sya..

Alam mo yung tipong kapag nasunugan lang ang peg na kahit yung mabigat na appliances na katulad ng reff ay mabubuhat mo?! ganun ang nangyari sakin kanina.
Wag na kayong magtaka, puso na pinag-uusapan eh!

"Pasenya na talaga at naabala pa kita.." Yumuko sya.

Hindi ko alam na may ganito palang side si Lee. Yung cute nyang side.

Hindi yung Lee na cool at pinagkakaguluhan ng mga babae.

Thankful ako kasi nagkaron ako ng pagkakataon na makita ang side nyang ganito.

"Hindi ka naman nakakaabala.. Siguro nagkataon lang talaga na napadaan ako sa lugar na iyon." Paliwanag ko.

Nagpatuloy naman sya sa pagkain habang ako ay aliw na aliw naman syang pinapanood.

Nakapag-stay pa siya ng ilang araw sa bahay dahil bumalik pa dito si Uncle para tignan ang kalagayan nya. Wala din naman ako dapat ipagalala kasi out of town sina mama at daddy. Minsan lang sila umuuwi dito pero hindi naman ako ganun ka-iresponsableng anak para hindi ipaalam sa kanila na nagpatuloy ako ng isang gwapong hunk na lalaki dito sa bahay.. Wala din naman kasi sila dapat ipag-alala. Maraming tao dito sa bahay at imposible din naman na masamang tao si Lee.

*******

"Aalis ka na ba talaga?" Nakapangalumbaba kong tanong sa kanya isang hapon.

Ang lungkot ko talaga.
Uuwi na kasi siya.

"Eto naman, magkikita naman tayo sa University.." Umupo sya sa tabi ko.

Hindi ako sumagot.
Bitter lang?

"Hey, wag ka mang malungkot dyan.. Promise magkikita tayo dun." Inakbayan nya ako.

Ilang araw lang syang nag-stay dito pero kung kausapin na namin ang isat-isa ay para bang matagal na kaming magkakilala.

"Hindi mo na ako mapapansin dun kasi ikaw si Lee Alcantara.." Pagmamaktol ko.

Naiinis talaga ako.

"Ha? Ano namang meron sa pangalang yon? imposible yung sinasabi mo.."  Ngumiti siya. "You'll see.."

****

Lunes.

typical day..

Araw ng katamaran!

Mabigat na naman sakin para bumangon..
Di katulad nung nandito pa si Lee, excited pa akong gumising sa umaga kasi alam kong makikita ko sya.. Pero ngayon, walang kasiguraduhan kung makikita ko nga ba sya..

I did my morning rituals at naghanda na ako para pumasok.

Pero-

Waaaaaahh! Nakakatamad talaga!

Bakit kasi naging kilala pa sya sa SFU?
kung hindi sana ay mas madali ko syang malalapitan sa University :(
Pero sa status nya sa SFU?
Bangkay na siguro ako bago pa ako makalapit sa kanya dahil paniguradong isa-salvage na ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya!

Pero Sabi nya, magkikita padin naman daw kami.. ASA PA AKO!

Nakarating ako sa SFU ng hindi ko namamalayan.
Hindi ko din nakita si Summer ng ilang araw dahil masyado akong na-busy na pag-aasikaso kay Lee sa bahay.
After kasi ng Klase ay mas excited akong umuwi kesa maglamyerda dahil alam kong madadatnan ko si Lee dun.
Ako lang at si Lee ang nakakaalam about sa pag-stay nya sa bahay..
Kailangan naming itago iyon dahil pag nalaman daw iyon ng mga babae sa University ay baka kung anong gawin sakin.
Ayaw ko din naman ng gulo kaya naman nag-agree ako sa suggestion nya.

Gustuhin ko mang hanapin sya sa SFU pero hindi pwede..
Maraming harang ang nasa pagitan namin ni Lee pag nandito kamin sa SFU..
Haaaaaayy...

