Chapter24

[ Summer ]

"Oh, my Gosh! is that Cody Sebastian? Yung Hot Model ng Magazine?"

"OMG! it's Cody Sebastian! Ang Hot talaga nya sa Personal!"

"Ang Gwapo Talaga nya! mas lalo syang gumagwapo ngayon!"

"He's a god! Super Hot, Super Gwapo!"

Ilan lang yan sa mga narinig kong mga bulong-bulungan sa paligid ko.

Kasalukuyan kaming nasa isang Cafeteria ni Cody ngayon malapit lang sa University.. Hindi po siya Date! WAG KAYONG ANO! Kabayaran daw ito sa ginawa kong pagyakap sa kanya kanina Since sinamantala ko daw ang kahinaan nya bilang lalaki.

Ang kapal Talaga!

At dahil nga sa ako ang may utang na loob sa kanya ay ako na daw ang magpa-counter, YES, AKO ANG PINAGBAYAD NG WALANGYANG IYON! at nauna pang pumwesto sakin dahilan kung bakit halos mabali ang mga leeg ng mga babaeng nandito sa Cafeteria kakalingon kung saan sya pumwesto.

Peste! Nakalimutan kong Model nga pala ng kung ano itong lalaking ito! Masamang ideya talaga na pumayag ako na librehan sya!

Aware sya na sya ang pinag-uusapan ng mga nakapalibot sa kanya kaya ganun na lang ang pagpapa-cute na ginagawa nya. Hindi nga nagtagal ay may isang diehard fan nya ang lumapit at nanghingi ng autograph sa mismong dibdib nito. Matapos nya itong mapagbigyan ay Napatingin naman sya sa gawi ko at ganun na lang ang pag-aalburoto ng mount pinatubo sa tuktok ng ulo ko ng bigyan nya lang ako ng mapang-asar na ngiti.

Bwisit!

Hindi na nga ako tinulungan magbitbit ng mga pinili nya, may gana pa talagang mang-asar?!

Walang hiya talaga!

Hindi na talaga ako magtataka kung walang "Gentleman" na salita na nakadikit sa buong pagkatao nya!

"Ma'm anong pong ihahalo dito sa Coffee? Cream po ba?" Baling nung Cashier sakin na busing-busy sa pagpatay kay Cody sa isip ko.

"Kung meron kayong LASON, yun ang ilagay mo!" Buong panggigitil kong sagot. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha nung Cashier.

"Po?" Buong pagkalito nitong tanong sakin.

Bwisit talaga!

"Kung wala kang LASON, ASIDO pwede na!" dagdag ko.

"Hehe, Si Ma'm naman, mapagbiro.. Here's your change Ma'm" Sabay abot nito sakin ng sukli. "Enjoy Ma'am!" dagdag pa nito.

Never mangyayaring ma-eenjoy ako dahil isang Cody Sebastian ang kasama ko! pagwewelga ng isip ko.

Matapos kong mabayaran ang sandamukal nyang request ay dali-dali akong naglakad papalapit sa mismong pwesto nya at halos ibalibag ko ang lahat ng pinamili namin sa mismong harapan nya na nakapag-paigting naman sa pagkaka-upo nya.

"Oh, ayan! Sobra-sobra na yan sa kesyo pananamantala ko sayo!" inis kong sabi sabay upo.

"Ito naman.. minsan lang naman ako maglambing sayo.." pang-aasar nya na sinimulan buksan ang isa sa mga pinili nya at walang pakialam nitong isinaksak iyon sa bibig nya.

"Paglalambing? Ganito ka pala maglambing? nakaka-bwisit-"

Naputol ang kung ano pa mang sasabihin ko ng biglang may lumapit sa aming babae na halos makita na ang kaluluwa sa sobrang ikli ng short.

