Chapter20

[ Summer ]

Halos hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko sa sobrang kaba dulot ng lapit namin sa isat-isa. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi magawang tumutol ng katawan ko sa nangyayari ngayon? Hindi ba dapat ay nagwawala na ako ngayon dahil inis na inis ako sa kanya?

Bakit diko magawa ngayon?

Bakit wala akong magawa?

Bakit parang nagtatalo na ang isip at damdamin ko sa pwede kong gawin ngayon?

Bakit?

Ilang sandaling ganun ang posisyon namin. Gustuhin ko mang kumilos pero hindi ko magawa dahil parang ayaw ko na maputol ang eksena naming yon?

-Teka! Tama ba tong pinag-iisip ko?

Ahh.. Basta! Isa lang ang gusto ko ngayon. Gusto kong maliwanagan sa mga pinag-sasabi nya!

"A-anong ibig mong sabihin?" nanginginig ang mga labi kong sinabi yon. Kita ko kung paano sya nagtaas ng tingin na kanina ay naka-focus lamang sa labi ko.

Sheeeet! nanginginig na talaga ako!

Pinilit kong tignan sya sa mga mapupungay nyang mga mata para makita ko kung paano na naman nya ako pag-tripan. Ngunit nung oras na nasilayan ko mismo ang mga mata nya ay tila malulunod ako sa mga titig nya na deretso lamang sa mga mata ko. Wala akong nakitang bahid ng panloloko or kahit anu mang panti-trip. Isa lamang ang nakikita ko na sinasabi ng mga mata nya.

Naramdaman ko ang mas lalong paglapit ng mukha nya sa mukha ko at paghawak nya sa baba ko.

Takte! anung gagawin ko??
Masyado nang nagwawala ang sistema ko sa pinag-gagawa ng taong to!

Hindi ako sanay na ganito sya!

Hindi ako sanay na ganito kami kalapit sa isat-isa!

Hindi ako sanay sa mga titig nyang nakakalunod.

Hindi ako sanay sa lamig ng boses nya at sa hatid nyang init ngayon.

Hindi ako sanay..

Mas gugustuhin ko pang palagi kaming nag-aaway kesa sa ganito! Atleast kung nag-aaway kami.. Marami akong pwedeng masabi.. Marami akong pwedeng gawin.

Pero Ngayon! Buset! Wala akong magawa! Wala akong masabi dahil hindi ko alam kung paano ko magagawang kontrolin ang reaksyon ng katawan at puso ko sa kanya ngayon!

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko sa pagkakataong ito!

Hinayaan kong mamayani ang tunog lamang ng mga hininga namin..

Please.. utak gumana ka!, tell me what to do!

Pakiramdam ko ay tila biglang huminto ang pag-ikot ng mundo ng maramdaman ko ang init ng sensasyon ng pagdampi labi niya sa akin. Mainit iyon at Ang init na yon ay naging hudyat para tumigil ang puso ko sa pagkawawala. Malambot at banayad ang labi nya.

Biglang naging kalmado ang dibdib ko na kanina pa Dumadagundong.

Halos wala na akong maramdamang pagwawala sa katauhan ko. Naging kalmado ang lahat at hindi ko maintindihan kung bakit at kung paano nangyari.

Bigla tuloy akong Nagkaron pakiramdaman na sana ay hindi na to matapos. I just close my eyes to feel his kiss..

Its passionate and wonderful. parang nawalan na ako ng pakialam sandali sa mundo. Pakiramdam na parang ikaw lang at siya ang nasa mundo mo.. Yung tipong kaya mong bitiwan lahat dahil sa nararamdaman ng puso mo at yun ang saya.

Then he releases me with a smile plasttered on his face. Magkadikit parin ang mga noo namin sa pagkakataong ito.

SheteOtsoNwebe! kinulang ako!

"Still need an explanation?" Malambing nyang sinabi.

Hindi ako bobo para hindi yun maintindihan tukmol ka!

I nodded kahit nasa stage pa ako ng pagkabigla.

"What do you think you are doing?" I almost whispered. Hindi ko magagilap ang sarili ko.

Gusto kong malaman ang dahilan nya, Gusto kong isa-isahin niya kung anung kahangalan ang nangyayari sa kanya at paano napunta ang lahat sa ganito? Kung na-engkanto ba sya ay sabihin nya lang dahil kung albularyo lang, marami akong kakilala!

