Chapter21


[ Summer ]

Masyado ata akong napaaga ng dating dito sa school kaya naman tulad ng dating gawi, dumiretso ako dun sa favorite kong tambayan. Pagkarating na pagkarating ko palang ay parang bata kong inihagis ang bag ko sa damuhan at dun umupo.

"Bakit ang tagal mo?"

"Ay- butiki!"

Halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa gulat ng marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko. Nang tiignan ko kung sino ay ganun nalang ang biglang pag-init ng mga pisngi ko.

Magtatanong pa kayo kung sino?

Hahay, sino pa nga ba?

Nakaupo sya sa bandang likuran ng puno kaya naman hindi ko sya napansin kanina pagdating ko.

Tsaka teka- Pake ko ba  kung andito sya?

Agad naman syang tumayo sa kinauupuan nya at naglakad papalapit sakin.

Craaaap! Bakit kailangan pa nyang lumapit dito at hindi nalang sya manahimik sa pwesto nya? Nang-aasar ba talaga?

"Anung ginagawa mo dito?" Pairita kong tanong na pinilit kalmahin ang boses ko. Hindi na ako nag aksaya ng panahon para titigan sya dahil parang bumabalik ang mga nangyari kagabi. Alam kong wala akong karapatang mag-inarte dahil hindi ako maganda, (konti lang!) pero.. Duh! Kagabi lang kaya yun?!  yumuko nalang ako para hindi ko sya makita.

"Nag-hihintay sayo.." diretso nyang sagot na nag-angel sit sa harapan ko sabay silip ng mukha ko na pakiramdam ko ay sobrang pula na!

Shete-ocho-nwebe! Ano Summer? Ano isasagot mo? Mag-isip ka daliiiiii...

"Ha? As if naman na alam mong pupunta ako dito!" Pagtataray ko para mawala ang kaba sa dibdib ko pero parang wala namang epekto.

kaya mo to Summer, I-GLOBE mo lang yan! GO lang ng Go!

Hindi sya sumagot. Pakiramdam ko ay para bang may kung anung namumutakti sa tyan ko at grabe ang reaksyon ng mga bulate  ko sa tyan ng maramdaman kong hinawakan nya ang baba ko at iniangat yon ng marahan para magkatitigan kaming dalawa.

Last nalang! Maiihi na talaga ako dito sa kaba!

"Hindi ako ang may alam.." Then he smiled na sobrang nakakatunaw "My heart does.."

 

DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!DUG! DUG! DUG! DUG! DUG!

Okay, ika-capslock ko nalang para maramdaman nyo kahit papano ang sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa pinagsasabi ng lalaking to!

"Ano bang pinagsasabi mo?" Maang-maangan kong sinabi at nagbawi ng tingin. Tinanggal  nadin nya ang pagkakahawak sa baba ko.

Sheeeeet! Baka matanggal na yung mga veins na nakakabit sa heart ko sa sobrang pagtibok sa pinagsasabi ng kutong lupa na to!

"Alam mo bang hindi din ako nakatulog kagabi?" Pa-cute nyang sabi habang sinisilip yung mukha ko.

Penge akong sako! Isusupot ko lang yung ulo ko!

chaka Teka nga-  paanong nalaman nyang hindi ako nakatulog kagabi?
Hindi kaya may CCTV sya sa kwarto ko? Or di kaya kasabuwat nya yung isa sa mga guard sa bahay?  Ah, hindi hindi! Malabong mangyari yun!

Baka- wait nga!
Bigla-bigla lang ay tila nakaramdam ako na parang gusto kong mangkalbo ng kaibigan ngayon?! malakas yung pakiramdam ko na si Alexa yung nag-chika nito sa kanila! lagot skin yun mamaya!

"Bakit naman?" ayaw ko man yun tanungin kaso wala na akong ibang maisip na tanong para naman hindi maging awkward yung atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Umayos sya ng pagkakaupo sa tabi ko. "ikaw kasi. Hindi mo kasi ako pinatulog.." sabay harap sa akin at nakakaloko akong nginitian.