"Hey, Handsome.. Can i Have your Autograph?" malandi nitong tanong na medyo yumuko pa para maging abot tanaw ni Cody ang naglalakihang bundok ng tralala sa dibdib nito. Sarap sabunutan!
Ang walang hiya naman, tuwang-tuwa sa nakikita!

Wala naman sa isip ko napasulyap sa dibdib ko..
langya!
NEVERMIND!

kita ko naman syang Lumapit ng bahagya sa babae. "Where do you want to have it?" He asked in a Husky Voice. Malandi din ang lalaking to!

Kung May Quota lang ng pambubwisit ay Quotang-quota na itong lalaking ito sakin!

"Here..."sabay tayo nito at tumalikod. "Please put it in here.." malandi nitong turo sa pwetan nya.

ako? NGA-NGA! Nanggigitil naman akong pinagmasdan lang sila.

Matapos ang malanding Autograph ay hinarap naman ako ni Cody.

"Where are we again? Ah! I see.." panimula nyang nagsalpak ng pagkain sa bibig nya na para bang walang nangyari. "Alam mo Summy.." dagdag nitong medyo tumatalsik pa ang kinakain nito sa bibig nya. "Bawash-bawashan moh ngah hang phagiging mainitin ng ulo moh.. Madhali kang tatanda nyan."

"Ha? Anong sabi mo? Sino Hindi iinit ang ulo kung-"

Hindi pa man natapos ang sasabihin ko ay may lumapit na naman kay Cody para magpa-picture.

Pesteeeeee! nakakainis na! isa nalang! gigilitan ko na talaga ng leeg ang susunod! Daming asungot!

Wala naman akong nagawa kundi mag-wala sa isip ko at pagmasdan lang sila at hintayin kung kailan sila matapos. Matapos ang ilang sandaling mini pictorial ay hinarap na naman nya ako.

"Just Relax Summy.. Mas lalo kang papanget kapag galit!" pang-aasar pa nito.

"Alam mong wala sa-"

"King Cody.. Papicture naman!" Hindi na naman natapos ang sasabihin ko ng may sumingit na naman sa usapan namin.

Bwiseeeeeeeeeeeeeet!napipika na ako sa mga taong yan! Wala na akong natatapos na salita!

ISA NA LANG TALAGA!!!!

"Sure!" sagot naman nya.

Hindi ba sya naasiwa na madaming lumalapit sa kanyang tao para lang magpapicture or magpa-autograph??

Wala na naman akong nagawa kundi maghintay ulit kung anong petsa sila matatapos.
After ng ilang dekadang paghihintay ay muli akong hinarap ni Cody.

huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita. Sana this time wala nang puputol sa sasabihin ko.

"Wala akong pakialam kung-"

Hindi na naman natapos ang sasabihin ko ng may lumapit ulit sa aming babae para magpa-Autograph.

Ampuu!!!!!!

Kanina pa nandidilim ang paningin ko sa mga interuptions! Hindi ba pwedeng pagkaguluhan nila ang Unggoy na to kung wala ako? Hello? May tao kaya dito! May taong kausap yung Tikbalang na iniidolo nila! Wala ba silang mga mata? BASTUSAN LANG TEH??

Aabutin na sana ni Cody ang Ballpen na inaabot nung babae ng bigla kong magsalita.

"Hoy, Miss!" Tawag pansin ko sa babaeng tinaasan lang ako ng kilay pagkalingon sakin. Sarap bigwasan!

"Sa Punerarya o Lalayas ka?" Harap ko sa babae na tila ba may madilim na Aura na nakapalibot sakin. Para namang nakakita na multo ang babae matapos kong sabihin iyon at dali-daling naglakad papalayo.

Buti naman! Dapat kanina ko pa pala yon ginawa!
Buong pagtataka naman akong tinitigan ni Cody.

******

"Oh!" sabay abot sakin ni Cody ng isang bottled water. Kinuha ko naman agad iyon at agad uminom.

