Chapter 7


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kanina sa Classroom..

Sino na namang matinong tao ang makaka-move on ng ganon-ganon na lang matapos kang ipahiya?

Ipahiya ng taong napakasarap isumpa?


Flashback..



"Just a 32A??.."

Tanong niyang itinaas pa ang hawak-hawak niya.
Mas lumakas pa ang tawanan ng Classmates ko sa ginawa niyang pag-bandera nun!!.

Matapos niyang sabihin yon ay tinapunan lang niya ako ng nakaka-insulto nyang tingin.

Tingin na mula ulo hanggang Dibdib..
Oo, dibdib lang.. Hangang dibdib lang dahil sa kamanyakan niya!!..

At Oo, Dahil tama kayo ng iniisip.. BRA ko lang naman ang nasa kamay ngayon ng Hudas na si Cody na naka-DEVIL smile pa sakin.

Letse talaga siya!!..

Naisip kong wag ng magsayang ng oras para makipag-patintero sa BRA ko na yon dahil alam kong hindi naman niya iyon ibibigay KAHIT FAVORITE KO PA YON!!.. Alam ko kaya ang takbo ng isip ng mga Demonyo!!..


"32A lang??.."

"Ang liit naman.. pang elementary yung size!"

"Gosh, Is she really a Girl?"

"Late Bloomer ata,,"

"Bakit ang liit? bakla ba siya!"


Kahit Malakas ang tawanan ng mga kumag kong mga Classmates ay dinig na dinig ko pa din ang mga pinagsasabi ng nasa likod. At Oo, Sina Cathlyn yun!!.. Ang mga babaeng walang ginawa kundi magpabomba ng dibdib kaya naman halos every month ata ay iba-iba ang cup size!!..

Letseng mga suki ng Vulcanizing nato na every month nagpapa-bomba ng mga dibdbi nila!!.. Daming alam!!.. Kung makapag-salita sila akala naman isang mortal na kasalanan ang magkaron ng maliit na dibdib?!!..

Kasalanan ko ba kung late bloomer ako??.. Seksi kaya ang may mga maliliit na boobs!!

DIBA READERS?? DIBA??



End of Flashback.




Kanina pa ako nagwawala dito at Halos Mabunot ko na lahat ng Damo dito sa kinauupuan ko.. Damo na lang kasi ang naiisip kong pagbuntunan ng galit sa Cody na yun!!.. Pero kung pwede mag-salvage, okey lang kahit kay Cody ko pag-praktisan!!..
Buti na lang at nandito ako ngayon sa palagi kong tinatambayan.
Dito, pwede akong magwala, pwede akong manghagis hanggat kelan ko gusto at pwede din magbaon ng buhay dito at ang walangyang Cody na yun ang plano kong ibaon dito!!..
Eto kasing part nato ang pinaka-likod ng School. Halos walang nagpupunta dito kasi Creepy daw.. Pero mas gusto ko yung ganito kasi walang istorbo.. Walang Cody na bumubwisit sakin!

"Walanghiya ka talaga! bwisit ka! Bwisiiiiit.. ibabaon talaga kita dito ng Bu-"

"Poor Grass.. Tsk!"


"Ay, palakang kokak!!..." Nasabi ko sa gulat ng may biglang nagsalita sa di kalayuan.
nag-angat ako ng tingin at dun ko nakita ang isang lalaki. Binigyan lang ako ng makalaglag panty na ngiti at Naglakad ito papunta sa akin.


Shet naman! Ang Gwapo! Ang ganda ng ngiti! nakakawala naman ng stress.. Pwede bang i-check ko muna yung garter ng Panty ko baka nagtatakbo na?


"Naistorbo ba kita?" -Siya

"Ha? Naku, Hindi naman.." nahihiya ko pang sagot.

"AAhh.. ako kasi naistorbo mo." Prangka niyang sabi sabay upo sa harapan ko.

"Excuse me?" tanong kong agad nagbigla ang timpla ng mood ko.

"haha, joke lang. by the way, I'm Clint." Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman yon.

"Im Summer " sabi ko.

"Summer? Nice name.. anyway, Balak mo bang mag-hardinera??" Tanong nyang nakapangalumbaba sa harapan ko. Ang cute nya tignan.