I heard him sighed. "Would you believe kung sasabihin kong kahit ako ay hindi ko din alam? it's just happened Summer.."

Nabibigla?? Nahihibang ba sya? Eh, naglolokohan lang ata kami dito eh! Bigla kong naramdaman ang pagka-dismaya. Hindi iyon ang sagot na gusto ko.. Hindi yun ang sagot na inaasahan ko! May part sa akin na nasaktan sa sagot nya. Parte ng pagkatao ko na ayaw tanggapin ang rason nya!

I close my eyes para makuha kong makapag-isip ng maayos. Hindi to pwede! Hindi pwedeng paglaruan nya ako! Alam kong trip niya lang to! Duh! Cody Sebastian yan! At never na narinig kong nagseryoso yan sa isang bagay! Oo at nagkasundo na kami pero hindi ibig sabihin nun na kilala ko na talaga ang buong pagkatao nya. Mahirap parin magtiwala.

"Nabibigla ka lang.." Plinano kong kumawala sa pagkakayakap nya pero hinila nya akong muli papalapit sa kanya.

"Please Summer.. Please help me.." -siya.

Gago! kailangan mo lang pala ng tulong ko, bakit kailangan mo pa akong halikan? paghi-hysterical ngisip ko

"Help you to what?" nagsimula na akong mainis.

"Tulungan mo ako na malaman kung anu ba talaga tong nararamdaman ko.." -siya

"Hindi mo na kailangan ng tulong ko." Pagmamatigas ko. Muli akong nagpumilit na kumawala sa kanya at nagawa ko na man yun. "You know what? Alam kong nantitrip ka lang eh! Pwede ba Cody? Tumigil ka na! Hindi na nakakatuwa!"

Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata nya matapos kong sabihin yun! Pero ang pinagtataka ko lang ay nakita kong may gumuhit na lungkot sa mukha nya.

Ano bang gusto nyang palabasin na nasasaktan sya sa mga sinasabi ko?

He shook his head. "Hindi mo ako naiintindihan.."

Ramdam ko na talaga ang sobrang inis. "Masisisi mo ba ako? Look Cody, Kanina lang nag-aaway tayo, tapos eto na ngayon? Masyado kang Bipolar Cody! Now tell me.. Masisisi mo ba ako na hindi magtaka sa mga ikinikilos mo?" Gusto ko mang pigilan ang emosyon ko pero hindi ko magawa. Nakita ko syang nagbaba ng tingin. May factor sakin na gusto kong bawiin yung mga sinabi ko pero alam kong huli na. "Mas gugustuhin ko pang palagi tayong nag-aaway kesa sa ganito! Dahil sa mga pagkakataong yon, alam ko ang gagawin ko at alam ko kung ano ang sasabihin ko, alam ko kung anu ang iisipin ko! pero ngayon? Wala akong ideya! naguguluhan ako!" Nagsimula nang mangilid ang mga luha sa mata ko. Mahina talaga ako sa ganitong bagay.

He looked up with a fiercing eyes na ngayon ko lang nakita. "Bakit Summer? Ikaw lang ba ang naguguluhan? Ikaw lang ba ang walang ideya sa bagay na ganito? Ako din Summer! This is Bullsh*t!" Humakbang sya papalapit sakin. "For Pete's Sake Summer.. Nahihirapan din ako! Nahihirapan ako kakaisip kung anong nangyayari sakin kapag hindi kita nakikita! Dahilan kung bakit gusto kong palagi naririnig ang boses mo kahit ang ingay-ingay mo! Kung bakit gusto kong manuntok sa twing iba ang kasama mo!" Then again, kinulong nyang muli sa mga kamay nya ang mukha ko and this time mas kalma na ang boses nya. "if you only knew how it feels.. kahit nakakarindi ang kaingayan mo at nakaka-badtrip ang tigas ng ulo mo at the end of the day.. ikaw ang hanap ko." He kisses my forehead ng nagdala ng sangkaterbang kilig sa katawan ko. "Gusto kong maging selfish.. Gustong Gusto ko.. Gusto kitang ipagdamot... Gusto kong ako lang ang hahawak ng mga kamay mo.. Gusto kong ako lang makakarinig ng ingay mo. Gusto kong ako lang ang aawayin mo.. at higit sa lahat.." Muli syang nagbaba ng tingin sa labi ko. "Gusto kong ako lang ang nakakapag-pasaya sayo.. Ako lang Summer.. Ako lang." Matapos nun ay muli nyang inangkin ang mga labi ko.

