Chapter14
[ SUMMER ]
"Summer..."
Sapat na ang isang tawag at boses nyang yon para dali-dali akong bumangon sa kama ko. Sino pa ba? Edi ang Napaka-Gwapo kong kuya! He's wearing his favorite marine-blue 3/4 sleeves na ako mismo nagbigay at naka-maong ito na hapit na hapit sa katawan niya. Gwapo talaga ang kuya ko kahit kailan! Macho pa! kaya nga proud sister ako eeh!
"Be Hurry.. ok?" Nakangiti nya akong nilapitan sabay halik sa noo ko at umalis na sya.
Gustuhin ko mang ihilatang muli ang katawan ko pero, hindi na pwede kaya naman dali-dali kong inayos ang sarili ko at wala pang kalahating oras ay natapos na ako. Wag na kayon magtaka! Hindi ako natatagalan sa harap ng salamin dahil wala naman akong ibang ina-apply sa mukha ko maliban sa facepowder. Minsan pa nga nakakalimutan ko pang magsuklay, pero kahit ganun hindi naman ako madumi sa katawan. Sadyang ayoko lang talaga ng maraming arte.
Paglabas ko ng bahay ay sya namang pagbukas din ni manong sa kotse ni kuya.
Himala at ihahatid ako ni Kuya Ngayon?! Sumakay na lang ako ng tahimik sa sasakyan.
"You look Good on your Dress Summy... Dapat yan ang mga sinusuot mo para naman mas babae kang tignan.." Si kuya.
"Alam mong hindi ito ang mga klase ng damit na papatok sa taste ko kuya.." Ngumiti ako in return. Gustuhin ko man pasalamatan si Kuya sa damit pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa suot ko ngayon. Taliwas naman sa inaasahan ko ay dumaan muna kami ni Kuya sa salon. Dun ay pinaayusan nya muna ako.
"Just light make-up ok? Then, paki-lagyan ng bangs para naman matakpan ang sugat nya sa noo." He instructed.
Aba! Ganito ba ka-expert sa parloring si Kuya? kung maka-order naman kala mo may alam talaga sa ganito ah! YUNG TOTOO KUYA??
After the instruction ay Bigla namang lumapit sa akin ang isang babae at isang binabae na mukha na ding babae at magkabila nila akong hinawakan sa magkabilang braso ko at pina-upo ako sa harap ng isang life-size na salamin. Hinanap ng mata ko si kuya pagkaupo ko. At yun! ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin at nagbabasa lang sya ng Newspaper. Sandali lang ang naging pag-aayos nila sakin since hindi naman beauty pageant ang pupuntahan ko. Inayos lang nila ng konti ang magulo kong buhok at konting blush-on lang. konting Lipstick na hindi naman masyado mapula, tama lang para mabigyang buhay ang labi ko. Naisip ko tuloy na parang nairita siguro si Kuya sa itsura ko. Akalain mong ang Ganda ng Damit na pinasuot nya sakin tas ang nagsusuot naman ay tila mukhang natalo sa saklaan?!
"Sir?" Tawag nung bakla kay kuya ng matapos sila sa pag-aayos sakin at pinatayo ako mismo sa harapan ng kuya kong Chonggo! Nag-angat ng tingin si Kuya. Doon ay parang inis-scan nya ako mula ulo hanggang paa. Then He nodded with a satisfying smile.
"Perfect! Perfect Bruno!" Baling ni kuya sa bakla na nasa gilid ko.
"Sir naman ehh.." -bakla
"Ay Sorry... Bettina pala!"
Muntik na akong mapatawa sa reaction ng mukha ng baklang nasa gilid ko. Para kasi siyang kabayo na biglang humaba ang nguso nung banggitin ni Kuya ang totoong pangalan ata niya. Ilang sandali pa ay umalis na kami.
Wala pa sa kalahating oras ang byahe ay narating na mismo namin ang University at perfect si manong driver kasi sa mismong gate niya hininto ang sasakyan.
"Kuya, mauuna na ako. Salamat sa mini Make-over." pagpapaalam ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng sulyapan ni Kuya ang Guard at nakita ko na lamang na binubuksan nito ang Gate para sa amin at nagpatuloy na ang pagpasok ng kotse sa University. Maraming tao ang agad nagsitinginan sa direksyon namin.
Bakit?
Unang-una, hindi pinapapasok ang kahit anung klaseng sasakyan sa loob ng University dahil may sarili itong parking lot na nasa tapat lang mismo ng Skwelahan. Pangalawa, Hindi makakapasok ang isang sasakyan kung hindi importante ang sakay nito. Kaya naman ay hindi na ako nagtataka kung lahat ng mga eyesockets nila a lumuluwa na. Pangatlo, Kilala si Kuya dito at siguro naman ay nasabi na sa inyo kung bakit. Pero, mabuti na lang pala talaga at tinted itong window ng kotse ni kuya. Nabalitaan ko din na pina-bullet proof itong sasakyan nya at mismong Mugen-Dai ang gumastos para dun.
