Chapter13

"Sigurado ka ba sa mga nakalagay dito?" -Mr. Brazero

"100%. Hindi ako pwedeng magkamali.  Lahat ng background niya ay nandyan na din. Kung san siya nag-aaral, san siya nakatira, sino kumupkop sa kanya. Lahat!" -Paninigurado niya.

Ilang taon na akong paulit-ulit nagha-hire ng mga mahuhusay na imbestigador sa ibat-ibang parte ng bansa  pero sa ilang taon na yon ay ngayon lang ako nagkaron ng resulta. Mula sa isa kong tauhan sa ibang bansa ko nalaman ang tungkol sa tinatawag nilang

'SECTOR29' (See CLYDE.)

Isa itong tagong Lihim na ahensya na tumatrabaho sa hindi kayang i-handle ng mga Ordinaryong Pulis or Investigator. Ahensya na hindi tumatanggap ng pangalan at background ng kliyente maliban sa nais nitong ipatrabaho. Kaya naman secured ang bawat impormasyon kapwa kliyente, ahensya at maging ang agent.

Kinuha ko at kinakabahan kong binuksan ang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa anak ko.

Matagal na panahon akong nanabik sa kanya. Matagal na panahon akong naghintay sa pagkakataong ito Para makabawi bilang ama sa lahat ng pagkukulang ko.

Pagkabukas ng Envelope ay agad kong Kinuha ang mga laman non at binasa ang mga impormasyon. Matapos nun ay kinuha ko naman ang isa pang papel na naglalaman din ng resulta ng DNA test. Pero, Bago ko pa man iyon mabuksan ay may nag-slide na maliit na litrato sa sahig na nakapaloob sa nakatiklop ng papel. Agad kong Dinampot iyon at tinignan.

Ganun na lang nag-unahan pumatak ang mga luha ko sa mata ng makita ko ang nasa litrato.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sa tagal ng panahon na hinintay ko, ay abot kamay ko na pala ang anak ko.

Ang nag-iisa na lang ngayon na pupuno sa buhay ko. Kamukhang-kamukha siya ng kanyang ina. Parehas sila ng yumao nyang kapatid. Kapwa may angking ganda.

"Salamat! Salamat!"  maluha-luha kong pagpapasalamat.

"Trabaho ko po ito. Kasama po sa binayaran nyo ang mabilis at saktong resulta." Kaswal niyang sagot.

"Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan CLYDE."  Yon ang pangalan ng babaeng imbestigador.

Hindi na siya sumagot bagkus ay tumango lang siya.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya. Naiwan naman akong nakatingin pa din sa litrato.

Kung buhay lang sana si Camille, paniguradong sya ang unang-unang matutuwa sa magandang balitang ito. Alam ko kung gaano siya kasabik sa kapatid niya at Paniguradong sya na mismo ang susundo sa kapatid dito. Tulad sana ng plinano niya noon bago pa man lumubog ang barkong sinasakyan niya. Ang paghahanap sa kapatid niya ang naging ugat ng dahilan kung bakit napasakay ng barko si Camille ng wala sa oras. Nabalitaan niya kasing may bagong balita sa kapatid nya at may nakapag-sabing nasa Cebu daw ito. Nauna kami ng mama niya doon ,pero hindi paman namin nalalaman ang totoo tungkol sa balita ay lingid naman sa aming kaalaman ay sumunod din pala si Camille. Ang sumunod na lang naming naging  balita tungkol kay Camille at ang paglubog ng sinasakyan nitong barko. Ilang beses kaming nagdasal na sana mali ang narinig namin, na buhay pa si Camille, na ibang barko ang sinakyan niya. Pero ng kompirmahin mismo yun ng isa naming kakilala ay Pakiramdam namin ay biglang nagdilim ang buong kalangitan para sa aming mag-asawa sa masaklap na balitang iyon.

"Honey, please tell me.. Tell me that our baby is still alive..  please...." iyak ng asawa ko.

"We'll find her soon, dont worry.." Pinilit kong maging matatag ang boses ko. Kailangan yun.