Nasa canteen lang ako ngayon dahil lunch break namin.
Mag-isa lang ako, Wala si Summer.
Panigurado natutulog na naman iyon sa tambayan nya!
Babaeng iyon talaga.
Imbes na samahan ako ay mas ginusto pang matulog!

tahimik lang akong kumakain ng makarinig ako ng usapan tungkol kay Lee.
Para tuloy naging malaking imbudo ang tenga ko sa pakikining sa kanila.

" girls, Nabalitaan nyo bang ilang araw palang hindi nagpakita si fafa Lee sa SFU?" Girl1
OO, KASI NASA BAHAY KO SYA NAG-STAY! Sagot ng utak ko.

"Bakit kaya?" girl2
KASI INILIGTAS KO SYA SA TIYAK NA KAPAHAMAKAN MGA IMPAKTA!

"Hindi kaya kasama lang nya ang rumored Girlfriend nya ng ilang araw?" Girl3
SOON TO BE WIFE MGA GAGA!

"Ang swerte naman nung babaeng yon!" girl1
MAY TAMA KA GIRL!

"Siguro iyon yung babae na matagal nang gusto ni fafa Lee?!" Girl3

Natigilan ako sa narinig ko.
May ibang nagugustuhan si Lee.. :(

"Balita ko palaging pinupuntahan yun ni fafa Lee sa University kung saan nag-aaral yung girl.." Girl2

Parang gusto ng pumatak ng luha sa mata ko dahil sa narinig ko.
Pisti! Yan ang napapala ng mga chismosa Alexa!
Hala sige! Makinig kapa!

Nagsimulang mangilid ang mga luha ko..
Ang sarap mangkalbo ngayon ng tao!

"Balita ko din seryoso talaga si fafa Lee sa girl na yun kasi akalain mong pinupuntahan pa talaga nya?!" Girl3

"Ang swerte talaga nung girl, dahil si Lee Alacantara ang nagkagusto sa kanya!" Girl1

Hindi ko na sila pinakinggan at dali-dali na akong umalis sa lugar na iyon!
P*tcha!
Hindi naman kami pero kung maka-react ako para akong na-byuda!

Afternoon class ngayon at tuluyan na nga akong nawalan ng gana makinig sa pagmimisa nung teacher naming parang nakaubos ng isang case ng beer dahil sa pagsasalita nito!

Sino ba namang estudyante ang gaganahan makinig kung ang topic isa about JEALOUSY?

Tengene lang! Sarap ituwad ang desk at magwala!

Pero naisip ko, bakit nga ba ako nagre-react ng ganito?
Hindi naman kami!
Footragis lang!

"Ms. Llnarez!"

Tungunu! Bakit din naman ako masasaktan kung may ibang babae syang kinagigiliwan?
Kung tutuusin ay wala akong karapatan mag inarte ng ganito!
Kung tutuusin ay Isa lang naman na aksidente na nakita ko sya at inaalagaan.
Aksidente lang.. At yun ang nakakalungkot sa lahat :(
Nalulungkot talaga ako.
Ang bigat sa pakiramdam nito!

"Ms. Llnarez!"

Naputol ang pag-iisip ko nang kalabitin ako ng isa sa mga classmate ko.
Balibagiin ko kaya to ng maso???

"Huy, Llanarez!" Tawag sakin nung kumalabit. Nginuso naman nya yung teacher naming deretsong nakatingin sakin.

Napatayo naman ako sa gulat.

"Mam, SENTENCE is a group of word that expresses a complete thought!" Mabilis kong sagot.

Narinig ko namang nagtawanan ang mga ugok kong mga classmate.

Bwiset talaga! Sige Define Stupidity mga Shunga!

"Your definition is correct! But.. Im not asking about SENTENCE.. Im asking about how you define JEALOUSY?" Tinaasan lang ako ng kilay nung teacher namin.

JEALOUSY??
Ako pa talaga ang tinanong?
Bakit sa lahat ng tanong yang pesteng JEALOUSY na yan ang napunta sakin??
Ano bang klaseng skwelahan to?
Magda-drop out nako!

