Chapter19

Halos Dumagundong and buong sistema ko ng unti-unti ang ginawa niyang paglapit sa kinaroroonan namin.

Gagong yon! anung kahangalan ang ginagawa niya?

"Ma'am wag po kayong bababa, takpan niyo lang po yung tenga nyo kung may mangyari man." Paalala sakin ni kuya Popeye na sinimulang hugutin mula sa ilalim ng kinauupuan nya ang isang high-caliber na machine gun. Nakita ko din ang unti-unting paglabas ng mga tauhan ng MD sa kani-kanilang mga sasakyan at pinalibutan kami nito bilang harang.

"Teka Kuya-" sabay bukas ko ng pinto pero pinigilan ako ni kuya Bert.

"Ma'am, hindi po kayo pwedeng lumabas." sabi ni kuya bert na muling sinara yung pinto.

"Pero kuya-"

"Ma'am, makinig naman po kayo sakin. Mapapatay po kaming lahat ni Boss Gayle pag may nangyari sa inyong masama."

"Kuya Kasi yung-"

"Ma'am please ho.. para din po ito sa inyo.."

Hindi na ako muling nakapagsalita ng makita ko ang unti-unting paglapit ng mga bodyguards sa lalaking bahagyang nakataas ng kamay sa ere habang nakatutok naman ang mga naglalakihang baril sa direksyon nya..

"Kuya, please.. kailangan ko po talagang lumabas, yung lalaki kasi na yon ay-"

"Ma'am, alam kong hindi nyo pa alam ang dapat gawin sa mga sitwasyong ganito pero nakikiusap po ako ng makinig naman po kayo samin." Halos pagmamakaaawa ni kuya Bert. kita ko naman ang sinseridad sa mukha nya na gusto lang nya akong protektahan pero, hindi na importante ang kaligtasan ko nagyon dahil hindi naman threat sa buhay ko ang taong nasa labas at kasalukuyang tinututukan ng baril.

Sh*t! ano bang gagawin ko????

[ Cody ]

Hindi mahirap ang paghahanap sa sasakyan ng babaeng yon dahil di lang kalayuan ay may mga itim din na sasakyan ang nauuna dito.

 Pinaharurot ko na ang sasakyan at wala akong planong umatras sa gagawin ko. Medyo delikado ang naisip ko dahil isang maling hakbang ko lang ay alam kong hindi sila magdadalawang isip na paputukan ako. Pero, tulad ng sinabi ko, Wala akong pakialam!

Ilang sandali pa ay lumiko sila sa isang street at sakto din na alam ko ang pasikot-sikot dun kaya naman ay umikot ako para naman maabangan ko sila unahan. Actually, hindi ko nga alam kung Nasa ensaktong pag-iisip pa ako dahil dito sa ginagawa ko. Ang tangi ko lang alam ay, hindi ko dapat hinayaang umalis nalang ng ganun si Summer.

Hindi naman ako nabigo dahil nauna akong nakarating sa sinasakyan nila, nung tila malapit na sila ay dun ko naman saktong hinarang ang sasakyan ko at ipinarada iyon sa mismong daraanan nila. Sa totoo lang, medyo nanginginig na ako sa takot pero hindi ako pwedeng maging OA ngayon. MD ang hinarang ko at mismo sa sarili ko ay alam ko kung ano ang kaya nilang gawin sakin. Walang patawad at walang sini-sino ang MD lalo na kung kaligtasan at kapakanan ng namumuno sa kanila ang pinag-uusapan.

Unti-unti ang ginawa kong paglabas ng kotse dahil ayokong maisip nila na may masama akong balak para sa amo nila. Unti-unti din ang ginawa kong paglapit pero nahinto ang mga paa ko sa paglalakad ng magsimulang magsilabasan ang mga bodyguard na may malalaking katawan, PATAY. Parang gusto ko atang pagsisihan ang kagaguhan ko ngayon!  Kita ko mula sa mga tagiliran nila ang mga naglalakihang mga baril. PATAY na talaga!

 Gustuhin ko mang umatras pero hindi na pwede. Then, ito naman talaga ang plano ko diba?

 Parang gusto kong tumakbo pabalik ng kotse ng itututok na nila sa direksyon ko ang mga baril nila na anytime ay pwedeng tumadtad sa sasakyan kong mamahalin at sa katawan kong habulin! (Hala, Sige React!)

