Chapter17

[ Dianne ]

haaaaayy... ilang linggo na yata ang nakalipas simula nung makilala ko ang pinaka-magulo but mabait kong new friend na si Summer. Actually, sa igsi ng panahon na nagkakilala kami ay ganun naman kabilis naging close kami. Alam mo yung pakiramdam na kahit kakakilala mo palang sa isang tao ay feeling mo ang tagal nyo nang magkakilala? Dun din sa araw na yun ang diko inaasahang mangyayari, Heto kasing mga total bully ng University samin na sina Cathlyn ay bigla ba namang batuhin ng kung ano si Summer friend ko at dumugo ng husto ang noo nito. Grabe talaga ang takot at kaba ko nun, may takot kasi ako sa dugo kaya sobra talaga ang naging reaksyon ko that time, Simula naman nun ay hindi ko na nakitang muli si summer matapos ang bigla nyang pag-alis.. Ilang araw matapos nun ay palagi ko nga syang hinihintay sa tambayan kung san kami nagkakilala, nagbabakasakali na mapadpad sya dun pero, bigo  ako.

Teka nga pala! kanina pa bumubula ang bibig ko dito pero hindi pa pala ako nagpapakilala.

DIANNE AMBION is the bonggang name!

former model ang current profile mga teh!

Bakit former? naku, mahabang chika! Siguro taliwas sa inaasahan nyo ang attitude ko sa isang model, Pa-prangkahin ko na kayo, Hindi ako katulad ng ibang model na kung maka-arte WAGAS! hindi ako maarte. Sa katunayan nga nyan ay Umuupo ako sa posisyong komportable ako, Kinakain ko ang patok sa panlasa ko, Streetfoods? Favorite ko yan! fishball, kikiam, isaw, betamax, adidas at kung anu-ano pa! patok sa panlasa ko yan! Hindi ako takot tumaba kasi mahirap ako patabain kaya malakas ang loob kong kumain ng kung ano-ano. Sinusuot ko ang mga damit na bagay at komportable ako. Tumigil ako sa pagmo-model dahil sa isang aksidente.

Teka nga! wag nalang kaya natin umpisahan ang usapan tungkol dyan? baka ngumawa lang ako dito.

Nasa ilalim lang ako ng puno ngayon, malapit sa library namin. Magre-review sana ako para sa darating na exam pero unexpected naman na may mahagip ang mata ko. Si Crush kasi, dumaan di kalayuan! tekla kasing lalaking yun! ginugulo ang concentration ko sa pag-aaral! Mawawala kinabukasan ko dahil sa presensya nya eh! Pero ok lang din basta sya naman ang future ko! yeeee!

Matagal ko na syang Crush actually pero, parang hindi naman nya ako pansin, sa dami ba namang babae na umaaligid sa kanya, malabong mapansin nya ako. Kaya nga okay na sakin ang isang stolen shot na picture na naka-ipit sa libro ko, dun buo na ang araw ko. Pinag-tya tyagaan ko nalang ang kakapiranggot na picture nya. Hindi kasi ako nabibigyan ng pagkakataong makalapit. Umaariba kasi ang makahiya ko. Hindi nadin ako nagbabalak pa, Sino ba naman ako diba? ako lang naman ay isang hamak na simpleng babae nalang ngayon na walang ginawa kundi makinig sa iPod nyang puro classic song lang ang laman!

Matunog ang pangalan na DIANNE AMBION nuon sa modeling industry. Contracts here and there, Commercials and billboards with product na ine-endorse ko. Halos wala akong matinong pahinga nun sa trabaho. Pero, kahit papano ang na-enjoy ko naman ang career ko. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay unti-unti ding naglaho ang kasikatan ko.

Car Accident ang nangyari while driving home.

Galing ako nun sa isang agency para pirmahan ang isang modeling contract sa ibang bansa. And habang nagmamaneho ay bigla nalang pumutok ang likurang bahagi ng sasakyan ko at dahil sa bilis nang pangyayari ay hindi ko na nakontrol ang manibela kaya naman nabangga ko ang isang poste na halos ikinadurog ng unahan ng sinasakyan ko. Pasalamat nalang ako dahil hindi gaanong masama ang lagay ko. Gising padin ako sa kabila nang nangyari. Yun nga lang nagkaroon ng malalim na Cut sa binti ko na nahiwa ng isang nabasag salamin. Alalang alala nun ang campus crush kong pinsan sa nangyari, Si Cody. Agad agad syang pumunta sa ospital nun para samahan ako. Sweet na pinsan noh? Dine-deny nya palagi na di kami close pero sa totoo lang, kapatid na ang turingan namin nyan!

