Chapter18
[ SUMMER ]
Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin or dapat bang magalit ako sa nangyayari. Kasalukuyan lang naman nilang binabali ang braso ko at kasalukuyan pa din akong lutang sa ginagawa nila.
Nakahawak sa magkabila kong kamay ang dalawang lalaking anytime ay tila sasabog na sa galit at hindi ko alam kung bakit.
Patuloy pa din sila sa pagpapalitan ng salita at hindi ko alam ang gagawin kahit ang awatin sila ay hindi ko man lang magawa, parang walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa bilis ng nangyayari.
NA-TRAFFIC ANG WORDS, PERO ON THE WAY NA! LALABAS DIN SILA SA ESKINITA NG LALAMUNAN KO! PRAMIIIIIS!!
Wala! Lutang talaga ako!
Naglalakad lang ako, then the next thing happened is this,
Jusko! paano ko sila aawatin? Never akong napapasubo sa away kaya naman Zero knowledge ako pagdating sa ganito!
Nung nakita ko si Grey ay hindi naman ako nagulat, only when he holds my hand, pero parang bigla akong binuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig ng sumunod na nangyari nang biglang sumulpot mula sa likuran ko si Cody, hingal na hingal ito at pawisan. Agad nitong kinuha ang kamay ko na naghatid ng mala-kuryenteng pakiramdam sa katawan ko. Hindi nya napansin ang presensya ng lalaking nasa kabilang side ko din.
Nakaramdam na ako ng sobrang takot ng magsukatan na sila ng mga matatalim nilang tingin at nagsimula ng magsagutan at ako naman ay tila mala-electric fan ang ulo na pinagpapalit-palitan lang sila ng tingin.
"What are you doing here?" -Grey
"I should ask you the same question, Grey. What the hell are you doing here?" -Cody
Oo, nga! yun din ang tanong ko, anung ginagawa nila dito?
"Im here to fetch her. Iuuwi ko na sya." -Grey
Wow, Kinilig ako dun! paulit nga!
"You'll take her home? Wala akong katiwa-tiwala lalo na sa taong katulad mo!" -Cody
Ako din, wala akong tiwala sa inyong dalawa! kaya pwede ba? bitawan nyo ko!
"Im not asking you to trust me. Now let go of her and I'll take her home!" -Grey
Kamay ko ang bitawan nyo dahil sumasakit na! mga Mushroom na to! kamay kaya nila hilahin ko para ma-feel nila??!!
"Bitawan mo sya Cody.." -Grey
Fernesssssss! haba ng hair ko ngayon!
"I said let go!" Pag-uulit ni Grey.
Actually, hindi na ako nakapag-isip ng matino nun dahil nung hilahin ako ng lintik na si Cody ay napadikit namn ako sa dibdib nya at freely kong naamoy ang pabangong nakakatirik ng mata sa bango!
Golly! nakakawala sa katinuan ang amoy!
Ilang sandali pa ay hinila naman ako pabalik ni Grey, My ESTRANG-HERO at sa dibdib nya din ako nag-landing!
Yung totoo?
Tug of war to ba talaga to?
Nagkaubusan ng Lubid sa hardware kaya ako ang proxy, GANERN???
hindi ko ipagkakaila na naguguluhan ako sa kanilang dalawa, kung pwede lang sana ay kanina ko pa sila pinag-babatukan sa pinag-gagawa nila sakin ay ginawa ko na!
Mas tumindi ang takot ko at nagsimulang manginig ang buong sistema ko ng magkalapit na sila sa isat-isa, yung tipong 1 inch na lang ang layo nila.. para tuloy akong nakakakita ng maliit ng kidlat sa pagitan ng mga noo nila, mala-cartoons ang dating yung ganun! haizt! hirap i-explain! kayo na lang bahalang mag-visualize!
"Anong nangyayari dito?"
Tatlo kaming sabay-sabay na napalingon sa pinagmulan ng boses..
"Clint!" Tuwang-tuwa kong tawag pagkakita ko sa kanya. Lumuwag ang paghinga ko ng makita ko syang papalapit kasama ang dalawa pa nyang kasama na sa pagkakatanda ko ay kapwa Mugen-Dai din. Mabilis ko namang binawi ang magkabila kong kamay at halos patakbo kong sinalubong si Clint na parang nakakahalata sa nangyayari.
