Chapter 4
[ CODY's POV ]
"Selfish to say but, Ayoko pong may iba pang tatabi Kay Ms. Akiyama maliban sakin."
Parang gusto kong masuka matapos kong sabihin yun!!.. pero kailangan ko yon panindigan dahil kailangan ng babaeng to pagbayaran ang pagsapak niya sakin.. buti sana kung sampal lang dahil matitiis ko pa yun! Pero, SAPAK talaga! buti sana kung mahina lang, kaso parang daig pa ng maton ang witch na to sa lakas makasapak!
Sa huling sinabi ni Sir sa kanya, napatayo siya.. balak pa atang makipag-argue dahil katabi niya ko.. Aba'y pasalamat nga siya kung hindi dahil sa pagganti ko, hindi niya ako makakatabi!!.. sa dinami dami ng babae na gustong makatabi ang isang Cody Sebastian, sa kanya ko pa napiling makatabi sa upuan!!..
Magsasalita na sana siya nun at bigla kong naisip na kung kakausapin niya pa si Prof. baka makumbinsi nito si Panot na mailipat si Witch ng upuan at mababalewala ang plano kong gumanti..kaya naman kahit labag sa loob ko, hinawakan ko ang kamay niya at ng makaupo na siya ay ikinulong ko sa mga malalambot kong palad ang oily niyang mukha at inilapit yon sa mukha ko na para bang hahalikan ko..
unti-unti ang ginawa kong paglapit ng mukha niya sa mukha ko para may thrill effect.. nakita kong napapikit siya nun,
Tinignan ko muna yung mukha niya sandali para alam ko ang detalye na ipapakulam ko.. HAHAHA.. Pero, langya'! nakaka-inis talaga yung kilay niyang makapal na parang linta!!.. medyo bumawi naman sya sa taas ng ilong niyang sa tingin ko ay may kapareha.. ganun din yung mga pilik mata nyang mahahaba.. maganda din kahit papano yung hugis ng labi niya at pati ang hugis ng mukha niya na sadyang maliit.
Teka nga!!, anu bang pinagsasabi ko??.. Nalintikan na!!..
Bago pa man ako ulit makapag-isip ng kung ano-ano ay ibinalik ko na ang pag-iisp ko sa katotohan.. Katotohanan na saksakan siya ng panget!!.. kaya naman nung medyo malapit na talaga yung mga mukha namin ay agad kong binitiwan ang mukha niya pero diko pa rin winawala ang smile ko.. kaylangan ko yun para sa mga audience..
"In your Dreams Witch!!" Halos pabulong kong sinabi yun sa kanya.. nakita kong nakabusangot ang mukha niya na matagal ng busangot matapos ko siyang bitawan..
The Fvck naman na hahalikan ko siya?!!!.. Asa pa siya!!.. HAHAHAHA :))
*****
Gabi na nun ng makaalis ako sa bar kasama ng mga kabarkada ko, Just driving alone, buti na lang pala at hindi ako madaling malasing.. nagyaya kasi sila ng toma sa isang bar na pagmamay-ari ng Father ni Clint Javier.. Siya yung nag-iisang member ng Gang na mapagkakamalan mong bakla sa unang tingin pa lang.. masyado kasing malamya, mahilig ding mangyakap. Akala ko nga dati kaya sumali sa Gang tong mokong nato' ay dahil sa mga lalaki. Kasama din namin sina Dash Richard na kilalang playboy ng Gang, Si Lee Alcantara, ang gwapong bookworm pero humahabol sa pagka-playboy ni Dash, Grey Cristopas naman yung sumunod sa akin sa pagiging matino.
Ehem!!.. Ehem!!.. Matino naman talaga ako, nagiging abnormal lang ang nagiging takbo ng isip ko pag nandito yung mga kaibigan ko.. Eh, sino ba naman kasing hindi magiging abnormal kung pure at certified na mga abnoy ang mga kasama mo??!!..
Napauwi tuloy ako ng wala sa oras ng dahil sa pesteng topic na sinimulan ng gagong si Lee..
