Chapter10

Nakauwi na ako sa bahay at sina Uncle na mismo ang naghatid sa akin. Buti na lang at wala si kuya pagdating ko dahil paniguradong sesermunan na naman ako nun tungkol dito sa sugat ko pero pasalamat din ako dahil pinasasabi niya sa kasambahay namin na hindi din daw pala siya makakauwi ngayong gabi hanggang sa susunod na mga araw dahil sa marami siyang inaasikaso.

Hindi ko alam kung anung putakte ang pumasok sa isip ko at bigla na lang ako napaupo dito sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili ko.Titig na para bang naghahanap ako ng tama sa itsura ko.

Ano ang nakikita ko?

Syempre! mukha pa din ng tao!

Mukha ng hindi normal na tao para sa isang babae to be specific!

Baket?

Mga Usyosero! Hala, Sige! Sasabihin ko na!

Baket hindi Normal?

Tinitigan ko ulit ang sarili ko..

Isang babaeng Akala mo isang dekadang walang ligo!

Magulong buhok na hindi ata kilala ang suklay!

Maputlang mukha dahil walang foundation, Blush-on at lipstick!

Makapal na kilay na bawi lang sa mahahaba kong pilik-mata!

All in all.. NORMAL naman pala!

NORMAL SA PAGIGING ABNORMAL!

Sa itsura kong to? panigurado talagang walang papatol sakin!

Ang itsura kong to ang hindi papatulan ng isang Cody Sebastian! Taas kaya ng standards ng Unggoy na yun! halata naman diba? SA gwapo niyang yon? Syempre ang nababagay lang ay magagandang babae din! Kanino ba naman itatapat ang mga gwapo? Edi sa magaganda! at ako? walang pag-asa!

NGA-NGA!

Pero Teka nga!

ano na naman bang kapraningan ang pumapasok sa kukote ko?

Bakit ko ba iniisip na magkakagusto sakin si Cody?

Bakit ko ba pinoproblema na baka hindi ako magustuhan ni Cody?

Bakit ko ba yon poproblemahin? Pake ko ba?

At Inuulit ko! HINDI SIYA GWAPO! HINDI! HINDI! HINDI!

-

-

-

(hindi ba??)

Nagising ako kinabukasan dahil sa tawag ni nanay Cela sakin. Si nanay Cela ang nagsilbing tagapag-alaga ko simula pa nung maliit at hanggang ngayon ay siya parin ang pinagkakatiwalaan ni kuya hanggang ngayon pagdating sa pangangalaga sa akin.

"Bababa na ho!" Malakas kong sagot matapos ang ilan pagkatok at pagtawag sa akin ni nanay Cela.

Agad naman akong bumangon at inayos ang sarili ko saka ako bumaba. As expected, parang na-paranoid na naman si Nanay Cela kagaya ni Kuya dahil sa nangyari sa noo ko. Isang maliit lang naman na sugat na medyo namaga dahil sa medyo malakas ata ang naging tama sa bato.

Bigla kong Napansin ang isang basket na nakapatong sa Dining table pagkaupo ko.

"Ano to nanay Cela?" -ako na itinuro ang basket.

"Naku! yan ang dahilan bakit kita ginising iha.. May nagpadala niyan kanina. Pinahahatid lang daw yun sa kanya." Sabi ni nanay Cela na inabot sa akin ang gatas.

"Ha? tinanong nyo po ba kung kanino galing?" Sabay kuha ko sa Basket na nakabalot pa sa manipis na transparent cellophane.

"Naku iha.. Pasensya kana, Nagmamadali kasi siya eeh. Nakalimutan kong itanong." SAbi niyang medyo pakamot-kamot pa sa ulo nito.

"Naku nanay Cela, Ok lang ho iyon. Wag nyo na lang ho Intindihin." -ako

Matapos kong pakiusapan si Nanay Cela tungkol dito sa noo ko na wag na muna sabihin kay kuya at ako na lang ang magpapaliwanag pagdating nito ay umalis na si Nanay Cela.