"Anong nangyari?" Bulong nya sakin ng makalapit ako sa kanya.
"Ewan ko. Hindi ko alam. Bigla nalang silang naging ganyan." Sagot kong parang batang nagtago sa likod nya.
"Anong hindi mo alam? Ano yon? Nagpunta ka dito tapos pumikit ka then pagdilat mo nag-aaway na sila?" lito nya akong tinignan.
"Hindi! Nag-aaway kasi sila kung sino ang maghahatid sakin papauwi." Nahihiya kong sagot.
"Ano????" Gulat nyang hinarap ako.
"Tsk! Wag ka nalang magtanong, Tulungan mo nalang ako please..." pagmamakaawa kong hinila-hila ang laylayan ng sleeves nya.
"hay naku! lakwatsera ka kasi! yan tuloy!" panenermon nya.
Pilit akong ngumiti pag-abot namin mismo sa kinatatayuan nila Cody at Grey na kapwa nagpipigil pa din nasa Likod naman namin yung dalawa ng ewan ko kung bakit nakangisi.
"Kanina pag pasok natin ng Mall ang lamig-lamig, ngayon nung nandito na tayo, biglang uminit, Nagloloko ba ang aircon?" Makahulugang tanong nung isa na kasama ni Clint.
"Bro! Anong nangyayari dito?" Tanong nung isa naman.
"Wala to Lee." Tipid na sagot ni Cody.
"Anong wala? Nag-aaway kayo eh!" Prangka naman nung isa na inakbayan si Grey.. Nakita ko namang tinapunan sya ng masamang tingin nung isang lalaking tinawag ni Cody na Lee.
"Dash.." Pag-sasaway nung Lee.
"Ooops! Sorry.." He mouthed.
"Ay! siya nga pala Pillow" Pagbabasag ni Clint sa Tensyon. "May bibilhin sana ako sa taas ng floor, gusto mong sumama?" Harap sakin ni Clint na binigyan lang ako ng makahulugang tingin na agad ko din namang naintindihan. Parang gusto kong maglulundag sa tuwa sa bilis ng pick up nya sa gusto kong mangyari.
"Ha? Ahh..ehh... Oo ba!" Karaka-raka kong sagot. Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon nila dali dali akong nag-excuse at agad hinila si Clint papalayo sa lugar na yun.
Sa 4th floor.
"Bakit wala ka kanina sa klase?" tanong ni Clint na inabutan ako ng PineApple juice.
Teka, bakit alam nya na wala ako sa klase kanina?
"Wala lang.. Marami lang akong iniisip Clint." Nakayuko kong sagot na pinaglalaruan ang plastic bottle sa kamay ko. Matagal kaming naging tahimik at siya mismo nagbasag nun.
"Mas lalo kang maguguluhan kung hindi mo yan ilalabas." Makahulugan nya akong tinignan.
Pano nya nalamang nauutot ako? gaaaaad!!!! pero syempre joke lang!
Alam niyo,May point naman sya, Pero, maiintindihan naman nya kaya kung sasabihin ko na ang problema ko ay tungkol sa Gang?
"Kumplikado kasi Clint ehhh.."
"Pillow nga..." Pagtatama nya. Natampal ko tuloy ang noo ko, Oo nga pala! nakalimutan kong may Endearment eklaboo nga pala kami dahil Bestfriend nga DAW kami. I looked at him at kita ko naman ang seriousness sa mga mata nya. Hindi namang masamang pagkatiwalaan ko sya diba?
"About Mugen-Dai... Nahihirapan ako." pagsisimula ko.
Hindi ko alam pero, wala man lang akong nakitang pagkagulat sa reaksyon ng mga mata nya.
"I know." He looked straight into my eyes na ikinagulat ko.
"Alam mo?" pagtataka kong hinarap sya.
He sighed. "Pillow, halata naman eehh.. Its Really obvious nung araw pa lang na ipinakilala ka sa amin."
Ganun naba talaga kahalata ang pag-ayaw ko sa ideyang ito ni Kuya dahil maging si Clint ay nakita din ang bigat ng loob ko na gawin ang bagay na ito?
"You know what? There's no harm in trying naman Pillow ehh, tutal hindi na naman kami mga bata para bantayan mo pa. All you gotta do is to be our leader, That's it!"' he added with a smile na nakapag-pagaan ng loob ko.