Hinila nya ako papalabas kanina sa mala-impyernong Cafeteria na yon at dinala nya ako dito sa isang Playground na walang tao dahil sabi pa nya, nakikita na nya daw kanina ang mala-Son Goku kong Aura sa galit at mala-tagurong facial expression ko..

Buti alam nya!

"Galit ka pa rin ba?" pagharang ng mukha nya sa harapan ko. Muntik ko na tuloy maibuga yung tubig na nasa bibig ko sa mukha nya dahil sa gulat.

"Hindi ako galeeet!"

"Hindi daw.. halata naman eh!" sabi nyang sabay sundot sa tagiliran ko.

"Bwisit! Hindi nga sabeee!" irap ko.

"Galit ka nga eh! Ayan oh.." Sundot naman nya sa pisngi ko.

"Isa pa! lilipad ka talaga!" hindi rin nakatulong ang pagsusungit ko sa kanya dahil walang nabago sa mapang-asar nyang ngiti.

"Alam ko na kung bakit ka ganyan!" Nag-snap pa sya sa mismong harapan ng mukha ko.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.

Ano na naman kayang insekto ang pumasok sa kukote nya?

"Ano sa tingin mo, Aber?" tanong ko sa kanya na Muling tinungga ang bottled water na binigay nya.

Grabe! nakaka-Dehydrate ang pambubwisit nya!

"DAHIL NAGSESELOS KA!"bulas nya.

*Aboooooooooooooshhhh!*

naibuga ko lahat ng tubig na nasa bibig ko sa mga narinig ko sa kanya.

Peste! Sino daw ang nagseselos???

"A-ano kaba? Chaka, anong S-selos? Bakit ako magseselos? Sa mga babaeng ganun? Nega!" mabilis pa sa alas-kwatro kong sagot.

"Ses! alam kong nagseselos ka! halata naman ehh.." may himig na naman ng pang-aasar na sabi nya!

"Hindi ako nagseselos! masyado lang akong naiirita sa ganun!" panggigitil kong sagot.

Ako? Magseselos? Psssssshh!! neknek!

"Alam mo Summy, ok lang naman sakin na aminin mo eh, tutal.." Sabay lingon nya sa paligid namin. "..Tutal, tayo lang naman dito" bahagya syang lumapit.

"Wag mong demonyohin ang utak ko!" Sigaw ko.

"Eh. bakit hindi mo pa kasi aminin na nagseselos ka kaya ka nagkaka-ganyan?" giit nya.

Pastilan! Walanghiyang lalaki! sikmuraan ko kaya batok nito???

"Wala akong aaminin sayo dahil hindi ako nagseselos!" Nanginginig kong sabi sabay ayos ng Eyeglass ko na bahagyang natabingi,.

Peste tong lalaking to! kelan kaya ako tatantanan ng mokong na to sa pang-aasar??

Mas inilapit pa nya ang mukha nya sa bandang leegan ko, tama lang para maramdaman ko na naman ang init ng hininga nya. Pakiramdam ko ay unti-unti na namang nagwawala ang sistema ko sa pinag-gagagawa nitong katabi ko!

"Ano bang pinag-gagawa mo?" Pag-iwas ko sa leeg ko. "Ang kati mo sa leeg, alam mo ba yun?!" sabay kamot ko kunwari sa leeg ko. Pero sa totoo lang ay nag-init ang parteng iyon.

Nakita ko na naman ang mapaglarong ngiti sa mga labi nya.

Peste ka Cody! pinuputakte mo na naman ang pag-iisip ko! pag-tumino na ulit ang sistema ko, pangako, ilalata kita ng buo!

Busy ang utak ko sa pagpatay sa kung ano mang presensya na nagsisimula sa dibdib ko ngayon ng mas lumapit pa sya sa akin at hapitin ang bewang ko dahilan para mapalapit ng husto ang mukha ko sa mukha nya.

Waaaaaahhh!! Ano na naman ba to???

