Chapter22: CliAnne Part :)


[ Clint ]


Tulad ng inaasahan, magka-away na naman sina Pillow at si Cody..

Well, ayon sa pogi kong instinct.. alam kong kasalanan na naman ni Cody kung bakit galit na naman sa kanya si Pillow ko.

At wala tayong magagawa dun.. Buti na lang at nasa gilid ko lang ang insipiration ko..

uhhmm.. hulaan nyo! hehehe..

tama, Si Dianne my loves!

Lumipat kasi sya dito sa klase namin at ikinagulat ko at the same time ay ikinatuwa ko naman  talaga yun ng husto dahil may malakas akong pakiramdam na mas mapapalapit ako sa kanya.. nagkausap na kami once at nag-sorry sya nung hindi nya ako namukhaan dati sa mall nung kasama namin si Summer.. parehas kaming na starstruck nun sa isat-isa.. kaso, may malaki akong problema.. simula kasi nung naging busy na si Pillow ay hindi na kami halos nagkakausap.. marami sana akong gustong isumbong..

Tulad ng... My Boyfriend na si Dianne :(

Gusto ko sanang mag-fiesta dahil nasa iisang classroom na lang kami.. pero hindi pwede.
Gusto kong kausapin si Dianne nun ng ilang beses, pero inuunahan naman ako ng kaba. Minsan naman kakausapin ko na pero hihilahin na naman sya ng mga classmate namin or may makikipag-usap sa kanyang ibang lalaki.
hanggang sa naging huli na ang lahat. Nabalitaan ko nalang mula kina Dash at Lee na sinagot na nya yung taga-kabilang Room, yung bagong transfer.
Nakita ko pa nga silang nag-holding hands nun sa parking lot one time.
yung araw din na yun ay umiyak ako.. Hindi ko matanggap na may ibang hahawak sa kamay nya.

Oo, kahit Cute ako, umiiyak pa din ako noh! WAG NGA KAYONG ANO!

Ang sarap magselos at ipagsigawan na "sobra akong nagseselos" pero, wala naman akong magawa dahil wala akong karapatan.
Sobra talaga akong nasasaktan everytime na nakikita ko syang masaya kasama yung lalaking yun!
Hindi manlang ako nagkaron ng pagkakataon na makapanligaw, samantalang yung bagong transfer na yun, nakaporma agad!  Hindi naman ako torpe, sadyang nauunahan lang talaga ng hiya.
matagal na akong may gusto kay Dianne. Pero ang pangarap kong maging kami ni Dianne ay parang magiging hanggang pangarap nalang talaga.

*****

Tapos na ang exam nung napagpasyahan kong lumabas.. hindi ako bored pero mas minabuti kong umalis na lang sa room dahil naasiwa akong tumingin sa lalaking pumasok sa room namin para yayain si Dianne mag meryenda.

OO, Yung BOYFRIEND nyang PANGET ang dumating!

Naisip ko nga na dapat ako ang gumagawa nun.
Matagal ko muna silang pinagmasdan, aminin ko man at sa hindi ay nasasaktan ako sa twing nakikita ko syang napapangiti ng iba. Siguro naiisip nyo na masyado akong madrama ngayon.. Pagdating kasi Sa usapan tungkol sa kanya, nagiging seryoso ako.

Bago pa man ako tuluyang tumalikod ay nakita kong napatingin sa gawi ko si Dianne, kahit nasasaktan ay pinilit kong mag-iwas ng tingin at nagpatuloy na lang ako sa pag-alis.
Alam kong masyado akong rude sa pag-iwas sa kanya. Pero kung hindi ko gagawin yon. Ako lang din naman ang masasaktan.
Wala akong plano kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Ang Sitwasyon noon na wala pa syang Boyfriend at ngayong may Boyfriend na sya ay walang pinagkaiba. Parehas sa sitwasyon na hindi nya alam na MAHAL KO SYA.

Oo na! Martyr na kung Martyr! Hindi naman nakakabawas ng Goodlooks ang Pagiging Martyr diba?