Napayakap na lang ako sa asawa ko habang siya ay iyak ng iyak. Bilang magulang ay alam kong masakit din sa kanya, Pinipigilan kong umiyak dahil kailangan kong maging matatag para sa kanya. Kailangan kong maging matapang para alalayan ang asawa ko. Alam kong may pag-asa pa.

Pero lumipas ang ilang araw ay hindi pa namin natatagpuan ang katawan ng anak namin. Maging si Cody ay tumulong din sa pag-hahanap. Dumaan ang Linggo at umabot pa ng mga buwan. pero wala kaming natagpuan. Mahal na mahal niya si Camille at alam naming mag-asawa yun. Saksi ako kung paanong halos gumuho ang mundo ni Cody ng mabalitaan yon. Halos ilang buwan siyang walang tulog at pahinga non dahil sa paghahanap. He even skipped his classes before para lang tumulong sa paghahanap kay Camille.

Pero umabot din sa punto na kailangan namin tanggapin na wala na nga si Camille.

Kailangan tanggapin..

Kahit masakit...

Kahit mahirap...

Kahit Hindi kaya...

Kahit labag sa puso namin...

At ngayon, sa bago kong nabalitaan tungkol sa nawawala kong anak ay nagkaron ulit ng kulay at direksyon ang buhay ko at sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat para maramdaman niya ang pagmamahal na hindi nya nadama sa isang tunay na magulang sa loob ng mahabang panahon. Susubukan kong punan ang mga panahon na nawalay sya samin.

Tinitigan kong muli ang litrato niya at bahagyang napangiti. "Sadyang napakaliit nga naman ng mundo.. anak."



[ SUMMER ]

Bago pa man dumilim ay nakauwi na ako. Grabe talagang pagod ang inabot ko ngayong araw na to.

Hindi pa man ako nakakapasok ng Mansion ay agad akong sinalubong ni Nanay Cela at agad nitong kinuha ang bag ko.

"Ako na ho nanay Cela." kukunin ko pa sana pabalik ang mga gamit ko ng umiling si nanay Cela..

"Kanina pa naghihintay sayo ang kuya mo. Nasa Office siya. Dali, Puntahan mo na."

Akala ko ba matatagalan pa bago makabalik si Kuya? Pero, Hindi na importante yon! Masyado kong na-miss si kuya! Humanda sya sakin! mwehehehehe!!!

Matapos kong ayusin ang gulo-gulo kong buhok at punasan ang pawisan kong mukha ay agad kong tinungo ang office ni kuya na nasa second floor ng bahay. Halos takbuhin ko ang hagdan dahil sa gusto ko na talaga makita ang kuya ko.

Kumatok ako saglit at unti-unti kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Kuya na nakatingin sa kawalan. Hindi nya ata napansin ang pagpasok ko kaya naman ay dahan-dahan akong nagpunta sa likod nya at mula doon ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"Kuya!" kinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya at sabay pugpog ng halik sa magkabilang pisngi niya na nagpahagikgik sa kanya ng tawa. Kakaiba kasi si kuya, may kiliti sa pisngi. Siguro nga pag sinampal to, tatawa lang sya. Wag na kayong magtaka, Ganito kami ni kuya ko. Kahit malayo ang agwat ng edad namin ay hindi iyon naging dahilan para hindi kami maging malapit sa isat-isa. He's 25 and im 19. Mas tumindi pa lalo ang closeness namin nung nawala sina mama at papa. Because of that, we both realized na We only have each other at dapat mas magmahamalan at mas intindihin ang bawat isa. Si kuya na kasi ang tumayong magulang ko simula noon. He's my hero. The Best Kuya Ever! Malaki ang respeto ko sa kanya at alam nya yun.

"Aahaha! Stop it na baby,, Stop it na! nangangamoy laway nako oohh!" Sabi nyang may papunas-punas pa sa pisngi niya.

"Arte nito!"  Sabay hampas sa braso nya. Tatalikod na sana ako pero dahil sa kakulitan ko, niyakap ko ulit siya at hinalikan na naman sa magkabilang pisngi at hayun! tawa na naman siya ng tawa!

"Baby, Hahaha! That's Enough.. okay? may importante akong sasabihin sayo."

