Chapter 6
[ ALEXA's POV ]
Baaaa.. si Author bumabait.. Binigyan talaga ako ng POV ko.
Friends.. Readers.. Magpapakilala muna pala ako.. Im Alexa Stefan Kim Grace Tan Llanarez
Haba ng pangalan ko no??.. Ako lang naman ang nag-iisang Besfie ng bida nyong si Summer Akiyama a.k.a Summy.. bestfriends na kami simula ng nalaman namin pareho na isa lang ang trip namin at isa lang ang dugong nananalaytay sa mga ugat namin, ang pagiging beautiful nerd.
Oo, nerd kami pero hindi katulad ng napi-picture out nyong halos hindi na nagsusuklay and with braces pa, pero ,minsan si Summy, Ganun! Pero, Syempre kami ni Summy, mga seksing Nerd kami.. eto lang naman kasi si Summy, di mahilig maglagay ng kolorete sa mukha niya, hindi maruong magpa-sexy. Ayaw daw niyang inilaladlad sa madla yung katawan niya.. Siya yung tipo ng babae na ipapalaman sa tinapay ang lipgloss kasi mabango at matamis! nakakaloka diba?
She's simply beautiful and very innocent at never niyang na-appreciate ang katangian niya dahil tinatago niya yun sa buhaghag niyang buhok at pagkalaki-laki niyang eyeglass. Pero kahit ganun, i still love her no matter what!
We're NBSB. Pero hindi ibig sabihin na walang nanliligaw. MAGANDA KAYA KAMI! -oh, epal?
Dahil sa maganda nga kami, kailangan naming maging choosy. Kaso, yung mga babaeng saksakan ng maldita tulad nila Cathlyn and her disciples ang napapansin ng mga fafalicious na boys. Talo kasi ang beauty and brains namin ng mga flirt na kagaya nila, lalong-lalo na yang si Cathlyn sa saksakan ng arte. Sa sama ng ugali niya parang kami lang ni Besfie Summy ang nagbibigay buhay sa kontrabida niyang character sa University.. Parang kami lang kasi ang nakikita niya at kami palagi ang napapagtripan.. Ewan ko ba kay Summy kung bakit hindi pinapatulan yung babaeng yun! kung ako lang matagal ko na sigurong ibinaon yun ng buhay sa Compost pit!
Masyado naman kasing Humble tong' Bida nyo eehh.. nakakapika na minsan ang pagiging mabait.. ansarap na batukan ng lola niyo!
Anyway, Gabi na nung nakauwi ako mula sa bahay nila Summy.. Pero, infairness haa, naloka talaga ako dun sa sinabi ni Summer sa akin na si fafa Cody ang stalker niya. Ang heavy naman kasi ng sinabi nya. Sinong hindi maloloka diba?
Sa dinami-dami ng masasamang loob na pwedeng maging stalker ng maganda niyong bida ay talagang si Cody pa ang nagso-stalk sa kanya! -oh? edi nabaliw din kayo!
Landi talaga ng bangs ni summy! pahingi nga ng hibla besfie, kahit isa lang!
Medyo napa-paranoid pa din ako sa bilis ng mga pangyayari simula nung ipag-pilitan ni fafa Cody na sa tabi ni Summy sya Uupo..
Gosh!, sino ba naman di mawiwindang sa eksenang yon, diba? na kahit ako nga ilang santo na ang tinawag ko nun para makatabi si Cody pero di parin tumalab! tatanungin ko nga sana nun si Besfie summy kung mas madami ba ang natawag niyang santo kesa sakin kaya naman mas pumanig sa kanya ang pagkakataon na makatabi ang isa sa mga University Hearthrob..
Nagpalit na ako ng damit ko bago pa ako langgamin na kanina ay natapunan ng Juice na sinadya ata ni Cathlyn at ng mga alipores niyang krung-krung. Alam ko naman kung san nanggagaling yung kadramahan nilang yon eehh, at dahil yun sa eksena sa Classroom kanina.. Alam ko naman na si Besfie Summy ang puntirya nila kaya naman nagpaka-hero na lang ako at ako na ang sumalo. Alam ko naman kasi na hindi ni Summy sila papatulan. Pero alam kong nagpipigil ang bida nyong nagbabait-baitan.. May ka-malditahan din kaya sa katawan yung besfie kong yon!!.. Madalas kong tanungin sa kanya kung bakit hindi siya lumalaban.. pero palagi namang sagot niya sakin:
"MAY TIME PARA DYAN!"