Hindi ako dumiretso sa MDU ngayon dahil alam kong nakatambay dun si Grey.. Alam kong dun sya nag-eemote, kaya naman napagpasyahan kong maghanap ng iba pang area dito sa malaking university para naman makapag-isip isip. Wala akong Dalang Libro ngayon na may nakaipit na magazine ng may larawan ng mga sexing chikababes!

oyp! hindi ako pervert ahh?! sadyang malusog lang sa mata! hehe :)

Ilang minuto din akong naglalakad-lakad at sa wakas ay nakarating ako sa isang abandunadong building hindi kalayuan sa MDU.. Alam ko ang building na to, dito kami dati tumatambay nila Grey kapag gusto namin munang matakasan ang pressure na dala ng Mugen-Dai noon. ilang Taon na din akong hindi napapadalaw dito kaya naman hindi kataka-taka na mas naging luma ang itsura nito.
Mabilis kong inakyat ang second floor at tinungo ang isang kwarto na madalas kong tinutulugan dati. Halos nagulat ako sa pagpasok ko dahil parang ang kwartong ito ang naiiba sa lahat ng room na nandito sa building. Malinis ito at may sarili pang kurtina. May nakalagay pang maliit na Bonsai sa gilid ng malaking bintana at ilang abstract painting ang nakasabit sa dingding nito. Hindi ko alam kung sino ang tumatambay din dito pero nagpapasalamat ako dahil inaalagaan nya ang lugar nato.
Namangha din ako sa mga wall dahil may mga ilang lyrics ng mga kanta ang nakasulat dun gamit ang mga ibat-ibang kulay ng pintal.
Inilatag ko naman ang maliit na banig na nakita ko na nakatayo lang sa may gilid ng pinto.

Hihiramin ko muna to ngayon.. siguro naman ay hindi magagalit ang may-ari nito kung gagamitin ko muna saglit ang gamit nya.
Excited akong sumalampak sa inilatag kong banig at kinuha ang Cellphone at  Earhpones ko at pinatugtog ang favorite kong kanta na palagi kong pinapa-ulit ulit sa playlist ko.

Song:If I Cry a Thousand Tears
by:RJ Helton

I love the way it feels when you touch my hand
Don't want to let you go
I love the way you say that i am your man
Don't understand why we can't go on and go on
Don't understand why
You don't belong in my arms

Ohh..
 
Masakit talaga if ma-realize mo na hindi ka karapat-dapat para sa kanya. Hirap na sa twing may gusto akong gawin para sa kanya ay nagdadalawang isip pa ako kung makakaya ko nga bang gawin ang bagay na yun.

And even if I cried a thousand tears tonight
Would you come back to me
And even if I walked on the water
Would you come out to sea
Now I can't spend my life standing by
Cause even when I miss you
You're still not missing me

Minsan habang pinakinggan ko to, iniisip ko nalang na  lalapit sya akin isang araw at yayakapin ako at sasabihin na may gusto din sya sakin, na pareho kami ng nararamdaman.. pero alam kong malabo nang mangyari yon. May Nagpapasaya na sa kanya ngayon.

It's funny how my heart just won't let it go
I just don't understand
It's crazy how the pain seems to overflow
The memories of you here with me by my side
I can't deny that you are the love of my life
Ohh..

Kahit alam kong nasasaktan ako sa pag-iwas sa kanya ay Okey lang dahil alam ko naman na masaya sya.
Masaya sya.. yung ang importante.

Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo ko sa pader.
Kasabay ng pagpikit ko ang pagpatak naman ng mga luha ko na matagal ko nang pinipigilan..
Minsan mas gusto ko pang pumikit na lang, dahil sa pagpikit ko ay pwede ko pang ma-imagine na kasama ko si Dianne, dahil everytime na nakadilat ako ay ang masakit na katotohanan ang sumasampal sakin.

And even if I cried a thousand tears tonight
Would you come back to me
And even if I walked on the water
Would you come out to sea
Now I can't spend my life standing by
Cause even when I miss you
You're still not missing me...