[ Flashback ]
Clint: oh?, napano yang mukha mo??.. napa-away ba??..
Lee: Napa-away ka dyan!!.. Nasampal daw yan!!..
Dash: Nasampal??.. Nasapak kamo!!!..
( Bwisit talaga si Dash!!.. asarrrrr!! )
Lee at Clint: Nasapak??.. nino??..
Dash: Babae ang gumawa..
Ako: ako??.. sinapak ng babae??.. huh!!, NEVER!!! (Peste talaga ang yung witch na yun!!!)
Dash: Aminin mo na.. maang-maangan pa eehh..
Lee: What??. bakit??.. buntis ba??.. ayaw mong panindigan kaya ka nasapak??.. pare wag ganun!!..
Ako: Gago, hindi!!.. Sa itsura ng babaeng yon, papatulan ko??..
Clint: Bakit??.. ano ba itsura??..
Dash: Maganda naman..
Ako: Maganda??.. I think you should see an Optometrists... malabo na siguro yang mata mo Dash.
Dash: ofcourse not!!.. hindi ka lang talaga marunong tumingin ng maganda.
Ako: Wow, pare! nahiya naman ako sa taste mo!!.. palibhasa kasi, maputi at maganda lang ang legs, para sayo maganda na!!
Dash: Ikaw ang walang taste Cody.. HAHAHA.. palibhasa kasi after so many years matapos mawala si Camille ay hindi kana ulit lumapit sa mga babae!!.. sa dinami dami ng nagkakandarapa sayo, heto ka at nagmumukmok sa isang tabi.. Auto Repel ka palagi.. nababakla ka na ba??..
Ako: Wala kayong alam..
Lee: You cant tell na wala kaming alam dahil baka nakakalimutan mong kami ang mga kasama mo sa panahong nagluluksa ka??!!..
Ako: ..........
Tama ang pagkakabasa niyo, Namatayan ako ng Girlfriend.. maraming taon na din ang nakakalipas simula ng lumubog ang barko na sinasakyan nila.. June 21, 2008 MV Princess of the Star, nabalitaan niyo naman yun siguro. ilang weeks din iyon Headline sa newspaper at laman palagi ng balita. Lumubog ang barkong iyon sa Romblon dahil sa bagyong "Frank".. Halos gumuho ang mundo ko nung nabalitaan ko yon sa TV.. Ayoko pa sana nun maniwala, pero their Relatives Confirmed it na totoo nga.. Pupunta sana sina Camille sa Cebu dahil may nabalitaan daw sila tungkol sa hinahanap nilang kamag-anak.. Hindi ko alam kung bakit pa kaylangan ni Camille na pumunta ng personal dun pero importante daw na tao ang hinahanap nila.. Wala din naman akong magagawa kung pipigilan ko pa siya.. Dapat sana kasama ako nun. Dapat pala sumama ako para maproktektahan ko siya! sana pala sumama na lang ako para hanggang ngayon ay buhay pa din sana si Camille.. Si Camille ang mundo ko. Ang buhay ko. Halos mabaliw ako nun sa kakaisip. Buti na lang at nasa tabi ko ang barkada ko para umalalay sakin at para bigyan ako ng payo nung mga time na yun.. Kahit ilang taon na ang lumipas ay di parin iyon mawala sa isip ko.. Ang laki ng pagsisisi ko at hanggang ngayon ay sinisisi ko pa din ang sarili ko sa nangyari sa kanya.. Kung maibabalik ko lang sana ang oras.
Osha! tama na muna ang drama!!. Nasa bahay na ako.. As usual, ako lang mag-isa. Wala kasi ang parents ko dito. Lahat sila nasa ibang bansa na nag-migrate at ako na lang ang natitira dito.. Buti na lang at nandito si nanay Eli ang nanny ko simula pa pagkabata para mag-asikaso ng bahay.. Kadalasan kasi, kung wala ako sa MD Underground, nasa puntod lang ako ni Camille naka-standby.. Wala lang, Nakikipag-chikahan sa kanya..
Agad kong tinungo ang ref para sa icebag na itatapal ko sa sinapak ni Witch, masakit na kasi. Ang lakas talaga ng babaeng yon!!, Parang di babae eeehh..