Naku! sa ilang beses na inapi siya ni Cathlyn, yang mga word nyang yan ang palaging pumupurga utak kong nanggagalaiti na sa Galit sa mga babaeng yon!!..
Pero tama din naman si Summy.. may tamang oras para sa mga tamang bagay.. ECHOSS-CHORVAA-EKLABOO!!..
[ SUMMER's POV ]
Matapos ang mahabang chikahan namin ni Alexa ay nagpasya na siyang umuwi.. pinahatid ko nalang siya sa driver namin since masyado ng malalim ang gabi at hindi ko naman pwede na basta na lang pauwiin ang baliw na yun at baka mang-rape pa yun ng kung sino-sino sa tabi!!.. :))
Heto ako ngayon at mag-isa na lang sa kwarto.. Nakikinig ng isa sa nga favorite kong kanta. Pinikit ko ang mga mata ko habang pinapakinggan iyon.
(LOVE YOU SO by NATALIE)
From the minute that you got my attention
I was taken and I have to mention..
I was trying to not let it show
But I knew I wasn't gonna let you go..
From the way that you came right to me
Looking all hot with the style that threw me..
No one would've ever known it
You would be the one who take this heart and hold it..
You got that extraordinary way
Got to be next to ya every single day..
You do something that I just can't explain
Wanna take the chance and tell you you're the one for me..
Cho:
Ooh, I love you so
Just look in my eyes, they'll tell you where this could go
Yeah
Do you know that
Ooh, I love you so
Look in these eyes, they'll tell you where this could go
I just want you to know..
You can say anything you want to
No stress 'cause I understand you
We got a vibe you can't define
Want everyone know that boy is mine
We won't fight and stop and stare at the way you hold me
You take me there at times
I feel I lose control
Forget everyone but the hand I'm holding..
Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang nag-flashback sakin ang mga nangyari kanina sa Classroom, Specifically, yung pagtabi sakin ni Cody.. lalo na yung paglapit ng mukha niya sa mukha ko.. Naamoy ko tuloy ang mentholated niyang hininga.. Yes! Mentholated kasi bagong mouthwash ata siya! Gosh, ang gwapo niya talaga! Ang bango-bango pa!
Pero... -teka nga!
Aaaaarrrggg!!!... bwisit talaga!!..
Inis kong Ginulo ang buhok ko sa mga pinag-iisip ko tungkol sa taong yon! Hindi pwedeng i-admire ko yung unggoy na yun! dahil sa kanya, masisira ang kinabukasan ko dahil hindi na ako magkakaron ng peaceful na buhay! Para tuloy gusto ko magsisi sa ginawa ko sa kanyang pagsapak.. Pero on the otherhand, kasalanan din naman niya kasi napaka-manyak ng mga sinabi niya.. Sabihan ba naman ang bumper ko na pang-bakla? Sino ba namang Dalagang Pilipina ang gustong marinig yung ganun? Diba wala? Kahit naman mukha akong Tindera sa palengke ay hindi ko rin naman mapapayagan na harasin ako ng ganun! KAHIT SOBRANG GWAPO PA NYA!
Tumayo muna ako saglit at nagpaikot-ikot sa loob ng kwarto kong hindi malaman kung kwarto nga ba ng babae dahil sa sobrang gulo.. lakad dito tapos balik na naman.. ilang beses kong inulit yon para naman malibang ko ang isip ko sa nangyari kanina.. peste kasing bakulaw na yun at masyado nyang ginagambala ang nananahimik kong isipan!!..
Huminto ako saglit at tinitigan ko ang buong kwarto..
Medyo naawa ako sa itsura ng kwarto ko ngayon, ganito pala ang nangyayari kapag Bwisit na bwisit ako.. HAHAHA:)) MASYADONG TONG MALINIS PARA SA SMOKEY MOUNTAIN AT PAYATAS dahil sa nagkalat na mga unan at nga blankets ko, nagkalat din ang mga medyas ko at sabihin niyo ng burara pero JUSMIYO PATUWARIN, hindi rin nakaligtas pati ang mga Undies ko sa panghahagis ko kanina kaya naman ay nagkalat din yon sa sahig..