"Huh??.. hindi aahh! may iniisip lang ako" Actually, pinapatay ko na nga sya sa isip ko eehh..

"Aahh.. Galing mo kasing magtabas.." Kaswal niyang sinabi.

"Ha?" -ako

"Oo, Tignan mo yung harapan mo.." Sabi niyang itinuro yung halos nakalbo nang damuhan na nasa harapan ko. Agad ko naman iyon tinignan at dun ko lang napansin na hugis baboy yun..

May hidden talent pala akong ganito?!.. makapag-enrol nga bilang Hardinera:)) part time ko..


"Love Problem?" bigla nyang tanong. Hindi rin sya tsismoso.

"Hindi aah.. may gusto lang ako ipakulam." -ako

"What? ipakulam?" Gulat niyang sinabi.

"ay, hindi! PAKULUAN!" Sarcastic kong sagot. Grabe siya kung maka-react. Daig pa ako letse! pasalamat ka at gwapo ka! kung hindi, kanina pa kita hinalikan! :))

"Sino naman?" tanong niya na nabalik ako sa ulirat ko.

Hindi rin talaga siya chismoso noh?

"Naku! Hindi mo na gugustuhin makilala.. Sarap kasi isumpa!" -ako

"Isumpa?" -siya

"Ay, hindi! LUMPIA!" Nakakaloka tong kausap ko diko malaman kung bingi ba or may diperensya sa utak! nase-stress yung bangs ko!

Natawa siya sa sinabi ko at bigla niyang ginulo yung buhok ko na matagal ng magulo. F.C siya ampernes!.. pero ok lang kase mas feel ko siya kesa sa bakulaw na si Cody. Atleast eto, matino kahit FC..Tignan mo nga oohh, at may hawak pang libro..

Kalaunan ay ibinalik niya ang tingin niya sa libro niya at napansin kong bahagyang nagsalubong ang kilay niya na para bang nauutot na natatae na naiihi.

"Ang laki naman ng Diperensya.." Sabi niyang mas tinitigan pa ang nakabuklat nyang libro.

Wow, haaa... Philosophy pa ang binabasa niya! nakaka-bilib naman.. Matalino siguro siya.. nakaka-turn on yung mga ganitong lalaki..


"Ha? ano bang Lesson yang binabasa mo?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman makita kung sang parte ang binabasa niya.

"Ang laki talaga.. Dapat kasi parehas sila para maganda.." Sabi niya ulit.

Ang galing niya talaga! kaya niyang mag-differenciate kahit tinitignan lang niya!

Dahil sa Curiosity ng nagmamaganda niyong bida ay lumapit ako sa kanya at sinilip kung anong tinutukoy niyang malaki ang diperensya.


Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko kung ano ang tinutukoy niya.
Dalawang babaeng halos naka-hubad lang naman at kita ang mga dibdib ang nakita ko mula sa isang magazine na nakaipit pa sa libro niya para hindi halata.

Langya! akala ko matino ang lintek! manyak din pala ang tipaklong!

"You Pervert!" Sigaw ko sa kanya na agad naman niyang tinakpan ang tenga niya.

"Hey, Dont shout.. sakit kaya sa tenga!" Sabi nyang kinuha ulit ang libro at inayos ang magazine na nandun.

"..Pero, Ang laki talaga.." Ulit niya na para bang hindi niya napansin ang naging reaksiyon ko.

Napa-facepalm na lang ako dahil dun..

Hay, naku akala ko ba naman matino, manyak din pala tong' mokong na to tulad ni Cody!!..

"Hoy, Baka mamaya iniisip mo na manyak ako aahh.." Sabi niyang medyo napansin ata na nag-iba ang tingin ko sakanya.

Aba! mindreader ba siya??..

"Di ako nag-iisip nun!" Pero, totoo naman ehh.. sa isip ko.

"Anong hindi? halata kaya dyan sa tingin mo at sa reaksyon mo!"

Sabi na eehh...

"Hindi nga sabe!" -ako

"halata nga kaya!" -siya

"Hindi nga! kulit nito!" -ako


Nakailang palitan din kami ng Convo na ganun ang flow ng biglang iniba niya ang usapan.