Well, Back to the incident, Simpleng sugat ang natamo ko. Isang Simpleng peklat na nagdala ng malalim na dahilan sa modeling organization para palitan ako bilang Representative na ipapadala sa ibang bansa to compete.

Si Ruby, sya ang pumalit sakin. Cody's Ex. My frenemy at ngayon ay namamayagpag na ang pangalan sa modeling industry.

Im happy for her Success,Really. No hard feelings. Its my Choice anyway at masaya ako sa pinili kong buhay ngayon at pagtalikod sa mundo ng Criticism.

Alam kong matagal nya nang pangarap yun pero sa kasamaang palad ay sakin napunta. Ilang araw ko sya nung hindi nakita simula ng I-announce na ako ang napiling i-compete. I know she was hurt. Pero wala naman akong magagawa. Wala nakong naging balita sa kanya ilang araw, Then sunod ko nalang syang nakita ay sa News na sya na ang bagong representative matapos ang nangyari saking insindete.

Matapos ang lahat ng nangyari, nakapag decide ako na hindi na magmodelo ulit. Gusto kong ipahinga ang katawan at isip ko sa mga media. Yung buhay na normal na walang camera na binabantayan ang bawat galaw mo. Yung mas nauuna pa nilang nalalaman kung san ka pupunta kesa sayo?

Matagal akong nanahimik at masasabi kong THIS IS LIFE! kasi walang pumupuna sa lahat ng gingawa ko.

Masaya ako! yung ang totoo.

[ SUMMER ]

Pinili kong huwag na munang pumasok sa klase ko ngayon dahil sa bigat ng pakiramdam ko, at the same time ay gusto ko ding makapag-isip ng maayos. Kakaalis lang ni kuya at kasabay naman nun ang bigat ng pasanin na iniwan nya sa balikat ko. Mabigat na responsibilidad para sakin. Hanggang ngayon pa nga ay parang timang padin ako kakaisip sa bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang ay Simpleng estudyante lang ako tapos ngayon, pinuno na ng MD. Wala akong mapaghugutan ng salita kung paano ko idi-describe ang nararamdaman ko ngayon.. Lahat kasi parang napaka-gulo at sa sobrang bilis, hindi ko alam kung sang part ba ako ng mga pangyayari dapat mag-rewind.

Kalaunan ay napag-desisyunan kong lumabas ng bahay at maglakad-lakad. Kinuha ko ang Robe ko at naka-tsinelas lang ako na may design na Stitch.

Malamig ang hangin. September pa lang pero pakiramdam ko ay November na dahil sa nangyayari sakin. Para kasi akong nagluluksa. Paglabas ko palang ng pinto ay may sumalubong na agad sakin na tatlong lalaking naglalakihan ang katawan.

"Ma'am?"

"Ay palakang kabkab!" halos patalon kong nasabi ng may nagsalita naman sa likuran ko. Jusko! kanina pa kaya sya sa likuran ko? Malaki ang katawan nito  at parang puputok na ata ang mga braso sa laki ng muscles!

"Naku naman, wag mo naman akong ginugulat manong!" nahampas ko tuloy ang braso ng gumulat sakin.

"Pasensya na ho ma'am, trabaho po kasi namin ang bantayan kayo anu mang oras." pag-eexplain nung isa sa tatlong sumalubong sakin na mukhang popeye na kakakain lang ng spinach.

"Kahit po sa School nyo, kailangan magbantay kami." sabad naman ng isang mukhang si The Rock.

"Kahit nasa bahay nga po kayo ay kailangan magbantay padin kami." Yung isa namang mukhang si Undertaker. Lahat sila ay itim ang suot.

Yung totoo? lamay ang babantayan nila o ako?

Medyo napataas ang kilay ko sa huli nyang sinabi. "Kahit saan? babantayan ako? Kahit sa banyo?" Panlalaki ng dalawang mata ko.

Sabay-sabay silang nagsi-ilingan. hayy,, Relieve!

Haizt, Salamat naman! medyo kinabahan ako dun ah! baka kasi pati banyo sa kwarto ko lagyan ng CCTV, naku! hindi nako pwedeng magwala at maghagis ng gamit kung ganun ang gagawin nila?!

Tatalikod na sana ako sa apat na mukhang Bouncer na nasa harapan ko ng bigla kong maalala na dapat ginawa ko pagbaba ko pa lang.

"Yes Ma'am?" Sabay-sabay nilang sinabi ng muli akong humarap na nakangisi.

-

-

-

"Sinong Marunong gumawa ng Spaghetti?"