Letsugas. Ang sarap talaga ng smile nya! pero- Ano daw? ako ang dahilan?

"Ako? anu namang kinalaman ko?" parang biglang umandar na naman ata ang maldita mode sa katauhan ko. Pagbintangan ba naman ako?

Imbis na sumagot sa tanong ko ay bahagya nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko, tama lang para malanghap ko na naman ang hininga nya.

"Ikaw kasi ang laman ng isip ko buong gabi.. Kaya hindi ako nakatulog.. ikaw? bakit hindi ka nakatulog?"

Oh. Sh*t! yang tanong na yan ang pinaka-iniiwasan ko sa lahat!

"Ha? Ako? hindi nakatulog? hindi ah! ang himbing kaya ng tulog ko?" pag-iwas ko ng tingin. Sinungaleeeeeeng!!!

Kita ko mula sa peripheral vision ko na nagsalubong ang kilay nya.

Fine Summer! Ang galing mo magpalusot! Huli ka pa din!

"Talaga?" He gave me a doubtful look. Napalunok ako ng laway ng wala sa oras. "Sabi ni Alexa nahulog kadaw sa hagdan nung pababa ka ng Bahay nyo last night para kumuha ng gatas dahil hindi ka makatulog dahilan kung bakit may pasa ka.."  dagdag nya.

Okey. alam na talaga nya ang buong katangahan ko kagabi!

nak ng! anu nang idadahilan ko? Pwede ko bang idahilan na nag advance review ako para sa exam two weeks from now? Pero alam naman nya na hindi naman ako pala-review! matalino kaya ako!

Teka- pwede ko naman idahilan na nanood ako ng horror movies kagabi kaya naman hindi ako agad nakatulog dahil sa sobrang takot? ang problema lang.. alam nila na favorite ko ang mga horror movies kaya hindi ako natatakot sa mga ganun!

Pwede din naman na na-insomnia ako! pero wala naman akong insomnia ehh! -

Then biglang umilaw ang bumbilyang mahiwaga sa ulo ko!

"ah! Monthly period ko kasi.." mabilis kong sagot.

"huh? Monthly period? anong kinalaman nun sa hindi ka nakakatulog?" lito nyang tanong.

Okey Cody, Ikaw nalang pumalit kay Tito Boy Abunda.. Dami mong tanong!

"nag-Dysmenorrhea ako. Tama! Yun nga! Hindi ako nakatulog kagabi kaya bumaba ako para sa kumuha ng gatas" Mabilis kong sagot.

Pero- nakakahiya! huli na nung na-realize ko  na masyado ko nang pinapahiya yung sarili ko! dapat pala isa nalang sa sa mga palusot na naisip ko kanina ang ginamit ko para naman hindi nakakahiya! sa dinami-dami ng pwedeng idahilan, REGLA pa talaga!

"Aahh..ganun ba?" then bigla nalang nyang kinuha ang kamay ko at in-examine ang braso ko na may pasa. "Tsk! Alam mo bang pinag-alala mo ko?" He looked straight in to my eyes ."Tignan mo. Ang daming mong pasa." Kita ko sa mata nya ang pag-aalala. "Summer, I want you to promise me on something."

Nakatingin lang ako ng deretso sa mga mata nya. Hindi ko alam kung dapat nga ba akong mag-response sa bagay na yan.

"Please, ingatan mo ang sarili mo lalo na pag wala ako." Malumanay nyang sinabi.

Okey. ako na ang kinikilig ng bongga!  pero, Nawi-weirduhan na talaga ako sa lalaking to! Pero tumango na lang ako. Ano pa nga ba ang dapat kong gawin kundi tumango nalang. :)

Then all of a sudden ay kinuha nya ang kamay ko. "Aalagaan mo ang sarili mo or ako ang gagawa nun para sayo?" tinitigan lang nya ako. Seryoso ang mga mata nyang nakatingin sakin.