Gulat naman akong napatitig sa mga mata nya na pakiramdam ko ay nagmistulang magnet na tila unti-unti kang hinihila papalapit.

Grabe talaga ang mata nya, kaya hindi ko rin minsan masisi sina Cathlyn kung bakit patay na patay sila sa malanding lalaking to! Tingin palang, pamatay na!

Pero- Hindi ako dapat magpadala!

Matapos naman nun ay Napatingin naman ako sa labi nyang bahagya nyang binasa'. Napakagat naman ako sa labi ko ng wala sa oras sa ginawa nyang iyon.

Enemel! Enemel telege!

Nagwawala na ang mga bulate ko sa tyan ng bigla ko lang naisip na minsan ko na din palang nahalikan ang labing iyon.. Kung paanong dumikit ang mapupulang labi na iyon sa akin. Tuwing iniisip ko ang bagay na iyon ay hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit napapangiti ako.

Nakanang P*tchang gala! ano bang pakiramdam to?

"Siguro hindi ka nga nagseselos..." Halos pabulong nyang sabi. "Pero, sa twing may kausap kang iba, kabaliktaran ng nararamdaman mo ngayon ang nararamdaman ko, alam mo ba yon?" tanong nyang nagtaas -baba sa labi ko at sa mata ko.

ME: O_o

"I think you are really stupid not to notice something... Maybe you just dont mind those kiss.." sabi nitong nagbaba ng tingin sa labi kong Obvious na nanginginig sa sobrang kaba. "Those Touch.." hinagod naman ng mata nya ang braso ko na nagsisimula nang manlamig sa pinagsasabi nya. "Siguro para sayo.. wala lang yun." Then Hinila na nya ako ng tuluyan at niyakap "but for me.." naramdaman kong ibinaon nya ang mukha nya sa leegan ko.

"It's Everything.." sabay hagod na kamay nya sa buhok ko.

Mariin akong napapikit sa mga narinig ko mula sa kanya.

Hindi ko alam kung dabat ba talaga akong maniwala sa mga sinasabi nya.

Hindi ko alam.

Nagdadalawang isip ako kung totoo nga ba ang naririnig ko mula sa kanya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa isang Cody Sebastian.

Dapat nga ba?

Pero natatakot ako.

Natatakot ako subukan.

Pero paano ko naman malalaman kung hindi ko muna susubukan diba?

Pero-

Naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap nya. tulala pa din ako sa nangyayari. Alam kong hindi na dapat ako magulat ng ganito kung marinig ko man ang mga salitang iyon sa kanya.. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit tila naging kakaiba ang epekto ng mga salitang iyon sakin.
hindi ba dapat ang mga salitang yun ang dapat kong i-expect sa lalaking katulad nya? Yung mga matatamis na salita?!

Bakit parang umeepekto yun sakin?

"Summer.. I just want you to know one thing bago ka mag-isip ng kung ano-ano..." Hindi parin sya humihiwalay sa pagkakayakap sakin.

kinakabahan ako.

"I want you.." He said.

At ang sangkaterbang kabayo ay nagsabay-sabay na kumarera sa dibdib ko..

Tubeg! Tubeeeeeeeeeeg! Pahingi ng Tubeeeeeeeeeg!

Hindi ako makapagsalita.

Parang walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

Hindi ko din alam ang sasabihin.

Ano ba ang dapat kong sabihin?

nakanang pitong talangka!

Alam kong may pagkakataon na din na sinabi nya sa akin ang tungkol sa ganitong bagay. Pero, Hindi ko sukat akalaing magiging Vocal sya ngayon. Kaya naman hindi na din ako magtataka kung bakit hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang pupwede kong ipakita sa kanya. Siguro ay hindi ko lang talaga inasahan na darating pala ang oras na magiging bukal sya na sabihin ang bagay na yun.

Then he faced me.

"Say something.. Please let me know kung anong nasa isip mo.." Mahina nyang sabi.