Nakaramdam bigla ako ng Awa sa maglilinis ng kwarto ko bukas..
****
Kinabukasan ay dali-dali na naman akong nagtatakbo papasok ng University.. At kung bakit??.. uhhmm.. ALAM NA!
Tinawag ako ni Manong Driver nung makalabas na ako ng Kotse ,May sasabihin ata pero Hindi ko na inintindi dahil sa sobrang late na talaga ako.
Katulad ng dating eksena ay nagsimula na silang magklase nung dumating ako..
Nasa tapat na ako ng pinto nun ng biglang nakita ako ni Alexa dahil na din sa nasa unahan na siya nakaupo at malapit lang talaga sa pintuan.. Tumingin siya sakin at ganun na lang ang panlalaki ng mata niya nung makita ako..
Wow ha, parang ang ganda ko ngayon dahil sa pagkabigla ni Alexa. Araw-arawin nga ang pagsusuklay..
Maya-maya pa ay May kung anong sinisenyas siya sa likod ko at dahil sa hindi ko maintindihan ang mga ka-eklaboohan niyang mga sign language ay nagdiridiretso na ako sa pagpasok.. BAHALA NA SI EWAN kung mamisahan na naman ako ngayon ni Starwax, immune na tenga ko dun at mamaya ko nalang kakausapin ng maayos tong si Alexa!!.. nakaka-imbyerna kasi ang sign language niya..
Hindi ko sana gustong dumaan sa harapan pero wala akong choice dahil ang bawat gilid ng Room ay may mga Cabinet at lahat ng mga nasa gilid na upuan ay sinadyang idikit Mismo dun sa Cabinet na pinaglalagyang ng mga libro.. Ginawa yun Para daw walang ligtas ang mga Late na katulad ko at walang choice kundi dumaan sa harapan... Sweet noh??
Halos papikit akong dumaan. Dahan-dahan na parang slow motion sa isang pelikula..
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng malakas na tawanan sa buong Classroom. Habang Patagal ng patagal ay mas lumalakas ang tawanan nila.. Idinilat ko ang mata ko at gulat ako dahil lahat sila nakatingin sa akin. Sa pagtataka, nilingon ko si Alexa at yun, Ang bruha Naka-facepalm!!.. bakit kaya??..
Teka nga..
Inamoy ko muna sarili ko.
*sniff*
Mabango naman ako.. Naligo kaya ako..
Kinapa ko yung buhok ko..
Nakasuklay naman.. Ano problema ng mga baliw na to??..
Napatingin na din sakin si Mr. Pacheco na pinipigilang Tumawa.
Ano ba Problema nila??.. Pagtataka kong tanong sa sarili ko.
Maya-maya pa ay may tila naramdaman akong may hinigit na kung ano sa bag ko.
Napalingon ako at nakita ko ang mukha na masarap isumpa. Si Cody.
Nakangisi at tatawa-tawa niya akong nilagpasan. Gigil na gigil talaga ako sa pagmumukha niya!
Ilang sandali pa ay bigla siyang huminto sa paglalakad niya ilang dipa mula sakin at nilingon niya ako na bahagya pa din siyang nkatalikod. sakto lang na makita ko ang likod niya..
Ano bang problema niya??.. ano ba kasing nangyayari??.. Naguguluhan kong tanong sa isip ko.
Tiningnan ko ulit siya at bigla niyang inginuso ang likuran niya kung saan ang isang kamay niya ay nandun din.
Nagtataka man pero sinundan ko ang direksyon na nginunguso niya sakin.
Nakita ko ang kamay niya na nakalagay sa likod niya at dun ko napansin ang daliri niyang parang may pinaglalaruan na ginegewang-gewang niya pa.
tinitigan ko iyon maigi..
Ganun na lang ang Naging Reaksiyon ko ng mapagtanto ko kung anu yon.
#Longest Chapter so Far.. na-enjoy ko masyado yung pagtatyp ko.. Sorry po kung meron mang mga grammatical errors.. di po yun maiiwasan. HEHEHE.. pero alam ko namang matatalino kayo kaya palagay ko hindi magiging sagabal ang mga errors na yun para maintindihan ang story nato.. sana maenjoy niyo tong story kahit simple lang siya.. di naman po kasi ako talaga writer.. feelingera lang talaga!!!.. hahaha :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top