"Kaya kong alagaan ang sarili ko." I said in a trembling voice.

"But I still want to take care of you.." then he kissed it na naghatid ng mala-kuryenteng pakiramdam sakin.

Kinalma ko muna ang sarili ko. Hindi pwedeng pairalin ang kalandian ngayon! Ayoko din naman na makita nyang kinikilig ako sa pinag-sasabi nya at sa mga pinag-gagagawa nya..

taga nyo pa sa bato ni Darna,  HINDI AKO KINIKILIG!

-

-

-

konti lang! hehe

Matapos naman ang pag-uusap namin ay napag-pasyahan namin na bumalik na sa room dahil malapit nang magsimula ang klase. Naglalakad lang kami ng tahimik ng bigla na naman umandar ang pagiging palaasar nya.

"Pero aminin mo Summer, ako ba ang dahilan kung bakit ka nahulog kagabi sa hagdan?" pangisi ngisi nyang tanong. Lekat nato!

"Kapal naman ng mukha mo para isipin na ikaw ang dahilan para mahulog ako!" Sagot ko. Kapal naman nya!

"Why not? sabagay, sa gwapo ko na namang ito talagang walang hindi makakatulog!" sabay hagod naman nya sa baba nya. Kapal talaga!

"Grabe na talaga ang hangin ng katawan mo eh noh? ingat ka baka kabagan ka nyan!" ganti ko sabay naman nun ang matunog nyang pagtawa. Nakakainis! akala ko pa naman ay simula kanina ay magkakaron na kami ng matinong pag-uusap! yun naman pala puro kayabangan na naman nya yung pinagtatalunan namin ngayon!

"Aminin mo na kasi na ako ang laman ng isip mo kagabi!! ayeeee" pangaasar pa nya habang sinusundot-sundot yung tagiliran ko.

"Tigilan moko! Bwiset ka!" sabay hampas ko ng kamay nya.

"Aray naman! Kung makahampas ka naman, WAGAS!" pagrereklamo nyang hinimas himas ang kamay na hinampas ko. Then maya-maya ngumiti na naman sya ng nakakaloko. "Pero aminin mo na kasi... yeeeee!" sabay sundot ulit sa tagiliran ko.

Isa nalang talaga! hahampasin ko na to ng martilyo! Naasar na talaga ako sa kanya! dinaig pa ang mga bata kung makapang-asar! Ibaon ko to ng buo eeh!

"Sige na kasi! Aminin mo na para tumahimik na ako sa pangungulit sayo!" patuloy pa din sya sa pagsundot sa tagiliran ko.

Konti na lang talaga! tutubuhin ko na ang lalaking to!

"Oo at Oo lang naman kasi ang isasagot mo eh!" dagdag nya, "Sige na!"

baliw ba ang isang to? Choices ba tawag nya sa mga yun??!!

 "Oo na!" inis kong sagot. Nakita kong natigilan sya.

"Oh? bakit ka natahimik dyan? Diba yun naman ang gusto mong sagot? IKAW ANG DAHILAN NG PAGKAKALAGLAG KO SA HAGDAN!" sabi kong pinandilatan pa sya ng mata.

He pouted. "Grabe ka naman! Sa pagkakasabi mo nyan para namang ako ang sinisisi mo sa mga pasa mo!" pagrereklamo nya.

"Oh bakit? sinabi ko na sayo yung gusto mong marinig, ngayon narinig mo na sakin eh, umaayaw kana?! Adik!" irita kong sabi. Grabe tong taong to! napaka-Bipolar! Daig pa ang babaeng may Dysmenorrhea.

"Hoy, Excuse me! Pagbintangan ba naman ako? FYI Hindi ako ang may kasalanan ng mga pasa mo! Yung katangahan mo kaya!" balik nya sakin.

Naasar na talaga ako sa kanya! Sarap nang kutusan ng isang milyong beses!

maya-maya pa ay bigla syang humarang sa dinadaanan ko at tinignan lang ako sa mata.