****

Late na nung nakauwi ako sa bahay. Matapos niyang maipark ang sasakyan niya sa tapat ng gate ay bumaba na agad ako. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa nya ako. Awkward ang buong byahe dahil wala kaming imikan. Alam kong gusto nyang magsalita nun pero gusto ko padin makapag-pasalamat dahil parang naramdaman nya kanina na yaw ko muna yon pag-usapan. Hindi ko na nilingon si Cody pagkababa ko ng sasakyan at sinalubong naman ako ni kuya Bert na puno ng pag-aalala ang mukha. Matapos naman makapag-palit ay malaya kong inihilata ang katawan ko sa higaan. Pakiramdam ko ay 24 hours akong gising sa dami nang nangyari ngayong araw nato.

tick-tock.. tick-tock..  tick-tock.. tick-tock..

Ilang oras na akong nakahilata dito pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Ewan ko. Pagod ako at alam ko yon. Ilang beses kong sinubukan na ipikit ang mga mata ko pero sa twing gagawin ko iyon ay ang mukha ni Cody ang nakikita ko. Naka-ilang gulong na ako sa higaan, Dumapa na ako, Tumuwad, Itinaas ang paa, Nagtabon ng unan sa mukha pero hindi pa din ako makatulog.

Ang kaninang pagdududa na nasa isipan ko ay tila biglang bula na agad naglaho. Ilang beses kong tinangkang pigilan ang nararamdaman ko pero ngayon ko lang talaga na-realize na hindi lang pala basta kung anu lang ang pakiramdam nato para sa kanya. May Dahilan pala kung bakit sa twing hinahawakan nya ako ay may kung anung nangyayari sakin na hindi ko maintindihan. Mga kakaibang pakiramdam na sya lang ang nakakapag-paramdam sakin. This is insane! tawagan ko kaya yung kaibigan naming Psychiatrist para matignan kung anung nangyayari sakin? sa palagay ko ay nababaliw na ako.

Sinikap kong ipikit ang mga mata ko. Mariin na pagpikit pero tulad ng kanina, naalala ko pa rin ang nangyari sa pagitan namin ni Cody.. Hanggang ngayon ay tila ramdam ko pa rin ang yakap nya sakin, maging ang init na hatid ng mga kamay nya sa mga kamay ko. Higit sa lahat ang mga labi nya sa labi ko.

Waaaaaaaahhh!! Erase.. Erase!! bakit ko na naman ba iniisip yun?? Lalo tuloy lumalakas ang kabog ng puso ko! lintek kasi ng Cody na yun! Grabe ang mga Damoves!

Maniwala man kayo or hindi, ilang beses lang naman akong nagpagulong-gulong sa higaan ko.. naka-ilang Bilyon na din ako ng tupa pero hindi ko parin mahuli-huli ang antok ko. Over! Bilyon talaga! Pinagtataka ko lang kasi, Kanina lang sa Sasakyan ng Tukmol na yun ay parang pipikit na ang mga mata ko pero bakit pagdating ngayon nahihirapan na akong matulog?

Ano to lokohan?????

Dahil sa sobrang talented kong mata ay nagpasya na lang akong bumaba ng bahay para kumuha ng gatas, baka sakaling kung mainom ko ang isang litro nun ay makatulog na ako. Medyo nag-aalala pa ako na baka may tao pa sa baba ng bahay, pero bigla ko din naalala na sa ganitong dis-oras ng gabi ay Panigurado wala nang tao ngayon. Sa ganito kasing mga oras ay nasa labas na ang mga security ng OldWatt at nagbabantay. Hindi ko na pinag-aksayahang maghina-hinay sa paglalakad dahil wala ngang tao diba? Hindi ko alam kung ano ang sunod kong natapakan at Blaaaaaaaaaaaaagg!!! dug dug dug dug dug..nagdire-diretso lang ako pababa ng hagdan at hindi ko na alam ang nangyari sa mga sumunod.

*******

"Ma'am Summerrrrrrrrrrrr!"

Halos mabasag ang eardrum ko sa sigaw na yun.. Hinid ko muna idinilat ang mga mata ko dahil paniguradong mahapdi yun dahil madaling araw na ako nakatulog. "Ma'am Gising!...Security Tulong!" Muling sigaw ni Nanay Cela.