Pero, nagtataka lang ako, bakit naman bigla-biglang naisipan ni Kuya ang ihatid ako? Ito kaya ang bagay na iniiwasan naming dalawa! ang malaman ng buong University na magkapatid kami! Hindi kasi kilala dito si Kuya bilang Akiyama. Tanging pangalan lang nya ang alam ng mga taga rito. Bago pa man ako ma-transfer dito mula Cebu ay 'Gayle' lamang ang ginagamit nya dito at sa lahat ng member maliban sa nga matatandang myembro.. Kung naitatanong nyo kung bakit hindi man lang nalaman ng mismong mga member ang tungkol dito ay dahil sa bago pa man mamuno si Kuya ay pinalinis na ng nakatataas sa kanila ang kahit anong records na nakakabit sa pangalan nya bilang seguridad sa pamilya at syempre, ang seguridad at pribadong buhay nya. Kaya naman kahit isa sa taga-rito ay walang nakakaalam na Isa syang Akiyama. Alam ko ang bagay na yon dahil alam ko din naman na seguridad ko lang at privacy ko ang iniingatan ni Kuya at yon naman ang Gusto ko. Pero sa pagpasok ko sa kasunduan namin ni Kuya ay paniguradong magbabago ang lahat.
Pero, bigla ko ding naisip.. Bakit nga ba sya nandito sa University?
Hmmm...
(after 123456789 years na pag-iisip)
*labas bumbilya sa ulo*
*Ting!*
Teka! Wag niya sabihing?
-
-
-
Oh,noooo!! No! No! No! Hindi pwedeeeee! Hindi pa ako pumayag! Hindi pa!
"Kuya.." lingon ko sa kanya.
Hindi nya ako tinignan, parang alam na nya na may gusto akong sabihin sa kanya at parang alam na din nya kung anu man ang sasabihin ko at pakiramdam ko na ayaw na muna nyang marinig yon mula sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng panlalamig ng kamay ko. Nagsimula na din ako kabahan. Pinag-papawisan na ako ng malamig.
Jusko! ngayon na po ba talaga ang araw na pinaka-iiwasan ko? Ito na ba ang araw na makakaharap ko ang mga basag-ulong mga yon?
"Kuya.." Sinubukan ko muling tawagin si Kuya at salamat at tinignan nya ako, Pero, Sumulyap lang sya saglit at ngumiti ng bahagya saka muling nagbawi ng tingin.
Unti-unti na akong nakaramdam ng takot.
Natatakot na ako...
Natatakot na talaga ako.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
Kung pwede nga lang na tumalon ako mula sa kotse ay ginawa ko na. Ayoko namang biguin si kuya. Pero... Parang hindi ko naman magagawa ang bagay na to! masyadong malaking pasanin ang Gang na yan! Letse kasi! nakaka-inis! Feeling ko napaka-unfair ng mundo para sakin! bakit kasi sa dinami-dami ng tao na pwedeng piliin ni Kuya ay ako pa ang napag-diskitahan. Medyo nagusot na din ang dulo ng Cocktail dress ko dahil ito ang pinang-gigilan kong hawakan. Im so tensed.
"Ma'am Summer..."
Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano ng tawagin ako ni manong Driver at pagbuksan ako ng pinto. Nasa labas na si pala si Kuya at ako na lang ang natitira dito sa loob ng kotse. Hindi ko na napansin ang pagtigil ng sasakyan dahil sa sobrang dami ng iniisip ko.
Tumingin ako sa labas at natutok ang mata ko sa mismong lupa.
Sa oras na bumaba ako sa sasakyang ito at maitapak ko ang mga paa ko sa lupang yan at tyak kong maraming magbabago sa buhay ko, Sa pang-araw araw kong ginagawa, mababago ang tingin ng mga tao sakin. Ilang taon namin itinago ni kuya ang bagay na ito. Pero ngayon, ang totoong katauhan ko ay malalaman na ng buong university. Masaya dapat ang magiging pakiramdam ko, pero.. bakit parang mas gusto kong itago na lang ito habang-buhay?
"Ma'am, naghihintay na po si Aruji Gayle.."
Muli ay naputol ang maraming bagay na iniisip ko na patuloy na bumabagabag sakin.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Manong na tumango lang sakin at hinihintay ang pag-labas ko.
Summer... Kaya mo to! Matapang kang tao! Makakaya mong harapin ang mga taong yon! Makakaya mo! Sandali lang ang isang taon.. Kaunting panahon lang yon! Pero sa ngayon.. Kailangan mong magpakatatag.
