Chapter 2


Tulad nga ng inaasahan ko.. Late nga ako.

Bwisit kasi na lalaking yon!!.. antipatiko na, ang yabang pa!!.. dahil sa kanya mas na-late ako lalo!!..

Sumilip muna ako sa gilid ng pintuan ng room namin. Nagsisimula na nga sila sa exam.

Mula sa labas ay nahagip ng mata ko si Alexa, siya yung medyo nerd din na sosyal kong friend. Classmate na kami since Gradeschool kaya naman halos lahat ng bagay ay napagkakasunduan namin.. Nakita niya din ako mula sa pagkakasilip ko at sinenyasan ako na pumasok. Muli akong sumilip at kita kong nakatalikod si Starwax. Kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at dahan-dahan akong Pumasok..

Pero, Hindi pa man ako nakaka-limang hakbang ay nadinig ko ang "Ehem" ni starwax..

Patay ako! -ito na yun!

Unti-unti akong humarap at kita kong nagsalubong ang kilay niyang mas makapal pa ata sa akin..

"Why are you late? I've been waiting for you since earlier." Tanong niya na nakikinita-kinita kong para na siyang toro sa galit.

Ako? hinihintay? Kelan pa?

Medyo nataranta ako kasi Hindi ko alam kung anong isasagot ko.. Dapat ko bang sabihin na may nakabunggo akong sobrang yabang at bastos na gorilyang pogi sa corridor ng building at tumilapon ako at nag-away kami kalaunan? Or dapat kong idahilan na kasalanan to ng alarm clock ko which is ginawa ko na din na dahilan last time?

Ewan! Diko na alam! Parang naubusan na kasi ako ng isasagot.

Dapat pala mangolekta na ako simula ngayon na pwede kong idahilan kada late ko..

Tumikhim muna ako at tumayo ng tuwid.


Keri ko to!


" Kasi Sir- "

" Im sorry Sir.. Nag-away kasi kami ng Girlfriend ko kaya natagalan... Pasensya na po. Di na mauulit."

Naputol ang pagsasalita ko ng may biglang nagsalita sa likod ko..

Unti-unti kong inikot ang paningin ko at ganun na lang ang gulat ko ng makilala ko kung sino yon.

"sdsdffggdfdf!" impit na pagmumura ko sa loob ko

Bwisit! siya na naman?

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya habang nakatayo pa din kami sa may entrance ng Room.

"I should ask you the same question. Ano bang ginagawa ng creature na katulad mo dito? Wala namang Witchcraft na subject dito aahh?" Sagot niya sa akin na nagsimula na namang magsalubong ang kilay niya.

Anak ng-

" Creature? Ako?Creature? " Tinuro ko yung sarili ko. "Alam mo Kung nandito ka para bwisitin ako, mag-isip isip kana, kaya chupi! -alis! " pagtataray ko.

Tinapatan ko na ang temper niya. Akala niya aahh?!

"Kung gusto mo.. ikaw na lang ang umalis! Maawa ka nga sakin.. Sira na nga ang araw dahil sa ka-pangitan mo, idadamay mo pa ako!"

"Ako talaga? hindi mo ba itatanong kung hindi din ba nasira ang araw ko dahil sayo?" Medyo mataas na ang boses ko.

Waahh! nakakabwisit na talaga siya! pikang-pika na ako sa kanya! Patawarin na lang ako kung mahambalos ko to sa sahig ng wala sa oras!

"Ehemmmm!!"

Nahinto kami bigla sa pagtatalo ng marinig namin iyon mula kay Sir.. Napatingin din kami sa mga classmates namin na kanina pa pala kami pinagtitinginan..

Biglang naglakad si Sir papunta sa direksyon naming dalawa at ng makalapit na siya sa amin ay tinitigan niya muna kami bago muling nagsalita.

"What the hell happened to your face Mr. Sebastian?" Tanong niyang tila ine-eksamin ang pasa sa gilid ng labi ng lalaking mayabang.

Agad naman akong kinabahan dahil baka sabihin niyang ako ang gumawa non.. pepektusan ko talaga to pag nagkataon!