"Anong ginagawa mo? Tuliling lang teh?" tinaasan ko sya ng kilay.

Matalim nya akong tinignan "Hindi mo ba tatanungin kung bakit hindi ako nakatulog kagabi?" 

Praning din ang isang to noh? sinabi nya na kaya kanina na ako ang dahilan!

tinignan ko syang nakapameywang sa harapan ko. "Sinabi mo na sakin yan! Kaylangan talaga ulit-ulitin?"

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ikaw ang iniisip ko?" tanong nya na para bang lulunurin ako sa mga titig nya.

Haizt! ayoko na nang mga ganitong pakiramdam! Tanungin ko na kaya sya tungkol dun para matapos nato?

"Osha! Kung yan ang gusto mo. pagbibigyan kita!" Huminga muna ako ng malalim. "Bakit ba ako ang iniisip mo?"

After kong tanungin yon ay sumilip na naman ang matamis ng ngiti sa mga labi nya.

Grabeeeeeee! konting smile lang ang ginawa nya pero bakit grabe na ang naging impact sakin?

Napayuko sya na para bang nagdadalawang isip kung sasabihin ba nya sa akin or hindi.
Nakanang! Kung ayaw nyang sabihin dapat hindi nya nalang sinabi na itanong ko yong bagay na yun sa kanya!
Ubos na talaga ang pasensya ko sa kurimaw nato!

"Alam mo kung wala kang plano sabihin sakin ay mabuti pang-"

"It's because of your kiss.." Mabilis nyang sagot. "Kaya hindi ako nakatulog." then nag-angat sya ng tingin.

My Reaction: O_O

Lahat ng mga sasabihin ko ay tila ba nabura lahat dahil sa sinabi nyang yon. Hindi ko alam kung anu ang una kong magiging reaction. Bakit kasi nabanggit na naman yan eh!

Pero, imbis na mainis sa twing naaalala ko yon ay tila ba may sariling pag-iisip ang labi ko at napapangiti na lang ito.

Napatingin lang ako ng sa kanya ng deretso, Hindi ko din alam kung tama ba ang nakikita ko dahil Cody Sebastian is actually blushing! Ayoko na ako ang unang magsalita tungkol sa bagay na yan.. Pero, napapa-smile talaga ako. Pinamulahan ako ng pisngi at pakiramdam ko na tila may nakadikit na dalawang plantsa  sa magkabila kong pisngi.

pero hindi pwedeng magpahalata.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Napaurong akong bahagya. Iniiwasan ko lang ma-aadict sa amoy nya kasi may aminado akong may pagkakataon na hinahanap ko ang bango na yon.

"You know what i mean... actually, I just want to ask you one thing kasi it keeps on bugging my mind." Sabi nyang nangangamot sa ulo.

Putchang gala naman oh! Hindi pa nga ako halos nakakapag-react sa sinabi nya heto na naman at magtatanong na naman sya! Pero, Anu na naman kayang itatanong nya? Para kasing gustong tumayo ng mga balahibo ko sa katawan pag sya ang nagtatanong. Malay ko ba kung anu na namang ka-eng-engan ang gusto nyang malaman?!

"A-anong it-tanong m-mo?" Parang gusto ko ata pagsisihan kung bakit pa ako nagtanong! Haizt! Stupida!

He moved closer to me. Napaatras naman ako ng bahagya.

"Ako ba ang first kiss mo?" Naniningkit pa ang mata nya habang nakatutok sakin.

deng-deng-deng deeeeeeng.... !!!!

Dear LUPA,

LAMUNIN MO NA AKO NG BUO!

Love,
Summer.

Waaaaaaahhh!!! Sabe na eeh!

Anong isasagot ko?

Sasabihin ko bang Oo?

Pero, hindi naman sya ang first kiss ko eh!

