Chapter16
#Woooohooooo!!
namiss nyo ba ako? or ung UD ko lang ang namiss nyo?? :((
hmmm.. pasensya na po kung medyo bitin. Inihabol ko lang po ito kasi super dami na po talaga ng inaasikaso ko sa work kaya minsan hindi ko na maharap.. pero diba, tulad ng promise ko na as soon as maka-libre ako ay mag-UD agad ako... kaya heto na! yoooo!
sana magustuhan nyo po ang chappy nato.. libre comment and vote.. :))
[ SUMMER ]
"Dito ka nakatira?" Manghang tanong ni Cody sakin. Kakarating lang namin sa mismong tapat ng bahay at ewan ko dahil parang gulat na gulat sya makita yung tinitirahan ko.
"Oo.. may problema ba?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
"Grabe ka Mangku! Eto ang bahay na tinatawag mo?" Sabi nyang halos idinikit pa ang mukha sa windshield at inikot ang mga mata nya sa kabuuan ng bahay.
"Ano bang problema?" muli kong pagtatanong. Malay ko bang kaya ganyan ang reaksyon nya ay baka dating kilalang Haunted house ang bahay? Medyo luma na kasi ang itsura nito. Kung ihahambing mo sya sa mga gusali ay para syang smaller version ng ancient castle sa London. "Ano bang problema sa bahay namin?" Naiinis na talaga ako dahil pinagmamasdan padin nya ang facade ng bahay na animo wala ng bukas.
"Thank you Mangku!" Kinulong nya ang magkabila kong pisngi at pinisil-pisil yon. Direkta ko tuloy naramdaman ang init ng mga palad nya.
Hindi naman ako naiinis ngayon... KINIKILIG lang ako! yeeeeeee!!!
"Teka, ano bang problema mo? Bakit kaba nagpapasalamat? Nanalo kaba sa lotto? sa masiao? or sa swertres? o baka naman sa jueteng? naku Cody- araaay!" napatigil ako sa pagsasalita ng kutusan nya ako. Matapos naman nun ay hinarap nya ako na may malapad na ngiti.
"Hindi mo ba alam na isa to sa mga pangarap ko?" -siya
kunot noo ko syang tinitigan. "Dream? Ang alin? Teka- ano ba kasi pinagsasabi mo?" Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko. Nakakabwisit kasi, hindi naman ako manghuhula para malaman yung pinagsasabi nya.
"THE OLD WATT MANSION.." palingi-lingi nyang sinabi na ibinalik ang tingin sa bahay.
"THE OLD WATT MANSION? Oo, yan ang pangalan ng bahay na yan! Oh? eh, anu ngayon? tsaka, bahay namin yan." naguguluhan na talaga ako. Bahala sya. Diko magets!
"Hoy, Mangku! BAHAY ang tawag mo sa gusaling yan?" Itinuro nya ang bahay.
"Kasasabi lang diba? Binge lang? tsaka, Oo nga!, bahay namin yan at- Araaay! ano ba? bakit kaba nambabatok?" binatukan na naman nya ako sa pangalawang pagkakataon, Pangalawang beses na to! isa nalang ihahampas ko na talaga ang takong ko sa kanya!
"You really dont understand, do you? Alam mo ba na nasa History yang bahay na tinatawag mo? THE OLD WATT MANSION ay nagsisilbing white house kung sa presidente pa ng USA?! This is a dream come true to see that MANSION with my very own eyes! Hanggang picture ko lang kasi to nakikita simula nung maliit ako, and look now? Nasa harapan ko na sya! tapos ikaw parang wala lang? You're unbelievable!" Paglalahad nyang hindi makapaniwala sa reaksyon ko.
Wow! Historian ang peg?
Oo na! alam na nya ang history!