Syempre, joke lang!

Pero-
Sakin ba talaga dapat manggaling ang sagot sa tanong na yan?
Bakit sa dinami dami ng estudyante dito ay ako pa talaga ang dapat sumagot??
Refer to the dictionary nalang!

"You're spacing out again Ms. Llnarez.." Sabi ni mam. "Now, what is JEALOUSY?" Muli nyang pagtatanong

Gamunggo na ang pawis ko sa noo.

Peste kasi!

Inhale..exhale..

Ano ba ang dapat kong isagot?
Dapat ko bang sabihin na iyon ang nararamdaman ko ngayon?
Nagseselos nga ba talaga ako?

"Mam, Jealousy is an emotion, word typically refers to the negative thoughts and feelings of insecurity, fear and anxiety over an anticipated loss of something of great personal value, particularly in reference to a human connection." Walang kabuhay-buhay kong sagot.

"In other words Mam, isa itong LETSENG pakiramdam na kahit kailan ay hindi mo mapipigilan. PUNYETA!" I added.

Gulat na napatingin sakin ang mga classmate ko, ganun din si Summer. Gulat  din ang expression na nakikita ko sa mata ng teacher namin.

Letse talaga!
Sinong hindi satisfied sa sagot ko? Makakalbo ko?!

"So Ms. Llanarez.. Have you been jealous before?" Follow up question ni Mam.

Yung totoo Mam? Interrogation to?

Well, Natanong ko na ba ang sarili ko tungkol dun?
Kung nagseselos nga ba talaga ako?
Ewan! Natatakot din akong malaman ang sagot.
-
-
-
-
-
"I dont know..im sorry." Sagot ko At bumalik nako sa pagkakaupo.

Nakatingin lang sakin si Summer... Alam kong nararamdaman niya pero wala naman syang ideya kung bakit. Pasalamat din ako na hindi ko iyon na-share sa kanya ang tungkol kay Lee dahil ayaw ko din naman syang mamroblema.

****

"May problema kaba?" Tanong sakin ni Summer nung hapon na iyon. Tapos na ang klase.

"I dont know.." Pinilit kong ngumiti.

"Naisagot mo na yan kanina.." Pinipilosopo na naman nya ako.

Magkaibigan nga kami.

"Meron pero-"

"Hindi mo naman kailangan sabihin sakin agad. Siguraduhin mo lang na magiging ok ka.. Alam mo naman san ako hahanapin pag-hindi mo na kaya diba?" Ngumiti lang sya sakin.

Kaya mahal na mahal ko tong babaeng to eh!
Alam nya kung kailan sya dapat rumesbak! Labyu best!

"Magiging ok ako.. Taga mo pa sa bato ni darna!" Matapos nun ay nagtawanan lang kami.

Naunang nagpaalam sa akin si Summer dahil may kailangan Pa daw siyang daanan sa bookstore.. Meron na daw kasing bagong issue yung libro na inaabangan nya.
Kaya pinagbigyan ko nalang..
Adik yun sa novel eh!

Hindi na ako nagpasundo sa driver namin since minsan lang naman talaga ako nagpapasundo. Nangyayari lang yun kapag tinatamad ako makipag-siksikan sa mga PUV..

Everytime talaga na maiisip kong meron na nangang ibang nagugustuhan si Lee ay parang gusto kong  magpasagasa sa bisikleta!

Bisikleta lang mga dude! Di pa ako ganun ka desperada.

*****

"Nag-iisa ka ata?"

"Ay, kabayo ni Adan!" Sigaw ko sa gulat.
Nabitiwan ko tuloy yung dala kong gamit.
Agad ko naman iyon dinampot lahat. Naramdamdan ko din na tumulong din yung nagsalita para pulutin ang iba ko pang gamit. Matapos nun ay ibinigay nya iyon sakin.

"Salamat! Bakit kaba kasi- LEE?" naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Hi.. Miss mo ko?" Bati nyang nakangiti.

