Chapter 35

[ Cody ]



Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.. pakiramdam ko ay mabibiyak din ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Pinilit kong bumangon dahil kailangan. May presentation kami ngayon sa isa naming subject kaya naman hindi pwede na wala ako since ako ang magpepresent para sa grupo namin.. Pagkabangon ko ay agad akong dumiretso sa banyo para makaligo na.


"Sh*t!"

Napamura ako nang makita ko sa salamin ang gilid ng labi kong nangingitim, dagdag pa nang pasa sa tagiliran ko.

f*ck, mukha pa ba to?


Muli kong tinignan ang repleksyon ng sarili ko sa salamin..

Sa mga pasa ko sa mukha at sa ibat-ibang parte ng katawan ko, F*ck! what am i thinking last night?


What were you thinking Cody Sebastian?


Yung mga tanong na iyon ang tanging bagay na dapat kong itanong sa sarili ko. sabagay, hindi ko din masisisi ang sarili ko kung bakit ganun na lang ang naging reaction ko lalo na sa mga nalaman ko kagabi...

Sinong hindi mabibigla sa mga nangyari kagabi?

Ang matagal nang nawawalang anak ni Uncle..

Ang kapatid ni Camille..

Ang nawawalang tagapagmana ni Uncle.

Walang iba kundi ang babaeng dalawang taon kong kinasasabikan.. Ang babaeng laging umuukopa sa isip at puso ko..

Si Summer..


Pagkalabas nya ng stage ay halos magunaw ang buo kong pagkatao, hindi lang ako, maging sina Dash ay napatayo din sa gulat.. pare-parehas kaming halos hindi makapaniwala sa nakikita at nalaman namin..


Who would have thought na si Summer ay isang Brazero?

Anak ng Isa sa pinaka-tanyag, pinaka-kilala, isa sa pinaka-maimpluwensyang tao na nabubuhay dito sa mundo..

Pero- Pano nangyaring anak sya ni Uncle?

Hindi ba isa syang Akiyama?

Hindi ba kapatid sya ni Sir Gayle?


Samut-saring tanong ang bumaha sa isip ko. Nalilito ako at pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na lahat ng nakita at nalaman ko ay totoo ay may naghihintay na kapaliwanagan..


Pero ano pa man iyon, ay hindi na mahalaga sa ngayon.. Hindi mahalaga sakin kung ano sya at sino sya..

siya parin si Summer.. Ang babaeng mahal ko.

Hindi na ako manghihingi ng anumang kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.. Isa lang ang importante ngayon..

Nandito si Summer... Nandito na sya..

Hindi na ako nagdalawang isip at agad kong nilakad ang daan patungo sa stage kung saan sya nakatayo, Narinig kong tinawag pa ako nila Dash pero, hindi ngayon oras para pakinggan ko sila. I want Summer so Badly.. Akala ko ay tuluyan na akong makakalapit sa kanya.. Akala ko ay muli kong maririnig ang boses nya..


Pero hindi pala, Dahil hindi pa nga ako masyadong nakakalapit sa kinaroroonan nya ay agad akong napigilan ng isang guard.. nagpumiglas ako pero wala akong nagawa dahil inambahan ako agad ng suntok sa mukha. Agad naman sumaklolo sakin sina Clint pero agad din na may humarang sa kanila.

Matapos nun ay muli akong tumayo..

t*ngna! gusto kong makalapit kay Summer..

Gusto ko syang malapitan...

muli akong sumubok na makalapit sa kinaroroonan nya pero agad naman akong nakatanggap ng isa pang suntok..

muli akong tumayo, hindi ko na ininda ang sakit sa parteng iyon.

walang suntok ang makakapigil sakin para makasama si Summer!


Walang kadala-dala akong muling tumayo, pero hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ay nakatanggap ako ng tadyak sa tagiliran ko na naging dahilan para mapahiga ako ng tuluyan..


Nanghihina man dahil sa mga suntok at tadyak na natamo ko ay unti-unti akong bumangon.