Siguro, magkukuntento na lang ako ng patingin-tingin ulit sa kanya... Tutal, yun naman ang matagal ko nang ginagawa.

Mas okey na yung ganito.. Okey na.. Kahit masakit.

Hinayaan ko nalang na patuloy na umagos ang mga luha ko. Sana sa bawat patak ay kahit papano ay mabawasan ang sakit dito sa puso ko. Sobrang sakit na kasi...

Ngayon ko lang talaga aaminin na kahit ilang beses ko pa lang sabihin na "okey lang ako"or "Masaya na ako kasi masaya siya.." ay masakit parin pala talaga!

Hirap magpaka-tanga!

Hirap magsinungaling sa sarili mo..

Hirap masaktan sa taong kailanman ay hindi naging sayo..

Hirap sabihing iiwas kana pero sa totoo lang ay halos magtatakbo ka papalapit sa kanya..

Nanatili lang ako sa ganung posisyon...

Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na mga palad na nakahawak sa magkabila kong pisngi habang pinupunasan nito ang nabasang parte na dinaanan ng mga luha ko.

kitams? Effective din pala ang nakapikit?!  Effective na kahit alam kong hindi totoo ay parang nararamdam kong si Dianne ang nagpupunas ng mga luha ko.

"Please dont cry..."

Aba! nakakatuwa talaga! Eto ang matinde! Akalain mong naririnig ko pa ang mismong boses nya! talagang nakakatawa ang-

Natigilan ako bigla ng ma-realize ko na parang hindi na yun imagination..

Unti-unti ang ginawa kong pagdilat...
Ganun na lang ang pagbalikwas ko ng tayo ng makita ko ang babaeng dahilan kung bakit ako nag-eemote ngayon..

"Da-Dianne! ikaw pala!  A-anong ginagawa mo dito?" Kabado kong tanong habang nagpupunas ng mukha, tinanggal ko na din ang Earphone na nasa tenga ko.

Hindi sya ngumiti, tulad ng malimit nyang ginagawa bago makipag-usap. Hindi na nya magawang ngumiti sakin at kasalanan ko yon. Iniiwasan ko kasi sya.

"Tambayan ko to..." Walang buhay nyang sagot.

So, sya pala ang may ari nitong mga gamit na nandito, Sya pala ang tumatambay at nag-aalaga nitong kwarto.

"Ahh.. ikaw pala ang tumatambay dito.. hehe," plastic kong tawa. "Pasenya kana aahh.. hehe, Sige, Aalis na ako." tatalikod na sana ako ng maramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko.

"Bakit ka umiiyak?" Malamig pa din ang boses nya.

(kung sasabihin ko bang ikaw ang dahilan.. maniniwala ka?)
"Ahh.. Naiyak kasi ako dito oh.." itinaas ko yung phone ko "Sobrang lungkot kasi ng kanta.." Sagot kong pilit ngumiti.

Hindi sya umimik, para tuloy gusto kong kabahan..

"Oh, Sige.. aalis na ako.." dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nyang nakahawak pa din sa braso ko. "ingat ka...palagi" pahabol ko sabay ngiti. Akala ko ay tuluyan ng matatanggal ang pagkakakapit nya sa braso ko pero mas humigpit pa ang pagkakahawak nya dun.

"Can we talk?" nag-iba ang tono ng boses nya kumpara kanina. Tila mas naging malambing ang pagkakarinig ko sa pagkakasabi nyang iyon.

Gusto kong sabihin na "Oo"pero alam kong may limitasyon na ang lahat ngayon pagdating sa pakikitungo ko sa kanya. Kahit siguro ang pakikipag-usap sa kanya ay kailangan limitahan ko na rin.

"Pasensya kana Dianne.. May kailangan pa pala akong puntahan.. Nextime na lang-"

"Please... kahit sandali lang."

This time ay parang mas sincere na ang mga mata nyang nakatingin sakin.
Hindi ko alam kung makakaya ko pang magtagal dito. Kung hindi lang ako nagpipigil ay kanina ko pa sya niyakap ng mahigpit.
Hindi na ako nagsalita at bumalik ako sa pwesto ko kung saan ako naupo.