Maniwala man kayo or sa hindi, Alam ko din ang lahat ng pinagsasabi nya. Kahit wala akong interes sa Gang thing na yan ay responsibilidad ko pa din na alamin ang lahat. Maging ang pagkakasunod-sunod ng mga pamumuno nito ay alam ko. Mga taon ng kapanganakan nila, Kailan sila namatay, Paano sila namatay, Paano sila namuno, maging ang background nila, alam ko! Pati chika ng mga kapit-bahay nila alam ko! hndi JOKE lang! alam ko lahat ng bagay pagdating sa Mugen-dai. Kaya naman hindi ko masisisi si Cody kung ganito ang naging reaksyon nya. Sa totoo lang kasi, wala pang nakakapunta dito kahit isa sa mga regular members ng Mugen-Dai.. Ipinagbabawal yun. Maliban sa kaibigan ko na si Alexa na matagal ng pabalik-balik dito ay wala ng ibang nakakapunta dito, pinupuslit ko lang si Alexa pag pumupunta sya. Pero katulad ko ay nag-iingat din sya.
Mahirap talagang makapasok dito, Kung gusto mong makapunta dito ay kailangan pang magpaalam ka sa mga kawani ng Mugen-Dai at kung hindi naman importante ang sadya mo sa Mansion ay hindi nila ito pinapahintulutan. Ganun sila kahigpit. Hindi naman daw kasi Tourist spot ang Mansion kaya walang dahilan para gawing pampubliko ang nasasakupan nito. Isa nadin sa mga dahilan ay ang seguridad ng Namumuno.
Isa pa, Bago ka makarating dito ay may madadaanan ka pang dalawang gate na kapwa secured dahil sa finger print scan nito na automatically na magbubukas kung nakarecord ang thumb print mo sa mismong monitoring room nang gusali. Kung naisip mo na ok na ang lahat na malaya ka nang makakarating sa mansion ay nagkakamali ka, bawat puno kasi at poste na nakatirik dito ay may mga CCTV na bantay ang bawat galaw mo, meron ding mga nagkalat ng guard sa paligid kaya naman bantay sarado ang lahat ng pwedeng daanan, nagkakaron din ng ground ang gate na nakapalibot dito every midnight so, bago ka magbalak na makapsok sa teritoryo ng Mansion ay Crispy kana. Then siguro 3 ektarya pa ang kailangan mong lakarin bago ka makarating sa kalagitnaan kung saan nandun nakatayo ang OLD WATT MANSION.
BAHAY kung tatawagin ko.
Kaya naman hindi na din kayo dapat magtaka kung palagi akong late except sa dahilan na late na din ako gumising dahil sa layo ng nilalakad ko. Mas gusto ko kasing sa labas ng lang ako ng driver hintayin para naman may morning exercise padin ako kahit papano, at kung ihahatid naman ako sa University ay pinapahinto ko sa lugar ilang metro bago makarating sa mismong Gate at naglalakad na lang ulit ako pero dahil sa alam na nilang lahat ang tungkol sakin at sa koneksyon ko kay kuya ay hindi ko alam kung magkakaron pa ako ng normal na buhay. Mga normal na regular kong ginagawa sa paraang naaayon sa gusto ko.
Bago ako bumaba ng sasakyan nya ay pinaalalahanan ko si Cody wag na munang ipagsabi ang tungkol sa paghatid nya sakin hanggang sa mismong mansion. Aware kasi sila na bawal talaga ang pumasok dito. Nangako naman sya na never may lalabas mula sa bibig nya tungkol dun kaya naman napanatag ako. Ang dapat nga ay hanggang sa first gate lang sya, pero ako na mismo nag instruct sa guard kanina na papasukin na lang ang sasakyan dahil sobrang sakit na ng paa ko at hindi kona kakayanin ang maglakad, pero kailangan iwan ni Cody ang ID nito at license. Akala nga daw nya pati Birthcertificate ay kailangan pa nyang ipakita. Medyo napatawa na lang ako sa mga sinabi nya kanina.
Bago pa man si Cody makaalis ay dumating na ang driver ni kuya Gayle kaya naman pinasamahan ko na rin sya hanggang sa labas. Nagpasalamat din ako sa paghahatid nya akin hanggang dito.
*****
"Was that Cody?"
halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsasalita ni kuya sa likuran ko. Papaakyat na sana ako papuntang kwarto ng magsalita sya.
"Yes, kuya." Hindi ko alam pero parang may something na excitement sa pagkakasabi ko nun.
"What's with your smile huh, Summy?" may tono ng pang-aasar sa boses nya kita ko din ang mapaglarong ngiti sa mukha ni kuya.
Si kuya, kumekerengkeng!