Agad akong natigil sa ginagawa kong pangungulit sa kanya ng maramdaman ko ang pagka-seryoso sa tinig niya. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit biglang kumapal ang hangin sa kwartong iyon. Tinungo ko ang Sofa na ilang hakbang lang ang layo mula sa table ni kuya at sinundan niya ako dun. Umupo sya sa kabilang sofa na kaparehas lang ang haba at laki ng inuupuan ko. Matagal nya muna akong tinitigan bago siya napatingin sa sahig.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na to! Nagsisimula ng pawisan ang mga kamay ko pati ata kili-kili ko.

"Ano bang problema kuya?" Hindi ko na nahintay na mauna siyang magsalita dahil hindi ko na din makaya ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Mas maganda kung ako ang pumutol sa tensyon.

Nag-angat si kuya ng tingin at hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang pagka-seryoso ng mga mata nya ngayon. Natatakot ako. Hindi dahil sa kung anu man ang sasabihin niya, Kundi dahil sa gustong sabihin ng mga mata nya na baka mas malala pa sa pwedeng sabihin ng bibig nya. Mga tingin nyang minsan ko lang makita.

Maya-maya pa ay kinuha nya ang kamay ko at marahang hinaplos yon at nagsimulang magsalita.



*******


Magmamadaling-araw na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Kahit anong gawin kong pagpikit ay hindi ko pa din mahanap ang antok ko. Lagyan ko kaya to ng alkitran para mas effective? ilang saglit pa ay naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Masyadong sariwa pa sa akin ang naging pag-uusap namin ni Kuya. Hanggang ngayon ay hindi pa din makapag-process ng maayos ang isip ko sa mga nangyari. Masyadong naging mabilis ang lahat! At sa sobrang bilis ay hindi ko malaman kung saang banda ako magsisimula para maintindihan ang lahat. Gustong gusto kong intindihin.. pero paano?



Flashback


"Tell me kuya Gayle you're just kidding, right??.. Tell me na hindi mo gagawin sakin ito??!!" Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko at sinundan ko lang ng tingin si kuya Gayle na naglakad pabalik sa table niya. Mula doon ay marahan syang umupo sa swivel chair niya at pina-ikot ito papatalikod sakin.  

"Kuya please.. im Begging you.. i dont wanna do this. Please.. Kahit ano, gagawin ko, Wag lang yun!!" Pagmamakaawa ko. Ayoko talagang gawin ito. Ayoko!

Patuloy padin sa pag-agos ang mga luha ko at Gusto ko na mula sa mga luha ko ay maramdaman ni kuya Gayle na Against ako sa gusto nyang mangyari. Iniisip ko pa lang na haharap ako sa mga taong mga berdugo ang itsura, mga naglalakihang mga katawan na halos mapuno ng mga tattoo ang  katawan at sabay buga ng usok mula sa malaki nitong sigarilyo, sa mga imahe lang na yon ay mas gugustuhin ko pang makipag-away na lang sa isang libong kaparehas ni Cathlyn at Cody. Mas lumakas pa ang iyak ko ng maramdaman kong walang effect  kay kuya ang iyak ko.  Hindi naman kasi ako nagbibiro sa bagay nato! masyadong mabigat ang responsibilidad na yon at alam kong hindi ko yon kakayanin. Ilang sandali pa tumayo si Kuya mula sa Upuan nya at para akong batang niyakap sabay hagod-hagod ang likod ko.

"Wala naman akong hiniling sayo na hindi mo kinaya diba?" may tono ng paglalambing sa boses nito.

"Ngayon lang kuya.. ngayon lang naging mahirap.. huhuhuhuhu.." patuloy ko sa pag-iyak.

Para akong batang nagpapadyak habang yakap-yakap niya. "Kuya naman, alam mo namang hindi madali eh!" patuloy pa din ako sa pag-iyak.

"Sandali lang naman Baby eh, alam kong kaya mo!" Hinarap nya ako hawak ang magkabila kong balikat at nag-angat ako ng tingin.

"Kailan pa naging SANDALI ang ISANG TAON,  kuya?" Pagtataray ko.

Bigla siyang natahimik at nag-isip ng malalim. Ilang sandali ang lumipas ay muli nya akong tinignan.