Nu ba yan? sarap pang matulog tapos ang nag-iingay pa si Nanay?! Hindi ko nalang inintindi ang sigaw na yun at muli kong ibinalik ang pag-iisip ko sa pagkakatulog.

Pero medyo napansin ko lang na bakit parang ang tigas ng hinihigaan ko ngayon? Feel ko din ang pananakit ng balakang ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at yun na nga, nakahiga pala ako sahig malapit mismo sa hagdan at nakita ko din si Nanay Cela habang nakapatong ang ulo ko sa hita niya. Naalala ko bigla ang nangyari sakin kagabi.

"Blaaaaaaaaaaaaagg!!! dug dug dug dug dug."Ngayon ko nalang ulit naalala ang nangyari sakin kagabi. Sa katangahang Taglay, Gumulong pala ako sa hagdan.

Pagkadating pa lang nila Kuya Bert ay agad naman nila akong tinulungan makatayo at napag-pasyahan nilang dalhin ako sa pinaka-malapit na Clinic dahil sa ininda kong sakit sa likuran ko.

******

"Summerrrrrrr!" Muntik pang matapon ang Juice na pinatimpla ko kay Nanay Cela sa biglaang pagbungad ni Alexis at Dianne sa pintuan ng kwarto ko. Nakalimutan ko pa lang ikwento na kilala pala nila yung isat-isa bago ko pa sila ipagkilala. Dati pala silang magkasama sa isang Club ng School.

Kararating lang namin galing ng Clinic at agad kong tinext si Alexa tungkol sa nangyaring katangahan sakin kagabi. Akala ko nga at tatawanan ako nila, yun pala mas over pa silang makapag-react kesa sa Sigaw ni Nanay Cela kanina.

"Wala ka bang ibang dinaramdam huh? Wala bang masakit sayo?" OA na tanong sakin ni Alexis na halos yugyugin ang mukha ko sa pagkakahawak nya. Parang dito ako matutuluyan sa kanila!

Maaga daw silang nagpunta dito para daw makasama nila ako. Tutal naman daw ay Friday ngayon at alas-10 pa ang start ng first subject.

"OA nito!" Tapik ko sa kamay nya. "OK lang ako."

"Sure kaba Berks? Baka kasi malala yung tama mo.." Pag-aalala ni Dianne.

Mas malala yung Tama ko kagabi kung hindi niyo lang alam! 

"Ok lang talaga ako, Tsaka, konting pasa at konting sugat lang naman, gagaling din ito." Assurance ko sa kanila. Nagkaron kasi ako ng konting putok sa labi ko, nakipag lips to lips ata ako sa mga steps ng hagdan, kaya nagkaron ako nito! May mga pasa naman sa braso ko at konti sa binti ko. 

Matapos kong sabihin yon ay akala ko mapapanatag na sila pero kita ko parin sa expression ng mga mata nila ang tindi ng pag-aalala sakin. Pasalamat talaga ako at naging kaibigan ko sila.

Mga maalalahanin at mapagmahal na mga kaibigan.

 "Berks naman kasi, mag-ingat ka naman.. Alam kong libre ang maging Tanga, pero hindi porket libre ay aaraw-arawin mo na!" Singit ni Dianne. 

Okey! Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.

"Then, Besfie.. Ang hagdan tinatapakan, hindi ginugulungan huh?" Sabad naman ni Alexis.
Concern talaga sila! RAMDAM na RAMDAM ko!! Kitams?? Sabe sa inyo eh!

Marami kaming napag-kwentuhan na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. Oh, well.. parang ganun nadin pala kasi nitong mga nakaraang araw ay na-busy ako kaka-engage sa pag-iisip ko kung ano ang dapat kong gawin sa MD.

Ilang mga bagay din ang napag-usapan namin hanggang sa umabot na nga ang usapan tungkol kay Cody. Dito nabanggit at naikwento ng buo ni Dianne ang tungkol sa namatay na Girlfriend ni Cody.

"Yun talaga ang nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alexa na napatakip pa sa bibig.

Tumango lang si Dianne.

"Nakakaawa nga si pinsan eh, after kasi nung nalaman niya ang trahedyang nangyari sa Girlfriend nya ay ilang linggo siyang puyat at walang saktong pahinga dahil kasama siya sa mga nagse-search and rescue sa mga hindi pa nakikitang katawan."