*****

"Kuya, masarap ba talaga yan?" Doubtful kong tanong kay kuya popeye habang kagat-kagat ang dulo ng tinidor.

"Naku, Ma'am! kung hindi nyo po naitatanong ay dating magaling na kusinero itong si Alan!" Biglang singit naman nung isa na nanggulat sakin kanina. Si Kuya Bert. Kailangan ko sigurong masanay sa panggugulat ng isang to.

"Oo, nga ho ma'am, sya nga po ang pinag-luluto ni manang Cela minsan." Sabad naman nung isang mukhang popeye, Si kuya Carlos.

"Talaga po? Eh, kuya Alan, bakit naman naging Guard kayo ngayon ng MD? sayang naman ang talent nyo?!" Pagtatanong ko. Nakita ko namang tumango ang mga Hunky Bouncers ko sa gilid. Gaya ko, kagat tinidor din sila.

"Naku ma'am, Maliit pa lang po kayo ni Boss Gayle, naninilbihan na po ako sa mga Akiyama bilang Guard. Kahit pa po sa nasira nyong mga magulang." pagkakamot nya ng ulo.

"Talaga? Bakit nyo naman pong napiling maging guard na lang? bakit po hindi nalang kayo nagtayo ng business? restaurants will do. Sayang ang talento mo kuya."

Napansin kong nagbaba ng tingin ang tatlo. Parang may nase-sense ako ah..

"Naku, ma'am.. mahaba pong kwento eehh." si kuya Alan,

"Edi, i-short cut mo." -ako

Bumuntong hininga muna sya bago muling nagsalita. "Nagmamay-ari po ako ng isang Restaurant, Naging napakaganda ng takbo nun sa mga naunang mga taon. Pero, Bigla na lang pong may nangyaring hindi maganda." Malungkot nyang Panimula.

Sabi na eehh..

"Ano pong nangyari?" Inilapit ko ang upuan ko malapit sa pinaglulutuan nya.

Nakita ko kung paano nya muna tinignan ang mga kasamahan nya bago muling ibinalik ang tingin sakin.

"Sinunog po ang Restaurant na pina-unlad ko. Ang pinag-hirapan ko ng ilang taon." Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya.

Nagulat ako sa rebelasyon nyang iyon.

Teka, SINUNOG?

"Sinunog? Sino sumunog? Kilala nyo po ba?" sunod-sunod kong tanong.

Umiling-iling sya.

Ewan ko, pero bigla akong nakaramdam ng galit lalo na nung nakita ko ang maluha-luha nyang mga mata. Ramdam ko ang Lungkot nya. Akalain mong sa itsura at tindig nyang mala-wrestler ay may malungkot din pala syang nakaraan?

"Kung hindi po Kay Sir Russel Akiyama ay matagal na akong nagpagalagala sa kalye. Ang Papa nyo po ang tumulong sakin at nagbayad din sa mga natitira ko pang pinag kakautangan. Kaya nga po ay bilang ganti at utang na loob ay nagpasya akong magserbisyo sa kanya at magpasahanggang ngayon po ay yun lamang ang tangi kong hangarin."

Sa lahat ng mga narinig ko, isa lang ang agad pumasok sa isip ko... Dapat ay maging thankful ako sa lahat ng nasa akin ngayon dahil maraming tao ang naghahangad na mapunta sa sitwasyon ko, pero ako, nandito na mismo.

Matapos ang masarap na pagkain na inihanda ni kuya Alan ay nagpasya akong mag libot-libot muna sa paligid ng Mansion habang sila ay nakabantay lang.. binigyan naman nila ako ng space, enough na Distansya na kahit papano ay maramdaman kong pwede parin ako mamuhay ng normal sa kabila ng responsibilidad ko at hindi gaanong ma-feel ang pressure ng Leadership sa MD, salamat sa mga bodyguard kong mga Hunky dahil pinapaalala nila sakin ang bagay na yun!

****

Malamig ang hangin ngayon at tama lang sa balat ang init ng araw.. Sa tinagal-tagal kong naninirahan sa Mansion na to ay ngayon ko lang talaga na-appreciate ang Ganda ng kabuuan nito. Ngayon ko lang din napansin ang mini garden na nasa likod,  Sandali nga, kelan pa nagkaron ng Garden dito?? abat may nakatanim din na ibat-ibang bulaklak!

Sa ganda at gara ng design ng buong garden, masasabi kong alagang-alaga ito. Not bad kahit hindi ako mahilig sa mga bulaklak.

Naupo na lang ako sa isa sa mga bench na nakapalibot sa garden.