"Okay." Huminga muna siya ng malalim. "Para pumayag ka lang.. lets make a deal.."

Kunot noo ko syang tinignan.. hindi ko kasi mahulaan ang gusto nyang mangyari, Ewan ko! nalilito na ako.

"Deal? What Deal?" Hindi ko tuloy alam kung gusto ko nga ba malaman ang sasabihin ni Kuya, Minsan kasi Mahirap syang Ispelengin. Mahirap hulaan ang mga iniisip nya. Minsan hindi mo malaman kung galit ba siya or natutuwa or natatae or nauutot or- Teka! Tama na nga muna yan.

"After this.. After this, I let you do what you want... Anything you want!"

Biglang nanlaki ang mga mata ko, hindi ko kasi sukat akalain ng magbibitaw si kuya ng ganung klaseng salita. Palagi kasing may tuldok sa mga salita niya. Yung tipong hindi kana bibigyan ng pagkakataon para makapag-react.. pero, iba ngayon.

"Anything?" paniningkit ng mata ko.

He rolled his Eyes. "Anything.. Basta nakakabuti sayo.."

Kitams? siya pa rin ang masusunod kahit anong mangyari!  Sino ba naman kasi ang gustong humawak ng mga taong mas masahol pa sa mga tao sa bilangguan?? Well, hindi man ako nagbabasa ng Dyaryo at hindi ko pa man sila nakikita at nakilala ay hindi na maganda ang naririnig ko sa kanila. Sa kabilang banda din ay sayang naman ang privilege na magawa ko ang gusto kong gawin na wala ang pagtutol ni Kuya. Pero sa kabila ng utak ko ang nagsasabing, hindi naman masamang subukan.  Agad may naglarong ngiti sa mga labi ko ng maisip ko kung anung gusto kong gawin.


End of flashback



Kaya nga hanggang ngayon ay hindi padin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat. Mahal ko si Kuya pero hindi naman ibig sabihin na gagawin ko ang hinihiling nya! Masyadong mabigat na pasanin ang Gang. Then, ano bang alam ko sa mga bagay na yon?  Wala talaga!

Naisip ko din naman na sayang ang offer nui Kuya.

Tsk! ano ba ang dapat kong gawin?

Wala akong ideya kung ilang beses akong nagpa-ikot ikot sa kama ko bago ako nakatulog.

Masyado pang maaga pero nakarinig na ako ng katok sa pinto ko. Tinignan ko muna ang alarm clock ko.

footres naman! alas-6 palang ng umaga! 

Bigla na lang ako nakaramdam ng pananakit ng ulo ko at sigurado akong dahil iyon sa pag-iisip kagabi. Natitililing ata ang utak ko!

Agad akong nagtalukbong ng kumot at pinatong ko naman ang unan sa ulo ko ng maramdaman ko ang unti-unting pagbukas ng pinto..

Alam kong si Nanay Cela yon. Siya lang naman ang palaging gumising sakin ng maaga at alam kong naging mas maaga ang paggising ni Nanay sakin dahil utos yun ni kuya. Tsk! Kapag naiisip ko yung tungkol kagabi, parang bombang sasabog ang ulo ko!

"Nanay Cela, Pwede pakisabi kay Kuya na hindi muna ako papasok ngayon?.. sabihin niyo na lang po na nagtatae ako or dalaw ko ngayon or pwede din pong masakit ang tyan.. kahit ano po. Please manang ayoko po talagang pumasok ngayon." Naghahanap talaga ako ng alibi para hindi makapasok ngayon. Hindi ko alam pero tamad na tamad talaga ako ngayon. Pakiramdam ko may ilang toneladang kumot at unan ang nakadagan sa katawan ko at mismong sarili ko ay hindi ko makayang maitayo. Wala akong narinig na sagot mula kay Nanay Cela,  Teka! Narinig nya kaya sinabi ko? Medyo bingi pa naman yun!

Mahapdi pa ang mata ko at tila nagbabadya pang pumikit.  Nakakaasar kasi! Ang aga-aga pa din! Tinatamad pa akong bumangon! They cant make me go to School today! Wala ako sa mood!!

Wala!

Wala!