Unti-unti ang naging paglabas ko ng kotse at parang nagdadalawang isip pa ako kung itatapak ko ba ang mga paa ko sa lupang iyon or mananatili na lang ako sa loob ng sasakyan?!
Then, after I Gathered my strenght... I stepped out.
[ CODY ]
Maaga akong dumating sa MD underground dahil nga sa pagpapatawag ng nakatataas. Masyado kasi akong nag-isip kagabi sa mga nakita ko. Ang biglang pag-flash ng mukha ni Camiile nung makita ko si Witch.. Hanggang ngayon ay parang gustong sumabog ng utak ko kaka-isip sa bagay na yon!
Kahit antok pa man ay pinilit ko na lang bumangon. After my morning rituals ay dumiretso na agad ako sa MD underground. Most of the time ay ako ang nauuna sa MDU kaso nagulat na lang ako ng sa pagpihit ko ng doorknob ay hindi ito naka-lock. Hindi naman ako nakaramdam ng takot dahil wala namang nakakaalam nito bukod sa mga mismong myembro. Pagpasok ko ay nakita ko mismo ang isang pigura na nakaupo sa sulok, playing Rubik's
"Grey.." Mahina kong banggit sa pangalan nya. Nag-angat naman siya ng tingin at ngumiti lang. Medyo awkward ang pakiramdam dahil first time na nag-abot kami dito sa MDU na kami lang dalawa. Naupo lang ako sa Opposite direction. Iniiwasan ko ang dapat iwasan. Pakiramdam ko ay sumisikip ang buong Kwarto dahil sa mabigat na atmosphere na dala namin pareho. Ilang minuto kaming nagpapakiramdaman ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay binasag nya yon.
"How are you Cody?"
Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo, Hindi ako OK. Never akong naging OK. Simula non.
"Im fine. You?" mahinahon kong pagtatanong.
He shook his head. "OK na. Started Yesterday." sagot nya at makahulugan nya akong tinitingan.
Then, Bigla-bigla na lang ulit nag pop up sa utak ko ang nakita ko kahapon. Hindi kaya yun ang tinutukoy nya?
"Sa tingin ko nga." I Smirked, Pero bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin at kasabay nun ang mood nya ng tumayo siya mula sa kina-uupuan nya at naglakad papalapit sakin.
"Dont you even dare to think about her Cody.." gigil nyang sabi.
I stood up. Letse! nakaka-lalaki na siya ah! ano bang palagay nya sa sarili nya na kaya nyang makuha ang mga bagay na gusto nya? Hindi ko hahayaan yun! Magkanda-letse-letse man ang pagkakaibigan namin pero hindi ako papayag!
"Anong gusto mong palabasin?" Sagot kong mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Nagsukatan kami ng tingin. Bahala na kung anong mangyari ngayon! I tried my best para hindi kami umabot sa ganito pero, sumusobra na sya. Nag-uumpisa nang uminit ang ulo ko at konti na lang at masasapak ko tong kaharap ko!
"Camille is Enough sa mga laro mo, Cody. Wag mo na syang idamay." -Grey
"Hindi ko pinag-laruan si Camille, sadya lang masyado kang ma-epal saming dalawa! at hindi ako naglalaro!" -ako
"Hindi mo ba alam kung paano nasasaktan dati si Camille dahil mas inuuna mo ang p*tang *nang sarili mo kesa sa kanya??"
"Fvck that, Grey! Wala kang alam sa nangyari!" Tumaas na ang boses ko.
"Alam ko! Alam ko ang lahat Cody! Alam na alam ko ang lahat dahil AKO ANG KASAMA NYA NA UMIIYAK SA ORAS NA WALA KA SA TABI NYA!!!" That time ay mas nangibabaw ang boses nya sa buong kwarto.
Natigilan ako saglit sa mga sinabi nya.
Ganun ba akong naging pabaya dati kay Camille? Ganun ba ako naging Selfish sa relationship namin dati? Ganun ba ako naging napaka-walang kwentang Boyfriend sa kanya at mismong kaibigan ko pa ang kumu-comfort sa kanya?
"Huh! para namang hindi ko alam na may nararamdaman ka dati kay Camille noon pa! Tama ba ako Grey? Tama ba ako?" Pinanlisikan ko sya ng mata at kita kong ang pagbaba nya ng tingin. "Tell me Grey.. Ginusto mo din ang panahon na yon diba? Ginusto mo din na ikaw ang nasa tabi nya para maipa-mukha sa kanya na Wala akong kwenta? Na dapat ikaw na lang? Hindi ba?" Hinawakan ko ang kwelyo ng polo nya sa panggigigil ko at itinutulak-tulak sya.