Nanginginig ang mga kamao ko.


T*ngna!

Gusto ko lang naman makasama si Summer..

Gusto ko lang naman Mayakap sya..

Gusto ko lang naman na muling maamoy ang amoy ng buhok nya..

Gusto ko lang naman muling mahawakan ang mga kamay nya..

yon lang naman ang hinihiling ko!

T*ngna!

hindi ba nila maintindihan iyon??


Naiiyak at Nanghihina man ay muli akong tumayo ng tuwid,


P*tang *na! walang pwedeng pumigil saken, kahit pa sinong Poncio Pilato!


Lakas loob akong sumugod sa taong naglakas loob na harangan ako, Pero tila isa akong apoy na nagliliyab na bigla na lang nawalan ng init ng mahagip ng mata ko si Summer..


She was Looking at me straight right into my soul..

tila biglang napunta akong muli sa pananginip ko last time sa pagkakatitig sa mata nya, tinititigan nya ako with her Cold Eyes..


Lahat ng sakit na natamo ko, lahat ng suntok na natanggap ko ay parang Biglang nawala sa isang iglap ang sakit pagkakita ko pa lang sa kanya..

seems like her presence is my remedy..


Hindi ko na inalis ang pagkakatitig ko sa mata nya.. Ayokong kumurap dahil baka mawala na naman sya.. Ayoko nang mangulila.. Ayoko nang mabaliw kakaisip kung nasan sya..

ayoko na!


Pero, hindi naman ako author ng kwento na to na magpapasya kung anong mangyayari..


Ang pagtama ng mga paningin namin ay tila isang kwento sa panahon na hindi kami nagkasama...


Those eyes of her na masyado kong namiss.. yung mga titig nyang iyon.. Gusto ko na ulit marinig ang boses nya, yung pag-iingay nya.. yung pang-aaway nya sakin.. Lahat! pero, tulad ng mga kwento ay may kanya-kanyang hangganan.. sa Isang iglap lang ay naputol ang kwentong iyon ng may dumating at Mabilis na may humila kay Summer palayo, kasunod nun ay maraming mga guard ang nagsidatingan para harangin ako.

ilang beses kong sinubukang sundan ang paningin nya pero marami nang nakaharang... Masyadong marami para masilayan ko sya..

Ilang beses kong tinawag ang pangalan nya..

nagpumiglas ako para muling makita sya..

muli ay tinawag ko ang pangalan nya..

pero, hindi na sya lumingon..

At dahil sa nagpupumiglas ako ay nakatanggap na naman ako ng isa pang suntok sa tagiliran ko at isa pa sa kabilang pisngi ko. That time ay tila walang nagawa sina Clint para tulungan ako dahil marami ding mga guard ang nakaharang sa kanila at pinipigilan sila para lapitan ako.

Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng pagkasa ng baril at parang alam ko na ang susunod kaya napapikit na lang ako..


Ilang sandali akong naghintay sa pagputok nun, pero nung sa pagdilat ko ay ang nagtatalong guard ang nakita ko, yung lalaking unang sumuntok sakin hawak-hawak ang dulo ng baril ng isang guard na nakatutok sakin. Pinipigilan nya ito sa pagpapaputok. Pinagmasdan ko lang sila na tila nagsusukatan pa ng tingin. Ilang minuto pa nga ay agad na binuweltahan ng suntok sa mukha nung lalaking sumuntok din sakin ang guard na katitigan nya, agad naman itong napahiga malapit sa tabi ko.

gulat naman akong muling napatingin sa kanya..


"My name is Czar.. Pasensya na kung umabot pa tayo sa ganito... We're just here to protect her. I hope you understand." Walang emosyon nyang paliwanag.

Nung una ay akala ko na yung bumagsak na guard ang kinakausap nya pero nung muli akong napatingala ay napagtanto kong ako pala ang kinakausap nya.