"Tapos anong nangyari?" Muling tanong ni Alexa na akala mo grabe ang epekto sakaniya.

"Hindi nila nakita kahit ang katawan man lang nito." Malungkot na sagot ni Dianne. "Actually, marami din naman talagang mga katawan ang hindi pa nakita magpasa-hanggang ngayon." Dagdag pa niya.

Narinig ko na ang kwento tungkol dito. Pero hindi ko parin maiwasang hindi masaktan para kay Cody. Hindi ko maiwasang hindi isipin na ganun pala siya kung magmahal. Tagos to the bones!

Kanina ay balak ko sanang sabihin kina Dianne ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Cody dahil pinagkakatiwalaan ko sila. Pero parang naudlot iyon dahil sa kwentuhan naming ito. Medyo nagdadalawang isip pa nga ako, pero ok na din na hindi ko muna banggitin sa kanila ang tungkol dun. Palagay ko kasi ay kailangan ko pa ng konti pang panahon para i-explain sa kanila ang lahat.

Matapos ang pagbisita nung dalawa nagpaalam na sila. Masakit pa din yung mga pasa ko at alam kong kailangan ko ng pahinga, pero bigla akong nakaramdam ng boredom nung umalis na sina Dianne. Inilapat ko nalang ang likod ko sa higaan at muling inalala ang kwento ni Dianne kanina. Kahit ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala na kayang gawin yon ng tukmol na yun!

"Gusto kong maging selfish.. Gustong Gusto ko.. Gusto kitang ipagdamot... Gusto kong ako lang ang hahawak ng mga kamay mo.. Gusto kong ako lang makakarinig ng ingay mo. Gusto kong ako lang ang aawayin mo.. at higit sa lahat.." Muli syang nagbaba ng tingin sa labi ko. "Gusto kong ako lang ang nakakapag-pasaya sayo.. Ako lang Summer.. Ako lang."

Waaaaaahh! Naalala ko na naman!!
Bakit ba hindi ko matanggal yun sa isipan ko? Nakakainis!

[ Cody ]

Wala akong tulog kahit idlip man lang.. Ewan ko ba at hindi ko nahagilap ang antok ko kagabi kaya ngayon ito, para tuloy akong HIGH dahil sa puyat. Kasalanan na naman ng babaeng yun! -ay! teka nga, kasalanan ko din pala.. Magdamag kasing siya ang laman ng isip ko.. Hindi ko nga alam kung anong meron sa babaeng yon at naging ganito kalakas ang tama ko sa kanya! Hindi naman sya gaanong kagandahan at lalong hindi sya Sexy tulad ng mga humahabol sakin. Napaka-daldal at sobrang ingay pa niya. Alam niyo ba sa sobrang ka-adikan ko sa kanya ay ginawa kong alarm clock ang boses nya? hehehe.. wag kayong maingay.. sikretong malupit lang natin to!

Dahil nga sa wala akong tulog, matapos sumikat ang araw ay nagpasya na akong maligo. Ayoko pa sanang mag-toothbrush kasi feel ko pa yung lips ni Summer dun.. hihihi.. Oo na! nagiging bakla na naman ako, pero masisisi niyo ba ako? kayo kayang kiligin?

Excited akong pumasok dahil alam kong makikita ko sya ngayon. Naalala kong kailangan ko pa palang maghintay ngayon ng medyo matagal pa kasi late na magsisimula ang first subject namin. Nakaramdam tuloy ako ng konting disappointment. Hindi naman nagtagal ay nakita ko namang dumating si Alexa, yung isa pa nyang maingay na kaibigan kabuntot naman nun ay si Dianne na sa pagkakaalala ko ay nagpalipat dito sa klase namin dahil kay Summer.. Kitams? madami nang naapektuhan yung babaeng yun?

maya-maya pa...

"Anoooooo?"

Bigla kong lingon sa likuran ko ng marinig ko si Clint. Sabay naman nagsitayuan ang mga kaklase namin at pinalibutan nila si Alexa na para bang kakainin.

Ano na naman kayang problema nila at nag-umpukan sila?