Tinignan ko lang sya ng deretso sa mga mata nya.

Kita ko naman mula sa matang iyon ang sinseridad sa mga sinabi nya..

Ano ba kasi ang dapat kong sabihin?

Sa totoo lang kasi, kanina pa ako naguguluhan kung ano ba ang pwedeng salita na dapat kong sabihin sa kanya.

"Summer... Magsalita ka naman." halos pagmamakaawa nya.

Tumikhim muna ako.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
"Naka-Drugs kaba?"

*******

[ Dianne ]

"Huy, Dianne! ok na ba to?"

tanong sakin ng Berks ko na kanina pa umiikot-ikot sa harapan ko, Nandito kami ngayon sa bahay ni Alexa, kasama ang Cutie Patotie kong Boyfie my "Bu" Bakit BU? hehe.. wag nyo nang tanungin.. kinikilig ako...

Back to the topic.. May Collection kasi si Alexa ng mga damit kaya dito agad kami nagpunta. Actually, baka naitanong nyo kung bakit kami namimili ng isusuot ni Summer?! Namimili kasi kami ng isusuot nya sa DATE!

Yes! hindi kayo namamaligno or nae-engkanto sa pagkakabasa!

Tama ang nabasa nyo..

DATE!

Well, He, I Mean My Cousin personally asked my Berks to go out with him tomorrow night.

Oh, Diba? kung makapag-ibig wapak na wapak!

Himala nga eh, na si Pinsan mismo ang nagyaya. Sa pagkakaalam ko kasi, After Camille, Hindi na sya nakipag-date kahit kanino.. Fling, pwede pa! But, DATE? Nah!

so, yun nga nga!

Hindi naman kami masyadong Excited dahil bukas pa ng gabi ang Date pero Heto kami ngayon at hindi magkada-ugaga sa kakahanap kung ano ang susuotin nya.

Oo. Mas Excited pa kami sa kanya! Kaya nga hindi na kami nagsayang ng oras para ipagpabukas pa ang paghahanda!

Actually, Ewan ko kung anong nangyari. Nabalitaan na lang namin kahapon na niyaya nga daw sya ni Pinsan mag-DATE! Kaya naman agad kong tinawagan si Alexa at yung Cutie patotie kong Boyfriend para tulungan din ako.
Eto kasing maganda nyong Bida ay Bigla nalang tumawag at grabe kung makaiyak! Akala ko naman kung napano dahil wagas kung maka-hagulgol!

Ang dahilan?

Hindi nya alam ang gagawin sa DATE!
Wala daw syang alam kung paano daw yun ginagawa!
First time daw kasi nya.
Nakakaloka diba?

Tinanong pa talaga ako kung ok lang daw bang mag-Jeans lang at mag-Tshirt with matching Rubber Shoes pa sa DATE?!

MayGAAAAAAAd! JEANS? T-SHIRT? RUBBER SHOES? SA DATE?

Duduguin ako sayo Summer!

kaya Berks, isa lang ang masasabi ko... IKAW NA!

mayGaaaaaad! naloloka ang nail polish ko sa bida nyo!

Kaya naman kaming mga Friends nya ay to the rescue at todo support naman!

"Eto? Ok na ba?" Muli nyang tanong samin suot ang pinili ni Alexa na Strapless Black Cocktail Dress.

sinulyapan ko muna si Alexa na nooy nakapangalumbaba. "What do you think Lexy?"

Pinasadahan naman ni Lexy si Summer mula ulo hanggang paa na tila ba inii-scan kung ano ang malaking mali.

"I think... Hmmm.. Palitan mo!" utos nito.

"Whaaaaat?" pagrereklamo ni Summer.

"Oh? Anong problema?" tanong ko.

"Eh, nakakapagod na kasing magbihis eh!" sagot naman ni Summer na napapakamot sa ulo.