Haaaayy.. sa lahat ng araw na dumaan sakin, ngayon lang naging seryoso ang lahat. Nabigyan kasi ako ng isang tungkulin na wala akong kaalam-alam.

walang briefing,

walang explanation,

walang lesson,

walang discussion..

Deretso Test.. At ang mahirap pa doon, wala akong pagpipilian kundi ipasa ang mga yon!

Si kuya naman kasi eh! ako pa talaga napag-tripan! Sa dinami-dami ng sanggano na nasa University, ako pang salingket ang napili!!! Haiiizt, nakakaasar talaga!!!!! Kung ako lang talaga ang papapiliin ay labag sa loob ko ang gawin to. Wala naman kasi talaga akong idea sa ganito.

Ilang minuto akong nakaupo sa bench at nung parang masakit na ang pwet ko kakaupo ay

Napagpasyahan kong pumasok sa loob ng bahay, baka kasi mapagpasyahan kong maging hardinera in an instant at makalbo ko pa ang buong garden sa inis ko sa mga nangyayari sa buhay ko.

Kakapasok ko pa lang sa kwarto kong makalat ng makatanggap ako ng text galing sa maganda kong friend. Si Alexa. Tagal din walang paramdam ang babaitang yun ah? Anu kayang insekto ang pumasok sa isip nun at hindi nagparamdam ng ilang araw??

*txt*txt*

*reply*reply*

As usual, tulad ng ginagawa ng tunay na magkaibigan, nagbabangayan kami sa text at chikahan here and there habang nakahiga ako. Hinanap nya daw ako kanina sa classroom at himala daw na wala ako sa klase.

Pansin daw nya na parang wala sa sarili buong araw si Cody

Chaka! Wala naman talaga sa sarili nya palagi ang taong yon!

Baka daw namimiss ako.

Namimiss? Baka namimiss Asarin at Bwisitin!

Bihira nalang din daw nya akong makita na nasa Klase. Tungek din yung jumega ko! sino gugustuhing tumambay sa classroom kung wala namang matinong klase at sinong matinong nilalang ang gugustuhin na tumambay sa Isang lugar kung ang magiging katabi mo araw-araw ay saksakan ng EPAL!

Oh, ayan! para ramdam, mega pa sa  CAPITAL!

Nung last time na nagkasama kami ni Cody ay napatunayan ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga ganun kasama ang ugali ng unggoy na yun! sadyang mapang-asar lang at sa sobrang mapang-asar nya ay sarap pumatay ng tikbalang ng nag ngangalang CODY SEBASTIAN! Bwiseeeet!

Pero, bigla-bigla ding pinamulahan ako ng mukha ng maalala ko yung araw na nagkasama kami sa loob ng kotse nya, yung time na pinunasan nya yung gilid ng labi ko, yung eksaktong oras na naramdaman ko na parang huminto ang takbo ng oras..

haaaaaaaiiizt! Ginulo ko nalang ang buhok ka sa pinag-iisip ko! mali to! hindi to dapat! sa dami ng pambubwisit nya sakin, hindi ako dapat kinikilig or natutuwa sa mga simpleng bagay na ginagawa nya!

wala na! wala nako sa matinong pag-iisip. Baliw kana Summer!

Imbes na magmukhang baliw pa ako dito kakatitig sa kisame ay nagpasya na lang din akong lumabas ng bahay tutal, parang nasa classroom padin ako dahil palaging sumisingit ang imahe at pambubwisit sakin ni Cody.

****

Ewan ko kung bakit bigla na lang ako napasok sa isang salon sa mall na pinuntahan ko. Maglalakad lakad lang sana ako pero bigla na lang ako napahinto sa isang kakabukas na bagong salon, may promo kasi, first 10 customers ay mabibigyan ng libreng mini make over.. natuwa ako sa promo na yun and the next thing is, I just saw myself sitting infront of the lifesize mirror at pinag mamasdan ang baklitang kanina pa kinakalikot ang mukha at buhok ko. Sa tantya ko nga ay hirap na hirap syang ayusan ako. Haha! malas nila at isa ako sa first 10 lucky customers na nakasama sa promo nila! Nilulubos-lubos ko na din kasi LIBRE to mga tol! tokwa naman kung  gagastusan ko ang sarili ko ng dahil lang sa pagpapaganda! eh, sadyang maganda nako!

AUTHOR: O_o

Summer: Author? yan kana naman ah? epal ka naman ah!

Author: ^_^

Summer: Good!