Hindi na ako nakapag-react nang tumalikod na yung lalaki.. pero bago pa man ito tumalikod ng tuluyan ay may sinenyas muna ito sa likod. ilang sandali pa nga ay buong pag-aalala akong dinaluhan nina Lee at nagtulong-tulong sila para patayuin ako.


Matapos nun ay Dumaan muna kami ng Ospital right after naming makaalis sa lugar na yon.. After masiguro na walang fracture sa gilid ko ay nagpasya na kaming umuwi. Pagdating naman sa bahay ay katakot-takot na sermon ang inabot ko sa tatlo.



"What were you thinking? Pare, You almost died out there!" Sigaw ni Clint sakin na pabalik-balik sa paglalakad. Nakikinig lang ako. Nasa kusina naman si Lee dahil kumuha ng yelo para itapal sa mga pasa ko. Si Dash naman ay ang first Aid kit ang kinuha.


"Pare naman, pare-parehas tayong nagulat.. pero marami pa namang pagkakataon na makita natin sya.. paano kung pinaputukan ka nung g*gong guard na yon? paano ha? anong gagawin namin? Pare, isipin mo naman kaming mga kaibigan mo kung ano ang mararamdaman namin kung mapahamak ka!" pagpapatuloy nya.


Naiintindihan ko naman sila. Sadyang tanga lang talaga siguro ako. Nagiging tanga ako. Lumalabas ang pagiging tanga ko pagdating kay Summer..


"Pasensya na kung.. kung pati kayo nadamay..." Mahina kong sabi sabay yuko. Sa totoo nyan ay nahihiya ako sa kanila.


"Pare, wala naman kaming pakialam kung madamay man kami eh, sanay na tayo dyan! Ang hindi namin kayang makita ay yung mapahamak ka at alam mo ang pinakamasakit na part? -yun yung wala kaming nagawa kanina para pektusan ka sa kagaguhan mo kanina.." naging mahinahon na si Clint sa pagkakasabi nun..


Matapos naming apat makapag-usap ay nagkanya-kanya na sila ng uwi para daw makapag-isip ako ng maayos at makapag-pahinga na din daw..


Makapag-isip? Na alin?

Makapag-isip na mali ang ginawa ko kanina? Kahit pa sigurong isipin nila na mali ang naging hakbang ko para makalapit kay Summer, kung para lang sa kanya ay paulit-ulit ko yong gagawin hanggang sa makuha kong muli ang atensyon nya..


Matapos kong makapagpalit ng damit ay malaya kong inihilata ang katawan ko sa higaaan. Hindi ko na alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang nakatulog.





****





"Guys, Rinig nyo na ba yung balita ngayon?"


"Anong balita?"


"Si Prince Cody, Nanggulo sa party ng Brazero last night.."


"What?"


"Yupp, balita ko nabugbog daw nga daw sya eh.."


"Oh,my.. kawawa naman ang prince naten!"


"Sabi mo pa!"


"Pero, bakit daw?"


"Ewan ko, hindi inilabas ang buong detail eh.."


Ilang lang yan sa mga usapan ng mga chismoso at chismosa na narinig ko pagkapasok ko pa lang ng SFU.. Sa gate pa lang ay nakatanggap na ako ng mga katakot-takot na mapanghusgang mga titig na ibat-iba ang reaksiyon..

Pero- wala akong pakialam sa kanila!

Imbes na pag-aksyahan ko sila ng pansin ay agad na ako dumiretso sa Classroom.. mas maganda dun, takot ang mga tao pag-chismisan ako.


Akala ko ay matatahimik na ako pagkarating ko dito, pero hindi pa man ako gaanong nakakapasok sa loob ay rinig ko na ang mga usapan tungkol sa nangyari kagabi. Halata mo talagang pag-ikaw ang pinag-uusapan dahil once na maramdaman nila ang presence mo ay agad silang matatahimik.


"Uy, Cody.. Nandito kana pala?" Pagpuputol ni Lee sa Tensyon. "Buti na lang dumating kana. kokopya ako sayo eh!"