Wala! at hindi ako papasok!

Hindi!

Hindi!

Hindii- !

"Summy.."


Patay.... :(



[ CODY ]



Putek! Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog! Naaasar na ako sa sarili ko! Kanina pa pabalik-balik sa isipan ko ang Witch na yun!

Pabalik-balik ang mukha nyang panget sa isipan ko! Ang magulo nyang buhok! ang ka-cheapan nya sa pananamit! Ang pagtataray niya, Ang kilos nyang hindi pang-babae! Ang kasungitan nya! lahat ng tungkol sa kanya! Kinaiinisan ko!

Humanda talaga siya sakin! malilintikan sya! kasalanan nya kung bakit ako nagkakaganito! Kasalanan nya Kung bakit ako hindi mapakali ngayon! Kung bakit ko iniisip na kung bakit nya kasama ang lalaking yon! Bakit parang bigla akong nakaramdam ng galit kanina nung nakita ko sila? Bakit parang gusto kong manapak kanina? Bakit?

Haaay! pusang Gala! Hindi ko maintindihan! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Pakiramdam ko ay hindi ko na pag-aari ang sarili kong pag-iisip! Lintek na! Lintek na talaga!

Naputol ang pagmumura ko sa isip ko ng biglang tumunog ang Cellphone ko. Kinuha ko agad iyon na kanina lang ay nahagis ko ng wala sa oras dahil sa inis ko. Letse kasing babaeng yon nadadamat pati Cellphone ko!


From: Dash

Mugen-Dai Underground. 10am tomorrow.

Bukas? anu na naman kayang meron? Matagal-tagal na din simula nung last na meeting sa Underground at yun ang ikatlong beses na nakita namin si Mr.Gayle.. Lahat kami takot sa kanya, Ako, Medyo lang. Hindi kami malapit sa kanya dahil maraming balita ang nagkalat na masyado daw syang strikto. Hindi namin siya kilala talaga.. Wala kaming alam tungkol sa background nya dahil iniingatan yon ng Gang. Bigla tuloy akong kinabahan dahil naisip kong dahilan ng biglaan nyang pagbisita sa University ay dahil sa sunod-sunod na away na nasasangkutan ng Grupo. Recently lang ay yung away sa Bar nila Clint na kasama ako- i mean na napasama ako sa kasawiang palad. Alam kong hindi nakaligtas sa Media yon at imposibleng hindi iyon mabalitaan ni Mr.Gayle.. Alam kong hindi niya yon mapapalagpas dahil unang beses na may nagkamali sa kanya ay mabigat ang naging kaparusahan.

Pero, isinantabi ko muna ang isiping yon.. Hindi ko talaga mahagilap ang antok ko.

buseeeeet talagaaa!!!

Bigla na lang sumagi ulit sa isip ko ang pagbibigay ng lalaking yon ng T-shirt kay Witch.. Ano na naman kayang gusto nyang mangyari? Sa buong barkada, kami lang talaga ang hindi magkasundo. Hindi namin tinatrato ang isat-isa katulad ng kung paano namin tinatrato ang Gang at yon ay nagsimula ng dahil sa isang pangyayaring parehas naming hindi inasahan. Unang-una, hindi ko kasalanan at hindi niya rin kasalanan, pero tila ang nangyaring sitwasyon na yon ang nagdikta sa kung anu man ang trato namin sa isat-isa ngayon. Simula nun, hindi na naibalik pa sa dati ang dati naming samahan. Hindi naman ako sa nanghihinayang.. pero kung maari lang ay hindi ko gustong lumala pa yon.

Pero, may pakiramdam akong mauulit ulit ang nangyari dati..

itutuloy..

#Haluuuuuu!!!

Update na ulit ako... Kasi para sa next UD ko sa kabilang story naman... :)) Medyo matatagalan ang pag-UD ko sa STGL dahil medyo hectic na po talaga yung Schedule ko ngayon sa trabaho, at akalain nyong promoted na ako?? Wooohhoo!! *sabog confetti!* Pinaghahandaan ko din ang Chapter para sa darating na September 10.. gagandahan ko kasi pa-bday treat ko sa mga readers..

labyuol!!

-kaikai

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top