Nung naiwan akong mag-isa ay agad kong kinakalkal ang basket at dun ko nakita ang mga ibat-ibang gamot tulad ng Betadine, mga Pain reliever, Band-aid at kung anu-anu pa.

Tsss! Akala ko pa naman Chocolate at kung anu-anung klaseng pagkain.. Eto lang pala.

sa pagkakalkal ko ay may nakita akong isang cute na pink na card at agad ko naman iyon binasa.

" Iha..

Take these meds... para gumaling agad yang sugat mo. "

Napangiti ako ng mapagtanto kong si Uncle pala ang nagpadala ng mga gamot. Ok lang pala na hindi pagkain.. Sobra na talaga kasi yung tulong na ginagawa niya sakin simula ng pagdala niya sakin sa Ospital hanggang sa paghatid niya sakin kagabi dito sa bahay at himalang walang Violent reaction si Cody dun!

Abay Dapat lang na manahimik sya! Unang-una ay hindi naman siya ang nagda-drive! pangalawa, wala din naman talaga siyang magagawa. BWAHAHAH!!

Maaga akong dumating sa University kabaliktaran sa palaging nangyayari. LATE! Nandito ako ngayon sa Canteen naghihintay sa BFF kong sobrang ganda! at sa sobrang ganda ay masarap ihampas sa table ang mukha dahil sa sobrang tagal! Ilang sandali pa nga ay nakita ko na siyang dumating at agad akong nilapitan na agad nagsalubong ang kilay.

"Napano yan BFF?" tanong nyang itinuro ang noo ko na nagsisimula na din atang maging praning. Wag na kayong magtaka, Iba ang nagiging reaksyon nya pag ako na talaga pinag-uusapan.

"Nadapa" -ako

"Nadapa? FYI lang ahh! Sa pagkakaalam ko BALIW ka lang, hindi TANGA!" -Alexa

"Alam mo naman pala eh, Bakit kapa nagtatanong?" Sarkastiko kong sagot sa kanya. Kaloka! alam naman pala niya!

"Si Cathlyn na naman ba?" bigla niyang tanong.

Napatingin na lang ako sa kanya at alam niya na kung ano ang isasagot ko. Alam naman kasi niya ang dahilan ko kung bakit hindi ako pumapatol sa babaeng yun! May mas malalim pa kasing dahilan.

Natapik na lang ni Alexa ang noo niya habang pailing-iling...

"Hanggang kelan ka magpapa-tapak dun sa babaeng yon?" -Alexa

Napayuko ako sa tanong nya..Kahit kasi ako, hindi ko din alam hanggang kelan.

"Alam mo, Summy.. Hindi porket ikaw ang Bida sa Story na to ay magpapa-api ka lang ng Bongga! Aba! kung ganyan lang din ay gagawa na ako ng batas na lahat ng Bida sa Wattpad ay Nananampal at nananabunot na!" mataray nyang sabi.

Medyo natawa lang ako sa last niyang sinabi. As if naman na kaya nyang gawin yon? Feelingera talaga si Alexa tulad ni Author. AHAHA!!

matapos nun ay sabay na kaming nagpunta sa klase namin.



CLASSROOM.


Kanina pa kami naghihintay sa una naming klase pero nakalipas na ang ilang minuto ay walang prof na dumadating. kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana nagpa-late na lang ako May bigla daw kasing dumating na importanteng tao at pinatawag lahat ng mga teachers.

Halos mapapikit na ako sa antok ng biglang may naramdaman akong may gumalaw sa gilid ko. Pagtingin ko ang bruho lang naman pala na parang sinadya atang banggain pa ang upuan ko para makaupo siya. Letse talaga siya! Sa dinami-dami kasi ng pwedeng upuan ay dito pa talaga sa gilid ko tumabi! Nakakaasar talaga siya kahit kailan!

"Anong problema mo?" Agad nyang tanong sakin ng nakita atang masama ang pagkakatitig ko sa kanya.

"Yung kayabangan mo!" Mataray kong sagot.