Nag-isip muna ako. Nag-isip ng nag-isip, then nung parang na-sink in na lahat ng mga sinabi nya ay Pakiramdam ko ay tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko sa mga simpleng salitang yon ni Pillow. Ang mga simple nyang salita ay nagbigay sakin ng kalinawagan. Hindi naman talaga sila mga uhuging bata para bantayan pa. Tama nga naman sya! Walang dapat ikabahala dahil hindi naman ako inilagay ni kuya sa posisyong ito para maging bouncer everytime nagkakaron sila ng Rambol. Wala namang sinabi si kuya na dapat patinuin ko sila. Then, As far as i can see naman base sa first impression ko sa kanila from the very first day na nakasama ko sila sa MDU ay hindi nama sila brutal tulad ng iniisip ko. Sadyang kailangan lang siguro nila ng konting Guidance. Guidance na diko alam kung kaya kong i-provide. Pero, bahala na si Captain Barbel, Kahit papano naman ay Nakahinga na talaga ako ng maluwag.
Unti-unti na talaga akong bumibilib kay Clint Slash pillow. Hindi lang pala puro kamanyakan ang nasa isip, may itinatago din pala tong baul ng karunungan sa kasuluk-sulukan ng utak nya!
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako after that realization, para tuloy akong si Sidharta Gautama.
The Enlightened one!
"Ayan! Nakangiti na ang pillow ko." Sabi nyang sabay kurot sa pisngi ko.
"Salamat pilow haaa..." Seryoso ako sa sinabi kong yon. Kung hindi dahil sa Enlightment na ginawa nya sakin ay siguro hindi ko mare-realize ang mga bagay na simple lang pala ang kasagutan.
"Naku wala yun! Tsaka, What friends are for diba? Dapat-"
"Look What We've got here?"
Hindi na naituloy ni Clint ang anu pa mang sasabihin nya ng bigla lumitaw sa harapan namin Sina Cathlyn kasama ang mga alipores nyang balahura.
"Tsk! tsk! After sa panglalandi mo kay Cody, then si Clint na naman? Hindi ka ba marunong makuntento? or sadang nakadikit lang talaga sa katawan mo ang kalandian huh, Summer?" Nakapameywang nitong pagpaparatang sakin.
"Cathlyn Stop it!" Tumayo si Clint at ganun din ako.
"Bakit Clint? Dont tell me, nasasaktan ka para sa kanya? Oh Well, nakalimutan ko.. Truth hurts nga pala!" Inilapit nya pa ang mukha nya sakin pero hinarangan naman sya ni Clint.
"Cathlyn, Sumosobra kana ah?" Pagsasaway pa ni Clint. Magsasalita pa sana sya ng kumapit ako sa braso nya sa kadahilanang biglang makaramdam ako ng malamig na kung ano na binubuhos sa ulo ko. Paglingon ko sa likod ay nandun sina Bessy, Tiffa at si Clarisse na mismong gumagawa ng Free shower ng juice sakin. Nakangisi ito habang binubuhos sakin ang flavored drinks nila na kanina ay hawak-hawak nila.
"What the Hell!" Isang boses ang nangibabaw sa 4th floor ng Mall sa kalagitnaan ng eksena na nangyayari sa pagitan ko at ni Cathlyn. Sabay-sabay kaming nagsilingunan lahat sa pinanggalingan ng boses at parang napako naman si Clint sa pagkakatayo ng makilala kung sino yon.
"Dianne!" tawag ko pero hindi na pinansin ni Dianne ang pagtawag ko sa kanya dahil mabilis pa sa alas-kwatro itong lumapit sa akin at inilabas ang sandamakmak nyang panyo at ipinunas iyon sakin.
BAKIT MARAMI SIYA NUN?
"Are you OK berks?" Halata sa tinig at sa mata nito ang pag-aalala na sinimulan akong punasan sa mukha ko at bahagi ng damit ko.
Hindi ako sumagot at yumuko lang ako. Gusto kong umiyak pero naisip kong hindi na ako bata para pagsayangan ng luha ang mga taong umaapi sakin.
"Would you mind?" Narinig kong sabi ni Dianne na hindi man lang tinapunan ng tingin si Clint at ibinigay naman nya ang ilan sa mga panyong hawak nito na medyo na out of this World na ata ang kaluluwa pagkakita sa kanya..