DEDSSSSS! Wala na talaga akong ligtas..Hindi naman ako talaga takot tulad ng iniisip niyo.. Oo at may mga nakakaaway ako at sanay ako sa rambol pero iba to! MUGE-DAI na ang piang-uusapan dito at hindi sila mag-aatubiling bawian ka ang buhay once na malaman nila na may dala kang panganib sa Amo nila.

-

-

-

-

-

"Please wag kayong magpapaputok!"

Halos hindi ko na namalayan ang nangyayari dahil sa kung anu-anung pumpasok sa isip ko. The next thing i knew is nasa harapan kona si.....

"Teka- Summer???" panlalaki ng mata kong tanong.

"Teka, anong- ARAY!" Hindi ko na natapos ang kung anu mang sasabihin ko ng bigla nyang ipukpok sa ulo ko ang suot niyang rubber shoes.

"What the hell was that for??" Galit ko syang binalingan.

"Wag mokong mawa-what-the-hell What-the-hell dyan! sapakin kita eh!" sabi nya sabay amba pa ng isa pa nyang sapatos.

"Ano ba? Masakit yan ah?!" patuloy kong pagrereklamo sabay dinadama ang bahagi ng tinamaan.

"Kasalanan mong hinayupak ka! Gusto mo na bang magpakamatay? hala! sabihin mo lang at ako pa mismo maghahatid sau sa sementeryo!" Patuloy padin sya sa panenermon.

"Ofcourse not! Why would i do such thing? sayang ang lahi ko!" Sigaw ko naman.

"At nakuha mo pa talagang magbiro haaa!" Binato na naman nya sakin yung kabila nyang sapatos na kanina pa nya ina-amba sakin at tinamaan naman ako mismong ulo ko.

"Summer, alam mo bang masakit yan???" -ako

"Malamang! Kaya ko nga binato sayo kasi alam kong masakit! kung hindi kapa nasasaktan, pwes! wag kang mag-alala next time tubo na ipupukpok ko sayo para magtanda ka!" Hinampas na naman nya ako.

"Ano ba kasing kasalanan ko sayo at galit na galit ka dyan?" Kita kong natigilan sya, maya maya pa ay kinuha nya mula sa di kalayuan ang sapatos nya na ibinato sakin at muli nya itong inihagis sakin at ako? SAPUL ULIT!

"Nagtanong kapa! Naisip mo ba kung anung kagaguhan ang pumasok dyan sa kukote mo at bigla mong hinarang ang mga MD? Tsaka ano bang gusto mo? May kailangan kaba? Anoooo?" Paninigaw na naman nya. Nakakairita na talaga sya, Swear! Kung alam lang nya kung gaano kadelikado yung ginawa ko! Duh! Aminado akong wala na nga ako sa ensaktong pag-iisip dahil kung meron man ay hindi ko maiisip ang ganitong bagay.

"I Risk this life because i want to apologize!" Pasigaw ko ulit na sinabi. Nakita kong Tila umamo ang naging reaskyon ng mga mata nya na nakatingin sakin.

"Ano? To Apologize?" Mahinahon nyang tanong.

"Oo." Mahinahon nadin ang boses ko.

maya-maya pa..

"Araaaaay! Ano na naman ba yon?Naka-ilan kana ahh?!" Reklamo ko ng isang pukpok pa sa ulo ang natanggap ko mula sa sapatos nyang medyo maalikabok pa.

"Yaaan! Yan ang bagay sayo! Magso-sorry? pwede ka namang tumawag or pwede namang ipagpa-bukas mo nalang!" Panduduro nya sakin ng Sapatos nya. Sabagay tama naman sya, pero wala akong idea kung bakit ko biglang naisip na mag-sorry ngayon.

"Hindi ako mapakali kanina dahil alam kong galit ka at nabigla ka sa nangyari! Nag-alala lang ako. Masama ba yon?" Doon ay naging kwestyonable na naman yung mukha niya. Sh*t kasi! Ano na naman bang sinabi ko at nalukot na naman yung mukha ng babaeng to?!

"Baliw ka talaga kahit kailan!" Ilang sandali pa ay umikot siya sa sasakyan ko at tinungo ang pintuan ng Driver's seat at pumasok doon. "Sakay!" she ordered.

Naiwan akong nakatanga. Ano bang plano nyang gawin?

"Ha? Ano bang ginagawa mo?" pagtataka kong tanong.

"Wala ng maraming dada! Sakay!"

Tila isang batas ang naging Instruction ni Summer at mismo ang mga paa ko ang kusang kumilos at tinungo ang kabilang bahagi ng sasakyan.