Naku! Sa tanang buhay ko, hindi pa nailalagay ang pangalan ko sa listahan ng mga basagulera at basag-ulong estudyante dito at kung nagkataon ay ngayon pa lang dahil sa walang kwentang lalaking to' na ubod ng yaman sa yabang!

Nakita kong hinawakan muna nya ang medyo nangingitim nyang pisngi habang tinapunan ako ng masamang tingin..

"Nasampal po kasi ako ng Girlfriend ko dahil nahuli akong may ibang babae." Sagot niyang bahagya akong sinulyapan.

Matapos niyang sabihin yon ay nakarinig ako ng "Whoah.." sa mga classmate kong lalaki.. may nakita pa akong pumalakpak.

Yung totoo??.. mga abnormal ba itong mga classmate ko??.. Ganun ba talaga kalakas ang points kapag nasapak dahil sa babae??..

Tsaka tenga nga, ano yung sinabi nya? Nasampal ng Girlfriend niya??..

Ako ba tinutukoy nyang Girlfriend??.. Kapal naman niyang Akuin na Girlfriend niya ako??!!!..

Over my dead and..

and..

and..

just body! di ako papatol sa kanya noh!

"i see.." Sabi ni Starwax na biglang inilipat ang tingin sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Nakakainsulto din tong' kalbong ito ah!

"It's really obvious na meron nga kayong problema.." Dagdag niyang medyo nakakainsulto akong nginitian.

Ako ba iniisip niyang Girlfriend nang bakulaw nato??.. Swerte naman kung ako pa magiging Girlfriend nya!!.. Para syang nanalo sa lotto!!..

"Kung mamalasin ka nga naman.. tsk!!" Halos pabulong nyang sinabi na obvious naman na pinaparinggan ako.

"Ako ba pinag-sasabihan mo ng malas??.." Sagot ko sa kanya.

He smirked at tinignan ako ng nakakabwisit na tingin.

"Hindi. Pero kung tinatamaan ka, Hindi ko na kasalanan yun!" Ganun na lang ang ngisi niya ng makita akong nanggagalaiti sa galit.

Bago pa man ako makapag-salita ay nagsalita na si Sir Pacheco slash Starwax..

"Before anything else, I have an announcement to make Class. Mr. Cody Sebastian will be joining our class from now on." Pag-a-announce ni Sir.

Matapos ang announcement na iyon halos matanggal ang Eardrums ko sa narinig kong mga tilian at parang nagpyesta ang buong classroom namin dahil sa narinig nila, lalo na nang nga babae..

Sa announcement ni Sir ay dun ko lang nalaman na Cody pala pangalan ng bakulaw nato..

Siya pala yung sinabi ni sir kahapon na ita-transfer dito samin..

Classmate na pala kami.

Teka- Classmate??..

Seryoso??..

T_T



[ CODY's POV ]

Maaga akong pumasok ngayon sa School dahil yon ang usapan namin ni Mr. Pacheco.. Mga gago kasi sina Grey at Lee, kung hindi sana sila napasubo sa away nung isang gabi ay hindi sana ako tutulong sa Rambol at hindi na sana ako mapapalipat ng Room.. Pano ba naman kasi hindi ako mapapasali, dalawa lang sila Compare sa mga kalaban nilang lagpas sampu ang bilang.. Nasa Bar kami nung gabing iyon at napag-tripan ni Lee yung babae na girlfriend pala nung isa sa sampu.. Ayan tuloy! Headline kinabukasan.. After pa nung nangyari, pinatawag ako ng Gang at napagdesisyunan na ilipat ako, Classmate kasi kami nina Grey at Lee at napaka-unfair kasi ako lang ang inilipat..

Masyadong maaga nung nakarating ako sa University kaya naman napagdesisyunan ko na matulog muna sa isa sa mga spot na madalas kong tinutulugan.
Naging napaka-himbing na tulog ko at nagising ako ilang minuto na lang bago magsimula ang klase.. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at tama ding pagliko ko ay may bumangga sa akin at kita ko kung pano siya tumilapon.. Sa pagkakabunggo namin ay nabitawan ko naman yung mga libro ko na agad ko din dinampot.

