Chapter11
Feeling ko tuloy na parang mas nataranta pa si Dianne sa akin dahil bigla siyang namutla matapos niyang masaksihan ang patuloy na pag-agas ng dugo sa gilid ng mukha ko. Kung ako tatanungin niyo ay wala akong nararamdamang sakit. Mas fini-feel ko kasi ang tuhod ko na parang nanghihina at ewan ko kung bakit.
Ilang sandali pa ay may naramdaman akong may humigit ng damit ko mula sa likuran at itinaas ang parteng leeg at ibinuhos ang malamig na tubig sa likod ko.
Summ.. Kalma lang.. Kalma.. Hindi ka dapat umiyak. Mas lalo kang papanget.
para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
Hindi pa dun natapos at may isinabog pa sila sa mukha ko at parang nagmukha tuloy akong nag-foundation ng harina. Sabay nun ang sabay-sabay na malakas na tawanan sa paligid ko. Mas lumakas ang tawanan nila ng ibato mismo ni Cathlyn sakin ang mga hawak niyang kamatis. Bawat tama nun sa katawan ko ay kusa itong napipisa dahil nadin siguro sa sobra na itong malambot. Medyo masang-sang na din ang amoy nito.
Pumikit lang ako.. Madiin na pagpikit. Nakakuyom ang palad at kinakalma ang utak ko.
No! .. Hindi ko sila papatulan.. Hindi dapat! May pangako ako kay kuya Gayle at hindi ko pwede suwayin yon.. Hindi pwede.
Pero peste talagang mga mata kong ito at hindi nakikipag-cooperate at bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Patuloy sa pagpatak at hindi ko iyon mapigilan. Nakakainis talaga! tinraydor ako ng sarili ko. Dahil sa wala na akong magawa ay Hinayaan ko nalang na bumuhos na husto ang mga luha ko.
"Ano ba? Tama na!"
Ngayon na lang ulit bumalik sa ulirat ang pag-iisip ko at napagtanto kong kanina pa pala sigaw ng sigaw at awat ng awat si Dianne kina Cathlyn sa mga pinag-gagawa sakin pero hindi parin sila tumitigil..
Alam ko namang wala din magagawa si Dianne kahit maputol pa ang litid niya sa leeg kakasigaw dahil wala sa personalidad ni Cathlyn ang makinig sa iba.. Lalong ayaw niya na pinagsasabihan siya sa kung anu man ang dapat nyang gawin.. Ang kinakatakot ko lang ay dahil sa nakita nilang kasama ko si Dianne ay baka ito naman ang pag-initan at sa kanya ibaling ang galit sakin.
Mas dumarami ang nagtitiningan samin. Lahat sila nakatingin sa kung anu man ang palabas ni Cathlyn. Mga Tingin na ibat-iba ang reaksyon. May nandidiri.. May naawa.. may mapang-insultong tingin. Lahat!
Hindi pa rin ako dumidilat. Natatakot ako sa pwede kong magawa once na maidilat ko ang mga mata ko. Mas maganda ang ganito. Atleast pwede pa akong magsinungaling sa sarili ko na hindi ko kilala ang gumagawa sa akin nito.
Tuloy-Tuloy pa din ako sa pag-iyak at patuloy pa din ang pagbuhos ng luha ko. Ramdam ko din ang paulit-ulit na pagpahid ni Dianne sa mga luha ko sa mukha at pag- pagpag nito sa mga nagkalat na kung ano-ano sa damit ko.
Mas lumalakas ang mga tawanan..
Hindi ko na alam kung anu nang gagawin ko. Kung ano bang pwede kong gawin ngayon. Ano ba ang mas magandang desisyon na gawin sa mga oras na ito?
Hindi ko alam.. naba-blanko ako!
Nung parang naipon ko na ang lakas ko sa mga tuhod at binti ko ay agad akong tumalikod at tumakbo.
Narinig kong tumatawag sa akin si Dianne pero hindi na lang ako lumingon.
Tumakbo lang ako ng tumakbo, wala na akong pakialam kung sang lupalop ako dadalhin ng mga paa ko.. Bahala na.. Basta makalayo ako sa lugar na yon!
Sa lugar na mabibigyan ako kahit na konting katahimikan. Konting peace of mind. Kahit sandali lang.
Malayo sa mapang-aping mga tao..