So, yun na nga! Sa pagmamasid ko sa naka-toka sakin na bakla ay parang gusto nyang isumpa kung sino man ang naka-isip ng promo nilang to dahil ng dahil dun ay nagkandahirap hirap tuloy sya sa pag-aayos sakin dahil sa natural kong angking kagandahan.

WALANG PWEDENG KUMONTRA KASI MOMENT KO TO!

Ehem, sorry, nawala poise ko dun ah?!..

relax Summy.. naniniwala ang mga readers mo na MAGANDA KA!

(PWERA BUYAG!)

kaya naman imbes na mamroblema pa ako sa pinoproblema ng chorva eklaboo kong beautician ay i-eenjoy ko na lang ang LIBRENG KAGANDAHAN!

Minsan lang to mga Dre' lulubusin ko na talaga!

Matapos ang ilang dekada na make over sa akin ay Lumabas na ako sa Salon kaagad-agad dahil kita ko ang bwiset na bwiset na mukha nung bakla at gamunggo nyang mga pawis na nag-uunahan tumulo sa mukha nya matapos akong ayusan. Sa itsura nya ay parang mas nagmukha pa syang nag-araro kesa sa nag-salon.

Lakad*Lakad*Lakad at ini-enjoy nalang ang bawat oras.

Malakas ang loob ko na ibalandra ang mukha ko dahil sa ayos ko ngayon. Buti na lang din pala at napakiusapan ko sina kuya Bert and the 3 hunkies na hayaan muna akong maglakad mag-isa sa mall, buti na lang at pumayag sila at nagpaiwan na lang din sa parking lot matapos ang katakot-takot kong explanation. Wala naman sigurong magtatangka sakin ng masama sa Pampublikong lugar diba? Kahangalan na kung gagawin yun ng masasamang loob!

Nahinto ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa braso ko at ganun na lang ang pag-init ng pakiramdam ko ng makilala ko kung sino.

[ Grey ]

Matapos ang mainit na paghaharap namin ni Cody ay naging parang active volcano na naman ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa, na Anytime, pwedeng sumabog. Hindi ko na naman ginusto na humantong ulit kami sa ganun pero, nawalan ako ng choice kundi ipaglaban ang nararamdaman ko, Ang gusto ko.

Oo, tama kayo ng pagkakabasa. From the word itself.

Gusto ko si Summer.

Matagal na.

At katulad ng sitwasyon namin noon kay Nicole, mas nauna kong nakilala si Summer bago pa sila nagkakilala ni Cody nung nagkabunggo sila.

Oo, nandun din ako, nagmamasid.

Hanggang nung araw na Dumugo ng noo nya, Dun ko lang naramdaman ang matinding takot nung nakita ko kung paano umagos ang pulang likido sa gilid ng noo ni Summer, kaya nung tumakbo sya ay agad ko syang sinundan, stalker na kung stalker, pero yun ang totoo. Nung nakita ko syang nakaupo na lang ay Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko sya, Takot kasi ako nun. Pero ang mas nangibabaw ang takot ko ng makita ko syang duguan.

That time na halos nakalapit na ako sa kanya ay parang gusto kong syang yakapin ng mahigpit pero pinigilan ko ang sarili ko. Sinadya kong maging misteryoso ang lahat sa kanya about sakin dahil ayaw ko naman isipin nya na alam ko ang nangyayari.

Si Summer? Nagustuhan ko sya sa Pagiging Simple nya. Hindi nga sya kagandahan pero, sya lang ang tanging babaeng nakakuha ng atensyon ko sa pinaka-Simpleng paraan.

Sa mga pagkakataong nag-iisa sya ay nasa distansya lang ako para pagmasdan sya. Nakukuntento na ako sa pagtingin lang. Ok na sana ako nun sa pamasid-masid, sa pasimpleng tingin.. pero sadya nga yatang walang perpekto na love story dahil andun pa din si Cody sa pagitan namin.

Hindi ko alam kung sinasadya nga ba ng tadhana na muling i-recall ang nangyari noon.

Tama!  Sa tingin ko naiintidihan ko na. Siguro, ito ang panahon na binibigyan ako ng pagkakataon na itama ang hindi ko nagawa dati kay Nicole. Bagay na na-realize ko nalang matapos mawala sakin ang kaisa-isang babeng minahal ko ng buong puso. Tama! Ito ang oras at pagkakataon para ipaglaban ko naman ang sarili kong nararamdaman without thinking about ruining the friendship. Ang Bwiset na salitang yon ang una kong isinaalang-alang kaya naduwag ako sa nararamdaman ko noon kay Nicole. Dahilan kung bakit hinayaan kong masaktan ang sarili ko sa bagay na hinayaan kong mapunta sa iba. I think, ito na ang tamang oras para ako naman ang sumaya.