"OO- ay! Ano- salamat sa pagdampot" Putek, muntik na yun! Nahihiya ko pang sabi sabay tayo.

Heto na naman ang puso ko.. Tumitigidig!
Aalalayan nya pa sana ako sa pagtayo pero hindi ko na hinintay iyon dahil alam kong maraming mata sa paligid namin. Baka hindi na ako makauwi ng buhay.

"Oh. Kung maka-react ka dyan para namang hindi tayo magkasama kahapon.." Ngiti nya.

Sinong hindi magre-react ng ganito, kung ikaw ang kaharap ko??!!

"Hindi lang ako sanay na kinakusap mo ko dito university..." Sabi kong patingin tingin sa palagid namin.

"Hindi kaba natatakot na baka kung ano ang isipin ng tao sayo kung makita ka nilang kinakausap ako?" Pag-aalala ko.

"As if naman kailangan ko pang magpaalam sa kanila kung sino ang dapat kong kausapin?" seryoso nyang sagot.

Nakaramdam naman ako ng tuwa kahit konti sa sinabi nya.

"So, uuwi kana?" Tanong nya sakin na sinabayan ako sa paglalakad.
OO, UUWI NA AKO SA PUSO MO.. sagot ng isip ko.

Inaaliw ko nalang Ang sarili ko sa pagsagot sa isip ko Dahil hindi ako mapakali kakalingon sa paligid dahil baka may makakita na kasama ko siya.

Lagot na talaga pag nagkataon!

"Oo ehh.." Sagot ko sa tanong nya.

Maya-maya pa ay huminto sya sa paglalakad at humarang sa dinadaanan ko. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at ikinulong iyon sa palad nya.

"Kanina kapa lingon ng lingon. Bakit kaba nag-aalala kung makikita nila tayo? So what? Let them see us.. Wala naman tayong ginagawang masama.." Lee

"Hindi lang talaga ako sanay.. Pasensya na.." Yumuko ako.

Sa totoo nyan, natatakot talaga ako.

"Natatakot kaba?" Yumuko sya para silipin yung mukha ko.

Kuha mo din Lee!

I nodded.

I heard him sighed.

Galit kaya siya?

IKAW KASI ALEXA EH! KUNG ANO-ANO INIISIP MO.. TULOY, NAGALIT SAYO!

kung pwede ko nga lang ibalibag ang sarili ko ay ginawa ko na..

hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin..

Then binitiwan nya ang pagkakawak nya sa mukha ko..

galit nga siguro..

Then the next thing i knew is.... He's holding my hand.

napatingin ako sa mukha nyang sobrang amo..

"Hold on.. Wala kang dapat ikatakot. nandito ako. just enjoy the walk.." Lee

Gusto kong mahiya dahil hawak nya ang kamay ko. First time na nahawakan nya ang kamay ko. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung sobra na ang panginginig ko sa sobrang kaba.

Nagsimula na kaming maglakad. Pakiramdam ko ay pwede akong himatayin anumang oras.

Marami kaming nakasalubong na tao na kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay paniguradong patay na ako sa sobrang sama ng mga tingin na pinupukol nila sakin.
Binalak kong tanggalin ang pagkakahawak nya sa kamay ko dahil parang nape-pressure ako sa paligid ko.

Gusto kong tanggalin Pero mas hinigpitan nya ang pagkaka-kapit sa kamay ko.

"I told you to trust me.." Sabi nya na hindi lumilingon sakin.

kailangan kong magtiwala kahit natatakot ako.

sinunod ko ang sinabi nya.

Ramdam ko ang salita nyang iyon pero hindi parin maiwasang hindi mabahala.

"I will drive you home.." walang ano-anoy sabi nya.

"Haaaaaa???" Gulat ko. "Anong you'll drive me home? Hindi pwede!" Paghi-hysterical ko.

Nasa bahay ngayon sina mama at Daddy, baka maya kung ano ang isipin nun kung makita akong hinatid ng isang lalaki na hindi pa nila kilala!