"Wag ka ngang magreklamo Summer, Nakaka-sampung Damit ka palang! Pektusan kita dyan eh!" Pag-aalburoto ni Alexa.

Well, to those who dont know, Alexa is a type of person na maging ako ay sasaludo sa mga taste pagdating sa damit. Hindi lang siguro halata sa itsura nya dahil may pagka-Nerdy si Alexa.. Pero magaling and taste ni Lexy pagdating sa pagpili ng susuotin.

Magandang ideya talaga na dito kami sa bahay nya unang nagpunta.

Ilang Minuto pa ay lumabas ulit si Summer suot ang bagong damit na pinasuot ni Madamme Alexa.

"Ayoko nyan! Palitan mo!" Muling utos ni Lexy, Wala namang nagawa si Summer kundi sumunod Kay Lexy..

Kasalukuyang nasa loob pa ng dressing area si Summer ng biglang magsalita ang Cutie patotie kong Boyfie na kanina pa nanahimik at pinapanood lang kami.

"Kailangan ba talagang Mag-dress pa para lang sa DATE?" tanong nito.

Matalim naman syang tinignan ni Lexy, Nakakatakot tong babaeng to.

"It's not a JUST DATE, Clint.. First Date to ni Summer kaya dapat paghandaan." Sagot ni Lexy.

"Pero, hindi naman tama na ipasuot nyo kay Pillows yung mga damit na ganun." Bu.

"Yun ang dapat nyang suotin." pagdidiin ni Lexy,

"Hindi tama na ipasuot nyo sa tao ang mga damit na hindi sya kumportable." Muling Reklamo ni Bu

Susko! nakakahilo silang dalawa!

"Alam mo Clint, Kung sa inyo ang Date ay laro lang, Pwes sa aming mga babae, Importante ang Date kaya wag ka nang magtaka kung ganito namin kayo pinaghahandaan... Tapos lolokohin lang kami!" makahulugan nitong sabi.

Sabay-sabay naman naming tinignan lang si Lexy dahil sa mga huli nyang sinabi.

"oh? Anong problema nyong dalawa?" pagtataka nitong tanong.

"MAY PINAGHUHUGUTAN??" tanong ko sa kanya sabay ngiti.

"Ha? Anong pinaghuhugutan? W-wala ah!" sagot nito.

Sabay nalang kami napangiti ng Cutie Patotie ko na palagay ko ay pareho kami ng naiisip..

HMMM... PARANG MAY PINAGHUHUGUTAN NGA... :))

Ilang sandali pa nga ay muling lumabas si Summer suot ang isang Sleeveless Creamwhite dress na may ilang Swarovksi Stones na naka-design sa mismong waistline ng damit na nagpatingkad lalo sa magsusuot.

"Hokey nah bah toh?" Hingal nitong tanong samin.

Pinasadahan lang nila ako ng tingin.

"Anooooo?" iritang tanong ni Berks.

"PERFECT! that's Perfect summy! Bagay na bagay sayo! Yan ang isusuot mo!" Tuwang tuwa namang papuri ni Lexy na napatayo sa kinauupuan nya maging kami ni Bu ay lumapit nadin.

Kahit ako ay napanganga din naman sa napiling damit. Sobrang ganda kasi.. Yung tipo ng damit na matatawag mong "Simple But Elegant!"

"Dahil sa may napili na tayong Damit, ang susunod nating pagpaplanuhan ay kung anong klaseng sandals ang ipapares natin dyan.. What do you think, Dianne?" Baling naman sakin ni Lexy.

I Smiled.

Shoes ba kamo?

Hehe.. I have Hundreds and Hundreds of them!

"Roger That!" sabi kong nag-salute pa.

After naming makarating sa bahay ay agad na kaming dumiretso sa kwarto ko at agad tinungo ang closet ng mga sandals ko.. Opo! May sarili akong closet na para lang sa mga Shoes ko.. Kung si Alexa ay damit ang collection, Shoes naman yung sakin.