"Okey lang ba na mag-usap tayo? yung tayo lang dalawa?" tanong ko sa kanya na parang bang may tinatanaw mula sa labas ng pinto.

Hindi sya umimik. Bagkus ay nagbaba lang sya ng tingin. Napaka-Awkward ng moment nato. Nakakasakal.

"May problema ba kayo ng Boyfriend mo?" Hindi ko alam kung bakit ko bigla-biglang naitanong ang bagay na yun, sa totoo lang kasi nyan ay gusto kong magkaron kami ng natural na pag-uusap, hindi yung ganito, Nagpapakiramdaman. Wala naman akong ibang maisip ng topic kundi yun lang.

Ewan ko naman kung anung meron sa tanong ko at bigla na lang naging kwestyonable ang mata nyang napatitig sakin.

Anong meron?

Ayaw ba nyang tinatanong ko sya about dun?

wala naman masama diba kung itatanong ko yon, diba?

"Oh? Anong reaksyon yan? Sige, hindi ko na lang itatanong.." ngumiti ako ng bahagya.

"Galit ka ba sakin?" bigla nyang tanong.
Salamat naman at nagsalita din sya.

"Ako?" sabay turo ko sa sarili ko. "Bakit naman ako magagalit sayo?"

"Hindi mo kasi ako pinapansin nitong nagdaang araw..." may himig ng pagtatampo sa boses nya. Ang Cute nya talaga.

"Ahh.. Hindi ba kita pinapansin? Sure ka? Parang hindi naman.." maang-maangan ko. Putek, hindi madali ang ganitong sitwasyon.

"Iniiwasan mo rin ba ako?" tanong nya ulit.

(Oo, dahil yun lang ang tanging paraan para hindi masaktan.)
"uy... Hindi ahh!" kahit mahirap ay pinilit kong bigyan ng buhay ang boses ko. "Bakit naman kita iiwasan?"
bigla ay natahimik na naman sya..

Magsasalita pa sana ako pero laking gulat ko ng bigla syang tumabi ng pagkakaupo sakin. Nagsimula na naman dumagundong ang dibdib ko sa posisyon namin. Sana hindi nya  marinig ang sobrang kabog ng dibdib ko.
Alam mo ba yung pakiramdam na excited at kinikilig ka pero at the same time ay nasasaktan ka?! yun ang nararamdaman ko ngayon.
Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko dahilan para hindi ako makagalaw.

"Clint.." tawag nya.

"Hmmm??"

"Nagkagusto ka na ba sa isang babae?"

(Oo, At nasa tabi ko sya ngayon..)
"Oo.." sagot ko.

"Naging kayo?"

(pakiramdam ko ay any moment at magpapawis na ang kili-kili ko sa kaba!)
"Hindi eehh.." pag-amin ko.

"Huh? Bakit naman? Sa gwapo mong yan?!" natawa sya ng bahagya.

"Hmm.. Sabihin nating, hindi lahat ng gwapo ay malakas ang loob."

"Bakit? Hindi ka ba nya gusto?" muli nyang tanong.

(Ewan ko.. Never mo siguro akong nagustuhan..)
"Ewan ko. Hindi ko alam." tipid kong sagot.

"Sus! Imposible Siguro na hindi ka nya magustuhan!" dama ko na piinlit nyang bigyan ng buhay ang tono nya.

"Posible.." sagot ko.

"Imposible nga!"

"Posible sabe!" ulit ko.

"Hay, ang kulit! Kung ako siguro ang babaeng yon, magtatatalon ako sa tuwa!" medyo napahagikgik sya. Ang sarap pakinggan.
ako naman ang natahimik sa sinabi nyang yon.

"Kung ikaw.. Posible kayang magustuhan mo ko?" nahihiya kong tanong.

parang gusto kong kabahan sa tanong ko na iyon.

Matagal syang natahimik...

Imposible nga sigurong magkagusto sya sa katulad ko.. naisip ko.