Tumawa naman sya sa naging reaksyon ko.

"grabe naman yung reaction na yan.. Wagas!" tawa nya.

"Wag kang mag-alala, hindi ako papasok sa bahay mo.. Ihahatid lang kita.. Gabi na kasi, hindi ko naman maatim na pabayaan na lang ang hero ko na umuwing mag-isa." Winked.

Okey.. Kinilig lang ako ng 1/4 :))

Sige Lee, ikaw na talaga ang gentleman at gwapo sa paningin ko!

 *********

Tahimik lang ako sa buong byahe ng basagin nya ang katahimikang iyon.

"Curious lang ako Lex.." Saglit syang sumulyap. "Wala ka bang boyfriend para maghatid-sundo sayo?"

Kung hatid sundo lang din naman pala.. Driver na lang kukunin ko!
Pero.. WALA AKONG BOYFRIEND.. KUNG GUSTO MO IKAW NALANG!

"Wala.. Wala pa sa bokabolaryo ko.. Pero kung merong magtatangka.. Bakit hindi?" Sagot ko.

Si-nu-nga-leeeeng ka Alexa!

"Wala? Bakit naman?" Kunot noo nyang tanong.

MALAMANG HINIHINTAY KITA!
"Bakit ba ang dami mong tanong? Boy Abunda lang?" Natatawa kong tanong.

"Imposible kasing wala eh.. You know what? Maganda ka kaya! Kaya para sakin imposibleng walang lalaki ang humahabol sayo.." saglit syang sumulyap.

HUMAHABOL SILA SAKIN PERO IKAW NAMAN ANG HINAHABOL KO! Bwahaha!!

"Kung ako lang sila.. Liligawan kita." He added.
HINDI MO NAMAN KAILANGAN MAGING SILA.. IKAW LANG, SAPAT NA!

parang tanga lang talaga na hindi ko masabi kung ano yung nasa isip ko.

Pero putek! Sakit sa dibdib nito!

Sa mga narinig ko parang gusto kong tumalon from 100th floor, FACE FIRST!!
Plain face lang ako pero deep inside nagpapagulong-gulong na ako sa saya.
Bakit ba kasi ang sweet ng mga salita mo???
Tuloy nafo-fall ako ng bongga?!

Sa sobrang kilig ko, hindi ko namalayan na nakarating na kami sa mismong tapat ng bahay..

Syetee! Sa susunod bibili ako ng bahay na kailangan pang mag-sagwan para ma-enjoy ko naman yung moment with Lee.

"Pumasok kana sa loob.. Baka magkasipon ka.. Malamig pa naman ang panahon." Paalala niya.

"Salamat ulit.." ako.

paalis na sana sya ng biglang lumabas si mama galing sa loob.

PATAY!!!

Gusto ko sanang paalisin na si Lee pero gulat na lang ako ng lumabas ito mula sa sasakyan nya.

anong ginagawa nya?

"Good evening Ma'am.." Magalang nyang bati.

Sinimulan akong kabahan.

nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ma.. Ah- ano po.. Si Lee po-"

"i know.. " Sabi ni mama na para bang ine-examin nya si Lee mula ulo hanggang paa.  "By the way iho, Why dont you come inside? Your tito is inside too.." yaya ni mama.

Tito? Kailan pa nagkaron ng kamag-anak si Lee sa loob ng bahay namin??

"Hindi po ba ako makakaabala?" Lee

"naku iho, hindi.. Tutal, kaya nga kami napauwi ay para makilala ka din.." Smile lang si mama.

Wuuut??
Umuwi sila para makilala si Lee???

Teka- para saan?
Dapat na ba talaga akong kabahan??

Pinagmasdan ko lang sila na sabay pumasok sa loob.
Para namang barkada lang na inakbayan lang ni Mama si Lee.
Close agad?? Ako naman ay naiwan Sabog!

****

Bababa or hindi??
Bababa or hindi??
Bababa or hindi??

Waaaaaahh!!