"Sigurado kaba?" Pangungwestyon ko ulit.

"Alam mo, for the first time Cody, Pwede bang tumahimik ka muna?" Naiirita nyang sabi. Ako naman ay tila batang napagalitan at nanahimik sa sulok. Ilang sandali pa ay binuksan nya ang windshield sabay dial ng isang numero na pakiramdam ko ay Cellphone number ng isa sa mga tauhan nya at hindi nga ako nagkamali.

"Kuya Alan... Yes.. Im safe dont worry... Opo.. Kilala ko po.. Hindi na po kailangan sumunod ang MD... Harmless naman po siya, hindi nangangagat." Sabi nyang nilingon ako.

Nak ng! Harmless talaga ako!

Then she ended the call at hinagis sakin yung phone na pasalamat ako na nasalo ko iyon. She started the engine at halos mapakapit ako sa kinauupuan ko dahil sa biglang pag-harurot nito.

"Marunong kaba talagang magmaneho?" mas humigpit ang pagkapit ko sa upuan ko at kinuha dali-dali ang seatblelt.

"yeah." sagot nyang hindi parin inaalis ang tingin sa daan.

"sigurado ka?" gamunggo na ang mga pawis ko dahil hindi ko talaga alam kung marunong talaga siyang magmaneho dahil parang hindi pa sya sigurado kung ano ang tatapakan at san ipipihit ang kambyo.

"Hindi." kalamado nyang sagot.

"HINDI??? anak ng- nahihibang kana ba?" -ako

"Drive test lang to! hehe, ayos ba?" matapos ang nakakaloko syang ngumiti.

Jusmiyo! itong babaeng ata to ang papatay sakin.

"Stop the car!" my voice broked dahil sa nerbyos. Ang bilis nyang magpatakbo tapos sasabihin nyang hindi pa sya bihasa?

"haha! afraid of speed?" tatawa nyang tanong sakin.

"hindi ako takot sa speed! takot ako sa pagmamaneho mo! ayaw ko pa mamatay! so, stop the car, will you?" bulyaw ko.

Para tuloy akong nabunutan ng walong milyong karayom sa dibdib ng sa wakas ay itinabi nya ang sasakyan.

"kelan kapa natutong mag-drive ha?" kunot noo kong tanong habang nagpupunas ng pawis na namutiktik sa noo ko. I find the cuteness on her lalo na nang inilagay niya yung point finger nya sa ilalim ng lower lip niya at nag-isip.

"hmm.. kahapon lang." sabay ngiti.

"KAHAPON? talaga ngang baliw kana!" baling ko sa kanya.

"Bakit ba? okay naman ang pagda-drive ko ahh? hindi naman tayo nabunggo! OA nito!" pagngunguso nya.

"Hindi ko na iintayin na mabunggo pa tayo dahil ako na ang magmamaneho!  -tabi!" mabilis ko syang nakabig papunta sa pwesto ko at ako naman ang pumalit sa pwesto nya.

"Hindi kana magda-drive!" I added.

"Ha? at sino naman nagsabi sayong hindi?" kunot noo nyang tanong. Tigas talaga ng ulo!

"Ako ang nagsasabi at hindi ka magda-drive not unless wala ako!" hindi ko na sya hinayaang makapagsalita at pinaandar ko na ang sasakyan.

*****

Tahimik lang sya sa byahe hanggang sa ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Im sorry about what happened earlier." kunot noo nya akong binalingan.

"ha?" -siya

"binge?" jusko! ikaw nga naman may makasamang ganitong klaseng babae! mababaliw ka talaga!

"I said, Im sorry." pag-uulit ko.

"aahh.. okey." -siya

"Okey? yun lang sasabihin mo?"

Hindi ko alam kung anu na namang salita ang pinakawalan ko dahil mala-demonyita na naman nya akong tinignan.

"At bakit? anong gusto mong sabihin ko? magpasalamat ako sa pagbali nyo ng braso ko? magpapasalamat pa ako dahil ginulo nyo yung araw ko? kailangan talaga? kung ganun, hala! SALAMAT huh?!"   bumalik na naman yung pagtaas ng boses nya. Naiirita ako everytime na naririnig ko yung boses nya pero aminado akong kulang ang araw ko kung hindi nya ako nabubwisit.. siguro ginawa ko nang vitamins sa tenga ko ang kaingayan nya na kung ihahambing pa sa sakit ay parang wala nang lunas!