Kinder student pa ako nun nang makuha ang first kiss ko sa pisngi at dahil yun sa kutong lupa kong prince charming sa play! Kumukulo talaga ang bumbunan ko sa twing naalala ko yun, dahil bukod sa paghalik nya sakin ay kinuha pa nya yung favorite ribbon sa buhok ko, bakla ata yun eh!
After nun, hindi na sya nagpakita sakin.
Nahiya na ata sya!  Abay dapat lang!
Baka isipin ng mga magulang ko nun na ang bata ko pa pero talandi na ako?!
Sagwa pakinggan diba?

"So, Ano na? ako ba ang first kiss mo?" 

Nabalik ang ulirat ko sa kasalukuyan ng biglang nagsalita si Cody na kasalukuyang nasa harapan ko lang naman at inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Parang hindi ata ako makahinga ng maayos sa sobrang lapit nya.

Bakit ba ang hilig nyang makipag face to face?

Pero- Sasabihin ko bang siya ang unang lalaking humalik sakin?

Hindi! Hindi! Hindi ko pwedeng sabihin yun! Baka kasi mas lalong lumakas ang hangin nito sa katawan! Mahirap na baka liparin ako!

"I-ikaw? F-first kiss ko? Kapal mo ah!" Nangangatog ang mga binti ko, buset! Hirap magsinungaling!

Mas lalo nyang inilapit ang mukha nya sakin. Kung magsasalita pa ako ay baka ma-touch ng labi ko ang labi nya. Doble kara nang kahihiyan pero bahala na si Batman!

"Oh bakit? Hindi ba?" tanong nyang may nakakalokong ngiti.

Enemel! Baka hindi ko na kayanin ang pressure dito at sasabog na ang mga veins ko sa buong katawan ko! Pero, anu man ang mangyari ay hinding hindi ko sasabihin ang tungkol dun.

"O-ofcourse n-not!" Umatras ulit ako habang hawak-hawak ang dibdib ko. "Asa!"

"Really? Imposible kasing hindi mo first time." Humakbang ulit sya papalapit sakin na tila ba isang imbestigador na nag-iimbestiga sa isang salarin.

"P-paano mo naman nasabi?" Tanong ko na humakbang ng isa pa paatras.

"I saw how your eyes react when I kissed you.." sabi nyang humakbang ulit papalapit sakin.

Aatras pa sana ako papalayo sa kanya ng may matapakan ako na kung anu at nag-slide ang mga paa ko. Malambot lang naman na damo ang babagsakan ko kaya okey lang. Napapikit na lang ako para ihanda ang sarili ko sa pagbagsak. Ngunit ilang segundo na ata ang lumipas ay hindi ko parin nararamdaman ang pagbagsak ko.

Anyareee?


Hindi kaya umiwas ang lupa dahil babagsakan ko sya? Pero hindi naman ako mabigat ah? Then after a few more moments ay na-realize ko na may nakasuporta sa likod ko at may nakahawak sa braso ko. I slowly opened my eyes to see kung iniwasan nga ba ako ng babagsakan ko.

As I opened my eyes ay napasinghap ako dahil ibang mata ang nakita ko.

 -

-

-

"Grey!" singhap ko. Inalalayan nya ako makatayo ng maayos. kita ko na naman sa mukha ni Cody ang pagkadismaya.

"Anong ginagawa mo dito?"  baling ko sa kanya. "May kailangan kaba sakin?" Kaswal kong tanong.

Ngumiti lang sya. "Wala naman. Hinahanap lang kita."

"Ahh.. Ganun ba?" Sagot ko. Palihim ko namang pinandilatan ng mata si Cody para hindi na sumabat pero sadya talagang matigas ang ulo ng tsonggo!

"What for? Nahanap ko na sya so makakaalis kana!" hirit ni Cody. Natampal ko nalang ang noo ko.

Bigla na naman akong ninerbyos nang walang takot na nilapitan ni Grey si Cody na nakapamulsa pa.

Gaaaaaad! aatakiihin ata ak nito ng wala sa oras!