Malakas din ang kutob kong hindi totoo ang panliligaw ni Cody kay Summer. Sa Nakikita ko kasi ay palagi silang nag-aaway and howcome na manliligaw si Cody? sa tipo kasi ni Summer ay malabong magkagusto sya dito?!

Well, malalaman ko din.

Yung tungkol naman sa T-shirt. Malalaman nyo ang kwento sa likod nun at bakit importante yun sakin sa susunod na mga  kabanata. Hindi pa din ako handang sabihin sa inyo.

Umaga pa lang ay si Summer na agad ang hanap ng mata ko,

Palagi naman!

Sinubukan kong dumaan sa Classroom nya para sumigla naman ang simula ng araw ko, pero hindi ko sya nakita. Lumabas na lang ang mga kaklase nya at ganun din sina Cody na lumabas din, Classmate nga pala sila at seatmate pa!

F*uck this! nagseselos ako!! and I wont Deny It!!

Nung medyo nasa distansya na ang lahat ay pasimple akong sumilip sa loob at Wala nga si Summer, most of the time kasi ay sya palagi ang nahuhuling lumabas. Nakaramdam ako bigla ng pag-aalala dahil alam ko sa sarili ko na hindi liliban ng ganun na lang si Summer lalo na sa mga major subjects nya. Sa ilang taon na pagmamasid ko sa kanya ay nalaman ko yun.

Kaya naman nung nakita ko yung babaeng palagi nyang kasama ay agad ko itong nilapitan. Konting Smile lang at pa-cute ay sinabi na nito kung nasaan si Summer.

Credits to myself.      -kidding!

Desperado na kasi ako! hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may hindi magandang nangyari sa kanya.

Kung pwede nga lang na puntahan ko sya sa Tinitirahan nya ay gagawin ko, pero alam kong mahigpit ang Security lalo na ngayon na Pinuno na namin sya. Matapos kong malaman mula sa kaibigan nya kung nasaan sya ay agad kong tinungo ang sasakyan ko at pinaharurot ito. Delikado ang magpa-gala gala sya kung saan-saan lalo na sa estado nya ngayon.

Lakad-takbo ang ginawa ko sa Mall,

Sh*t! ang laki pa naman ng Mall nato! sang lupalop ko kaya sya hahanapin?

Kahit pagod na ang mga binti ko kakalakad ay tiniis ko nalang dahil mas importante sakin na makita ko sya.

Then, after a few moment na paghahanap ay nakita ko din sya, Thank God!

Nakita ko ang paglingon nya sa gawi ko at pasalamat akong safe sya.

Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras nung makita ko sya lalo na nung ngumiti sya..

I shook my head para ibalik ang sarili ko sa katinuan. When I finally reached her ay agad ko nang hinawakan ang kamay nya.

[ Cody ]

Nagsisimula pa lang ang first subject namin pero hindi na ako mapakali, nakaka-ilang sulyap nadin ako sa upuan ni mangku!

Bwis*t! para tuloy akong aleng di mapatae sa sitwasyon ko ah?!

"Hey, bro. Are you alright?" Tapik sa likuran ko ni Lee na kanina pa ata napapansin na wala ako sa sarili ko.

"Ano kaba, Lee? Halata naman diba?" Si Dash na bahagyang tumawa.

Magkaron ka nga naman ng mga kaibigan na Concern tulad nila! MAMALASIN KA TALAGA!

"Im alright." Sagot ko.

Damn it! Ganun ba kahalata at napapansin nila?

ALRIGHT?? Ofcourse not! Hindi ako OK at bwisit dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito!

"Wala sa sarili yan kasi wala si Summer, kita mo naman kung paano nya lingunin yung katabi nyang upuan diba, Summer's Empty Chair means Empty Heart din ni Cody Sebastian!" Patutsada pa ni Lee.

BRO, salamat sa pag-aalala, isa pa sasapakin na kita!

"Ilang sandali lang na hindi mo nakita yung babae nagkakaganyan kana? bro, malala kna!" Pang-aasar ni Dash at nagtawanan na nga sila.

Sa lakas ng naging tawa nila ay nakuha nila ang atensyon ng Prof naming Matandang dalaga  na agad ding lumapit sa kinaroroonan namin. Maging ang mga Classmates namin ay nakatingin nadin sa direksyon namin.

Langya! nakakahiya silang dalawa!

Sinubukang kalabitin ni Clint ang likuran nila Dash at Lee pero, winakli lang nila ang kamay nito. Clint tried again pero ganun pa din ang ginawa nila. Then Ms. Vasquez just gave Clint her LET-ME-DO-IT look.

