Chapter12

Matapos ang ilang saglit na titigan dahil medyo matagal na ata simula nang magkita kami at ginawang nyang unan ang mga binti ko ay dina kami ulit nagkita.

"Naku Summer, pasensya kana ha?"

sabi nyang inalalayan akong tumayo.

Pero bago pa man ako makatayo nakita ko ang isang cellphone na nasa gilid ko. Agad kong dinampot yon at dahil sa masyadong Usyusera ang mga mata ko ay nakita ko ang wallpaper ng isang babae at di ako pwedeng magkamali dahil sigurado akong kilala ko ang nasa litrato!

"Hephep! akin na yan!"

Dali dali nyang kinuha mula sa kamay ko ang cellphone,

sooo, sa kanya pala yun!

" Hoy, Clint! ano mo yung babaeng nasa cellphone mo?" naiintriga akong tanong sa kanya.

"ha? sino?" Patay malisya niyang tanong.

"Yung babae dyan sa Wallpaper mo!" sagot kong itinuro pa ang Cellphone nyang bahagya nyang itinago sa likod niya.

"Walang babae sa Cellphone ko ah!" Pagdedeny nya.

"Wag mo nga akong gawing bulag! ano mo ang babaeng yan?" -ako

"Pi-pinsan ko.."  Mahina nyang sagot.

"Pinsan?" taas kilay kong inulit.

"O-oo! pinsan ko!" taranta nyang sagot.

Sinong niloloko nya? Pinsan?

"Bakit nasa wallpaper mo?" interrogation na to!

Natigilan siya saglit saka ulit nagsalita. Hindi talaga siya magsasabi!

"Bakit? hindi ba pwedeng gawing wallpaper ang pinsan?" -siya

Ramdam ko na ang kaba at alam kong natataranta na sya. Ngayon ko lang napagtanto na dapat pala nag.investigator na lang ako.

"Pinsan talaga??" Mas diniinan ko pa lalo ang pagbanggit ng pinsan.

Hindi talaga ako naniniwala. Shete! Sinong niloko nya? May malapit din akong pinsang lalaki at never akong naging wallpaper ng gag*ng yon!

Teka, sino nga bang maglalakas loob na gawing wallpaper ang panget kong mukha sa Cellphone nila? pwede pang mangyari yon kung gusto nilang may anti-nakaw ang Cellphone nila.

Nakita ko ang gamunggo niyang mga pawis na nag-uunahang tumulo sa noo niya. Kasalanan niya din! Ayaw pa niya sabihin ang totoo! hindi ko naman siya aanuhin! Naimbyerna lang naman ako dahil don! nakakaloka talaga tong si Clint! kung inamin na niya kanina edi hindi na sana hindi sya mukhang hindi mapa-ire  ngayon?!

"Kilala ko ang babaeng yan!" -ako

Nakita kong nanlaki ang mga mata nya matapos marinig sakin iyon at agad-agad tong kumapit sa braso ko na parang batang nagpapabili ng kendi sabay pa-cute cute pa ng mata nyang natural na mapupungay.

"Bestfriend...." may himig nang paglalambing sa boses niya.

BESTFRIEND???

"Kailan pa tayo naging mag.bestfriend??" nilayo ko ang braso ko sa kanya pero hinigit niya iyon pabalik.

"Remember mo nung nagkakilala tayo? Yung sa may likod ng university? Yung kinalbo mo ung mga damong nandun? Yung hinigaan kita?  Yung mga malalaking dibdib? Yung arshhhenteinnn sha maysharrnn-"

Hindi na niya natapos ang pagsasalita niya dahil bigla kong tinakpan ang bibig nyang nagsisimula na namang mag-ingay.

Wala naman akong gaanong naalala maliban sa pangangawit ng hita at binti ko nung araw na iyon at walang magandang naging magandang ala-ala ang araw na yon!

"Naalala ko yon! Eh, ANO NGAYON?" pamemewang ko.

"Napaka-memorable nung araw na yun para sakin at nakatatak na yon sa isip at puso ko, BESTFRIEND! " pagdidiinin niya.

Lekat na to! memorable daw?

Oo! Memorable kasi first time sumakit ng husto ang hita ko dahil sa kanya! Pero parang may nase-sense kasi ako sa taong to ehh.. nagsimula lang naman syang mag-inarte ng ganito simula nung nakita ko ang picture dun sa wallpaper niya.