"Ikaw? Bakit ka Nandito?" merong paghahamon sa tono ni Grey.

Cody Smirked. "Kailangan pa bang tanungin yan?" sa pagkakataong ito ay nilagpasan nya si Grey na sinundan naman sya nito ng tingin. Halos mapako naman ako sa kinatatayuan ko sa sumunod na nangyari ng ilagay ni Cody ang kamay nya sa tagiliran ko at binigyan si Grey ng mapang asar na ngiti. "Masama bang hanapin ko ang 'Future Girlfriend' ko?"

Kahit ako ay nagulat sa mga pinagsasabi nya. Sinong nagsabi na magiging girlfriend nya ako? Nakita ko naman ang samut-saring mga tanong na bumaha sa mukha ni Grey.  Kaya naman bago pa man si Grey maka-react ay hinila ko na si Cody papalayo sa lugar na yun.

[ Cody ]

"Ano na naman kagaguhan ang pinagsasabi mo ha?" sigaw nya sakin.

Dinala nya ako dito sa Canteen at dito nya ako sinesermunan ngayon.  Buti na lang pala at walang tao ngayon dito sa Canteen dahil kung nagkataon pa ay masasalpakan ko ng maraming sandwich ang bibig nitong maingay na babaeng to ng manahimik!

Kahit gusto ko sya ay hindi parin naman hindi maiwasan na maasar ko siya dahil palagi ko talagang hanap-hanap ang kaingayan nya kahit san ako magpunta. kanina pa sya dada ng dada sa harapan ko at heto ako nakatingin lang sa kanya.

"Ano ba kasing pinagpuputok ng butchi mo dyan?" malumnay kong tanong. Kabaliktaran ng kalamado kong temper ang init ng ulo nya ngayon. HAHA! Sa totoo nyan kasi, wala naman talaga akong intensyon na sabihin yung bagay na yun kanina. Gusto ko lang talaga galitin si Grey at mission accomplished naman ako! HAHAH!

"tinatanong mo pa? Sinong hindi magagalit sa pinagsasabi mo kanina? Aber? Sabihin mo nga sakin!" pamemewang nya.

Babaeng to talaga oh! Ang cute pag galit. :)

"Imbis na magalit ka sakin ay dapat nga magpasalamat kapa nga dahil inangkin ko na Future Girlfriend na kita!" sabay tawa ko. "Isa pa, Swerte mo din dahil isang hunk at crush ng campus nanggaling ang mga salitang yun!" Sabay tawa ulit. Natatawa talaga ako!

"Baka mamaya nyan kung anong isipin nya!" balibag nya ng bag sa harapan ko. Astig talaga sya! HAHA!

"Yun nga ang gusto kong mangyari.. Ang isipin nya ang hindi nya dapat isipin tungkol sa ting dalawa.." Sumandal ako sa upuan at tinignan lang sya ng deretso. "Bakit ba importante sayo kung anu ang iisipin ng taong yon?"

Nakita ko ang pagkabigla sa reaksyon nya. Sabi na eehh.. Ang sakit lang isipin na nag-aalala sya kung anung iisipin ni Grey pero wala man lang syang pakialam kung anung mararamdaman ko. Haizt! kaasar!

Lagot ka sakin, Makakaganti din ako sayo Summer! makikita mo!

Naghintay ako ng isasagot nya pero Tinignan lang nya ako ng masama. "Aaaaarrrg! nakakaasar ka talaga!" Matapos nun ay tumalikod na sya at umalis. Ako naman naiwang nag-iisip.

****

"Okey class.. bring out 2 pieces of yellow pad paper for your written exam.." Pag-a-announce nung matanda naming prof.

Nakikinig lang ako kay Ma'am habang ang mga mata ko naman ay busy sa kakatingin kay Summer na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin. Masyado ko ata syang ginalit kanina. Kung alam ko lang na hindi nya ako papansinin ngayon di ko na sana sya inasar pa.