"O-o-ofcourse n-n-not!" hindi magkandaugaga nitong sagot sabay wala sa sariling kinuha ang mga panyo na nasa kamay ni Dianne. Tinitigan pa nya saglit ang kamay nito bago kinuha ang panyo na iniaabot sa kanya. Nagsimula na din syang magpunas sakin pero parang walang silbi ang pagpupunas nito dahil kung saan-saan lumalanding ang pagpupunas niya dahil nakatitig lang ito kay Dianne na Busy naman sa pagpupunas ng damit ko sa harapan.
"Ohh.. Ang daming hero! Nakakaawa ka naman Summer kailangan mo pa ng mga kakampi para maipagtanggol ang sarili mo at sa isa pang loser!" Muling pagsasalita ni Cathlyn na dahilan naman para lingunin sya ni Dianne at tapunan ng nakakatakot ng tingin.
"Anong sinabi mo?" Nilapitan agad ito ni Dianne na nagpaurong ng bahagya kina Cathlyn at sa mga kasamahan nito.
Gosh! sa Amo ng mukha ni Dianne ay hindi ko naisip na masama din palang galitin ang isang to! Maton kung maka-react eh!
"Bakit? Hindi ba totoo? Ms.Model turned Nothing?" Nilapit pa nito ang mukha kay Dianne para masampal pa sa kanya ang mga sinasabi nito.
kuyom palad kong pinagkinggan ang mga salita ni Cathlyn na para bang karayom na bumabaon sakin.
Bwiseeeet! hindi na pwede to! Below the belt na ang mga binibitiwan nyang salita! Matitiis ko pa kung ako ang mapag-salitaan nya ng masama dahil sanay na ako sa mga pang-aapi nya! pero, ibang usapan kung kaibigan ko na ang subject!
HINDI NA AKO MAKAKAPAYAG!!!
Parang Son-Goku sa lakas kong binalibag ang plastic bottle sa harapan ni Cathlyn at gulat naman itong tinignan ako, Kita ko din ang pagkagulat sa mukha kapwa ni Clint at ni Dianne at sa mga alipores ni Cathlyn sa ginawa ko, buti na lang at walang gaanong tao ang Pinaka-itaas ng Mall kundi yari ako kay kuya kung may makakilala sakin.
Hindi ko alam kung anu nang itsura ko sa mga oras nato! Ang tanging alam ko lang ay Dapat may gawin ako. Naglakad ako papalapit na may madilim na aura. (Parang Aura lang ni Taguro ang peg!) kinuha ko din mula sa ulo ko ang towel na ipinampunas ni Clint sakin at ibinalibag iyon sa harapan ni Cathlyn na hinuhulaan ata ang sunod kong gagawin.
MADAM AURING LANG TEH??
Walang katakot-takot kong inilapit ang mukha ko sa kanya na dahilan para bahagya syang mapaurong.
"The next time na magbubuhos ka.. Make sure na mas malamig pa.. Para naman manginig ako kahit konti sa kaba!"
Nakita ko kung paano sya pinanlakihan ng mata sa sinabi ko. Yun lang at tumalikod na ako at sumunod na lang sina Dianne at Clint sakin.
******
"Weeeeewww! Ang galing mo Berks!" Tapik ni Dianne sa Balikat ko na tuwang-tuwa sa pinagsasabi ko kanina.
Ang hindi nya lang alam ay nanginginig na ang tuhod ko matapos kong sabihin yon. Kung alam niya lang kung gaano ko pinagdasal ng hindi na muna mag-lunes para naman maihanda ko yung sarili ko sa gagawin nila Cath sakin. Demonyita pa naman ang babaeng yon basta gumanti.
Nasa isang Coffee shop lang kami tumambay matapos naming iwan sina Cathlyn ng naka-tulala at halos hindi makapaniwala na ako mismo ang nagsabi nun sa kanila. Nasanay ata sila na everytime na ginagawa nila sakin yun ay tatakbo na lang ako at pupunta sa isang sulok para umiyak.
"Hehe.. Hindi naman." Nahihiya akong yumuko ng mapansin kong Tahimik pa din si Clint sa kinauupuan nya at mataman lang pinagmamasdan si Dianne na hindi ata pansin na kanina pa sya nito tinitignan.