Malayo sa mapang-husgang mga mata.
Malayo sa kanila.
Nang medyo naramdaman ko na ang pagod at pangangalay ng binti ko ay nagpasya akong maupo. Huminga ako ng malalim. Pero hindi parin pala tumitigil ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi ko talaga mapigilan. Nakakainis talaga!
Mas naramdaman ko tuloy ang patuloy na pag-agos ng dugo sa mula sa noo ko, Halos namantsahan na ang kabuuan ng kabilang balikat ko dahil dun. Lagot na naman ako nito kay kuya. Pag nalaman nya ito, tyak hindi na talaga sya magpapapigil.
Kahit gustuhin ko mang lumaban ay hindi pwede. May pangako ako kay kuya Gayle at ayokong masira ang matagal niyang iniingatan ng dahil lang sa pagpatol ko sa mga taong yon. Mas dapat akong maging matatag dahil yon ang dapat.
"Miss? Are you okay?"
Naputol ang malalim kong pag-iisip ng marinig ko yon. Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at mula sa harapan ako ay nakatayo ang isang lalaking katamtaman lang ang tangkad. Tama lang din ang pangangatawan nito at walang violent reaction kung isasali ko ang pagiging Gwapo niya! Actually, mas una kong napansin yon.
Lumalandi na naman ang bangs ko!
Tae naman oh! Ang sakit-sakit na nga ng sugat ko sa noo tas napapasok pa sa isip ko ang pagkerengkeng sa mga oras na ito!
Pero, pramisss! taga niyo pa sa piniritong dilis na isinawsaw sa kamatis, GWAPO talaga siya!
Hindi na niya ako hinintay makasagot sa tanong niyang obvious naman na 'HINDI' ang sagot at may kung anu siyang dinukot mula sa bulsa niya at lumuhod sa harapan ko saka marahang pinunasan ang noo ko.
i-iiwas ko sana ang ulo ko pero hinawakan niya ang likod batok ko gamit ang kaliwang kamay nya para di ako makapalag at Marahan nya iyong pinupunasan.
"Dapat hinuhugasan ang sugat hindi pinababayaan." Mahinahon niyang sabi.
Napatitig naman ako sa kanya, Langya kasi! ang Gwapo ng lintek! Sino ba namang malanding bangs ang di mapapatingin kung ganitong mukha ang haharap sayo diba?
Pero sinaway ko muna ang sarili ko, Hindi ko kasi alam kung dapat ko akong mag-react , In the first place kasi, HE'S A STRANGER and DI KAMI CLOSE! alangan man lang maging feelingera ako at sagutin na lang ang tanong niya at magpapa-as-if ako na wersodupermegaClose, Diba?
"Ahh.. kasi.. ano eeh.. kasi.." -ako na pautal-utal. Diko talaga alam ang isasagot ko pramis.
"Tsss! Ikaw kasi.. laban din pag may time. Tignan mo, hinayaan mong gawing Canvas ang damit mo.." simple niyang panenermon sabay kindat sa akin.
Pwede time-out muna? sisikipan ko lang ang garter ng mga suot ko? :)) feeling ko kasi unti-unti na talaga silang lumuluwag eehh..
"Hold on." Mabilis niyang sinabi at agad siyang tumayo sa harapan ko.
Halos mapasinghap ako sa mga sumunod na nangyari ng bigla niyang hubarin ang V-Neck Black T-shirt niya sa harapan ko at iniabot yon sa akin.
Reaction ni ako: 0_0
Hindi ko alam kung ilang litrong laway ang nalunok ko dahil sa tumambad sa harapan ko.
Abbs!! Abbs!! mga perfect Abbs!! mga yummy na abbs!! paskhet naman, bigla tuloy akong nauhaw dahil sa pesteng abbs na yan!
Pero sinaway ko muna ang sarili ko.. hindi oras para mamayani ang pagkerengkeng..
"A-anong gagawin ko dyan?" lito kong tinitigan ang T-shirt na iniabot niya.
"Palitan mo yang damit mo.. Baka kasi pagkamalan kang hinalay dyan sa suot mo. Dumi mo kasi." -siya
"Ha? seryoso ka ba?" -ako na gulat na gulat padin.