Tinignan ko muna yung mukha niya at Shet!, Pangit siya at Baduy!!.. pintasero na kung pintasero pero yung ang nakikita ko.. yung suot niya, isang simpleng T-shirt na medyo malaki ang size sa kanya.. naka-jeans din siya at sneakers.. kung kulorete sa katawan, wristwatch lang ang napansin ko at naka-backpack pa siya na parang elementary.

Hindi ako magso-sorry.. PERIOD!! Wag na kayong magtaka, Dumidepende sa itsura ang pagso-sorry ko..

At siya? Super bagsak! super baduy! super panget!

Agad uminit ang ulo ko pagkakita ko pa lang sa makapal niyang kilay at napakalaking eyeglass na malaki pa ata sa headlights ng kotse ko, pagkaharap niya sakin and yucks! Parang hindi siya nagsusuklay sa itsura ng buhok niya.. buhaghag!!..

Naging napaka-init ng naging sagutan namin dahil sa sinabihan ko siya ng tatanga-tanga at ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla ko nalang nabanggit ang tungkol sa dibdib niyang pang kinder..Napansin ko kasi yun habang nagtatalo kami.. Hindi ako maniac pero ang liit talaga!!.. Nagdalawang isip nga ako actually kung babae ba talaga siya or hindi..

Hindi na siguro niya natiis ang sinabi ko sa kanya tungkol sa Bumper niya at gulat na lang ako ng bigla nya akong lapitan at sapakin... Bago paman ako maka-react ay tinalikuran na niya ako at naiwan akong parang lutang padin sa ginawa nya habang hawak-hawak ko ang bahagi na tinamaan niya.

Lang'yang babaeng yon! ang lakas naman ng loob niyang sapakin ako? Sa gwapo kong to, sasapakin lang ako? The fvck! hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya. Hindi pa naisisilang ang babaeng makakagawa sakin ng ganun! Humanda siya sakin! Hahanapin ko siya at pagbabayarin ko siya sa pagsira ng mukha ko sa araw na to!

Inayos ko na lang ang gamit ko bago ko tinungo ang Room ni Mr. Pacheco..

Patay ako nito!, ilang minuto na akong late, Late ako ng dahil sa impaktang babaeng yon na mukhang witch. May exam pa din ngayon at okay lang na wala akong review.. tutal naman sisiw lang ang exam..

Malayo pa ako ay may natanaw na akong babae na nakatayo sa may labas ng room.. Pasilip-silip pa siya at ilang minuto pa ay pansin kong dahan-dahan itong pumasok..

Hindi pa nga ako gaanong nakakalapit ay agad ko nang namukhaan kung sino yon..

Si Panget! at parang umaayon dn sakin ang tadhana dahil parang late din siya!!.. (evil laugh)

Agad kong binilisan ang lakad ko para naman kung mapagalitan ay di ako nag-iisa. Hindi pa man ako masyadong nakakapasok sa loob nakita na ako ni Mr. Pacheco..

Tinanong niya ako kung bakit ako huli sa klase at wala naman agad pumasok sa isip kong dahilan kung di ang pag-aaway namin ni Witchy girl.. Nag-isip muna ako bago ako sumagot. Kung sasabihin kong nakipag-away ako sa isang babae ay baka pagtawanan ako at baka isipin nila na bakla ako kasi pumapatol ako sa isang babae.. At dahil sa napaka-talino ko, naisip kong idahilan ay dahil sa nag-away kami ng Girlfriend ko.. Mas Kapanipaniwala at mas dramatic.

After kong sabihin yun ay narinig kong nag "Whoah!!.." ang mga classmate ko sabay ang iba naman ay nag-salute sign sakin..

Iba na talaga ang mga Gwapo!

At dahil sa Classmate ko pala itong si Witch ay magkakaron na din ako ng pagkakataon na makaganti sa kanya!!..

bwahahahaha!!!..

Makikita nya kung sino ang binunggo nya..



----> <----

Halu mga labs!!

Salamat sa mga sumusuporta sa STGL...

keep readingp po..

----> <----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top