"Oo! Oo Cody! Oo!" His Voice Broked. Hinawakan nya din ang Leegan ng T-shirt ko. "Matagal kong pinangarap si Camille. Pangarap ko na sya bago pa kayo nagkakilala! Matagal na akong may gusto sa kanya! Matagal ko na siyang minamahal pero.." Nakita ko ang maluha-luhan nyang mata. "Pero... Pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon na maipadama sa kanya yon dahil Dumating ka! Dumating ka sa buhay nya Cody!" pinunasan nya ang luha sa mga mata nya. "Nagbalak akong ligawan siya pero naduwag ako dahil alam kong may gusto ka din sa kanya..Dahil magkaibigan tayo! Kaya simula nung naging kayo ay tinanggap ko na lang kung anu ang magiging papel ko sa buhay ni Camille. Nagparaya ako dahil akala ko ay pahahalagahan mo sya! Pero, binigo mo ako Cody!" Tinignan nya ako ng matagal. "Binigo mo ako..."
Hindi na ako muling nakapag-salita ng biglang Dumating sina Dash, Lee at Clint na nagmadaling lumapit sa amin para awatin kami.
"Hey! Hey that's Enough Bro!" Si Clint na hinawakan ang kamay ko para mabitawan ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Grey. Matagal nya bago natanggal ang kamay ko don dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. Ganun din ang naging eksena kay Lee na sya namang nagtanggal sa kamay ni Grey sa T-shirt ko. Si Dash naman ang nagsilbing tagapag-hiwalay samin.
"Paparating na ang mga members, ayusin niyo sarili nyo." Si Clint.
Wala akong pakialam kung makikita ng buong Gang ang sigalot na nangyayari samin ni Grey. Alam kong matagal na silang Puzzled sa nangyayari saming dalawa. Alam kong nakikiramdam sila.
Bago pa man Dumating ang ibang mga member ay napaghiwalay na kami nila Clint sa magkabilang side. Sukatan pa din kami ng tingin kahit medyo malayo na ang distansya namin.
Simula noon ay hindi na kami gaanong nag-iimikan ni Grey pero dahil sa nangyaring sagutan kanina ay mas uminit pa ang problema sa pagitan naming dalawa. At yon ay dahil sa babaeng yon! Letse! Sabi na nga ba at tama ang naging kutob ko! Sabi na nga ba at mauulit ulit ang nangyari dati.
Sa galit ko ay hindi ko na namalayan na nagsidatingan na pala ang buong Gang. Halos napuno na Buong MDU kahit sobra ang laki nito.
Maya-maya pa ay Dumating na ang taong nagpatawag sa aming lahat.
Si Aruji Gayle.
*****
Tahimik lang kami ngayon. Tila pinapakiramdaman kami ng Taong kinatatakutan ng Gang na nakatayo mismo sa harapan namin.
"Hindi na ako mangangamusta sa inyo.. Dahil alam ko na ang magiging sagot." Umikot ang tingin nya sa buong MDU saka sya muling nagsalita. "I came here to Announce you one very important thing.. Once na sinabi ko iyon ay ayoko nang ulitin pa dahil hindi naman kayo mga Tanga para hindi maintindihan.. Nandito ako, para sabihing, Hindi na ako ang mamumuno sa inyo.."
Narinig ko ang mga bulungan. Base sa mga Ekspresyon ng mukha nila, May natutuwa pero hindi lang ipinapakita. May nagtataka. May iba naman na walang pakialam, yung iba naman ay parang hindi alam ang nangyayari.
"Pansamantala lang ito dahil kailangan kong umalis.." Dagdag niya. Natahimik ang lahat. "Pero, bago pa man ako umalis ay may pinakiusapan akong tao na magsisilbing gabay niyo dito.. Sana lang ay hindi niyo sya bigyan ng sakit ng ulo dahil, mahalaga sa akin ang taong ito. Masyadong mahal para ipagkatiwala kayo sa kanya. Sana ay nagkakaintindihan tayo.."
"Eh, Sino po ba ang tinutukoy niyong tao?" Napalingon kami sa pianggalingan ng boses at si Clint lang naman ang nagalita. Malakas talaga ang loob nyang magtanong kahit pa kay Aruji Gayle.
"Good Question, Clint" Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita. Then nakita namin siyang Sumulyap sa Taong nakatayo gilid ng nakasaradong pinto at lumbas ito.
Natahimik kaming lahat.
Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng mga yabag na papalapit sa kinaroroonan namin. Huminto iyon sa tapat ng pintuan at ilang saglit pa ay unti-unting nagbukas ang pinto at parang pelikulang biglang naging slow motion ang lahat ng iluwa ng pintong yon ang isang..
BABAE??
itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top