"Oo naman! Tanggapin mo na, medyo amoy pawis na siguro yan pero hindi naman ako yung tipong mabaho pag pinagpapawisan kaya mapag-tya-tyagaan pa yan..." Sabi nyang kinuha ang kamay ko at inilagay nya ang damit. "Sige na." pag-uutos niya.
"Te-teka, san naman ako magpapalit?" -lito kong tanong na palinga-linga. Dun ko lang din napansin na nasa lugar pala ako na madalas kong tinatambayan maliban sa lumang building kung san ko nakilala si Dianne.
" *Sigh* hay naku.. may puno oh!" Turo nya dun bigla sa likod ko matapos niyang paikutin ang paningin niya sa paligid.
Agad kong nilingon ang direksyon na itinuro niya at nakita ko ang isang puno na naging napaka-pamilyar sakin.
Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang tatalikod na sana ako para magpalit ng may biglang pumasok sa madumi kong utak.
Hindi kaya?
Teka!
Nilingon ko siya at binigyan ko siya ng ARE-YOU-PLANNING-TO-RAPE-ME look.
ilang segundo din kaming nagtitigan ng ganun, hindi nya siguro napick-up agad ang ibig kong sabihin.
Ngunit maya-mya pa ay Natawa naman siya bigla nung naintindihan niya ata ang gusto kong iparating.
sa wakas! akala ko kaylangan ko pa i-action bago nya makuha!
"ahahaha! Dont worry, wala sa vocabulary ko yon!" tawa pa din siya ng tawa.
Lokong to! tawanan daw ba ako? eh, kung simuraan ko kaya ang batok nito? malalaman talaga niya at dapat nyang tawanan!
pero, kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa mga sinabi niya.
Biglang din pumasok sa isip ko, kung talagang may binabalak siyang masama, dapat kanina pa niya yon ginawa dahil unang-una, kung gagawin niya yun dito, paniguradong walang makakaalam kahit magsisisigaw pa ako. Masyadong malayo to sa mismong University at kahit maputol pa ang mga ugat ko sa leeg kakasigaw dito or kahit magwala pa ako ay walang makakarinig sakin.
Agad ko na lang tinungo ang likuran ng puno at dali-daling nagpalit. Pero bago ko pa man isuot yung T-shirt niya ay...
*Sniff*
Syempre inamoy ko muna! mahirap na baka may tinatagong bomba yon sa katawan at mahawaan pa ako! (palusot.com)
aba! kahit ganito itsura ko, may karapatan din akong mag-inarte noh!
Pero..
hmm.. ang bango! lalaking-lalaki ang amoy.. nakakagigil amuyin.. may nalalaman pa akong papikit-pikit while pa-amoy amoy..
"Matagal ka pa ba dyan?" Narinig kong tanong niya sa di kalayuan.
Agad na lang din naman ako nagpalit. Peste kasi! nakaka-aadict ang amoy!
Hindi ko tuloy alam kung lalabas ba ako sa likod ng puno or papaalisin ko muna sya bago ako lumabas matapos kong makapag-palit, pero napaka-sama ko naman kung papaalisin ko siya samantalang siya lang naman ang nagmagandang loob na pahiramin ako ng pampalit ng damit, kung hindi dahil sa kanya ay uuwi akong mukhang basahan.
Nahihiya man pero nagpasya nadin akong lumabas..
Unti-unti ang ginawa kong paghakbang.. nahihiya kasi ako. T-shirt ba naman niya ang suot ko ngayon, super awkward ang pakiramdam..
"Oh! kasya naman pala sayo.." Tuwang-tuwa niyang sabi habang himas-himas ang baba niya.
Bahagya naman akong ngumiti dahil sa expression ng mukha niya.
"Salamat sa Abbs- Este! Salamat sa pagpapahiram mo, wag kang mag-alala, isasauli ko din ito."
Walangya talaga! nadudulas pati ang dila ko dahil sa yummy na abbs na yan!
"OK lang talaga. then, dont bother yourself too much because of that Shirt." pagpapaliwanag niya.
*****
"Salamat ha?" Nahihiya kong sabi sa kanya habang naglalakad na kami papunta ng University nasa likuran lang niya ako, sumusunod sa lang sa kanya.