"Ako? naka-smile? hindi kaya!" sagot kong kinapa ko pa ang pisngi ko na kalaunan ay napagtanto kong nakangiti nga ako.
BALIW!
"first rule you have to remember Summy sa pamumuno.." Bigla na lang nag-iba nag timpla ng mood ni kuya. "Hindi dapat mabilis makuha ang loob mo."
ako: 0_o
HAAAAAAAA???
"Naiintindihan mo ba Summy?" seryoso ang mukha nyang pagtatanong sakin.
I nodded. No Choice. Hindi ko gets eh! pake nyo!
His eyebrowse raised. yeah, he's not convinced. I know it.
"You dont get it Summy, Do you?"
Paano mo nalaman kuya??? XD
Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matawa sa sinabi ni kuya. Nakakaloka kasi! Haha! hindi ko alam kung bakit nya biglang binanggit yun. Pero parang nagkakaron ako ng idea.
Tumango lang ulit ako.
"No! you really dont understand.." Nilapitan ako ni kuya at seryoso akong tinignan. "you know summy, You're still a baby, my baby sister.. and.. and.. I also dont want you to get hurt.. alam mo yon diba?" hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis kasi parang gets ko na talaga san nanggaling ang mga pinagsasabi ni kuya. I smiled at Niyakap ko nalang sya at para akong batang nagdo-drawing-drawing ng mga invisible lines sa likod nya.
"Then why you made me a leader if you dont want me to get hurt?" Huge word. Alam ko.
Hindi sya nakasagot sa sinabi kong yon. I expected it and I Understand. Alam kong marami pa talaga akong dapat tandaan at malaman. Kumawala na ako sa pagkakayakap ko kay kuya at hinarap ko sya.
"Dont worry kuya.. Hinatid lang nya ako. No Malice." Then tumalikod nako at nagpatuloy sa pag-akyat at alam kong naiwan din syang kwestyonable.
Bigla ko tuloy naisip.. No Malice? Wala nga ba? haizt, Ewan ko!
Isang bagay lang ang alam ko ngayon, na dapat kong ihanda ang sarili ko sa bawat araw na makakasama ko ang Gang. Aalis na si kuya bukas at sa araw na ding iyon ay kailangan kong maging mabuting ehemplo sa kanila. Iniwan lahat ni kuya sakin ang lahat ng karapatan para mamuno. Pero kailangan ko pang pag-aralan ang mga dapat kong gawin.. Mga desisyon na hindi dapat maging padalos-dalos.
Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong inilapat ang likod ko sa malambot kong kama. Nakangiti. Sandali, bakit nga ba ako nakangiti? Nababaliw na ata ako. Then, all of a sudden ay bigla na lang nag-pop up sa utak ko ang mga ngiti ng gwapong kapreng yon, Oo na! inaamin ko na! na gwapo nga sya! Totoo naman kasi.. Ilang beses yun nagre-play sa utak ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
*Kriiiiiiiiiing!* *Kriiiiiiiiiing!*
Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang cellphone na nasa tapat lang ng ulo ko.
Tinignan ko ang alarm clock ko na nasa bedside table ko lang and its 2 am in the morning.
Grabe! nakatulog pala talaga ako?
I look for my cellphone na kanina pa ngawa ng ngawa. Putek! nasa ulunan ko nga pala! Kinuha ko agad ang Cellphone, hindi kaya sa Alexa to? mahilig kasi mang-istorbo yun lalo nat dis-oras ng gabi.
Agad akong Napabalikwas ng bangon ng napagtanto ko kung sino ang tumatawag.
*Cody The Monkey CALLING..."
Si Cody tumatawag?
Teka! Bakit sya tumatawag?
Anu na naman problema nun?
Bakit naman sya tatawag dis-oras ng gabi?
Matagal ko munang pinagmasdan ang paulit-ulit na pagbi-blink ng Cellphone ko.
Sasagutin ko ba or Sasagutin ko?
Anoooooo???
Dahil sa nagmumukha na akong baliw kakatitig sa Cellphone ko ay pinindot ko na lang.
"Oh?" -ako. Wag na kayong magtaka, di uso sakin minsan ang Hello.
"Gising kapa?" -Cody.