Kanina pa ako nandito sa loob ng kwarto at kanina pa ako kinakabahan..
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dun sa baba..

Okey.. hingang malalim!

Kailangan kong bumaba dahil paniguradong magtataka sina mama at daddy kung bakit ako natagalan dito sa kwarto..
Sabi ko kasi sandali lang ako para makapagpalit ng damit.
Pero kung alam ko lang na magdadalawang isip ako bumaba ngayon, dina sana ako umakyat!!
Huwaaaaahhh!!

Okey.. bababa na talaga ako..

Pagbaba ko ay narinig ko silang nagtatawanan..

Bigla tuloy akong kinabahan..

Hindi kaya pinakita ni mama yung mga albums ng picture ko pagkabata na half-naked?? Or kinwento nya kay Lee yung tungkol sa mga embarassment ko nung bata pa?? or yung mga kagagahan ko dito sa bahay??

Sh*t !! Hindi nya pwedeng malaman yun!

Dali-dali akong lumabas sa pinagtataguan ko..

"Oh, anak? Bakit ang tagal mo? Kung kailan papaalis na si Lee tsaka ka naman bumaba.." Sita ni dad pagkakita sakin.

"By the way iho.." Baling naman nya kay Lee "Wala kami for 1week ng tita mo for business trip.. Pwede bang bantayan mo si Alexa para samin?" Tapik pa ni Dad sa balikat ni Lee

"No problem sir.. Basta ikaw." Sagot naman niya.

Hindi sya tumanggi??

"Oh, drop the formalities iho.. You can call me DAD" nag-wink naman si dad sakin.

DAD???

WTF is going on???

Anong ibig sabihin ng lahat ng ito????? Someone tell me!!

*****

"Hindi mo naman kailangan na sundin ang request ni Dad.." Sabi ko kay Lee. Nasa tapat kami ng bahay nun. Pinakiusapan kasi ako ni mama na ihatid ko daw si Lee sa labas.

Para namang hindi alam ni Lee ang daan papalabas?!

"Kahit hindi nila hilingin sakin yun, i'd still do it." He exclaimed.

"Alam ko namang busy kang tao Lee.." Busy sa babaeng gusto mo.

"I can make an exceptions Alexa.. Specially sayo.."

Gusto kong kiligin sa mga salitang iyon pero palaging kong naalala yung mga narinig ko kanina.. Tungkol sa pagkakagusto nya sa ibang babae.

"Pero, pano ang SFU?" bigla kong naalala

"I dont mind.. Infact, i dont care at all!"

"Pero-"

Hinawakan nya ang balikat ko na naghatid ng kuryente sa spines ko at nag-signal sa utak ko na utusan si Heart na tumibok ng sobrang lakas..

Inshort.. TUNGUNU TULUGU KINIKILIG AKOOOO!! kilig lang Alexa, kahit masakit!

"Sleep early.." Sumakay na sya sa sasakyan niya. Binuksan naman nya ang bintana at sinilip ako.

"See you tomorrow.. PANYANG :)" yun lang at nag-drive na sya papalayo.

Ako naman naiwang naka-nga nga..

What did he just called me?? PANYANG???

PANYANG??

PANYANG??

PANYANG??

Tinawag nya akong panyang!!
Paano nya nalaman yun???
Pano??
Sino nagsabi sa kanya??
Teka-

"Mamaaaaaaaaaaaaa!"

T_T

********

Madaling araw na nung nakatulog ako..
Hindi ako nakatulog kakaisip kay Lee at sa punyetang kagwapuhan nyang taglay!!
Yung tipong pagulong-gulong ka sa kama mo dahil sa kilig kahit alam mong may iba syang gusto?!
Yung ang nangyari sakin kagabi!
Kaya naman para akong zombie ngayon habang naglalakad sa passageway ng skwelahan.

Sasakmalin ko talaga magtangka humarang!

Plano ko sanang hindi na muna pumasok dahil sobra talagang namimigat ang mga talukap ng mga mata ko..

Sarap tukuran!!