"Kung balak mo akong patayin dyan sa mga tingin mo, Dapat mas galingan mo hindi yung para ka pang nagpapa-cute sakin! FYI lang.. hindi ako pumapatol sa mga mangkukulam!" Sabi nyang medyo mas diniinan pa talaga ung last word niya!

"At sino naman nagsabi sayo na pumapatol ako sa mga laman lupa?" -ako

Nakaka-imbyerna! ke aga-aga pinapainit ang ulo ko! Sabi na nga ba at siya palagi ang sisira sa araw ko!

Nanahimik na din sya matapos ang saglit naming sagutan. Para syang babae, putak ng putak!

ilang minuto din kaming ganito. pakiramdaman kung sino unang magsisimula ng another round ng Bangayan.

Akala nya kasi basta-basta na lang ako magpapatalo! hindi porket sisiga-siga sya dito ay siya na ang pa- !

"Okay na ba yang sugat mo?"

Anong akala niya basta na lang ak- !

Teka- !

May narinig ba ako?

Agad ko syang nilingon at dun ko nakita na nakatingin pala siya sakin. Yung tingin na malayo sa tingin niya kani-kanina lang habang nagtatalo kami. Dahil sa hindi naman ako masyadong feeler kaya naman binigya ko lang siya ng ARE-YOU-ASKING-ME look. And what would you expect sa isang Cody Sebastian? binigyan lang naman niya ako ng WHAT look niya.

"Ako ba ang tinatanong mo?" saka ko tinuro yung sarili ko.

"Ay hindi! yung pader! yung pader ang kausap ko!" Sarkastiko nyang sagot sabay paturo-turo pa sa pader na nsa gilid ko.

Walangya talaga! Ang tino nyang kausap grabe!

At the same time, medyo natahimik din ako nung narealize ko na para sa akin nga ang tanong nyang iyon.. Hindi naman kasi kapani-paniwala. Heler? Cody Sebastian? Mangangamusta? Hindi yon kasama sa description nya bilang UNGGOY slash UNGAS slash BAKULAW slash MAYABANG slash EPAL slah KURIMAW.. may ihahabol pa ba kayo?




[ CLINT's POV ]

Mag-isa lang ako ngayon sa MD underground dahil may kanya-kanyang mga lakad ang mga member ng Gang.. Dumating kasi kanina dito sa University ang pinaka-kinatatakutan naming tao at Himalang hindi siya Dumiretso dito sa lungga namin at dun siya tumambay sa Dean's Office at umalis din kalaunan..

Super nakakabagot ang buong palagid ngayon dahil walang magugulo.. Walang nagpapatugtog ng malakas. Ewan ko kung ano ang bigla kong naisip at kinuha ko ang Cellphone ko at binuksan ang Gallery at hinanap ang kaisa-isang picture na matino kong nakuha sa isang babae habang natutulog.

Actually, matagal na akong may crush sa kanya pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mala-anghel niyang mukha sa Cellphone ko.

Kung mabibigyan talaga ako ng pagkakataon na magkakilala talaga kami, Hinding hindi ko talaga yon sasayangin!



[ SUMMER's POV ]

Bukod sa tambayan ko na nasa pinaka-likurang bahagi ng University ay may isa pa akong Hide-out... Yes! hide out siya kasi parang ako lang ata ang tumatambay dito! Marami kasing nakakapanindig balahibong kwento about sa lugar na to!  Nasa loob lang naman ako ng isang abandonadong building ng St. Ferg's University. Actually, ayon kasi sa libro ng mga kalbong Author na nagsulat ng History ng School nato ay dating itong Ospital. Sa pagkakaalam ko kasi Inabandona ito dahil sa gusto nilang ma-preserve ang building dahil ito din ang pinaka-unang Building ng Skwelhang ito. May pa-preserve2x pa silang nalalaman, ayaw lang nila sabihin na natatakot lang sila!