Nahihiwagaan na talaga ako.. hmmm...

humarap ako sa kanya at tinitigan siya. Titig na may laman. pasingkit-singkit pa ako ng mata para ma-Emphasize ko ang gusto kong iparating sa kanya.

"May kailangan ka ba??" -Ako

Matapos nun at ngumiti siya ng malapad.

At dun na nga! hinila lang naman niya ako sa isang bench at dun ikinwento ang lahat! kung sino at ano niya ang nasa picture. Pinakita pa niya sakin lahat ng mga stolen shots niya mula sa babae.

Grabe ang Obsession ng taong to!

Kung hindi niyo kasi naitatanong ay photographer pa la tong si CLINTbaby niyo! umaariba!

Ang gaganda ng kuha eehh!

Ngayon ko lang din nalaman na talented pala tong pervert angel nato! Sabagay, pangalawang beses pa lang naman kaming nagkita at sabi pa niya na Official na daw kaming mag-bestfriend at wala na daw akong magagawa don!

Baliw din ang isang to!

Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Nag-isip din siya ng magiging tawag nya sakin as BESTFRIEND.

Daming alam! sarap batukan!

"So, anong plano mo?" -ako

Napakamot siya sa ulo niya. Feeling ko, hindi niya din alam! well, parehas kami. Kahit kasi ako, nalilito na ako!

Napakamot din ako sa ulo ko!

Jusmiyo! pati tuloy ako namomroblema sa bagay na diko dapat iniisip! Siya lang sana ang may problema, tas dinamay pa ako!

Tssssss!!!! kaasarrrrrrr!!!!

"Pillow.. Tulungan mo ko.."

hinawakan na naman niya ang braso ko.

Oo, tama kayo ng narinig.

Pillow.. yun daw ang magiging tawag nya sakin at bahala na daw ako ano itawag ko sa kanya.

Tignan mo kung anong klaseng kahangalan ang naisip niya? Somehow, cute din naman pakinggan..

Sana gets ko niyo kung san galing ang naging tawag nya sa sakin :))

"Alam mo kasi P.A" pagsisimula ko.

Kunot noo nya akong binalingan at kwestyonable akong tinignan at alam kona kung bakit?

"P.A? Personal Assistant?" tanong nyang  nagsalubong ang kilay.

"hindi!" ngumiti ako ng nakakaloko.

"Eh, ano?" -Clint

"PERVERT ANGEL!" sabi ko sabay malakas akong tumawa.

"Ha? ang pangit naman! Wag ganun Pillow!" pagrereklamo nya.

tinignan ko sya ng masama. "Sabi mo, ako nalang bahala kung ano itawag ko sayo?!"

"Oo nga! pero, wag naman yung ganun! Ang ganda-ganda ng tawag ko sayo tapos ang sagwa ng sakin.. Daya!" -Clint

"Alam mo, wag kang reklamador! buti nga may angel pa yon na kasama eeh! pasalamat ka nalang!" Arte nito!

"Haizt! Sige na nga! Basta tulungan mo ako ha?" -Clint

"Alam mo kasi, bakit hindi mo na lang pormahan agad? ikaw din, baka maunahan ka!" pananakot ko.

matapos kong sabihin yon ay hinigit na naman niya ang braso ko at konti na lang talaga at masisiko ko na talaga tong Clintbaby niyo!

"Kaya nga nagpapatulong ako sayo eehh!" sabi nyang winawasiwas naman ang braso ko. mahahampas ko na talaga to!

"Anong gusto mong gawin ko? Ako manligaw? Naku! Cli- este Pillow ha? spare me! ang kapal ng mukha mo tapos sa babae lang umuurong yang pwet mo sa panliligaw?" binawi ko ang braso kong konti na lang din talaga at matatanggal na kakayugyog nya.

"Wow naman Pillow! ang Heavy ng word mo ah! KAPAL talaga? Grabe!" Binitiwan nya ang braso ko at tumalikod kunwari at nag-crossed arms.

Artehan ako? Tulak ko kaya to?!