"Eh, ako? Posible kayang.. magustuhan mo ko?" pagbabalik nya ng tanong.
Kahit nakasandal sya sa balikat ko ay kitang-kita ko pa din ang amo ng kanyang mukha. Ang nagtatawag nyang mga mata at ang mapupula nyang labi. Ang Ganda talaga nya.

"Hindi lang gusto Dianne... Mahal.. Mahal kita.."

Huli na nung na-realize ko ang mga sinabi ko. Nakita ko nalang syang nakatingin sakin na may samut-saring reaksyon ang mga mata.
Wala na akong magagawa. Ito na siguro ang tamang oras para masabi ko to sa kanya! Hindi na pwedeng bawiin..
Huli na para umatras pa!

Lintek kasi na bibig to! pahamak!

"Anong.. Anong ibig mong sabihin?" Hindi nya makapaniwalang tanong sakin.
Napatingin lang din ako ng deretso sa mga mata nya na hindi ko mahulaan ang gustong iparating.

"Haizt!, ikaw kasi eh!" pagbawi ko ng tingin sabay kamot sa batok ko.  "Tanong ka kasi ng tanong! Yan tuloy.." Muli ko syang tinignan ng deretso sa mata "..Nalaman mo yung totoo."

"Clint..." may halong pagkalito ang himig nya at naiintindihan ko yon. Kahit sino naman siguro, mabibigla.

"Siguro.. ito na ang tamang panahon para malaman mo.. Totoo yung narinig mo.. Alam kong may mahal kang iba at ayokong maging pagulo pa sa isip mo.. Alam kong wala ng kwenta kung sasabihin ko pa sayo to, pero.. Wala na akong pakialam.. Dianne, Mahal kita." I Confessed.

Tumayo sya mula sa pagkaka-upo, tumayo na din ako.

"Ayoko ng ganyang biruan , Clint!" dama ko ang panginginig ng boses nya.

"Sino nagsabi sayong nagbibiro ako?" lumapit ako sa kanya.

"Please, Stop fooling around, Clint! Hindi kana nakakatuwa! Alam kong Joker ka, alam nating lahat yun! pakiusap,, wag mo na akong idamay sa mga Joke mo!"

"Siguro nga ay joker ako sa tingin mo at sa tingin ng ibang tao! Pero.. Believe me. Hindi ko alam ang magbiro pagdating sa ganitong bagay! Kung sa tingin mo na biro lang ang masaktan sa twing nakikita kita kasama ng Boyfriend mong mukhang PAA, Go ahead!  Kung iniisip mong biro lang na halos mamatay ako kakaiyak nung nalaman kong may Boyfriend kana, Ikaw bahala! at Kung sa tingin mong biro lang ang mga luha ko kanina... paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.. But Dianne, Yun ang totoo at kahit ikaw ay di yun mababago.." My Voice Broked.

Sh*t Hindi ako dapat ganito sa harapan nya. Hindi ako dapat umiyak sa harapan ng babaeng mahal ko!

Nagpalipat lipat lang sya ng tingin sa mga mata ko. tila ba naghahanap ng butas para lang masabi na nagbibiro talaga ako.

But, Sorry to Her.. Lahat yun totoo! At kahit IKAW reader, Alam mo yon!

Bago pa man pumatak ang mga luha ko ay tinalikuran ko na sya..
pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng silid na iyon ay muli na naman syang nagsalita.

"Ang Tanga mo!" sigaw nya.

Hindi ako lumingon.

"Ang tanga mo Clint! Bakit Ang Tanga Tanga mo?" muli nyang sigaw pero sa pagkakataong ito ay alam kong umiiyak na sya. "Ang tanga mo! G*go ka! Napaka-manhid mo!" dagdag nya.

Oo, Inaamin kong tanga talaga ako dahil hinayaan kong mapunta sya sa iba. Hinayaan kong imbes na ako ang magpangiti at magpasaya sa kanya ay iba na ang gumagawa nun para sa kanya!