Sheeeeeeeet, bakit ang masculine ng boses nya ngayon? Yun ang kauna-unahan kong napansin na medyo nakapag-pagising sa natutulog ko pang diwa.
"Ay hindi! Hindi! natutulog nako! Recorder lang to! automatic answer pag tinanong mo!" Kainis! obvious naman na gising pako noh?! nakakawala naman ng goodvibes yung tanong nya! isipin nya nga, Masasagot ko kaya ang tawag nya kung humihilik na pwet ko dito?
"Bakit kaba napatawag?" inis kong tanong sa kabilang linya.
"ha? ah.. eh.. Ano kasi.." paputol-putol nyang sagot.
"Anooooo? Bilisan mo at inaantok na ako!" naiirita kong sabi. Para kasing may magnet ang mga talukap ko sa mata at kusang pumipikit.
"Ano kasi mnagku.. ano.." -cody
Huminga muna ako ng malalim. Ito ang mas magandang gawin lalo na at gustong mong magtatatalak, mas maraming hangin, mas mahaba ang bwelta. Sabi nga nila, lokohin mo lang ang lasing wag lang ang bagong gising.. pero sakin iba naman, bwisitin mo lang ang lasing wag lang ang Summer na napilitang gumising! -BOOM!
"Hoy, Kapre! hindi ko sinagot ang nakaka-istorbo mong tawag sa dis-oras ng gabi at sa oras ng pamamahinga at beauty rest ko para lang matanggap ang mga 'ANO' 'KASI' mo na mga sagot! Alam mo bang- "
"Hindi kasi ako makatulog." bigla nyang sagot sa kabilang linya na nakapagpatigil sakin sa pagsasalita. Pero parang na-imagine ko syang tumaas ang kilay pagkasabi ko ng beauty rest.
Pero, My Golly!! bakit biglang nakaramdam ako ng chills sa mga sinabi nya? Paano ba naman kasi, ang sexy ng pagkakasabi nya nun!
Pero, saglit nga! eh, anu bang pake ko kung hindi sya makatulog.. Ano naman sakin? tsaka, Ano to? Damayan?
"...And Im just checking kung ok ka lang ba." Pagpapatuloy niya na nakapagdala sakin ng kiliti sa tummy ko.
BANGGGG!! LALAG NA GARTER NG PAJAMA KO!!
"h-haaa?" ako naman ang hindi nakapagsalita ng maayos at himalang kumalma bigla ang boses ko. Takte! anung nangyayari??
pwede namang kiligin diba? Gabi naman eehh.. ^_^
"Sabi ko, chini-check lang kita." pag-uulit nya.
WAAAAAAHHH!! INULIT PA TALAGA NYA!!! MAGWAWALA NA AKO DITO SA SOBRANG KILIG!!!!
"h-haaa???" Isa na lang at titili na talaga ako! wala nakong pakialam kung magising ang mga spirits na matandang mansyon natoo!
"Bingi kaba or bingi ka talaga?" pang-aasar nya sa kabilang linya.
Basag trip talaga tong bakulaw nato! kinikilig nako oh!
"..seryoso ako." he added.
"Hende nemen eke peshyente pere e-meneter peh...hihihi" Sagot kong nagpipigil ng kilig. Crap! kinikilig ako!! Alam nyo yung tipong nagsasalita ka sa telepono habang may papikit-pikit pa then pakagat-kagat ng labi. Picture out nyo, yun ako ngayun!
"Cause.. You mean to me." Halos pabulong nyang sinabi.
Sh*t!!! Totoo bang sinabi nya yun?? My Gosh! gusto kong maghagis ng unan! gusto ko ng magtatalon dito sa ibabaw ng kama! Sarap magpagulong-gulong sa sahig! Kahit nagpipigil sa kilig, kinalma ko muna ang sarili ko.
"Hmm.. Beket nemen?" Sagot ko. Ewan! pero parang bilang lumiit yung boses ko. Para tuloy akong dewende sa lagay ko ngayon!
"Pasyente ka kaya para sakin." Malambing nyang sabi.
Kyaaaaaaaaaahhh - !
Hep! Hep!
sandali, sandali!!
Anong sabi nya?
pasyente ako para sa kanya??