Haaayy.. Siguro away na naman yan, nakakatamad nang makipag away.. Mas magandang hayaan ko nalang sila. Tutal hindi naman ako chismoso para mag-usisa sa mga ganyang bagay. Itinaas ko ang paa ko sa unahang upuan at relax ko namang inilagay ang dalawa kong kamay sa batok ko.

"Anong nangyari kay Pillow?" Rinig ko mula dito ang pag-aalala sa boses ni Clint. Halos magpantig ang tenga ko matapos kong marinig ang pangalan ng pangit na yun.

"What happened to her?" Dinig ko ang britonong boses na yun at alam kong si Grey yun. Kanina lang ay nasa harapan sya, ang dali naman nyang nakarating dun? Gusto ko mang lumapit pero nandun si Grey at baka magtalo na naman kami. Hindi sa iniiwasan ko sya. Wala lang ako sa mood para makipag away sa kanya dahil abala ang pag-iisip ko kay Summer at kung anung nangyari sa kanya.

"Ha?" naka-ngangang harap ni Alexa sa kanya na halatang gulat sa biglaan nitong pagsulpot sa harapan nya.

"Alexa, answer me! What happened to her??" buong pag-aalalang tanong ni Clint.

"Ano kasi.. Kuan kasi Clint.." -Alexa.

"Ano ba talaga kasi Alexa?" iritang singit ni Dash. "Mamili ka, magsasalita ka or Magsasalita ka?"  nakita ko pang niyugyog ni Dash ang balikat ni Alexa.

Binatukan naman ni Lee si Dash sa ginawa nito..

"Now talk Alexa!" Matigas na utos ni Grey.

"Ganito kasi yun.. Si Besfie Summer kasi, nahulog sa hagdan last night."

"NAHULOG SA HAGDAN????" sabay-sabay nilang react.

"Teka- paanong nahulog sa hagdan?" si Lee

"Malamang Lee, Baka nilipad nya yung hagdan kaya sya nahulog!" Sarcastic na baling ni Dash.

"Bakit daw sya nahulog?" Si Clint na halata ang seriousness sa pagtatanong.

"Ewan ko. hindi daw siya makatulog kagabi eh, kaya ayun! naisipan niyang bumaba tapos yun na nga, Nadulas sya.." sagot naman ni Alexa.

"Nadulas? Sigurado kaba?" Si Dash

"Ay Hindi.. Baka kasi Ginapang nya yung hagdan kagabi kaya sa nagkaganun! (Sarcastic inserted)  -syempre naman Sigurado ako!" Iritang sagot ni Alexa

Madami pang nagtanong pero hindi ko na yun inintindi, ang importante ay nalaman ko kung bakit.

"Tanga talaga kahit kailan." bulong ko sa sarili ko saka ko tumayo at umalis.

[ Summer ]

Dahil bored ako sa bahay at malayo pa naman ang time ng klase ay napag-pasyahan ko nalang na pumasok dahil ilang araw na din akong absent, although wala namang matinong klase pero bawas padin yun sa good record ko. Bilang pinuno nila ay dapat magpakita ako ng magandang halimbawa sa kanila. Ayaw sana ni Nanay Cela na papasukin pa ako dahil dito sa mga pasa ko pero kalaunan ay wala din silang nagawa. After kong maligo at makapag-bihis ay nagpahatid nalang ako kina kuya Bert.

Malapit na sana ako sa building namin ng mahagip ng mata ko ang isang nakaparadang sasakyan na sa tingin ko aay kilala ko ang may ari. Nilapitan ko iyon at hindi nga ako nagkamali at kilala ko nga!

"Kamusta kana iha?" Tanong ni Mr. Brazero. Tama nga ang hinala ko na sa kanya nga yung sasakyan na nakita ko kanina.

"Okey lang po ako." Sagot ko. Nasa loob kami ng Limousine niya at kasalukuyang nagju-juice.

"Seems you're not. Napano yang mga pasa mo?" buong pag-aalala nyang tanong sakin habang tinitignan ang mga pasa ko.

"Naku! Wala ho ito. Dala ng pagiging talented ko." Tatawa-tawa kong sagot.

"Huh? Bakit nag-gi-Gymnast kaba?" kunot noo nyang tanong.

"Ha? ha, eh.. naku! hindi po.. Telented po.. sa sobrang katangahan.." kamot-ulo kong sagot sa kanya.

Humeyged! Inuutos ko, LUPA, bumuka kana at kainin mo na ako ng buo! 