Ngayon ko lang napansin na para siyang timang sa itsura nya na halos naka-nganga at naka-nerd shades pala! Pero bumagay naman sa kanya dahil sa liit ng mukha nya. Naka-tanga pa din ito.
Teka, Nasa Earth pa kaya ang espiritu nitong isa??
"Hoy Clint!" pagtapik ko sa balikat nya. "Huy!" Nakadalawang tapik pa ako bago bumalik ang ulirat nya sa kasalukuyan.
"H-h-haaa??" Wala sa sarili nya akong hinarap.
"Anong problema mo? Anong nangyayari sayo? Dinudugo kaba? Tinagusan ka? Anooooo? Tulala ka nalang dyan eh!" Halos pabulong kong sinabi sa kanya.
"Nu kaba Pillow. Hindi noh!" Sabay lingon nya kay Dianne na busy naman sa pag-aayos nya sa nagkalat na panyo sa bag nya na hindi ko alam kung bakit sya marami non. "Ang ganda nya lang talaga kasi.." Para na naman nyang napo-posess na tinitigan si Dianne.
Nakakaloka na ang isang to!
Ay, Putek! Natampal ko na naman ang noo ko ng maalala ko bigla na Crush nga pala nitong Pillow ko si Dianne!
Ngayon alam ko na!
"Ehemmmmm!" pagpaparinig ko kay Dianne na napatigil naman sa ginagawa nyang pagkakalkal sa bag nya.
She looked at me na nakangiti. "Yes, Berks?"
Jusko!
Natotomboy naman ako sa ngiti ni Dianne!
Ang ganda eh! Mala-anghel talaga ang mukha! Ang amo! Sheteeeeeee! No Doubt kaya Deads na Deads si Bff Clint kay Dianne! Bukod kasi sa mabait na ay maganda pa! San kapa?
"Uhhmm.. Hindi ko pa kasi naipapakilala sayo yung isa ko pang Bestfriend.." Pagngunguso ko kay Clint na medyo tinakpan ang mukha ng isang magazine.
Saglit nga! san nya nakuha ang magazine na yun?
May nalalaman pang patakip-takip ng mukha eh, takpan ko kaya ng tuluyan ang mukha nya?!
"Dianne, Berks..I want you to meet my other Bestfriend.. Clint Javier." sabay naman ng paghila ko sa magazine sa mukha nya, dahilan din para matanggal ang salamin na suot-suot nya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Dianne pagkakita kay Clint matapos matanggal ang salamin nito sa mukha.
Teka, kanina pa namin kasama si Clint ah? Dont tell me hindi man lang nya talaga ito pinansin?
HoooowwwMyyyy! Hindi kaya napapangitan siya kay Clint?
Or Baka naman, Holdaper dati tong Pillow ko at biktima si berks Dianne?
Hindi naman kaya member si Clint ng Martilyo Gang or Budol-budol?
Haizt! Ano ba talaga nangyayari?
Kanina, si Clint ang nakatulala, ngayon naman si Dianne na nakatulala din!
May sayad siguro tong mga kasama ko at bigla-bigla na lang natutulala?!
Naka-hihit lang ng Baygon? Or naka-tira ng dinurog na naphthalene balls?
Mula sa pagkakaupo ko ay kita ko mula sa mga mata nila ang malalagkit na malagkit pa sa tikoy at biko.. futabels naman! ginugutom ako sa pinagsasabi ko! Pero sa titigan nilang iyon ay mas pinagtakhan ko ay ang naging reaksyon ni Berks Dianne, para kasing gulat na gulat ito!
shutah! hindi naman pang-budol budol ang pillow ko ah? bakit ganun sya makatitig?
"Hi.." Medyo nahihiya pang iabot ni Clint ang kamay niya kay Dianne na parang diko alam kung magsasalita ba or naghihintay na mapasukan ng langaw ang bibig sa pagkaka-nga-nga!
[ Dianne ]
Sino ba namang hindi mapapa-nganga sa nakikita ko ngayon jusko!
isang CLINT JAVIER ang nasa harapan ko??!!
Kanina pa kami magkasamang tatlo pero hindi ko talaga sya namukhaan pramiis! sabagay hindi ko din naman siya pinag-aksyahan ng panahon para tignan kanina, mas inintindi ko kasi si Berks Summer kanina.. Naku mga readers, kung kayo lang siguro ang nakasaksi sa eksena kanina ay mas pipiliin nyong ihulog yung tatlo mula third floor hanggang ground floor FACE FIRST! Pero badjun!