Tanga dahil wala man lang akong nagawa!
Tanga dahil ako mismo ang nasasaktan sa kapabayaang yon!
Tanga dahil umiiyak ngayon ang babaeng mahal ko!

"Im sorry.." Hindi ko sya nilingon.

"Sorry? Wala ka man lang bang gagawin Clint?"

"Alam kong wala na.. Sa nakikita ko, Masaya ka naman sa kanya.." malamig kong sagot sa kanya.
Naramdaman ko ang pag-hakbang nya papalapit sa kinaroroonan ko.

"Wala ka man lang bang gagawin para ikaw naman ang maging rason ng pag-ngiti ko?"
Sa pakikinig sa kanya, para bang gusto kong magtatatalon sa tuwa at mag-fiesta... pero, tulad nga ng sabi ko. May limitasyon ang bawat bagay at dapat alam mo kung hangang san ka lang talaga.

Know your place, ika nga.

Humarap ako sa kanya at tulad nga ng inaasahan ay umiiyak nga sya. 

"Hmm.. Hindi na siguro kailangan. " mahinahon kong sagot. 

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na makita syang umiiyak.. Pero..Teka- bakit nga ba sya umiiyak?
Hindi ko naman sya inaaway aah?!

Hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan sya at pinahid ang mga luha nya gamit ang sarili kong mga palad.

"Tsk.. Anu kaba naman.. Wag ka nang umiyak.." Marahan kong pinunasan ang mga luha nya. Nakatingala lang sya sakin at tinititigan ako. "Ayokong nakikita kang ganyan.. Mas nasasaktan ako." Sabi kong inayos pa ang buhok nya na bahagyang nakatabon sa maganda nyang mukha. Nagbaba naman sya ng tingin. "Mas doble ang sakit." sulyap ko sa kanya saka muling inayos ang buhok nya. "Okey lang naman ako. At Kahit may Boyfriend kana.." Yumuko ako ng bahagya para masilip yung mukha nya. "...Mamahalin parin naman kita!" ngumiti ako, then i tapped her head saka ako tumalikod at nagpatuloy na sa paghakbang.

-

-

"Paano kung wala akong Boyfriend?" pahabol nya.

Napangiti lang ako. Hindi na ako lumingon. Baka sa muli kong paglingon ay hindi  ko na magawang lumayo pa sa kanya.

"Imposible.." tipid kong sagot.

"Paano kung maniwala akong mahal mo ko?" -sya

"Thank you.."  sagot ko. Nagpatuloy ako sa paghakbang ng muli na naman syang magsalita..

"Paano kung... Paano kung Mahal din kita?"

Halos mapako ako sa kinatatayuan ko. Baliw talaga ang babaeng to, Kaya mahal na mahal ko to eh! pero.. Imposibleng mangyari yun. Naisip ko kasi.. "Paano"lang naman..

"Hindi ka sigurado.." malamig kong sagot Saka ako nagpatuloy sa paghakbang.
-

-

-

"WALA AKONG BOYFRIEND!" sigaw nya.

Hindi na ako nakatiis at muli akong humarap sa kanya.
Naisip ko lang.. Kailan kaya ako makakalabas ng Room nato?
palagi kasing nabibitin ang paglabas ko eh!

Sinubukan kong ngumiti. Haizt! ano ba naman tong babaeng to! "Alam mo Dianne, Kahit alam nating lahat na mukhang paa talaga yung Boyfriend mo ay hindi naman maganda na i-deny mo sya.. Masama yun!" sabi ko na para bang nile-lecturan sya.

Hindi sya sumagot bagkus ay humikbi lang sya na parang bata.

"Eh, Sa wala naman talaga akong Boyfriend eh! Childhood friend ko si Luigi at Close kami nun kaya palagi kaming magkasama!" saka sya parang batang nagpunas ng luha nya gamit ang braso nya.

My "Oh, So Gwapong" Reaction: O_O

Dali-dali akong lumapit sa kanya at sinilip ang mukha nyang natatabunan ng braso nya.

"Si-sigurado ka ba? Wala kang Boyfriend? As in? Hindi nga? Talaga? " Paulit-ulit kong tanong. Hindi ko na mapigilang mapangiti.