"Tssss! Wag mokong Dramahan! tadyakan kita dyan eh!" -ako

Hindi din sya nakatiis at hinarap nya ako at niyugyog na naman ang balikat ko. Bwisit talaga!  balak ba nya akong tanggalan ng braso? sabihin nya lang at ipatatanggal ko agad yon at ihahampas ko sa kanya pagkatapos!

"Sige na Pillow.." pagmamakaawa na naman niya.

Hindi ko alam kung dapat ko nga bang tulungan si Clint.. Wala naman kasi akong kaalam-alam sa ganyan! malay ko ba kung anong dapat gawin? Sabi naman kasi nya sakin na ipakilala ko lang daw talaga siya at siya na ang bahalang dumiskarte sa susunod.  Madali lang naman eeh, kaso... haizzt! kaasar!

"Sige na! sige na! payag na ako! bwisit ka talaga!" wala na akong nagawa.

BESTFRIEND daw eehh...

"Talaga?" Ngumiti sya ng malapad.

"Ay! HINDI ba ang ibig sabihin sayo ng SIGE?" Pamimilosopo ko. Langyang to! palagay nya sakin?

"Yeheeyy!!! naku Pillow! salamat! i love you na talaga!" tuwang-tuwa niya akong niyakap ng mahigpit at feeling ko malalasog na ako ngayong araw na to! Bugbog na ako simula pa kanina kay Cathlyn at ngayon naman sa P.A kong to!

Pagsabihan nyo tong Clintbaby niyo! mabubukulan yan sakin sa susunod!

Ilang sandali pa ay kumawala siya sakin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap nya ako sa kanya at seryoso akong tinignan.

"Pillow... Bakit yan ang suot mo?" pamumuna nya.

"Ha?" Agad ko naman tinignan ang suot ko. Hindi kaya nasuot ko sa labas ng T-shirt ko ang bra ko? Teka! Agad kong chineck ang sarili ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng ma-realize kong hindi naman ako ganun katanga para isuot sa labas ng T-Shirt ko ang Bra.

"Ano ba kasi ang problema?" nalilito na talaga ako.

"Yung suot mo.." itinuro yung damit ko.

Ngayon ko lang naalala na hindi pala akin yung suot ko ngayon.

"Anong meron sa suot ko?" nagtataka na ako.

"Ah! wala! wala! wag mo nang intindihin yun!" -Clint

Nagkibit balikat na lang ako. nakakaloka talaga tong si P.A, magtatanong tapos sabay sasabihin kalimutan na lang daw! PRANING!

[ CLINT ] 

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. So, Si Pillow pala ang tinutukoy nya?.. kuha ko na! Taong yon talaga! masyadong malihim, yung tipong bago mo makuha ang sagot sa tanong mo sa kanya ay kailangan munang maging observant!  aba! ilang taon ko din yon hinulaan ah!

Grabe talaga ang taong yon! Iba talaga ang taste sa mga babae! bilib na talaga ako! kaya pala kahit anong gawin kong pagyayaya sa kanyang mambabae ay hindi niya yon sinusunggaban ay dahil pala meron tong itinatagong lihim!!

LIHIM NA PAGTINGIN!! hikhikhikhik :))

bwahaha!! pasensya na kayo guys, masyado lang akong natutuwa, akala ko kasi BAKLA yong taong yon eh! akala ko matutulad din yon kay Cody na umiiwas sa babae,

speaking of Cody, alam niyo bang may isa pang nagkakagusto dun na super deads na deads sa kanya? she's a supermodel!! Maganda!! sexy!! mayaman!! pero ichapwera lang kay Cody, I've heard na naging sila daw dati pero hindi naman nagtagal ang relasyon nila at ngayon ay hinahabol-habol pa din nya yung kaibigan ko! Grabe kamandag ni Cody! hahaha! Pero, Konti lang ang nakakaalam nun! kaya wag niyong ipagkakalat ha? mapapatay ako ni Cody pag-nagkataon!

Back to My malihim na friend,

Actually, matagal ko ng alam ang tungkol sa pagkakagusto ng kaibigan kong ito sa isang babae, pero hindi ko naman alam kung sino. Marami ding nagkakagusto sa kanya! Sa totoo lang, samin lahat! KASAMA AKO!

ahahaha!! walang basagan ng trip, ok? ^_^

Since nga nun na nalaman ko din mula sa kaibigan ko ang pagkakagusto niya sa isang babae ay hindi ko na ito nakitang nag-court ng iba.. Ganun siya ka Loyal! Seryoso yan kung magmahal!