Ok na sana ang lahat at nakakapagpigil nako, kaso nanggalaiti ang bumbunan ko sa galit ng banggitin pa nila ang tungkol sa nakaraan ko na pilit kong kinakalimutan. Pero ibang eksena naman ang binigay ni Summer sa kanila. Nilapitan lang naman nya ito matapos ihagis harapan ng tatlong impakta ang plastic bottle na kanina ay hawak-hawak nya. Hinarap nya ito at sinabing:
"The next time na magbubuhos ka.. Make sure na mas malamig pa.. Para naman manginig ako sa takot kahit konti sa kaba!"
Oh diba ang astig nung sinabi niya?
well, back to Clint.
yun na nga! sobrang nga nga ako, as in NGA-NGA!
pakiramdam ko ay parang biglang bumuka ang langit at nagkantahan ang mga anghel pagkatitig ko sa napaka-amo nyang mukha!
Sh*t! mapapamura ka sa gwapo ng lintek!
Iniabot ko naman ang kamay ko.
Packing tape! stapler! Eraser! Pencil Case! Ang lambot ng kamay nya! Pasenya na kayo, Umaatake ang kagandahan ng lola nyo!
Pero syempre, pakipot muna ako.. kahit konti lang, para naman hindi mahalata na halos mamula na ako sa kilig dito.
[ Clint ]
Bullsit! bakla na kung bakla pero parang kinikiliti ang pwet ko dito! Ikaw ba naman ang makaharap ang babaeng SuperduperextraUltraMega na crush mo? Grabe ang ganda nya talaga lalo na sa malapitan! Ngayon ko lang kasi talaga sya nakita ng ganito kalapit at masasabi kong para talaga akong nakakita ng anghel na bumaba mula sa langit.
Kung wala lang si Pillow dito ay paniguradong nakaihi na ako sa saluwal ko, -JOKE!
pero seriously, nagulat talaga ako nung nakita ko sya.. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na makikita ko sya or should I say na magkikita kami sa ganitong lugar?
Mylovewillseeyouthrough nga naman..
"Hi..." Sabay iniabot ko ang kamay ko, for formalities. Kahit nahihiya GO na lang.
Tinitigan niya muna ang kamay ko ng ilang sandali.. pektosmentos naman, sana tanggapin niya!
Pakiramdam ko ay parang umangat ng 2inches ang pwetan ko sa kilig nung inabot naman nya ang kamay nya sakin. Ang lambot ng kamay nya sa totoo lang, sarap nang hindi bitawan.
After naman ng pagpapakilala ay kinalma ko nalang muna ang nagwawala kong hormones.
Ewan ko pero para namang akong hinulugan ng isang-daang palayok sa ulo at bigla akong nakaramdam ng panghihina ng marealize kong baka hindi nya gusto ang mga tipo ko. Sino lang naman ako diba? Isang hamak lang naman na:
Wait lang, ika-capslock ko nalang para mas Humble.
isang hamak lang naman na:
SUPER GWAPO NA MAYAMAN AT NAPAKABAIT AT NAPAKA-SWEET PA AT NAPAKA-MAPAGMAHAL AT NAPAKA-GENTLEMAN NA NAPAKA-MAAALALAHANIN.
simple lang diba? diba????
Naisipan ko lang naman yun dahil sa dinami-dami ng nakikita kong nanliligaw sa kanya ay never kong narinig na may sinagot sya sa mga yon! Wala ni isang nakalusot at parang napaka-imposible kasi nun lalo na sa mga taga SFU, pag-sinabi mo kasing St.Ferg's University ay makaka-expect ka talaga na ang mga nag-aaral dun ay puro galing sa mga high-standard na pamilya. Yung tipong hindi basta-basta ang mga apelyidong dinadala nila. Hindi lang yun, wala pa akong nakitang panget na mukha na nag-aaral dun, kaya nga binansagan ang SFU na EL CAPITALIA DE MODELO, kasi halos kalahati ng nag-aaral dito ay puro nagmomodelo. Kaya naman hindi nyo ako masisisi kung ganito ako mag-isip..
Sorry, Medyo napanghihinaan lang talaga ng loob ang clintbaby niyo, But IN THE NAME OF LOVE.. susubukan ko.