"Nga pala, Summ.. Pwede Favor?" Sabi niyang nagsimulang magpa-awa effect sa mapupungay niyang mata.

Akala naman niya madadala ako ng beautiful eyEs niya!


PWES. Oo!!..


Tinignan ko muna siya ng maigi, baka kasi kung anung hilingin ng Cute na Pervert nato!

"Basta kaya ko. Ano ba yon?" Sagot ko na hindi maiwasan na hindi mamangha sa kagwapuhan niya.

Manyak nga lang!

Hindi na siya nagsalita ulit at Nagulat na lang ako sa mga sumunod na Eksena ng bigla siyang humiga sa lap ko at dun niya pinag-patuloy ang pag-Eksamin sa mga dibdib na nasa magazine na kina-calculate niya kanina pa.

Kapal naman neto.. Gawin ba namang unan ung hita ko?!

Ilang minuto din na ganito ang posisyon namin at namamanhid na ang mga binti at hita ko sa bigat ng ulo niya.. Sasabihan ko sana siya na kung pwede ay bag ko na lang ang gawin niyang unan pero narinig ko ang mahina niyang paghilik.

Langya! Ginawa na nga akong unan.. tinulugan pa ako??.. Hanep ahh!

Wala na lang akong nagawa kundi pagmasdan ang mukha niya na ang amo tignan... Hindi halatang Manyak! Ang tangos ng ilong. kung kissable lips, aba! panalo! Ang liit din ng mukha niya at ang kinis pa.. parang hindi ata uso ang pimples sa kanya.. palong-palo ang lalaking to!
Buti na lang at tanghaling tapat pa at ina-nounce kanina na walang klase sa lahat ng level dahil may urgent meeting daw ang mga prof namin kaya naman mapagsasawaan kong titigan ang mukha ng Pervert angel na to habang natutulog! pagnanasahan ko muna. HAHAHA!
Buti na lang pala at may puno na nasa likod ko na pwede ko sandalan. Maya-maya pa ay nakaramdaman din ako ng bigat sa mga mata ko kaya naman ay nakatulog nadin ako..



****


[ CLINT's POV ]


HELLO PO!!..
Ehem!

Alam kong Nabanggit na ni Cody ang pangalan ko sa inyo, INUNAHAN AKO!! pero still, magpapakilala parin ako.. I'm Clint Javier. Ang matinong Lalaki sa balat ng St. Ferg's University.

* Author: Ows?

Uy! wag ka nang umepal Author.. aking moment to eehh.. pero totoo, marami nagsabi nun.. Hindi lang isa, kundi dalawa! HAHAHA!!.. pero promise, yun yung sabi nila sakin. Hindi ko alam san nanggaling yung katotohanan na yun, pero, salamat sa mga chismosang nagkakalat nun..

Mahilig akong magbasa.. Pero hindi ako Bookworm tulad ni Lee. Palagi lang akong may hawak ng libro,

At ngayon ang latest? Ang Cover ay Philosophy pero ang Lesson, Bikini.

MGA NAGGAGANDAHANG NAKA-BIKINI!!:))

Pero, Hindi talaga ako manyak!

Palagi akong nakatambay dito malapit sa MD underground dahil mas peaceful yung pakiramdam pag andito ako, dahil bukod sa mga member ng Gang ay Walang naglalakas loob na dumaan dito kaya walang istorbo. Wala ka din makikitang nakatukod na gusali dito kasi nga diba UNDERGROUND?!

Kung san kami pumapasok? Secret... HAHA!!
Bawal ipagsabi eehh.. magagalit si Author. Yung mga bida na lang daw magre-reveal..
Hindi kasi ako ang bida dito, nakiki-usyoso lang ako.

Umaga pa lang nandito na ako malapit sa MDU..

wala! Tambay lang..

Ayoko kasing may istorbo lalo na at tumitingin ako ng magagandang tanawin sa magazine na nakuha ko kanina sa Classmate kong Certified Manyak! Hindi ako may-ari nito ok? nakikitingin lang.. Wala namang masama diba? lalaki kaya ako, natural lang na magpantasya ako kahit sa mga magazine lang na ganito.