Tss.. Kahit alam kong bentang-benta na ang palusot ni Lee ay sumakay na lang din ako. Ayoko naman na buong araw akong pag-usapan.


"Wag' mo nang intindihin yung mga classmate naten.." paalala sakin ni Dash.


"Wala din akong oras para sa kanila.." sagot kong inilapag ang bag ko.


"Kamusta nga nga pala yung mga pasa mo?" Lee


"Eto, pasa pa din.." Pamimilosopo ko na sinumulang halukayin ang bag ko.


"Nasaktan kana at lahat, pilosopo ka pa din, pero atleast, medyo bumalik na yung Cody na nakilala namin." Makahulugang usal ni Clint.


Nahinto ako sa pagkalkal sa bag ko sa sinabing iyon ni Clint. One time nabanggit nila sakin lahat ng mga ugali kong nabago simula nung umalis si Summer. Pero sinong hindi mababago kung ang pinaka-malaking part sa buhay mo ay mawala?


Ilang sandali pa nga ay dumating na ang prof namin para sa first subject sa umaga, pero bago pa sya nakapagsimula ay may pumasok na man na isa pang prof at may ibinigay kay Mr. Pacheco na agad nagkunot ang noo pakabasa nun.


"Anong ibig sabihin nito?" nalilito nyang tanong sa babaeng prof.


"Ewan ko ho, pinabibigay lang ng Dean, then inutusan lang ko na ibigay yan dito.." Paliwanang nung isa pang Prof na nakatayo lang sa gilid nya.


Ilang sandaling nanahimik si Mr. Pacheco bago kami hinarap.

He cleared his throat bago nagsalita.


"Class, i have a very important announcement to make.." panimula nyang muling sinulyapan yung katabi nyang prof na para bang nanghihingi pa ng kasiguraduhan kung sasabihin na nya ito sa amin or hindi.


"Today, we'll be having a New Student in our Class.. She's an Exchange student from Fordham University, New York-"


"Sir? Babae po?" hindi pa man nakakatapos ng pagsasalit si Prof ay may nagtanong na agad.


Kita ko namang napa-pokerface si Mr. Pacheco. "SHE nga diba? Shunga lang?" hirit naman si Sir. Napakamot naman ng ulo yung nagtanong.


"Anyway, She'll be here any moment from now.. For now, let's start the class while waiting..."


Pagkarinig nila Dash ng 'SHE' ay para namang sabay-sabay na nagpantig ang mga tenga nila.. Langya! kung makikita lang ng mga Girlfriends ng mga ugok na to ang mga ngisi nila ngayon, paniguradong malilintikan talaga tong tatlong to!


"Pare, babae daw!" Lee


"Maganda siguro.." Dash


"Tungek, galing lang ng ibang bansa, maganda na?" sagot naman ng forever Dianne na si Clint.


"Ano kaba? Kutis ang pinag-uusapan dito!" Dash


"Edi sana sinabi nyong MAGANDA SIGURO ANG BALAT?, ganun dapat!" Pagrereklamo ulit ni Clint.


"Tsss! Wag ka nga!" asar na pagpuputol ni Lee, Lagot talaga to kay Alexa.

Habang naghihintay ay nagsimula na kami sa klase.. himala nga at nag-dicuss ngayon si Mr. Pacheco na most of the time ay binibigyan lang kami ng susulatin or ire-review..


Tulad nga ng inaasahan ay pinasulat muna kami ng ilang page bago sya nag-discuss at bago din ako tinawag para sa reporting.


Nasa Kalagitnaan ako ng reporting ng mapahinto ako dahil pakiramdam ko ay wala na sa akin ang atensyon ng mga nasa harapan ko kundi nasa Entrance na nang Classroom. Napasulyap ako sa gawi nila Clint at tulad din ng karamihan ay ganun din ang naging reaksyon nila..


Wala naman sa sarili kong napalingon din sa gawing iyon..