"Haha, Sabi ng Wala yon! kulit mo.. ilang beses ka ng nagpasalamat.. quotang-quota na ako sayo. Siya nga pala, wag mong kalimutang dumaan sa clinic para malinis yang sugat mo." -siya
May sasabihin pa sana ako sa kanya ng mapansin kong nasa mismong University na pala kami. Kanina pa pala ako sunod ng sunod sa kanya. Hindi ko napansin. Tanging sakong lang kasi niya ang nakikita ko kanina habang naglalakad. Nahihiya kasi akong mag-angat ng tingin.
Huminto sya sa paglalakad at biglang pumihit siya paharap sa akin dahilan para muntik na akong masubsob sa kanya. Buti na lang at nakapreno agad ako dahil kung nagkataon, sa perfect abbs nya ang landing ko!
"Ito tatandaan mo, hindi lahat ng oras ay kailangan mong umiwas." Makahulugan niyang sinabi.
"Ha?" -ako
alam ko ang ibig nyang sabihin, madali lang intindihin yon, pero alam mo yung feeling na may mas malalim pa siyang gustong gusto ipa-intindi sakin sa mga simpleng salita nyang iyon.
"Sana sa susunod na magkita tayo.. Gusto kong lumalaban kana.... SUMMER." Tinapik niya ang likod ng balikat ko sabay talikod at nagpatuloy siya sa paglakad papalayo.
Napayuko na lang ako sa mga binitiwan niyang salita. Mas lalo tuloy akong naguluhan.
*****
Dumaan muna ako ng clinic para palinisan na talaga ang sugat ko, Advice yon ni estrangGwapo (Estrangherong Gwapo). Nasa Hallway ako ng laboratory building namin, naglalakad ako pero okupado ng pag-iisip ko ang tungkol sa mga nangyari kanina. Para kasing may iba sa mga sinabi nya. Peste kasi! ang daming pumapasok sa isip ko ngayon.
"Sana sa susunod na magkita tayo.. Gusto kong lumalaban kana.... SUMMER."
paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung mga sinabi niya.
Hindi ko alam kung talagang dapat ba akong lumaban, sabi kasi ni kuya ang pag-iwas daw sa mga gulo ay hindi ibig sabihin ng karuwagan. Sadyang alam mo lang talaga kung anong laban ang dapat mas pagtuunan ng pansin. Medyo naliwanagan din ako kahit papaano sa taong yon.
"Sana sa susunod na magkita tayo.. Gusto kong lumalaban kana.... SUMMER."
hindi ko alam kung dapat nga ba.. at- !
Teka nga- !
SUMMER?
Binanggit niya ang pangalan ko?
Kilala niya ako?
Teka-
Pano nya nalaman?
wala naman akong natatandaan na nabanggit ko ang pangalan ko sa kanya ah?!
Paano nya ako nakilala?
bakit ngayon ko lang napansin?
Napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa maraming pumapasok na kung ano-anong klaseng tanong sa isip ko. Hindi ko alam na sa paghinto ko pala ay may kasunod pala ako at nabunggo din siya sa likuran ko at dahil sa medyo malakas na impact ay parehas kaming natumba.
Puro Disgrasya kahit saan ako mapunta ah! ano ba to? kotahan ng kamalasan?
"araaaay kooooooo!" sabi kong medyo hinihilot-hilot ang likurang bahagi ng balakang ko. Wala na akong pakialam kung sino man ang nakabunggo ko, iintindihin ko muna ang sarili ko kahit ngayon lang! masakit lang talaga ang balakang ko.
"Ano kaba? hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo? tignan mo nga oh?.. araaaaaay, sakit tuloy ng likod ko.. " Panenermon ko. Wala nadin kasing kwenta kong magwawala ako, ayoko na ipahiya pa ang sarili ko. Tama na ang nangyari kaninang eksena.
"Miss. Sorry hindi ko sina- teka! SUMMER??" Gulat nyang sinabi.
That moment ko lang na-realize na lalaki pala ang nabunggo ko. Langya!
Pero , natigilan din ako ng mapagtanto kong pamilyar ang boses nya.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siya.
itutuloy....
#Hi mga kaberks! ngayon na lang po ulit ako nakapag-UD.. busy kasi masyado sa trabaho, kahit kasi sunday pinapa-juty ako. Mamimiss daw ako ng boss ko! ahaha!
ANW, nae-excite ako sa mga susunod na mangyayari, malapit nadin kasi ako matapos sa pagpaplano kung anong eksena ang isusunod ko.
-kaikai
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top