Sakto naman nung paglingon ko kay Summer ay tila ba nag twinkle-twinkle ang mata ko sa nakita kong inilabas nya sa bag nya. Isang pad ng Yellow pad paper.

Bago pa man ako makahingi ay nagsihingian na sina Clint, Dianne, Alexa kasama din sina Lee at Dash na humabol pa sa paghingi. Nakangiti namang binigyan sila ni Summer Sunget!

Nagdadalawang isip tuloy ako kung hihingi ba ako or hindi dahil alam kong susungitan lang ako neto! Pero, Ilang sandali nalang ay magsisimula na ang exam at wala pa akong papel, kaya naman lalakasan ko na lang ang loob ko na manghingi sa kanya kahit nakakahiya.

"Uhhmm.. Summer?" Pag-aalangan kong tawag sa kanya.. Tumingin lang sya sakin ng masama. Lagot ako.

*Gulp* "Uhhmm.. pwedeng makahingi ng papel?" pagpapa-cute kong sinabi.

hindi sya sumagot bagkus at nag-focus nalang sya sa papel nya.

Patay na talaga ako nito!

"Summy. Sorry na oh." Sabay sundot ko sa tagiliran nya. Tinapunan lang nya ako ng nakakatakot nyang tingin. Sa susunod talaga hindi ko na sya gagalitin or kung gagalitin ko muna sya ay sisiguraduhin ko munang may pad paper ako or wala kaming exam.

"Please.. Sorry na.." pinagkidkit ko pa yung mga palad ko para naman makita nya nya nagsisisi na ako.

Letse kasing test na yan eh!

"Summer.. Huy.." Muli kong pagtawag sa kanya pero hindi parin nya ako pinansin. Ano bang gustong nyang gawin ko para mapatawad nya ako nang makahingi na ako ng papel?

Ilang sandali pa ay ipinasa na nga ang mga questionaire para masagutan na namin at malas talaga kasi hindi pa ako nakakahingi!

Grabe naman kasi ang babaeng to! hirap magpatawad!

"Summmer.. kung si god nga nagpapatawad, tao pa kaya?" Pangungunsensya ko sa kanya.

Limingon sya sakin, AYOS! makakahingi na ako! pagse-celebrate ko sa isip ko.

"Wag mong demonyohin ng mga pangongonsensya mo ang utak ko!" sagot nya at muling tumalikod.

Wala na talaga! Ang hirap talagang hulihin ang ugali ng babaeng to! sa kanya lang talaga ako nangungunsume ng husto!

"Summer..." Isang sundot pa ang ginawa ko sa tagiliran nya pero hinampas nya lang yung kamay ko.

"Isa pa.. Tataob ka!" She gave me a death Glare.

Fine! I give up! Wala na alaga akong choice kundi gawin ang kanina pa nasa isip ko..

[ Summer ]

kanina pa talaga ako bwisit na bwisit sa kutong lupa kong katabi! kung pwede nga lang na i-evict sya kahit isang araw lang bilang katabi ko ay ginawa ko na! kanina padin natutuliling yung tenga ko kaka-sorry nya,

Sorry nya mukha nya!

Kasalanan nya kung bakit ganito ako ngayon sa kanya! Napaka-childish kasi ng sinabi nya kay Grey, Nakakahiya! tapos imbes na mag-sorry sya sakin ay inasar pa nya ako lalo!

Aaaarrrrg!! Cody nakakabwisit ka talaga!

Buti na lang at may exam kami at medyo mabi-busy yung isip ko! Akala ko lang pala na okey na kasi may exam pero heto na naman ang  kurimaw na nasa gilid ko at nanghihingi ng papel!

Bahala sya! hindi ako mamimigay! ang mahal-mahal ng papel noh!

Nakailang tawag sya sakin pero hindi ko parin sya pinapansin. Bahala talaga sya!