Naglalakad ako sa malawak ng Hallway ng Building ng makarinig ako ng tunog,. Kung hindi pa sira ang pandinig ko, palagay ko mula iyon sa Isang Earphone na naka-maximum ang volume.

Parang may multo nga ata dito?!

Teka nga! Multong nagsa-soundtrip?

Meron ba nun?

Agad kong hinanap kung saan nanggagaling ang tunog.

Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil agad ko din naman itong nakita. Mula ito sa isang mala-Anghel na babae na nakaupo sa gilid ng bintanang walang Rehas na kung wala lang siyang Earphone at kung hindi dahil sa pakanta-kanta niya ay mapagkakamalan kong magpapatiwakal ito,Hindi ko malaman kung bago lang siya dito dahil ngayon ko lang nakita ang mukha niya sa ilang taon kong pag-aaral dito. Sabagay, Sa laki ba naman ng University nato' Talagang malabong mangyari na makita ko siya.

Medyo malakas ata ang Senses niya dahil kahit malakas ang volume ng iPod niya ay naramdaman niya pa rin ang presensya ko. Ngumiti lang ito pagkakita sa akin.

Nakakaloka! nakakatomboy ang Ganda niya! Parang Dyosa! Yung tipo ng Time na akala mo may palaging nakatapat na ilaw sa mukha niya! Ganun kaaliwalas ang Aura niya!

"H-Hi!" Pautal-utal kong pagbati.

Nagtanggal siya ng Earphones nya at bumaba siya mula sa kinauupuan niyang Bintana pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.

"Hi din!" Bati niyang naglakad papalapit sakin.

"Naistorbo ba kita?" -ako na nahawa na ata sa pag-ngiti niya.

"Hindi naman.. " -Siya

Niyaya ko siyang umupo kasi nga FC ako.. Medyo nahihirapan kasi akong kausapin siya dahil nadin sa mas matangkad sya sakin at kailangan ko pang tumingala para lang makita ko siya. Bago paman kami makaupo ay tinanong nya ang about sa nangyari sa noo ko. Tulad ng sinagot ko kay Alexa, yun din ang isinagot ko sa kanya.

"Alam mo, angsakit mo sa leeg! nakakaloka ka!" Prangka kong sabi sa kanya pagkaupo namin na ikinabigla ko dahil tumawa siya.

"Haha! Bakit naman?" -Siya na medyo natatawa pa din.

"Duh! Sa liit mo kasing taglay, kailangan ko pang tumingala para makausap ka!" -Sarkastiko kong sagot na medyo dinadama ang likurang parte ng leeg ko.

Totoo naman eh! Towering Height! Pero yung tangkad niya kasi super Sexy! yung ganun? May angas! Wapak na Wapak!

Dahil sa parehas pala kaming FC ay kung anu-anu na ang napagkwentuhan namin. Nagsimula sa Type of music, na napunta sa Pagkain na napunta naman sa Damit tapos sa Movies naman, Sa sapatos, Parlor. Pati ata kwento ng tindera sa may Canteen namin nadamay din sa usapan! Ganun namin Winel-come ang isat-isa..  CHISMISAN! at lastly naman,  ang topic namin ay tungkol  sa Lovelife.

"What? Are you Serious?" Gulat nyang tanong sakin na nanlalaki pa ang mata matapos kong sagutin ang tanong niya about sa lovelife ko,

"Yupp! So Dead Serious!" Sagot kong patango-tango pa.

"Sa Ganda mong yan? Wala kang naging Boyfriend?" -Siya

"nu kaba? Ilang Beses ka bang iniluwal at kailangan ko pang ulit-ulitin na OO nga?!" -Ako

"Oh, No! Hindi talaga ako makapaniwala! Sa ganda mong yan?" -Siya

Halos nasamid ako sa last word niya. AKO? MAGANDA? Eh, ang laki pala ng tama nito eh!

"Haha! Alam mo.. Ang laki na nang DIperensya mo sa mata!" -Ako

"Ring! Ring! Hello? 20-20 yata ang vision ko!" -Kunwaring pagtataray niya.