Pero hindi pwede.. Meron kaming quiz ngayon At patay ako panigurado sa parents ko kung malaman nilang absent ako dahil lang sa puyat ako!

Lintik kasing Lee na yan! Dinaig pa ang Caffeine kung umepekto!

Tapos na ang exam.
At ITLOG ang nakuha ko,,
FIRST TIME in my entire life na nakakuha ako ng ITLOG sa exam!

Sige, tumawa kayo!
Para namang hindi kayo nakaranas na ma-zero!
Sa tingin nyo naman ako lang ang nakakuha ng ganun?
Aba! Papatalo ba naman si Summer??
Second place kaya sya!

Matapos nga ang exam na yun ay nagpaalam na naman sakin si Summer.. May pupuntahan na naman daw siya.
Nahalata ko na madalas nakong nilalayasan nung babaeng yun!
Pinagpapalit nako sa libro nya..

******

Matapos ang exam ay naghanap muna ako ng magandang pwesto para tulugan..
Hindi pa pwedeng umuwi kasi May klase pa kami after 2 hours.
Hindi ako pwedeng magpunta sa tambayan ni Summer dahil paniguradong palalayasin nya ako dun. Masyadong seryoso yun pag nagbabasa.. Ayaw nun ng istorbo.
Kaya naman pinili kong yung library.. Dun ako matutulog.
Tutal naman, antukin din yung librarian dun. Tyak, makakatulog ako.

Bago ako tuluyang naghanap ng pwesto na matutulugan ay kumuha muna ako ng libro para magsilbing alibi.
Maya-maya pa nga ay nakahanap nako ng mapupwestuhan. Sa pinaka likod sa part ng library.

Nyehehehe... Makakatulog na din ako sa wakas!

Maganda ang sana ang pwesto ko at konti nalang makaklimutan ko na ang mundo ng...

"Musta ang exam?"

sino na naman ba ang bwisit na to??

Inis kong idinilat ang mahapdi kong mata.
Peste! Sino na namang istorbo yan?
Hindi ba nya nakikitang patulog nako?

"Walang kwenta ang exam dahil- ITLOG!"

agad kong natutuop ang bibig ko dahil ang gwapong mukha ni Lee ang nasa harapan ko.
Nakangiti lang ito na nakaharap sakin.

Sarap mong panggigilan pramiiiiiis!!!

Ok lang pala na makakuha ng itlog kung ganito naman kagwapo palagi ang makikita ko. Paglalandi ko sa isip ko.
Nag-umpisa na namang magwala ng isang libong kabayo sa dibdib ko ng tumabi sya sakin.

"huh? Bakit? Ano bang nangyari?"  Kita ko ang pag-aalala sa mata nya.

"Inaantok kasi ako.. Kaya hindi ko nasagutan ng maayos yung exam." I pouted. Parang tanga lang.

Nakita ko namang sumilay sa labi nya ang mapaglarong ngiti.

"Hmmm.. Bakit ka naman hindi nakatulog.. Aber?"

Peste! Ikaw ang dahilan!

"Ha? Ano kasi.. Ano- yung inisiip ko.. Yung ano-"  lintek! Anong idadahilan ko?

"C'mmon Lex, spit it out.. Hindi naman ako tatawa kahit ano pa yan,. I swear!" Ni-raise pa nya yung kanang kamay nya.

Puteeeek! Ano bang isasagot ko?

Gamunggo na ang mga pawis na lumalabas sa noo ko.

Putek talaga!!!

"Sabihin mo na kasi.. Tamo, pinagpapawisan kana.." Puna nya sabay pahid naman ng kamay nya noo ko.

P*tcha! Para tuloy akong biglang nakuryente ng ilang boltahe.

"Sabihin mo na kasi.. Wag kanang mahiya." Ngiti ulit nya.

P*tcha talaga! Kaya nga hindi ko masabi-sabi kasi hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa letsugas mong ngiti dyan!
Halikan kita eh ng makita mo!

Huminga muna ako ng malalim.