Then, ilang sandali pa ay narinig ko nalang ang mga hagikhikan sa likod ko. Nang lingunin ko ay ganun na lang ang panggigitil ko ng makita kong nasa likod na si Cody na napapagitnaan nila Cathlyn na medyo kinikilig pa ata dahil tumabi sa kanila ang asungot! kapwa kinikilig din ung mga alipores nyang balahura!  Agad naman akong nagbawi ng tingin ng biglang lumingon ang kutong lupa sa gawi ko.

Ayaw ko sanang pakinggan ang mga malalandi moment nila pero dahil nasa likod ko lang sila ay dinig na dinig ng dalawa kong tenga ang mga nakakapang-init nilang mga boses!

nakakabwisit! sarap magbitay ng mga tao ngayon!

"Sige na Cath.. Pahingi na ng papel.." halos pabulong na sabi ni Cody.

"Hihihi.. Wag dyan Prince Cody, Nakikiliti ako." mahina namang tawa ni Cathlyn.

Kanina pa nag-start ang exam at Kanina pa dapat ako tapos sa part 1 ng exam nato pero hanggang ngayon ay nasa number 1 padin ako!  hindi ako makapag-concentrate dahil sa landian nila sa likod! nakakapika na talaga!

"Sige na kasi.. pahingi na nang isa.." malanding usal naman si Cody.

bakit ba kasi hindi sya nagdadala ng papel? mapera naman sya! hindi yung kailangan pa nyang makipaglandian dun sa likod para makahingi!

"Baby, wala na kasi akong papel eehh.. hiningi ko lang tong nasa akin.." sagot naman ni Cathlyn na Halatang gustong gusto naman na hinaharot din sya ni Cody!

Haizt, nakakaasar!

Teka nga! napapansin ko lang.. bakit naman ako maiinis?  Diba dapat ay matuwa ako kasi hindi na ako kinukulit ni Cody the swanget dahil sa papel?!

pero... Aaarrggg! naaasar talaga ako at ewan ko kung bakit!

"Sige na Cath.. Ihingi mo na ako ng papel.." malumanay  na sabi ni Cody na halos nakadikit na ang labi nito sa tenga ni Cathlyn.

kung blade lang siguro yung ballpen na hawak ko ay kanina pa dumudugo yung kamay ko sa panggigigil sa mga kaartehan nila sa likod!

"Sorry talaga my prince pero last nalang din kasi yung hiningi ko.. -ahihihi, wag nga dyan kasi nakikiliti ako!" nakakasukang sabi ni Cathlyn.

Dapat ngayon ay naka-focus ako sa bwisit na exam nato pero kahit ilang beses ko nang nabasa ang question ay hindi ko din maipasok sa kukote ko ang tanong dahil sa mga naririnig ko!

Bwisit talagaaaa!! Bwisiiit!

Hindi na ako nakatiis sa paghaharutan nila at pumilas na ako ng tatlong page ng yellow pad ko at binalibag ko sa mismong harapan ni Cody na nuoy nabigla sa kinilos ko ganun din sa mga kalandian nya na nasa likod ko.

"Oras ng Examination ngayon! Hindi oras ng landian!" saka ako tumalikod at pinagpatuloy ang exam.

Sana lang ay tumigil na sila.. Nakakasuka yung ginagawa nila sa likod! pasalamat sila at lumabas si Ma'am at hindi nakita yung pinag-gagagawa nila kanina!

Ilang sandali ay naramdaman ko na bumalik  si Cody sa Upuan nya. Pero bago pa nito hinarap ang testpaper nya ay kita ko sa gilid ng mata ko na matagal muna syang tumingin sa gawi ko.

Manigas sya!

itutuloy...

#Haluuuu!

sensya na po sa mga nag-antay ng matagal.. siningit ko lang po talaga itong pag UD nitong STGL.. salamat po pala sa mga walang sawang sumusuporta sa #TEAM SummDy. Pasensya nadin po kung may mga grammatical errors.. tao lang po.. hihihi..

Godspeed!

-Kaikai

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top