Ang Ballpen at libro na hawak-hawak ko ay agad kong nabitiwan nung makilala ko kung sino iyon.


Walang emosyon ang mga mata nya na tinitigan lang ang buong klase, maging si Mr. Pacheco ay kita kong tulala din pagkakita sa kanya..





"S-Summer..." Mahina kong usal sa pangalan nya.


Nagsimula syang pumasok sa room namin at nagpatuloy sa harapan ng mga taong naka-tulala lang sa pagkakatitig sa kanya at halatang gulat na gulat.

Aminin ko man or hindi pero Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko knowing na huminto sya sa harapan ko pero hindi man lang sya nag-aksaya ng panahon para sulyapan man ako.


"I think that all of you already know who i am because i once became a student here... but still, for the sake of formalities, let me introduce myself to you again.." She started smoothly.


"My name is Summer... Summer Brazero. Please to meet you.." she announced na nagyuko ng bahagya.


Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang Apelyido nya dahil kagabi pa ako gulat na gulat ng malaman ko na anak sya ni Uncle Virlourd.

Pero, tulad ng inaasahan ay naging maingay ang Buong klase pagkarinig nun. Hindi na rin ako magtataka kung bakit naging kagulat-gulat ang anunsyong iyon sa lahat.



"Boss!"


"Boss Summer!"


"Pillow!"


Sabay-sabay na tawag nung tatlo na tuwang tuwa. Muli kong nilingon si Summer at nandun ng ngiti nyang matagal kong hindi nasilayan pagkakita sa tatlo.

Mga ngiti ng Summer ng nagustuhan ko.

Yung ngiti nyang nakakawala ng pagod.

Para namang bata yung tatlo na sinalubong si Summer at niyakap.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng inggit dun sa tatlo. Malaya nilang nakakausap si Summer.. Malaya nilang nahahawakan at nababati. Samantalang ako. Hindi pwede.

Masyadong makapal ang pader na nakapagitan sa aming dalawa..

Yon ang sabi ni Boss Gayle ilang taon na din ang nakakalipas.

Ang mga sinabi nya sakin 2years ago ay ang mga salitang paulit-ulit kong nire-rewind sa utak ko.

Ang salita nyang iyon ay hindi pwedeng baliwalain ng basta-basta lalo na ngayon sa posisyon ko. Ayaw ko man or sa Gusto, pero kailangan ko nang limitahan ang nararamdaman ko sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko.

Ayoko na sana alalahanin iyon pero, yun ang katotohanan na kailanman ay hindi ko pwedeng takasan at talikuran bilang OPISYAL na pinuno ng Mugen-DAi.




******




"So, bumalik pala sya sa SFU?" tanong sakin ni Gayle habang tungga-tungga ang huling bote ng wine na iniinom nya. He looks Wasted right after nyang malaman na anak ni Mr. Brazero Ang kapatid nyang lubos nyang minahal at inilagaan.


"Yeah, and she's so... Different this time." Sagot ko na biglang nag-pop up sa utak ko ang mukha ni Summer.


"She's always different.." makahulugan nitong sabi na sumilip sa bintana, ilang sandali pa nga ay nagsalin sya ng wine sa baso at ibinigay sakin iyon.


"Kamusta na yung mga pasa mo?" kinuha ko ang wine at agad iyon na ininom.

Pagkalunok ko sa likidong iyon ay saka ko lang na-realize na hindi lang pala si Gayle ang tila nakakaramdam ng pagluluksa.. Ako din pala.


"Okay na.." tipid kong sagot.

matagal nya muna akong tintigan na tila ba ine-eksamin pa ang facial expression ko.


"I warned you not to go, right? pero hindi ka nakinig sakin, tignan mo nangyari sayo?" halata na sa boses nya ang kalasingan.