I really like this girl! Ilang taong kong pinangarap tong pagkakataon nato at ngayong nandito na to ay hindi ko to papakawalan.
[ Cody ]
"Sh*t Bro! anung gusto mong palabasin?" Pahagis kong ibinato sa kanya ang paper bag na kanina ko pa hawak-hawak ng hindi ko na matanaw sina Summer kasama si Clint. Pasalamat pa din ako kahit papano dahil alam kong wala ding maiintidihan si Summer sa nangyayari.
Gigil ako ngayon! Nang-gigigil dahil alam kong nalilito si Summer kanina!
Pilit akong kumakawala kay Lee pero may sapat din na lakas ang isang to para pigilan ako.
Eskandalo ng kung eskandalo.
I wont let her touch Summer, No matter What at wala akong pakialam kung wala akong dahilan.
"F*ck you Cody! Leave Summer alone! kilala ko ang mga tulad mo! alam kong past time mo lang ang ginagawa mo kay Summer!" Pagdidiin nya na gustong makalapit sakin pero malas naming dalawa dahil nandito sina Dash at Lee para pumigil samin at pumagitna. Marami nang tao ang tumitingin sa min at pinapanood ang nangyayaring eksena sa pagitan namin pero wala kaming pakialam.
"Wala akong ginagawa sa kanya and please.. Stop Acting like you Care for her kahit hindi naman!" Sigaw ko. Bullsh*t ang sarap nyang sapakin. Kating-kati na ang kamao ko na dumapo sa mukha nya.
"Wala? Hindi ako bulag Cody at mas lalong hindi ako manhid dahil nakikita ko at nararamdaman ko!" sigaw din nya. "Ikaw ang wag magkunwari Cody dahil alam naman nating lahat yun!" He added na nakapagbigay sakin ng sobrang gigil.
"Huh! Bulag ka Grey! Nabubulagan ka nang P*tang *nang Ego mo at ng pagmamahal mong hindi nasuklian noon! Nabubulagan ka kasi hindi ikaw ang pinili ni Nicole, kaya hindi mo ako pwedeng sisihin dahil unang-una simula palang, Na-duwag kana!" As expected ay halos napako sya sa kinatatayuan nya matapos kong sabihin yon. Totoo yon at wala akong pinag-sisisihan sa mga sinabi ko.
Para tuloy syang Nanggagalaiting Tigre na pilit kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Dash nung mahimasmasan na sya sa pinagsasabi ko. "G*go ka Cody! Nagpaubaya ako kasi kaibigan kita! Naiintindihan mo ba yon?" Basag na ang boses nya.
"Mas g*go ka Grey! Mas inintindi mo kung anu ang masisira satin kesa sa ikakaligaya mo! Hindi ko namn ipagdadamot si Camille noon dahil nasa kanya parin ang huling desisyon!" Napatanga naman sya sa sinabi ko.
"Makasarili ka Cody.. Makasarili." Kahit mahigpit na ang pagkakahawak sa kanya ni Dash any nagawa pa din nyang makawala kaya naman ay madali nyang nahagip ang mukha ko at nasuntok yon, dahilan naman para mabitawan ako ni Lee at Gumanti din ako ng suntok na tumama naman sa kanang pisngi nya. Dali-dali ulit kaming pinaglayo ni Dash at Lee na hindi nadin alam kung paanong awat ang gagawin para lang mapatigil kami.
"Hindi ako makasarili Grey.. Never akong naging makasarili...Ngayon lang!" Matapos nun ay nagawa ko nang kumawala mula ka Lee at dinampot ang paper bag na hinagis ko kanina at dali-daling naglakad papalayo. Hindi ko na ininda ang sakit ng pagtama ng Kamao ni Grey sa gilid ng labi ko dahilan para dumugo iyon. But, The hell i Care! I need to find that Woman!
[ Summer ]
Wala akong ideya kung dapat pa nga ba akong mag-interfere sa malalagkit na tinginan between Clint and Dianne matapos ang ginawa kong pagpapakilala sa kanilang dalawa. Hindi ko naman din hahayaan na maging sagabal sa gusto nilang gawin ng dahil lang sa issue ko about sa dalawang tukmol na yun kanina. Kaya Bago pa man ako maka-distract sa ginagawa nila ay nagpaalam na ako. Ayaw sanang pumayag ni Clint pero alam nyang mababatukan ko sya ng wala sa oras sa pag-iinarte nya!