About naman dun sa Shirt, malalim ang kwento nun.. yun ang sabi niya.

Gusto niyo malaman?

Ahahaha!

KISS niyo muna ko..

^_^

About naman kay Pillow,

ayeeeeeee!!! kinikilig akoooooo!!!

tutulungan daw kasi ako sa panliligaw dun sa Crush ko!

Sana sagutin ako. Hindi ko kasi alam ang dapat kong gawin!

hindi niyo naman ako masisisi, hindi kaya ako ang nanliligaw, ako kaya ang nililigawan! at sa sobrang seryoso ko sa babaeng to ay gusto kong ako talaga ang manliligaw.. Yung ako mismo gagawa ng effort para mapasagot ko sya? Ganun sya ka-espesyal sakin.

Pero, Hanep din naman kaso itong si Pillow eh,  china-challenge ako!

kaya naman sa lahat ng may pusong mamon dyan...

Tulungan niyo naman akoooo..  !!

Seryoso talaga akooooo... !!

Pramiiiiss!!! :))

[ GAYLE ]

Maaga akong pumunta sa University at ipinatawag lahat ng mga Prof.

Hindi ko kasi sukat akalain na pagbibigyan ang plano ko. Hindi ko akalaing hindi magtatagal ang pagdedesisyon nilang iyon sa suhestyon ko. May tiwala sila sakin at mahalaga sakin yon! Ito na ang pagkakataon para na naman mapatunayan ang kakayahan ng angkan ko.

"Ipinatawag ko kayo dahil sa isang malaking pagbabago." Panimula ko.

walang nagsalita. Walang nagbalak magsalita at Wala din silang karapatan para magsalita.

"Ilang araw mula ngayon ay lilipad ako papuntang ibang bansa para asikasuhin ang ilang bagay. Bilang pinuno ng MUGEN-DAI ay hindi pwedeng hayaan na lang ang Gang na walang mamahala. Kaya naman nagdesisyon akong gawing kahalili ko pansamantala ang kapatid ko."

Matapos kong sabihin iyon ay narinig ko ang malakas na bulung-bulungan. Inaasahan ko na ito at Naiintindihan ko sila lalong hindi ko pwedeng ibaliwala ang mga saloobin nila.

"Pero, Aruji Gayle, alam na po ba ito ng konseho?"  Tanong ng isang maestro na matagal ng nagtuturo sa University.

"Bago ko pa man kayo ipatawag ay pinaalam ko muna ito sa mga nakatataas. Matagal din akong naghintay sa sagot nila at kahapon ko lang natanggap ang opisyal na desisyon."

"Sa paraan nyo pong iyan baka malagay sa alanganin ang pribadong buhay ni Summer." pag-aalala ng isang propesora.

"Yan ang pangunahin kong naisip bago pa ako magdesisyon. Pero, Walang dapat ipagsawalang bahala. May kinausap na akong tao para alalayan siya at alam kong hindi nya pababayaan si Summer ."

Nakita kong nagsitanguan lang ang mga nasa loob ng confession room.

"Ang tangi ko lamang hiling sa inyo ay sana alalayan nyo din si Summer..Tignan niyo siya para sakin.."

"Makakaasa po Kayo, Aruji Gayle." halos sabay sabay na sagot nila.

"Masaya akong naiintindihan niyo ako."

"Ayon po sa kagustuhan niyo"  Sagot nila.

Matapos ang nasabing pagpupulong ay agad din akong umalis sa University. Hindi ko na hinanap si Summer dahil sigurado akong nasa sariling mundo nya na naman siya. Kilala ko ang kapatid kong yon. Hanggat maari ay gusto nyang mapag-isa, ayaw kong masanay sya sa ganun. Hindi naman habang buhay ay magkasama kami para pagsabihan sya. Kaya nga makakatulong din itong desisyon ko sa kanya.

[ CODY ]

Ilang beses akong napapakamot sa ulo ko dahil sa pag-iisip sa babaeng mangkukulam na yon!  Ewan ko ba! Naasar ako sa kanya na ewan! Nambubwisit ako sa kanya sa di malamang dahilan.