Matapos naman akong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para tignan ang phone ko kung may text na galing kay Lee, binigyan ko kasi siya ng Assignment niya at hinihintay ko ang resulta nun.
Maya-maya pa ay nakatanggap na nga ako ng resulta galing sa pinagagawa ko sa kanya. Maaasahan talaga siya kahit kaylan..
[ SUMMER's POV ]
"Bwisiiiiiiiitt ka talaga Cody! aarrrrggggg!"
To tell you honestly, kanina pa ako mukhang tigreng nagwawala dito sa kwarto ko.. naitapon ko na lahat ng unan pati ang comforter na sobrang bigat ay naitapon ko din at yun! nagkalat na lahat sa sahig.. Kasama ko ngayon si Alexa, at halos naka-nganga lang sya habang pinapanood ang expert kong pagkakalat..
"Hanep Summy.. galing mo pala magkalat? paturo aahh?!" Sabi niyang natatawa.
"Tumahimik ka nga dyan! nabubwisit lang ako sa pagmumukha nung lalaking yun! ang yabang yabang akala mo naman kung sino!!!"
Sagot ko. Sobra na kasing nakaka-imbyerna ang mokong na yon!!..
"You really dont have any idea kung sino siya?? seryoso kaba talaga na dimo siya kilala?"
Halos hindi niya makapaniwalang tanong sakin. As if naman na kilala ko talaga yung bakulaw na yun!!..
"Do you think na magkakaron ako ng interes na alamin kung sino siya? such a waste of time!" -ako
"Ikaw na talaga Summy, Ikaw na ang walang pakialam sa mundo!!" -Alexa
"Wow naman!!, di ko lang siya kilala, wala na agad paki sa mundo? Heavy aahh? Sarcastic kong sagot.
"Ganito kasi yun Summy, Cody Sebastian is one of the Hottest Guy in St. Ferg University alam mo ba yun? nagmomodelo din siya sa isang Sikat na Brand ng Underwear at naging Endorser ng isang Sikat na Magazine. Actually, lahat naman silang magkakabarkada but si Cody lang talaga yung nangingibabaw.. He's sooooo sexy! kamukha niya kasi yung isang korean actor na si Kim Myung-soo, kaya di nakapagtataka na ang daming nababaliw sa kanya at sa kagwapuhan nya??!! diba nakakamangha?"
Nakita ko kung pano halos tumulo ang laway ni Alexa habang ini-isa isa niyang banggitin ang tungkol sa background ng mokong na yon..
So, sikat nga pala talaga siya??!
" So. anong masasabi mo??.." Tanong nya sakin habang itinataas baba niya yung kilay niya.
Gusto ba talaga ng babae na to' na malaman kung anong iniisip ko??.. pwes, pagbigyan!!!
"Okay." -ako
Napa-facepalm na lang si Alexa matapos nyang marinig yon sakin. Ano bang inaasahan niya na magkakandarapa ako kaka-praise sa taong yon??!!.. The nerve!!..
"Mygaaad, Summy!! sang' planeta kaba nanggaling at hindi mo siya kayang i-appreciate??.. Walang tao sa university na hindi kilala ang pangalan na Cody Sebastian!" -Alexa
"Meron." -ako
"kung meron man..Sino??" -Alexa
"Edi, ako!" Sabay tawa ko, yung evil laugh talaga!
Biglang nahinto ang pagtawa ko ng biglang tumunog ang Cellphone ko. Nang tignan ko ito ay unknown number. Hindi ko sinagot kasi hindi ko kilala kaya naman pinabayaan ko muna.
Ilang sandali pa ay nag-ring ulit siya at same number pa din.
Nakanang! ang kulit! sino ba kasi siya at kailangan pa tumawag??!!..
Maya-maya pa ay hindi ko na natiis at kinuha ko ang Phone ko na ring pa din ng ring..
Nag-excuse ako sandali kay Alexa para sagutin ang Tawag.
"Hello? -ako
"Hoy, Witch!!" -kabilang linya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top