Dahil sa kaingayan nya, nabubulabog ang buong pagkatao ko!

Dahil sa kaingayan nya, nasasanay akong laging nakikita sya!

Dahil sa kaingayan nya, hinahanap-hanap ko sya.

Dahil sa kaingayan nya, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya at letse sya dahil wala akong mahagilap ng rason kung bakit hindi ko to dapat maramdaman!

"Alam mo kung may away man kayo ni Grey, sana ayusin nyo." Bigla nalang naging kalmado ang boses nya at seryoso akong tinignan. Sh*t! ang cute nya pag ganitong kalmado. Pero any moment alam kong magtataray na naman to! Mas sanay akong nagtataray siya kesa sa ganitong kalmado. Kinikilabutan ako lalo na pag ganito sya.

"Never na kaming magkaka-ayos ni Grey. Hayaan mo na lang." malamig kong sagot. Sa totoo lang, ayokong malaman nya. Tutal, hindi naman sya kasali dun.

"Alam mo, Wala akong pakialam kung anong pinag-awayan nyo or kung anu pa man ang puno't dulo nun.. sakin lang naman Cody, hindi magandang pinatatagal ang away. Mas matagal, mas mahirap ayusin." and now she's preaching, pero tama siya sa point na yun.

"So, ibig sabihin.. mahirap na ayusin ang samin ni Grey?" makahulugan ko syang sinulyapan.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka nyang tanong.

I smiled. "nevermind Sweety.."  

[ Summer ]

What did he just call me? SWEETY? kailangan pa akong naging matamis? bitter kaya ako!

Pero, medyo tumalon ang puso ko dun ah.. Is that an Endearment? Mygaaaaaaaaaad!

Bakit nya akong tinawag na sweety? Bakeeeeeeet??

Ooops! teka, Summer, OA kana masyado..

Hindi naman sa walang tumatawag sakin ng ganun pero, capital W-O-W! talaga kasi narinig ko yon mula sa isang CODY SEBASTIAN na kilala sa pagiging bitter. 1000x ang pagiging bitter kesa sakin.

Hindi na ako nangulit tungkol sa pinag-uusapan namin about sa sigalot between Grey and him. Gusto ko mang malaman pero alam kong personal na buhay nila yun at ayoko namang mag-butt-in sa isyu nila. Kahit ako pa ang namumuno sa kanila ay hindi naman ibig sabihin na may karapatan na akong panghimasukan ang mga personal nilang mga buhay.

They need respect like Everyone should have. Respeto sa isat-isa dahil isa kaming Pamilya sa Mugen-Dai at gusto kong sakin iyon magsisimula. Kailangan dahil ako ang pinuno nila. Kailangan dahil yon ang pilosopiya ng MUGEN-DAI. Ang pilosopiya ng Pinuno ay pilospiya ng MUGEN-DAI, may sariling batas ang MD pero ito na siguro ang tamang pagkakataon para naman magbago ang kung anu mang pinaniniwalaan nilang tama sa mahabang panahon.

RESPECT. LISTEN. CONTROL.

Yun ang batas ko!

*****

Matapos ang ilang minutong  pagda-drive ay huminto kami sa isang eskina at dali-dali siyang lumabas at ilang sandali lang ay bumalik na ito na may dalang pagkain.

"Here.." inabot nya sakin ang isang pack ng soft shelled taco at bottled water.

"Thanks!" Naalala kong Pangalawang beses na nangyari na kumain kami sa loob ng kotse nya.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo, kaya yan nalang favorite ko ang binili ko." He smiled.

Crap! bakit gumagwapo sya sa paningin ko??? nimals!

"You eat Mexican food?"

He Nodded Habang ngumunguya. Hindi ko namalayang kumakain na pala siya. Punong puno yung bibig nya ng pagkain,  malayo sa Cody Sebastian na perpekto sa mata ng ibang tao. Salahula din pala ang isang to!

"Nakakadiri ka! wala kang table manner!" pagsaway ko,

He raises his eyebrow. "Baket? May lamesa ba? Alam mo, kumain ka nalang dyan! ang dami mo pang sinasabi eh!"

Hindi naman talaga ako nadidiri. Expression lang yun, sa totoo lang kasi, natutuwa ako habang tinititigan ko siya. Sarap na sarap sya sa pagkain ng taco.

Imbes naagreklamo ay sinabayan ko nalang sya kumain.