"Haaaaaa? peshyente? beket nemen?" Pagpapa-cute ko pa ulit ng boses. Hindi ko talaga mapigilan pramiiiiiis! Wish ko lang hindi nya basagin trip ko. hobby nya kasi yun, ang mambasag ng trip!
ilang sandaling katahimikan, at biglang...
-
-
-
-
"Baliw ka kasi.. WAHAHAHA!!!" sabay nun ang paghagalpak nya ng tawa sa kabilang linya.
LETSE! SABI NA EEHH..
At dun ako naging Incredible Hulk. "Baliw ka talaga! Wag kana ulit tumawag ah, nambubwisit ka lang eh!" pinutol kona agad ang tawag matapos kong sabihin yun at inihagis ang Cellphone ko sa malambot ulit na surface... Sa malambot lang.. SAYANG NGA DIBA KUNG MASISIRA LANG?!
Pero, Bwisit! ang ganda na sana ng moment eh! panira talaga sya! Grrrrrrrr!
[ CODY ]
She ended the call right away matapos kong sabihin yon dahil alam kong asar na asar na sya at naiwan naman akong tawa ng tawa at parang sumasakit na ata ang tyan ko kakatawa dito! Hindi ko alam kung bakit sumasaya ako sa twing nabubwisit ko sya! hahaha!! Mahirap man aminin, pero nag-enjoy talaga ako sa pagsasama naming dalawa kanina kahit sandaling oras lang yun. Actually, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari ngayong araw nato. Ang bilis kasi, Parang kahapon lang nung nagkabungguan kami ni Mangku and sunod na nangyari nalaman kong magkapatid pala sila ni Aruji Gayle at ang nakakagulat ay siya ang mamumuno sa amin pansamantala. Bilis diba? Heto pa ang nakakabaliw, ng dahil sa kanya ay nakita ko ang Mansion na matagal ko ng gustong makita, at dahil yun kay mangku.
Talking about sa tawag, Totoo yung sinabi ko, I called her dahil hindi ako makatulog. Ewan ko at diko alam ang dahilan, at the same time, Gusto ko din kamustahin sya.
Wag ng Magtanong kung bakit! Wag nyo din bigyan ng kahulugan! pinuno namin sya at hindi naman masamang mag-alala diba?
Ang dudumi ng utak nyo!
Tsaka, Napansin ko lang din, bakit ko nga ba ako mag-aalala sa babaeng yon kung sapak pa lang nya ay pamatay na?? Pero kahit na! babae pa din sya kahit maliit ang bumper nya! babae pa din sya kahit kilos maton sya! babae padin sya kahit-
What the???.. ano ba mga pinagsasabi ko???.. nababaliw na ata ako!!.. letse!!!
Honestly, Para matahimik na mga kaluluwa nyo, Ewan ko din kung bakit. Ang totoo kasi nyan ay Tatawagan ko sana sina Dash para yayain lumabas dahil sobrang boring pag-uwi ko, pakiramdam ko kasi, matapos kong ihatid si Mangku ay bilgang naging malungkot ang oras.. ewan ko nga din kung bakit ko biglang na-dial ang number ni ng babaeng yun! Samantalang ang layo naman ng D sa M, siba? Minumulto ata ang Cellphone ko, Lintik na!
Sa kabilang banda naman, hindi ko naman masisi ang Daliri ko or ang Cellphone ko. Okay na din naman pala kasi nainis ko naman si Mangku.
Kinabukasan, ewan ko kung ano ang nakain ko at masigla akong bumangon na madalas naman ay tamad na tamad ako. I did my morning rituals at konting push ups para ma-maintain ang simpleng shape ng katawan ko. Maselan kasi ako pagdating sa katawan. Ayoko ng masyadong malaki. Ayoko nag nagmumukha akong Johnny Bravo.
Mas maaga pa kesa sa mga naunang mga araw ang pagdating ko sa University. Agad din naman akong dumiretso sa Classroom kung saan nag-aantay ang mga tukmol kong mga kaibigan na walang atang ibang ginawa kagabi kundi punuin ng notification ang facebook ko. Ang topic? Ang mga kagaguhang pinagsasabi ko lang naman kahapon tungkol sa panliligaw ko kay Mangku na ang katotohanan ay napilitan lang ako sabihin dahil parang naghahamon si Grey at ayoko ng minamaliit ako!