"Hindi kaya 200-200?" pang-aasar ko.

Agad naman nya akong binatukan.

"Ikaw lang ang ata ang kilala ko dito sa St. Ferg's University na hindi nakaka-appreciate sa sarili!" -Siya

Bang! Sapul! Tinamaan ako dun!

Pero totoo naman diba? Never may nanligaw sakin- ay! Hindi pala! Meron nagbalak, pero nung nalaman nila na si Kuya Gayle Akiyama ang kuya ko ay para siyang basang sisiw na umatras. Hindi ko nga alam kung Dahil ba ito sa itsura ko or dahil sa kung ano ang mga nakapalibot sa akin. Pero sa totoo lang, Normal naman ang naging takbo ng buhay ko kahit wala akong lovelife2x na yan! Siguro sa pananaw ng iba 'Oo' Pero sa akin. OK lang naman..

Naging mahaba-haba ang naging usapan namin tungkol sa buhay naming dalawa at pangako ko din na ipapakilala ko siya sa isa pang Baluga kong kaibigan.. Well, Sino pa ba? Edi ang nag-iisang Reyna na sarap ibalibag.. Si Alexa!

"Siya nga pala, kung ano-ano na ang napagkwentuhan natin pero hindi ko pa pala naitanong name mo..?" -Siya na pakamot-kamot pa sa ulo.

Actually kahit ako ay nakalimutan ko din. Sarap kasi syang kakwentuhan. Nakakawala ng Bad Vibes, Certified Krung2x kasi siya at napatunayan ko yon sa ilang minuto na pag-uusap namin.

"Summer." SAbi kong inilahad ang palad ko.

"Summer? I love Summer! Hehehe.. By the way, Im DIANNE AMBION" -Siya na nakipag-handshake din.

"Sooo.. FRIENDS na?" tanong kong medyo siningkit ko pa ang mga mata ko sabay taas baba ng kilay ko at hindi pa rin namin binibitiwan ang kamay ng isat-isa.

Tinanggap niya iyon agad na halatang tuwang-tuwa.

"Yah! Berks na tayo! Berks na Berks!" -Siya

Sabay naming kinain ang baon niyang Sandwich at pasalamat din at meron din akong baong tubig, Matapos ng food sharing namin ay sabay na din kaming nagpunta sa mismong University dahil parehas din ang simula ng mga kanya-kanya naming mga klase.

Gulat kami parehas ng mapagtanto naming nasa iisa lang pala kaming building, Akalain mong halos nasa iisang lugar lang pala kami pero never naming nakita ang isat-isa? Binilisan nalang namin ang paglalakad kahit medyo malayo pa ang oras. Parehas kasi kaming may Exam sa iisang subject na nagkataon din na prof niya din pero mas mauuna ang klase namin bago ang sa kanya.

Ilang hakbang mula sa Room namin at biglang may tumama na kung anong matigas sa mismong sugat ko.

Parehas kaming nagulat ni Dianne pero mas mukha siyang nagulat nung humarap siya akin at napatingin sa noo ko.

"Sakit nun ah!" Halos pasigaw kong sinabi at paglingon ko ang nagtatawanang sina Cathlyn ang Nakita ko. Sila na naman!

"Berks.. Yu-yung noo mo.. " Pautal-utal na sinabi ni Dianne na tinuro ang noo ko.

"Ha? Anong noo? Anong meron sa noo ko?" -Pagtatanong kong medyo naguluhan ng konti. Ilang sandali pa ay may naramdaman akong parang may unti-unting tumutulo na kung ano sa gilid ng mukha ko. Pinahid ko yon at dun ko nakita ang pulang likido na patuloy sa pagtulo.




#haluuuuuuu!!!!!

pasensya napo at ngayon lang ako nakapg-UD.. busy na po kasi.. hihih..

sana magustuhan niyo yung chapter na to..

harthart ♥ ♥

baka next week na naman po ang susunod..

Credits to D.A.A .. siya yung gumaganap na Dianne dito sa kwento..

☻ ♥ ♥ ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top