"Iniisip ko kasi.. Kung... Ano yung feeling ng.. Ng.. Ano.. Ng.. Alam mo yon.. ng makipag-DATE. " pikit mata kong sagot sa kanya. Bahala na si Wonderwoman! Wala talaga akong ibang maisip.. Bahala na talaga!!

Wala naman kong narinig na tawa sa kanya tulad ng inaasahan ko,

Dinilat ko unti-unti ang mata ko at ganun na lang ang gulat ko ng less than inch nalang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa.

Para naman akong na-frozen sa posisyon namin..

Kung magtatangka akong magsalita ay baka ma-touch ng labi ko ang labi niya..

Kung mangyari man yun.. Edi WOW!

pero..
Kung mangyayari yun...
Baka maya isipin nyang pinagsasamantalahan ko sya?!
Baka isipin nyang easy to get ako?!
Baka isipin nyang wala akong delikadesang babae?!
Baka isipin nyang bastusin akong babae??
Baka kung-

Nawala na ako sa katinuan ng maramdaman ko ang labi nyang nakalapat na sakin.

Shocked ako. Sinong matinong tao ang hindi mararamdaman yun??
Pero- Anong nangyayaree??
Nasa langit ba ako??

Sinubukan kong bumalik sa pag-iisip ko..

F*ck ! His lips are gentle!

hindi ako makagalaw.. ayokong gumalaw.

Ilang sandali pa nga ay nagsimula nang gumalaw ang mga labi nya..
Hindi ko alam ang gagawin..
Aminin ko man or hindi pero.. He's my first kiss!

naknangpitongOctopus!

Sinubukan kong tignan sya sa mga mata nya pero.. His eyes are close for pete's sake!!
Bigla ko tuloy naalala yung nabasa ko;

"You can tell the passion on a person's kiss when their eyes are closed"

So? Ibig sabihin ba nito??...

Naramdaman ko ang pag-gapang ng kamay nya sa batok ko.. Then he gently moved my head closer para maging mas mariin ang halik na yun.

Gusto kong mabaliw sa ginagawa nya..

Para naman akong naging lutaw dahil mismong katawan ko ang ayaw tumutol!

Gusto ko ang pakiramdam na to..

Parang nawalan na ako ng pakialam kung Philippine Dental Association kami dito! (PDA)

Then i Realized. Hindi nga lang isang simpleng crush lang ang nararamdaman ko para kay Lee Alcantara..
Hindi lang basta simpleng kilig ang nararamdaman ko ngayon..

Then after a few moments.. Pinakawalan nya Ang labi ko habang nakadikit ang mga noo namin.

"Your lips are trembling Lexy.." Pabulong nyang sabi.

I know.. Pero, Hindi ako nagsalita.

"I just cant help myself kissing you, im sorry.. I tried not to.. But, your lips are tempting me..." He said.

Hindi parin ako sumagot.
Hindi ko alam kung naghihintay sya ng sagot mula sakin..
Maya-maya pa ay Tumayo sya mula sa kinauupan nya at tumalikod sakin at humakbang papalayo.

Gusto ko syang pigilan dahil naiinis ako sa sarili ko dahil walang lumalabas na salita sa lalamunan ko, lahat kasi iyon ay sinisigaw na nang puso ko..

Akala ko ay patuloy na syang maglalakad pero bigla syang humarap sakin..

"No one's gonna be your first Date.. Cause tomorrow.. You're all mine ALEXA STEFAN KIM GRACE!" Then tumalikod na sya.

He left me.. Completely shocked.

itutuloy...

#Yipeeeee!!

naka-UD nadin.. ilang araw din tong naka-buro :) pero ngayon atleast.. tapos na sya.. pansin nyo bang ang haba nung part ng Team ALeeXa..  hehehe.. my #TeamSummDy na tayo then nadagdagan ng #TeamCliAnne then ngayon ang humahabol TeamALeeXa :)) WElcome teamALeeXa !!

keep reading po mga lablab :))

salamat sa walang sawang suporta :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top