Naistorbo lang naman ako ng biglang may dumating na cute na babae.

WELL, CUTE SIYA PARA SAKIN!!.. WALANG AANGAL SA TASTE KO!!..

Napansin ko kasi na Siya lang ata ang naglakas loob na pumunta sa lugar nato?! sa pagkakaalam ko kasi, Kinatatakutan tong lugar namin kasi Stricted area na to. Demerit kasi ang matatanggap mo once na pumasok ka sa teritoryon ng MD.. Astig diba?

Pero siya? Walang kagatol-gatol na sumalampak na lang sa damuhan pagdating niya at walang awa niyang binunot ang mga damong makita niya habang may pabulong-bulong pa..Akala ko nga may Witchcraft siyang ginagawa e, yung moment na hinihintay ko syang maglabas ng kawali at broomstick at mga pangkulam na kagamitan!! Hindi pala! masyado lang akong paranoid. HAHA!

At first, medyo nairita ako kasi maingay siya. Para kasi siyang bubuyog na bulong ng bulong.. Pero katagalan, nagiging cute naman siya tignan at isa na don ay dahil sa salamin niya at sa maliit niyang mukha.. dagdag pa ng Backpack at cute nyang sneakers.. Malayong malayo sa mga babaeng nag-aaral sa University na to dahil sa nagtataasang heels at nagkakapalang make-up. Siya? parang malayo sa Civilization. :))

Nagpasya akong lumapit dahil sa talagang naiirita na ako sa mga pinagsasabi nyang kung ano-ano.. Natatawa din ako sa ginagawa niya sa mga damo..

Lumapit ako sa kanya at nagpakilala ako.. Nagkwentuhan konti tulad ng ginagawa ng mga bagong magkakilala.

To tell you honestly, siya ang kauna-unahang babaeng nakilala ko na parang may sayad sa ulo. Grabe kasi makapag-salita. hahaha!! nakakatawa!

Klase ng babae na walang Walang poise.. Walang pakialam.. klase ng babaeng magkaka-interes ka.

Nakihiga din ako sa lap niya kasi nga FC ako at sumasakit nadin kasi ng likod ko. Pero ilang minuto ang lumipas ay nakatulog na pala ako.

Medyo hapon na nun ng magising ako at himalang nakaunan pa din ako sa lap niya. Akala ko nilayasan na niya ako.. Nagulat lang Talaga ako kasi nung pagtingin ko sa kanya, nakatulog na din pala siya habang nakasandal sa Puno na nasa likod niya.. kawawa naman, naging instant unan ko tuloy..

Bumangon ako ng dahan-dahan ng sa ganun naman ay hindi siya magising, Ang himbing kasi ng tulog niya.

Tinanggal ko ang Eyeglasses niya na medyo nahuhulog na at inilapag ko muna iyon sa damuhan. Hinawi ko din ang buhok na nakatabon sa mukha niya.

Halos mapa-nganga ako nung tinitigan ko siya. Hindi siya gaanong kagandahan pero nasa kanya yung tipo ng mukha na hindi ka magsasawang titigan.. Tama lang ang taas ng ilong niya na nadagdagan pa ng natural niyang mapulang labi. Bumagay din sa kanya ang Medyo makapal niyang kilay.. Sa Simple ng suot niya, hindi mo aakalaing dito pala sya nag-aaral.. kilala kasi ang mga babae ng St. Ferg's University na sosyalera at galing sa mga kilalang pamilya. Samantalang siya, Isang simpleng T-shirt lang at Skinny jeans na pinarisan ng Sneakers niya at Black Backpack.. Napaka-simple talaga.

Sa tagal ng pagkakatitig ko sa kanya ay hindi ko na namalayan ng unti-unti na pala akong lumalapit sa kanya.

Palapit ng palapit...


...kasi yung langaw sa mukha nya, kaya ayun! hinampas ko na!




Note: Credits to Ms. PVG kasi mas na-inspired ako!!.. Sarap sa pakiramdam na may nakakausap kang mga Writer talaga di katulad ko na feelingera!! wahaha!!!. ♥ ♥ ♥

Pero, masarap kaya maging Feelingera Sometimes.. try nio! Cool!! haha!! ♥ ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top