Aminin ko man or hindi pero, Habang nagtatagal ay nagiging komportable ako sa presensya nya kahit walang oras na hindi kami nag-aaway. Kahit ilang beses na kaming nagtalo ay hindi ko mapagkakailang nag-e-enjoy ako na kasama siya. Nag-e-enjoy ako na inaaway siya at tinatarayan siya.

Im hoping lang na hindi magbago kung anu man ang meron kami ngayon.

Sana lang..

matapos kumain ay nagpasya kaming magtungo sa isang sanctuary na malapit lang daw dito para makapaglakad-lakad. Siya na din ang nagpasyang mag-drive dahil baka daw hindi ko na sya buhayin pag nagkataon.

*****

Malaki ang sanctuary at kung sa magka-relasyon pa, ito ang pinaka-romantic na lugar para mag-date.. sa kaso namin ni Cody? hindi siya date.

Nagpasya kaming maupo sa isang bench na nadaanan lang namin.. Masarap sanang kumain habang nakaupo kaso nga lang ay pina-alalahanan ako ni Cody na bawal pala ang magdala ng pagkain sa loob. Buti na lang pala at nakakain na kami kanina.

Kung anu-ano na ang napagku-kwentuhan namin hanggang sa umabot kami tungkol sa isyu nila ni Grey. Hindi ko sukat akalain na ganun na pala katagal ang problema nilang dalawa. Nag-isip pa naman ako kung paano ko paplanuhin na magka-ayos sila, yun naman pala ay hindi basta-basta ang away na namamagitan sa kanilang dalawa. Ganun pa man ay gusto ko pa rin subukan. Wala namang mawawala.

"Kaya nga pagpasenyahan mo na yung nangyari kanina.. Alam kong naguluhan ka nung time na yun. Im Sorry.." Seryoso nyang sabi habang nakayuko.

WHOAH! Si Cody Sebastian ba talaga tong kausap ko?? talaga bang narinig ko mula sa kanya yung salitang 'SORRY?'

"Actually, Dalawang beses nang nangyari yun.." Sagot ko ng bigla kong maalala yung unang away nila na nangyari sa MDU, yung araw na ipakilala ako ni Kuya Gayle sa kanila.

"Huh..Ay,Oo nga pala! Pasensya kana din dun." -siya

Pinagmasdan ko lang sya ng mabuti. Nakakapanibago talaga! Ano kayang nangyayari sa kanya?

Napatakip ako sa bibig ko ng wala sa oras ng maisip kong Hindi kaya namaligno si Cody kaya medyo na-feel ko na bumait sya? Pero imposible! Tinitigan kong maigi ang mga mata nya, Hindi naman syang mukhang nasapian ng engkanto at kung anu-ano pang elemento! Isa pa, hindi na nya kailangan sapian kasi siya mismo Lamanlupa na! Nang hindi na ako nakatiis, ay agad kong kinapa ang noo nya pati ang leeg nya at sabay nun ang pagdama ko din sa sarili kong temperatura.

"Huy, Ano bang ginagawa mo?" buong pagtataka nyang tanong sakin sabay ng pagtapik  nya sa kamay ko.

"Dinadama ko lang yung katawan mo!" sagot ko. Hindi ko alam kung anu na naman ang nasabi ko dahil bigla-bigla lang ay may sumilay na mapaglarong ngiti sa mga labi nya.

"What did you say?? Dinadama mo... yung katawan ko?? Seryoso??" kita ko ang panunukso sa mga mapupungay nyang mata.

Leche! Huli na nang ma-realize ko na Green minded pala tong kasama ko! natampal ko nalang yung noo ko sa padalos-dalos kong pagsasalita, Baka isipin pa ng mokong nato na may pagnanasa ako sa kanya!

OH, Well.. CODY SEBASTIAN? not bad.  Pero teka nga! Bakit ba napunta sakin ang usapan! Nililito niyo ko eh! Geh! Balik tayo sa realidad.

Pero kahit na!

Tulad ng napag-usapan, naglalakad-lakad nga kami sa loob ng sanctuary matapos ang pag-uusap namin.. Maganda nga ang loob nito tulad ng inaasahan dahil sa mala-paraisong design. Madalas akong napapadaan dito at minsan ko na din napagplanuhan na pumasok pero palaging nauudlot dahil sa twing papasok ako ay may palaging nauuna sakin na magka-partner..

Hashtag AWKWARD Diba? Kaya pag ganun, umaatras ung buntot ko sa pag-pasok, atleast ngayon.. may kasama na ako. Thanks sa gwapong bakulaw!