"G*gong to! Wala nga! Ilang beses ka ba inire at kailangan pang ulit-ulitin? Huhuhuh.. G*gong to! huhuhuhu" Nagpatuloy sya sa pag-iyak.

Hindi na talaga ako nakatiis at niyakap ko na sya habang hinihimas-himas ang buhok nya.

"Sshhhh.. Tama na Oh, Sorry na.. Hindi ko naman alam." sabi ko habang sinusuklay ng mga daliri ko ang buhok nya. Mas naging malapad ng mga ngiti ko.

"Impaktong to! Kailangan pa bang humagulgol ako dito na parang bata para paniwalaan mo?.. Impaktong to! Huhuhuhu.."

"Sorry na.. Hindi ko naman talaga alam, Malay ko ba? Tahan na ohh.. Naniniwala na ako. Stop Crying na baby ohh.." muli kong pagpapatahan sa kanya.

Mas nag-init ang magkabila kong pisngi ng maramdaman kong gumanti sya ng yakap sakin. Pero this time ay tumigil na sya sa pag-iyak.

"Mahal din kita, Clint. Totoo yon, Dati pa.. G*go ka lang. Tanong mo pa sa mga readers." -sya.

Hindi na ako sumagot sa halip ay ibinaon ko ang mukha ko sa leeg nya saka ko sya niyakap ng mahigpit.

"Mahal kita Dianne.. Mahal kita Sobrang mahal.. At alam din ng mga Readers yun.." Napangiti lang ako.

Ilang sandali kaming ganun ng bigla syang kumawala sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.

"Teka, matanong ko nga.. Sino ba nagsabi sayo ng may Boyfriend na ako?"

[ Dash and Lee ]


Matagal na naming minaman-manan itong Bunso namin,

Sino pa nga ba? Edi, Si Clintbaby nyo!

Madalas namin syang nahuhuli na nakatingin lang kay Dianne na pinsan nitong si Loverboy na si Cody na kung makapag-ibig eh, wagas!
Sa totoo lang, Gusto namin syang tulungan manligaw kaso, anong alam namin dyan?

Kami kaya nililigawan?!

Pasalamat din kami dahil nitong isang araw lang ay kinausap kami ni Bossing Summer ng palihim.

Syempre, Sino pa? Edi ang cutie-hunk ninyo namely Ako at si Lee! Kahit Busy sya ay may time pa din naman si Bossing sa amin.. Akala nga siguro talaga ni Clint na nakalimutan na sya ni Boss Summy.. pero nagkakamali sya.

Mismong si Boss Summy ang nagpatotoo na matagal na palang may Gusto itong si Clint kay Dianne kaso, ang batos natin, mahina dumiskarte! At ang jackpot pa sa lahat ay nalaman namin na may gusto din si Dianne kay Clint!
Ayos ba? hehehe.. Apiiiir!
Actually, naiintindihan din namin si Clint dahil tulad namin, Babae ang nanliligaw samin.
Kaya naman hindi na kami nagdalawang isip na magplano. Kung anu-ano na ang naiisip namin, may naisip pa kaming plano na ikukulong namin sila sa isang kwarto or ipapa-blind date pa namin sila.
Pero dahil sa super smart itong Boss namin ay naka-isip sya ng mas magandang ideya!
Mas makatotohanan! Mas kapani-paniwala!

Bago pa man kami kumilos ay kinausap namin si Luigi.. Oo, Sya yung Childhood friend ni Dianne at totoong magkaibigan talaga sila simula pa nung maliit. Nalaman kasi namin na kaka-transfer lang nya sa University kaya naman pinakiusapan namin sya about sa plano namin at sumang-ayon naman sya. Wala din naman syang choice dahil "Bossing" kaya ng Mugen-Dai ang nakiusap sa kanya. Kaya naman.. Nagsimula na kaming kumilos.