Kung tatanungin nyo naman ako kung pinagsisihan ko ba ang pagkakasabi ko nun?
Ang sagot ko... HINDI.
Tanong nyo kay Darna, baka alam niya kasi ako, HINDI.
Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang mga bagay na imposible at hindi dapat mangyari kahapon. Wala naman akong pinagsisisihan dahil alam kong lahat ng nangyayari ay may mga dahilan.
Binasa ko ang ilan sa mga notifs and as i expected ay puro pang-aasar ang nababasa ko, may nagko-congratulate pa. Somehow, Hindi ko alam kung dapat ko bang ikagalit ang mga nabasa ko. Sa totoo lang kasi para akong baliw na pangisi-ngisi habang binabasa ang ilan sa kanila kagabi hanggang kaninang umaga paggising ko.
Pagpasok ko pa lang sa Room ay narinig ko na ang sabay-sabay na hiyawan ang mga G*go kong mga kaibigan na sinalubong ako. Malakas ang naging mga hiyawan nun, isa nadin sa mga dahilan ay majority ng mga estudyante sa room namin ay lalaki, kasabay naman nun ang paglapit nina Dash, Lee at Clint. Oo, nga pala, nakalimutan kong banggitin sa inyo na inabangan lang naman nila ang prof nila last week para mailipat sa Klase kung saan ako nandun, This week lang sila nailipat at wala akong ideya anun ang ginawa or sinabi nila sa matandang prof namin na yun para mapapayag nila ng ganun. Kaya heto, nagmistula tuloy mini Jungle ang dating matinong Room dahil nailipat sila dito.
"Ho! ho Ho! Kamusta ang paghatid kagabi?" si Dash na inakbayan ako.
"Ayun! Hatid pa din." Pamimilosopo ko. Naupo na kami sa bandang likuran. Actually, nasa likuran lang namin silang tatlo ni Summer. Ang totoo kasi nyan ay hindi pa nila talaga nakasama si Summer sa klase, Madalas kasi kaming walang klase at ganun din kadalas wala sa Room si mangku. Kaya naman hindi na ako nagtaka kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon nila nung nakita nila si Summer kahapon. Panget kasi ang pagkaka-describe ko kay mangku sa kanila sa pagkakaalala ko. Pinaka-panget na description na nagawa ko sa tanang buhay ko. HAHAHA!
"Magkwento ka naman.. KJ nito!" sabad naman ni Lee na humarap pa talaga sakin, hindi sya halatang excited ano?
"Magkwento? Hinatid ko lang sya. Tapos!" inis kong sagot.
"Bad trip ka naman! yung totoong kwento!" Singit naman ni Dash na tinataas-baba ang kilay na hinarap ako.
"Ano ba kayo? Ano pa bang ibang pwedeng gawin maliban sa paghatid ko sa kanya?" Sagot ko. Bigla naman nilang inilapit ang mga mukha nila sakin na tila nag-aabang sa anu pang sasabihin ko. Tinignan nila ako at nakakaloko akong nginitian.
Mga Haliparot na mga lalaking to! Ano kayang gusto nilang sabihin ko?
Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano ng biglang magsalita si Clint.. "Make sure my pillow is safe."
Natahimik kami at sabay-sabay nagsitaasan ang mga kilay namin na tinapunan sya ng tingin.
Ano bang pinagsasabi nya?
Sinong Pillow?
Teka-
Pillow?
yun ba ang tinawag nya kay Mangku?
Pillow?
Bakit pillow?
Bakit ganun ang tawagan nila?
Bakit sila may Endearment?
Hindi na ako nakapagtanong ulit ng biglang dumating ang prof namin at nagkanya-kanya na kaming balik sa mga sarili naming pwesto.
Bakit may tawagan sila? Bakiiiiiiit??
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panggigigil kay Clint. Pakiramdam ko ang sarap nyang kwelyuhan sa tawagan nilang yun!
Peste! Bakit nga ba kasi yun ang tawag nya kay mangku?
Putek naman oh! Matanong nga lang ang babaeng yon!
Bigla ko tuloy naalala na hindi ko pa pala napansin na dumating ang babaeng yon!
Wait nga lang! Asan nga pala si mangku?
itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top