"Ehemmmmmmm!" Paramdam ni Ms. Vaszquez na nagpipigil ng galit. Hindi padin nila ito pinansin at Tumawa pa din ng tumawa ang dalawang kurimaw.  Hindi Talaga nila napansin ang presensya ng All time Taray naming Prof.

Nakita ko tuloy ang mas nakakatakot na face transformation ni Ms. Vasquez nung hindi sya nilingon nung dalawang praning.

Sinubukang kalabitin ni Ms. Vasquez si Dash at Lee mula sa likod na nakaharap naman sakin na Halos hindi na humihinga sa kakatawa! Tulad ng ginawa nila kay Clint ay Winakli lang nito ang kamay ni Ms. Vasquez na ikinagulat ko maging ni Clint na nasa tabi lang nila. Then Ms.Vasquez tried again.

"Ano ba Clint?- HAHAHAHA, wag ka ngang basag trip- HAHAHA! sakit na ng tyan ko Lee tama na- HAHAHA!!!"

Napatingin lang ako kay Clint na nasa likod nila na nagkibit-balikat lang. Akala siguro nila na si Clint pa din ang kumakalabit.

Deads na talaga sila!

Hindi na nakatiis si Ms.Vasquez at binatukan na talaga nya ang dalawa ng sabay, matapos nun ang matunog naman na tawanan ng mga nasa loob ng Classroom.

Gigil na tumigil ang dalawa sa pagtawa at galit ito na tumalikod sakin para harapin ang kanina pa umiistorbo sa pagtawa nila.

"Hoy, Clint! anak ng pitong talangka ka naman oh! diba sabi kong wag kang- "

Muntik na akong humagalpak ng tawa ng makita ko ang naging reakyon ng dalawang ugok matapos nilang makita ang galit na galit na galit na galit na si Shrek- este! Ms.Vasquez na umuusok na ang bumbunan sa galit.

"H-h-hi Ms. Vasquez..." Malumanay na nag-wave pa nilang bati kay Super Volta na tila mababasag na ata ang pustiso sa panggigigil sa kanilang dalawa!

****

Matapos ang parusa kina Dash at Lee na pinaglinis lang naman ng buong Classroom right after sa klase ay sumabay nadin akong umalis. Hinintay ko nalang silang matapos at puro tawa ko lang ang naging sound system nila sa buong oras nilang pagyu-Utility Service!

Ako naman ang tumawa sa kanila, and masasabi ko na kung fresh meat pa ako ay kanina pa ako Hiwang-hiwa sa talim ng mga tingin na pinupukol nila sakin.

KARMA NGA NAMAN!! HAHAHA!!

Matapos nilang pakintabin ang sahig at ayusin ang mga upuan ay nagpasya na kaming umalis ng St. Ferg's University.

Ilang hakbang na lang sana papalabas ng University ay may bigla akong naalala na nakalimutan kong dalhin.

Nagpaalam nalang muna ako kina Lee dahil kailangan ko pa palang kamustahin si Mangku! Kung isasama ko pa sila ay paniguradong uulanin lang ako nila ako ng pang-aasar.

Matapos kong makuha ang bagay na binalikan ko sa Classroom ay nahagip ng mata ko si Alexa di kalayuan. Siya nga pala yung Bestfriend ni Mangku at -KAUSAP SI GREY???

Hindi naman sa chismoso ako pero may urge na nagsasabi sakin na lumapit at pakinggan ang pinag-uusapan nila.

And Right at the moment na pagkapwesto ko sa pinagtaguan ko ay narinig ko na pinag-uusapan nila si Summer at kung nasaan ito.

"Please, Im Begging you.. Tell me kung nasaan si Summer, Nag-aalala kasi ako." -Grey

Nag-aalala? putek! Anong alam nya sa ganong salita?

"Magagalit kasi si Summer Kung sasabihin ko sayo.. Nakakatakot pa naman yun magalit!" -Alexa

That's right Alexa, Wag mong sasabihin..

"Look, Alam mo naman diba kung ano na sya ngayon ng Mugen-Dai? Dont tell me na hahayaan mo nalang syang mapahamak sa lugar na yon? Bestfriend ka nya and i know ayaw mo syang mapahamak. Ganun din ako." -Grey.

Bravo, Grey! Galing mo pa ding artista!

Nakita ko ang hesitation sa mga mata ni Alexa ngunit mas nangingibabaw ang Concern nya sa Kaibigan. She Breathe Deeply bago muling nagsalita.