Syempre! dahil sa kami ang kanang-kamay ni Boss Summy sa operasyong ito ay kami din ang nag-chika kay Clint na may Boyfriend na si Dianne. Oo, at yun ay si Fafa Luigi! Oyp, Charaaap!

Lee:Dash, umayos ka nga! Nakakahiya ka!

Dash:  Eheeem! sorry brad! na-carried away lang ako..

So, yun nga nga! kami ang nagsabi nun sa kanya!

At first ay mahirap para sa amin na makita si Clint lalo na kapag araw-araw namin syang nakikita na nagmumukmok kapag nakikita nya si Dianne at Luigi na magkasama. Pero, hindi pwedeng ihinto ang plano.
Kami din ang may pakana nung nakita ni Clint na magka-holding hands yung dalawa.
Ilang araw din namin syang nakikitang nakatulala matapos nun. Natatakot nga kami baka isang araw makita nalang namin si Clint na nakasabit nalang sa kisame or naglaslas lang ng pulso!
kaya naman kahit gabi ay sinisilip namin sya sa tinitirahan nya para masiguradong hindi nya gagawin ang kahit anong bagay na yun. Hindi madali yung ginagawa namin pero kung sa huli ay magiging masaya sya ay mas gugustuhin pa naming tiisin na makita syang ganito, tutal pansamantala lang naman.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na ito.

Nakita nalang namin kanina na umalis si Clint matapos nyang makita si Luigi na pumasok sa Room namin at yayain si Dianne ng Lunch at yun ay naaayon sa plano.. Pero hindi na namin nasundan si Clint dahil sa pinigilan kami ni Boss..

sabi nya: "Hayaan nalang natin ang tadhana ang gumawa ng plano"

See? Ang epic diba? Kaya hindi na lang namin sya sinundan. Ilang sandali pa nga ay nakita naman namin na Lumabas si Dianne. Saka naman kami sinignalan ni Boss Summy na kami nalang sumunod Dahil parang may problema din sila ni Cody.. Balitaan na lang daw namin sya sa mangyayari kaya naman dali-dali namin silang sinundan.

Pulang-pula na kami sa galit sa unang pag-uusap nilang dalawa! ang sarap umeksena! Sarap batukan ng Galon ni Clint! Ang korni-korni! Nag-iinarte pa! Aba, ito pa matinde! Paiyakin ba naman si Dianne! Lagot talaga sya kay Cody once na malaman na Pinaiyak niya yung pinsan nya!

Pero ang pinaka-exciting sa lahat ay yung dumating ang pagkakataon na matagal na naming gustong mangyari...
nung, NAGKA-AMINAN NA SILA!!! yeeeeeeeyyy!! Actually, parang bakla nga kami ni Lee nung nakita namin silang nag-ngingitian na eh, napapaluha kami ang putek! Masaya kami nung nalaman na nila ang nararamdaman ng bawat isa. Masaya kaming nakikita na nag-uusap na sila. Nakikinig lang kami sa usapan nila habang nakatago sa di kalayuan. Hanggang sa narinig namin si Dianne na nagtanong kay Clint.

"Teka, matanong ko nga.. Sino ba nagsabi sayo ng may Boyfriend na ako?"

Reaction namin ni Lee: O_O

(Ohh.. My..)

Ako: Lee, naiisip mo ba naiisip ko?

Lee:Sa palagay ko nga Dash.

Ako:Hindi kaya dapat kanina pa natin yun ginawa?

Lee:Sa tingin ko nga..

Ako:So, Ano pang ginawa natin dito?

Lee & Ako:Takbo na!

At yun na nga..  Umalis na kami sa lugar na yun habang pinag-iisipan kung ano ang irarason namin kay Clint.


itutuloy..

#Halu po sa mga Team-SummDy!! and welcome sa mga Team-CliAnne! Dahil sa mahal ko TeamCliAnne ay ginawan ko na sila ng Chapter.. I know hindi gaanong nakaka-kilig! kaya naman pagpasensyahan nyo na po..

I dedic this Chapter to Ms. DisEnchanted_Angel, sya po si Dianne sa Story..

Keep Safe mga lalabs!

-kaikai

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top