******

"Wow! as in Wow!" bungad naman ni Alexa at ni Summer sakin habang iniinspeksyon ang kabuuan ng Closet ko.

"Bu.. Ilang pares ba ng paa ang meron ka?" Sabay buhakhak na tawa naman nung nag-iisang lalaking na kasama namin. Binato ko nga sa kanya yung Tsinelas na suot ko! Asar!

"Bu naman, parang nagbibiro lang eeh..' Sabay lapit nito sakin ay niyakap naman ako mula sa likod. "Sorry na oohh.." Paglalambing nito. kinikilig nakoooooo!

"Sus! Kung hindi lang kita Mahal, binato na kita ng mga Wedge ko!" kunway pagkurot ko sa pisngi nya.
-
-
-

-

"Ano? Maglalambingan na lang ba kayo dyan or pipili na tayo ng isusuot ni Summer?" Pagsusungit samin ni Alexa. Hmp!

"Oo na! Heto na po ohh.." Sabi kong kumalas sa pagkakayakap ni Patotie ko. "Maya na lang tayo maglambingan.." Mahinang bulong ko kay Bu, narinig ko namang napahagikgik ito. Ang Cute nya talaga!

Tulad ng eksena sa Pagpili ng damit ay same scenario din pagdating sa pagpili ng isusuot nyang sandals.
Hindi kasi pwede si Summer magsuot ng may matataas ng takong, paalala pa ni Clint MyBU, wag daw naming tangkain na balian ng buto si Pillow nya kundi lagot kami sa kanya, Kaya naman hirap kaming hanapan sya ng kahit 1inch lang na heels.

Karamihan kasi sa mga Collection ko ay 3inches pataas ang heels. At sa ilang dekada na paghahanap ay meron nadin kaming nakita na babagay sa susuotin nya.

I just wish na maganda ang kalalabasan ng first ever date ni Summer..

Ano man kasi ang mangyari ay Baguhan pa si Summer pagdating sa mga bagay na ganito.. Kaya pala dapat paalalahanan ko si Pinsan na maging guide din ni Summer.. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Summer.. ayoko lang talaga na masira yung moment nila.

Sa totoo nyan kasi kay sobra lang talaga akong natutuwa lalo na nung nalaman ko na tapos na sya sa pagluluksa sa pagkamatay ni Camille. Masaya ako kasi sasaya na ulit si Cody after many years ng pag-luluksa nya. Hindi ko alam kung paanong pasasalamat ang gagawin ko sa pagdating ni Summer sa Buhay ni Cody...

I think.. Summer is Cody's Angel.. :)

[ Alexa ]

Matapos ang halos maghapong preparation namin sa date ni Summer at Cody ay pagod kong inihalata ang likuran ko sa kama..

Kakarating ko lang..

hindi ko alam kung bakit masyadong bitter ako kapag nababanggit ang pesteng DATE na yan!

Hindi naman sa hindi ako masaya para kay Summer..

Syempre, abot langit ang saya ko dahil alam kong mag-eenjoy si Summer bukas..

Siguro, ganito lang ako naging ka-bitter dahil sa isang pangyayari na nangyari a year ago...

....with LEE.

itutuloy...

#Hi sa mga readers!

sa wakas! nakapag-UD na din ulit ako! Sensya na kung natagalan.. Pero eto na! Jaraaaaaaaaan! :))

sana po magustuhan nyo..

in the making na din po ako sa Chapter25 so sooner.. mapa-publish ko na din sya.. :)

keep reading mga lalabs!

ingat palageeeee :))

this Chap is dedicated to her.. matagal na sana to kaso.. palagi kong nakakaligtaan.. :) so eto na.. thanks for waiting :)) ewan ko kung nakapagdedic nako sa kanya.. Pero kung hindi pa.. Eto na.. Hihihi :)) cholomot uleeeet!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top