Gusto ko na sanang ibaon ng buhay ang sarili ko sa pagkapahiya ng marinig ko ang mga malulutong na tawa ni Mr. Brazero.

Tumatawa siya?

Smart side ko: Malamang Summer! Haha nga diba? Tanga lang?

Okey maliwanag na sakin ang tumatawa nga sya, pero nabigla ako sa tawa niyang iyon. Pakiramdam ko isa iyong musika sa tenga ko. Matapos syang tumawa ay maluha-luha nya akong tinignan.

"hahahaha! you're such a Funny young lady.. Mana ka talaga sa-" hindi na naituloy ni Mr. Brazero ang kung anu mang sasabihin nya nang mapansin nya ata ang lito kong pagkakatitig sa kanya matapos ang mga huli nyang sinabi. Napansin kong nagbawi agad siya ng tingin.

"Mana? Sino ho? Ako po? Kanino po?" sunod-sunod kong tanong.

Bago pa man magsalita si Mr. Brazero ay kumuha muna ito ng tubig bago muling nagsalita. Kita ko mula sa glid ng noo nya ang gamunggo nyang mga pawis.

Ano kayang nangyayari sa kanya?

"Ha? Mana?" Saka ito muling tumingin sa labas ng sasakyan saka muling tumingin sakin. "Ay, Oo tama! Mana ka talaga sa kuya mo."

"Magkakilala po kayo ni Kuya?" mangha kong tanong.

"Yes, Iha.. Actually, nagkakilala kami sa isang business Conference ng kuya mo a year ago if im not mistaken." Pagpapaliwanag niya.

Naliwanagan na ako. Actually, tama naman siya.. Joker nga talaga si Kuya. Hindi man pinapakita ni kuya yung pagiging Joker nya sa harap ng mga tao nya pero pag kami lang dalawa ay sya ang nagiging Clown ko. Ang kaisa-isang taong kayang pasayahin ko. Ang kayang magpalabas ng mga ngiti ko.

Matapos ang ilang sandaling kwentuhan ay nagpaalam na ako kay Mr. Brazero. Ganun din siya. Meron daw kasi siyang meeting na pupuntahan.

After ng kwentuhan namin ni Mr. Brazero ay parang nagkaron ako ng isang Barkada at the same time ay isang Ama. Siguro nga at ikalawang beses pa lang namin itong pag-uusap pero hindi ko naman mapagkakailang magaan ang loob ko sa kanya. Hindi katulad ng pamangkin nyang Sobrang sama ng ugali!

Speaking of Sama ng Ugali, Nakakainis talaga yung taong yon! akala mo kung sinong Gwapo!Bulong ko habang sinisipa-sipa yung isang bato habang naglalakad ako.

Bwiset! kung hindi nya pina-andar yung mga Damoves nya sakin kagabi edi sana nakatulog ako at hindi sana ako gumulong sa walangyang hagdan na iyon at hindi yung puro pasa ako ngayon! Parang baliw tuloy akong naglalakad habang sinisipa-sipa yung maliit na bato. Kita ko ang mga mapanghusgang mga mata ng mga ka-schoolmates ko. Tingin na siguro nila sa akin ay isang baliw. Sabagay, Anu naman sakin? Hindi na iba sakin kung anu man ang iisipin nila. nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Di kalayuan...

"Hindi pa ito ang tamang oras.."

" Alam ko.. pero masisisi mo ba ako?" Sabay tingin kay Summer sa di kalayuan.

"Darating din tayo dyan.. konting panahon pa."

"Alam ko, gusto kong maging handa once na dumating ang araw na yun para sa kanya."

"May tamang oras para sa tamang bagay. Maghintay pa tayo.." Sabay sara ng bintana ng kotse. "Sa ngayon, hayaan muna natin sya.." dagdag nito.

itutuloy...

#halu mga prends! alam ko pong masyadong matagal ang UD.. kaya naman medyo hinabaan ko ng konti.. pasensya na po kung may mga grammatical errors. alam kong huli na pero Merry Xmas po sa  inyo! ito sana yung magiging Xmas gift ko sa inyo kaso that time hindi pa sya talaga tapos..

BDW, i want to dedicate this Chappy for DisEnchanted_Angel na sinorpresa ako ng Black Butterfly nyang drawing as my Xmas gift from her.. Thank you Allysa!!

Again, Merry Christmas and Happy New Year!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top