Hindi na din nakapagtataka dahil pagdating ko palang dito ay apat na botelya ang nakita kong nagkalat sa sahig. Buti na lang at namalagi na si Gayle dito sa Old Watt Mansion. Medyo natatawa parin ako everytime na maalala ko kung paano ako namangha pagkakita nitong Mansion noong kasama si Summer. Dati rati ay hindi ako pwede pumasok dito, pero ngayon, malaya na akong naglalabas-masok sa Lugar na ito, nakakapunta na ako dito kahit kailan ko gustuhin.

Naupo ako sa tabi ng table nya at pinagmamasdan lang syang nakasandal sa swivel chair nya.


"Masaya ka ba, Cody?" Mahina nyang tanong sakin habang nakatitig lang sa kawalan.


Natanong ko na din ba ang sarili ko kung masaya nga ba ako lalo na ngayon at nakita ko na ulit si Summer?


Ang muli naming pagkikita ay hindi ibig sabihin na magiging masaya na ulit ang lahat.. Sa dalawang taon na pagkawala nya ay maraming nagbago.. maraming nadagdag.. kaya naman alam kong darating ang pagkakataon na to na kahit magkita man kami ay parang wala ding mangyayari dahil parehas ng may limitasyon ang lahat.. Kaya nga kahit nakita ko na sya ay hindi ko pa rin masabing masaya ako. Matagal nang panahon ang nakalipas nung naramdaman ko iyon.. Kung kailan? -yon ang hindi ko na matandaan, pero isa lang ang alam ko nun, nasa buhay ko pa nun ang babaeng mahal ko.

Nasa buhay ko pa si Summer at wala pang limitasyon ang sayang mararamdaman ko nun..


"Hindi.." i said with full honesty.


"Such an Honest answer from a kid.." he said then laugh sarcastically.


"So, Naiintindihan mo na ba yung mga sinabi ko sayo 2years ago?" muli nyang tanong.


Yeah, natatandaan ko pa.. tandang-tanda ko pa yung mga time na yun na halos mabaliw ako nung nalaman ko ang lahat. Na para bang bigla akong nawalan ng lakas dahil sa nalaman ko. Dahilan kung bakit ko pinilit ang sarili kong wag maghanap at mangulila.

Masyadong masaklap ang katotohanang iyon..

The Uncle i Knew, is actually Leader of the the Mugen-Dai's greatest Gang Rival.

Sinong mag-aakala na Sya pala ang Namumuno sa Gang na Kinasusuklaman ng Grupo namin? Dahilan kung bakit namatay noon sa aksidente ang mga magulang ni Gayle.

Hindi ko pa maintindihan nun si Gayle kung bakit sinabi nya sakin na kung may balak daw akong hanapin si Summer, as mas mabuti na lang na wag' ko na lang ituloy.. noong una ay naguguluhan pa ako dahil kapatid nya si Summer at hindi ko alam kung bakit nya nasasabi ang mga bagay na ganun.. Pero ngayon, naiitindihan ko na..

Naiintindihan ko na yung sinabi nya sakin na 'hindi kami nararapat ni Summer para sa isa't-isa.. Hindi daw sya ang babae na para sakin...'

Naalala ko pa kung paano pa ako nagalit sa kanya nun nung sinabi nya sakin yun ilang araw pagkawala ni Summer, naisip ko pa na wala syang karapatan na sabihin sakin kung sino ang nababagay sakin or hindi.. Pero ngayon, alam ko na..


"Ngayong ikaw ang tumatayong leader ng Gang.. Alam mo dapat ang limitasyon mo Cody... Avoid her and that's an order!"


Hindi ako sumagot bagkus ay tumayo na ako at tinungo ang pintuan. Palabas na sana ako ng muli syang magsalita.


"Kahit naman sabihan kita na iwasan sya, i know.. time will come that your path will cross.. again and again and again.. remember that, Mugen-Dai Leader."


Diko man aminin, alam kong mangyayari iyon..


"I know.." yun lang at umalis na ako.


Alam ko na kahit anung gawin ko, magkikita at magkikita parin ang mga landas namin.. pero everytime na mangyayari iyon, sana lang ay alam ko ang dapat kong gawin..


sana lang...










itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top