Oo, aminado nakong Gwapo nga sya!

Meseye ne teh?

"Bakit ba minsan ang sungit mo sakin? -ay, Hindi pala palagi pala!" Bigla kong pagtatanong sa kanya habang naglalakad.

Humarang sya dinadaanan ko at itinuro ang sarili nya. "AKO? masungit palagi? Hindi kaya! Hindi mo lang ako naiintindihan"

"At Ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi? Eh, sa sungit mo daig mo pa ang pusang may regla eh!" -ako

Sandali syang nag-isip then humarap ulit sakin.

"Masungit ba talaga ako?" Pagngunguso nya.

Golly, kung hindi lang nakakahiya ay kanina ko pa pinisil yung pisngi nya sa panggigigil. Ang cute nya talaga tignan!

"Oo!" Pagpipigil ng ngiti kong sagot sa kanya.

Crap! Pigilan nyo ko! Pigilan nyo ko daliiiii! Kinikilig talaga ako!!!

"Alam mo Sum, hindi naman talaga ako masungit.. may mga pagkakataon lang talaga na napagti-tripan kita!" Sabay hagalpak nya ng tawa.

LECHENG TO! Lakas ng trip ah!

"Walangya kaaaaaa!" Sabay hampas ko sa braso nya na patuloy padin sa pagtawa.

"Joke lang uy! Pero honestly.. ang sarap mo kasi galitin." Nilingon ko sya at wala naman akong nakikitang pagbibiro sa mukha nya.

"Grabe! Ang galing ng mo talagang mantrip! Yung tipong nakakasira ng araw!" Ganti ko.

Humarap sya sakin nang nakangiti. "Its not what you think Sum, sa totoo lang kasi.. ANG CUTE MO MAGALIT!"
-
-
-
-
Ako: NGA-NGA!

Anu daw?
ako daw? Cute?
Narinig ko ba talaga yun?
Letseng park nato! May maligno siguro dito at kung anu-anu nang lumalabas sa bibig nitong bakulaw nato!

I looked at him at tinitigan. Hoping na nanggu-goodtime na naman sya.
Pero hindi eehh.. seryoso padin yung mga mata nyang nakatingin sakin.

"I dont know kung bakit palaging ang hanap ko yung kaingayan mo.. Yung pakiramdam na hindi buo ang araw ko pag-hindi ko naririnig yung boses mo.."

Ako: NGA-NGA ulit.

"A-ano bang pinagsasabi mo?" Nalilito kong tanong. Sa totoo lang, nagsimula nang pagpawisan ako ng malamig at sobra-sobra na yung pagkabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kong gusto ko ba talagang marinig yung sagot na yon sa tanong ko. Pero something tell me na wala namang masama or wala namang mawawala kung susubukan kong malaman.

Then, ang sunod na nangyari ang hindi ko iinaasahan.

Parang biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ng maramdaman ko ang paglapit nya sakin at ikulong sa  mga palad nya ang mukha ko at ipagdikit ang mga noo namin.
Sa sobrang lapit ng mga mukha namin at amoy na amoy ko ang bango nya maging ang mentholated nyang hininga.

Peste! Hihimatayin ata ako sa kaba!

"I want you to know me more, SUMMER AKIYAMA. Give me a second chance para mabago ko ang pagkakakilala mo sakin." he said in a husky voice.

Sh*t!  Baka di na ako makapag-pigil at hahalikan ko na to! pigilan nyo sabe akoooooo!

Hindi ko na alam ang gusto ko ngayon!
Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko ngayon?!
Hindi ko alam!

Wala akong ideya kung san ako pupulot ng mga salita para ma-describe kung ano ang nararamdaman ko..
Gusto kong maniwala sa bagay na kaya nya ginagawa to dahil sa nasasakupan ko sila at ako ang pinuno nila.

Pero, anu paman ang dahilan ay hindi na importante  dahil isa lang ang tanging alam ko..

Masaya ang puso ko sa oras nato..







itutuloy...

Otorsnowt:

Uy! Salamat po sa mga nakaintindi sa katagalan ng UD.. masyado lang po talaga akong busy.. pero diba nangako naman ako na as soon as malibre ako ay mag-UD agad ako, so eto na.. salamat din po pala sa mga hindi nang-iiwan at patuloy na sumusuporta sa STGL.. appreciate much po talaga!

-kaikai

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top