"Fine! Nasa WattyMall Siya." -Alexa

I knew it! She's a Friend and i know nag-aalala din sya.

So, Hindi ko na pala kailangan ang hanapin si Summer, NAKAKABUTI DIN PALA ANG PAGIGING CHIISMOSO MINSAN..

Hindi kona pinakinggan ang kung anu pang  pinag-uusapan nila at agad kong tinungo ang parking lot at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan patungo sa Lugar kung nasaan Si Mangku ayon kay Alexa.

Pero, Saglit nga lang- Langyang babaeng yon! Maghapon akong hindi mapakali kakaisip at halos magka-stiffed neck na ako kakalingon sa upuan nya tapos gumagala lang pala sya??? Mababatukan ko lapa-lapa nya eh!

Nag-drive na lang ako ng nag-drive! Kailangang mas mauna kong makita si Mangku kesa ni Grey!

Bakit din kaya hinahanap ni Grey si Mangku? Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay nato ah?! Malilintikan talaga sakin si Grey.

Lintek naman kasi! bakit kasi sya gumagala?

Buseeet! teka nga- bakit ba ganito ako mag-alala sa babaeng yon? Bakit ba pakiramdam ko na handa akong pumatay na tao anumang oras basta mapahamak ang babaeng yon??

Sh*t!! Sh*t!! nakakainis! hindi ko na talaga maintindihan sarili ko!

Hindi! walang ibig sabihin ang pag-aalalang yon! Iniisip ko lang ang kapakanan nya bilang namumuno samin dahil isa yon sa mga responsibilidad ng isang member ng MD, ang protektahan ang Pinuno nila!

Tama! Yun nga!

Hindi ko na naayos ang pag-park ko ng kotse sa parking lot at daig ko pa ang nag-marathon sa takbo na ginagawa ko. Hingal na hingal na ako. Im tired.  So Damn Tired both mind and Body but I need to see her right away!

Tanga pa naman yun!

Nasa Third Floor nako ng bwiset na pagkalaki-laking mall nato ay nahagip naman ng mata ko ang taong ang sarap pektusan sa gilagid! Tinakbo ko nalang ang direksyon nya, baka mawala pa sa paningin ko, mahirap na.

Nang makarating naman ako sa pwesto kung nasaan sya ay agad ko namang hinawakan ang kamay nya at hinarap sya.

"Hoy, mangku! baliw kanaba?? bakit ka gumagala?? Alam mo bang delikado ang lumabas ng mag-isa? tsaka, bakit hindi ka pumasok at anung-! "

Halos parang nalunok ko ang lahat ng laway ko at biglang nanuyo ng bigla ang lalamunan ko at umurong ang dila ko sa kung anu pa man ang sasabihin ko ng sa paglingon nya sakin ay halos hindi ko na sya makilala dahil sa ayos nya.

Reaction ni Ako: O_O

Holy...

Anu ka ngayon Cody??

Nga-Nga!

maya maya pa...

"What are you doing here?"  Tanong ng Pamilyar na boses. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong mga kamao ng makita kong hawak-hawak din nya ang kabilang kamay ni Mangku.

Damn it! bakit nya hawak yon??

I looked up at hindi nga ako nagkamali, siya nga.

"I should ask you the same question, Grey. What the hell are you doing here?" Tiim bagang kong tanong.

"Im here to fetch her. Iuuwi ko na sya." -Grey

I smirked. "You'll take her home? Lakas naman ng loob mo! Wala akong tiwala sa mga kagaya mo Grey.."

"Im not asking for your trust,  Now let go of her and I'll take her home!" -Grey

Hindi ako umimik, Nagsukatan kami ng tingin. Tingin na parang pinapatay na namin ang isat-isa sa mga isipan namin.

Taragis na yan! halos paliparin ko ang sasakyan ko para lang makapunta dito at dinaig ko pa ang nag-jogging kakatakbo para lang makita ko Si Mangku then sasabihin lang nya sakin na bitawan ko si Summer?

-HELL NO!

"Bitawan mo sya Cody.." Madiin nyang utos.

F*ck! Sino sya para utusan ako??

"I said let go!" Pag-uulit nya.

Imbes na sumagot ay hinila ko si Summer papunta sa gawi ko pero agad din naman nya iyon binawi.

"No!" madiin kong sagot.

Naging mas malapit ang distansya naming dalawa ni Grey at Si Summer ay nakapwesto na lang sa right side namin without letting go of her hands.

I wont let go at alam kong Wala ding planong bitawan ni Grey ang kamay nya.

Lintek! Hindi ako bibitaw!

HINDI!

itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top