Kanina habang nakaupo ako sa isang bakanteng bench na di kalayuan sa room ng first subject ay nakita ko ang mangkukulam na kasama si Dianne,

Oo, kilala ko si Dianne.

She's my first degree cousin. Close kami pero parehas kaming may sariling mundo.

Siya? Music ang mundo nya!

ako? Ang gang naman.

She's a former model pero huminto sya dahil sa kaibigan nyang modelo din na Tinraydor siya. Her name is Ruby. My ex. Naging Girlfriend ko siya for a month. Depressed kasi ako nun sa pagkawala ni Camille, hoping na maiibsan ang sakit pag sinubukan kong pumasok ulit sa isang relationship. Pero, nagkamali ako. Kaya ako na mismo ang kumawala para hindi ko din siya mas lalong masaktan. I apologized. Ayaw niya pero wala syang nagawa. Nagkaron sila ng sigalot ni Dianne nung time na kinuha si Dianne bilang representative ng modeling Organization nila para ipadala sa Europe. Una pa lang ay pangarap na iyon ni Ruby. Kaya naman ilang araw bago ang paglipad ni Dianne papuntang ibang bansa ay may isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari. Naaksidente ang sinasakyang sasakyan ni Dianne nun at swerteng sugat lang ang natamo nya sa ulo at sa binti nya. Sugat sa binti na kailangan tahiin dahil sa laki ng Cut nito. Dahil don ay hindi sya natuloy sa ibang bansa at walang choice kundi ipadala si Ruby bilang kapalit. Simula non ay hindi na muling nagmodelo si Dianne lat mismong sya lang ang nakakaalam sa totoong dahilan.

Back to mangkukulam.

Naglalakad lang sila ni Dianne ng biglang nakita kong pumulot ng bato si Cathlyn ang pinuno ng bully kasama ang mga ilang babae at lalaking kasama nito. Kitang-kita ko kung paano nito ibinato kay witch ang bato at pinuntirya ang noo nitong may sugat pa. Matapos nun ay nasaksihan ko kung paano umagos mula sa noo ni Witch ang dugo. Nabigla ako at kahit si Dianne ay kita kong nabigla din. Nagtawanan sila pagkatapos. Hindi pa sila natapos ay may isinabog pa sila sa mukha ni Panget. Matapos naman itong buhusan sa likod ng tubig ay hindi pa sila nasyahan ay ibinato pa nila ang mga kamatis kay panget at kita ko kung paano nag-panic si Dianne. Kabaliktaran naman sa Reaksyon ni Dianne na halos magwala na kaka-awat ay Nakatayo lang si Panget, Nakapikit at Naka-yukom ang mga kamay niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong lumapit sa kanila at patulan sina Cathlyn at ibalik sa kanila ng maraming beses ang bato na itinapon nila sa babaeng yon. Nagpatuloy ang tawanan habang abala naman si Dianne sa pagpupunas sa mga nagkalat na harina sa katawan ni Witch. Pero, wala pading reaksyon ang Panget na babaeng yon! 

Naaasar na ako!

Nakakapika na!

Bakit sakin ang taray-taray niya at ang lakas nyang lumaban, samantalang kina Cathlyn ay para syang basang sisiw na tumatahimik lang? Nakaramdam ako ng pagkabwisit!

Peste!

Ako lang dapat ang magpapahirap sa panget na yon dahil sa ginawa nya sakin!

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at akmang lalapit na ako ng biglang tumakbo si Witch.

Sumunod ay Natagpuan ko nalang ang sarili ko na sinsundan siya at hndi ko alam kung bakit.

sa bilis nyang tumakbo ay halos hindi ko sya maabutan.

langya!

para syang kabayo! ang bilis tumakbo!

Hindi nagtagal ay huminto sya sa lugar na diko inaasahang pupuntahan nya.

Malapit yon sa MD underground.

Langya! alam ba nyang magkakaron sya ng demerit sa pagpunta nya dito?

Huminto ako mula sa lugar kung saan tanaw ko pa din sya.