Kunwari pang ayaw at may papigil-pigil pa sakin eh, patulak naman ang ginagawa nyang pagpigil!
Matapos din akong makapag-paalam kay Dianne ay lumabas na ako ng coffee shop at dali-daling tinungo ang parking lot para makauwi na. Napagod ng husto ang mga braso ko sa paghihilaang ginawa nung dalawa. Para tuloy walang nangyari sa Free make-over ko!
Malayo pa ang biyahe mula dito at nagpasya muna akong maidlip sandali dahil nakaramdam ako ng panghahapdi ng mata ko lalo na't hinayaan kong bukas ang windshield at malayang nakakapasok ang hangin sa loob ng sasakyan. Inaamin kong mas gusto ko yung natural ng hangin kesa sa aircondition..
Hanggang ngayon ay wala pa din akong maintindihan sa nangyarin kanina..
Magka-away kaya sila?
Anu naman kaya ang pinag-awayan nila?
Pakiramdam ko ay matagal na yung problema nila the way lang na tignan nila ang isat-isa.
Kahit gusto kong malaman ang nangyayari, may factor pa din na pumipigil sakin para alamin yon. Pero, kailangan makialam ako.. Responsibilidad at tungkulin ko yon!
Hindi ko alam kung naka-idlip nga ako kakaisip dahil laking gulat ko ng maramdaman ko ang biglaang pagpreno ni Kuya Bert na syang nag-drive para sakin sa araw na ito.
"Kuya Bert, anong nangyari?" Pagtataka kong tanong habang dinungaw ko ang ulo sa tagiliran nya.
"Eh Ma'am may bigla hong humarang na kotse sa harapan." Sabi nyang sabay turo sa unahang bahagi ng sinasakyan namin. Bago pa ako makapag-react ay kanya-kanya nang bunot ng baril ang mga kasama kong sina kuya Alan.
Bigla akong nanlamig.
"Baka taga-Inferi Gang yan." dagdag ni kuya Popeye na kinakasa ang baril at inabutan ako ng bullet proof na jacket.
Nagsimula na akong kabahan, Juice-ko! Anong kailangan nila?
Bakit sila nandito?
Sa oras na ito ay tila Alam ko na kung bakit kabi-kabila ang mga bodyguards ni kuya sa twing aalis sya and alam ko na din ang dahilan bakit hindi basta-basta lumalabas si kuya ng ganun-ganun lang.. Parang gusto kong pagsisihan ang pagtanggi kay kuya sa pagbibigay pa ng labin-limang tauhan pa para bantayan ako. Sa pag-tantya ko kasi, sampu lang kabilang na dun sina kuya Alan ay Okey na. Pinilit kong kalmahin ang utak ko sa oras na ito. Dinig ko din ang mayat-mayang radyo mula sa Dalawang naunang kotse na nagsisilbing Look out din sa sinasakyan ko na nandito sa bandang likod.
Sa kaba ko ay bigla na lang nag-flash sa utak ko ang mga nangyari nung nawala sina Papa at Mama.
Nahindik ako sa pinag-iisip ko ng bigla kong naalala ang pagkamatay nila, kung paano sila brutal ng pinaslang dahil sa Gang at naging dahilan bakit mag-isa akong ginabayan ni Kuya Gayle.
Ilang sandali pa ng pakiramdaman ay nagbukas ng kotse ang nasa kabilang parte ng kalsada. Ngayon ko lang din napansin na Iisa lang pala ang kotseng nasa harapan, Medyo sumilip pa kasi ako para sana tignan kung ilan ang nakaharang sa daraanan namin. Pero buong pagtataka ko nung nakita ko ang isang Black Toyota Chrysler300 na nakaparada ng patagilid sa kabilang kalsada. Mag-isa lang itong naka-park sa unahan at tila napaka-pamilyar nito sakin..
Unti-unti ang naging pag-labas sa kotse na nasa loob nito na para bang nakikiramdam din sa kung anu mang susunod naming kilos.
Ilang sandali pa ay Halos hindi ko mahagilap ang hininga ko pagkakita ko sa taong bumaba mula duon. Nakataas ang dalawang kamay nito habang naglalakad patungo sa amin..
LINTEK! ANUNG GINAGAWA NIYA DITO???
itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top