Sumalampak lang siya sa damuhan at pinunasan ang luha nya. Medyo nagkalat na ang dugo sa bandang balikat ng damit nya pero hindi nya pansin yon!  Mas lalo syang pumangit ngayon sa paningin ko. Mula sa malayo ay Pinagmasdan ko lang siya. Para syang batang umiiyak. Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang ang mga paa ko na unti-unting humahakbang patungo sa direksyon niya at napansin ko din na hawak-hawak ko na pala ang panyo ko.

Nak ng!  Paano napunta to sa kamay ko? tsaka! Ano ba tong mga paa ko? may sariling isip at kumikilos na lang ng sa kanya?

Malapit na sana ako pero biglang Nahinto ang mga paa ko sa pagkilos ng makita ko ang isang pamilyar na tao na nakatayo mismo sa harapan ni panget. Nakatalikod naman ito mula sakin pero lahit pag-bali-baliktarin ang mundo ay makikilala ko pa din siya. Agad kong tinago ang sarili ko sa isang malaking puno at dun ko lang sila pinanood.

Magkakilala sila?  Pero, bakas naman sa panget na mukha nung babaeng yon na Hindi nya kilala ang kaharap niya.

Agad naman itong lumapit kay panget at lumuhod ito sa harapan nya at nakita kong marahan nitong pinunasan ang dugo na nasa noo at pisngi ni Witch. Nakita kong Medyo nanlaban si Witch pero wala na syang nagawa dahil hawak nito ang likod ng batok niya at hindi na niya nagawang iiwas ang ulo niya. May kung ano akong kislap na nakita mula sa mga mata nung Panget nayon! Bigla akong nakaramdam ng inis at mas humigpit ang pagkakawak ko sa panyo.. Ano ba tong nararamdaman ko?

bwisit talaga! bwisiiiiiiiit! bakit ko pa kasi siya sinundan? bakit pa kasi ako sumunod?

Ilang sandali ko silang pinanuod at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari ng hubarin niya ang T-shirt niya at ibigay ito kay Witch..

Kahit ako, hindi ko yon inaasahan. NEVER siya nagpahiram o nagbigay ng damit sa isang babae. HINDI. HINDI ang damit nyang iyon!

Masyadong mahalaga sa kanya yon at hindi niya iyon basta-basta ipapasuot sa kung sino lang. Hindi ko alam ang kwento sa likod ng damit na iyon pero alam kong importante sa kanya yon.

Pero, bakit si Panget? Imposibleng dahilan ay wala syang choice. Napaka-imposible!

Masyado na akong nahihiwagaan sa mga nangyayari. Nasa pagkatao nya ang pagiging malihim. Pero hindi ko to inaasahan.

Matapos ang pagbibihis ni Witch ay lumabas na ito mula sa likuran ng puno suot ang V-neck black T-shirt. Nakatali na din ang kanina nitong magulong buhok. Napatitig na lang ako sa kanya.

Naging napakatagal ang pagkakatitig ko sa kanya at Bigla-bigla na lang ay may nag-flashback sa utak ko at bigla akong napahawak sa ulo ko at dibdib ko. Isang imahe ng babae ang biglang nag-pop up sa isip ko.

No! No! No! hindi pwede..  iniling-iling ko ang sarili ko.

Mas lumalakas pa ang kabog ng dibdib ko kaya naman ay tumalikod muna ako saglit at huminga muna ako ng malalim, ilang beses kung inulit ulit gawin yon pero ganun pa din ang resulta. 

Hindi! Hindi! nagkataon lang na kamukha nya! Hindi pwedeng magkamukha sila!

Bago pa man ako mawala sa pag-iisip ko ay nagpasya nakong umalis sa lugar na iyon.

Umalis akong hawak-hawak ang dibdib ko na mas lumalakas ang pagkabog.

Hindi totoo yung nakita ko!

-

-

-

-

-

-

Hindi pwedeng kamukha nya si Camille!

#holaaaa!

alam kong marami kayong tanong kung anong nagyayari or baka meron kayong hindi maintindihan pero, sigurado akong masasagot lahat ng tanong nyo sa mga susunod ng chapter.

Ang susunod na Chapter po ang talagang simula ng totoong kwento. Nagsisimula pa lang po tayo! ^_^

Nae-excite nako!

Mas maraming revelation. Mas maraming away. Mas maraming mare-realize.. susubukan ko pong maramdaman niyo ang bawat character.

Godbless us all!

_Kaikai

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top